Between Love and Desire (ON-G...

By mslittledreamer_

1.8K 95 6

si Amara Eloise Montevano ay lubos na nagmahal nang isang lalaking ituring na niyang mundo. Para sa kaniya it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 14

72 3 0
By mslittledreamer_

Wala na nga akong nagawa pa kaya nagpalit na lamang ako ng black pants at oversized shirt, at pagkalabas na pagkalabas ko ng wash room ay nakita kong nakahamba ito sa may pintuan.

"Satisfied?" Sinamaan ko ito ng tingin at inilagay ang dalawa kong kamay sa aking dibdib.

Sumilay na naman ang pag ngisi nito, kaya mas lalo akong nairita, pero infairness napaka gwapo niya.

Nagulat ako ng lumapit ito sa aking ng dahan dahan, kaya lumakad ako nang paatras hanggang sa ma corner niya ako sa may railings ng floor ding 'yun.

"Better." Mainit na bulong nito sa akin na siyang nakapagpanindig balahibo sa akin, kaya agad akong napalunok.

Agad ko itong tinulak ng may dumaan sa likod namin, tumikhim pa ako.

"Babalik na ako, baka hinahanap na ako ni Avery." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at tumakbo na ako sa may Rehearsal room.

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Anong nangyayari, Amara? Nagugustuhan mo na ba si Lucian? No, no, no! Hindi pwede 'to, hindi maaari.

Nang makarating ako ay naroon na si Avery at may mga kasamang mga bakla, noong una ay nagtaka si Avery dahil bakit iba na ang suot ko ngayon at ako naman itong nag dahilan na lang para hindi na humaba ang usapan. Kaya agad ako nitong pinakilala sa mga kasama niya na siyang mag aayos at magtuturo sa akin.

Lumipas ang higit na 2 oras na pananatili namin roon sa rehearsal room at napag pasiyahan namin na ituloy na lang iyon bukas sa mansyon, tutal weekend naman.

"Okay, that's it for today, darling." Ngumiti ito sa akin.

"Kaunting push pa, darling. Sure win na kayo." Kumindat pa ito sa akin at pumalakpak pa.

"O siya, sige na, bukas na uli." Ngumiti muli ito at tumalikod, aalis na sana ito ng harapin at tawagin akong muli.

"Don't forget to text me your address, darling." Iwinasiwas nito ang kaniyang pamaypay at saka kumindat.

Agad naman sumunod ang ibang kasama nito hanggang sa mawala na sila sa paningin ko, kaya naman napagpasiyahan kong magbihis na para makabalik na agad ako sa room. Nang makapagbihis na nga ako ay sakto naman na tumunog ang phone ko, kaya agad agad ko itong binuksan.

From; Unknown Number

Too possessive to let anyone saw every inch of you.

Nagulat ako sa nabasa ko, kaya agad kong binlock ang number na iyon at nagpasawalang bahala dahil sanay naman na akong nakatatanggap ng ganoong mensahe.

Agad ko ng tinapos ang paglalagay ko ng light make up, at pagkatapos ay sinukbit ko na ang aking tote bag at nagmamadaling lumabas, sakto namang papasok si Emver at ang mga alipores nito, kaya naman ay pinigilan ako nang mga ito.

Kamalas-malasang pagkakataon ng naman.

"Oh, you're here pala." Humarang ito sa pintuan at saka tinulak akong muli papasok sa loob ng wash room.

The nerve na itulak niya ako?!?! Okay, calm down, Ams. Inhale, exhale, inhale, exhale.

"What do you what?" Tamad akong humarap rito at saka ko inilagay ang dalawa kong kamay sa dibdib ko.

"Kanina pa kita hinahanap kasi may mag c-celebrate tayo, let say tama sila na ikaw ang pinili nila." Ngumiti ito pero alam ko namang ngiting aso lang 'yon.

Talaga lang, huh? Alam ko namang may pinaplanong hindi maganda ang mga ito.

"So, what is it?" Medyo iritable kong saad.

Sumilay ang ngisi nito at saka tumalikod.

"Girls!" Pumalakpak ito kasabay nu'n ang pagpasok nila Shein at Siarre.

Nabigla ako ng pagbabatuhin ako ng mga ito ng itlog, kaya naman ay isinangga ko ang tote bag ko, buti na lang at water proof ito.

"Stop!" Pagpapatigil ni Emver sa mga alipores nito, mga aso.

Dahan dahan lumapit sa akin si Emver at pinagtutulakan ako gamit ang kaniyang hintuturo, kaya napaupo ako sa sahig, nang mapa-upo ako sa sahig ay tumungo ito at kinuha ang baba ko saka itinaas ito para magpantay ang mukha namin.

"If i were you, hindi mo ako kakalabanin, dahil mahirap ako kalaban at madumi rin akong maglaro, kaya kong gawin ang lahat makuha lang ang gusto ko..." Pagbabanta nito saka binitawan ang baba ko.

Tatalikod na sana ito ng bigla kong patirin ang paa nito, nakakuha agad ako ng tiyempo para makatayo at sakto naman na nakita ko ang panlinis sa banyo, saka ibinuhos ito sa ulo nito.

Napangisi ako sa naisip ko.

"Mahirap pala, ayan lilinisin kita, tutal ikaw na ang may sabing marumi ka, diba? Ayan sa tingin ko naman ay malilinis ka na." Peke akong ngumiti rito.

Kinuha ko na lang ang tote bag ko at lumabas, bakas sa mukha nila Shein at Siarre ang pagkagulat ng makita nila si Emver sa sahig. What do they expect from me? ang magpatalo? No way.

Pagkalabas ko ng wash room ay tumingin muli ako kay Emver na ngayon ay nakaupo sa sahig na diring diri ay inaalalayan ng kaniyang mga alipores, kaya naman ay nginiti ang aso ko na lang ito at tumakbo papalayo roon, bago iyon ay narinig ko pa ang pag tawag ni Emver sa pangalan ko, kaya naman ay pinagtitinginan na ako ng mga hindi karamihang mga tao, dahil umuwian na rin iyon.

Nang makarating nga ako sa carpark ay nagulat sila sa itsura ko.

"Omg, anong nangyari sa'yo? Sino ang may gawa niyan, tell me?" Seryosong seryoso ang mukha ni Mich at saka hinawakan nito ang mga kamay ko.

"Amara, who the fuck do that to you?! Nag aalalang at nanggigigil na saad naman ni Reishi.

"Hey, ayos ka lang ba?" Lumapit sa akin si Avery at tinulungan akong punasan ang mga itlog na nabasag sa buhok ko.

Tumango na lamang ako at maya-maya pa ay may inabot sa akin si Maui na paper bag.

"For the mean time, ayan na muna ang gamitin mo. Maligo ka na muna at magpalit, at pagkatapos—" Pinutol ko ito dahil sa bigla kong pagtawa, hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa kapag naaalala ko ang itsura ni Emver sa sahig, such a loser.

"What's funny, huh? Can't you see yourself? Mygosh, punong puno ng itlog ang buhok mo..." Lumapit pa ito sa akin at saka tiningnan ang uniform ko

"Oh, ayan pa sa pocket ng blouse mo mayroon rin." Napairap ito at saka nameywang pa, parang nanay talaga.

"When I go home, i'll take a bath, kung amoy itlog man ako tiisin niyo na lang, huh? Maganda naman ako, hindi mababawasan ng pagiging amoy itlog ko, ang kagandahan ko." Kumindat pa ako sa kanila, kaya naman agad silang natawa.

Tumikhim ako at nag simula na ngang magkwento, mga magagandang mosang ng heidgeville university for today's video.

Hindi ko pa man natatapos ang pag kwe-kwento ko ay mamatay matay na sila sa kakatawa, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nila kailangan manghampas hanggang sa hindi na nga namin na malayan na lumalim na pala ang gabi, kaya napagpasiyahan na namin umuwi. Nang makauwi na nga ako ay agad akong naligo at sumaglit sa paglublob sa bathtub habang sumisimsim ng wine, nang biglang makatanggap ako ng mensahe mula kay Lucian.

From; Lucian.

I'm here at outside.

Nang dahil sa gulat ay muntikan pa akong madulas sa bathtub, agad ko namang isinuot ang bath robe ko at nagmamadaling magbihis. Nagsuot na lamang ako ng isang dolphin shorts at isang spaghetti strap, nagsuot na rin ako ng isang long sleeve cardigan dahil nararamdaman ko na malamig ang simo'y ng hangin.

"Hey..." Binati ko ito at saka kumaway papalabas ng mansiyon.

He's wearing a white plain shirts partnering with black skinny plain pants with his black penny loafers shoes, shocks.

Nang makalapit na nga ako ay nagulat ako sa susunod na ginawa nito, dahil hinila lang naman ako nito papasok sa loob ng mansiyon, pinapagod ba niya ako or what?!

"Ano bang problema mo?!" Singhal ko rito ng makapasok kami sa loob.

"It's cold outside, you should wear a proper clothes." Malamig na saad nito.

Napairap na lang ako sa sinabi nito.

"Ano bang kailangan mo at saka para sa akin ba 'yang prutas na dala dala mo?" Ngumiti ako rito.

"No, i brought this for your Lolo." Diretso at seryosong saad nito.

I pouted quickly, he really disappointed me but, it's okay para kay Lolo naman, eh.

"Wait, I forgot something." Binigay nito sa akin ang prutas na nasa basket at agad lumabas ng mansiyon. tsk, ano bang tingin niya sa akin rito alalay niya.

Maya-maya pa ay nakita kong may hawak na muli itong isang bouquet of flowers, a bouquet of red tulips, my favorite.

"Here." Nabigla ako ng ibigay niya sa akin ang bulaklak.

"For me?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

"So, ayaw mo? okay, ayos lang ibibigay—" Pinutol ko ito ng kukunin niyang muli ang bulaklak.

"Hindi, sabi ko nga gusto ko 'to, eh, paborito ko kayang bulaklak 'to." Niyakap ko ang bulaklak at napailing na lang ito.

"Wait, there's another one." Dagdag naman nito.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at maya-maya pa ay may kinakapa ito sa kaniyang bulsa, at nagulat ako ng ilabas niya ro'n ang isang maliit na box.

"What was that? Is it a—" Nanlaki ang mata ko sa na isip ko.

"Yes, and from now on you were going to wear it." Seryosong saad nito, kaya agad akong napalunok.

Omg, binabakuran na ba niya ako? Oh, hindi, hindi, hindi, stop that shit, Amara. Hindi ganoon 'yun, huwag kang ilusyunadang palaka.

Agad ko namang kinuha iyon at binuksan nagulat ako ng makitang isa iyong cartier round ring, one of the most expensive ring in the world, bigla naman akong na takot isuot ang singsing na iyon.

"Seryoso ka ba rito? Gumastos ka talaga ng malaking pera, para lang sa singsing na 'to?" Itinuro ko ang singsing na iyon.

"So? Hindi mo naman pera ang pinangbili ng singsing na iyan, kaya bakit ka nag aalala?" Walang pag aalinlangang sagot nito, napalunok na lamang ako at hindi na muling sumagot pa.









Continue Reading

You'll Also Like

9.2M 283K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
750K 37.3K 22
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
157K 3.3K 21
Dice and Madisson
5.4M 117K 60
A "simple" girl named Marione Santillan will do anything to have a comfortable life. A golddigger who's after the wealth of her boss. Money excites h...