In a Heartbeat (Complete)

By cicacade

2.5K 299 206

Eula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in f... More

In A Heartbeat
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Love, C

Chapter 27

41 8 8
By cicacade

Time really does fly.

One day you will meet the person you never expected you would fall for.

The person who will make your heart leap with a smile, take your breath away, and will give you butterflies for free. The person you'd want to share all of your worries and insecurities with.

The person who will make you feel special in a lot of ways and who will give you so much to remember.

The person you'd allow to break your heart.

But like time, moments pass by really quickly.

One day it was, "Hello!" or "Nice to meet you!" and the next would be, "Goodbye." or "Take care of yourself." or "'Til our paths cross again."

And all that remains were nothing but... painful memories.

"Pupunta ka ba mamaya sa art gallery mo?"

"Opo, Pa. Sasama ka ba?"

"Susunod ako, may meeting lang akong tatapusin." He kissed my forehead. "Ingat ka."

I nodded. "Ingat ka rin po."

Lumabas na siya sa kwarto ko at umalis na sila ni Kuya Radd. Nang marinig kong nakaalis na talaga sila ay napabuntong hininga ako.

Gusto ko pang matulog pero kailangan kong bisitahin ang art gallery ko!

Bumangon na 'ko sa pagkakahiga at naligo na. After taking a bath, I went inside my closet and wore a white tee and a black pantsuit. I paired it with black heels and put my hair into a ponytail.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng bahay. Ni-lock ko muna ang pinto bago sumakay sa kotse ko at nagmaneho papunta sa café nina Vince at Summer.

Napangiti ako habang nagmamaneho. It's been five years since me, Aly, Raven, Summer and Josh graduated from college. I now own an art gallery and I sometimes do private commissions.

Si Aly at Raven naman ay nasa London ngayon, next week yata ay pupunta naman sila sa Switzerland. Hindi na natali ang dalawang 'yon sa iisang bansa, gusto raw kasi nilang ma-travel ang buong mundo bago sila mawala.

Josh, on the other hand, is now a graphic artist. Nagta-trabaho siya sa company ni Papa. Pero minsan kapag may private commission akong natatanggap, sinasamahan niya 'ko sa lugar kung saan tahimik, doon ako nagpe-paint.

Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Simula nu'ng gumraduate kami sa college ay hindi na umalis sa tabi ko. Na-glue na yata sa 'kin.

Si Margo, kaga-graduate lang last year sa kursong BS Pharmacy. Pero hindi pa siya nakakapagsimulang magtrabaho dahil inaalagaan niya pa ang Lola niya sa Davao. Balita ko lumala na raw ang sakit nito, susubukan kong bumisita roon kapag hindi na 'ko busy.

Minsan na lang din kami magkita ni Kaji dahil nagsimula na ang residency niya. Si Zara, theater actress na. Kapag day off niya, pinupuntahan namin si Kaji sa hospital para sabay-sabay kaming kumain.

"Good afternoon, ma'am!" bati sa 'kin ni Summer pagkapasok ko sa café nila.

"Saan bebe mo? Ba't ikaw lang mag-isa rito?" tanong ko sa kaniya pagkalapit ko sa counter.

"Umuwi muna, may asikasuhin daw siya sa kanila. Anong o-order-in mo?"

"One frappuccino and one lemon cake." Kinuha ko na ang card ko at nagbayad na muna sa kaniya. Baka mamaya makalimutan ko magbayad tapos sugurin ako nito sa bahay.

Habang hinihintay dumating ang in-order ko ay naupo ako sa table na malapit sa counter at inilabas ang phone ko.

Nagso-scroll lang ako sa IG nang dumaan sa feed ko ang post ni Alysha. Mga pictures nila 'yon ni Raven noong nasa Spain sila last month.

@alyshalopez.mp4: Spain Dump!

Ni-like ko ang post at nag-comment dahil papansin nga ako.

@eula.chelle: so cute *block with tears in my eyes* jk. love u both. pasalubong ko ah. kapag wala kayong pasalubong magkalimutan na lang tayong tatlo

"Pupunta ka sa art gallery mo?"

Nabitawan ko ang phone ko dahil biglang sumulpot si Josh sa tabi ko.

"Ano ba! Huwag mo nga akong ginugulat!" reklamo ko at hinampas siya sa balikat niya bago ko tiningnan kung may basag ba ang screen ng cellphone ko. "Oo, pupunta ako pagkatapos ko rito. Bakit? Gusto mo na naman bang sumama, ha?"

"Oo." He laughed. "Dala mo kotse mo?" Tumango ako. "Wait, order lang ako."

Pinanood ko kung paano siya pumunta sa counter at tawagin si Summer.

"Ano ba, Josh?! Maghintay ka nga!" sigaw ni Summer.

"Nasaan ba kasi si Vince? Dapat tinutulungan ka niya rito ah." He sighed. "Bakit ba kasi ayaw mo pang kumuha ng mga tao rito?"

"Josh, ano bang pakialam mo?"

"Nagtatanong lang ako! Eula oh!" At nagsumbong pa nga sa 'kin.

Umiling na lang ako at hindi na sila pinansin pa. Pagkarating ng order ko ay pinigilan ako ni Josh na kainin 'yung lemon cake dahil gusto niyang hintayin ko rin ang in-order niya para sabay raw kaming kumain.

"Kailan daw uwi nina Raven?" tanong niya sa 'kin.

Natawa ako. Wala na yatang balak umuwi ang love birds na 'yon. "Hindi ko alam. Mamaya itatanong ko."

"Sige. Tapos salubungin natin sa airport."

Tumango na lang ako. "Ang tagal naman ng order mo! Gusto ko nang tikman 'tong frappuccino ko!"

"Sisihin mo si Summer!"

"Hoy ano 'yan? Bakit narinig ko ang pangalan ko?" singit ni Summer at inilapag ang order ni Josh.

Nagulat ako nang makitang ginaya niya ang order ko. Wala siyang originality! Gaya-gaya!

"Wala. Tagal mo raw sabi ni Eula," sagot ni Josh.

"Wala akong sinasabi ah!" pagdepensa ko sa sarili ko.

May gusto pa sanang sabihin si Summer kaya lang may mga dumating nang bagong customer kaya kailangan na niyang bumalik sa counter.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam muna kami kay Summer bago umalis. Pagkatapos, pumunta na kami ni Josh sa Heaven's Secrets, pangalan ng art gallery ko.

"Good morning, ma'am!" bati sa 'kin ng mga staff na nakakasalubong ko.

Pagkapasok ko sa office ko ay nagulat ako dahil naroon na si Papa. "Akala ko may meeting ka, Pa?"

"Maagang natapos kaya dumeretso kaagad ako rito," sagot ni Papa bago tumayo at ituro ang isang box na naglalaman ng mga donut.

Napabuntong hininga ako dahil sa inis ko sa sarili ko. Kung alam ko lang na bibilhan ako ni Papa ng donuts ay hindi na sana ako dumaan sa café ni Summer!

Pero ayos lang. Gusto ko rin naman makita si Summer. Last week ko pa siya huling nakita e'.

Kahit na! Ano ba naman 'to?! Nakalimutan ko na bang nag-iipon ako dahil may gusto akong bilhin na property?!

"Oh, Josh. Kasama ka pala ni Eula," tawag ni Papa sa lalaking nasa likod ko.

"Hi, Tito! Good afternoon po!" masiglang bati niya. "Opo, sumama ako."

Itinabi ko muna ang box ng donuts at sinamahan silang tingnan 'yung bagong mga painting na na-display rito.

"Ang ganda nito," bulong ni Josh habang tinitingnan 'yung isang painting na black and white lang ang ginamit na kulay sa pagpinta ng mga bulaklak.

I smirked. "Kung maganda, bilhin mo."

"Magkano ba 'to?"

"Afford mo ba?"

He scoffed before laughing like I said something funny. "Grabe, Eula! Baka gusto mong bilhin ko pa 'tong buong art gallery mo!"

"Sige nga."

"Natanggap ka ba ng cash? Or credit card?" He raised a brow.

"Hindi ko pinagbebenta 'to."

"Wala ka palang laban e'." Natawa siya pero tumigil din siya nang makitang nakatingin na pala sa 'min si Papa.

"'Yan, galit na siya. Lagot ka."

Pagkatapos ko silang ilibot ay umalis na rin sila kaya natahimik na 'ko. Si Papa, may meeting pa kaya sinundo siya rito ni Kuya Radd. Si Josh naman, susunduin pa ang dalawa niyang kapatid sa school.

From: Zara

Day off ko tom.

Kasasakay ko lang sa kotse ko no'n, pauwi na, nang makatanggap ako ng text galing kay Zara.

To: Zara

hindi ko tinanong

From: Zara

24 years old ka na pero immature ka pa rin.

To: Zara

joke lang e. oo na, kita tayo sa park

From: Zara

Sa park kung saan marami kayong memories ni Kyvo o sa park malapit sa inyo?

Napairap ako. Nang-aasar na naman.

To: Zara

24 years old ka na pero immature ka pa rin (2)

Hindi na siya nag-reply kaya nag-drive na 'ko pauwi. Pagkarating ko sa bahay, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at humiga sa kama dahil sa pagod.

Heto na naman ako. Nakakaramdam na naman ako na parang may kulang sa buhay ko. Kahit na okay na naman lahat, may butas pa rin sa puso ko na hindi talaga matabunan.

Bumangon ako at walang ganang nag-half bath bago bumaba para kumain ng hapunan. Late nang umuuwi si Papa kaya ako na lang madalas mag-isa ang kumakain ng hapunan.

Pagkatapos kumain, nagpahinga muna ako bago umakyat ulit sa kwarto ko at humiga na. Pero nakarating at narinig ko na ang pagpasok ni Papa sa kwarto niya para magpahinga ay hindi pa rin ako makatulog.

Halos dalawang oras na 'kong nakahiga pero hindi naman ako dinadalaw ng antok!

Sa huli, bumangon na lang ako at tahimik na lumabas ng bahay. Ang plano ko lang naman talaga ay maglakad-lakad para dalawin ako ng antok, pero heto ako ngayon, kababa lang ng kotse ko at nasa tapat ako ng malaking gate.

Sa hideout niya.

Huminga ako nang malalim bago ihakbang ang mga paa ko papasok. Kahit na may dala akong flashlight ay hindi ko 'yon binuksan dahil maliwanag naman ang paligid dahil sa mga fireflies at sa liwanag na nanggagaling sa buwan.

Pagkapasok ko sa isa pang gate ay hindi na 'ko nagulat nang makitang wala na ang artificial pond at sira na rin ang bench. Matagal na simula nu'ng pumunta ako rito, at inaasahan ko na 'tong makikita ko.

I sighed. Hindi ko na masyadong makita ang pond dahil natabunan na ito ng mga lupa at dahon, 'yung bench naman puro dahon na at medyo basa pa.

Nakakatawa kung paanong ang isang lugar ay naglalaman ng napakaraming memorya.

Kahit na dalawang beses lang akong pumunta rito noon, pangatlo ngayon, pakiramdam ko rito talaga nabuo 'yung nararamdaman ko para kay Kyvo.

Nasapo ko ang noo ko. Ang tagal na no'n, Eula. Bakit ba hindi mo pa rin makalimutan? Siguradong masaya na siya ro'n, kaya hindi ko na dapat binabalikan ang mga bagay na matagal nang tapos na.

Binuksan ko na ang flashlight at tumalikod na ro'n, handa nang umalis, nang biglang mahagip ng ilaw mula sa flashlight na hawak ko.

Isang maliit na envelope, nakasingit sa mga dahon sa may bench.

Hindi ko alam kung ano'ng mayroon dahil nakita ko na lang ang sarili kong kinuha ang letter na nasa loob ng envelope.

Hindi naman siguro masamang umasa na galing sa kaniya 'to at isinulat niya 'to para sa 'kin, 'no? Pero dapat hindi na 'ko dapat umasa.

Baka ako lang din ang masaktan.

A letter of confession.

I love you with all the shattered pieces of my heart, Eula.

I met you during those times that I was so upset with myself. When nothing was smooth sailing... when everything was imperfect... when nothing seemed to get any better.

And I didn't fall in love with you because I met you during those times.

I didn't fall in love with you because I was alone, or empty, or broke at that time. Or that I needed someone to make me happy. I didn't fall in love with you because I needed you, or that I wanted someone to love me.

I didn't fall in love with you because I was lost.

I fell in love with you because you showed me what it's like to feel valued. I fell in love with you because when you were around, the good things just got better and the bad things didn't seem so awful.

And when nothing seemed to get any better, you gave me greater strength to carry on. You encouraged me to give life a good fight. You gave me more reasons to maintain a positive attitude towards life.

I fell in love with you for the sole reason that it just felt right.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pagkatapos kong basahin ang letter. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at sinubukang hanapin ang phone ko pero nakalimutan kong hindi ko nga pala 'yon dinala.

At dahil gusto kong makasigurado na sa kaniya galing ang sulat, tiningnan ko ang likod ng envelope. Nakasulat doon ang pangalan niya at ang buong pangalan ko.

Tinupi ko na ang papel at at ibabalik na sana ito sa loob ng envelope nang makita kong may nakasulat din doon pero sa maliliit na letters kaya hindi ko masyadong mabasa.

At nang mabasa ko na ang nakasulat, napaupo ako sa lupa at nabitawan ang hawak kong flashlight. I put my hands in my mouth to suppress my sobs.

So ayon pala ang totoong dahilan kung bakit siya umalis. Tama si Bridgette. Napakatanga ko dahil hindi ko man lang pinilit si Kyvo na sabihin sa 'kin ang totoong dahilan kung bakit siya aalis.

At sa sobrang desidido kong makalimutan na siya, hindi ko na naalalang tanungin si Bridgette kung bakit aalis si Kyvo. Pero sabi kasi sa 'kin ni Silas, wala na raw dahilan para mag-stay siya rito.

Kaya bakit... bakit hindi niya sinabi sa 'kin?

At bakit ngayon lang kasi ako pumunta rito?

Kung mas maaga ba 'kong pumunta rito, baka mas maaga ko 'tong nalaman?

Tumayo na 'ko at inilagay ang letter sa bulsa ko bago tumakbo papunta sa kotse ko. Walang imik akong umakyat sa kwarto ko pagkarating ko sa bahay. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Margo.

"Hello?" ani Margo sa kabilang linya. Halatang sa boses niyang na-istorbo ko ang pagtulog niya. "Bakit gising ka pa? Late na tumatawag ka pa—"

"Margo..." I cried.

"Bakit? May problema ba? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Matagal bago ako nakasagot sa sunod-sunod niyang tanong, iniisip kung dapat ko bang sabihin sa kaniya. Pero sa huli, sinabi ko na rin.

"Si Kyvo. Alam ko na kung bakit talaga siya umalis."

"B-Bakit daw?"

"He didn't go to Greece just because he want to." Naupo ako sa dulo ng kama habang nakayuko. "Kyvo... went to Greece to get a surgery. His childhood disease relapsed."

Continue Reading

You'll Also Like

217K 12K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
158K 3.8K 54
What will you do if you end up in someone else body?