YOU JERK!
***
LIZA'S POV:
Hindi na ako nagpahatid kay manong driver para makaexpi ako ng commute at hindi laging pahatid. Ang laki ko na kaya. HAHAHAHA.
Kaloka nga yung nasa jeep porket taga Eastville dapat hindi nagcocommute? :D
So yun hindi naman ako pinagalitan ni Manong guard pagpasok ko. Yes! Goodvibes ako!
Hindi pa man ako nakakarating sa bldg namin at nasa hallway pa ako nang biglang may tumulak sakin sa likod. At nung pagbangon ko nakita ko sa halos lahat ng bulletin na
AVOID LIZA MARIX LEE. OR ELSE YOU'LL SEE YOUR CONSEQUENCES!
Tapos may mga nakapost pa sa pader.
Tsk kaya pala pati si Manong Guard hindi ako pinansin.
Busy pa ko sa pagtatanggal ng mga nakapost na yun nang biglang...
TUGSHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Craaaap! Nadulas ako! >.<
At ang pinagdulasan ko lang naman eh yung laman ng mga itlog na hilaw kasama ang shells nila. Punong puno ang hallway. Di ba nila alam na mahal ang itlog? Tskkk.
"Ang sakit! Awtsuuuu. Ang balakang ko. Aigooooo." -_______-++
Andami agad na nakatingin sakin at tinatawanan nila ako. Grabe sobrang pahiya to. Then di pa man ako nakakatayo biglang nadulas na naman ako.
*sniff *sniff "Hindi ka iiyak Liza. Be tough!"
-______-
So naglakad ako ng dahan dahan at di pa man ako nakakalayo sa mga nakakadulas na laman ng itlog, nasa may open area na ako ng hallway nang biglang...
May nagbuhos from the top ng harina at I'm sure hindi nagiisang tao ang nagbuhos. After nung isang buhos umulit pa ng madami. Para akong ipiprito sa mga ingredients na ginamit nila. Naiiyak na ako na nagagalit. *sniff *sniff T______T >_________<
"ACHOO!" pumasok sa ilong ko ang harina. -.- T____T napaupo ako at napapikit. -_-
Pero naisip ko ang class ko. Mahalaga yun. Tsk. So naglakad pa ko. Bat kasi eto lang ang way papunta sa room ko. Talagang planado to. Tsk. Nadulas na naman ako. Hayst! At di pa ko nakakalampas sa isang room ng biglang may nagbuhos sa harap ko ng juice. ISANG GALON NA JUICE! Mukha ba kong baso? -______- T_______T Nasan ang hustisya?
At ng maglalakad na ako ulit para makaalis na sa open are na hallway biglang may humila sakin palayo at niyakap ako. Gumulong tuloy kami at napahiga sa damuhan. Nasa taas ko siya.
"Tsk! Muntik ka na dun!"
At nung napamulat ako.
Pakiramdam ko ang mukha ko naginit. At ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang gwapo ng nilalang na nakikita ko ngayon. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.
"E—enrique? ACHOO! Ah. So—sorry. ACHOO!"
"Sinipon kana! Pano kung tumuloy ka dun? Baka wala ka ng malay ngayon!"
"Ha? Ano—
"May naghulog ng paso mula sa taas! May balak atang pawalan ka ng malay eh!" tapos yung itsura niya talangang alalang alala.
"Sa—salamat! Pang ilang beses na to grabe nakakahiya na!"
"Okay lang! (napatingin sa buo kong katawan) Tsk tsk. May sugat ka sa siko at tuhod! Dalhin muna kita sa clinic!" at akmang bubuhatin ako.
"Ah—eh Wag na wag na! ( -_-) (-_- ) ( -_-) Iling iling ako. Kaya ko na to. Punta nalang ako ng comfort room may sabon naman dun eh at malapit na yun sa room naming magkaklase na din kame! Ako nalang! Sagad sagad na ang pagtulong mo sakin! Salamat. Bye! Babawi ako sayo!"
"Per—
Di ko na siya pinagsalita pa. Tumakbo na ako kahit paika-ika. T_____T sobrang pahiya ako. At ang nasa isip ko,
"Isa lang ang may kagagawan nito sakin! Lagot siya sakin! Makikita niya! Grrrrrrr! That monster! He pissed me off! >.<"
Hinanap ko si bakulaw.
Nakita ko siya sa room namin at nakikipagtawanan sa mga babae!
"HOY IKAW LALAKE!" sabay duro ko sa kanya. -______-++
"OH NERDY! ANUNG NAGYARI SAYO HA? IKAW PALA SI LIZA MARIX LEE ISANG TRANSFEREE! SABI KO SAYO WAG MO AKO SUSUBUKAN AT GAGANTI AKO EH! BWAH—
Bago pa siya makatawa ng wagas, nagdilim na ang paningin ko sa kanya! Sinipa ko na ang pagmumukha niya. Yung parang combo Lily sa Tekken!
"ETONG SAYO! TIKMAN MO BANGIS KONG BAKULAW KA!" =______=++
"ARGHHHHH. SAKIT!" at dugo na naman ang labi niya.
"MAY PAAVOID AVOID KA PA! ANO KO MAY SAKIT? AT PAPATAYIN MO BA AKO HA? SA SUSUNOD NA HULUGAN MO AKO NG PASO HINDI LANG YAN ANG MATITIKMAN MO! YOU JERK!"
At umalis na ako. At nang papunta na akong comfort room biglang...
"LIZAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ANUNG NANGYARI SAYO?!!!!!"
Yung tatlong megaphones. Mababakas sa kanila ang pagaalala nila.
"Anung nangyare?" tanong ni Juls.
"Omygash ang sumi dumi mo!" sabi ni Janine.
"Sino may gawa?" tanong ni SK.
"Teka teka. Naduduling ako ung sino unang titingnan ko. (o.o) ( o.o) (o.o ) Pwede isa isa ang tanong? HAHAHAHA. Layo sa bituka nito guys!" sabi ko.
"Dalhin ka na namin sa clinic!" at hawak na nila ako.
"Sa cr nalang guys! Pleaseeeee." *_* at nagpuppy eyes ako.
"Okay!" sagot nila.
At ginamot nila akong tatlo sa cr. May med kit kasi si Juls eh.
"Buti may extrang damit akong dala. Ano kaya mo pumasok?" sabi ni Juls.
"Oo naman. Papasok ako!"
At yun pumasok kami. Di pa din ako kinakausap ng iba. At natapos ang klase.
"Magssleep over ka samin ano?" tanong ni Janine.
" Ah. Oo. Para di ako matanong ni mommy tungkol sa mga sugat ko."
"Okay sige." sabi ni Janine.