•Basta GC ito
TODAY AT 6:30 PM
Jayven:
Kaklase n'yo pala si Raiziana?
Ryu:
Yeah.
Harden:
Sinusundan yata ang tropa natin.
HAHAHAHAH
Parang lagi na lang natin
kaklase 'yon, e.
Hindi yata matanggap na
ni-reject mo s'ya.
Ryu:
I don't care.
Nakinig naman kayo sa Program
kanina, ano?
Harden:
Oo.
Jayven:
Kailangan ba talaga a-attend
doon? Parang nakakatamad kasi.
Harden:
Ano ka ba?
Masaya kaya ang ganoon.
Tsaka nagkaroon ng pandemic noong
highschool tayo kaya hindi pa natin
nararanasan.
Ryu:
Kailangan lahat
um-attend.
May attendance rin 'yon.
First time natin mararanasan
ang Acquaintance Party
kaya sumama kayo.
Harden:
Ano bang kinakatakot mo, Yven?
Jayven:
Nakakahiya kasi.
Nahihiya ako.
Ryu:
Why?
Harden:
Gwapo ka naman, Bro.
Bakit ka mahihiya?
Jayven:
Ang dami kasing tao
kapag ganoon.
Ryu:
Andoon din naman kami.
Kung nahihiya kang mag-sayaw
ng babae, hindi rin kami
makikipag-sayaw.
Sasamahan ka na lang namin
sa upuan. Right, Harden?
Harden:
Ah? HAHAHA oo naman.
Bakit ba ganito mga kaibigan ko.
Parang allergic sa mga babae.
Ryu:
Babaero ka kasi.
Harden:
Hindi kaya. ಥ╭╮ಥ
Malakas lang talaga appeal ko.
Ryu:
Oo na lang.
Harden:
Grabe, ang ganda ni Raiziana.
Napansin mo rin ba, Ryu?
Ryu:
Nope.
Harden:
Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo.
Baka nga hindi mo 'man lang
tinapunan ng tingin, e.
Jayven:
Sa August 19 ang Acquaintance, ano?
Kailangan ko na palang mag-ipon
para sa susuotin ko.
Ryu:
Don't.
I'll give you my spare
tuxedos na lang.
Harden:
Oo nga.
Alam naming pinag-uupunan
mo pa rin ang pam-paaral sa
kapatid mo. Doon mo na lang dalhin ang maiipon mo.
Kami na bahala sa susuotin mo.
Sagot ko na ang sapatos.
Jayven:
Hindi n'yo naman kailangan
gawin 'yan, e.
Harden:
Oo, hindi nga. Pero gusto namin.
Don't worry, Yven.
Ryu:
Hindi ka naman iba sa amin.
We're friends.
Jayven:
Thank you so much sa inyo.
Ryu:
No problem.
Harden:
You're welcome. Basta ikaw.
Jayven:
Sige na. Out muna ako.
Magluluto muna.
Ryu:
Sure²
Na-miss ko rin lutong bahay mo.
Next time, punta kami d'yan.
Jayven:
Anytime pwede kayong
pumunta. HAHAHA
Harden:
Oo nga, ibang klase mga luto
ni Yven.
Baka kapag nanligaw ito,
sasagutin agad, e.
Ryu:
Tama ka.
Harden:
Makapag-paturo rin pala.
Ryu:
Para ano?
Sagutin din agad ng
nililigawan mo?
Harden:
Omsim.
Ryu:
Sabagay, libre lang naman
mangarap.
Harden:
Ay, grabe.
(😆)
Seen by Harden, Jayven
***