Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]

By Leonna_PHR

13.7K 515 213

Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang... More

Author's Note
CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree
CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar
CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo
CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever
CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis
CHAPTER SIX: Pero
CHAPTER SEVEN: The Fight
CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion
CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin
CHAPTER ELEVEN: Bahala Na
CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination
CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice
CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

CHAPTER EIGHT: All For You

587 27 2
By Leonna_PHR

CHAPTER EIGHT

All For You

HINDI mawala-wala sa isip ko ang pagyakap sa akin ni Percy—este Pero noong nakaraang araw. Dahil ayokong mawala iyon sa aking gunita, sa mismong araw ding iyon ay iginuhit ko ang eksenang iyon sa aking secret story book. It was really nice to see it visually.


Wala naman talagang tahing kuwento ang story book na ito. Basta may maisip lang akong eksena tungkol sa aming dalawa ni Pero, ay ayos na. Free-flowing. Walang rules. Walang restrictions. Walang inhibitions.


Paulit-ulit kong binabasa ang eksenang ito sa story book ko. Kahit sa bawat gabi na halos magkausap kaming dalawa sa cellphone ay nakatuon din ang pansin ko doon. Hindi ko alam pero parang naguguwapuhan ako sa pagkaka-drawing ko kay Percy sa aking story book.


I must admit. Talagang tinamaan na ako kay Percy. Mahal ko na nga talaga ito.


Another night came. May mga panahong ito ang tumatawag sa akin. Minsan naman ay ako.            


Nang mahawakan ko ang cellphone ko ay tatawagan ko na si Pero, nang biglang nakatanggap ako ng text message. It was from my Tita Diella.


Mikmik! Hindi mo naman ipinasa sa akin noong nakaraan ang consent paper mo. Sayang ang chance!


Napangiwi ako. Oo nga. Nawala na sa isip ko ang International Arts Festival. Siyempre, si Pero ang dahilan niyon. Ayos lang naman sa akin. Marami pa akong masasalihang mga ganoong contest.


Sorry, Tita Diella. Sa ibang contest na lang ako sasali. Sobrang busy lang sa school recently.


Agad kong ipinadala iyon kay Tita. After a few moments, na-receive ko naman ang reply nito.


Ok. How about next week? Global Arts Contest sa SM Aura. Kahit wala nang consent letter. Ako na ang susundo sa iyo para wala ka nang kawala. Sayang ang talent mo kung hindi mo ipapakita ito sa mundo.


"Okay na kasi sa akin ang pagdo-drawing sa secret story book ko, Tita." bulong ko sa harap ng cellphone ko.


Hindi ko na ni-reply-an si Tita Diella. Basta, ang gusto ko lang ngayon ay mapuno ang story book ko. That I did on that night.


I tried making a fantasy story. Si Percy naman ang kunwaring magliligtas sa akin. Ako naman ang kailangan nitong iligtas.


I drew some sketches of an old castle, surrounded by large trees and flowing water. Then, at the top of the castle situated a tower where only a high window was located. I drew myself wearing a peasant costume, imprisoned in that tower, sobbing hard, waiting for a chance to escape from the evil king.


Suddenly, something broke the bars on that high window. I saw enormous claws pulling out each bar. Then, it stopped when an opening was made.


Matapos iyon ay ginuhit ko naman si Pero na nakasuot ng isang knight costume. Ito ang pababa sa bintanang iyon, dala ang mahabang espada nito. If I were to create the back story of this sword, it was like King Arthur's. Mahiwaga ang sandatang iyon. At tanging si Pero lang ang mayroon niyon sa buong mundo dahil ito lang ang nagtangkang labanan ang nakakatakot na halimaw na nagbabantay sa espadang iyon.


Hinawakan nito ang kamay ko at akmang tutulungan akong ilabas sa bintana, ngunit dumating ang masamang hari na walang mukha, kasama ang mga alagad nito. Itinago ako ni Pero sa likod nito at matapang na hinarap nito ang mga kalaban.


He was skilled in the art of fighting. So, he defeated the enemies that are more than thirty in count with his magical sword that emits white light when he sways it. Only the faceless king was left.


Makapangyarihan ang hari. Inilabas nito ang isang kristal na may kakaibang puwersa. Halos balutin ng puwersang iyon ang buong silid. Nakakatakot dahil itim ang lumalabas na puwersa sa batong iyon.


Bago pa man kami lamunin ng puwersang iyon, umatake na si Pero. Kinalaban nito ang haring walang mukha na may makapangyarihang Kristal. Nagtagis ang kanilang mga sandata. Ngunit naputol ang paglalaban nila nang masira ang itaas na parte ng tore. Ang may gawa niyon ay ang dragon na alaga ni Pero, na siyang tagapagbantay ng espadang pag-aari nito.


Nang makakuha kami ng tsansang makaalis ay nilisan na namin ang kastilyo bago pa umatakeng muli ang haring walang mukha. Masayang nakatakas kami. Ang hindi alam ni Pero ay unti-unting nanghihina na ang katawan ko dahil ang puwersang inilabas ng haring walang mukha ay pumasok sa aking balat, sa aking katawan. Nahimatay na lang ako dahil hindi ko na kaya.


I drew the scene where Pero carried me, newlywed style on top of the dragon. Lumapit ito sa aking mukhang namumutla at dinama ang aking paghinga. Inilapit pa nito ang mukha nito sa aking dibdib at pinakinggan kung tumitibok pa ang aking puso. There was no response from any of it.


Tumingala si Pero at kinausap ang langit. "Bathala, buhayin mo ang aking prinsipe."


From that very moment ay binalot ako ng kilig habang dino-drawing ang eksenang iyon. There were shivers in my spine that scattered all over my body. He just called me his prince in my drawing! (Forgive an artist like me. Ganito talaga kami. We tend to perform monologues when we draw.)


Bumalik ako sa pagguhit. I sketched a beam of light behind the clouds and wrote a dialogue. "Ano ang magiging kapalit ng buhay na hinihingi mo?"


"Ang aking mahiwagang espada at ang taglay nitong kapangyarihan. Kaya kong ibigay ito para lang mabuhay ang aking prinsipe."


I stopped drawing because my eyes were closed. Napapikit ako sa sariling kakiligan dahil sa ginuguhit ko. Humugot lang ako ng malalim na paghinga saka ako bumalik sa pagguhit.


I wrote another dialogue of the Greater Heavens. "Tandaan mo, hindi mo na mababawi ang pambihirang lakas at kapangyarihan mo kasama ang espadang iyan kung ipapalit mo ito sa buhay ng iyong prinsipe."


"Bathala, ang prinsipe kong ito ang aking lakas at kapangyarihan, hindi ang aking espada. Kung hindi siya mabubuhay ay mas nanaisin ko na ring mamatay, dahil tanging sa aking prinsipe ko lang nakita ang hiwaga ng mundong ito, at hindi sa isang espada lamang."


"Ikaw ay dapat pagpalain sa iyong pagsasakripisyo. Narito ang iyong hinihiling."


Binura ko ang espada na nakasabit sa tagiliran ni Pero at gumuhit ako ng maliliit na bituin na papalipad pataas ng kalangitan. Sa ilang saglit ay iginuhit ko ang aking matang bumukas.


"Pero!" ang dialogue na isinulat ko sa papel nang magising ako sa akda.


"Jam!" Ibinaba ako ni Pero sa mga bisig nito at humarap sa akin. I drew a scene where words where not needed. Only an intimate embrace told the story between us. And as the sun rises, I faced him and he moved closer to me.


Our lips were now about to make the biggest gesture a person in love would do. Until...


"Jambiya Mecca?"


Shit! Biglang itinago ko sa ilalim ng aking mga unan ang secret story book. It was Mama, calling my name. "Mama?"


"Jambiya Mecca, anak. Buksan mo ang pinto."


Ang bilis-bilis ng tibok ng aking puso ngayon. Kinabahan ako dahil baka makita ni Mama ang ginagawa ko. Kahit pa mabilisang sketches lang iyon ay may porma na iyon. Halatang-halata na ang hitsura ng mga tauhan sa kuwento.


Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Bakit, Mama?"


"Nag-text si Tita Diella mo. Nagpaalam na isasama ka niya sa Global Arts Contest sa SM Aura. Hindi mo raw kasi sinipot siya noon, eh. Sayang naman ang chance, anak. Gusto kong magkaroon ng anak na national artist." Ginulo pa ni Mama ang buhok ko.


Ang winikang iyon ni Mama ang nag-udyok sa akin para tunguhin ang contest na iyon. Her words served as a motivation to my soul. Nakaka-inspire talaga na malamang sinusuportahan ka ng iyong ina sa mga pangarap mo.


"Sige, 'Ma. Sasali na ako this time." I finally confirmed.


"Oo, anak. Huwag mo na lang muna sabihin kay Papa mo, ah. I-surprise mo na lang si Papa kapag dala mo na ang Grand Prize trophy." Then, she winked. "Sige, matulog ka na. Ni-remind lang kita."


"Thank you, 'Ma. Good night." I kissed her on the cheek and went back to my bed. Kailangan ko pang ituloy ang kissing scene namin ni Pero sa aking secret story book.

—-


MAGANDA ang gising ko ngayong umaga, kaya hindi ko alam kung bakit parang masayang-masaya ako na pumasok sa school. Oh, oo nga pala. Today is Masterpieces In World Literature day. Magkikita ulit kami ni Pero sa klase.


Habang tinutungo ko ang gateway ng DATU ay naiisip kong muli ang fantasy story na nilikha ko kagabi. Napag-isip-isip ko, ang cliché pala ng kuwentong isinulat ko. Parang mga nasa Disney movies lang o fairytales na isinulat ng Grimm brothers at ni Hans Christian Andersen.


Well, it may be ordinary, but it was extraordinary for me. Kami yata ni Pero ang bida sa mga iyon.


When I was about to enter the school, the guard blocked my way and ceased me from moving forward. "Sir, good morning po. Pa-check lang ng bag."


Okay. Wala namang problema. It was a random checking lang pala. I handed my bag over and he checked the content of my bag. Sa ilang sandali ay may inilabas ito sa aking bag.


Itinaas nito ang walkie talkie nito at idinikit ito sa bibig. "Sir, confirmed. Nandito nga ang sinasabi niyo."


"Ha?" takang wika ko. Nang mapansin ko ang hawak ng guard, napamulagat ako. It was my jambiya, wrapped in a cloth.


Isa-isang nagdatingan ang mga security guard sa harap ng lobby. Isang guard naman ang lumapit sa akin at tinanong ako. "Hijo, ikaw ba si Jambiya Kintanar?"


Base sa uniporme nito, ito ang head guard ng security. Iba ang suot nito kumpara sa mga pangkaraniwang guard sa aming paaralan. Nakasuot ito ng kulay dark blue na polo at khaki na slacks.


"Ako nga po. Bakit po?" Nakatuon lang ang aking mga mata sa jambiya na hawak ng guard. Ano ang gagawin nila sa aking jambiya?


"May klase ka ba ngayon?"


"Mayroon po. Seven-thirty." tugon ko.


"Sabihin mo sa akin ang detalye ng iyong klase at ie-excuse ka na muna namin. May nagbigay ng impormasyon sa mayroon kang dalang kutsilyong makakapatay ng tao. Kailangan mong makausap si Dr. Javier Gapuz para sa kaso mo."


Tumambol bigla ang puso ko. "Kaso?"


"Major offense ang pagdadala ng mga deadly weapon sa university natin. Posibleng ma-expel ka dito, hijo." paliwanag ng head guard. "Tena at nang makausap mo si Dr. Gapuz."


Naalala ko ang nangyari noong nakaraan—ang engkuwentro namin ni Pero sa grupo ni William. Siguradong ito ang nagsuplong sa mga kinauukulan ng DATU na may dala akong jambiya. Wala nang iba.


Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng mga guard na parang isa akong kriminal. Nagpumiglas ako at sinabing sasama ako sa mga ito, na hindi na kailangan pang gawin ng mga ito iyon. Sa mismong pagtapak ko palayo sa lobby ay nakarinig ako ng isang sigaw.


"Jam!"


Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Pero iyon. Kunot ang noo nang makita akong parang binihag ng mga bandido.


Wala na akong nagawa kundi lumakad palayo. Hindi ko kayang tingnan ito. Hindi ko kayang makita na parang wala akong magagawa.


—-


"MALINAW naman siguro na sa kahit saang university ka magpunta ay ipinagbabawal ang pagdadala ng kahit anong deadly weapons, Mr. Kintanar?"


Nakakairita man sa pandinig ay wala akong magagawa. Nasa harapan ko si Dr. Javier Gapuz, ang head ng Office of the Department of Student Affairs and Services, at acting head ng Office of the Department of Security and Order sa DATU. Napapaligiran din ako ng ilang guwardiyang kasama namin sa lobby kanina. May sampung minuto na rin ako nitong sinesermunan tungkol sa Article Eight, Section Thirteen ng aming University Handbook, ang Students Offenses and Sanctions.


Ipinaliwanag nito sa akin ang kahihitnatnan ko sa paaralan namin. Ang pagdadala ng kahit anong deadly weapons sa paaralan ay isang major offense. What I did was an offense leading to expulsion. Kung sa ibang paaralan ay tinatanggap pa ang ibang mga mag-aaral na may dalang baril at nabibigyan lang ng one week suspension, iba sa DATU. Kahit mga college student ay dinidisiplina pa rin.


"Yes, Sir. It's just that—"


"Alam mo naman pala, eh." singit nito sa sinasabi ko. "Bakit ka pa nagdadala?"


"Sir, I need your full attention regarding this matter." diretsahan kong wika.


"About what?" tanong ni Dr. Gapuz.


"This jambiya is only for self-defense. Hindi ko pa naman po ito nagamit sa kahit anong uri ng pakikipagbasag-ulo. I am—"


Biglang naputol ang sinasabi ko nang pumasok si Pero sa loob ng opisina. Lahat kami ay napatingin dito.


"Pero..." bulong ko.


"Pero ano?" takang anas ni Dr. Gapuz.


"Sir, good morning po. Ako po si Percival Enriquez. Best friend ko po itong si Jambiya Kintanar." pagpapakilala ni Pero. "Ano po ba ang problema niyo sa kaibigan ko?"


Ipinakita ni Dr. Gapuz ang jambiya ko kay Pero. "Mr. Enriquez, itong kaibigan mo ay nagdadala ng deadly weapon dito sa campus. Kung ikaw ang hihingian ko ng opinyon, sa tingin mo, tama ba ang ginawa ng kaibigan mo?"


Nagkatinginan kami ni Pero. Marahang napailing ako rito. What was he thinking? Bakit pa pumunta ito dito? Baka madamay lang si Pero. Ayokong mangyari iyon.


"Pe—"


"Sir! Hindi po kay Jambiya iyan. Sa akin po ang punyal na 'yan!" Akmang kukunin ni Pero ang jambiya ngunit naiiwas ito ni Dr. Gapuz dito.


"Sh—" I tried speaking up but he kept on butting in.


"Sir, nilagay ko lang iyan sa bag niya. Sa akin ang jambiya na 'yan!"


Naningkit ang mga mata ko at ang mga mata ni Dr. Gapuz. "Jambiya, so this is called a jambiya. Kung sa iyo talaga ito, bakit naman kapangalan ni Mr. Kintanar ang punyal na ito?"


"Sa lolo ko po 'yan, Sir. Nang nalaman ko na magkapangalan pala si Jambiya at ang punyal na iyan ay gusto ko itong pag-trip-an at takutin na may deadly weapon sa bag nito."


"Rubbish!" sigaw ko. "Ano ba—"


"Nag-trip lang ako kaninang umaga na ilagay iyan sa bag ni Jambiya, kaya nasa kanya iyan. Ako po talaga ang may-ari niyan, Sir. Maniwala kayo. Kahit pa itanong niyo pa sa lolo ko."


Umaapaw na ang tensyon sa aking dibdib. Umaakyat na patungo sa aking ulo. Parang unti-unting umiinit ito. "Dr. Gapuz, hindi po—"


"Hindi mo ba napansin kanina, Jam, biglang bumigat ang bag mo?" Papalapit si Pero sa akin at mabilis na kinuwelyuhan ako. "Ang tanga-tanga mo, Jam! Hahaha! Bobo ka talaga kahit kailan. Gago ka, hahaha!" Hinatak ako pataas ni Percy at mabilis na hinila ako palabas ng silid. Agad namang ni-lock nito ang pinto.


Dinabog ko iyon at nagsisigaw sa labas. "Pero! Pero! Buksan mo ang pinto!" Idinikit ko ang aking tainga para pakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito.


"Mr. Enriquez, you are so confident to accept that you own this deadly weapon. Is it true?" tanong ni Dr. Gapuz.


"Yes, Sir. Ako po talaga ang may-ari niyan." sagot ni Pero.


"Alam mo na ba ang nakalagay sa Article Eight, Section Thirteen ng ating university handbook?"


"No, Sir." tugon ni Pero. "I am not from this school. I am just a cross-enrollee from Valhalla University."


"Kaya naman pala!" Nagtaas na ng tinig si Dr. Gapuz. "Galing ka pala sa ibang paaralan. That explains everything. Let me tell you, Mr. Enriquez. Sa loob ng dalawang taong pag-upo ko bilang head ng Office of the Department of Security and Order, wala pa akong natanggap na kaso ng pagdadala ng deadly weapons sa aming pamantasan. Ang ibig sabihin nito ay matitino ang mga mag-aaral sa aming unibersidad. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong kaso, at mula pa sa isang cross-enrollee! This is despicable. Kung kaya mong sirain ang pangalan ng paaralan ng Valhalla University, hindi mo magagawang yurakan ang imahe ng mga mag-aaral ng Dr. Antonio Tambunting University. Ngayon ay naniniwala na ako na ikaw talaga ang may-ari nito at hindi si Jambiya Kintanar, dahil walang estudyante ng DATU ang gagawa ng mapanganib na aktong ito. I hereby expel you from this institution and never allow you to go back again. Tatawag ako sa Valhalla University para ma-inform ko ang Director ng inyong paaralan. Ang mga kagaya mong estudyante ang magbibigay ng problema sa lipunan!"


"Pero! Pero!" Hindi na ako nakatiis na dabuging muli ang pinto. Sa sobrang tindi ng aking nararamdaman, agad na tumulo ang mga luha sa aking mga mata.


"I accept your decision, Sir. I am really sorry."


"Take this jambiya with you. The guards will be escorting you out of the campus. Ito na ang huling beses na tatapak ka rito. My staff will be processing your documents para masabing hindi ka nag-enroll dito sa amin. You may now leave the school premises. This decision is final and irrevocable."


Sa ilang saglit ay bumukas ang pinto at nabanaagan ko si Percy na hawak-hawak ng mga guwardiya. Dire-diretso lang ang mga ito sa paglakad palabas ng campus.


"Pero! Ano ba ang iniisip mo? Gago ka ba? Bakit mo ito ginawa?" humahagulgol na wika ko.


Walang reaksyon ang mukha ni Pero. Patuloy lang ito sa paglakad.


Sumunod ako at sinubukang kausapin ang mga guwardiyang nakahawak dito. "Kuya! Kuya! Sa akin ang jambiya na iyan! Ako ang totoong may-ari niyan!"


"Hijo, pasensya ka na. Expelled na ang kaibigan mo sa paaralan natin."


"Kuya! Huwag kayong maniwala sa kanya! Nagsisinungaling lang si Pero!" Napatingin ulit ako kay Pero. "Pero! Ano ka ba? Magsabi ka ng totoo! Hindi ikaw ang totoong may-ari ng jambiya na iyan."


Hanggang sa labas ng campus grounds ay ihinatid ng mga guwardiya si Pero. Doon sa kanto malapit sa likod ng paaralan kami napahinto. At doon ko hinarap si Pero.


"Pero! Ano ba ang nasa isip mo? Bakit mo ginawa iyon?" Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Pero.


"Dahil ayaw kitang mapahamak, Jam." Nakangiting sinabi pa ni Pero.


"Putang-inang dahilan 'yan! Hindi mo ako kailangang sagipin." Sa sobrang galit ko, sinuntok ko sa kanang pisngi si Pero, hanggang sa napatumba ito sa kalye. Pinangibabawan ko ito at pinagsusuntok ko ito sa katawan. "Gago ka! Sinira mo ang buhay mo! All for what? For me! Kayang-kaya kong iligtas ang sarili ko." Napahinto na lang ako nang biglang humalakhak si Pero.


"Bakit mo ako tinatawan, ha!" Naghalo na ang galit at lungkot sa puso ko na tanging sa pag-iyak ko lang inilalabas ang pakiramdam na iyon.


"Masaya lang ako." sagot nito.


"Hindi ako natuwa sa ginawa mo!" Akmang bubuntalin ko ito ngunit agad na sinalag nito ang atake ko. Nagulat na lang ako nang hatakin nito ang kamay ko na bubuntal sana sa mukha nito papalapit sa katawan nito, sanhi na mapabagsak ako sa katawan nito, saka ako ibinalot nito sa mga bisig nito.


"Masaya ako, kasi hindi ka napahamak. Masayang-masaya ako." ani Pero.


"Hindi mo naman kailangang gawin ito." mariing wika ko.


"Minsan kasi, Jam, may mga bagay na ginagawa natin kahit pa nakakasama na sa atin, pero ginagawa pa rin natin, kasi ang gusto lang naman natin ay mapabuti sila. Iyon ang gusto ko, Jam. Ang mapabuti ka." He pulled me closer to his body, until my nose almost touched the floor.


That fucking line again. Narinig ko na naman iyon. So much for sacrifice, right? "Sira-ulo ka talaga, Pero. Sira-ulo ka!" napaluhang anas ko.


Umiling lang si Percy. "Lahat ay gagawin ko para lang sa 'yo, Jam."


Napayakap na rin ako dito. Tirik na tirik na ang araw sa kalyeng iyon. Mabuti na lang at walang dumaraan sa kantong iyon. Well, wala akong pakialam kung may makakita sa amin sa posisyong iyon. Ang mahalaga, higit pa sa seguridad ng aming paaralan ay mas naramdaman ko ang pagiging ligtas kay Pero. I felt safe in his arms.


Maraming salamat sa pagsasakripisyo mo. Mahal na mahal kita, Pero. Mahal na mahal. Nais ipahayag ng isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 170 6
SHORT STORY COMPLETED VERON SO
198K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
34.8K 2.1K 34
Join Bright and Win as they tell an exciting story of love, life, heartbreak, hope, strength and everything in between. Can a rebound relationship re...
755K 24.4K 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging mal...