Ang Buhay Ko (A Buko Love Sto...

By HoneyVilla

60.3K 1.3K 51

This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imag... More

PROLOGUE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN

CHAPTER ONE

6.3K 111 4
By HoneyVilla

 MATAPOS pagmasdan ni Kim ang pagsibad ng kotse ni David papalayo sa kanya ay taas noo siya muling pumasok sa bar na pinanggalingan nila kanina.

 The night was still young yet so many things have already happened to her. Mapait siyang ngumiti. Yes, a hell lot of things already happened and the pain is slowly creeping up inside her. But she won't let it show. Hindi siya magpapatalo sa sakit at lalong lalong hindi siya iiyak.

 Pumunta siya sa bar na iyon na kasama si David, her boyfriend—now her ex—para magunwind. Napapansin kasi niyang palagi nalang itong i-space out kapag kasama siya and she wanted to divert his attention to her. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil kahit kasama na niya ang binata, ang puso at isip nito ay buong buong inangkin ng iisang babae—si Lolita.

 Si Lolita ay ang babaeng pansamantalang ipinatira nito sa bahay nito. He told her that she needs a place to stay in temporarily. Hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon ni David ngunit hindi niya sinabi iyon sa binata. Unang beses palang kasi niyang makita si Lolita ay iba na ang dating sa kanya nito. There was something she had that she didn't like.

 Nakakatawang isipin na sa napakadaling panahon, nakuha na agad ni Lolita ang puso ni David. Akala niya maibabalik niya sa dati ang binata; ang akala niya, maibabalik niya ang dati nilang samahan...ang dati nilang pagtitinginan. But no, walang nangyari ni-isa sa mga iyon. Instead she saw how David struggled with his feelings for Lolita and how he can longer hold it back to himself.

  Bago dumating pa si Lolita ay may pagkakaunawan na sila ni David. They were childhood friends and they practically grew up together so no words were needed as they knew that something was going on betweem them. Alam nilang parehas ang kanilang nararamdaman pero wala ni isa sa kanila ang gumawa ng unang hakbang para gawing opisyal iyon. She always thought that David was taking his time, so she waited.

 And then met Robie, one of the models she worked with who started making a move on her. Hindi naman talaga niya balak sagutin ang binata dahil inaantay niya si David. But it was Robie's acts that made David do his thing. Naalala niya kung paano ito naghanda sa bawat pagpapa-impress na ginagawa nito sa kanya. She immediately turned Robie down and focused on David.

 They we're okay at first. Ngunit unti-unti niyang nararamdaman niyang iba na sila sa dati ni David. She tried ignoring the signs and the clenching feeling of indifference and still accepted his offer to be his girl. Ipinangako niyang ibabalik niya ang dati nilang pagtitinginan.

 But it was as impossible as moving a mountain with her bare hands. Alam niyang nakuha na ni Lolita ng buong buo ang puso ni David. She knew him enough to know that he was so in love with her.

 Kaya naman matapos ang eksenang ginawa ni David kanina dito sa loob ng bar ay tuluyan niyang tinapos ang kanilang relasyon.

 Sinugod ni David si Kevin, ang matalik nakaibigan nito na nagkataong naroon din sa bar. And being the playboy that he is, ano pa nga ba ang aasahan dito? Nasa gitna ito ng mainit pakikipaghalikan sa isang babae na nagmitsa upang magalit ng husto si David at walang babalang sinugod ang kaibigan nito at sinuntok. Narinig niyang sinasabi nitong niliigawan ni Kevin si Lolita kaya naman nagalit ito ng husto ng makitang may ibang kasama ang binata

 She wanted to envy Lolita at that moment. Kahit kailan kasi ay hindi naging ganoon katapang si David sa pagsasabi ng nararamadaman nito para sa kanya. It only goes to show that he loved her more. And it hurts so much that it sucks.  

 Kaya naman para parehas marapos ang kanilang kamiserablehan, siya na ang tumapos ang kanilang relasyon. It hurts yet she thought that it is the only way to stop causing more pain to the both of them.

 Dire-diretso siyang umupo sa isang stool sa bar. "One scotch please," aniya sa bartender.

 "A scene and now a drink, don't you think you had too much for today, miss?"

 Napalingon si Kim ng marinig niya ang nagsalita. Napakunot noo siya dito. Hindi naman niya kilala ang lalaki ngunit sa paraan ng pagkakangiti nito sa kanya ay tila kilalang kilala siya nito.

 Ngunit hindi naman kataka taka iyon. Sa linya ng trabaho niya bilang isang fashion blogger normal lang siguro na makilala siya ng ibang tao. Hindi sa pagmamayabang ngunit isa siya sa pinakatanyag na fashion blogger sa bansa. Her love for dressing up urged her to take this path. And she was glad she did, because she was more than happy with her job.

 "No it's not," sagot niya saka matamang tiningnan ang lalaki. Gusto sana niyang paalisin ito dahil gusto niyang mapag-isa. She still has to deal with her loss for tonight.

 "Where's your boyfriend?"

 Muli niyang nilingon ang lalaki. He was standing up, yet his left elbow was propped up on the bar, holding his head. Nakatuon sa kanya ang mga mata nito at nakita niya ang kulay tsokolate ang mga iyon.

 "He followed his heart," mapait na wika niya saka niya diretsong ininom ang laman ng basong hawak.

 Sumipol ito. She ordered another glass of scotch before turning to the man beside her.

 This time when she looked at him it wasn't just his eyes that welcomed her, it was also his smile. Hindi niya mapigilang pag-aralan ang kabuuan ng lalaki. His hair was longer than the usual cut for men, katunayan nag ilang hibla ng buhok ito ay tumatabing sa mukha nito and it gave him a rugged-bad-boy feel. Makapal ang mga kilay nito, na bumagay sa mga mata nitong tila tinunaw na tsokolate. It was so brown that it almost looked like black, but they aren't. Then her eyes move down to his nose, it wasn't flat nor proud, just the right kind of nose. But when her eyes settled on his lips, she lost the words to describe them. Masyado iyong mapula para sa isang lalaki, tila nagaanyayang halikan ito.

 And he smiled, it was what captivated her most that she had to turn away to stop herself from doing something stupid like touching his lips with hers.

 Darn! Kakatapos lamang niyang makipag-break sa nobyo niya ngunit heto siya, tila gustong magpahalik sa isang lalaking hindi naman niya kilala dahil sa magandang labi nito? She must be out of her mind. Gusto sana niyang lumipat ng upuan para layuan ang lalaki nang matigilan siya sa tanong nito sa kanya.

 "So, how's your heart?"

 His eyes met hers and a bitter laugh escape from her mouth. "Hard and cold, like ice."

 Mataman siyang tinitigan nito ng ilang segundo bago ito tuluyang umupo sa katabi niyang stool. "Then I guess you really need something to melt it, don't you think so?" Nilingon nito ang bartender. "Give me one scotch too, please."

 "It will be very hard to melt, mister," she said as she sipped her glass again. Naramdaman niyang nagsisimula ng uminit ang kanyang pakiramdam dahil sa iniinom niyang alak. She had low tolerance on alcohol and she knew she should not be drinking because it would mean trouble. But does she care? As of the moment, no.

 "I'm patient Kim. And I have all the time in the world when it comes to you."

            Hindi niya naaalalang sinabi niya ang kanyang pangalan sa lalaking ito. Ngunit lumipad ang lahat ng aprehensiyon niya para magtanong ng hawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. His hand was warm against hers it was somehow comforting.

            Feeling totally comfortable with a stranger is a crazy idea if you would ask her. Ngunit siguro ay nababaliw na nga siya dahil wala na siyang paki-alam sa halip ay ngumiti siya dito.

            They talked and drank the night away until she could no longer stand in her stiletto heels. Umiikot ang mundo niya at hindi niya mapigilang humagikhik ng maramdaman niyang lumutang ang kanyang paa mula sa lupa. She was being carried by strong arms and for the first time that night, she felt like was being cherished and taken care of—and it was undeniably nice.

            Isiniksik niya ang kanyang mukha leeg ng kumarga sa kanya, it was warm in there and she liked the scent she was inhaling.

            "Y-you won't hurt me, don't you?" aniya sa garalgal niyang boses.

            "Believe me," said the man carrying her. "Since the first time I hurt you before, I vowed my life not to hurt you again and protect you always."

            Bahagya lamang niyang naunawaan ang sinabi nito sa kanya dahil unti-unti na siyang nilamon ng antok at pagod. She fell asleep feeling safe that night.


            KIM GROANED when she felt her head throbbing. Ang sakit na iyon ang tila alarm clock na gumising sa kanya. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata upang subukang bumangon. When her eyes adjusted to the light, she was welcomed by a white ceiling.

            Kailan pa naging puti ang ceiling ng kwarto niya?

            She turned to her side and realized that she wasn't on her bed either! Napabalikwas siya ng bangon ng mapagtantong wala sa siya sa kanyang kwarto. Nasaan siya? Her eyes roamed around the room.

            Puro itim at puti ang mga kagamitan sa loob ng kwarto. A door was on the left side what looks like to be a closet was beside it. Nagkalat din ang damit sa iba't ibang bahagi ng kwarto. Binaha ng kaba ang kanyang dibdib, what the heck happened last night?

            Dahan dahan niyang itinaas ang kumot na nasa katawan niya upang i-check kung may suot siyang damit. Muntik na siyang tumili ng makitang nakasuot lamang siya ng robe. Would she consider it a miracle that she was wearing her underwear?

            Pilit niyang inalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi. The only clear thing she remembered was that she was talking to a complete stranger on the bar and she had let him hold her hand. Everything after that seemed to be vague and black...

            Ibig bang sabihin...?

            Awtomatikong lumipad ang kanyang tingin sa pinto sa kaliwa nang bigla iyong bumukas. Humigpit din ang hawak niya sa kanyang kumot. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang lumabas doon ang lalaking kasama niya kagabi. Kahit hindi malinaw sa kanya ang karamihan ng mga nangyari noong nagdaang gabi ay natatandaan niya ang mukha nito. It was the kind of face that cannot be easily forgotten.

            Umahon ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib para dito at nakahanda na siyang ibato ang unang hawak niya ng bumaba ang kanyang tingin sa katawan nito. He was naked from waist up at isang nakapulupot na tuwalya lamang ang suot nito. Wala sa sariling napalunok siya ng makitang tumulo mula sa mahaba nitong buhok ang ilang butil ng tubig papunta sa matipunong dibdib nito pababa sa abs—

            "Gusto mo ng kanin?"

            Napaangat muli ang kanyang tingin sa mukha nito ng magsalita ito. "What?"

            "Mukha kasing inuulam mo na ako," he smirked at her. "Baka kako gusto mo ng kanin."

            Antipatiko! Hinagis niya ang hawak na unan dito na walang kahirap hirap naman nitong sinalo. "Hey, is that how you are going to greet me good morning after last night?"

            Anong sinasabi nito? Nakakainis dahil wala siyang maalala kahit ano. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama habang mahigpit paring hawak ang kumot sa kanyang katawan. "Anong ginawa mo sa'kin?"

            "It's not about what I did. It's about what you did." Tumingin ito sa kanya na tila hindi makapaniwala. "Don't tell me hindi mo matandaan?"

            Naningkit ang mga mata niya at gusto niyang sakalin ang lalaking ito. She had her lessons in self-defense at pwedeng pwede niyang patumbahin ang ito. Ngunit bakit hindi niya magawang kumilos man lang sa kanyang kinatatayuan?

            She knew why. It was his smile.

            Darn, Kim! Dahil sa ngiti nito ay napahamak siya kagabi kaya hindi na niya hahayaan ang kanyang sarili an muling madala sa mapanlinlang na ngiti nito.

            "What did you do to me?" She hissed again.

            "Nothing," ani ng binata sa kanya. "In fact, ikaw pa nga ang may ginawa sa'kin. And just in case hindi mo nga natatandaan, please take time to smell your clothes and mine on the laundry."

            Naiintindihan niya ang sinabi nito. Malamang, hindi kinaya ng sikmura niya ang lahat ng kanyang ininom kagabi kaya naman nilabas din niya ang lahat ng iyon. She was somehow relieved knowing that she was safe. Sheerr, it, was safe and untouched.

            Matalim niyang tinitigan ito saka kinuha ang kanyang purse na namataan niya sa bedside table saka tinungo ang pinto na nasa kabilang dako ng kwarto. Kung ang pintong nilabasan nito kanina ay ang banyo, malamang ang isa ay ang daan palabas.

            "I swear if you ever come near me again," she successfully held the knob of the door and opened it without breaking contact from him. "...I'm gonna kill you!" She immediately shut the door behind her and ran outside.

            The house wasn't big so she easily found her way out. Pero hindi ganoon kadaling takasan ang katangahang ginawa niya. What had she done to herself?

            Matapos ang nangyari sa kanila ni David, heto siya gumawa na naman ng isa pa niyang problema. What the heck am I thinking? Or am I even thinking when I went with him last night?

            Bumuntong hininga siya palabas ng pinto. Alam niya hindi siya nag-iisip kagabi. His easy smile, his scent and his warmth—all of these made her feel loved and cherished which made her unable to think. Lumabas siya ng nakasuot lamang ng robe. Ngunit mas mabuti na iyon kaysa manatili sa loob ng isang kwarto kasama ang isang antipatikong estranghero.

 Damn! Gusto niyang sabihin na broken hearted lang siya, pero hindi siya tanga. Pero sa mga ginawa niya, anong tawag sa kanya?

 Stupid, she thought. 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
61.5K 1K 11
Supermodel No. 5 Josh Rios, ang "Papa Dimple" ng TMA.
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
54.9K 1.2K 10
College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dah...