Their Long Lost Sister

By lialabspurple

50.2K 1.6K 285

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 13

940 46 8
By lialabspurple

Habang hinihintay ni Dhianne si Jazley ay tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid niya. Nakanguso pa ang mga labi habang naglulumikot ang mga mata.

Nasa opisina kasi siya ni Jazley sa bahay nito. Pinapunta siya dito ni Jazley sa hindi niya alam na dahilan. Ngayon lang din siya nakapasok dito kaya hindi niya maiwasan ang suriin ang nasa paligid niya.

Hindi niya tuloy mapigilan ang kabahan dahil baka may nagawa siyang mali o hindi nagustuhan ni Jazley kaya siya nito pinatawag.

Napatalon siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Jazley. Napatingin tuloy siya doon at doon nakita niya si Jazley.

"Sorry, natagalan ako." sabi ni Jazley matapos isarado ang pinto at maglakad papunta sa mesa nito para maupo sa swivel chair nito.

Siya kasi ay nakaupo lang sa may mahabang sofa. Nang makapasok siya kanina dito ay nanatili na siya doon, hindi siya nag-ikot sa loob ng opisina dahil natatakot siyang baka may masira siya o kung ano man.

"Okay lang po. Bakit niyo po pala ako pinapunta dito? May nagawa po ba akong masama? Sorry po kung meron man." kinakabahang sabi ni Dhianne at hindi makatingin nang diretso kay Jazley.

Pinaglalaruan niya pa ang daliri niya sa kamay dahil sa takot at kaba. Kagat-kagat niya din ang ibabang labi niya at unti na lang ay maiiyak na.

Isang araw na ang lumipas simula ng pumunta ang Fernandez Family sa bahay nila Jazley. At sa isang araw na lumipas na 'yon ay hindi maintindihan ni Dhianne kung bakit gusto niyang makita ang mga ito ulit, agad.

"Hey, wala kang ginawang ano man. Kaya kita pinapunta dito ay dahil may itatanong lang ako sa 'yo. I'm sorry if I scared you." Jazley said softly nang mapansin niya ang takot at kaba ni Dhianne.

"Ah, gano'n po ba? Sorry po." sabi lang ni Dhianne at nanatiling nakayuko. Pigil ang mapaiyak sa hiya at kaba kanina.

Masyado siyang nag-overthink kanina kaya napapaiyak na lang siya. Hindi naman tumutulo pero papaiyak na talaga siya.

Napabuntong hininga naman si Jazley at tumayo sa kinauupuan niya sabay naglakad papunta sa gawi ni Dhianne at naupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Dhianne sa kaniya.

"H'wag ka ng kabahan o matakot. Wala ka namang ginawa, eh. Sorry kung natakot talaga kita, hindi ko sinasadya." marahang sabi ni Jazley at nginitian pa si Dhianne.

"Hindi na po. Natakot lang po ako kasi baka may nagawa po ako kaya niyo ako pinatawag. Pasensya na po, kuya." sabi ni Dhianne at ngumiti lang din kay Jazley.

"It's okay, let's change the topic na lang." sabi ni Jazley kaya nakangiting tumango na lang si Dhianne.

Bago magsimula si Jazley sa kung ano mang balak niya ay umayos muna siya. Isang araw niya ring pinag-isipan ang mga itatanong niya kay Dhianne.

Ngayong nalaman niya na kapatid niya pala si Dhianne ay mas babantayan at aalagaan niya ito nang maayos. Marami din silang napag-usapan at napagplanuhan ng pamilya niya na dapat nilang asikasuhin, lalo na at tungkol 'yon kay Dhianne.

Hindi rin niya sinabi sa pamilya niya na buhay siya. Hindi pa daw kasi ito ang tamang oras para malaman ng mga ito ang tungkol sa kaniya. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang kapatid niya. Ang kaligtasan ng kapatid niya.

Hindi niya maiwasan ang makahinga nang maluwag na napunta sa kaniya ang kapatid niya at nakuha niya ito sa tatay-tatayan nitong sinasaktan siya palagi.

Laking pasasalamat niya dahil nakilala niya si Dhianne, na siya pa lang kapatid niya. Ang aso niyang si Summer ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. 'Yun din siguro ang oras na magkita silang magkapatid.

Hindi niya siguro matatanggap kung hindi niya nakilala ang kapatid at nakuha sa tatay-tatayan nito. Na nagdudusa pa rin ito sa hirap sa kamay ng tatay-tatayan nito hanggang ngayon habang siya ay masayang nagliliwaliw lang.

Naikwento niya rin lahat ng pangyayare kay Dhianne sa pamilya nila at nang malaman ng pamilya niya ang mga nangyare at paghihirap ng prinsesa nila ay gano'n na lamang ang galit ng mga ito. Hindi niya naman masisisi ang mga ito. Kahit nga siya ay galit.

Kaya pala no'ng una niya itong makita ay agad ng magaan ang loob niya dito. 'Yun pala ay kapatid niya ito. Matagal na rin kasi siyang walang balita sa pamilya niya kaya hindi niya alam na nagkaroon pa ito ng anak na babae.

Huling balita niya sa mga ito ay bago pa siya mawalay sa mga ito. Bata pa siya noon. Hindi niya rin naman ginawang hanapin ang mga ito at alamin pa ang mga buhay nito dahil baka hindi siya makatiis at basta na lang siyang sumugod sa mga ito o magsabi na buhay siya. Basta ang alam niya ay akala ng mga ito ay patay na siya.

'Yun ay pinipigilan niyang mangyare dahil ayaw niya munang magpakita kaya nagtiis siya ng ilang taon para sa mga ito. Kaya gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang mga ito sa labas ng pinto ng bahay nila at nagdodoorbell.

May mahalaga kasi siyang ginagawa at inaalam kaya nanatili siyang nagtatago. Hindi nagpapakita sa pamilya, na nagtiis siya ng ilang taon na hindi hanapin ang mga ito.

Kung alam lang ng pamilya niya kung gaano niya itong kamiss at inalala sa ilang taon na lumipas. Kung gaano niya kagustong hanapin ang mga ito at makitang muli para makasama. Kung gaano niyang kagustong yakapin ang mga ito nang bumungad ito sa kaniya pagbukas niya ng pinto ng bahay nila.

"Galit ka ba sa totoo mong pamilya, Dhianne?" maya-maya ay tanong na ni Jazley.

Isa ito sa mga gustong malaman ni Jazley. Baka kasi galit ito sa kanila. Nalaman na rin niya ang lahat kung bakit nawalay si Dhianne sa pamilya niya dahil kwenento sa kaniya ng magulang niya kung anong nangyare.

"Hindi po, kuya. Nang sabihin sa 'kin ni Mama noon na hindi niya ako tunay na anak ay nasaktan ako kahit na una pa lang naman ay pansin ko na. Hindi rin po ako nagalit kay Mama dahil sa tinago niya sa 'kin ang katotohanan. Masakit kasi pala talaga kapag napatunayan mo ng totoo 'yung hinala mo at sa kanila mismo galing. Tinanggap ko na rin naman at ayaw ko ring magtanim ng galit sa kanila dahil wala naman pong silbi 'yon at alam ko pong may dahilan kung bakit nawalay ako sa totoo kong pamilya. Kung sakali pong magkikita kami ay yayakapin ko lang sila nang mahigpit at iintindihin ang paliwanag nila kung bakit ako nawalay sa kanila. Sabi po kasi ni Mama sa 'kin na h'wag akong magalit sa kanila at hintayin silang magpakita sa 'kin at pakinggan ang kung ano mang sasabihin nila sa 'kin o 'yung paliwanag nila. Doon na daw po ako babase sa paliwanag nila, kung dapat ba akong magalit or hindi." mahabang sagot ni Dhianne. Nagtataka man sa tanong sa kaniya ni Jazley ay sinagot niya pa rin ito.

"You're so sweet and kind, Dhianne. Ang swerte ng pamilya mo sa 'yo." nakangiting sabi ni Jazley at nagpigil pang h'wag maiyak.

"Ang swerte namin sa 'yo, princess." dugtong niya pa ngunit pabulong kaya hindi 'yon narinig ni Dhianne.

"Gusto ko na nga po silang makita, eh. Kinakabahan na naeexcite po ako." sabi ni Dhianne na ikinangiti lang ni Jazley.

"Don't be nervous, I'm sure na matutuwa ang pamilya mo sa 'yo. Sino ba namang hindi matutuwa sa 'yo? Napakabait mong bata, Dhianne. Sure din akong may dahilan kung bakit ka nawalay sa pamilya mo. Sure din akong hinahanap ka na nila, konting hintay na lang, Dhianne at makakasama mo na sila." tanging sabi lang ni Jazley kahit na alam na niyang nakita na niya ang pamilya nito.

Hindi niya pa pwedeng sabihin dito ang nalalaman niya, na magkapatid sila. Gustuhin niya man ay hindi pa pwede, hindi pa ito ang tamang oras.

Tanging ngiti na lang din naman ang ibinigay ni Dhianne kay Jazley. Hindi na siya makapaghintay na makita at makilala ang totoo niyang pamilya.

Matapos ng usapan nilang 'yon ay naiba na ang usapan nila. Iniba na ni Jazley dahil baka madulas pa siya. Nagtanong na lang siya ng kung anong mga hilig ni Dhianne o kung ano man dahil gusto niyang mas makilala pa ang kapatid.

Magkikita nga pala sila ulit ng pamilya niya bukas para pag-usapan ang plano nila. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtatago sa pamilya niya. Naisip niya na tatapusin niya muna ang lahat ng gulo bago siya magpakilala.

"May sasabihin ako sa 'yo, Dhianne." nakangiting sabi ni Jazley. Nacurios naman si Dhianne sa sinabi niya.

"Ano po 'yun, kuya?" nakangiting tanong niya. Ngumiti lang naman si Jazley at nilapit ang daliri sa mata para tanggalin ang suot niyang contact lens.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dhianne dahil sa ginawa ni Jazley. Hindi siya makapaniwala na nagsusuot ito ng contact lens katulad niya. Buong akala niya ay brown ang kulay ng mata nito.

"Hala, kulay blue po pala mata niyo." gulat na sabi ni Dhianne at nakangiting tumango lang si Jazley.

"Yes, Dhianne. Blue talaga ang kulay ng mata ko, 'yan ang gusto kong sabihin sa 'yo." Jazley said and smiled.

Nilagay ni Jazley ang contact lens niya sa lagayan nito. Hindi na niya ito sinuot pang muli. Gusto niya rin kasing ipakita kay Dhianne ang tunay na kulay ng mga mata niya.

Matagal niya ring tinago ang totoong kulay ng mga mata niya dahil ayaw niyang may makakilala sa kaniya.

"Bagay po sa inyo. Ang gwapo niyo po tingnan lalo. Parang kamukha niyo po 'yung Mommy nila kuya Shawn–" nawala ang ngiti sa labi ni Jazley at Dhianne, nahinto pa nga siya sasabihin niya dahil sa huling sinabi ni Dhianne.

"Ay, hala! H'wag niyo na pong pansinin ang sinabi ko." natatarantang sabi ni Dhianne. Nasa isip niya kasi ay baka hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

Samantalang si Jazley naman ay kinabahan. 'Isa sa dahilan niya kung bakit iniba niya ng konti ang mukha at nag contact lens siya ay dahil kamukha niya ang Mommy niya. Madali siyang makikilala. Kamukha nilang apat magkakapatid na lalaki ang nanay nila samantalang si Dhianne ay ang Daddy nila.

Laking pasalamat niya nga na hindi siya namukhaan ng mga ito nang nagpunta ang mga 'yon sa bahay nila. Grabe din ang kaba niya no'n. Hindi naman siya retokado. May inayos lang siyang style, gano'n.

"It's okay, Dhianne." sabi na lang ni Jazley at ngumiti. Nakahinga naman nang maluwag si Dhianne. Akala niya ay galit na ito sa kaniya.

"Ako din, kuya. May papakita din ako sa 'yo." sabi ni Dhianne at ngumiti pa. Nginitian niya lang din si Dhianne at hinintay ito sa kung ano mang ipapakita nito.

Napaawang ang labi ni Jazley nang makitang nagtanggal din ng contact lens si Dhianne. Hindi siya makapaniwalang nagsuot lang din pala ito ng contact lens. Buong akala niya ay black talaga ang mata nito.

Nang malaman niyang kapatid niya ito ay nagtaka pa siya kung bakit black ang kulay ng mata nito dahil wala namang may black ang kulay ng mata sa pamilya nila at ngayon ay alam niya na ang dahilan kung bakit. Isa rin 'yon sa dapat na itatanong niya sana kay Dhianne.

"Green po talaga ang kulay ng mata ko. Nag contact lens lang po ako dahil ayaw ko pong makaagaw pansin. Agaw pansin po kasi lagi ang mata ko kapag hindi ako naka contact lens. Nahihiya po ako kapag gano'n. Nahihiya po ako sa mata ko kaya nag contact lens na lang ako. 'Yun din po kasi gusto ni Mama." paliwanag ni Dhianne.

"Hmm, from now on. Gusto kong nakaganiyan ka na lang, Dhianne. H'wag mo ng isuot ang contact lens mo. Bagay naman sa 'yo. H'wag kang mahiya sa kulay ng mata mo. Dapat mo lang na ipakita 'yan sa lahat, ipakita mo kung gaano kaganda 'yang mga mata mong 'yan." ngiting sabi ni Jazley ay marahan pang hinaplos ang mata ni Dhianne.

Napangiti siya sa ginagawa at titig na titig sa mukha ni Dhianne. Kitang-kita niya kasi ang girl version ng tatay niya. Magkamukhang-magkamukha si Dhianne at ang Daddy nila.

"Opo, 'yun din po ang balak ko. Gusto ko na rin pong sanayin ang sarili ko na h'wag mag contact lens." nakangiting sabi ni Dhianne.

"That's good to hear. Don't be shy to show them your beautiful green eyes, Dhianne. Be proud." napangiti na lang si Dhianne sa sinabi ni Jazley at niyakap ito na ikinatuwa naman ni Jazley.

"Thank you, kuya Jazy. Thank you for everything, I love you po." Dhianne whispered na rinig naman ni Jazley.

Hindi napigilan ni Jazley ang mapangiti dahil sa sinabi nito. Pigil pa niyang mapaluha dahil sa sinabi nitong I love you sa kaniya. 'Yun kasi ang unang beses na sinabihan siya nito ng I love you.

"I love you more, my princess." He said then kissed Dhianne's forehead.

Pagkatapos no'n ay lumabas na sila ng opisina niya para mag bonding. Pinili kasi ni Jazley na sa opisina niya sila ni Dhianne mag-usap para sigurado siya. Sigurado siyang silang dalawa lang ang makakarinig at makakaalam sa lahat ng pinag-uusapan nila ng kapatid niya.

"Marcelo, come with me. Pupuntahan natin sila Mom." sabi ni Jazley sa kaibigan matapos sagutin nito ang tawag niya.

"Ngayon na? Ano ba 'yan, nagpapahinga 'yung tao, eh." reklamo naman ni Marcelo na ikinairap lang ni Jazley.

"Bilisan mo na lang! Dami mo pang reklamo." singhal niya sa kaibigan na muli lang nagreklamo sa kaniya.

Napailing na lang siya at muling sinabihan ito na sumunod sa kaniya sa lugar na itenext niya dito. Nagtext kasi sa kaniya ang kapatid na si Vaxton na magkikita sila ngayon. Alam niya ay bukas pa pero mukhang may ganap kaya napaaga.

TO: My Third Brother, Vaxton

Hey, buddy. I'm on my way, see you!

Text niya sa kapatid niya at bahagya pang napangiti. Hindi niya tuloy maiwasan ang maexcite na makita itong muli.

Maya-maya ay agad ring tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya ay nagreply pala sa kaniya ang kapatid. Nagpalitan kasi sila ng mga number para may communication sila sa isa't isa.

FROM: My Third Brother, Vaxton

Okay, ingat.

Napangiti lang siya sa reply nito at hindi na nagreply. Pinatay na lang niya ang cellphone niya at tinago ito sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Bago umalis ng bahay ay nagpaalam pa muna siya kay Dhianne bago tuluyang umalis ng bahay nila para makipagkita sa pamilya niya.



Lia

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1.1M 57
{FIRST BOOK IN 'THE GIRL IN THE HOODIE' SERIES} {2014-2018} A girl moved to California two years ago. No one knows what she looks like. All th...
2.2M 56.8K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
53.3M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...
160K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...