Pahina ng Pag-ibig

By ablyyy

811 33 7

Because of a certain accident, a couple faced a memory loss, making them forget about each other. But they ca... More

A/N
PROLOGO
Unang Pahina
Ikalawang Pahina
Ikatlong Pahina
Ika-apat na Pahina
Ika-limang Pahina
Ika-anim na Pahina
Ika-pitong Pahina
Ika-walong Pahina
Ika-siyam na Pahina
Ika-sampung Pahina
Ika-labing isang Pahina
Ika-labing dalawang Pahina
Ika-labing tatlong Pahina
Ika-labing limang Pahina
Ika-labing anim na Pahina
Ika-labing pitong Pahina
Ika-labing walong Pahina
Ika-labing siyam na Pahina

Ika-labing apat na Pahina

24 1 0
By ablyyy

Maging ano pa man ang dahilan,
Kung bakit ganito ang aking nararamdaman,
Basta hindi ko din maintindihan,
Ang alam ko lang, 'wag ka na sanang sa piling ko'y lumisan.

__________

"Cliff, pahiram ng gunting!" Agad akong lumayo kay Cliff nang sumulpot bigla si Rave sa tabi ko.

"Here." May diin na sabi ni Clifford.

Pinaglipat-lipat muna ni Rave ang tingin niya sa aming dalawa ni Cliff bago ito tila ba may na-realize na kung ano.

"Oh, shoot! Don't tell me, I disturbed something again?"

"Yes, you dumbass. For the second time. Baka nga hindi na kita mapatawad kung mauulit pa 'to sa pangatlong beses." Mas madiin at may kahinaang banta ni Clifford.

"Hehe." Tanging nasabi ni Rave atsaka pilit na ngumiti.

Iiling-iling na iniwan ko silang dalawa tsaka nalang pinuntahan si Xyril sa corridor na inaayos yung lulutuan sa labas.

I don't know, but Xyril is so good at this kind of stuff. Hindi ko alam if saan niya nakuha yung mga pahabang lamesa na pinag patungan niya ng stove, ng dish rack at iba pa. Meron din itong na-provide na dining table. Siguro may nakausap siya about sa mga hiniram na gamit. School properties kasi ang mga ito ayon sa sticker na nakadikit sa mga lamesa't upuan.

Hindi kami mamomroblema sa cr dahil meron naman sa tabi ng hagdan na katabi mismo ng room at magkahiwalay pa ang para sa babae at para sa lalaki. Sa tapat naman ng building ay may lababo na may tatlong gripo. Paniguradong doon kami maghuhugas ng mga pinggan.

Lumabas na din sina Rave at Clifford habang naiwan naman sina Terra at Mica doon sa loob, nag-aayos ng beddings.

Ginulo agad ni Rave ang nananahimik na si Gindel doon na nag-iigib. Si Xyril panigurado ang nag-utos non para sa gagamiting tubig pag magluluto. Isang may kataasang drum ang pinupuno ni Gin kanina pa. May poso kasi doon sa tabi ng lababo, yun ang ginagamit ni Gindel pang-igib. Sure ako, mga mamayang gabi pa siya matatapos.

"Lintek na yan, 'wag kang magulo! Nababasa na ako!"

"E, pasubok nga kasi! Hindi ko pa 'to nasusubukan buong buhay ko!"

"Ikaw pag-iigibin ko dito, tignan mo!"

"Tutulungan na nga kita e!"

"Argh! Kiaaaa!! Si Gindel o! Pag ito hindi umalis, hahampasin ko to ng hawakan ng poso!"

Leche naman kasi! Ako na naman?! Kia na naman!

"Pag hindi kayo tumigil na dalawa, lilipad itong kawali dito, sinasabi ko na!"

"Oh, ano? gusto mong mabato?!" Sita ni Gindel kay Rave na hirap na hirap ngayon sa pagbomba ng poso.

"Oo na, salitan nalang tayo!" Umalis ito doon at pinanuod muna si Gindel.

"Oh, 'wag mo ako masyadong titigan, nandidiri ako sayo!" Kala mo batang inaaway itong si Gindel. At yung isa naman, mas bata ang isip. Argh! Sakit talaga nila sa ulo, myghad.

"Wag kang feelingero, gago! Anong tititigan ko sayo?!"

"Mga muscles ko. Alam ko namang malalaki 'tong mga 'to, kaya pag inggit, pikit!" Asar ni Gindel na ikinapikon nung isa.

"Talaga lang ha? Inggit-inggit ka pang nalalaman! Halika, at nang habang buhay ka ng pipikit!!"

Ano pa bang ending? Edi ayun, basang-basa sila dahil nagsabuyan na sila ng tubig. Ofcourse, lumipad ang kawali.

Nang bandang hapon, malapit na kaming matapos sa lahat ng aayusin namin nang isang truck ang pumarada sa tapat ng building. Si Cliff ang agad na hinanap nila. Abala kasi ito sa ilalim ng mesa at may kung anong pinupukpok doon.

Isa-isang binaba sa truck nung mga nagdeliver ang isang set ng sofa na kulay itim. Isang pahaba at dalawang pang solo. Mayroon din itong kasamang medium size na lamesita.

"Shala!!" Naisigaw ni Terra.

Agad in-assist ni Clifford ang mga nagbubuhat papasok sa loob ng room at syempre sumunod kami para silipin.

Si Clifford na ang namili ng puwesto ng mga ito at tinulungan lang namin siya na itulak yung mga yun sa tamang ayos dahil agad din niyang pinaalis yung nagdeliver.

Nang matapos, ang kaliligong si Gindel at Rave ang unang humiga.

"Mahal na ata kita, Cliff." Naibulalas ni Gindel.

"Ang dugyot mo kamo." Umarte pa itong si Cliff na akala mo'y nasusuka. Natawa kami dahil doon.

We just spent our Saturday night by watching a movie matapos naming i-connect ang smart T.V. nina Xy at Rave sa free wifi ng school. Gamit ang account sa portal ni Rave ay kinuha nito ang password doon. Siguro ay dahil walang gaanong tao sa school kasi gabi na ay malakas ang cignal.

Walang nagluto dahil pare-parehong tinamad kaya naman nag-order nalang kami ng pizza, shawarma at chicken wings.

Nasa sofa'ng mahaba kami nina Terra na pinagigitnaan si Mica habang nasa tig isang solo sofa naman sina Rave at Gin. Si Cliff at Xy ang nasa lapag ng floor. May carpet naman roon kaya sabi nila ay okay lang daw sila sa puwesto nila. Si Xy na kay Rave nakasandal at si Cliff na sa tapat ko nakaupo kaharap nito ang lamesitang puno ng pagkain. Dahil walang bintana tsaka patay ang lahat ng ilaw at suspense ang palabas, sobrang dilim tuloy ng naging ayos ng paligid.

Hindi ata ako makakaihi mamaya sa cr. Takteng 'yan, nakakatakot!

Abala ako sa pepperoni ko nang may maramdaman ako sa binti ko. Pinagkasya ni Clifford ang sarili niya sa pagitan ng dalawang hita ko habang nakaupo siya sa sahig, sumandal ito sa sofa sa tapat ko sa pagitan ng dalawang hita ko. Ang ulo niya ngayon ay nakasandal na sa tuhod ko sa kanan at tutok na tutok ito sa panonood.

Hindi ko alam pero parang may dumaloy na kuryente mula sa talampakan ko paakyat sa bumbunan ko. Hindi din ako makagalaw. Tinignan ko yung mga kasama ko at abala silang lahat sa pinapanood. Beh, paano pa ako magfo-focus nito?

'Di ko na alam if anong nangyari basta pagkagising ko ay nasa ganoong posisyon pa din kaming lahat. Nakalimutan kong nakasandal pa din sa akin si Clifford kaya nagising din ito nang umayos ako ng upo. Shems, hindi ko maigalaw ng maayos yung kanang hita ko.

"Oh sh*t, I'm sorry. I fell asleep. Nangalay ka ba?" Sabi ni Cliff na tumayo sa harapan ko at bahagyang hinawakan ang tuhod ko.

"Nah, I'm good." For him to not be worried, I smiled at him.

Dahil tulog pa ang iba ay napagpasyahan namin ni Cliff na ligpitan na yung mga pinagkainan namain kagabi para mabawasan na yung kalat.

"Would you mind helping me cook breakfast?" He asked me after we put the trash in a plastic bin.

"I would love to." I smiled. Nauna na itong naglakad papuntang corridor at ako naman ay pinipilit kong umayos ng lakad dahil medyo namamanhid ang hita ko.

"I'll fry sunny-side-up eggs and bacon. You toast the bread and make some hot drinks."

"Oki."

I can't stop myself from smiling. He just looks so good with an apron. He has cooked for me before, but I did not see him actually cooking. This is the first time.

Ber months na kaya talagang malamig na pero para sa akin tama lang yung hangin na tumatama sa balat ko ngayon. Nakakagising ng loob-loob at sobrang sarap damhin.

I like morning like this.

With him.

Habang hinihintay ko yung timer ng bread toaster ay hindi ko mapigilang tumulala. Hindi sa kawalan kundi kay Cliff.

Ang tangkad-tangkad niya. I think he is 6ft something. Kagigising nito pero hindi man lang magulo ang buhok. Nananatiling mapupungay ang mga mata, hindi kailangan ng liptint dahil natural ng mapula 'yon, walang ring muta-- wait hindi ko pa chineck itsura ko!!

Agad akong tumakbo sa loob ng escaped room at kinuha yung pouch ng toiletries ko. Diretso agad ako sa cr para manalamin.

Oh gosh! Yung buhok ko! Sobrang guloooo!! May muta pa ako sa kanang mata. Nakakahiya! Porket gumising siya ng perpekto, myghad 'di man lang ako sinabihan!

Matapos maghilamos ay inayos ko na ang magulong buhok ko into a messy - in a way na magandang bun.

Maglalagay pa sana ako ng lip tint pero naisip ko na baka isipin niyang nagpapaganda ako para sakanya. Well, it's true but ofcourse alangan ipaalam ko, beh?

Binilisan ko nalang yung pagliligpit ng ginamit kong sabon at sunscreen bago minadaling binalik yung pouch sa loob. Hindi naman ako magkandaugaga sa pag-upo dahil sumakit lalo ang hita ko.

Tumunog na yung bread toaster at pagtayo ko ay napansin ni Cliff ang pag-ika ko.

"Oh God, are you okay? I'm really sorry."

"No, no, no. Napatid ako kanina nung nag cr ako." I told him. He looks so guilty.

"You sure?"

"Yea, I'm fine"

"You can rest, ako nalang diyan."

"Really, I'm fine and isa pa-- Cliff! yung bacon, nangangamoy sunog na!!" Dali-dali nitong binalikan ang niluluto niya na buti nalang hindi pa nasunog, muntik palang.

Matapos magluto ay agad ko ng ginising sina Terra. May pagme-meeting-an pa kasi kami about sa fair.

After breakfast, nag-usap lang kami ng mga idadagdag sa mga ika-canvas so that bukas ay masubmit na namin ang budget proposal. Nagsipagligo na muna kami, salitan.

Nagpaalam naman sa akin si Cliff na uuwi daw muna ito at babalik nalang bukas ng umaga. Pumayag agad ako kasi alam kong busy talaga siya pero pinipilit pa din niya kaming isingit sa time niya.

"Careful on your way home." I told him when he was about to step out of the corridor.

"You too, take care." Napatingin ito sa mga kasama kong nagpapaalam din sakanya.

"Grabe naman 'yan! Si Kiana lang ba may karapatang mag-ingat?" Asked Gindel.

"Ingat kayong lahat." Natatawa nitong sabi.

"Aysus! Okay lang hindi na, ano ka ba? Sino ba naman kami para mag-ingat, diba?" Sabi ni Terra na tinignan ang mga kasama namin isa-isa. May bitbit pang sabunan at tumalya ang lola niyo. Hindi pa 'to nakakaligo.

Napuno naman kami ng tawanan nang sundan pa nila 'yon nang asaran.

We finished the day by finalizing the budget lists that we needed after we were done checking the possible prices of the items.

Nagprisinta naman na si Mica na siya na ang gagawa ng final outcome ng budget proposal.

"Ako na magluto ng hapunan?"

"Ay no, no, Xy please. Ako na." Sagot ni Terra at inunahang tumayo si Xy sa sofa para pumuntang corridor at magluto. Naalala ko na naman yung ginawa nila sa mga hotdog noon. Kaya yung itsura ni Terra ay parang nagsasabing "Never again."

Terra cooked adobong manok for our dinner and si Gindel at Rave ang inutusan niyang maghugas ng pinggan pagkatapos. Sana nalang matapos silang kumpleto pa din ang bilang ng mga plato at baso namin.

"Kapag narinig ko kayong nag-aaway doon, iuuntog ko sainyo yang kaldero ha." Madidiing bilin ni Terra.

"Kahapon kawali, ngayon kaldero e ano bukas?" Gin.

"Yung microwave na." Sabi ni Terra na ikinatawa ko ng malakas. Nag "bleh" naman sa akin yung dalawa bago naghugas.

I took a shower after that so that I could go to bed already. Masyado akong napagod maghapon. Umikot-ikot sa mall kakahanap ng mga kakailanganin, sa hardware at kung saan-saan pa. Idagdag mo pa yung bibig ko na pagod kakabawal sa mga kasama ko.

The next morning, nagising ako dahil sa mga mahihinang tawa.

Tulog pa si Terra pero si Mica ay nagluluto na. Gising na din si Rave at Xyril na sinusulatan ng pentelpen ang humihilik pa na si Gindel.

Hay nako, maingay at mag-aaway na naman sila mamaya. Argh!

"Tigilan niyo nga yan!" Sigaw ko sakanila tsaka nagtupi ng blanket. Nagising ata si Terra sa sigaw ko kaya inabot nito ang buhok ko tsaka hinila.

"Aray naman!"

"Ang ingay mo!" Ito kasi ang katabi ko habang katabi niya naman si Mica sa kabila.

"Anong oras na kaya, dapat lang na bumangon ka na din! Tumutulo na laway mo oh, ew!!" At bago pa ako muling masabunot ay agad na akong tumakbo sa cr. Wala naman talagang laway.

"Kakain na!" Sigaw ni Micah after I brushed my teeth kaya agad ng nagsitayuan ang mga loko para lumabas at kanya-kanya na rin nang upo sa tapat ng lamesa.

May mga iilan na kaming natatanaw na mga estudyante sa loob ng school dahil lunes na naman. Kung may mapapadpad man ditong estudyante ay baka akalaing boarding school na ang LSU.

"Gustong-gusto ko yung ganito tayo, yung may tiga-luto." Sabi ni Rave tsaka malalaking subo ang ginawa niya sa mga cookies na ni-bake ni Mica.

"Mag-aral ka na kamong magluto. Pareho nalang kayong tatlo, mga batugan." Pinagduduro ni Mica kina Xy, Gin at Rave.

"Ang sakit mo masyado, Mica." Sabi ni Gindel na humihigop ng gatas.

"Napakasakit." Iiling-iling na sabi ni Xy.

Mas natawa ako nang makisama na din si Terra sa kaguluhan nila. Hindi din ako makatingin ng maayos kay Gindel dahil puno pa din ito ng pentelpen sa mukha. Baka bigla akong matawa e mahalata niya, madamay pa ako.

Naligo na din agad ako habang pinasuyo ko naman kay Terra na nag-aayos ng uniform niya na paki-iron steamer na din ang uniform ko.

"P*tang*naaa!!" Narinig kong sigaw ni Gindel sa loob ng cr ng boys habang nagsasabon naman ako sa cr ng pambabae. Ngayon palang ata ito nagsalamin.

Nauna na akong umalis sakanila matapos kong gumayak. Pupuntahan ko pa kasi si Ms. Ibarra.

Ngayon ang simula ng pagpa-practice ng mga estudyante para sa mga performances, contests at kung ano-ano pa. Pwede na silang hindi um-attend ng klase kaya andaming mga estudyante ang nagkalat ngayon sa campus.

I stayed there for almost an hour with Ms. Ibarra to see if the teachers would agree with my suggestions about the activities that we'd made for them. They promised that they will participate in the fun run and other events at the upcoming fair. After that, I presented the budget proposal that we also worked on for a few days.

"Kiana!" I was about to go back to the escaped room when someone called me.

"Ah yes? How may I help you?"

"I'm Eli, club president of Theater Arts." Nilahad nito ang palad niya habang may malaking ngiti sa labi.

"Oh hi. Nice to meet you." I smiled back. He's so good looking.

"Can we sit over there? I just want to talk about something. Shall we?" Tinuro nito ang isa sa mga benches na nagkalat sa loob ng campus.

Napakaprecise nitong magsalita. Mababakas mo ang pagka-tiyatro sa kilos at pananalita niya. If I know, magkakaroon kami ng production next school year e. I'm just not sure but I'm hoping.

"So, what are we going to talk about?" I'm starting to feel curious.

"Well, it's not actually a big deal pero tungkol sa foundation week, nagpapatulong kasi sa amin ang ilan sa mga profs about sa play na gusto nilang i-perform sa fair. Did they told you about it, already?"

"Ah yes, kagagaling ko lang doon, actually."

He was talking about the "Tengang Kawali" -- a 45 minute musical play na gagawing pasabog ng mga teachers sa foundation week. Nasabi na yun ni Ms. Ibarra and hahanapan ko nalang yun ng oras sa schedule.

"So, about that, napagkasunduan ng mga kasama ko na instead ipalabas namin sa school yung production na pinaghahandaan namin by december e why not magperform nalang kami ng libre during the fair? And what we want to ask you now is, makakasingit pa ba kami sa schedule?" Alanganin itong ngumiti.

Ang Theater Club kasi ay nagkakaroon ng performance thrice a year in which each ticket costs 100 pesos, so it would be a great idea if libre na nilang ipe-perform sa foundation day yung isa nilang prod.

"I'd love that! Don't worry, we have lots of free time sa schedule natin dahil nga pumayag na ang mga school heads na umabot ng gabi ang ilan sa mga araw ng fair." I smiled.

"Okay, thank you so much." Mas naging malawak pa yung kaninang ngiti niya.

"No worries. O sya, I'll go ahead na." Tumayo na ako tsaka pinagpagan saglit yung palda ko nang muli siyang magsalita.

"Ahm, Kiana."

"Hmm?"

"Can we be friends?" Nag-aalangan ito. Tumayo na din siya tulad ko na kumakamot sa kaniyang batok. Cute.

"Ofcourse, no problem. Whenever you see me around, don't hesitate to talk to me, to say hi, or to even just wave your hand at me. It's nice to meet you, Eli." Bahagya itong namula.

"Yea ahm, I-- ah yea, thank you hehe. See you around, I guess?"

"See you around." I smiled at him as I tapped his left shoulder before turning my back at him.

"She's really a cutie." May narinig pa akong sinabi nito pero dahil medyo nakalayo na ako ay hindi ko na 'yon narinig pa.

Nang makarating sa escaped room ay si Mica lang ang nadatnan ko. Pinuntahan daw ng iba yung mga nagpa-practice to check and monitor the athletes.

I asked Mica to rewrite the schedule because of some changes. While waiting for her, my phone suddenly beeped.

I thought it was a notification from Clifford dahil wala pa siyang chat ever since kaninang umaga. Sabi niya, ngayon ang balik niya but I guess, he's still busy.

Elixo Tan sent you a friend request.

So it was Eli. I smiled and accepted it. I wonder why ang tagal ko na sa university na 'to pero si Gindel palang nag nagiging kaibigan ko bukod kina Terra na bata palang kaming lima ay magkakaibigan na.

This is nice, meeting new people.

FINAL SCHEDULE OF THE LA SOLIDAD UNIVERSITY SCHOOL FAIR:

Monday: 
6:00am-9:00am - Fun Run
1:00pm Onwards - Opening Program
Tuesday:
6:00am Call Time - Day 1 of Bazaar / Welcoming visitors
10:00am-12:00nn - Food Festival
1:00pm-5:00pm - Sports Festival
7:00pm-10:00pm - Battle of the Bands (Contest for teachers)
Wednesday: Day 2 of Bazaar
8:00am-11:am - Singing Contest
1:00pm-4:00pm - Dance Contest
6:00pm-7:00pm - Musical Theater Perfomance "Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan?" (Theater Arts Club)
7:30pm-8:30pm - Musical Theater Perfomance "Tengang Kawali" (Teachers' presentation)
Thursday: Day 3 of Bazaar
7:00am-12:00nn - Games & Roll Call per Department for bench yell & cheer / Performances per Department & Performances from the teachers.
3:00pm-7:00pm - Search for Mr. & Ms. La Solidad University (LSU)
Friday: Day 4 of Bazaar
9:00am-12:nn - Awarding & Closing Program
7:00pm-12:00am - After Party

After Mica edited the previous schedule, agad akong nagprint ng ilang copies. Naglagay ako ng isa sa loob ng escaped room at dinikit sa may likod ng pinto bilang hard copy namin. Yung tatlo ay agad kong pinaskil sa ilang mga bulletin board sa loob ng campus. Andaming students ang natuwa sa mga nabago sa program dahil daw makikita na nilang magpeperform yung mga crush nilang prof.

I just shrugged my shoulders.

Habang nagkakagulo sila sa pagsilip sa bulletin board ay kitang-kita mo ang kaligayahan nila and I know, they are more than just excited.

For me, kabado ako. Sinong hindi? If magfail ako o kami ng mga friends ko ay buong school ang madi-disappoint sa amin, if ever. Kaya sana maging successful itong buong foundation week. I'm really hoping.

After lunch ay pinasyalan ko naman ang mga students na nagpa-practice sa every category na sinalihan nila. Maraming magagaling dahil umpisa palang ng paghahanda e makikitaan mo na agad sila ng ilang outcomes.

By 3:00 pm ay ipinatawag naman kami ng mga SSG officers para ipaalam nilang may ilang araw daw silang free time, kaya naman pansamantalang matutulungan nila kami sa mga trabaho at sila na nga raw muna ang magte-take over doon sa ilang mga gawain.

Syempre, hindi mapagsidlan ng kaligayahan ang itsura ng mga kasama ko during meeting. Tuwang-tuwa ang mga 'yan panigurado. Sabi nila, we can take 2-3 days break at sila na raw muna ang bahala sa lahat. Updated naman sila sa lahat ng mga kasalukuyang inaasikaso namin dahil everytime na my pagbabago sa mga plano ay chinachat ko kay Laura.

"Thank you, ilang araw palang pero nakalahati na ninyo ang mga kailangan gawin at asikasuhin. You can rest for a few days, kami naman muna. " Laura smiled as I handled her some of the papers.

"Don't mention it." I smiled back.

After ng meeting, ang ilan sa amin ay nag-grocery na. Ipagluluto raw kami ni Mica.

"Yes! Kakain tayo ng madami habang walang iniisip!" Sabi ni Rave na isa sa naiwan dito sa escaped room kasama ko.

Binuksan ko nalang ang laptop ko tsaka chineck ang sariling account sa portal to get the WiFi password. Iba kasi ang mga password per student depende sa kung ano ang makikita mo sa WiFi access sa portal through link sa online.

Hindi na nga ako gaanong active sa social media dahil sa sobrang abala this past few weeks para sa fair. I checked if Clifford messaged me already, pero wala pa rin. It is so unusual of him, actually. Kadalasan kasi, puno ang inbox, pm's & dm's ko ng mga pangungulit at pangungumusta niya.

"Baka talagang busy." I said to myself.

While scrolling on twitter, humahangos na itsura ni Mica at Terra ang bumungad sa pintuan ng escaped room. Gano'n din si Gindel na hinihingal habang may bitbit na ilang mga plastic bags na sa tingin ko ay iyon ang mga pinamili nila.

"Pwede namang maglakad, bakit kailangan niyo pang tumakbo? Hinahabol yarn?" Naitawa ko sa kanila. Pawisan pa nga ang mga ito na parang tinakbo nila ang  parking lot hanggang dito. Wala silang naging reaction sa biro ko.

"Si Cliff.." Nawala ang ngiti ko sa narinig. 

Sa itsura ni Mica nang sabihin niya iyon ay parang may kung anong dumaloy sa katawan ko at hindi nalang ako bigla makagalaw. Kuryente? Kaba? Takot? Pangamba? Ewan. Kaya ba sila nagmamadali ay dahil may masamang nangyari? Yung kabog ng dibdib ko, hindi ko masundan sa sobrang bilis ng tibok nito. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at ang pagkabasa bigla ng palad ko. 

"What?" Si Rave ang nagtanong matapos ng sandaling katahimikan. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Parang nanuyo nalang bigla yung lalamunan ko. Blanko ang isip ko. My imagination quickly wanders to several scenarios. No. This can't be. Lord, nothing happened, right? Patuloy na pagkumbinsi ko sa sarili ko.

"Tinakbo raw sa hospital kaninang umaga. Nakitang nakahandusay nalang daw sa tapat ng isang cafe malapit sa mansyon nila." Pagtutuloy ni Terra sa dapat na sasabihin ni Mica. Doon ko na nabitawan yung laptop ko. Sandali akong napatunganga at hindi ma-process ang narinig. Kahit todo ang AC ngayon dito sa escaped room ay tila ba bigla nalang akong pinagpawisan. Ang kaninang bilis ng pagtibok ng puso ko ay naging triple pa ngayon dahil sa sobra-sobrang pangamba. Hospital.. Si Clifford.. 

Nanginginig ang mga kamay ko. What happened? Bakit hindi ko napansin na may kakaiba? Gayong wala na itong paramdam sa akin kanina pa. I should have known. I should have felt. I should have noticed!

Swear, I have never been this scared in my whole fvcking life.

-ablyyy-

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...