"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4

5.3K 233 77
By SsweetySakura

[=A=]:

Halos hindi ma epinta ang mukha ng dalawang taong galit na galit dahil sa kanilang mga nalaman.

"Tontá, bakit hanggang ngayon ay hindi niyo parin matagpuan ang lalaking nag ngangalang Rence at iyong kasama niyang Darna? Nang dahil sa kanila ay maaantala na naman ang ating mga plano."

Yumuko nalang ang mga tauhan nito sa lalaking halos patayin na sila sa galit.

"Mahal kalma lang. May panahon pa tay-..."

"Panahon? Naka limutan mo naba kung ilang dekada nang hindi natutupad ang ating mga plano? Lagi nalang may humaharang at humahadlang. Kulang pa nga ang mga babaeng nakuha ng mga inutil na mga taga Barbaroa na yon tapos nakatakas pa."

Hindi nalang sinabayan ng babae ang galit ng lalaking kanyang mahal dahil baka mas lalo lang itong mag wala.

Kahit galit din siya sa nangyari ay pilit nalang niyang kinakalma ang kanyang sarili para hindi mapatay ang mga tauhan nilang naka luhod sa kanilang harapan.

Takot na takot ang mga ito na halos matumba na sila sa kanilang pwesto dahil nag sisimula ng lumalabas ang Enerhiya ng kanilang hari.

"Huwag ka mag alala aking mahal. Kung kinakailangan ay pwede nating ipa dukot ang mga babaeng may maharlikang dugo para mapadali natin ang pag buo ng 'Magià Fosca'."

Nang dahil sa sinabi ng babae ay bigla naman nag liwanag ang mukha nang lalaki na tila ba naka tanggap ito ng isang napakagandang ideya.

Halos mag diwang naman ang mga tauhan nito dahil medyo gumaan ang atmospera ng paligid at medyo hindi na sila na hihirapang huminga.

"Pag buo na ang 'Magià Fosca' ay ako na ang pinaka malakas sa lahat ng nilalang sa mundong ito. na kahit ang mga Diyos at Dyosa ay luluhod na sa aking harapan.Hahahahahaha."

Muli na namang kinilabutan ang mga tauhan nila ng marinig nila ang manyak na pagtawa nito lalo na at sinabayan ito ng babaeng kasintahan nito.

Pero ang kilabot na kanilang naramdaman ay nadagdagan ng kaba at panlalamig nang kanilang mga kamay ng biglang napalis sa mukha nang kanilang Hari ang saya nito.

Nagliliwanag ng kulay pula ang mga mata nitong naka tingin sa kanila at nag sisimula na namang nag lalabas muli ng Enerhiya.

"Sino ang nilalang na pumatay sa pangulo ng mga inutil na Bandido?"

Mas lalo lamang nanlamig at nanginig ang kanilang mga katawan hindi lang dahil sa pagmumukha ng kanilang Haring nasa kanilang harapan kundi dahil sa naalala na naman nila ang sinapit nong Bandido kahapon.

Ilang besis narin naman silang naka kita ng mga patay.

Yung iba nga ay lasog-lasog ang katawan dahil sa pag sabog pero ang nangyari kahapon ay ang ikinatakot nila dahil tila naghihirap pa ito bago mamatay.

Lalo nang malaman nila ang sinabi nang mga kasamahan nito.

"S-shado det, kamahalan."

Kahit hindi nila maintindihan ay sigurado silang iyon ang narinig nila mula sa bibig nang mga Bandido kahapon.

"Shado det? Iyan ba ang pangalan sa nilalang na iyon? Bakit kakaiba?"

Nagtatakang tanong ng babaeng kanilang kinikilalang Reyna habang ang Hari naman nila ay tahimik lamang ito tila may iniisip at inaala-ala ito.

"Shadow Death."

Lahat sila ay napatingin sa Hari nila ng bigla ito mag salita at hindi nakatakas sa kanila ang bigla pagkatigil nito at pamumutla pero bigla rin bumalik sa pagka dilim ang mukha nito na mas lalong ikinatingkayad ng nagliliwanag nitong kulay pula na mga mata at napa tiim bagang dahil sa galit.

Inalis nalang nila ang kanilang mga tingin sa Haring galit na galit at yumuko na lamang para hindi sila ang mapagbalingan nito.

Takot silang mamatay sa kamay ng kanilang hari kaya buong pag-iingat silang hindi maka gawa ng kahit isang maliit na kamalian.

"Shadow Death? Isang Godsage? Imposibl-..."

"Imposibleng buhay pa siya. Imposible at hindi ito maari."

Muling napa angat ang tingin ng mga nakayukong mga tauhan ng biglang nahihimigan nila ang pagkabahala at pagka lito ang boses ng kanilang Hari.

Lalo nang medyo narin nawawala ang Enerhiyang nakapalibot sa kanyang katawan.

Kita rin nila ang pag sambunot nito sa sarili nitong buhok habang hindi mapakali at paulit ulit na sinasabi ang salitang 'imposible.'

"Ano ba ang sinasabi mo, mahal? Ano ba ang merun sa pangalan na iyon at ano ang nangyari sa iyo?"

Pilit naman pinapakalma ng babae ang kasintahan nito dahil kahit siya ay nag tataka narin sa pag iba ng kilos nang lalaking kanyang mahal.

Ang galit na pagmumukha nito kanina ay napalitan ng pagkakabahala at pagkatuliro kaya pati siya ay nakaramdam narin ng pagkakabahala.

"S-shadow Death isang Godsage at isa iyang palayaw na pangalan nang isang babaeng tagapagparusa sa lahat ng mga makasalanan sa ating mundo."

Biglang nabitawan ng babae ang balikat ng lalaki dahil sa bigla rin siyang kinilabutan sa kanyang narinig.

Alam niya kung ano ang Godsage at ang tanging mga malalakas lamang ang lubusang nakaka intindi sa lenggwahing iyan pero ang mas ikinakaba niya ay ang babaeng sinasabi nang lalaking kanyang mahal.

Naalala na niya ang kwento sa kanyang mga Lolo at Lola patungkol dito na isa itong mabagsik at mabangis na babae laban sa mga makasalanan pero hindi niya alam kung paano ito mag parusa pero basi sa mga kwento ay huwag mo nang naisin pang maranasan kung paano ito magparusa dahil sa mas gugustohin mo nalang mamatay ka agad kaysa makaharap mo ang babaeng iyon.

"Pero baka may gumamit lamang sa kanyang pangalan, oo nga baka ganun na nga dahil napaka imposible talaga."

Muling napatingin ang babae sa lalaking kanyang mahal na tila kinukumbinsi nito ang sarili pamamagitan sa pag bulong bulong at paikot-ikot sa pag lalakad.

Kahit siya ay nagdadalawang isip na maniwala mula sa mga balitang kanilang nalaman.

"Kayo, kumuha ulit kayo ng mga tauhan sa kahit saang lupalop ng ating mundo at gawin ninyo ang lahat na marami ang makukuha niyo kung ayaw niyong gilitan ko kayo ng inyong mga leeg. At kung marami na kayong makuha ay ibigay niyo ito sa kanila at ipa inum. Kung hindi susunod ay patayin niyo ang kani-kanilang mga pamilya pero itira niyo ang mga babae at dalhin niyo sa dapat nilang kalalagyan."

Tumango lamang ang mga tauhan at hindi na nag salita pa.

Tinanggap nang nag sisilbing pinuno ang isang maliit na sisidlang inabot ng kanilang Hari.

Hindi nila alam kung ano ang laman na iyon sapagkat ngayon lang ito ng abot nang ganon maliban sa ibinigay na bolang itim pang kontra sa mga mahikang taglay ng mga taga Llum.

.

.

.

.

.

.

[=Nexzeuss Lawrence=] :

Sa halip na mag papatrolya ako sa iba't ibang bahagi ng kaharian sa araw na ito ay nanatili nalang ako dito sa aking silid habang may hinahanap sa mga librong naka tambak sa aking opisina patungkol sa sinasabi nong mga Bandido kahapon.

Mabilis akong natago sa isang gilid medyo kalayuan sa pwesto ng mga kawal at mga Bandido na kaharap ang Opisyal ng Tagapagparusa.

Nakapasok ako sa silid ng Gusali nang tagapagparusa sa tulong ni Jaquas na may kapangyarihang kayang ikuble ang aking presensya.

"Maari niyo bang isalay-say ang pangyayari kanina, mga Ginoo?"

Rinig na rinig ko ang boses nang Tagapagparusa na nag tatanong sa mga Bandidong bakas parin sa pagmumukha nila ang takot.

Ano ba talaga ang nangyari at bakit ganyan sila ka takot na parang nakakita ng literal na demonyo.

"H-habang kami ay naka gapos sa liblib na kagubatan ay may biglang dumating na babaeng naka talukbong. Nakilala namin na isa siyang babae base narin sa kanyang boses. Pero hindi namin makita ang kanyang pagmumukha sapagkat may nakatakip dito na isang telang itim na may nakabordang espadang naka tusok sa isang bungo ng tao."

Ramdam ko ang kaba sa isang Bandido habang ikinikwento nito ang mga nangyayari kanina sa kagubatan.

Mas lalo lang ako nag taka sa aking nalaman lalo na sa paglarawan niya sa kanyang nakita.

"Nalaman niyo ba kung ano ang kanyang pangalan?"

Isang babae ang may gawa?

Hindi kaya bumalik talaga ang isa sa mga dinukot nila?

Pero imposibleng may mahika itong ganon ka lakas.

Imposible namang ang Prinsesang baliw ang bumalik dun dahil wala namang atraso sa kanya ang mga bandido.

"S-shado det, iyan ang kanyang ibinanggit kay pinunong Rolo."

Mas lalo lang tuloy napakunot ang aking noo sa sinabi nito.

Alam kung hindi iyon ang tamang pagbanggit sa pangalan o sa salitang iyon at isa pa parang pamilyar din sa akin.

Pilit kong inaala-ala kung saan ko ba narinig o nabasa ang pangalang sinabi nong bandido dahil hindi talaga ako nagkakamali na narinig ko na iyan noon.

"Shado det? O Shadow Death? Hindi ba iyan ang sinaunang lengwahi nang mga Dyos at Dyosa sa ating Mundo? Pinag loloko niyo ba ako?"

'Shadow Death.'

Naalala ko na ang pangalan na iyan.

Ang babaeng tagapagparusa noon na gahaman sa kapangyarihan.

"Hindi po Ginoo. Rinig na rinig po namin ang kanyang sinabi. Sobrang linaw po ito dahil sa medyo kalakasan din ang kanyang pag banggit na tila ipinagmamalaki pa niya ito at n-nasisiyahan siya sa bawat sugat at dugong umaagos na ginagawa niya sa aming katawan lalo na sa aming pinuno."

Muli na namang napakunot ang noo ko dahil magkasing katulad ng ugali ang babaeng Tagapagparusa noon at ang babaeng sinasabi nila ngayon.

Pero napaka imposible talaga sapagkat matagal na itong patay.

Mahigit isang daang taon narin ang naka lipas.

Kahit hindi ko ito na abutan ay nabasa ko ito sa mga libro ng kasaysayan sa aming mundo.

Naririnig ko rin ito sa kwento ng aking lola.

"Hindi kaya gawa-gawa lamang iyon ng lapastangang babaeng iyon ang gamitin ang isang maalamat na palayaw para takutin tayong mga lalaki? At naniniwala ka agad kayo? Mga tanga ba kayo? Mahigit isang daang taon na ang lumipas at kwento-kwento na lamang ang babae na iyon."

Kahit ako ay pinipilit ko na paniwalain na baka ay may nag lakas loob lamang na gamitin ang pangalan na iyon pero hindi ba alam ng babae na iyon kung ano ang kaakibat na sakuna sa kanyang pag gamit sa maalamat na palayaw na iyon?

Kung sakaling hindi niya alam ay baka isa siyang mang-mang na tunay sapagkat kamatayan lamang ang kapalit sa kung sino man ang gumamit o magbanggit sa palayaw na iyon.

"P-pero iyong mahika niya ay magkasing katulad sa maalamat na babae."

Tinignan ko ang hitsura ng mga Bandido na muli na naman bumalik sa kanilang mga mukha ang takot sa kanilang nasaksihan.

Napakunot noo ako dahil imposibleng may gumamit nga lang sa pangalan nito dahil maari nga niyang kopyahin ang pamamaraan sa pag papahirap sa kanyang mga biktima pero napaka imposibleng ma kopya pa niya ang mahikang taglay ng maalamat na babae.

"Bakit ano ba ang kanyang ginawa sa pinuno niyo? O baka namalikmata lang kaya at sinunog lang talaga ang katawan nito kaya naging ganun ang hitsura nang kanyang bangkay."

Kita kong tila hindi parin kumbinsedo ang Opisyal ng tagapagparusa sa sinasabi ng mga Bandido.

Baka nga at namalikmata mata lamang sila pero ang sabi ni Jaquas ay walang apoy na naka palibot dito maliban lang sa katawan nitong umuusok.

Hindi kaya apoy din ang mahika ng babae na iyon? Pero kakaiba naman ang apoy niya kung maging ganun ang resulta.

Sapagkat ang mga may apoy na mahika ay masusunog din ang ano man ang nakapalibot dito at hindi ito magiging buto't balat dahil agaran itong magiging abo pero nong makita ko ang bangkay kanina ay sobrang kakaiba talaga.

Tila kahit kailan ay hindi ito nagkarun nang laman maliban lang sa buto at balat tapos ang suot nito ay hindi man lang na sunog pati ang buhok sadyang ang katawang laman lamang nito at bakas rin ang dugong lumabas sa mga mata nito, sa ilong, bibig at tenga.

Tuyong tuyo talaga ang katawan nito na sobrang katulad sa kwento ng isang maalamat na babae.

"I-inilagay niya ang kanyang mga kamay sa ulo ni pinunong Rolo at pagkalipas ng ilang sigundo ay may lumabas na parang sinulid na yare sa tubig sa kanyang kamay. May kulay pula na may halong itim naman ang pumasok sa ulo ng aming Pinuno at bigla nalang itong nag sisigaw na parang hindi na niya magalaw ang kanyang katawan habang may lumalabas na dugo sa kanyang mga mata, ilong, bibig, at tenga. T-tapos tila hinihigop nong sinulid ang lahat ng laman sa katawan ng aming pinuno hanggang sa maging buto't balat na lamang siya."

Mas lalo lamang umusbong ang mga katanungan ko kung buhay ngaba talaga ang Maalamat na babaeng iyon at bumalik.

Dahil parehong pareho ang mahikang naka sulat sa kasay-sayan patungkol sa maalamat na babae at sa sinabi ng bandido.

"I-imposible ang iyong sinasabi Ginoo. Sapagkat matagal nang wala ang Maalamat na babaeng iyon sa ating mundo. At kung bumalik man siya ay para saan pa kung dahil sa kanya ay nagkanda letse-letse ang buhay nang mga lalaki noon."

Bakas sa mukha ng Opisyal nang tagapagparusa ang pagka bahala, pagka balisa at galit.

Parang ngayon na siyang lubusang naniwala sa sinabi ng bandido na kahit ako ay parang naniniwala narin.

Hindi ko alam ang buong istorya sa kwento nang Maalamat na babae dahil narin sa wala akong pakialam dito sapagkat hindi ko naman na abutan ang pangyayari noon at hindi ko alam ang buhay ng mga lalaki noon sa kanyang mga kamay.

Hinahanap ko ngayon ang dahilan nang kamatayan ng Maalamat na babae sa mga librong kasay-sayan na nasa aking opisina.

Simula nang maka uwi ako kahapon galing sa gusali ng tagapagparusa ay dito na agad ako sa aking opisina dumiritso at pinahanap kay kuya Haogu ang mga librong may kaugnayan sa Maalamat na babae.

Sobrang liwanag narin ang labas pero heto ako at hindi pa nakatulog at nakakain nang umagahan sapagkat gusto ko agad matapos ang sinimulan ko.

Palipat lipat lamang ako sa mga pahina sa isang makapal na libro hanggang sa may nakakuha nang aking atensyon.

"Neera also known as Shadow Death the twin sister of Niavh The Goddess of Healer."

Napakunot noo ako ng maalala ko na may narinig ako mula sa mga Bandido na may kinakausap daw yong babae na hindi nila makita kung sino o ano basta tinatawag ito nong babae na Niavh.

"She's the opposite of her twin sister. If her twin sister is adored for being the kindhearted woman, she was feared for being the heartless one."

Mas napakunot noo ako dahil sa diba mas mataas naman ang antas ng estado sa buhay ng mga lalaki kaysa mga babae?

Bakit tila parang walang karapatan ang mga lalaki noon? dahil ba sa sobrang lakas niya?

Nakakatawa.

"Many people believe she was posses by the demons but most of them believes she is the demon itself because of her greediness. She punished and killed everyman for no reason."

Hindi siya karapat-dapat na maging Tagapagparusa kung walang mabigat na rason lang pala ang kanyang ginagawa.

"Her twin sister didn't know about her abilities and magics because Neera was born for being a powerless one that's why she didn't became a goddess like Niavh but even though she has no magic she was also feared by many people because of her an extraordinary skills way of fighting."

Parang katulad lang din siya nong Prinsesang baliw at tanga na walang mahika pero hindi naman kinatakutan ang tanga na yon dahil isa siyang tanga.

Isa pa hindi din naman yun gaano ka galing makipag laban.

"No one can surpassed her and no one can beat her when it comes to physical fighting. Until one day she fell in love with a man who already had a woman. She can't accept the fact that she has a rival in the man's heart. She did everything. She used her own body to seduce the man she loved and got what she was always wanted."

Nawalan ng emosyon ang aking nukha sa aking nabasa dahil tila sa kanya yata nagmana ang mga babae ngayon sa aming panahon na gagawin ang lahat para sa isang lalaki.

Nakakasura ang kanilang mga pag uugali.

"She got pregnant but the man didn't accept her and the baby inside of her womb because the man can't remember anything of what really happened to them especially she just use a potion to force the man to do it."

Kahit siguro kung sa akin nangyari ang ganun ay hindi ko rin tatanggapin lalo na at baka hindi naman talaga sa akin ang batang nasa kanyang sinapupunan isa pa ayaw kong masaktan ang aking asawa ng dahil lamang sa isang babaeng tulad niya.

"She got angry and wanted a revenge. The magic she has was awaken but it's a black one."

Dito pala nag simula ang itim na mahika na karapat-dapat pala talagang tawaging isang masama dahil narin sa pinag mulan nito.

Siya pa talaga ang may ganang maghiganti sa kabila ng kanyang masamang ginawa sa isang lalaki?

"After she give birth she started killing everyone especially to everyman until Niavh know the truth of her wickedness and tried to stop her but she push Niavh away and she even lock her own twin sister in a golden tree."

Napakuyom ko ang aking mga palad dahil sa sobrang kasamaan nito.

Kahit ang sarili nitong kapatid ay hindi pinalampas sa kanyang kasamaan.

"After what she did to her own sister she started creating chaos and she also tried to kill the son of the man she love but luckily the man did everything with her wife on his side and they won against Neera."

Ang totoong nagmamahalan ay hindi talaga masisira kahit isang Demonyo pa ang humahadlang.

"Neera was killed by the man she loved and after that he was known for being the Hero of the MoeMoeā World who save everyone especially everyman."

Klaton Hevertlo.

Ang lalaking tinaguriang bayani sa aming mundo dahil siya ang nagbigay pag asa sa mga lalaking tulad ko upang kilalanin na siyang pinakamataas at pinakamalakas sa lahat ng nilalang sa mundong ito.

Itinukod ko ang aking dalawang siko sa aking mesa at inilagay ang aking baba sa dalawa kong makadaop na kamay.

Ngayong alam ko na ang dahilan nang kanyang pagkamatay.

Mas lalo lamang ako namumuhi sa mga babae sa aming mundo. Maliban lamang sa aking kapatid na siyang inosente sa lahat.

Siguro nga ay karapat-dapat lamang sa kanila ang nasa ibaba sapagkat kung kapantay lamang namin sila ay baka mas lalong mas masama pa ang kanilang magagawa kaysa kay Neera.

Pero ang nakakapag taka ay sino nga ba talaga ang babaeng iyon.

Imposible kaya talagang bumalik siya sa aming panahon ngayon?

Pero matagal nang patay si Klaton.

Pero bakit siya mag hihiganti? Siya din ba kaya ang may ari nang napakalakas na Enerhiyang iyon?

Kung sakaling siya man ay gagawin ko ang lahat upang mahadlangan lamang siya sapagkat wala siyang karapatan para mag higanti dahil sa una palang ay siya na ang nag simula at gumawa nang mga kagulohan sa mundong ito.

Ayaw ko rin na muling daranasin ng mga lalaki ang sinapit nila noon.

Mananatili ang antas naming mga lalaki na nasa pinaka tuktok at hindi ako papayag na bumaba kami dahil lang sa mga babae.

Ang takot at pagkakabahala sa aking puso para sa Enerhiyang iyon ay napalitan nang galit at poot.

Nang dahil sa kanya kaya hindi na naging kaaya-aya pa ang pag uugali nang mga babae ngayon.

Nang dahil sa kanya ay wala naring halaga ang pagka babae ng aking Ina sa akin.

.
--------------

Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 1.3K 25
Having special ability is difficult. Yet, aspiring to do good deeds. That's what Kianna thought when she suddenly possess a power after that 'thing'...
13.9K 1.5K 71
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
19.8K 890 60
Sa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa p...
80.5K 2.2K 58
Pinaniwala, niloko, sinaktan, ibinugaw, inilapusta, at pinatay. Ganyan ang ginawa nila sakin noong ako ay nabubuhay pa. Magbabalik, maghihiganti sa'...