Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]

By Leonna_PHR

13.5K 507 208

Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang... More

Author's Note
CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree
CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar
CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo
CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever
CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis
CHAPTER SIX: Pero
CHAPTER EIGHT: All For You
CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion
CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin
CHAPTER ELEVEN: Bahala Na
CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination
CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice
CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

CHAPTER SEVEN: The Fight

652 27 12
By Leonna_PHR

CHAPTER SEVEN

The Fight

HINDI ako makapaniwala nitong mga huling araw na magkasama kami ni Percy—este Pero. Tsk, tsk. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-master ang tawag na iyon sa kanya. Sabi nga pala niya noong nakaraan ay Pero na ang itawag ko sa kanya. Right then and there, he gave me an explanation about his choice. Hindi ko alam kung katanggap-tanggap iyon ngunit naipaliwanag naman niya ang kanyang side. And I still remember that moment.

            "P-Pero?" garalgal na wika ko.

            "O-Oo, P-Pero..." Tumikhim pa siya nang ilang beses. "Tingnan mong mabuti itong binabasa ko." Ipinadulas niya ang papel na kanyang pinag-aaralan malapit sa akin. Tinuro niya ang isang talatang nagsasaad ng kanyang pahayag.

Portmanteau or Blending is the combination of two words to form a new word. Some letters are omitted to create a good sounding combination of the two words. Some of the following examples are smog—taken from smoke and fog, brunch—from breakfast and lunch and cellphone­­—from cellular and phone.

            "Ano ba ang given name ko?"

            "Percival Rommanuel." tugon ko.

            "Ano ba ang sabi dito sa handout ko?"

            Balisang bumaling ako sa tinutukoy nito sa papel. "Ang portmanteau ay combination ng dalawang salita para makabuo ng isang bagong salita. May mga titik na tinatanggal para makabuo ng isang salitang may magandang tunog."

            "Ang galing mo. So, pasok ba ang Pero?" Nagpalumbaba pa ito sa harap ko.

            Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. "Bakit hindi na lang Rocival? O kaya Pernuel?"

            Kinalikot nito ang tainga nito. "Ang pangit sa pandinig. Mas okay pa ang Pero. Kaya dahil diyan, Pero na ang itatawag mo sa akin, ha."

            "O-Okay," Makailang beses na napalunok ako matapos sabihin iyon.

            Hinawakan nito ang aking kamay at itinaas iyon na parang manunumpa. "Mangako ka."

            Napatingin ako sa pagkakahawak nito. Hindi naman kahigpitan iyon, ngunit may kakaibang diin iyon na parang tumatagos sa aking mga daliri, patungo sa aking mga ugat, dumadaan sa aking mga dugo na makakarating hanggang sa aking puso, sanhi na pinatibok na naman nito, hindi lang ang aking puso, kundi ang aking diwa at damdaming naglalagablab para dito.

            "S-Sige," Sinubukan kong ituwid ang aking kamay ngunit hindi ito bumitaw sa pagkakahawak. "ipinapangako ko na Pero ang aking itatawag sa 'yo."

            "Great." Hinatak muli nito ang handout at muling tumutok sa binabasa, saka ito bumitaw sa pag-alalay sa aking kamay.

            Pasimpleng naghabol naman ako ng paghinga dahil masyado akong na-tensyon sa nangyari. Sinilip kong muli ang bag ko at tinapunan ng tingin ang aking secret story book. It was untouched. Sigurado ako. Mga ballpen ko lang ang nagkalat at wala nang iba.

           

            Gaya ng sinabi ko, hindi ako makapaniwala sa huling mga araw na magkasama kami. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Mas marami kaming napag-uusapan. Mas maraming oras kaming magkasama. At higit sa lahat, mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

            I never had a friend who had the same treatment as Percy—este Pero does.

            Ito lang talaga ang bukod-tanging naglakas-loob para mapalapit sa akin. Sana ay dumating din ang panahong ako naman ang maglalakas-loob na sabihin ang nararamdaman ko dito. How I wish.

            Parating na naman ako sa DATU. Dumaan lang ako sa isang school supplies store dahil kailangan ko ng isa pang shade ng lapis para sa aming art class today. Doon nga lang iyon matatagpuan sa likod ng school, kaya kailangan ko pang lumibot para lang makabili.

            Hindi ko naman kailangang magtagal doon. Kung ano ang kailangan kong bilhin ay iyon lang ang kukunin ko. Dumiretso na agad ako sa counter at nagbayad.

            Dumukot ako ng one hundred pesos sa aking wallet at inabot sa kahera. Bago pa makuha ng kahera ang pera ko, biglang nagdilim ang paningin ko. Hindi naman ako hinimatay. May nagtakip lang ng mga mata ko. At base sa laki ng kamay nito na umabot na sa bandang ilong ko, kilala ko na kung sino ito.

            "Percy," anas ko.

            Hindi naman nito tinanggal ang mga kamay nito. Sigurado naman ako na si Percy iyon. Until I realized something.

            Hindi na nga pala Percy ang gusto nitong ipatawag dito.

            "Pero," There. I said it. It was like Open Sesame. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay nito. I looked back and got surprised with his look.

            "Like it?" He had a great haircut. Parang mas naging malinis ito dahil ang mahahabang sideburns nito ay nawala na. Mas naging manipis ang buhok nito. It was stylishly shaved on the sides, leaving only the longer part of his hair that reached until his nape. Ang nakalaylay na bangs nito ay nagbigay ng mas nakakaayang appeal pa lalo dito. He also shaved the tiny stubble on the chin and jaws. Nakasuot naman ito ng white shirt na may kuwelyo at khaki na chinos. Blue loafers with strings naman ang nasa paa nito. He was carrying a brown leather sling bag on his left shoulder. He was a total package of a yuppie, if he weren't twenty years old.

            "Yeah," Iyon na lang ang tanging nasabi ko. I was really speechless. He was so... enticing.

            "Great." Then, he showed me the best apparel that he wore—his smile.

            Mabilis akong bumaling sa kahera. Nagbayad na ako. Pagkabigay na pagkabigay ng resibo at sukli ay isinilid ko na iyon sa aking bag, kasama ng lapis na binili ko.

            "Tara na?" aya ko rito, pero hati ang tingin ko dahil hindi ko ito kayang titigan nang matagal. Baka kasi hindi na maalis ang tingin ko rito.

            Lumakad na kami palabas ng tindahan. Hindi pa man kami nakakaisang metro ay dumampi na ang kamay ni Pero sa aking balikat.

            "Jam, ano'ng oras ang labas mo mamaya?" tanong ni Pero.

            Mata sa matang tumitig naman ako dito. "Mga four-thirty. Bakit?"

            "Kain tayo. May alam akong masarap na kainan sa may Maginhawa—"

            Sabay na napabagsak kaming dalawa ni Percy sa daan nang tahasang banggain kaming dalawa ng tatlong lalaki. Nang umangat ako ng tingin ay nakita ko ang tatlo pang mga lalaking paparating.

            "William," bulong ni Pero, habang patayong nakatitig sa mga paparating na lalaki.

            "Ha? Sino sila?" tanong ko habang pinapagpag ang sarili, pagkatapos tumayo.

            "Percy Enriquez..." anas ng isang matangkad na lalaking patungo sa kanilang harapan. Pinaputok pa ng lalaki ang mga daliri nito. "Akalain mong nandito ka lang pala sa Dr. Antonio Tambunting University nag-cross-enroll."

            "Ano'ng ginagawa mo rito, William?" takang tanong ni Percy sa lalaking papalapit sa amin.

            Ako man ay naguguluhan sa mga nangyayari. Sino ba ang William na ito?

            "Eh, di para sirain ang buhay mo." Agad na umatake ang lalaking tinutukoy ni Pero na William. Sinapak nito si Pero sa kaliwang pisngi. Hindi naman nagpagapi si Pero at gumanti ito.

            Nang akmang lalapit na rin ang mga kasama ng William na iyon ay hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinalag ko ng aking bag ang lalaking papalapit para saktan si Pero. Sinipa ko naman ang katabi nito at sinikmuraan ang kasunod nito. Tinaga ko naman ng aking bisig ang isa pang aatake. Tinadyakan at binuntal ang dalawa pang nasa likuran nito. Tanging si William na lang ang natitirang nakatayo sa mga ito, na kasalukuyang umaamba ng suntok kay Pero.

            Hinatak ko ito sa likuran at binigyan ito ng isang uppercut na nagpatalsik dito ng humigit-kumulang na isang metro sa ere. Matapos iyon ay nilapitan ko si Pero at hinaplos ang nagdurugong labi nito.

            "Pero," Pinunasan ko ng aking hinlalaki ang patulong dugo mula sa bibig nito. "sino ba kasi ang mga ito?"

            "Nakakuha ka pa ng alalay mo, Percy Enriquez. Magaling sa basag-ulo ang isang ito, ah." Dumampi din si William sa bandang labi nito. Napadugo ko rin kasi iyon.

            "Hindi ako alalay ni Pero. Kaibigan niya ako." wika ko sabay salag kay Pero.

            "Pero? Sino'ng Pero?" Tumayo ito at akmang lalapit ulit sa amin. "Wala akong pakialam sa inyong dalawa. Ang gusto ko lang ay sirain ang mukha ng Percy na 'yan. Iyan ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Naomi."

            "Sino si Naomi?" tanong ko kay Pero.

            "William, matagal na noong ligawan ko si Naomi. At tsaka, hindi ko naman alam na kayo pa pala no'n. Hindi rin naman naging kami, dahil hindi rin naman ako ang gusto nito." paliwanag ni Pero na hindi rin maliwanag sa akin. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng mga nangyayari.

            "Pero alam mo kung ano ang totoo!" Akmang sasapakin na naman ulit ni William si Pero ngunit agad kong naiiwas si Pero, saka ko nilapitan ito at iginapos sa aking mga bisig.

            "Subukan mo pang ilapat ang marungis mong kamay kay Pero, hindi ako magdadalawang-isip na gilitan ka sa leeg." Itinutok ko ang Jambiya sa gilid ng leeg ni William. Habang nasa likuran ko si Pero ay sinisimplehan ko nang kunin ito mula sa aking bag na nakasukbit sa aking likod.

            Hindi pa man tumatagaktak ang unang butil ng pawis sa ulo ni William ay itinaas na nito ang mga kamay nito. "Pakawalan mo ako."

            Ibinaba ko ang Jambiya at itinulak ko si William palayo. "Subukan mo. Subukan mo lang!"

            "Pasalamat ka at may armas ka. Makakaganti rin ako sa inyong dalawa, kaya mag-ingat na lang kayo." Nang lumakad palayo si William ay nagsunuran na rin agad ang mga kasama nitong halos mapuruhan ko kanina. Bumaling naman ako kay Pero para tingnan ang lagay nito. Dalawang beses na nasapak ito ni William.

            "Pero, nasaktan ka ba?" Hinaplos kong muli ang pisngi ni Pero.

            "Ay, hindi..." pabirong wika ni Pero. "Ayos lang ako, Jam. Mabilis ka lang talagang gumalaw. Kayang-kaya ko namang patumbahin ang mga iyon, eh. Iba talaga kapag black belter. Kahit ako nga ay napatumba mo no'n, eh. At tsaka, nasindak diyan sa punyal mo. Pakurba ang hiwa, eh."

            "Hindi lang ito basta isang punyal. Isa itong Jambiya and it served me well today." Mabilis kong isinilid ang Jambiya sa ilalim ng aking bag at baka may iba pang makakita na dala ko iyon. "May alcohol ako rito. Lagyan natin ang sugat mo."

            "Wala ito. Ano ka ba. Hindi naman masyadong masakit manuntok si William, eh. Mas masakit pa iyong binalibag mo ako, eh." nangingiting wika nito.

            "Loko ka," Tinapik ko naman ang pisngi nito, sanhi ng pagkangiwi nito.

            "Aww! Ang bigat talaga ng kamay mo." reklamo ni Pero.

            Nagkatawanan na lang kami habang pinupunasan ko ng aking panyo ang pisngi nito. "Ano ba talaga ang atraso mo sa William na iyon? At tsaka bakit naman nakakarating ang mga iyon dito? Taga-Valhalla University ba ang mga iyon?"

            "Taga-Vanheim College ang mga iyon." paliwanag ni Pero. "May bilyarang malapit dito sa DATU ang madalas na puntahan ng mga ito dahil mas nakakagawa ang mga ito, lalo na si William ng mga kalokohan. Mahigpit kasi sa Vanheim, eh. Hindi ito makainom ng alak, makapagsigarilyo at higit sa lahat, makapagdroga. 'Yong tungkol naman sa atrasong iyon, naging daan lang naman ako para ma-realize ni Naomi, ang ex-girlfriend ni Wiliiam para malaman ang lahat tungkol sa gagong iyon."

            "Ano ba ang sinabi mo kay Naomi?" curious na tanong ko, na sinundan ko pa ng isa pang mas nakaka-curious na tanong. "Niligawan mo ba talaga si Naomi?"

            "Hindi ako magsisinungaling sa 'yo. Totoo na niligawan ko si Naomi, pero bago pa man ako makadiga, busted na agad ako." saad ni Pero.

            Parang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib nang marinig ko iyon. Whew. Napangiti tuloy ang puso ko.

            Itinuloy ni Pero ang pagsasalaysay. "May gusto kasing iba si Naomi. Ito si Jessie, isang lesbian. Kaya lang naman din nag-stay si Naomi kay William ay dahil sa pagliligtas nito nang minsang muntik nang mapag-trip-an si Naomi ng mga lalaki sa campus nito. Saktong dumating naman sila William para iligtas ito."

            "So, utang na loob lang ang dahilan kung bakit pa nag-stay si Naomi? Ano naman ang ginawa mo para ma-realize nito na hindi naman pala nito mahal si William?" sunod ko pang tanong.

            "Kinausap ko si Naomi bilang kaibigan at hindi bilang isang manliligaw. Tinanong ko kung masaya pa ito kay William, and she said no. I told her to follow her heart. Piliin ang makapagpapasaya para sa kanya. Then, it turned out to be na hindi na nito kaya ang pagiging basagulero ni William, kaya iniwan na nito ito. Nagkita ulit kami ni Naomi at nagpasalamat siya sa aking advice. Nalaman iyon ni William, kaya mainit ang dugo nito sa akin. Mas nag-init pa nang nalamang niligawan ko si Naomi."

            Tumungo-tungo lang ako. "Tinulungan mo lang naman si Naomi, ah. Ikaw pa ang naagrabyado."

            "Minsan kasi, Jam, may mga bagay na ginagawa natin kahit pa nakakasama na sa atin, pero ginagawa pa rin natin, kasi ang gusto lang naman natin ay mapabuti sila." Tinapik ni Pero ang balikat ko. "Salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin. Iba ka talaga, Jam. Halika nga rito."

            Hinatak ako ni Percy at niyakap habang nakasalampak kami sa bangketa. Ah, it was a wonderful scene. Parang ito ang nagbigay ng seguridad sa akin ngayon, kahit pa sinabi nito na iniligtas ko ito. Parang walang makakatanggal ng saya sa aking puso ngayon.

            "Alam mo, Pero, ang mabuti pa, ipagamot na natin sa university clinic iyang bangas mo sa mukha." suggestion ko, ngunit hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. Mabuti na lang at walang dumadaang kahit sino doon.

            "Hindi pa ako tapos yakapin ang savior ko. Huwag kang magulo diyan." pabirong anas nito.

            Sabi mo, eh. Take your time. sa loob-loob ko.

            Wala na sanang dumaan sa kalyeng iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
421K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
65.5K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023