Hanggang Kailan?

By Ladyminggg

1.9K 70 8

Madison Hera Perez is a family oriented person. she will do everything for her family. she's lucky in her fam... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 3

98 6 4
By Ladyminggg

Lumipas ang isang linggo na wala manlang paramdam si Axel.
halos araw-araw ko syang tinatawagan,

katulad ngayon sinusubukan ko kung mako-contact ko ba sya.
pero gaya nung mga nakaraang araw nakapatay parin yung phone nya.
di ko alam kung nagpalit na ba sya ng number o nakapatay lang yung phone nya.

Pero kahit sa messenger di rin sya nagrereply saakin kahit naka-online sya. Aish! nakakastress na!

"Hoy! kahit ano pang diin mo sa pagpindot sa cellphone mo kung galit parin sayo yung isa di ka talaga rereplyan nun." sita sa akin ni maya.

Di ko namalayan na napapadiin na pala yung pagpindot ko sa cellphone.

Tinignan ko ng masama yung cellphone ko na para bang si Axel yun!

"Eh! kase naman 1week na sya walang paramdam sa akin, di naman namin napag-usapan ng maayos yung issue tungkol sa pag-alis ko" Inis kong sabi.

Nakwento ko na kay Maya yung naging sagutan namin ni Axel dun cafe. nainis din sya kay Axel pero naintindihan nya rin daw kung bakit ganun ang naging reaksyon nya.

"Alam mo samahan mo nalang ako sa mall mamaya pag out natin. para malibang ka naman at mawala yang stress mo" pag-aaya nya.

nakakunot noo ko syang tinignan, "At ano naman ang gagawin mo sa mall?"

"Ay! malamang magsho-shopping te!
alangang maglaba ako sa mall. O baka naman may iba ka pang suggestions na hindi ko alam na pwedeng gawin sa mall? Jusko ka te! naloloka ako sayo!" mahabang litanya nya sabay irap sa akin.

"Letche! di pa kita samahan dyan eh! Bumalik ka na nga sa trabaho mo bwisit ka rin eh!" mataray kong sabi.

Sunday naman bukas, pupuntahan ko nalang sya sa bahay nila para magkausap kame ng maayos.

--------

At gaya nga ng sabi ni Maya nagpunta kame sa mall pagka-out namin. dahil may dala naman akong motor hindi na ako sumabay sa kotse niya, doon na kami sa mall magkikita.

Pagpasok namin sa loob ng mall nag-umpisa na mag-shopping yung kasama ko. lahat ng boutique na madaanan namin pinapasok nya.
sukat ng damit , sukat ng pants , sukat ng shoes or sandals at tingin ng mga bags.

Nakakapagod kasama tong babae na to! pero syempre may binibili naman sya pag may nagustuhan sya.

Pinipilit nya rin akong bumili, pero hanggang tingin nalang muna ako. Wala sa budget ko ngayon ang mga luho ko. todo tipid ako ngayon!

Paglabas namin sa huling boutique na pinasukan namin nag-aya si Maya na kumain.
"Nagutom ako magshopping, tara kain muna tayo bago umuwi. libre ko!"

Ngumiti ako ng malapad skanya "Sarap sa ears ng salitang libre."

Inirapan niya ako. "Alam mo masyado mong tinitipid yung sarili mo! Kailan ba ang huling shopping mo para sa sarili mo?"

I shrugged, "Masyadong maraming gastusin para unahin ang mga gamit ko. tapos gumagastos pa ako para sa mga papeles ko papunta sa korea. kaya tipid tipid talaga ako." paliwanag ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Tuloy na tuloy na talaga yang pag-alis mo? di ka na ba mapipigilan ha?" makungkot niyang tanong.

"Wala ng atrasan to! at nagpasa na rin ako ng resignation letter kay ma'am. 1week na lang ako sa company. may mga kailangan pa kase akong attend'nan na seminar bago ako makaalis papunta sa korea." I smiled to her

Kumapit sya sa braso at naglalambing na sinandal yung ulo nya sa balikat ko habang naglalakad kami.

"Eh, pano si Axel? di ba muna kayo mag-uusap bago ka uma-" naputol yung sasabihin nya.

"OMG! is that Axel?" gulat na turo nya.

Nakakunot noo kong sinundan yung tinuturo niya.

Para kong binuhusan ng maraming yelo! hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko!
Kitang kita ko kung paano alalayan ni Axel palabas ng restaurant si Grace!

his ex girlfriend!

At magkahawak kamay pa sila habang abot tenga ang mga ngiti! Mga Hayop na to! ang saya saya nila parang walang nilolokong tao!

My heart's ache! parang dinudurog yung puso ko sa sakit dahil sa nakikita ko!

Naglakad ako palapit sa kanila, nararamdaman kong nakasunod lang sa akin si Maya.

When I got close to them, I hid all the emotions in my face. I can't show them that I'm too affected!

"Anong ibig sabihin neto Axel?! bakit magkasama kayo?!" when I confronted them, I shouted at him!

Nakita kong nagulat sila ng makita ako!
pero nawala din agad ang gulat sa mukha ni Axel at napalitan ito ng pagkakunot ng noo.

Hayop to! at parang sya pa ang galit!
naistorbo ko ata yung date nila ng ex nya!

"Don't make a scene Madison! you're embarrassing, we're at the mall!" pabulong nyang sigaw sa akin habang nililingon ang paligid.

"Wow! ako pa ngayon yung nakakahiya ha Axel?! Ikaw nga tong nakikipagholding hands sa ex mo!" tinignan ko yung kamay nilang magkahawak parin!

Parang may sumasaksak sa puso ko!
pero kailangan kong tatagan ang sarili ko!

"Kaya ba 1week kitang hindi macontact kasi busy ka sa ex mo?!" mariin kong tanong.
Sa pagkakaalam ko hindi pa tayo naghihiwalay! hindi lang maayos yung huli natin pag-uusap pero walang hiwalayan na naganap! at talagang sa lahat ng babae yung ex mo pa talaga!
yung ex mo bago ako! ano yung almost 3years naten na relasyon? joke lang yun?! ano rebound lang ako? panakip butas ganun?! ano Axel!" I gasped for screaming.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao!

"Anong gagawin ko Madison! si Grace ang laging nandyan para sa akin! hindi mo na ako nabibigyan ng time! tapos naisipan mo pang umalis ng bansa! I don't feel that I am your priority, you always put your family first! you almost forgot about our relationship!" he complaint.

Gustong gusto ko na syang sampalin sa mga reasons nya! pero pinigilan ko ang sarili ko at taas noo ko syang hinarap.

Ngumisi ako sa kanya, "Wag mo akong gawin tanga Axel! hindi yung kawalan ko ng oras sa'yo at pag-alis ko ang dahilan mo! matagal ko ng ramdam na nanlalamig ka na sa akin, nagkahanap ka lang ng dahilan! at para hindi kana mahirapan pa, I'm breaking up with you!"

Buong pagmamalaki syang ngumisi,
"Fine! let's break up!"

Tatalikod na sana ako sa kanila, pero may naalala ako kaya humarap ulit ako sa kanila. nilapitan ko sya at....

binigyan ko sya ng isang malakas na sampal!

"What the f*ck!" nagulat sya sa ginawa ko!

"You deserve that assh*le!" at tinalikuran ko na sila.

Nagmamadali akong naglakad palabas ng mall. at yung kanina ko pang pinipigilan na luha ay kumawala na. kahit anong punas ko sa mukha ko panay parin ang patak ng luha ko kaya yung ibang tao pinagtitinginan na ako.

"Madison wait!" sigaw ni Maya habang hinahabol ako.

Hindi ko na sya pinansin at dere-deresto na akong naglakad papunta sa parking lot ng mall.

Pagdating sa tapat ng motor ko,

"Madie.." tawag ni Maya

Pinunasan ko muna yung mga luha ko at huminga ng malalim bago humarap sa kanya.

"Ahmm... una na ako Maya, pasensya ka na kung di na kita masasamahan kumain." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para wag maiyak.

She gave me a small smile "It's Ok Madie, gusto mo hatid na kita?" she asked.

Umiling lang ako, "Wag mo na akong intindihin Maya kaya ko naman sarili ko." I forced myself to smile.

"Sigurado ka ba? hatid na kase kita!"
pangungulit nya.

"Ok nga lang ako wag ka na mag-alala."

Pero sa loob ko wasak na wasak ako!

Tinapik ko yung balikat nya at nginitian sya ng pilit, "Sige, mauna na ako. Bye! Ingat ka sa pag-uwi" pagpapaalam ko at sinuot ang helmet at sumakay na sa motor.

Napipilitang nagpaalam sya. "Bye! Ingat ka din sa pag-uwi Madie!"

Bumusina lang ako sa kanya at tsaka pinaandar ang motor. habang nagmamaneho di ko mapigilan yung mga luha ko na pumatak.

Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Gusto kong sumigaw para mabawasan yung bigat sa dibdib ko! It was the worst feeling ever, Ang sakit at sikip ng dibdib ko

Putcha! ang gusto ko lang naman mabigyan ng magandang buhay yung pamilya ko! bakit naman ganito kasakit yung kapalit?!

Kahit hilam ng mga luha ko nagawa ko parin magdrive pauwi sa amin.

Pagkaparada ko ng motor inayos ko muna yung sarili ko at dere-deretso lang akong naglakad paakyat ng hagdan. kahit naririnig kong tinatawag ako nila Stella at Shawn ay di ko sila nilingon. Ayokong makita nilang galing ako sa pag-iyak. tiyak na magtatanong sila. di pa ako handa magkwento masyado pang masakit.

Pagpasok ko ng kwarto nilapag ko lang yung bag ko at naghubad ng sapatos at nahiga na sa kama ko. Di na ako nag-abala magbihis pa ng damit.

Pagkahiga ko, tumulo na naman yung mga luha ko. naaalala ko yung nangyari kanina at yung mga sinabi ni Axel sa akin.

Nagtalukbong ako ng kumot ng naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Alam kong si Stella yun. di ko sya narinig na nagsalita o nagtanong sa akin. naramdaman nya sigurong ayoko muna makipag-usap.

Habang nakatalukbong patuloy parin ako sa pag-iyak. sumasakit na yung lalamunan ko sa pagpipigil na wag humikbi para di ako marinig ni Stella.

Dala na rin siguro ng pagod sa mga nangyari kanina at pag-iyak ko nakatulog na ako agad.

-Ming❤️

Continue Reading

You'll Also Like

221K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
17.5K 586 27
روايه اماراتيه تتكلم عن مثايل وحيده امها وابوها الي عانت من الم الانفصال الام : نوره الاب : محمد تاريخ الكتابه : 19/3/2023 تاريخ التنزيل : ..
5.3M 46.3K 57
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
203K 2.4K 48
Valerie a high ranked mafia business women comes across a little while at the mall , she hasn't seen much Littles around . The high ranked gallone c...