Mr. Billionaire, Don't Englis...

donnionsxx04

95.2K 3.1K 495

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Еще

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Chapter 79:

407 16 0
donnionsxx04

ELIZABETH VILLAPORTE POV:)

"Beth, tara! Punta na tayo ng peryahan!" Sigaw ni Lemuel sabay pasok sa loob ng bahay.

Nag-aayos na sila Ros at Sir Johnser habang ako ay kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan at nilalagay ko na ang mga pinggan sa lagayan nito.

"Oo, sandali lang. Tapusin ko lang ito," sagot ko kaagad dito sabay punas ng basa kong kamay sa telang nakasabit sa pako.

Kakatapos lang namin kumain at may lakad nga kami ngayon. Papunta kami ngayon ng peryahan para mag-enjoy at manood na rin ng sayawan. Desperas na bukas ng fiesta dito at bukas rin matutuloy ang Reach-out Program na naudlot dahil sa sama ng panahon kaninang umaga.

Naglakad na ako papuntang pintuan nang sumulpot kaagad doon si Ros."Di ka pa tapos?" Tanong nito sa akin.

"Kakatapos lang," sagot ko dito. Binigyan naman ako nito ng daanan sa pintuan."Tara na? Okay na itong suot ko. Sa court lang naman," yaya ko.

Paglabas namin ng pinto, nakaabang na sa amin si Lemuel, nasa bulsa ng jacket ang kamay nito. Medyo malamig ngayon dahil na rin umulan kaninang umaga. Mabuti nalang hindi na makulimlim ang kalangitan, kitang-kita na mula rito ang mga nagniningning na mga bituin at liwanag ng araw.

Pagkalabas ko ng bahay, lumabas na rin si Ros at si Sir Johnser. Naka-jacket silang tatlo at mukhang ako lang ang hindi. Naka-shirt lang ako ng yellow at naka-pedal.

"Tara na," sabi ko at magsisimula na sana maglakad nang may humawak sa balikat ko para pigilan sa binabalak ko.

May jacket nalang na pumatong sa balikat ko at slow motion na lumingon ako para makita ang taong may gawa iyon.

"Malamig ngayon at baka lamigin ka," napaka-romantic na sabi nito. Pagkasuot nito ng jacket sa akin, sunod na inayos niya ang hood ng jacket at nilagay iyon sa ulo ko."Para hindi ka sipunin. Mas mabuti nang makasiguro." Dagdag pa nito.

Tulala lamang akong nakatingin sa kanya at hindi ko magawang makapagsalita. Tila naipit ang dila ko ng malaking bato na parang pinipigilan makapagsalita. Dahil sa kakaibang nararamdaman, naririnig ko ang tubig ng puso ko.

Bakit napaka-swerte ko kay Ros? Binigyan ako ni God ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Ayaw ko na siya mawala sa akin.

"Ehem, ehem!" Kunyaring umuubo si Lemuel.

Dahil doon, napahiwalay naman kami kaagad ni Ros nang bumalik ang aming matinong pag-iisip. Nakita naman naming nakatingin si Sir Johnser sa aming dalawa ni Ros at nagkaroon ng malisya sa mukha niya.

Nagtataka na ba siya sa relasyon namin ni Ros?

"Aba! Napaka-sweet naman ng magkapatid na ito," sulpot ni Lemuel. Tila niligtas kami ni Lem dahil napansin nitong nagkakaroon na ng malisya sa mukha ni Sir habang nakatingin sa amin.

Mabuti nalang isang tunay na kaibigan si Lemuel. Kung hindi baka tuluyan nang mabuking kami ni Ros.

"T-tara na?" Nautal na yaya na ni Ros sa amin para maputol na ang mainit na scene na ito.

"Sige---" di napatuloy ang sasabihin ko nang makitang kakarating lang ni Sir Dylan kasama si Miss Mandy.

Sandali? Nalimutan namin sila ah? Kakauwi lang ba nila galing bundok? Ano oras na? Mabuti nakayanan nila makauwi e alas syete na ng gabi at walang street light sa pinuntahan nila. Bakit ngayon lang sila nakauwi?

"Saan kayo p-pupunta?" Hinihingal na tanong ni Sir Dylan sa amin. Mukhang pareho silang tumakbo ni Miss Mandy pauwi dito, hinihingal pa sila pareho.

"Dapat kayo ang tanungin namin. Kakauwi n'yo lang mula kanina?" Balik tanong ni Ros dito.

"O-oo!" Nautal na sagot kaagad ni Miss Mandy."T-tumawag kasi si mommy. Napahaba yung usapan kaya kakauwi lang namin." Paliwanag nito sabay tawa, tawang parang may tinatago.

Palihim naman niya kinurot ang tagiliran ni Sir Dylan.

"Ah, oo! Kinausap din kasi ako ni Sir Leandro at kinakamusta nila tayo kung ano ba kalagayan natin dito." Dagdag rin niya sabay tawa ng pilit. Nagtinginan silang dalawa at parang nagsesenyasan sila ng kanilang mga mata. Nakangiting malapad na bumaling ulit ito sa amin.

May kakaiba sa kanilang dalawa. Hmm?

"Na pa'no 'yang bibig mo? Parang kinagat," naghihinala na tanong ni Ros sabay turo sa bibig ni Sir Dylan.

Gulat na hinawakan naman nito ang gilid ng bibig."E-eto? Ah, kagat 'to ng langgam. Dami kasi palang langgam sa kubo kanina." Paliwanag ulit nito sabay tawa ulit ng pilit.

Nakita ko naman may namumuong pawis sa noo ni Sir Dylan. Dahil ba sa kakatakbo nila pauwi dito o may ibang dahilan pa?

"Hmm? Kagat ng langgam? Parang kagat ng..." Tila naghihinala na turan na lamang ni Ros habang nakatingin sa dalawa at hindi pinatuloy ang gustong sabihin. Nakahawak pa ito sa baba na tila naghihinala sa kinikilos ng dalawa.

Nataranta naman ang dalawa nang makitang naghihinala sa kanila si Ros.

"S-saan ba kayo pupunta?" Pag-iiba ng topic ni Mandy.

"Sa peryahan," nakangiting sagot ko.

"Sasama ba kayo?" Tanong ni Sir Johnser dito na kanina pa tahimik.

"Oo, sama kami." Nakangiting sagot ni Miss Mandy."Bago iyon, kakain muna ako. Sobrang gutom na gutom na ako."

"May iniwan akong pagkain n'yo. Nandoon sa kaldero," wika ko.

"Sige. Mauna na kayo, susunod nalang kami." Sabi ni Sir Dylan sa amin.

Tumango naman si Lemuel dito."Sige, mag-iingat nalang kayo," sabi nito dito."Tara na!" Yaya na sa amin nito at ito na nauang naglakad.

Sumunod na nga kami dito.

ANDREW SY POV:)

Abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento nang mag-vibrate na lamang ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon sa gilid at sinagot ang tawag.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sir, nakita na po namin kung saan kinaroroonan ng kapatid ni Tomas." Sabi ng tauhan ko.

Napatayo naman ako sa kinauupuan sa gulat na binalita nito.

"Ano gagawin namin sa kanya, boss?" Tanong nito habang nasa kabilang linya ito.

Napangiti naman ako ng nakakaloko."Dukutin n'yo at dalhin n'yo sa hideout," utos ko.

"Masusunod, boss!"

Nakangiting demonyo na binaba ko na ang tawag.

MANDY YU POV:)

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila Elizabeth, mabilis na dumeretsyo ako sa kusina. Kumuha ng baso na nasa lamesa at sumalin ng tubig na nasa pitchel. Di mapakali, uminom kaagad ako.

Pagkarapos pinunasan ko pa ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. Natulala na lamang ako at inalala ang nangyari kanina.

**FLASHBACKS**

Naidilat ko na lamang ang mga mata ko nang maramdamang nag-eenjoy ako sa halik namin ni Dylan. Kabilis ko naman kinagat ang ibabang labi niya sa gulat.

"Aray!" Mabilis na lumayo siya sa akin at hinawakan ang ibabang labing kinagat ko."Bakit mo kinagat?" Tanong nito sa akin.

"Bakit ka sumabay? Ah?!" Nawawala sa sarili na tanong ko dito. Jusko! First kiss ko yun at ganito pala feelings nang kiss, nakakadala at nakakabaliw.

"Sumabay?" Takang naituran na lamang nito."Ganoon ba ako ka-hot para panggigilan mo halos kagatin mo ang labi ko?" Nakangiting malisya na wika nito.

"Ikaw," sabay turo sa kanya."Anong nanggigil ako sayo? Yan ba di sinasadya? Nagustuhan mo naman halik ko e! Sumabay ka pa nga! Kung may gusto ka sa akin, umamin kana. Napaghahalataan ka. Tsk!" Pa-supladang sumbat ko. Kailangan ko itago itong nararamdaman ko. Sa totoo, nababaliw ako sa nararamdaman ko ngayon. Kung baliw ako sa kanya noon, mas nababaliw ako ngayon.

Napangisi siya halos tumingin pa siya sa ibaba. Tumigil siya sa pag-ngisi na pinagtaka ko. Dahan-dahan umangat ang ulo nito para tingnan ko. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito na nagpaguwapo lalo sa kanya.

Bahagyang dinilaan niya ang sugat sa gilid ng bibig niya na kakagawan ko. Nakakaakit na tumingin siya sa mga mata at nagkagat labi na dumeretsyo naman tingin ko sa mga labi niya.

Napalunok ako ng laway nang maalala ulit ang halikan naming dalawa. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya na nasa labi ko. Di ko aakalain na tatamaan ako at kay Dylan pa mismo.

Napasinghap na lamang ako nang yumuko si Dylan halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin.

"Oo, gusto kita," amin na lamang nito."Inaamin kong gusto na kita. Ikaw? Gusto mo na rin ako?"

Natigilan naman ako sa sinabi nito. Tumibok ulit ng napakalakas ang puso ko. Di ko
Magawang umiwas ng tingin sa kanya at tila hinihigop ako ng tingin niya. Gusto ko magsalita pero walang lumalabas at hindi ko magawang lumayo sa kanya. Para na kong na-estatwa sa kinatatayuan ko.

Di ko namalayan na nakaawang na pala ang bibig ko at sinara iyon ni Dylan gamit ng hintuturo niyang nasa baba ko.

"Itikom mo, naaakit kasi ako sa labi mo," sabi nito na mas lalong nagpagulo sa damdamin ko.

B*wisit ka, Dylan! Bakit ikaw pa? Di ka naman guwapo---oo, noon di ka guwapo para sa akin pero ngayon? Takte! Lahat na lalaki sa mundong ibabaw, ikaw na pinakaguwapong nilalang na nakikita ko ngayon at ikaw lang ang lalaking nagpagulo sa mundo ko. Oo, ang guwapo na niya sa akin ngayon kaysa noon na hindi ko siya pinapansin kasi para sa akin out of place siya sa mundo ko.

Pero ngayon? Bakit ngayon pa? Ito ba talaga lovestory na ginawa sa akin ni Lord? Yung taong di ko pinapansin noon, siya pala para sa akin. WTF!

Nang bumalik ang tino ng pag-iisip ko, itinulak ko siya marahas palayo sa akin. Dahil doon, napaupo siya sa lupa.

"Aray naman,"

"Ikaw?!" Tinuro ko siya."Layuan mo ko! Ginugulo mo damdamin ko. Argh!" Naiinis na sabi ko sabay kagat labi."Wag kang susunod sa akin. Impakto!"

Tumakbo na ako paalis sa kubo. Pag tumatagal pa ako doon baka mas lalong magugulo ang nararamdaman ko. Sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Kunti nalang masunog na ang mukha ko dahil sa pamumula nito.

Argh! I hate this feeling!

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ang dalawang daan na nasa harapan ko.

"Sandali? May dinaanan ba kami nito?" Takang turan ko."Dito o dito?" Tinuro ang dalawang daan. Naigulo ko na lamang ang buhok ko."Argh! Naliligaw ako!" Lumingon-lingon ako sa paligid at mas lalong nataranta ako nang madaming aaan at hindi ko alam saan ako galing kanina."Dylan!" Naiiyak na sigaw ko na lamang.

**END OF FLASHBACKS**

Kaya ginabi na kami ng uwi dahil naligaw ako at mabuti nalang nahanap ako ni Dylan. Kung hindi, para akong tanga na umiiyak sa madilim na kagubatan. At baka pinagkakapiyestahan na ko ng mababangis na hayop doon.

Nilapag ko ang baso sa mesa sabay bumunton-hininga na lamang ako.

Pagtalikod, natigilan na lamang ako nang makita si Dylan na nakatayo sa paanan ng pinto. Tumama ang mata naming dalawa at pareho kami natigilan na tila na-estatwa sa kinatatayuan.

Dahil doon, nagsimula na naman ang nakakainis na nararamdaman ko pag nakikita ko siya.

ANTHONY DURAN POV:)

"Nakakamiss si Ros," sabi ko pagkatapos ko uminom ng mineral na nasa bottle.

Nandito kami ngayon sa park, kasama ang barkada para tumambay at maglibang. Two days nang wala si Ros kaya two days rin na wala kaming laban at two days rin na bagot na bagot na kami.

Si Ros lang naman magaling sa amin maglaro ng Rules of Survival. Kung ako maglalaro, walang kasiguraduhan na maiipapanalo mo ang laban. Sayang lang pusta namin kung matatalo ko lang naman talaga.

"Sinabi mo pa!" Payag ni Jake sabay inubos na ang barbecue na kinakain niya na nasa stick. Binuksan na rin nito ang bottle at uminom rin ng tubig.

"Tara na! Umuwi na tayo!" Yaya ko na sa kanila at tumayo na ako sa pagkakaupo sa bench.

Nagsitayuan na rin sila.

Ako na naunang naglakad at sila naman ay nakasunod sa akin.

"Bossbrad, pwede bumili tayo ng manok? Pasalubungan natin ang mama mo." Sabi ni PUBG sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya. Tinuring na nga talaga niyang magulang si Mama. Kung makitid utak ko, matagal na ko magselos sa kanya e. Mas bini-baby pa ni mama si PUBG kaysa sa akin. Para pa tuloy anak niya ito at ako naman yung ampon.

Tinuring ko na ring kapatid si PUBG. Feeling ko nga kadugo ko siya e. Ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Sige. Doon tayo bibili," sabay turo sa tindaan kung saan nagtitinda ng masarap na lutong manok.

Lilipat na sana kami sa kabilang kalsada na mabilis na napaatras kaming lahat halos hinarangan ko pa ng kamay ko si PUBG dahil muntikan na siyang masagasaan. May huminto na lamang na di pamilyar na sasakyan sa harapan namin.

"Hoy! Mag-iingat kayo! Makakabunggo kayo!" Galit na sigaw ni Jero sa sasakyan.

Bumukas na lamang ang pinto ng kotse halos natahimik kami nang may mga lalaking nakaitim na lumabas mula roon.

Tiningnan nila kami isa-isa at huminti ang tingin nito kay PUBG.

"Confirm, boss!" Nakangiting nakakaloko sabi ng lalaki sa kasama habang nakatingin kay Pubg. Sino sila?

"Bakit, boss? May problema ba?" Malakas loob na tanong ko sa kanila.

Nakangiting demonyo na bumaling ang lalaking nagsalita kanina."Meron, boss. Sa kanya," sabay turo kay PUBG.

Napakunot-noo naman kami. Ano kailangan nila kay PUBG?

Di inaasahan, nagulat na lamang kami nang kaladkarin ng dalawang lalaki si PUBG papasok ng sasakyan.

"Bitawan n'yo ko!" Sigaw ni Pubg.

"Bitawan n'yo ang kaibigan namin!" Sigaw ni John.

"Guys! Tulong!" Sigaw lamang ni Pubg nang pinipilit na ito pinapapasok sa sasakyan.

"Bitawan nyo siya!" Galit na sigaw ko.

Tila kumulo na lamang ang dugo ko nang makita ang ginagawa nila sa kapatid ko---kaibigan ko.

Mabilis hinarangan kami ng apat na lalaki na tangkang lalapitan na sana ito. Tuluyan nang pinapasok sa loob si PUBG kaya naisipan naming manlaban.

To be continued...

Продолжить чтение

Вам также понравится

368K 931 3
Mysterious Gems #2 GENERAL vs Brat DESIGNER DIM Jane Fontanillo(Dj) 💘 Clay Hell McLlado Grammatical error.. pag perfectionist ka di kita k...
Retaliate Chronicles: Born As A Boss ◻Madame Reveuse◻

Подростковая литература

38.6K 911 55
Si Boy ay isang Mafia Boss na nagkukunwaring Butler slash Bodyguard Suplado, Gwapo (sabi nila), pero Napaka-Seryoso kapag nasa kanyang mga plano at m...
14.7K 1.2K 33
(Book 2 of Deadly Romance) -COMPLETED- Finally, malaya na si Iris. Napagbayaran na nito sa batas ang lahat ng kasalanan nito. Kasama niya na ang lala...
93.5K 1.8K 72
Paano kung ang lahat ng sayo ay biglang mawala at ang tanging magagawa mo lamang ay hide myself and hide all my work for my safety. At kailangan kon...