Revusco Brothers #1: Playful...

By SUPERIORLUNA

149 11 2

Gabriella left her family because she is always been a puppet to them. That's when she meet the man that can... More

Revusco Brothers #1: Playful Destiny
Chapter 2
Chapter 3

Chapter 1

49 3 2
By SUPERIORLUNA


I was drinking my milktea when I saw my mom walking downstairs, agad kong itinago ang milktea sa likod ko.

"Gab, change your clothes. We're going somewhere," ibinigay niya sa akin ang isang malaking paper bag. Panigurado akong mga damit ang laman nito.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Napangiwi pa ako dahil sobrang sikip ng suot kong dress, hapit na hapit sa katawan ko. Pakiramdam ko, isa akong lumpia.

"Smile when someone approach you." I nodded. Pumasok kami sa kotse at pinagdrive kami ni kuya Berto. Tahimik ang buong byahe at walang may gustong bumasag.

Nang makarating kami sa isang hotel ay agad na nag retouch si mommy ng make up. Tiningnan niya pa ako na para bang kinakabisa ang mukha ko bago ako pagbuksan ni kuya Berto ng pinto sunod ay si mama.

Maraming businessman at mga CEO ang nakita ko. I wave my hand when I saw daddy talking to someone. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya naman nagpaalam ako kay mommy at lumapit kay daddy. Nginitian niya ako saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko at may binulong.

"Greet him." He whispered. Gusto ko sanang umatras ngunit hindi puwede.

Nakangiti akong humarap sa isang lalaking mahitsura na sa tingin ko ay nasa mid 60's. Matangkad ito at sobrang gwapo. Nai-imagine ko tuloy kung anong hitsura ng anak niya. Gwapo ba o maganda?

"Good evening, sir." I smiled at him. Inilahad ko pa ang kamay ko at nakangiti niya itong tinanggap. Mas lalong nag flex ang mapuputi niyang ngipin nang ngitian niya ako.

"Good evening, lady." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni daddy. Hinakbayan ako nito.

"Gabriella, he's mister Duvanno Revusco, the CEO of Revusco Enterprise." Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa nakikiita. The CEO of a famous fcking enterprise is infront of me! I'm so lucky! Balita ko kase ayon kay Jai, bihira lang daw ito makita. And now, my god, nasa harapan ko na siya!

"Hi po, Mr. Revusco, I'm Gabriella Denise Velarde. Pleasure to meet you, sir." Nag bow pa ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita.

"Your daughter is so respectful, I like it, Rodolfo." Ngumiti lamang ako sa kaniya matapos kong magbow.

"Your beautiful, Ms. Gabriella."

"Thank you sir. Kindly drop na 'miss' nalang po." Tumawa ito at saka tumango.

"You should meet my son," natulala ako. Meet agad?! Grabe, hindi man lang ako ininform na may anak na lalaki.

"Which son? The youngest?"

"No, the oldest." Nangasim yung mukha ko sa utak ko. P'wede namang sa youngest, bakit sa oldest pa? Hindi naman ako senior cetizen.

"Oh... I heard, graduate na si Tyler?" Si Dad ang nagsalita. In-excuse ko na ang sarili ko sa kanila at saka pumunta kay mommy na ngayon ay may kausap na babae.

Pumunta lang ako sa gilid nila at uminom ng cocktail drink. Hindi naman 'to hard, siguro ay nasanay lang ako dahil medyo mataas ang alcohol tolerance ko. Pero mas mataas pa rin ang alcohol tolerance ni Jai kaysa sa akin kaya talo lagi ako sa inuman pag nag iinom kami.

"So... what happened?" Inilagay ni mom ang takas na buhok ko sa likuran ng tainga ko. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya.

"I talked to Mr. Revusco a while ago, he's gracious."

"Really?"

"Hm-mm," kinuha ko ang cocktail drink para sana inumin ngunit mabilis na kinuha niya iyon sa akin.

"You shouldn't drink that! Kailan ka pa natutong uminom?" Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko saka yumuko.

I'm twenty one years old and still, sunod-sunuran pa rin ako sa kanila. I want to be an independent person but they didn't want me to be an independent. Gusto nila sila palagi ang kumukontrol sa buhay ko.

Umalis muna saglit si mommy at iniwan ako mag isa. Busy din si daddy sa pakikipag usap sa ibang businessman kaya naman loner ako rito. Bawal pa namang maglabas ng cellphone dahil 'yun ang usapan namin ni mommy. Siguro kung kasama ko ngayon si Jai ay hindi ako mabo-bored dito.

I gasped when someone talk behind me. I wasn't sure if he's talking to me but I think he is. I did not bother to look back at him. Itinuloy ko nalang ang pag inom ng lemon juice kahit labag sa atay ko. Isinusuka ko kasi ang lemon juice.

"Gab," a fammiliar tone said. Muli, ay hindi ako nag abalang lingunin ang pinanggalingan ng boses dahil alam ko na kung kaninong boses ang nagmamay-ari nito. Umalis nalang ako at inantay si mommy sa labas dahil malapit naman na kaming umalis.

Pagkauwi namin sa mansion ay agaran akong nagpalit ng damit. Iniisip ko kung anong hitsura nung panganay na anak ni Mr. Revusco. Is he handsome? Pero kahit na gwapo pa 'yon, attitude pa rin ang mas mahalaga kaysa sa looks.

Looks is important. But attitude is more important. Baliwala lang 'yang kapogian mo kung basura lang din 'yang ugali mo.

Busy ako ngayon kakagawa ng plates. Malapit na kasi kaming grumaduate, syempre, hindi porque malapit na grumaduate eh mag chill-chill nalang ako sa tabi.

Nagpaalam ako kay Jai para dumiretso sa lawfirm ni kuya Dave, pinsan ko. Ubos na kasi yung pera ko kaya mamumuraot muna ako sa kaniya. Ayaw ko kasing humingi kay mommy at daddy, iisipin nanaman nila na bumibili nanaman ako ng mga bagay na walang kwenta.

Nagstay muna ako sa labas ng office ni kuya bago ako maabutan ng secretary niya. Pinapasok niya ako sa loob ng office ni kuya.

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makitang may lalaking nakaupo sa swivel chair ni kuya. Nakaharap ito patalikod habang prenteng nakasandal sa upuan at may kausap sa phone. Nakatingin din ito sa magandang view ng buong city.

"Oh, yes, yes. About that, cancel mo muna kasi alam ko naman talagang gwapo ako at hot, pero hindi ako pumapatol sa bata. Gago, hindi ako child abuse." Napangiwi pa ako ng marinig ang mura niya. Hindi ko alam, pero kumukulo agad ang dugo ko sa kaniya. Napakahangin niya naman.

"Ewan ko d'yan kay papa. Ipagkakasundo ba naman daw ako sa bata," narinig ko pa ang tawa niya. Okay, inaamin ko na ang baritone ng boses niya at swabe siya tumawa, pero still, ang hangin niya pa rin.

"Siya nalang magpakasal, sabihin mo kay papa. Okay na ako kay Meghan, my loves," natatawa pa siyang pumihit paharap.

"Oo nga eh, bata pa kasi--- bata!" Nanlaki ang mata niya ng tumingin siya sa akin. He is looking at me like I'm a fucking ghost. Do I look like a ghost? Duh, sobrang ganda ko kaya!

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Pre, saglit lang. May batang naliligaw na nakapasok sa office ni Dave." Pinatay niya ang tawag at ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang cellphone bago tumingin sa akin.

Okay, gwapo. Edi meow. Wala akong pake. Charot.

"Uhm... Do you have an appointment?" Nakataas pa ang dalawa niyang kilay sa akin.

"Huh?" Kanina mukha akong ghost, ngayon naman mukha ba akong baguhan dito? Eh halos araw-araw akong nakatambay dito sa office ni kuya kapag wala s'yang mabibigat na case, kilala na nga ako ng CEO, eh.

Tumango siya. "Ah, okay. Hindi nakakaintindi ng English, gusto ng Tagalog." Bulong niya.

"May... may appointment ka ba?" Bahagyang humina ang boses niya sa bandang dulo at kumunot ang noo.

"Teka, ano nga bang tagalog ng appointment? Fuck shit."

"Where's attorney Loxin?" Tumingin siya sa akin at umiling.

"Wala, pinalayas ko na. Bakit?" Kumunot ang noo ko. What?!

"WHY? I NEED A MONEY RIGHT NOW!" Inis kong sabi rito. Tumagilid ang ulo niya at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Teka, sino ka ba? Kaano-ano mo si Dave?" Tinaasan niya pa ako ng kilay at hinahintay ang sagot ko. Pabagsak akong umupo sa malambot na couch ni kuya at nag cross arms.

"His wife."

Nakita kong bumagsak ang panga niya. Halos matawa ako sa reakyon niya pero nangingibabaw pa rin ang inis ko. Bakit kasi wala siya rito?! Kung kailan wala na akong perang pambili ng illustration board?!

"T-teka... Ano kamo? Asawa? Bakit hindi niya sinabi sa akin na may asawa pala siyang highschool." Kumunot ang noo ko.

"WHAT?! I'M NOT A HIGHSCHOOL ANYMORE! GRADUATING NA AKO THIS YEAR, MAGNA CUM LAUDE!" Ihampas ko pa sa kaniya 'yung diploma ko, eh. Pero charot, hindi ko nga alam kung makaka graduate ako, eh. Assumera lang talaga ako.

"Eh, anong pake ko?" Gulat akong tumingin sa kaniya.

"The fuck? Sinabi mo kasi na highschool ako kaya sinagot kita. Pake ko rin sa 'yo?!"

"Ba't ka nga kasi nandidito? Kung asawa ka ni Dave, anong gagawin mo sa pera?" Nagtataka ako sa kaniya kung bakit pati sa pera, inaalam niya pa? Eh, ano naman sa kaniya? Crush niya ba si kuya?!

"Wala nang pang gatas yung baby namin, tapos wala pang pambayad ng kuryente." Nanlaki ang mga mata niya. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng office ni kuya at iniliwa si kuya Dave na bagong ligo.

Nagtaka pa siya ng tingnan ako pero kalaunan ay napatango nalang.

"Why you're here? Have you already eaten?" He asked me.

"Not yet." Kumunot ang noo niya.

"You should eat first before you visit me here." Binuklat niya pa ang bag niya at may kinuhang burger saka binigay sa akin. Tinawag niya pa ang secretary niya para igawa ako ng coffee.

"You didn't tell me, huh?" Kunot noo si kuya Dave na tumingin sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair niya.

"What the hell. What are you doing here? I thought you're on your work right now?" Nag smirk lang sa kaniya si unknown boy bago tumayo. Nanlaki ang mata ko ng makita ang height niya.

What the fudge. He's so freaking tall!

Sa tingin ko ay nasa 6'8 or 6'9 ang tangkad niya. Halata mo rin sa suot niyang oversize T-shirt ang bakat niyang biceps. Over all, wow grabe, ang gwapo niya. Pero wala akong paki.

"Wala, kakarating ko lang. Dinaanan ko lang 'yong site malapit dito kaya dumiretso na ako rito." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Paki namin?

"Okay. You may now go," sabi ni kuya Dave. Halos matawa ako nang makita ko ang reaksyon ng kaibigan ni kuya Dave.

"Wow, pare, nakaka sakit ka na, alam mo ba 'yon?" Sabi pa nito habang nakahawak pa sa dibdib na  parang may dinadamdam na sakit.

"Hindi. Now, p'wede ka ng umalis."

"Tss." Sabi lang nito bago lumabas ng office ni kuya. Hindi ko nalang siya pinansin.

"You," napatingin ako kay kuya at ngumiti. "May ginawa ba siya sa'yo?'"

Umiling ako. "Wala."

He let a heavy sigh. "Alright then, how much do you need?"

Napaisip ako. Tutal marami akong kailangang bilhing illustrations boards, siguro mga...

"5k."

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. "What the... doon ka humingi kay auntie, 'wag sa akin."

"Di 'wag, mamamalimos na lang ako," I pouted. Napabuntong hininga siya bago ako binigyan ng pera.

Super busy at hectic na ng schedule ko. Wala na kaming time para makapag bond ni Jai. Todo aral ako at take down ng notes sabay save sa macbook ko. Halos araw-araw din akong kulang sa kain dahil kaunti lang ang pinapakain sa akin ni mommy. Kailangan ko raw mag diet. Bumabawi nalang ako ng kain pag nasa VU ako. Kumakain kami ng sabay ni Jai sa Riego'z.

Hilong-hilo ako habang naglalakad sa street dahil siguro sa init ng araw. Wala pa akong kain at kulang pa ako sa tulog at pahinga dahil sa gabi-gabinh work out at araw-araw na diet.

Nagtataka na nga si Jai kung bakit ang laki raw ng pinayat ko. Wala rin naman ako masasagot sa kaniya dahil alam niyang si mommy ang may kagagawan. Ayaw ko lang mag open up sa kaniya ng paghihirap ko araw-araw.

Napre-pressure rin akong mag-aral dahil parang habit na yata bila mommy na i-kumpara ako sa mga pinsan ko na may latin honors. Hindi pa yata sapat sa kanila na gra-graduate na ako sa architecture.

"Oh my god," sambit ko ng bigla nalang manlambot ang tuhod ko. Napakapit ako sa poste at pinunasan ang pawis ko.

Kinuha ko ang bottled water sa bag ko pero wala ng laman. Napabuga ako ng marahas na hininga bago ituloy ang paglalakad.

Ngunit habang naglalakad ay biglang may sumulpot na sasakyan galing sa kung saan dahilan upang mawalan ako ng malay.

:)

Continue Reading

You'll Also Like

790K 58.9K 36
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
913K 49.5K 58
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
276K 18.9K 20
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...
1M 91.2K 40
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...