Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 84

91.2K 4.6K 10K
By DemLux_Pain

THIRD PERSON's POV

~ At the capital of Montiro, 8PM

Sa loob ng isang mamahaling hotel room ay patagong nanatili sina Andrin at Abella. Nandito lang kasi sila sa bansang ito para makipagkita sa ka-business deal nila na may kinalaman sa mafia transactions ng organisasyon. 

Samantala, seryoso at hindi mababakasan ng emosyon si Andrin na kasalukuyang nakatingin sa laptop nito. Tinitignan niya sa kaniyang screen ang nakuhang video ng kaniyang mga tauhan tungkol sa nangyaring aksidente sa loob ng isa sa kanilang headquarters sa bansang Montiro. 

Bukod pa sa mafia transactions na gagawin nila sa bansa ay isa rin ito sa kailangan nilang asikasuhin. Hanggang ngayon kasi ay pinaghahanap pa rin ang espiya sa loob ng mafia, kung kaya't hindi maganda ang mood niya ngayon.

Naputol ang konsentrasyon nito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone senyales na may balita na tungkol sa imbestigasyon.

"Good evening, Lord Caventry." Magalang ngunit bakas ang kaba na bati ng tauhan sa kabilang linya.

"Did you find him?" Diretsong tanong ni Andrin na lalong kinakaba ng lalaki.

Alam kasi nito ayaw ng boss niya ng mga taong palpak kung kumilos. Kaya kung wala siyang mabuting ibabalita sa kaniya ay alam niya nang kamatayan ang magiging hatol nito. 

"Yes, sir, he's already imprisoned inside the dungeon." Sagot nito at tinago na ang kaba. 

(D/N: "Dungeon" = Underground cell)

"How about the others?"  

"The report is also here, sir. Our intel is right about the involvement of the Nightfall Organization in the incident." Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa hawak-hawak nitong papel. 

"Alright, inform everyone that we will be having a meeting when we go back there." Walang emosyon na sabi ni Andrin bago binaba ang tawag.

Mabilis niya namang tinawagan ang numero ng anak na si Harry na abala rin sa isa pa nitong misyon sa Mordovia.

"Hello, dad?"

"What happened to your mission?"

"It's done, dad. I already have a plan if something happens. " Seryoso ngayong sabi ni Harry na kasalukuyang nasa sasakyan nito.

Kagagaling niya lang sa Hell Street para pabagsakin ang isang maliit na Mercenary guild na siyang kasabwat sa pag-ambush kay Heavenhell sa Eckheart City.

Ayon pa sa nakuha niyang impormasyon sa lider ng guild ay hindi nila kilala ang naturang client na nag-utos sa kanila. Tinanggap lang nila ang misyon dahil sa malaking pera na binayad sa kanila.

"Tsk! Kung hindi ako makakahanap ng impormasyon tungkol sa client na 'yon sa Atlante ay isa lang ang ibig sabihin non. Wala sa bansang 'to ang mastermind ng pag-ambush kay Heavenhell." Isip-isip ni Harry habang nasa harap pa rin nito ang tingin.

Mukhang may alam naman si Andrin sa naiisip ng anak dahil kahit siya ay naniniwala na hindi basta-bastang tao o grupo ang gustong magpapatay sa anak nito. Ang hindi lang nila maisip ay ang dahilan kung bakit si Heavenhell ang pinupuntirya ng mga ito.

"Alright, just stand-by for now. We will decide first when we are going to move against them." Sabi na lang ni Andrin sa anak na agad din namang sinang-ayunan ni Harry.

"Yes, dad. I will call you later to give you the news."

Nang mababa na ang tawag ay tsaka naman biglang lumitaw si Abella na may hawak-hawak na cellphone sa kaniyang kamay. Sa itsura nito ay alam na agad ni Andrin na may gusto na namang itong ikuwento.

Hindi na rin kasi bago sa kaniya ang pagiging madaldal ng asawa. Bukod pa sa doon ay isa rin sa kinasasakit ng ulo nito ay ang pagiging slow ni Abella. Hanggang ngayon nga ay nagtataka pa rin si Andrin sa sarili kung paano niya nagustuhan ang babaeng 'to.

"Honey! Honey!" Nagmamadaling tawag ni Abella na hindi naman pinansin ni Andrin.

"Here we go again. No, I don't want to talk to her." Isip-isip nito at pinilit na lang na tumingin sa mga papeles na pipirmahan niya.

"Honey! Hindi mo ba 'ko na naririnig?!" Masungit na tanong ni Abella nang makita ang walang emosyong mukha ng asawa.

"What?" Walang ganang tanong ni Andrin na hindi pa rin siya nililingon.

"Look at this!" Mabilis na sabi niya at hindi na pinansin ang masamang ugali ng lalaki.

Pero nang makita niyang hindi pa rin siya nito pinapansin ay agad namang kumulo ang dugo niya, dahilan para ilapit niya na ang cellphone mukha ng asawa.

"What the fuck?!" Mura na ni Andrin sa kabaliwang pinaggagawa ni Abella. Tama ba namang ilapit ang cellphone sa mismong mukha niya? Kulang nga lang ay ipakain niya na ang hawak na cellphone sa kaniya!

"Honey..." Nakangusong tawag ni Abella na kinailing na lang ni Andrin. Kapag ganiyang nagpapa-cute na ang asawa ay alam niyang siya rin ang magiging talo sa huli.

"I'm busy. I don't have time for that." Mahinahon na sabi na lang nito habang marahang tinatapik ang ulo niya.

"But, this is about Athanasia."

Nang marinig niya ang pangalan ng anak ay agad siyang napatingin kay Abella na nakanguso pa rin ngayon. Hindi niya pinansin ang pagdadrama ng asawa dahil mas interesado siya sa balita tungkol kay Heavenhell.

Madalas kasi siyang makatanggap ng impormasyon galing sa mga tauhan niya tungkol sa mga ginagawa ng anak. Bukod pa roon ay madalas na ring lumalabas sa mga balita itong si Heavenhell na dumating sa punto na natalo niya pa ang mga artista sa Atlante.

Mabuti na nga lang at hindi na puro negatibo at kahihiyan ng anak ang mga binabalita ngayon. Kumpara kasi noon ay mas maayos naman ang sitwasyon ni Heavenhell ngayon.

"Let me see." Sabi na lang ni Andrin at kinuha ang cellphone kay Abella.

"Hmmp! Ngayon ikaw itong excited tapos kanina hindi ka nakikinig sa'kin."

"Hindi mo naman sinabi agad." Seryoso na sabi niya na lalong kinasimangot ng asawa.

"Tignan mo ang ugali mo! Ang sama mo talagang hayop ka!" Reklamo ni Abella habang sinasabunutan ang buhok ni Andrin na naka-poker face lang ngayon. Sanay na siya kaya kalmado lang siya sa mga ganitong sitwasyon.

"Is this real?" Tanong na nito sa asawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ang buhok niya.

Pinipigilan niya na nga lang ang sarili na masapak ang babaeng 'to. Dahil una sa lahat asawa niya 'yan at pangalawa ay masamang galitin ang mga baliw.

"Yeah! This has been on the news for about two days already!" Sagot na lang ni Abella atsaka yumakap na sa asawa.

Napasandal na lang si Andrin sa sofa habang iniisip kung paano naging malapit ang anak niya sa young lady ng mga McKinney. Ganoong sa pagkakaalam naman ng lahat ay magkaribal ang dalawang ito dahil sa young master ng mga Lucretius na si Eli.

"Did they kiss?" Pagkukunpirma ni Andrin kahit na kitang-kita sa larawan ang ginawa ng anak.

Hindi pa rin kasi niya maisip na ang anak niyang parang takot sa mga tao, dahil sa palagi itong nakakulong sa kaniyang kwarto ay mukha ng agresibo ngayon. Ang masama pa doon ay sa babae pa!

Nang makita ni Abella ang pagtataka sa mukha ng asawa ay pasimple itong tumawa sa gilid. Napapansin niya kasi na pagdating kay Athanasia ay iba't-iba ekspresyon ang nakikita niya sa mukha nito. 

"Aha! Aha! I couldn't believe this at first, so I called Mitchel, and she said that this thing really happened." Tumatango-tango pang sagot ni Abella sa tanong niya kanina.

"Aren't they enemies?"

"That's right! That's also the reason why this is a trending topic in Atlante. My friends also called me yesterday and are now asking if my daughter doesn't like the young master of Lucretius anymore." Sabi pa niya habang inaalala ang mga tanong sa kaniya ng mga kaibigan.

Sa umpisa ay wala siyang balak sagutin ang tawag ng mga ito. Alam niya kasing mga peke lang mga babaeng 'yon at kumakapit lang sa kaniya dahil sa pamilya nila.

Ganoon naman kasi kadalasan lahat ng nobles, kaya hindi na bago sa kaniya ang pakikipagplastikan sa mga ito.

Kung hindi nga lang nila nabanggit sa message si Athanasia ay hindi siya magsasayang ng panahon na sagutin ang mga tawag nila.

"So what did you say?"

Napatingin si Abella sa asawa nang marinig ang tinanong nito.

"Of course, I said, it's impossible for her to not like him. You know how crazy our daughter is about Eli, right?" Sagot niya na kinailing lang ni Andrin.

Sa totoo lang kasi ay ayaw ng pamilyang Caventry na magkaroon ng kahit na anong relasyon sa pamilyang Lucretius. Masiyadong malakas at malaki ang koneksyon ng mga ito, kaya alam din nila kung gaano kadelikado ang mga miyembro ng pamilya nila.

Kung hindi nga lang dahil kay Athanasia ay hindi sila maglalakas loob na makipagsalamuha sa kahit na sino sa mga Lucretius.

Nasa labing-tatlong taong gulang pa lang si Athanasia ay napansin na nilang may gusto ito sa isa sa young master ng mga Lucretius. Sa umpisa ay hindi nila ito pinapansin dahil crush lang naman at mawawala rin 'yan katagalan.

Pero habang tumatagal ay doon din nila nalaman kung sinong young master ang nagugustuhan nito. At yun nga ay walang iba kung hindi ang fourteen years old na tinaguriang pinakademonyo miyembro ng pamilyang Lucretius—si Eli.

Hindi nila maisip ang gagawin noon dahil mailap na bata si Athanasia. Walang interes sa mga mafia at ayaw sa mga tao. Kaya naniwala sila na baka saglitang pagkagusto lang ang meron si Athanasia para kay Eli.

Nang maging 17 years old na si Athy ay doon nila nalaman na mali sila ng akala. Dahil yun din ang araw na palagi nang lumalabas si Athanasia para sundan si Eli sa kahit saan ito magpunta.

Dumating pa nga sa punto na hinarangan nito ang patriarch ng mga Lucretius para sabihin na gusto niyang magpakasal dito. Kaya naman 'yon din ang oras na may natanggap silang engagement contract galing sa mga Lucretius.

Gusto man nila itong tanggihan pero wala silang magagawa kung hindi ang pumayag dahil si Athanasia na mismo ang nagpumilit. Hindi rin naman gusto ng mga Caventry na magkaroon ng masamang imahe sa mga Lucretius kapag tinanggihan nila ito.

Kaya sa huli ay nasunod ang gusto ni Athy at naging engage siya sa edad na labing pito. Samantalang si Eli naman ay nineteen noong panahon na 'yon.

Kung marunong nga lang makipaglaban si Athanasia ay wala sanang problema ang pamilya. Nalaman kasi ng lahat na ang isang anak ng pamilyang kabilang sa Mafia Organization Sect ay mahina at walang alam sa pakikipaglaban.

Kaya magmula noon ay tinagurian ng "black hole" at "stupid daughter of the mafia boss" si Athanasia ng pamilyang Caventry. 

*Sighs*

Napailing na lang si Abella sa naiisip nang marinig ang malamig na boses ng asawa.

"Don't bother yourself with that issue. Athanasia is smart, so she can handle that." Sabi nito na agad niya namang sinang-ayunan.

"Yeah, I know. I'm just curious." Tugon niya rito.

Alam ng dalawa na hindi man nakikipaglaban si Athanasia ay napakatalino naman nito. Ayon pa sa balitang natatanggap nila ay palagi raw nakakatanggap ito ng admission galing sa iba't-ibang school sa Atlante at maging abroad.

Hindi lang nila pinapansin dahil sa iilang bagay na kailangan nilang mas pagtuonan ng atensyon.

Napahinto si Abella nang biglang hawakan ni Andrin ang kamay niya. Balak niya na kasing itabi ang cellphone nang agad naman siyang pigilan nito.

"Wait a minute... Can you show me the picture again?" Dinig niyang sabi ni Andrin na agad niya namang pinagtaka.

"May problema ba sa picture at bigla na lang siyang nagseryoso diyan?" Tanong nito sa kaniyang sarili nang makita ang seryosong mukha ng asawa.

"Oh, okay."

Inabot niya ang cellphone dito na agad naman nitong kinuha at tinitigan.

"Why? Is there something wrong with the picture?" Tanong niya at nilapit ang mukha sa screen. 

"Look. What is she wearing?" Seryosong tanong ni Andrin sa kaniya. Tinitigan niya ang suot ni Athanasia bago seryoso ring sumagot sa tanong nito.

"Obviously, it's clothes."

*Glare*

"Hehe! I'm just kidding!" Agad niyang sabi nang makitang sinamaan na siya ng tingin nito. Wala namang nagawa at napahilot na lang ng noo si Andrin sa kabaliwan ng babaeng kasama niya ngayon.

"She's wearing that uniform." Sabi niya na habang tinuturo ang suot ng anak sa larawan.

"Yeah, I can see that." Tumatango-tangong sabi ni Abella na lalong kinainis ni Andrin.

"If my wife doesn't stop being foolish, I'm going to kill her!" Isip-isip nito habang sinasamaan ng tingin ang asawang natatawa na ngayon.

"I'm right, so don't glare at me!" Nakanguso na naman nitong sabi nang makitang sinamaan ulit siya nito ng tingin. Sa itsura kasi nito ay parang konti na lang ay masasakal na siya ni Andrin sa inis.

"Tsk! I'll ask you, where does the McKinneys' daughter study?" Kalmado ngunit nagpipigil inis na tanong niya kay Abella.

Pero nang marinig nito ang susunod na sinabi ng asawa ay parang konti na lang ay sasabog na siya sa galit.

"School?"

"Damn!"

"Wa--wahh! Don't get angry, honey! Sinasagot ko lang naman ang tanong mo ahh! Saan ba nag-aaral diba sa school? Yung tanong mo kasi yung ayusin mo! Hmmph!" Reklamo na ni Abella habang naka-crossed arms na ngayon.

"My goodness! Kung hindi ko lang asawa 'tong hayop na 'to ay kanina ko pa 'to napatay! Ang tanga magtanong tapos ako pa may kasalanan?" Inis na sabi ni Abella sa kaniyang isipan.

"Okay, I'll just pretend that you didn't say anything. Tsk!" Pagsuko na lang ni Andrin nang makita na ang salubong na kilay ng asawa.

"I need to confirm my suspicion of this first." Dagdag pa nito at muling kinuha ang cellphone para tawagan si Lt. Gen. Roosevelt.

Nakuha niya kasi ang number nito sa kaibigan niyang General din ng Military Sector.

~ Calling Lt. Gen. Roosevelt

"Hello?"

Malamig at maawtoridad na tono ang narinig ni Andrin sa kabilang linya. Hindi na rin naman siya nagtaka dahil usap-usapan na sa Military Sector ang pagiging seryoso at matikas ng mga miyembro ng pamilyang Roosevelt. Siguro ay dahil na rin sa halos lahat sa kanila ay mga sundalo na may matataas na ranggo.

"Good evening, Lt. Gen. Roosevelt." Magalang na pagbati niya rito. Mas mataas pa rin kasi ang ranggo nila sa A.R.F. kaysa sa mga Caventry.

"Who's this?" Nagtatakang tanong ni Lieutenant sa taong biglang tumawag sa kaniya.

Kasalukuyan kasi siyang nasa tent niya at nagbabasa ng mga plano para sa darating na event next week. Kaya naman kahit madaling araw na ay gising na gising pa rin siya.

"This is Andrin Caventry."

"Oh, oh! I see! So, why did you call?"

Naibaba ni Lieutenant ang hawak na papel nang marinig na ang patriarch pala ng Caventry ang tumatawag ngayon. Isa pa ay alam niya na hindi maganda ang pakikitungo ng pamilya nila kay Heavenhell, kaya naman naging interesado siya sa kung anong dahilan nito sa pagtawag ng ganitong oras.

"I just want to ask if you saw the news about my daughter?" Tanong ni Andrin na kinataas lang ng kilay ni Lieutenant.

"The news, huh?" Isip-isip nito. Siguro ang tinutukoy na balita ng ama ni Heavenhell ay ang tungkol doon sa accidental kiss nila ng young lady ng mga McKinney.

"I do! I saw it on TV. Why?" Tanong na lang niya dito.

"I think she's wearing a uniform from your department, so I'll just ask to confirm." Kalmadong sabi ni Andrin kahit na nararamdaman niyang hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya ng lieutenant.

"Of course, she's wearing it! Don't tell me you don't know where your daughter is studying right now." Seryoso ngunit mababakasan ng pang-iinsulto na sagot nito sa kabilang linya.

Sino ba namang matinong magulang ang walang alam kung saan nag-aaral ang anak diba? Atsaka may konting inis din si Lieutenant sa pamilyang Caventry, dahil hinahayaan lang nila ang mga kumakalat na fake news tungkol kay Heavenhell.

Muntik pa naman siyang maniwala na masama at puro kahihiyan lang daw ang alam ng fiancé ng pamangkin niya! Tapos ngayong nakilala niya na ang bata ay talaga namang nanghihinayang siya na hindi na sila engage ni Eli.

"Tsk! Kung hindi ba naman kasi manhid ang pamangkin ko, edi sana hindi na makakawala si Heavenhell sa pamilya namin..."

Napailing na lang si Lieutenant sa naisip nang marinig niya na ang boses ng kausap sa kabilang linya.

"I know, but I remember that she's from another department." Sagot na lang ni Andrin.

Kung tutuusin ay simula pa lang nang pagpasok ng anak sa A.I.A ay alam niya na 'to. Pero dahil hindi naman sinabi ni Heavenhell sa buong pamilya ang tungkol dito ay hindi na lang din siya nagsalita.

"That's right! Honestly, I invited your daughter to join the Military Department, but she didn't want to. That's why I only asked her to be part of a special team that trains the trainees. Your child is so smart! How I wish that she was my daughter!" Sabi pa ni Lieutenant na mahahalata sa kaniyang tono ang pagkadismaya na hindi niya anak si Heavenhell.

Napakunot noo na lang si Andrin nang mapansin ang intensyon ng Lieutenant. Lalo na nang marinig niya na gusto niya ang pagkadismaya nito sa kabilang linya.

"I'm glad to hear it. I hope she's not making trouble there."

"We're currently training the trainees in the Killa Vut Forest. Oh! Your daughter is with us, and she's okay here, so you don't need to worry. I need to hang up now." Dagdag pa ni Lieutenant na parang nang-iinggit na hindi niya maintindihan dahil sa tono nitong paiba-iba.

"Yes, Lieutenant. Thank you for your time." Sabi na lang ni Andrin at binaba na ang cellphone nang marinig ang pagputol ng lieutenant sa tawag.

Agad namang lumapit si Abella sa asawa nang makitang tapos na ang pag-uusap ng dalawa.

"Honey, is that true? Athanasia joined a special team to train military trainees? How did that become possible?" Nagtatakang tanong nito habang nakahawak pa sa kaniyang baba.

Ni minsan kasi ay hindi niya nakitaan si Heavenhell na interesado ito sa pakikipaglaban lalong-lalo na sa military. Kaya paanong napunta sa military department ang anak niyang mahiyain, ayaw sa tao, ayaw sa mga patayan, at ayaw sa mga maduduming lugar?

"Let's just ask her when we get back to Atlante." Sabi na lang ni Andrin bago tumayo na at naglakad papunta sa kama.

Mabilis siyang umayos ng upo sa kama habang hinihilot ang kaniyang ulo. Nakita niya kasi ang asawa na agad ding sumunod sa kaniya kaya alam niyang magtatanong na naman ito.

"But Athanasia has a weak body, so how come Lieutenant General Roosevelt allows this? In the first place, she can't fight." Nagtataka pa ring sabi ni Abella bago pabagsak na humiga sa kama.

Mabilis siyang gumapang papunta sa kay Andrin at niyakap ang bewang nito. Ang isip niya ay nasa anak niya kaya hindi niya napapansin ang tingin sa kaniya ng asawa.

"How can you be so sure that she can't fight?" Tanong na lang ni Andrin dito na kinatahimik ni Abella.

"W--what? Of course, everyone knows about that, honey." Hindi rin siguradong sagot nito.

Totoo kasing hindi siya sigurado dahil bata pa lang si Athanasia ay ayaw na nito sumali sa training na kailangang pagdaanan ng mga anak ng Caventry.

Hindi rin naman nila ito pinilit dahil una sa lahat ay mahina ang katawan nito. Idagdag mo pa na ayaw nitong nakakakita ng dugo.

Napaangat na lang ng tingin si Abella nang marinig ang susunod na sinabi ni Andrin na nagpatigil sa kaniya. 

"Your daughter just said that she doesn't want to fight. But that doesn't mean that she can't fight." Seryosong sabi nito habang marahang hinahaplos ang buhok ni Abella.

"Ahm... I can't tell. Thinking about her being able to fight seems impossible. You know how she despises seeing blood from killings? Am I right?"

"Nobody knows since Athanasia isolated herself from the mafia and just studied quietly. I can't even tell what she's thinking anymore." Malamig na sabi ni Andrin habang inaalala ang mga balitang nakarating sa kaniya.

"Maybe something happened to make her like that. I also heard that she stayed with Eli for a week, which surprised me. She also has a good relationship with the young ladies from McKinney, Maxwell, and even Gideon. It makes me think that she's planning something, but I can't tell exactly what it is." Sabi na lang ni Abella habang nakapikit na ngayon.

Ngunit nang marinig nito ang susunod na sinabi ni Andrin ay hindi niya maiwasang manlaki ng mata sa gulat na baka tama siya.

"Hmm... It was like Athanasia was planning to cut her ties with us and flee somewhere."

"W--what?"


HEAVENHELL'S POV

Napatawa na lang ako nang makita ang nangangatog na tuhod ng lalaki. Geez! Bakit kung umasta naman siya ay parang kabadong-kabado talaga siya? Hindi ba elite forces kuno sila kaya dapat tigasin at malalakas ang kaharap ko ngayon!

"Tsk! Panira naman ng imagination 'tong mga lalaking 'to!"

"Wh--who do you work for? What organization do you belong to?" Tanong niya na habang umaatras palayo sa'kin.

Umaandar pa rin kasi ang hawak kong chainsaw, kaya kapag lumapit siya sa'kin ay talagang mahahati siya sa dalawa. Pero tutal mabait akong killer ay hinayaan ko muna siyang makalayo sa'kin para hindi siya mamatay kaagad.

Sayang naman kasi ang entertainment ko kung mabilis siyang mawawala. Hehe! Pasimple kong winasiwas ang hawak kong chainsaw na agad niya namang kinaatras. P--pfft!

Hindi ko na lang pinansin ang takot na takot nitong ekspresyon at nagkunwaring nag-isip ng isasagot sa kaniya.

"Huh? I work for myself." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa nangangalawang na talim ng chainsaw. Tinitignan ko kasi kung makakaputol pa ba 'to ng ulo kapag sinubukan ko sa kaniya?

Mukhang napansin niya naman ang tinitignan ko dahil sa biglaan nitong paglunok. Aiya! Mukhang nai-imagine niya na kung paano siya mamamatay.

"So--so why are you here? Are you against us?!" Nauutal-utal niyang tanong na kinakunot ng noo ko.

Napapansin ko kasi na siya 'tong malapit nang mamatay tapos siya pa 'tong may ganang magtanong sa'kin? Ano 'yon nagkapalit kami ng role?

"Why do you have so many questions? Shouldn't I be the one asking you?!" Inis kong sabi bago nilapit ang dulo ng chainsaw sa baba niya.

Mabilis naman niyang nai-angat ang mukha niya para hindi siya matamaan ng blade nito. Sa itsura niya nga ay natalo niya pa ang estatwa dahil hindi talaga siya gumagalaw.

"Al--alright. Ju--just don't kill me." Hirap na hirap nitong sabi na kinatango ko na lang. Inilayo ko na rin sa mukha niya ang chainsaw para matanong ko siya ng maayos.

Tinanggal ko ang tela sa mukha at nginisihan ang lalaki. Balak ko kasing maging kontrabida sa mga napapanood kong pelikula noon. Yung tipong ikaw yung lider ng gang, tapos nalaman mong may espiya sa grupo niyo. Kaya naman ikaw 'tong magpapahirap sa kaniya para mapaamin sa mga plano nila ng kalaban. Aiya.

"Exciting kung iisipin kaya naman dapat nasa character ako ngayon. Heh!"

"Okay, fine. But your death still depends on whether I like your answer or not." Sabi ko pa habang seryoso siyang tinitignan.

Mukha namang natulala ang lalaki na parang kinikilala niya kung sino ako. Bakas din sa mga mata niya ang pagkagulat dahil siguro sa hindi niya inaasahan na may diyosang demonyo sa harap niya ngayon. P--pfftt! Ehem! Ehem!

Nagseryoso na lang ako at tinuro ang sahig. Bahagya siyang nagtaka sa gusto kong ipahiwatig pero hindi rin nagtagal ay naintindihan niya rin naman ito. Nakita ko kasi ang pagkuyom ng kamao niya na parang hindi nagustuhan ang pinapagawa ko sa kaniya.

"Heh! Wala naman siyang choice dahil sa'ming dalawa siya ang dehado."

"O--okay..." Mahina nitong sabi at agad ding lumuhod sa lupa.

"What's your name?" Bored ko na lang na tanong habang napapahikab pa sa antok.

Sa tantsa ko kasi ay lagpas alas dos na nang madaling araw at wala pa akong tulog. Kaya naman mas maigi kung tatapusin ko na agad ang papakipaglaro sa lalaking 'to.

"Six---Argh!" Daing nito nang sipain ko siya sa tagiliran niya.

"Wala akong pakialam sa code name mo. Ang tinatanong ko ay kung anong pangalan mo?" Seryoso kong tanong at pinaandar na ulit ang hawak-hawak na chainsaw.

Mukha namang nakaramdam siya ng panganib dahil agad niyang sinagot ang tanong ko.

"I'm Fidel, La--lady Heat." Nakayuko nitong pakilala habang nanginginig pa rin ngayon. Marahil nakadagdag sa kaba niya ang tunog ng chainsaw na kasalukuyang umiikot-ikot ang blade malapit sa mukha niya.

"Why are you here in the forest?" Tanong ko na lang ulit. Kahit na may ideya na ako sa kung anong pakay nila dito ay gusto ko pa ring malaman kung magsisinungaling siya o hindi.

Pero ang totoo niyan gusto ko lang talagang maghanap ng rason para unti-unting mapatay ang lalaking 'to. Hehe!

"We're here just to observe and---ARGGHHH!!!" Sigaw nito nang walang pasabi kong nilapit ang chainsaw sa braso nito.

Dahil sa kinakalawang na ang blade ay mas matagal na nahihiwa nito ang laman at buto niya, dahilan para mas dumoble ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Nagtatalsikan na rin ang mga dugo sa paligid na kinatawa ko na lang habang pinapakinggan ang walang tigil nitong pagsigaw.

"Engk! You're lying!" Naiiling kong sabi nang tuluyan nang mahiwalay ang braso niya sa kaniya.

Napadapa sa sakit ang lalaki habang hawak-hawak ang nitong braso. Patuloy kasi na umaagos ang dugo mula dito, kaya kapag hindi pa niya naagapan ay siguradong patay siya.

"Yo--you!" Galit na galit nitong sigaw sa'kin habang naiiyak na sa sakit.

Nanlilisik na rin ang mga mata niya na parang gustong-gusto niya na akong patayin. Well, too bad dahil magmula nang nakapasok ako sa teritoryo nila ay wala na silang pag-asang makatakas sa'kin.

"Look here! Whether you tell me the truth or not, it's not a big deal for me." Kibit-balikat kong sabi na agad niyang pinagtaka.

"Wh--what do you mean?" Hirap na hirap nitong tanong na halata mong iniinda lang ang sakit ngayon.

"It means I'm just being kind to you and giving you a chance to live. But since you're dishonest, it makes me very annoyed." Kunwaring dismayado ko lang sabi na lalo niyang kinagalit.

Sa totoo niyan ay kahit na magsabi pa siya ng totoo ay kamatayan pa rin ang naghihintay sa kaniya. Like duh? Ano ako sira para mag-iwan pa ng ebidensya laban sa'kin?

"Atsaka kung mag-iiwan man ako ng witness sa ginawa ko ngayon ay sisiguraduhin ko namang may silbi ang taong 'yon. Isang magandang halimbawa na lang ay yung taong nakatingin sa'kin ngayon mula sa malayo... Hehe!"

"Ha--hahahaha! You're acting like you know everything, so that---" Hindi ko na siya pinatapos dahil ako na ang nagbunyag sa pagkatao niya na agad niya rin namang kinagulat.  

"Oh? Aren't you from Mordovia? What organization is it again? Nightfall, or Mi---"

"H--how did you know?!" Mabilis nitong tanong na kinangisi ko lang.

"So, it's really the Nightfall Organization, huh? I see! I see!"

"Let's just say that I'm a secret agent and I'm fighting for world peace." Nakangiti kong sabi.

"Kalokohan! A--ARGGHHH!" Sigaw nitong muli nang malakas ko siyang sinipa sa dibdib niya dahilan para mapahiga siya sa lupa.

Walang pagdadalawang-isip kong inapakan ang leeg niya sa sobrang antok. Yeah! Inaantok na ako kaya masama ang timpla ko ngayon. Geez!

"What a waste of time! Any last words?" Tanong ko na lang habang pinipigilan ang sarili na mapahikab.  

"D--don't kill me! I--I can give you more info and---"

"Your time is up. Bye! Bye!" Sabi ko na lang at mabilis na nilapit sa leeg niya ang hawak kong chainsaw.

Walang pagkakataon na makasigaw ang lalaki nang mabilis na humiwalay ang ulo niya sa katawan nito. Maging ang dugo sa paligid ay nagkalat na rin dahil sa dalawang lalaking wala nang buhay ngayon.

"Tsk! Ang kalat!" Inis kong sabi nang mapagtantong kailangan ko pa palang linisin ang mga ebidensya.

Naiiling kong hinakbangan ang katawan ng dalawang lalaki at tinungo ang laptop na nasa lamesa. Mabilis na kumilos ang aking mga daliri at isa-isang kinopya ang lahat ng files na meron sila.

Mabuti na nga lang at gumagana ang luma kong flash drive sa laptop na 'to. Lagi ko kasi siyang dala-dala para sa mga ganitong pagkakataon. Hehe!

Pagkatapos magawa lahat ng dapat gawin sa laptop ay agad kong kinuha ang chainsaw at pinagpipira-piraso ito.

Maging ang mga papel na nasa lamesa ay hindi rin nakatakas sa'kin. Pagkatapos ko kasing makabisado ang iilan sa mga importanteng impormasyon dito, ay mas minabuti kong sunugin na lang lahat para wala nang pag-asang mabasa pa ng iba.

Nang malinis lahat ng ebidensya na maaaring makapagturo sa'kin ay agad din akong naglakad paalis. Kung tutuusin ay pwede kong sunugin na lang ang tent kasama ang katawan ng mga lalaki. Pero sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ito ang pinakamagandang ideyang gawin.

Una sa lahat, lalaki ang apoy kaya mas mabilis na makakakuha 'yon ng atensyon mula sa marami. Pangalawa, trip ko lang talagang iwanan lang sila don. Bwahahaha!

Tignan ko na lang kung anong magiging susunod na hakbang ng Nightfall Organization kuno sa nangyari ngayon. Palaging pa namang nababanggit ang organisasyon na 'yan sa nobela, dahil isa yan sa exciting na part ng buhay nila Lilian.

"Hayys! Nightfall Organization, huh? So I guess the mafia of Caventry is having a problem with them now..."

Napapailing na lang ako sa naisip hanggang sa maramdaman ang matang nakatingin sa'kin mula sa malayo.

"Aiya! Following me will never do you good."

Marahan akong napangisi bago nagsimula nang tumakbo pabalik sa camp.

Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasang hingalin. Bukod kasi sa mga iilang mga halaman at sanga na nakaharang sa dinaraanan ko ay ang bigat pa nang dalahin ko.

"F---fuck! Heavenhell's body is still a little weak compared to my body before. It looks like I need to train and add a little weight to these things that were inside my clothes."

(D/N: Ang iba diyan ay illustration lang kung anong itsura ng mga weights na pinaglalagay ng bruha sa katawan niya. Okii?)

Actually, habang nagti-training ako ngayon ay palagi kong sinusuot ang mga weights na pinagawa ko kay Chiara kasabay ng bulletproof vest noon. Kaya naman kahit papaano ay nababawi ko na ang lakas ng katawan ko bilang si Carnelia.

Sa kabuohan ay nasa twenty kilograms lang ang bigat nito, kaya plano kong padagdagan para naman may thrill.

Pero dahil nga halos apat na buwan pa lang ako dito sa Pangaea ay hindi pa ako sobrang lakas para harapin ang isa sa mga male characters ng nobela. Ano ako may superpowers para instant overpowered agad ang peg ko? Jeez! Kalokohan!

Mahina ang katawan ni Heavenhell nang mapunta ako sa nobela na 'to, kaya papaano ako lalaban agad aber? Kung sino man ang tanga na excited na lumaban sa sitwasyon na 'to ay lumapit sa'kin, para sila ang ihaharap ko sa mga characters na simula pa lang ng kwento ay talagang malakas na!

"Tsk! Kahit may experience man ako sa pakikipaglaban, kung mahina naman ang katawan ni Heavenhell ay isang malaking suicide lang ang mangyayari! Sinong bobo ang lalaban sa taong mas malakas sa kaniya?"

Sa tingin niyo sa mga school, bakit ang mga kadalasang nabubully ay ang mga mahihina? Syempre yun ay dahil sa duwag sila o hindi kayang lumaban pabalik! Ngayon subukang niyong i-bully ang estudyanteng laging laman ng guidance office, tignan ko lang kung anong mangyari sa'yo.

Ganon lang ang logic don! Malalakas at hindi basta-basta ang mga characters ng nobela na 'to. Kaya hindi rin ako siraulo para ipaglandakan na marunong akong makipaglaban nang walang plano, okay?!

Kung alam mong nasa mahina kang side, daanin mo na lang sa utak at strategy yan! Lahat naman ng malalakas ay naiisahan din. In short, I believe what Sun Tzu said, that the supreme art of war is to subdue the enemy without fighting. 

Tignan niyo ang ginawa ko... Dinaan lang sa kalandian ang male lead, kaya ang nangyari ay medyo close na kami ngayon. Bwahahahaa! Walang laban-laban na naganap, landian meron! My goodness! 

Natatawa na lang akong umiling dahil sa mga kalokohang pinag-iisip. Basta kailangan lang lagi tayong humble para hindi halatang malakas ka. Doon ko kasi malalaman kung sino-sino ang mga papatayin ko sa mga susunod na buwan. Hehe!

Mabilis akong tumakbo pabalik habang iniiwasan ang mga nakausling mga sanga at halaman sa paligid. Sayang din naman kasi ang mukha ni Heavenhell kung masusugatan lang ng mga 'to.

Tapos mamaya niyan ay matanong pa ako ng mga mala-imbestigador na character kung anong nangyari sa'kin, edi todo isip na naman ako ng palusot kapag nagkataon!

"Hayys! Bilisan mo nalang bruha kung ayaw mong abutin ng call time!"

Makalipas ang halos isang oras na pagtakbo ay nakarating na rin ako pabalik sa camp. Marahan akong naglakad papunta sa tent namin ni Clara nang masiguro na walang tao sa paligid.

Nang makapag-ayos ng sarili ay mabilis akong humiga sa tabi nito na agad ding dinalaw ng antok.

***

Humihikab akong napaupo sa higaan nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa'kin ni Clara. Mukhang oras na para sa morning exercises ng mga trainees kaya oras na rin para bumangon ang lahat.

"Yikes! Mukhang wala pang isang oras ang naging tulog ko! Hindi kaya ako makatulog sa kung saan-saan mamaya? Aiya. Sana lang ay wala akong masiyadong gagawin para tambay lang ako sa gilid habang natutulog!"

Nag-ayos na lang ako ng sarili bago lumabas ng tent. Sa ganitong panahon kasi ay hindi na uso ang ligo-ligo. Magpalit lang ng uniform ay ayos na para sa buong araw no!

"Good morning, Lady Heavenhell." Sabay na bati sa'kin nina Tom at Jerry na nakaayos na rin ngayon. Kung tutuusin nga ay fresh na fresh ang itsura nila na parang hindi kulang sa tulog ang dating.

"Good morning, Ms. Caventry." Bati rin sa'kin ni Major Hanz habang inaayos pa rin ang salamin nitong suot-suot. Ang wirdo nitong pinsan ni Vile pero kunsabagay siya ang lider nila. Geez!

"Good morning!" Bati ko na lang sa kanila habang hindi pinapahalata na sabog ako ngayon. 

Ikaw ba naman tumakbo buong araw tapos hindi ka pa nakatulog! Hindi ko nga alam kung anong itsura ko ngayon dahil wala naman akong dalang salamin. Like duh? Isipin mo sa giyera may salamin ka pa? Kalokohan mo, Carnelia!

Nanahimik na lang ako habang nakatingin sa mga trainees na isa-isa nang naglalabasan sa mga tent nila. Katulad ko ay humihikab din ang mga ito na parang hindi sanay nang konti lang ang tulog. Tsk! Tsk!

"You look tired. Did you do something?"

Napaangat na lang ako ng tingin nang marinig ang boses ni Javier sa tabi ko. Pagtingin ko sa mukha niya ay hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin dahil sa kagwapuhan ng animal na 'to.

Mahirap na no? Baka magkasala pa ako kay daddy kapag pinagpatuloy ko pa siyang titigan. Bwahahaha! Ang lakas talaga ng tama mong bruha ka!

"What do you think?" Kunwaring masungit kong tanong na kinakunot ng noo niya.

Pasimple na rin akong lumayo sa kaniya ng konti at baka ma-isyu ako sa lalaking 'to. Nandito pa naman si Janice kaya baka iba ang isipin niya kapag nakita niya kaming malapit ng kuya niya.

"It looks like you did." Sabi pa ng animal na mukhang siguradong-sigurado na may ginawa ako kaya mukha akong sabog ngayon.

"Yeah, I kept thinking about my daddy so that I couldn't sleep." Pigil tawa kong sabi na kinasama niya ng tingin.

"Your daddy?"  

"Aha! Aha!" Nakangiti kong sagot habang tumatango-tango pa.

Napatigil ako sa ginagawa nang maramdaman ang kamay ng hinayupak na nasa balikat ko na. Bahagya niyang nilapit ang mukha sa tainga ko at bumulong na nagpangisi sa'kin. 

"It seems like you're not referring to the patriarch of Caventry." Malamig nitong sabi na tinanguan ko na lang.

"You got it! Nice."

Napakagat-labi na lang ako para pigilan ang tawang namumuo sa loob ko. Ito kasing si Javier mukhang ewan ngayon dahil sa ekspresyon niyang hindi ko maipaliwanag.

Isa pa hindi ko rin talaga inaakala na sa lahat ng male characters, siya yung maghilig mag-overthink. P--pfftt! He's so hilarious! 

"Tsk! I know you're just using this as a cover so that no one will doubt your sexuality." Seryosong-seryoso nitong sabi na kinatawa ko na lang nang mahina.

"P--pfft! It looks like there's something wrong..." Sabi ko na lang habang nakatitig sa mukha niyang nakakunot na ang noo ngayon. Hehe! 

"With what?"

"With your brain---acck!!!" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla niyang hawakan ang batok ko na nagpatigil sa'kin. Hindi kasi ako nasasaktan sa ginagawa niya dahil mas lamang ang kiliti ko dito. Damn!

"You're brave." Papuri nito sa'kin na halata mong may halong pambabanta ang kaniyang tono.

"Thank you! Hehe!" Pilit ngiti kong sabi habang tinatanggal ang kamay niya sa batok ko.

"Bitawan mo na ako, young master! Atsaka huwag ka nang magalit, okay? Ginagaya lang naman kita dahil 'yan din ang sinabi mo sa'kin noon!" Sabi ko na lang.

Totoo naman kasi na ginaya ko lang ang linyahan niya sa'kin noong mga panahon na nag-aala vampire ang peg nitong animal na 'to. Parang siraulo at may pa "you're blood is sweeter than I expected" pa siyang nalalaman. Aish!

Nang maramdaman na inalis niya na ang kamay sa batok ko ay tsaka lang ako nakahinga ulit. Mahirap na at baka sapian 'to ng pagkabaliw niya tapos bigla akong patayin, edi hello hell na ang bagsak ko kapag nagkataon?

"Tsk! Don't do that if you still love your life." Dinig kong banta niya sa'kin na pasimple ko na lang kinataray.

Tignan niyo na! Ang daming characters na mahilig pagbantaan ang buhay ko kaya dapat galingan din natin sa pag-arte. Hehe!

"Ayaw mo non? Idol kita tapos fan mo ko? Bwahahaha!" Natatawa kong sabi, ngunit agad din akong napatigil nang bigla niya akong itulak.

Pero dahil sa hindi ko inaasahan ang gagawin niya ay hindi ko nakontrol ang katawan ko dahilan para mapaupo ako sa damuhan. Idagdag mo pa ang weights na suot-suot ko ngayon kaya naman hindi nakakapagtaka na bigla na lang akong bumagsak. Da--damn!

"Bakit ba ang hilig manulak ng mga male characters sa nobelang 'to? Pusher ba sila at ang hilig nilang mag-push?! P--pfft! Ehem! Ehem! Hindi ito ang oras para maging komedyante, bruha ka!"

"Why did you push me?" Nakasimangot kong sabi habang nakaupo pa rin sa lapag.

"You're too loud." Masungit nitong sabi na kinataray ko na lang.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya. Mukha namang napansin niya ang pagtahimik ko dahil nakakunot-noo siyang tumingin sa'kin.

"What?" Malamig nitong tanong.  

"Help me." Sabi ko na lang at bahagya pang inabot sa kaniya ang kamay ko. Kaso ang animal ay masiyadong masama ang ugali at tinitigan lang ako.

"Geez! Kung tutuusin ay kaya ko namang tumayo kaya lang biglang nanghina ang mga tuhod ko. Idagdag mo pa ang weights na suot-suot ko ngayon!"

"Can't you stand alone?" Nakataas-kilay pang tanong ng animal na parang ako na ang pinakamahinang nilalang niyang nakilala.

Aiya. Kung tinulungan niya na lang ako edi sana tapos na diba? Hindi niya ba alam na may mga trainees sa paligid at napapatingin na sa'min ngayon?!

Inis ko siyang tinignan at pinilit na makatayo. Kaya lang wala rin akong nagawa kung hindi ang umupo na muna dahil sa paa kong nakukuryente ngayon. Shems!

Napatingin na lang ako kay Captain Wood na nakatayo malapit sa'min. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang naglakad papalapit sa'kin.

"Are you okay, Ms. Caventry?" Tanong nito sa'kin na agad kong kinailing.

"You want me to help you?" Tanong ulit nito nang mapansin na nakaupo pa rin ako sa damuhan. Mabilis akong tumango at inabot sa kaniya ang kamay ko.

"Help me, captain! My limbs are suddenly weakened." Sabi ko na lang.

Nang hahawakan na ni Captain Wood ang kamay ko ay tsaka naman sumingit ang animal at pinigilan ang kamay nito. Oh? Anong trip niya?

"You go. I'll take care of her." Malamig na sabi ni Javier na kinatigil naman ni Captain.

 
"Okay, Colonel." Sagot niya bago naglakad paalis.

Tinignan ko na lang ang animal na masama ang tingin sa'kin atsaka hinawakan ang kamay ko. Nang hinila niya na ako patayo ay muntik na siyang mawalan ng balanse, dahil siguro sa hindi niya inaasahan na hindi ako kasing gaan ng iniisip niya. Bwahahaha!

"What the hell? You're so heavy!" Agad niyang sabi nang makaayos na siya ng tayo.

Napatawa na lang ako sa itsura niyang nagtataka na ngayon. Kung makatingin kasi siya ay parang sinusuri niya ang kabuohan ko na animo'y unidentified object ang dating sa kaniya.

"Maybe you're just too weak that you can't even lift me---sheesh!" Agad akong napasimangot nang pisilin niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin ako binibitawan kaya ang lakas ng tama niyang hawakan ako na parang may balak pa yatang durugin ang buto ko. Yikes! Wala bang gentle type na male characters sa nobelang 'to?!

"How dare that mouth of yours say that I'm weak? I'll show you—" Hindi ko na siya pinatapos at agad na nagsalita.

"What? Some evidence? Then you'll do something weird again. P--pfftt! Hahahaha! Thinking about a young master removing his pants while running makes me laugh. A---argghh!!!" Napasigaw ako sa gulat nang bigla niya akong sakalin.

Mabuti na nga lang at hindi naman mahigpit ang hawak niya sa leeg ko dahil nakakatawa pa ako ngayon.

"P--pfft! Pigilan mo ang tawa mo, Carnelia, kung ayaw mong tuluyan nang masakal ng baliw na animal na 'to!"

"I'll do something weird to you now, and let's see if you can still talk." Banta niya pa at inalis na ang pagkakasakal sa'kin.

Nang nabitawan niya na ako ay agad lumayo sa kaniya bago nagsalita. Mahirap na ang masakal ulit no! Hehe!

"N--no! I'm sorry. It's my fault that you're so pikon and you can't tanggap-tanggap some biro---" Napatigil ako sa pagsasalita nang akma akong hablutin ni Javier na agad ko namang iniwasan.

"W--what the hell is your problema ba? P--pfft! Okay! Okay! Sorry na! Hahaha!" Natatawa kong sabi na lalong kinainis ng animal. Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin na bigla kong kinalunok.

"Yi--yikes! I'm dead!"

"Lie--Lieutenant! Lieutenant! Help me!!!" Agad kong tawag kay Lieutenant nang makita ko siya sa hindi kalayuan sa pwesto namin.  

Nagmadali akong tumakbo papalapit sa malaking tent na may mahabang lamesa ngayon. Nandoon kasi silang lahat kaya doon na ako nagtungo. Takot ko lang kay Javier baka kung saan niya pa ako hilain tapos tahimik na patayin! Aiya!

"Hahahaha! This is so funny!"

"I can't believe that Young Master Gideon and Lady Caventry are so close."

"Yeah, right! And Lady Caventry is so cute!"

"Damn right, dude!" 

"Hindi ko alam na may cute side din pala si Lady Heavenhell!"

"Oo nga no? Lagi pa namang masasamang balita ang lumalabas tungkol sa kaniya noon."

"Isa lang ang ibig sabihin niyan..."

"Huh? Ano naman?"

"Na hindi lahat ng balita ay totoo! Fake news lang kumbaga!"

"Hey! Don't forget that she's still the reason why we're doing this."

"Oo nga! Siya pa rin ang dahilan kung bakit may tsansa tayong hindi makasama sa event next week!"

"We won't forget, but isn't this for our sake? So instead of complaining, just do your training and make sure you pass!"  

Napailing na lang ako sa mga bulung-bulungan ng mga trainees at mas piniling huwag nang makinig sa kanila. Pagkarating ko tent ay agad na napatingin sa'kin si Lieutenant na parang nagtataka kung bakit ako tumatakbo.

"Like duh?! Sino ba naman ang hindi tatakbo kapag may demonyong humahabol sa'yo diba?"

"What's the matter?" Tanong nito sa'kin na agad ding kinatingin ng iba.

Lumapit ako kay Lieutenant at nagtago sa likod nito nang makita si Javier na nalalapit na rin sa'min.
 

"Lieutenant, do you see? The Colonel is really scary! He suddenly attacked me!" Pigil tawa kong sabi na nagmumukha na yatang batang nagsusumbong sa magulang niya.

Napatawa naman sa gilid sina Jerry nang makita ang itsura ko. Hindi ko alam kung mukha ba akong cute sa paningin nila kaya sila tumatawa o talagang mukha lang akong tanga! Damn!

"P--pfft!" Nagpipigil na tawang singit ni Jerry sa gilid.

"Tsk! Crazy!" Walang emosyong sabi ng animal habang nakatingin sa'kin na parang ako na ang pinakabaliw sa mundong ibabaw. Ang sakit niya ahh!

"See that? He's still angry!" Sabi ko pa habang nakakapit sa braso ni Lieutenant. Mukha tuloy kaming mag-ama sa itsura namin ngayon. Hehe!

"You're really funny, kid." Nakangiti nang sabi ni Lieutenant na kasalukuyang ginugulo ang buhok ko ngayon.

Napasimangot na lang tuloy ako lalo. Kasi naman no? Mukha na nga akong sabog dahil wala akong tulog tapos ginulo niya pa ang buhok ko? Edi nagmukha na akong takas sa mental sa itsura ko ngayon!

"I'm not a kid. We're around the same age." Naka-poker face kong sabi habang inaayos ang nagulo kong buhok.

"P--pfft! Bwahahaha! I can't hold it anymore! You're so hilarious, Lady Heavenhell!" Tawang-tawang sabi ni Jerry habang nakahawak pa sa tiyan niya. Kulang na nga lang ay maglupasay na siya sa sahig ehh.

"You're the youngest here, Ms. Caventry." Nakangiti pang sabi ni Major Hanz na animo'y nagpapa-alala sa'kin. Geez!

"Ahh, right." Sabi ko na lang at umupo na sa tabi nito.

"So cute," komento ni Clara na kinangiti ko. At least, alam ko nang hindi naman ako nagmukhang tanga kanina.

Nagsimula na kaming kumain ng almusal na hinanda ng iilang culinary specialist o yung mga military chefs na kasama namin ngayon sa training.

Pagkatapos ng iilang minutong pagkain ay agad ding nagsimula ang mga trainees sa kabilang morning exercises. Tulad na lamang ng sit-ups, push-ups, at iba pang exercises na kasama sa routine nila.

Makalipas ang lagpas dalawang oras na physical training ay tsaka naman agad na pumila ang mga trainees na mukhang haggard na ngayon. Saktong ala-siyete kasi ng umaga magsisimula ang land navigation test para sa second day ng training.

"Attention!" Seryosong pagtawag ni Captain Wood sa atensyon nila.

"So your training, or should I say test, is what you already know and are familiar with—map reading and land navigation. This is a self-correcting test, and the distances traveled between points are typically a thousand meters." Pagpapaliwanag ng Captain sa mga trainees na mukhang stress na ngayon sa narinig.

"I'm nervous! This is my weakness!" 

"Yeah, I didn't listen when this topic was discussed in our class!" 

"Me too... But still, it's a good thing that this is just a thousand meter grid square rather than the other hundred thousand meters."

"I hope we pass this one."

Napailing ako sa mga bulungan nila. Hindi pa naman basta-basta ang land navigation kaya siguradong lagot sila kapag hindi nila sineryoso ang mga tinuro sa kanila.

Like duh? Kapag nasa giyera kayo, ang isa sa magiging kalaban niyo ay ang lugar mismo. Kaya kung wala kang alam sa paligid mo ay siguradong hindi ka makaka-survive ng ilang oras.

"At 'yan ang problema sa mga nobles tulad nila... Kung nasa military school lang ako ng commoner class o kaya middle class ay siguradong mag-eenjoy pa akong tulungan sila. Tsk!"

"Again, this test has two parts. The first is with the use of some navigational tools, and the other is without the coordinate scale or plotting scale. You simply need to determine the grid coordinates of a point on the military map, and the digits you write should be correct and precise in order to pass and continue to the pursuit and tracking exercises later." Paliwanag ni Captain Wood na agad namang nakatanggap ng malaking reaksyon mula sa mga trainees.

"We have another activity!"

"Yeah, I'm a little excited, but I'm so nervous! What if we failed to locate the coordinates?! My father will kill me if he knows that I failed and I'm not able to attend the event next week."

"Yeah, I can feel it too. My cards will be forcibly taken away by my mother." 

"I don't want to go back to A.I.A. soon, so I'll do my best to locate that fucking point."

"Quiet! Before you all start, go with your group, as with your ten-kilometer run yesterday. Go with your designated superiors and they will give you some key points. Now move!" Utos niya na agad namang sinunod ng mga trainees.

Katulad nga nung sinabi ni Captain ay mabilis na hinanap ng mga estudyante ang mga kagrupo nila kahapon. Ngayon ay may 180 trainees na natitira at nahahati sila sa sampung grupo.

May pitong team na kumpleto ang 20 members nila. Yung isang team naman ay may 17 members, at yung isa naman ay 16 members. Samantalang ang may pinakamalaking miyembro na nalagas ay ang isang team na seven na lang ang natitira.

Ang twenty members kasi na natanggal ay yung mga nag-collapse at hindi na nakayanan ang punishment na binigay sa kanila ni Javier kahapon.

"Captain, we don't have a superior with us." Sabi ng isang trainee na galing sa grupo na may pitong miyembro. Sa itsura nga nila ay nagmukha tuloy silang saling pusa lang dahil sa bilang nila.

"Then let Lady Heavenhell go with you." Nakangiting sabat ni Abby na agad ko naman kinalingon sa kaniya.

Aiya. Mukhang may balak na naman siyang ipahiya ako sa sarili kong trabaho. Siraulo ba 'tong babaeng 'to at hindi marunong magtanda? O baka naman gusto niya nang mamatay?

"H--huh? She is not a military soldier and without a rank, so how come, sergeant?" Nagtatakang tanong naman ng isa na agad na sinang-ayunan ng lahat.

"Why? She just needs to read the information in the paper and explain it to you. Are you underestimating the abilities of the person who aced the entrance exam?" Masungit pang sabi ng bruha na halata mong nagpapanggap lang na pinupuri ako, pero ang totoo niyan ay gusto niya lang talaga akong ipahiya.

"Tsk! Tsk! Kung hindi lang ako marunong magtimpi ay baka nasungalngal ko na siya ng baril sa bibig niya."

"Shut your mouth, Sergeant. It looks like you're abusing your rank just to humiliate others." Seryosong sabi ni Clara na mababakas ang pagkadisgusto kay Abby.

"I'm just saying since we're running out of time." Sabi pa niya na kasalukuyan nang kasama ang isang team sa likod nito. Mukhang isa rin siya sa superior kuno na magbibigay ng key points sa mga trainees. Heh!

"Tsk! That bum who seeks attention is always so annoying." Masungit na sabi ni Tom na kinausok ng ilong ng bruha. Sadyang hindi lang talaga siya makapagsalita ng masama laban dito, dahil Seargent lang siya at Captain ang kausap niya.

"It's alright. I'll go with them." Sabi ko na lang para matigil na ang pagtatalo ng mga 'to. 

"Okay---wait, what?!" Gulat na gulat na tanong ni Jerry na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Actually, napapansin ko at palaging nagugulat itong daga na 'to sa tuwing nagsasalita ako. Seryoso? Konti na lang ay iisipin ko nang may shocking effects churva akong powers.

"P--pfft! Damn! Kalokohan mo talaga ay kailangan ding bawasan kahit minsan, Carnelia!"

"Look here, Lady Heavenhell, it's okay. You don't have to do that just to follow that bitch." Seryosong sabi ni Clara sa'kin na mukhang nag-aalala sa'kin na hindi ko maintindihan.

"That's right, Ms. Caventry. Just stay here and we'll do the work." Dagdag pa ni Jeff sa gilid.

Nakita ko naman ang pagtaray ni Abby nang makitang sa'kin kumakampi sina Clara, kaysa sa kaniya na mas matagal  nilang kasama. 

"No, it's really okay. I also understand the content of this paper, so explaining it to the trainees is not a problem with me." Kunwaring humble ko pang sabi na kinangiti lang ni Lieutenant.

Lumapit na kasi siya sa'min nang makitang may problema. Kaya naman ngayon ay naririnig niya rin ang mga pinagtatalunan ng mga sundalo niya.

"Do you understand it?" Pagtatanong ni Tom na nginitian ko muna bago sumagot.

"Yeah, a bit."

"I hope you do well." Mataray na sabi ni Abby bago umalis kasama ng team sa likod niya.

"Shut up and go to hell!" Inis na sabi ni Jerry na hindi na pinansin ng bruha.

"Are you really okay with that, Ms. Caventry?" Tanong na ni Captain Wood sa'kin na mabilis ko namang tinanguan.

"Hmm, it's fine."

"But---" Hindi na natapos ni Jerry ang sasabihin nang biglang sumingit sa usapan si Javier.

"She's not stupid. Let her do that."

Agad naman silang natahimik na kinatawa ko na lang nang mahina sa gilid. Sino ba naman kasi ang maglalakas pang magsalita, kung makikita nila ang nakakunot-noong mukha ni Javier diba?

"W--wow! It's a miracle that you spoke, Colonel." Nakangiti kong sabi sa kaniya na kinasama niya lang ng tingin.

"Tsk!"

Naiiling akong tumingin sa pigura ng animal na umalis na ngayon. Si Javier kasi ay hindi na pinasama sa mga sundalo na magpaliwanag kuno ng key points tungkol sa test. Baka kasi kapag sinama pa siya ay may mamatay lang na trainees dahil sa init ng ulo ng hinayupak.

"Okay, I'll let you handle them, Ms. Caventry. Good luck!" Sabi na sa'kin ni Captain Wood bago nagpaalam dahil may team din siyang hahawakan ngayon.

Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na akong maglakad paalis na agad din namang sinundan ng pitong miyembro ng team sa likod ko.

"She's going to discuss it? Are we going to be alright?" 

"I don't know. I hope she really understands the content of the paper." 

"Yeah, or maybe she's just sabotaging us so that we won't pass the test!"

"Shh! Quiet! Do you want us to be heard by her?"

"So what? I'm more concerned about our future."

Hindi ko pinansin ang pagbubulungan nila at mas minabuting dalhin sila sa isang patag na bahagi ng gubat na nakita ko. Tahimik akong umupo atsaka sila tinignan isa-isa. Nang makita nilang seryoso ako ay awkward naman silang umupo sa harap ko. Heh!

Pinigilan kong mapangisi sa itsura nilang parang natatae na hindi mo maintindihan.

"Heavenhell is my name, and I don't care whether you like me or not. But since I stand here as your superior, then you better shut up." Panimula ko na mabilis nilang tinanguan.

"P--pfft! Ang bilis naman nilang tumiklop sa isang titig lang! Paano pa kapag na-torture na sila ng mga kalaban? Edi mabilis din silang bibigay? Aiya! Mukhang mahaba-habang training pa ang kakailanganin ng mga 'to bago maging ganap na sundalo."

"So, young lads, I'm going to ask you some questions and answer them based on your knowledge. What is land navigation?" Tanong ko sa kanila na agad din namang sinagot ng isang lalaking trainee na parang pa-bookworm type. Yung tipong bagay na presidente ng klase niyo!

"Ahmm... It is the discipline of using a map with topographic references to follow a route through uncharted territory while traveling on foot or by vehicle. And in order to follow a predefined path from start to finish, one must use a compass or other tools, make a pace count, and use information about the distance and degree between two designated points. That is land navigation." Mahaba nitong paliwanag na kinatango ko na lang.

"Very good." Papuri ko sa lalaki na kinangiti niya naman agad. Tinuro ko naman ang isa pang lalaki na may pagka-bad boy type ang dating.

"How about the importance of it?" Nakangiti kong tanong dito. Bahagya pa siyang napatigil bago sumagot sa'kin.

"Well, it's important to understand because when you're in the field, you need to be able to pinpoint exactly where certain items and troops are needed. It's also possible that we could end up in a situation where we don't have any locating devices with us, so learning that is necessary."

"You're intelligent. I hope you can use that to pass this test." Sabi ko na lang na kinagulat pa niya. Aiya? Bakit kung umakto naman 'tong mga 'to ay parang first time nilang makatanggap ng compliment? 

"Th---thank you, my lady." Nakangiti niyang sabi na kinatango ko na.

Geez! Bakit ako napapaligiran ng mga gwapo at magaganda ngayon?! Sa kanilang pito kasi ay lima ang lalaki at dalawa ang babae at lahat sila ay mai-itsura! Grabehan na ang nobelang 'to at bawal yata ang salitang panget sa mundong Pangaea!

Napailing na lang ako sa naiisip at mas binigyan na ng atensyon ang folder na binigay sa'kin ni Jerry kanina.

Sa tingin ko kasi kaya nagbigay si Lieutenant ng time para sa pagbibigay kuno ng key points sa mga trainees, ay para mabalik tanaw nila ang mga importanteng impormasyon tungkol sa land navigation.

Sigurado kasing maraming babagsak kapag nagkataong diretsong sinabak sa test ang mga trainees na 'to. Tsk!

"Okay, so like Captain Wood said, in this test you need to determine the grid coordinates of the point on the map. The paper in front of you is a map of some part of the forest, and there are five points there. Did you see it?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga map na hawak nila.

"Yes, my lady." Sabay-sabay nilang sagot na seryoso na ring pinag-aaralan ang mapang nasa harap nila.

"Good. Those points are the locations you need to plot. I just want you to remember that in order to move on to the next level of training, you need to successfully find that location and then proceed to the next one. Do you understand?" Seryoso kong tanong.

"Ye--yes, my lady." Kinakabahan na sagot ng iilan sa kanila.

"Wa--wait! In this training I'm not a noble and all of you are not noble either, so stop calling me that. But since I'm ahead of you because I'm here as a part of your superior team, just call me "leader." Kunwaring seryoso kong sabi habang pinipigilan ang mapangisi.

"Bakit ba? Gusto kong matawag na leader no, para naman may dating kaysa sa "my lady" na 'yan. Bwahahaha! Ehem! Ehem! Kunwari seryoso kang leader, Carnelia kaya huwag kang patawa."

"Okay, leader." Pagsang-ayon nila sa'kin na agad ko ring kinangiti. Mabuti naman at madali lang silang mauto! Hehe!

"As the leader of the remaining seven members of your group, I will make sure that you all pass this test." Sabi ko na nagpagulat sa kanila.

Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit gulat na gulat sila ngayon. Ikaw ba naman na walang alam kuno sa military ay biglang magsasabi na ganoon, sinong hindi magugulat at magtataka diba?

"Oh my!" Excited na sabi ng babaeng trainee na hanggang balikat ang haba ng buhok.

"Re--really?! But how?" Nagtatakang tanong naman ng isa pang babae.

"Oo nga, leader. Paano ka naman makakasiguro na makakapasa kaming lahat?" Tanong din ng isang lalaki na medyo curly ang buhok.

"Just listen to me first. I will discuss the military grid system in the simplest way possible so that it will help you find the coordinates correctly." Sabi ko na lang at nilatag sa damuhan ang mapang nakailit sa folder na hawak ko ngayon.

"You also know that?" Nagugulat na tanong ng isa pang lalaki na mukhang model ng grupo. Nginitian ko na lang ang mga nagtataka nilang reaksyon.

"Of course! What do you think of me? Is there anyone who cannot read and comprehend the content of this paper?" Naiiling kong tanong sa kanila.

"But, even if you read that, it's still hard for you to understand and explain it to us without a military background..." Nag-aalinlangang sabi ng lalaki na mukhang good boy type ang itsura.

"What did I say earlier?" Naka-crossed arms kong tanong. Nagkatingin lang sila bago sumagot.

"You'll discuss the---"

"No, before that!"

"J--just listen to you first?"

"Good. I'll explain it, so shut up."

Nanatili silang tahimik at hinintay akong magsalita muli. Nang mabasa ang iilang nakasulat sa papel ay tsaka ako humarap sa kanila.

"So, according to this paper, a network of squares known as the military grid system is created by east-west and north-south grid lines that are written on a map. The grid system's purpose is to give the soldier the ability to rapidly and precisely pinpoint a location. Do you see that square thing on your paper?" Seryoso kong tanong na agad din naman nilang sinagot.

"Yes, leader."

"What did you see?"

"The point is located inside the grid square." Sagot ulit sa'kin ng trainee na pa-bookworm type. Heh!

"Yup. That means the grid square contains the identified point that you need to locate later."

Nang makita ang pagtango nila ay agad akong napaisip. Hindi naman siguro masama kung magbibigay ako ng example sa mga trainees na 'to diba?

Para naman masiguro kong naiintindihan nila 'tong pinagsasabi ko dito. Mamaya salita ako nang salita pero hindi naman pala nila nakukuha, edi bumagsak sila kung ganon!

"I'll just give you an example since this paper doesn't have one." Sabi ko na lang na biglang kinaliwanag ng mga mukha nila.

Geez! Sinasabi ko na nga ba kunwari lang silang seryoso na nakikinig, pero ito lang din pala ang hinihintay nila.

"Wow! Okay, we will listen!"

"Thank you in advance, leader!"

"You're the best! Hahahaha!"

"Biglang kayong sumaya ahh!"

"Bakit ikaw hindi ba?

"Syempre masaya hahaha! Medyo hindi ko kasi naintindihan at nalilito pa ako ng konti."

"Me too. Nakalimutan ko na kung paano nga ulit kumuha ng coordinates!"

Hindi ko na binigyang pansin ang bulungan nila dahil nagsimula na akong magdrawing ng mga boxes. Syempre sisimplehan ko lang ang example para maintindihan nila kaagad.

"Nakikita niyo itong grid square na may point, ibig sabihin ito yung hahanapan natin ng coordinates. Siguro naman alam niyo na sa southwest corner o sa kaliwang bahagi ng grid square ang simula ng pagbabasa ng location, diba?" Pagtatanong ko sa kanila na mabilis nilang tinanguan.

"Yes, leader!" 

"Mabuti naman kung ganon. Ngayon tumingin kayo sa north-south grid line o yung vertical grid line kung saan nandoon o malapit ang point. Pagkatapos niyong ma-locate, i-record niyo rin yung east-west o yung horizontal grid line. What's the answer?" Tanong ko ulit habang tinuturo-turo pa ang bawat parte ng merong sa grid square.

"My gosh! Nakaka-stress maging teacher ng mga estudyante mong mas matanda pa sa'yo!"

"1181!" Sabay-sabay nilang sagot na nginitian ko na lang pagkatapos. Mabuti naman at mukhang matatalino ang mga trainees na 'to kaya hindi na problema ang magiging test mamaya.

(D/N: Ang example na 'to ay nakita ko lang kay Pareng Google kaya ginamit ko ba lang para mas madaling mapaliwanag at maintindihan. Pero sana na-gets niyo yung illustration na ginawa ko diyan sa picture. Hahaha!)


"Good! Four digits represents a thousand meter coordinates. Pero kapag mas maraming digits ang na-provide mo, means mas precise at accurate ang measurement ng location. Magandang halimbawa dito, ay yung pagbibigay ng location kung nasaan ang base ng kalaban, o 'di kaya'y kapag hihingi kayo tulong o backups sa military base. Tandaan na mas precise at accurate means mas mabilis ang responde ng reinforcement teams." Pagpapaliwanag ko pa sa kanila na mabilis din naman nilang sinang-ayunan.

"That's right! That's right!" 

Pasimple na lang akong napailing sa mga reaksyon nila. Para kasi sila yung tipong estudyante na mabait sa guro dahil marami silang makukuhang kaalaman dito.

"Aiya! Akalain mong bukod sa kalokohan ay magaling din akong magturo. Bwahahaha! Ehem! Ehem! Be serious, Carnelia!"

"Tutal napag-usapan na natin ang precision ng location ay dumako tayo sa six-digit 100 meter coordinates. Pero this time nang walang gamit na coordinate scales, protractor at plotting scale." Sabi ko pa na kinatuwa na naman nila.


"Woah! Nasa test 'yan ngayon." 

"S–shh!!! Quiet ka lang! Mukhang si leader lang ang nagbibigay ng example baka mahuli tayo." 

"Ang sabihin mo baka mainggit sila sa'tin tapos sabihin nila nandaraya tayo. Hahaha!" 

"Okay! Okay! Tama na ang satsat at kakapusin tayo sa oras." Saway ko sa kanila. Kalahating oras lang kasi ang binigay na time para kuno ituro sa kanila ang mga key points tungkol sa land navigation.

"Gamitin natin ang example kanina. Ang kukunin natin ay anim na digits ng coordinates nang walang gamit na kahit na anong scale na yan. Siguro naman may ideya kayo kung anong gagawin?" Tanong ko sa kanila.

"Ahmm... We're familiar with it but we're only used to plotting the location with the help of a coordinate scale. " 

"Yeah, I found it boring before, so I didn't listen well. Now, I'm really regretting it!"

"Aish! Ang sakit niyo sa ulo no?" Nakakunot-noo kong sabi habang umiiling-iling na lang.

"Okay! Madali lang 'to kung iintindihin niyong mabuti. First step, i-allocate niyo yung grid square at hatiin niyo sa sampung linya. Next, read right from the lower corner to the imaginary gridline nearest the identified point."

Nang makita na ginagawa nila ang mga sinasabi ko ay doon nabawasan kahit papaano ang sakit sa ulo ko. Like duh? Wala pa akong tulog tapos babadtripin nila ako? Aiya. Hindi yata magandang ideya 'yon.

"In the example earlier, the vertical imaginary line that runs north to south is halfway, or on five out of the ten lines. As a result, 115 is the first half of your grid line coordinate." Pagpapaliwanag ko habang nagpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng illustration sa kanila.

"Next, read up from the first point reach to the imaginary grid line nearest the identified point. A third of the way up, or three lines out of ten, is taken up by the imaginary east-west or horizontal line that is closest to the point. Therefore, the second half of your grid coordinates is 813. Do you get it?" Tanong ko sa kanila nang matapos ako.

(D/N: Ang hirap palang maging teacher bwahahahaha! Ehem! Pero sana gets niyo ang kabaliwang pinaggagawa ko sa illustration. Aiya!)

"Nakuha ko na!!!" 

"Me too! Me too! This is so cool!" 

"Hindi naman pala boring ang mag-plot basta maganda ang nagtuturo. Hahahaha!" 

"Parang sinabi mo na rin na panget ang nagtuturo sa inyo no'n ha?" Nakataas-kilay kong tanong habang hindi na pinansin ang papuring natanggap.

Kunwari nga kasi ay humble ako kaya tamang tahimik lang muna ang kaluluwa ko sa tabi. Heh!

"P–pftt! Ayaw na lang naming magsalita, leader!" Natatawang sabi ng babaeng trainee na kinatawa na lang ng iba sa kanila.

Naputol ang tawanan ng lahat nang biglang magsalita si bookworm type na trainee. Actually, ayaw ko lang talagang malaman ang pangalan nila dahil hindi ko rin naman matatandaan sa huli. Ang sama lang diba?

"Wait! It looks like the point here in number one is similar to the example earlier!" Nagugulat nitong sabi.

"You're right! The givens are just a little different, but the coordinates are---"

"S---shhh! Huwag ka nang magsalita baka may makarinig."

"Hahaha! I'm just excited!"

"But it's really amazing that you can also solve this, leader. Before, it seemed so hard to understand, but now it was like I could find any point on this map."

"As expected of someone who aced the entrance exam!" Papuri pa sa'kin ng isa na kinaubo ko na lang.

"Okay! Okay! Stop complimenting me just because I gave you some examples!" Sabi ko na lang atsaka nagsimula nang iligpit ang mga papel na ginamit kanina.

"We're not lying! It's really boring to do this plotting and locating coordinates, but now it seems so easy and fun." Nakangiting sabi ng isang babae na tinanguan ko nang may maalala.

"Kunsabagay hindi ko naman kayo masisisi dahil noong kapanahunan ko ay ganiyan din ang iniisip ko tungkol diyan." Sabi ko pa habang inaalala kung gaano ko ako inaantok sa tuwing ito ang ginagawa namin noon.

"Hayys! Old memories..."

Naputol ang pag-isip ko nang marinig na ang natatawang boses ng mga trainees.

"Hahaha! Nakalimutan mo na rin yata na mas bata ka sa'min, leader!"

"Oh my! Your face is so cute just now! The way you spoke earlier makes it sound like you are really an old woman who has been around for a long time. Hahahaha!"

"Ehem! Basta kailangan niyong magseryoso dito dahil hindi naman magandang tignan na makakita ng sundalong naliligaw diba? Patanga-tanga kayo mamaya hindi niyo alam na nasa base na pala kayo ng kalaban." Seryoso kong sabi na kinangiti lang nila.

"Aiya! Mukha ba akong joke at parang natatawa sila na ewan diyan?"

"P–ppft! O–okay, leader."

"Wait! Anong nakakatawa? Sinasabi ko sa inyo huwag niyo kong gayahin na hindi mahilig magseryoso. Lagi pa na naman akong nagkakamali noon. Tignan niyo ngayon ang nangyari sa'kin, naligaw ako..." Seryosong-seryoso kong sabi na pinagtaka naman nila.

"Huh? Naligaw ka, leader?"

"Oo, naligaw ako tapos napunta sa maling tao... Boom! Wasak!" 

"P–ppfft! What the fuck?! Bwahahahaha!"

"This is so hilarious! P–pfft!" 

"I can't stop anymore! Hahahahaha!"

"My gosh! What's with that naligaw ako tapos napunta sa maling tao? Akala ko pa kung ano na!"

"Yung akala mo seryoso tapos may pa-boom wasak sa huli. Hahahaha!"

Hinayaan ko na lang silang magtawanan na parang baliw para sa simpleng joke na sinabi ko kanina. Dahil nga sa lakas ng tawa nila ay napapatingin na sa'min ang iilang trainees na nakapila na ulit. Mukhang tapos na kasi ang meeting nila kaya nakalinya na sila ngayon. 

Nang mapatingin ako sa kanila ay doon ko lang din nalaman na kami na lang pala ang wala pa sa pila. Wala pa namang time kaya hindi ko kasalanan na naghihintay sila ngayon diyan. Hehe!
 

"Why are they laughing?"

"I don't know."

"They look like this test is not a problem for them."

"Maybe they realize that they can't pass anyway, and that's why they're just pretending to be okay." 

"Haha! I pity them!"

Agad namang sumama ang tingin ng pito nang marinig ang mga sinabi ng iilan nilang kasamahan.

"They look pathetic! Let's just see who will laugh at the end."

"Hahahaha! Hayaan na lang natin sila. Mga problemado yang mga 'yan dahil mukhang instructions lang ang binigay sa kanila nila Captain."

"Yeah, right. So, let's take it easy for the time being! We simply need to maintain a low profile to avoid being targeted by them."

Agad ko silang pinatigil sa pagsasalita nang makita na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang training nila.

"Okay, the test will start now. But before you go, I just want you to remember that I was serious earlier about learning this stuff. You can accomplish a variety of land navigation tasks by learning to use this grid system to pinpoint any place on a map. So, if you pass this test, make sure you don't forget to learn all of this again and again to the point of memorizing it. I suggest that you use this map and memorize the topography of the forest." Seryoso kong sabi sa kanila. Hindi naman nakatakas sa'kin ang pagtataka sa kanilang mga reaksyon.

"But why this forest?" Tanong ng isa na nginitian ko na lang pagkatapos.

"Just for future purposes." Kibit-balikat kong sabi.

"We understand, leader!" 

"Thank you for teaching us."

"Salamat sa pagtuturo ng mga tricks at shortcuts!"

"It's fun being with you, leader!"

"Tama! Tama! At sana rin hindi ka na maligaw at mapunta sa maling tao sa susunod. Bwahahaha!"

"Layas!" Agad kong sabi na tinawanan lang nila.

Hayys! Salamat naman at natapos na rin ang pagtuturo ko sa kanila dahil inaantok na talaga. Kung noon bilang si Carnelia ay sanay akong magpuyat ay ibahin niyo ang sitwasyon ngayon.

Hindi sanay ang katawan ni Heavenhell sa pagpupuyat kaya naman ang ending ay ako 'tong nahihirapan. Kung hindi nga lang ako nasa maayos pa na katinuan ay baka nakatulog na ako sa kung saan-saan. 

Nang makita na nakapila na ang pitong baliw na trainees kanina ay tsaka na ako naglakad papalapit kina Jerry.

"How are the trainees you were talking with awhile ago, Lady Heavenhell?" Nakangiting tanong niya sa'kin na agad ko namang sinagot.

"They're all good."

"You sound confident about them, huh?" Singit na naman ni Abby.

"Tsk! Will you stop talking with us? You're so annoying." Masungit na sabi ni Jerry kay Abby na parang naging mortal enemy niya na.

"I'm just saying, Captain. She really sounds like she's confident with the trainees that she handled just now." Dagdag pa ng bruha na halata mong ayaw magpaawat.

"That's right." Sabi ko na lang. Nagtatakang tumingin sa'kin si Abby nang marinig na magsalita ako.

"Huh?" tanong nito.

"I'm confident that those seven trainees from awhile ago will pass this test." Napapahikab kong sabi na kinatawa niya lang. Akala niya siguro nagbibiro ako kaya ganiyan siya kung umasta.

"Heh! Tignan lang natin kung sino ang magmukhang joke mamaya."

"P--pfft! Hahaha! Okay, let's just see the result after this." Nakangisi nitong sabi bago naglakad na paalis.

"Tsk! She's so annoying! By the way, are you sure that they will all pass the test, Heavenhell?" Tanong sa'kin ni Clara na nginitian ko lang bilang sagot.
 

"O--okay! I'm excited to see if you're guess is right again, Ms. Caventry." Sabi naman ni Jeff na mukhang nagulat pa yata nang makita na siguradong-sigurado ako.

Mabilis na nagsimula ang test nila at gaganapin 'yon sa iba't-ibang parte ng gubat. Kailangan lang nilang mahanap lahat ang mga points na nasa mapa nila.

Bukod pa doon ay dapat din nilang mapuntahan kung saang lugar yung tinutukoy ng coordinates. Kapag nahanap na nila ang point ay may makikita sila doong maliit na badge na nagpapakita na talaga ngang tumama ang sagot mo.

Tuluyan ka lang makakapasa sa test kung nakabalik ka sa main base sa loob ng apat na oras. Kung tutuusin ay mahaba na ang apat na oras para lang sa limang coordinates, kaya naman ini-expect ko na maraming makakapasa ngayong second day.

Napatungo na lang ako sa lamesa habang naghihintay ng oras. Hindi na kasi ako sumama sa pagbantay sa mga trainees kaya may time pa akong makapagpahinga.

Nang ipipikit ko na ang mata ko ay tsaka ko naman naramdamang may tumabi sa'kin. Hindi ko na nga kailangang tignan pa ang taong 'yon, dahil alam ko na agad kung sinong animal ang maglalakas loob na hawakan ako sa ulo ngayon.

"Are you sleepy?" Tanong ng animal na ginulo na ang buhok ko. Tsk!
 

"Hmm..."

Nang hindi siya magsalita ay agad kong minulat ang mata ko at doon nakita si Javier na nakapangalumbabang nakatingin sa'kin. O--oh shit!
 

"Don't do something weird again, young master." Babala ko sa kaniya habang nakatungo pa rin at sinasamaan siya ng tingin.

 
"Tsk!"

"I'm going to sleep." Sabi ko na lang ulit na kinakunot ng noo niya.
 

"Okay."

 
"Hindi ka aalis?" Nakataas-kilay kong tanong sa kaniya. Like duh? Parang hindi yata ako komportable na nasa tabi ko siya habang matutulog ako.
 

"No." Malamig nitong sagot na kinasimangot ko na lang. Pakiramdam ko kasi ay hindi magandang panaginip ang mangyayari sa'kin kundi bangungot!
 

"Why?"

 
"Just sleep and stop asking questions." Masungit na niyang sabi at talagang nilagay pa ang kamay sa mata ko.

 
"Hmm, okay." Pagsang-ayon ko na lang dahil inaantok na talaga ako.  
 

"I'll sleep." Mahina kong sabi habang nakapikit na ang mga mata.
 

"Go!"

 
"I'm really going to sleep." Hindi ko mapakaling sabi. Hinihintay ko kasing makaramdam siya at maisipan umalis na. Baka mamaya kapag natulog ako ay matagpuan ko na lang ang sarili sa kung saang lugar!
 

"Just fucking sleep!" Inis na sabi na ni Javier na parang nawawalan na ng pasensya sa'kin. Hehe!
 

"Really?"
 

"Fuck, yeah."
 

"Don't curse." Saway ko sa kaniya na Lalo niyang kinainis.


"Fine!"


"I'll sleep now." Sabi ko na lang at tsaka na tuluyang natulog. Bahala na siya diyan basta inaantok na ako.


"Okay, sleepyhead..." Dinig kong sabi nito bago ako lamunin ng antok.
 
 

 
***
 
 

Napamulat ako ng mata nang maramdamang may kamay na tumatapik sa balikat ko. Pagtingin ko sa gilid ay doon ko nakita si Javier na hawak-hawak ang kamay ko. Okay?! What's going on here?


"My hand, young master..." Sabi ko na lang sa kaniya na agad niya rin namang binitawan. Hindi ko na rin siya tinanong kung bakit niya ako hawak dahil siguradong babarahin lang ako ng animal na 'to.


"Tapos na sila?" Tanong ko sa kaniya nang makitang isa-isa nang nagsisibalikan ang mga trainees.
 
 
"Yeah," maikli nitong sagot.  
 
 
Napatingin ako sa mga trainees nang magsimula na silang magdaldalan. Ang iba sa kanila ay nadiriwang, samantalang ang iba naman ay mukhang namatayan sa itsura nila.
 

"Yay! We passed!" 


"How many did you get the correct coordinates for?"


"I barely passed! I got three correct answers!" 


"Same! I messed up the calculation without the coordinate scales!"


"You too? I almost got lost in the forest!"


"I failed! My father will surely kill me!"


"How about me? You know, my mother is a perfectionist, so if she knew that I wasn't doing well, she would stop giving me my one-month allowance."


"Quiet! As of now, there are 150 trainees that passed and the remaining 30 have failed the test. You know what will happen to those who fail, right? They will not be able to continue the activity later. So, after eating, you need to pack up and leave the forest." Diretsong sabi ni Captain Wood na lalong kinalugmok ng mga hindi nakapasa.


"W--wahh! I'm so dead!"


"I don't want to leave! My mom will kill me..." 


"Bakit naman kasi nagkamali pa ako ng lagay sa sagot ehh!"


"Ako nga mali talaga ang naisulat na sagot dahil nalampasan ko ang isang number!"


"It's your fault that you failed, so you better study hard next time. Hahaha!"


"Shut up!" Pagpapatahimik ng Captain sa mga luhaang mga trainees. Hehe! Nakakatawa talagang pagmasdan ang mga mukha nilang iba-iba ang reaksyon ngayon.


"Now, eat your meal, and after that, we will proceed to the pursuit and tracking exercises."


Nang marinig ang sinabi ni Captain Wood ay wala namang nagawa ang mga trainees kung hindi sundin ito. Ako naman na walang pakialam ay nagtungo na lang ulit sa tent dahil oras na para kumain ng tanghalian.


Akalain mong natulog lang ako tapos paggising ko ay kakain na naman! Hehe! Tutal nasa second day pa lang ng Hell Week ay hindi muna ako maghahasik ng kasamaan. Ang sarap din kayang manood lang sa gilid habang nahihirapan ang mga trainees.


Pasimple akong napangisi sa naiisip bago tumabi kay Javier. Nang makita niya akong tumabi sa kaniya ay agad siyang napakunot ng noo. Siguro nagtataka siya kung anong nakain ko at tumabi ako sa kaniya ngayon.


Well, dahil naging mabait siya sa'kin kanina ay hindi na rin masamang tabihan siya. Kawawa naman kasi dahil wala talagang naglalakas ng loob na tabihan siya dahil sa kasamaan ng animal na 'to.


Nagsimula nang kumain ang lahat kaya hindi na rin ako nagpahuli at kumain na rin. Pagkain ko pa lang ay hindi ko na maiwasang mapangiwi ng konti dahil sa lasa. Ang tabang kasi ng sabaw kaya hindi ko alam kung sinadya ba 'to ng mga nagluluto o sadyang ganito lang talaga ang lasa ng luto nila?


"How's the food?" Bulong ko kay Javier na hindi ginagalaw ang pagkain sa harap niya.


"So-so," maikli nitong sagot.


"Yeah, the taste is okay, but it's not that delicious." Sabi ko na lang ulit habang tumatango-tango pa. Hindi niya naman ako pinansin kaya napasimangot na lang ako at nginuya na ang pagkain.


"I'll help cook the dinner later, so look forward to it!" Nakangiti ko nang sabi na nagpalingon sa kaniya.


"You'll do that?" Malamig niyang tanong sa'kin. Sa itsura niya nga ay parang hindi siya naniniwala na marunong akong magluto. Aiya! 


"Hmmm! For your information, I'm a great cook!" Nakangisi kong sabi na nagpataas ng kilay niya.


"If so, I'll look forward to that." Nakangiti niyang sabi na agad kong kinagulat.


Wa--wait?! Tama ba ang nakita ko? Si Javier the demon ay ngumiti sa'kin? My goodness! Mukhang sinapian ang animal kaya napapangiti na ngayon!


Inalis ko na lang sa isipan ang mukha ni Javier nung ngumiti siya at mas pinili na lang na tumulong sa pagliligpit ng pinagkain namin kanina. Masiyado din kasing nakakawala ng kaluluwa ang kagwapuhan ni Javier kaya delikado siya sa puso!


"Leader!!!"


Napalingon ako nang marinig na may tumawag sa'kin. At doon nga ay nakitang naglalakad papalapit sa'kin ang pitong trainees na masaya ang mga mukha ngayon.


"Oh?"


"We all passed the test!" Masayang sabi ng isa sa kanila na kinangiti ko na lang.


"Hmm... very good!"


"It's not just that we got all the correct coordinates! We didn't get lost in the forest, and we arrived earlier than the allotted time!" Proud na proud na sabi ng isang trainee.


"That's right! That's right! It's so easy, we passed it smoothly!" Medyo malakas na sabi naman ng isa na agad ding kinalingon ng mga trainees sa paligid.


Maging ang mga trainees na papaalis na sana ngayon dahil sa pagbagsak nila ay nakatingin na rin sa'min. Aiya! Mukhang nagtunog mayabang pa yata ang dating ng sinabi niya sa kanila, kaya sobrang sama na ng tingin nila sa pwesto namin.


"Okay! Okay! I know that you are all excited, but don't be loud! The trainees are all staring at us." Kunwaring saway ko na lang sa kanila.


Sa totoo kasi niyan ay trip ko lang ding badtripin ang mga trainees na'to, dahil alam ko rin namang may sisingit na hipon sa tabi-tabi para ipagtanggol sila. Hehe!


"They all really passed."


"And from what I heard just now, the test was so easy that they passed."


"But I wonder why they are all excited about reporting it to Lady Heavenhell?"


"W--wait! They called her leader, and it seemed that they were all just getting close after the meeting earlier." 


"Tsk! A while ago, they were badmouthing Lady Heavenhell, but now they are suddenly acting like she's really their leader. What happened?!"


Nang marinig ang bulungan ng mga trainees ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. May punto din naman kasi ang mga sinasabi nila kaya mas mabuting hayaan na lang.


"It seems like you're right about them passing the test, Lady Heavenhell!" Biglang sabi sa'kin ni Jerry nang marinig ang usap-usapan.


"Yeah! And they really got all the coordinates right!" Namamangha lang sabi ni Jeff.


"But how did you all pass the test? It is so suspicious!" Biglang sabi ni Abby na agad na kinaagaw ng atensyon ng lahat.


"Tsk! Ayan na naman siya at may balak pa yatang magpakalat ng kabobohan!"


"Watch yourself, Seargent. Abby. You're crossing the line!" Malamig na sabi ni Major Hanz na saglit na kinatigil ni Abby.


"I apologize, Major. I'm just curious." Kunwaring inosente pa ng sabi ng bruha. Dahil sa ginawa niya ay agad namang nagsalita ang iilang trainees na bumagsak sa test.


"Yeah, we also want to know about it, Major."


"That's right! They all seem like they are really thankful to Lady Heavenhell, so we just want to know what they are thankful for."


"Tsk! You're all just jealous that we all got the correct answers and that we didn't get lost in the forest. We also arrived before the allotted time. That's why you're all creating rumors as if we're cheating!" Agad namang sabi ng isa sa trainee na kasama ko kanina.  


"He's right! As far as we know, we are not just the trainees who got all the correct answers, so why are you all targeting us?"


"Hmmp! Lady Heavenhell is so smart. That's why she gave us some examples on how to find the coordinates in the simplest way. She also told us some tricks and shortcuts!"


Napatahimik naman ang lahat sa binunyag ng trainee. Hindi siguro sila makapaniwala na may alam ako tungkol sa content na nakalagay sa papel kanina.


"Aiya! Masiyado bang naging low-key ang pagiging matalino ni Heavenhell noon para magkaganiyan sila ngayon?!"


"Does Lady Heavenhell give you an example? This is cheating!" Reklamo ng isa na agad ding sinabayan ng iba.


"Yeah, if we also had some, we would get a perfect score!" 


"No, I can't accept this!" 


Napakunot ang noo ko sa narinig at mabilis na tinitigan ang tatlong trainees na nagreklamo ngayon lang. Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay agad naman silang napatigil sa pagrereklamo.


My goodness! Isang malaking kabaliwan ang mga sinasabi nila. Anong ibig nilang sabihin sa kung may magbibigay din sa kanila ng halimbawa ay siguradong makakapasa sila? Atsaka paano pa naging cheating ang pagbibigay ng maayos na paliwanag sa mga trainees?


Mabuti sana kung yung sagot mismo ang binigay ko, ehh hindi naman! Kung tutuusin ay dapat alam na ng mga trainees kung paano kumuha ng coordinates kahit walang tumutulong sa kanila!


Masiyadong importante ang land navigation at positioning sa military, kaya nararapat lamang na may alam na lahat ng trainees tungkol dito.


"That's right, Lady Heavenhell. This is unacceptable and---"


"Silence!" Malamig kong sabi at hindi na pinatapos ang kalokohang lalabas sa bibig ni Abby.


Napatahimik naman ang lahat nang makita nilang seryoso na ako ngayon. Sa totoo niyan ay nagtitimpi lang talaga ako na huwag mabaril ang babaeng 'to. Kung wala nga lang sigurong mga tao sa paligid namin ay matagal ko nang naputol ang dila niya.


"How could you say it's cheating? There's no rule that says we can't give some examples, right? Captain Wood also said to give some key points so that the trainees will recall some information about land navigation, determining coordinates, and such. As a leader, I didn't want to see them fail this test, so I explained everything that they needed to know." Seryoso kong sabi habang nakatitig kay Abby na hindi na mapakali ngayon.


Kung saan-saan na kasi siya tumitingin at halatang iniiwas niyang mapatingin sa mata ko. Tsk! Tinuon ko na lang ang atensyon sa mga trainees na nagrereklamo kanina.


"It's not my fault that your superior that handled you awhile ago didn't give you a better explanation. And it's not my trainees' fault that you all failed the test because of a lack of information. Does your low IQ understand what I just said?" Diretso kong tanong sa kanila na kinatahimik lang ng ilan. Ang iba naman ay napayuko at hindi na tumingin sa'kin.


"Tsk! Marunong naman pa lang makaintindi tapos ang dami pang satsat! My goodness! Nakakainit sila ng dugo!"


"Cute!" Dinig kong sabi ni Javier na kinataray ko. Anong cute don aber? Ang wirdo talaga ng animal na 'to!


"Nganga ang gaga." Mahinang komento ni Jerry habang nakatingin may Abby na tahimik na ngayon. Mukhang wala na siyang balak sabihin kaya mas mabuti naman kung ganon.


Hindi rin nagtagal ang tahimik na lugar ay napuno ng tawa, nang biglang na lang sumulpot sa kung saan si Lieutenant na pumapalakpak na ngayon.


"Hahahaha! You're so interesting, Lady Heavenhell. You made those trainees speechless." Namamangha nitong sabi na nagmumukha ng bata ngayon.


"You're so fierce, my lady." Nakangiting sabi sa'kin ni Clara na kinayuko ko na lang. Kunwari nga raw ay nahiya ako sa inakto ko kanina kahit na hindi naman. Aiya.


"Yeah, right. I even felt like you were scolding us because we didn't explain everything to the trainees." Nakasimangot na sabi ni Jerry na hindi rin nagpahuli sa pagiging mukha nitong bata.


"Wahhh!!! I feel like I'm falling for you, leader!" Biglang sigaw ng babaeng trainee na talagang kumapit pa sa braso ko. Geez!


"So cool! So cool!" Sabi pa ng isa ring babaeng trainee na nakakapit naman sa kabila kong kamay.


Yikes! Hindi na ako magtataka kung bakit iba na lang makatingin sa'kin sina Jerry ngayon. Nagmumukha kasi akong playboy dahil sa pinaggagawa ng dalawang babaeng 'to!

"Okay, stop this and fall in line. The next activity will start now." Mahinahon kong sabi sa dalawa na humiwalay na rin naman sa'kin agad.


"We'll do our best, leader!" Sabay nilang sabi na kinangiti ko na lang.


"Good luck."

Masayang umalis ang pitong trainees na nakasama ko kanina, kaya naman nakahinga na rin ako ng maluwag. Ikaw ba naman kapitan ng dalawang babae na kulang na lang idikit sa'kin ang kanilang hinaharap, tapos sa harap pa ng maraming tao ahh?! Sino ang hindi tataasan ng balahibo don?


"What are you looking at?" Patay-malisya kong tanong kay Javier nang makita ang masama nitong tingin sa'kin.  


"You're flirting again." Malamig nitong sabi na kinagulat ko na lang kunwari.


"Luh? Did you get crazy again?" Tanong ko sa kaniya pero ang animal sinamaan lang ako ng tingin bago naglakad paalis. What the heck?!


Hindi ko na siya pinansin dahil siguradong mag-ooverthink na naman 'yon sa gilid, tapos aakalain niya na namang aakitin ko kuno ang kapatid niya. Aish! Siraulo!


Inalis ko na sa isipan ang mga kabaliwang naiisip at mas pinili na lang na makinig sa sinasabi ni Captain Wood. Mukha kasing sisimulan na agad ang susunod na activity para sa araw na 'to.


"In the next activity, there will be no elimination. It means this is just a simple exercise to be able to get used to finding some clues, getting familiar with the terrain, and finding your enemies. In short, this activity will be like a hide and seek game." Seryosong sabi niya na agad namang nakakuha ng samu't-saring reaksyon mula sa mga trainees.


"So it was like we needed to find the target in this forest, huh?"


"Yeah, I feel like this is going to be easy since we are already familiar with the terrain because of the test earlier."


"Just like the name itself, the target will hide inside the forest, and the pursuers will be all of you. Each target has a group of trainees, and each team has a leader from the military that will teach you some tips." Pagpapatuloy pa na sabi ni Captain.


"Woah! This will be fun!"


"Yes, and it will be a lot easier than I expected. We have a leader with us, so finding the target will not be a problem."


"Shit! Excited na ako!"


"Siguradong mas mabilis nating mahahanap ang target dahil bukod sa may superior tayong kasama ay may konti na rin tayong nalalaman sa iilang daan sa gubat!"


"Hahahaha! That's right! The targets are doomed!"


Hmm... So, ang mga targets ang magsisilbing kalaban ng military, samantalang ang mga trainees naman ang magsasagawa ng tracking at paghahanap sa lokasyon ng kalaban.


"Okay, I see!"


"Tsk! If you see it as easy as that, then let me tell you first who is your target. The targets that are proposed by our Lieutenant will be me, 2Lt. Jeff, 1Lt. Clara, Captain Tom and Jerry, Major Hanz, and lastly, Colonel Javier." Biglang sabi ni Captain Wood sa kanila na agad nilang kinatigil mula sa pagsasaya.


"Aiya! Sino ba namang hindi magugulat kung ang leader niyo ay nasa Seargents ang ranggo, pero ang mga targets niyo ay nasa lieutenant pataas?!"


Naiiling na lang akong tumawa nang mahina dahil sa reaksyon ng mga trainees na mukhang na-estatwa na ngayon.


"Te--teka, ano raw?"


"Katapusan na natin bro, kaya huwag kang bingi diyan."


"Do we need to find them inside the forest? It seems like we will never be able to find them, especially this time."


"Wahhh!!! Even if we have a leader with us, I still can't feel like we can locate their position." 

 

"My gosh! We are the ones who are doomed!"


"Oh wait, Lady Heavenhell will also be included as the target for this activity."


Mabilis akong napalingon kay Captain Wood nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. Tama ba ako ng dinig?! Ako talaga kasama sa mga target?


"M--me? Are you sure?" Tanong ko sa kaniya para naman hindi ako umasa sa huli no?


"Ahmm... Yeah, the Lieutenant included your name here. But don't worry since the number of trainees that will find each target has a different number depending on the rank." Pampalubag-loob na sabi niya na kinatango ko na lang.


Wala na rin naman akong magagawa kung si Lieutenant na mismo ang nagbigay ng order, diba? Hindi ko nga alam kung bakit ang taas ng tingin sa'kin nitong uncle ni Vile at kung saan-saan na lang ako sinasabak! Aish!


Napatingin na ako sa mga trainees nang bigla na lang silang nagbulungan. Sa itsura nga nila ay parang nakakita sila ng pag-asa. Syempre ang iisipin nila ay mas maigi kung sa'kin sila ma-aassign para mas madali ang trabaho. Heh!


"Oh? So we still have a chance to find a target as long as it is Lady Heavenhell?"


"Yeah, right! I hope I'll be lucky enough to be assigned as her pursuer." 


"Me too! I don't want to face the Colonel as our target!"


Nawala sa mga trainees ang atensyon ko nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko. At doon nakita si daga--este si Jerry na nakahawak pa rin sa'kin na animo'y kino-comfort niya ako.


"I'm fine," awkward kong sabi dito.


Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagtapik sa'kin na hinayaan ko na lang din. Tutal trip niyan ay nakakahiya namang patigilin. Ako na talaga ang mag-aadjust tutal mas matino  ang pag-iisip ko kaysa sa kaniya. Hehe!


"Listen! The teams that were assigned to find 2Lt. Jeff and 1Lt. Clara have 15 trainees each. While the teams that were assigned to the Captains have 20 trainees each. Major Hanz's pursuers will have 22 trainees in their team. They will have 28 trainees for the team that was assigned to Colonel Javier. And lastly, 10 trainees for Lady Heavenhell." Mahabang paliwanag ni Captain Wood tungkol sa magiging hatian ng bawat miyembro ng grupong maghahabol sa'min.


"Ten trainees for Lady Heavenhell? Isn't that too much?"


"Yeah, I think two or three people will be enough to be able to find her."


"Don't underestimate our leader!"


"That's right! She's not as easy as you all think!"


Imbes na mainis sa pinagbubulungan ng mga trainees ay mas natatawa pa ako ngayon. Sa tono kasi ng pananalita nila ay para bang siguradong-sigurado sila na mahahanap nila ako.


"Okay, stop talking! The targets will have ten minutes to hide or find their spots. Then after that, the teams will follow to find them. Is it clear?" Pagpapatuloy pa ng Captain na agad namang sinagot ng lahat.


"Yes, sir!"


"Now let's start!"


Nang marinig ang hudyat na simula na ay agad akong naglakad papasok sa loob ng gubat. Masiyado nang mahaba sa'kin ang sampung minuto kaya hindi ko na kailangan pang magmadali para magtago.


Ang importante naman sa activity ngayon ay hindi ang layo ng distansya nang pagtataguan mo, kung hindi ang galing mo sa pagtatago ng bakas na iniwan mo.


"Geez! Bigla tuloy sumakit ang ulo ko dahil sa mga narinig sa mga trainees kanina. Tama ba namang sabihin mong madaling lang mag-track at maghanap ng kalaban dahil lang sa may kasama kang superior?!"


You see?! Tracking the enemy is not as easy as some of the trainees think. Especially if it's jungle warfare, since the first concern you need to be concerned about is the terrain itself.


It's difficult to track through it and find some clues unless you're familiar with the area. Kapag sinabi kong pamilyar ay hindi basta pamilyar lang ang tinutukoy ko, kung hindi sobrang pamilyar!


Isa pa kapag nasa operasyon ka na at labanan na talaga ay marami kang kailangang ikonsidera. Unang-una ay yung mga equipment, gears at ibang essentials tulad ng pagkain at tubig, at maging ang mga ammunition. 


Bukod pa doon ay kailangan mo ring maging mapagmatyag sa paligid. You need to exercise caution and pay special attention to camouflage. Lalo pa't isang mali mo lang ay pwedeng malagay sa alanganin ang buhay ng lahat. 


Kapag hindi ka naging maingat sa lahat ng gagawin mo ay maaaring magkamali ka at dumating sa punto na pati kakampi mo ay mabaril mo. Nakakalokong pakinggan pero may mga ganiyang isyu talaga sa mga military operations dahil sa kapabayaan at hindi pagiging alerto sa paligid ng mga sundalo. 


That's also why knowing your enemies is crucial to finding them. Try to understand how they adapt to the environment to stay alive. What do they use for quick tools and weapons? Where do they get their food and drink from? Are they locals or foreigners? 


Simpleng katanungan lang pero malaki ang pakinabang kapag nalaman niyo ang kasagutan. 


Kung tutuusin ay mga paghahanda pa lang yang mga sinasabi ko at mas marami pang klase ng combat tracking techniques ang dapat na alam na ng mga trainees ngayon.


Geez! Bakit naman kasi naging target pa ako? Kung ako sana ang isa sa mga leader ng team, edi sana marami akong nasabing ideya sa kanila. Lalo na at sa gubat na 'to gaganapin ang unang paglusob ng ibang bansa sa Atlante.


"Aish! Good luck na lang talaga sa kanila!"



THIRD PERSON'S POV 


~ At Killa Vut Forest, 6 PM


"It's been five hours but we still can't find Lady Heavenhell! Where the hell is she?" Inis na inis nang tanong ni Abby sa kasamahan.


Ilang oras na kasi silang nagpapaikot-ikot sa gubat at kahit anong bakas nito ay wala silang makita.


"What if she's already at the base, Seargent? It's already six in the evening, so maybe she got scared and went back." Sabi na lang ng isang trainee.


"Yeah, I also got chills here, so as a girl I'm sure that she's scared."


"Alright! Alright! Let's go back to check on her." Pagsuko na lang ni Abby at minabuti nang bumalik sa camp.


"Bakit ngayon lang kayo?" Agad na tanong ni Jerry nang makita niya na ang huling team na naglalakad na papalapit sa kanila.


"Based on the instruction, this activity would only take three hours and then we should return immediately. What happened?" Seryoso nang tanong ni Captain Wood sa kanila.


Sabay-sabay namang napalunok ang mga trainees nang isa-isa na silang lapitan ng mga higher rank na sundalo ng military.


"We apologize. We're looking for Lady Heavenhell. Is she here?" Tanong na ni Abby.


Ang totoong dahilan kasi kung bakit ang tagal nilang nakabalik sa camp ay dahil sa hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na hindi nila mahanap si Heavenhell. Si Heavenhell na siyang pinakamahinang target ng activity na 'to.


"What did you say?" Agad na tanong ni Clara dito. 


"We had been looking for her for nearly five hours and had found no trace of her, so we decided to return to see if she had arrived here." Sabi na lang ni Abby na kinagulat ng lahat.


"She's not here! What do you mean by you didn't find any of her traces?" Naguguluhang tanong ni Jeff kay Abby na hindi na nakayuko na ngayon.  


"It's true. We look for her in this direction since this is where she went earlier. But after that, we never saw her again."


"You mean, she's missing?!" Pagsigaw na tanong ni Jerry dito na mabilis namang nakarating kay Lieutenant.


"I don't know! Maybe?"


"What is it? I heard that Lady Heavenhell is missing. Is that true?" Seryosong tanong na ni Lieutenant nang makalapit na siya sa pwesto nila.


"Ye--yes, Lieutenant..." Utal-utal na sagot ni Abby habang pinipigilan na huwag mangatog ang kaniyang tuhod sa sobrang takot dito.


"Find her! NOW!"


"Co--Copy, sir." Mabilis na pagsunod ng mga sundalo na agad ding nagsimulang maglakad papunta sa iba't-ibang parte ng gubat.


"I'll go." Malamig na sabi ni Javier kay Lieutenant na mabilis naman siyang tinanguan.


"Brother, let me go with you." Humahabol na sabi ni Janice sa kaniyang kuya nang makita niya itong naglalakad na paalis.


"No, just stay here and I'll go find her." Seryosong sabi nito kaya walang nagawa si Janice kung hindi ang tumango na lang.


Alam niya kasi kapag seryoso na ang kuya niya ay wala nang makakapigil pa sa kaniya kahit na sino.


"Oh--oh my! The leader is missing!"


"I wonder what happened to her?"


"What if she encountered some wild beast there instead?"


"No way! It will be so scary!" 


"What if the ghost or the serial killers abduct her since she's so beautiful?!"

"That's scarier!"


"Shut up!" Malamig na pagpapatahimik ni Janice sa mga babaeng trainees na nagbubulungan sa gilid niya.


Sa loob naman ng gubat ay patuloy pa rin sa paghahanap ang mga sundalo sa mga traces na pwedeng makapagturo kung nasaan na si Heavenhell ngayon. Ngunit dahil madilim na sa paligid ay mas dumoble ang hirap nilang makita ang itsura ng lugar.


"Lady Heavenhell, where are you?!" Sigaw na ni Jerry habang tumitingin-tingin pa rin sa paligid.


"Tommy, I'm nervous! What if something bad happens to her?" Kinahabahan ulit nitong tanong habang nakakapit na sa braso ni Tom na kasalukuyan nang salubong ang kilay ngayon.


"She'll be alright." Seryosong sagot nito bago inalis ang kamay ng kaibigan sa kaniya.


"Wahh! What if the story about this Killa Vut Forest is true?"


Napapikit na lang sa inis si Tom at pinilit na ikalma ang sarili bago sagutin ang kasama. Sanay na rin kasi siya sa kadaldalan ng kaibigan kaya kahit papaano ay nakakapagtimpi pa naman siya dito.


"According to my common sense, that's not true." Naka-poker face na lang nitong sagot.


"What if nga diba? Ba't kailangan mo pang isama pati common sense mo dito?!" Nakasimangot nang tanong ni Jerry sa kaibigan niyang walang puso.


Madalas kasi siya nitong binabara magmula pa noong mga bata pa sila, kaya hindi na rin bago sa kaniya ang ganitong ugali nito.


"Kasi wala kang sense kausap kaya tumahimik ka na." Masungit na sabi sa kaniya ni Tom at nauna nang naglakad.


"Luh? Ang sama talaga ng ugali mo, bro. Kung ako sa'yo magbago ka na, ikaw din magsisisi sa huli. Bwahahaha!" Natatawang sabi na lang ni Jerry habang humahabol sa paglalakad ng kaibigan.


"Tatahimik ka o papuputukan kita?" 


"Ng alin?" Nakangising tanong ni Jerry na nagpainit lalo sa ulo nito.


"Ng baril sa ulo mo! Idiot! Lumayo ka nga sa'kin ang ingay mo!" Inis na sabi ni Tom at mabilis na umalis para hindi na siya mahabol pa ng baliw niyang kaibigan.


"Babe, how dare you say that to me? After all those years that we've been through?! How could you? HOW COULD YOU?!" Natatawa nang sabi ni Jerry sa kaibigan niyang binato lang siya ng kahoy na agad niya namang naiwasan.


"Abnormal!" Sabi na lang ni Tom at hindi na siya nilingon pa.


"Hey! Don't leave me behind! Bwahahaha!"


"Tumahimik nga kayong dalawa!" Saway ni Captain kay Tom at Jerry na nagsisigawan kanina.


"Ay may kahoy na nagsalita--Hehe! Joke lang, Captain!" Pigil tawa na lang sabi ni Jerry nang makita niya nang sinamaan na siya nito ng tingin.



***



"Sigurado ka ba na dito sa direksyon na 'to nagpunta si Lady Heavenhell, Abby?" Tanong na ni Clara kay Abby na kasalukuyan silang sinasamaan kung saan huli nilang nakitang naglakad si Heavenhell. 


"Yeah! Dito namin siya huling nakitang pumasok, pero pagkatapos non hindi na namin siya nakita. Wala ring siyang iniwang clues kaya hindi namin alam kung saang direksyon siya nagpunta." Sagot na lang nito na kinatango na lang ng lahat.


Makalipas ang halos isang oras na paghahanap kay Heavenhell ay wala pa rin silang nakikita kung saan ito nagpunta. Wala rin naman silang dalang mga military dog dahil hindi naan nila inaakala na may mawawala sa kanila.


"Wala pa rin ba?! Paano na lang kung may nangyari na nga talagang masama kay Lady Heavenhell?!" Sunod-sunod na tanong ni Jerry sa iba pang kasama.


"Kumalma ka kaya muna! Atsaka huwag ka ngang sumigaw!" Saway sa kaniya ni Captain Wood na hindi naman nito pinansin.


"Paano ako hindi sisigaw, Captain?! Nawawala si Lady Heavenhell kaya siguradong lagot tayo sa VVC!" Nagpa-panic nitong sabi na kinakunot ng noo ng mga nakarinig.


"Anong VVC?!"


"Oh my goodness! Hindi niyo alam ang VVC fanbase nina Lady Heavenhell at Young master Eli?! Pwes ngayon ay alam niyo na kaya mas maigi pang hanapin na natin siy-----" 


*BLAAGGG!*


Napahinto si Jerry sa pagsasalita nang maramdaman niyang may biglang bumagsak sa mula likod niya.


Sabay-sabay namang napalingon ang lahat sa likod ni Jerry at doon nakita ang babaeng hinahanap nila kanina pa. Una nilang napansin dito ay ang mukhang niyang napapangiwi ngayon habang hawak-hawak ang balakang nito.


"H--huwag niyong sabihin na galing sa taas ng puno siya nahulog?" Hindi na natuloy ni Jerry ang itatanong nang makitang niyang marahang tumango sa kaniya sina Clara.


"W--what?!"


"A--ahh! Anong nangyari?" Biglang tanong ni Heavenhell na nakaupo na ngayon sa damuhan habang hinihimas ang leeg nito.


"H--huh? Wala naman! Pero may masakit ba sa'yo, Lady Heavenhell?" Awkward na tanong ni Jerry sa mukhang clueless na si Heavenhell ngayon.


"Paano mo nalaman? Bigla na lang kasing sumakit ang balakang ko na parang nahulog ako sa kung saan? Sa pagkakaalala ko naman ay natulog lang ako sa puno tapos----Wait!" Gulat nitong sabi habang marahang napatingin sa ilang metrong taas ng puno na tinulugan niya kanina.


"An--ang tibay ng buto mo, Lady Heavenhell. Sa sobrang lakas ng pagkahulog mo ay parang yung lupa pa Yung nasaktan. Ha--hahaha!" Awkward na lang na tawa ni Jerry na hindi na alam kung anong sasabihin sa sitwasyong ganito.


Natigil lang silang lahat sa pag-iisip nang bigla nang sumulpot si Javier at walang pasabi na inalalayan si Heavenhell na makatayo.


"Are you okay? Can you walk?" Seryoso nitong tanong na kinagulat ng lahat.


Hindi kasi sila makapaniwala na ang isang  Javier Gideon ay may inaalalayan na babae ngayon!



HEAVENHELL'S POV


Nakatulala akong nakatingin sa malayo habang inaalala pa rin ang nakakahiyang nangyari kanina. Sa sobrang tagal ko kasing naghintay sa mga naghahanap sa'kin ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa taas ng puno.


Sino ba namang mag-aakala na mahuhilog pala ako tapos ang masama pa doon ay nakita ng lahat diba?! My gosh! Kailangan pa tuloy akong hawakan ni Javier hanggang sa makarating sa camp kanina dahil daw baka nabalian na ako ng buto o kung ano man. Geez!


"Isa na namang kahihiyan moments ang madadagdag mo sa memory ni Heavenhell, bruha ka!"


Ngayon ay kasalukuyan akong nakahiga sa tent namin ni Clara dahil dito na ako diniretso ni Javier nang malaman namin na wala namang nabaling buto sa'kin. Kaya naman wala akong magawa kung hindi ang tumulala lang sa isang tabi.


Nang wala na talaga akong maisipan gawin ay mas minabuti ko na lang na maglaro sa cellphone ni Heavenhell. Tutal kahit papaano naman ay may signal pa rin sa Killa Vut Forest. Yun nga lang ay hanggang text messages lang ang kaya ng signal dito.


Mabilis kong binuksan ang cellphone at unang bumungad sa'kin ay ang message galing kay Lemuel. Hmm... Ano na naman kayang kabaliwan ang naisipan ng lalaking 'to para i-message ako?


Binuksan ko na lang siya at doon nabasa ang maikli nitong mensahe na nagpagulat sa'kin.


From: Lemuel Bee

Help me!


O_O


"W--what the hell?! Anong ibig niyang sabihin sa help me? Nasa panganib ba ang kumag at na-wrong sent lang siya sa'kin?"


Napaisip na muna ako bago siya i-text pabalik. Hindi kasi kaya ng signal ang tawag kaya hanggang message lang talaga ako ngayon.


Makalipas ang limang minuto at wala pa rin siyang reply ay agad ko nang hinanap ang contact ni Clive sa cellphone ni Heavenhell.


To: Brother-in-law

What happened to Lemuel? Is he okay?


Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa tumunog na ang cellphone ni Heavenhell.


From: Brother-in-law

Ayos lang naman siya, Venven. Ako hindi mo ba kakamustahin?!


Napangiwi ako nang mabasa ang message ng animal. Bakit ko pa siya kakamustahin kung base pa lang dito ay alam kong baliw pa rin siya at wala nang pag-asang magbago. Geez!


To: Brother-in-law

Nasaan siya ngayon?


Tanong ko na lang sa kaniya. Sa hula ko kasi ay hindi magkasama sina Lemuel at Clive ngayon kaya mabuti na ang makasiguro.


From: Brother-in-law

Nasa disyerto hahaha!


S--shit! Seryoso ba 'tong animal na 'to o nantitrip lang talaga? Ano namang gagawin ni Lemuel sa disyerto, aber?!


*Sighs*


Naputol lang pag-iisip ko nang mabasa ang susunod na sinabi ni Clive na agad ding nagpagulat sa buo kong sistema.


From: Brother-in-law

Naghuhukay ng libingan niya.

.
.
.
.

Wh--what?!


________________________________________

Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...