A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.8K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 32

97 3 0
By omyerika

"Are you sure you're okay, Nami? You don't feel dizzy or anything?"


Nagising ako sa realidad at napatingin kay Rachel na tinitignan na ako na may pag-aalala. Nakabalik na ulit ako sa table namin pagkatapos nung maliit aksidente kanina.


Binigyan ako ni Thomas ng isang basong tubig bago umupo sa tabi ko.


"Huh? Ahh, oo, okay lang ako. Thank you." Ngumiti ako nang tipid at napatingin sa labas ng restaurant kung saakin nakikita namin si Kim at yung Gino Dela Vega na nag-uusap, "Pero, kilala niyo ba kung sino yun?"


Lahat sila tinignan din yung tinitignan ko. Nakita ko naman sa peripheral view ko na nagkatinginan silang lahat na parang nag-uusap sila na hindi ko maintindihan gamit ang mga tinginan nila.


"Oo," direktang sagot ni Ava kaya napatingin kaming lahat sakanya, "He's my and Mackey's childhood friend."


"Ahh. Pero bakit parang kilala din ni Kim? Friend niya rin?" Tanong ko at tumingin ulit sa direksyon nila na parang nagtatalo na sila, "O jowa niya?"


Biglang tumawa nang malakas si Kenzo at yung iba naman ay nagpigil nang tawa. Ano naman nakakatawa dun?


"Baka mag-end of the world ng wala sa oras, Nami hahahaha," tumawa si Mackey na may kasama pang iling.


"Kahit nga ata sila nalang ang natitirang tao sa mundo, hindi pa rin nila papatulan ang isa't isa eh," natatawang sabi ni Edwin tsaka ininom yung juice niya.


Bago pa man ako makapagtanong ulit ay bumalik na si Kim sa tabi ko, nakita namin yung Gino na umalis na rin palayo dito sa restaurant. 


"Kim, jowa mo raw ba yung kausap mo kanina?" Natatawang tanong ni Mia tsaka ako tinuro. 


"Gago! Kadiri ah. Hindi ko nga alam kung anong nakikita ng mga babae na jowable daw dun sa lalaking yun eh," sabi ni Kim at nag-aktong kinilabutan pa. 


"Gwapo naman yun ah at mukhang mabait. Tsaka sabi nga nila, the more you hate the more you love," seryosong sabi ko. 


"Eh kung ganun lang naman yung case, edi sana magjowa na si Kim at Kenzo," sabi ni Rach. 


"Yuck!" Nag-make face si Kim kay Kenzo. 


"Mandiri ka nga!" Kinilabutan pa si Kenzo sa narinig. 


"Geez, 'wag niyo naman masyadong ipahalata na love niyo ang isa't isa," sarkastikong sabi ni Ava at lahat kami natawa except kila Kim at Kenzo na napairap nalang. 


After naming kumain ay naglakad lakad muna kami para magpagpag ng mga kinain at nagpicture picture na rin bago umakyat sa kwarto. Napagdesisyonan nung iba saamin na mag-night swimming habang yung iba naman ay nagpaiwan sa kwarto dahil matutulog na lang muna raw sila. 


"I thought you're going to swim?"


Napalingon ako sa biglang nagsalita at nakita si Thomas na papalapit saakin habang nakasuksok yung dalawang kamay niya magkabilang pockets ng shorts niya.


"Akala mo lang 'yun," medyo natawa kong sinabi at tumingin ulit sa dagat habang siya ay tahimik lang na umupo sa tabi ko.


Nakaupo lang ako dito sa upuan sa gilid ng pool na pinaglalanguyan ng mga kaibigan ko habang pinagmamasdan ang kumikinang na dagat at nilalanghap ang sariwang hangin ng Batangas. Gabi na at bawal na lumangoy sa dagat kaya hanggang dito lang kami sa pool.


"I missed it here," sabi ni Thomas.


"Wag ka na kasing umalis," pabiro kong sabi kasi alam kong impossible, nandoon kasi yung buhay niya kahit pa dito siya sa Pilipinas lumaki. Pero may parte rin saakin na gusto ko rin na dito nalang siya para anytime pwede ko siyang makita.


"Would you want me to stay?" Tanong niya.


"Syempre noh," tinignan ko siya at ngumiti nung nakitang nakatingin na rin siya saakin, "Mas masaya pag andito ka."


He chuckled, "Ano ba yan, Naomi. You're making me blush."


Bigla akong nahiya sa sinabi ko tsaka umiwas nang tingin sakanya. Wala naman kasing malisya para saakin yung sinabi ko eh, gusto ko talaga nandito siya para na rin nakakasama siya saaming magbabarkada pag may alis kami, halos lagi kasi siya yung absent eh.


"Parang tanga 'toh hahaha," tumawa nalang ako nung nakarecover ako, "Para matulungan mo na rin ako maalala lahat tungkol sa nakaraan ko noh. Para kasing may ayaw ikwento saakin sila papa eh."


Narinig kong bumuntong hininga siya, "I don't know. If they don't want to say it, then maybe it's a bad memory and they don't want you to get hurt."


Ngumiwi ako at nag-isip saglit, "Pero hindi ba dapat kahit bad memory yun, dapat maalala ko pa rin para hindi ko na yun maulit pa. Tsaka kahit bad memory ko yun, memory ko pa rin yun noh. Parte pa rin yun ng buhay ko, malay mo nga hindi lang yun bad memory para saakin eh."


Ngumiti siya nang konti at tumingin ulit saakin sabay gulo ng buhok ko.


"Don't worry, I'll help you remember what you want to remember."


"Thanks," tumingin ulit ako sa harapan habang nakangiti pa rin.


"Let's go for a walk?" Biglang aya niya at pumayag naman ako.


Nagpaalam muna kami sa barkada bago umalis at naglakad lakad dito sa may dalampasigan na malapit lang sa beach resort.


"I have a question," panimula niya kaya napatingin ako sakanya, "May naaalala ka pa bang tao na importante sayo noon bukod saamin?"


"Bukod sainyo?" Tumigil ako sa paglalakad at nag-isip, "Wala na? Bakit? Meron pa ba?"


Ilang segundo niya akong tinitigan pero sa huli nginitian lang niya ako, "Nothing."


"Kung sabagay, kung meron man, sasabihin mo naman saakin noh?" Sabi ko at nagsimula ng maglakad ulit.


"Edi ano na mga naalala mo?" Tanong niya.


"Wala namang masyado. Pero alam mo bigla ko nalang naisip na parang gusto kong magtrabaho ulit sa Maynila--"


"Huwag!" Bigla siyang sumigaw kaya naputol yung sinasabi ko at nagulat ako, pati siya ay nagulat sa naging reaksyon niya tsaka napaiwas nalang nang tingin.


"Relax haha. Para naman ikakamatay ko pag pumunta ako doon." Biro ko ng konti pero seryoso pa rin yung mukha niya.


"You almost got killed though," bulong ni Thomas pero sapat na para marinig ko yun.


"Accidents happen, Thomas. Tsaka mas mataas sweldo dun. Mag dodoble ingat nalang ako," paliwanag ko sakanya.


Feeling ko kasi hindi dito yung pinapangarap ko eh, I mean, mahal ko itong lugar na ito pero something tells me that I should go to Manila. Lalo na nung kinekwento ni Mackey na pwedeng pwede ako doon sa company nila, parang nakakatempt na pumunta kahit pa doon ako na aksidente dahil nabangga raw yung sinasakyan kong kotse dahil malakas daw nang bugso ng ulan nun at madulas yung daan kaya nawalan ng control yung sinasakyan ko raw na sasakyan.


"Kung mataas na sweldo lang naman yung dahilan kung bakit ka pupunta doon, ibibigay ko nalang sayo yung pera." Tumigil siya sa paglalakad at humarap saakin kaya napatigil din ako at humarap sakanya, "Just please stay here where it's safe."


"How sure are you that it's safe here? Eh noong nakaraang linggo lang, nabalitang may nalunod sa kabilang barangay eh!"


Gaano ba kasi kadelikado dun sa Manila at ayaw niya akong paluwasin? Mas marami bang asawang doon kesa dito? Tss, mukha pa namang maganda doon tapos maraming opportunities sa mga katulad kong Interior Designer.


"Marunong ka naman lumangoy eh."


"Hindi ka nakakasiguro." Humalukipkip ako habang nakakunot yung noo.


Tumaas yung isang kilay niya na parang sinasabing, 'talaga ba?'


Napairap ako sa inis, "Okay, fine. Marunong akong lumangoy pero hindi ibigsabihin nun ay safe dito. Accidents happen all the time, Thomas! Bakit ba lagi kang kontra pag sinasabi kong gusto kong pumuntang Maynila? May dapat ba akong malaman bukod sa mga kinwento niyo saakin?"


Pakiramdam ko talaga kasi meron pang hindi nakwekwento saakin


Bumuntong hininga siya at tinignan ako na may pag-aalala, "I just don't want you to get hurt again."


Umiwas ako nang tingin sakanya dahil sa inis, alam kong nag-aalala lang si Thomas para saakin pero ayoko rin naman makulong habang buhay sa takot dahil sa nangyaring aksidenteng 'yun.


Bigla naman tumunog yung cellphone niya kaya tinignan niya muna iyon, "Shoot, I have a meeting pa pala with the executives via zoom . Let's head back?"


"Uhm. Mauna ka na, dito muna ako."


Tinignan muna niya ako na parang tinatantya kung galit ba ako o hindi.


"Sorry, I have to take this call." Pero wala naman siyang nagawa kundi sagutin yung call na yun tsaka naglakad na palayo. "Yes, hello? Yeah, I'll be joining you in a minute."


Pagkaalis niya ay napatingin ulit ako sa dagat at napahinga ng malalim. Ilang minuto akong nanatili doon, nag-iisip kung ano bang gusto kong mangyari sa buhay at ano ba yung kulang na hinahanap ko.


Napatingin ako sa itaas at nakita ang buwan na bilog na bilog at ang liwaliwanag nito, nakapaligid dito ang sandamakmak na mga bituin. Napangiti ako dahil naging extra ang ganda ng kalangitnan ngayon.


Tumayo na ako pagkatapos nun at pinagpag yung buhangin sa shorts ko. Naglakad na ako pabalik ng hotel nang mapatingala at mapatingin doon sa malaking terrace ng hotel, may nakita akong lalaki na nakatingin lang sa kalangitanan. Para siyang familiar saakin kaya pinagkatitigan ko pa hanggang sa napagtanto kong si Gino pala yun.


Pinagmamasdan lang niya yung kalangitan at pagkatanggal niya ng tingin doon sa itaas ay para siyang nagpunas ng nagbabadya niyang luha. Parang may kumirot sa puso ko nung nakita ko yun, siguro dahil naawa ako sakanya, mukha kasi nasasaktan talaga siya eh.


Pagkatapos niyang pasimpleng nagpunas ng luha ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ko pero napahinto rin nung nakita akong nakatayo dito.


Nagkatinginan kami at sa hindi malamang dahilan ay biglang mabilis na tumibok ng puso ko.


Nung napagtanto kong ang tagal ko na palang nakatitig sakanya ay agad akong umiwas nang tingin at dali-daling umalis doon, hindi ko pa alam kung saang direksyon ako pupunta. Aish! Kahiya, baka akalain niya stalker niya ako.


"Ay stalker!" Sigaw ko nung may biglang humawak sa braso ko at pagkakita ko kung sino yun. Namilog yung mga mata ko dahil mismong si Gino pala yun.


"How many times should I save your life?" Sabi niya na may pagka-inis na tono.


"H-huh?" Nagtaka ako sa sinabi niya at napatingin sa harap ko kung saan dapat ako pupunta.


Putek, isang hakbang nalang pala at nasa lalangoy na ako buti nahabol ako ni Gink at napigilan pero hindi naman niya kailangan maging rude noh.


"K-kung maiinis ka lang sa bawat pagligtas mo saakin, wag mo nalang ako iligtas." Dahan dahan kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa braso ko at umiwas nang tingin sakanya. Nag-bow naman ako ng konti bilang pagpapasalamat, "Salamat pa rin sa pagligtas. Mauna na po ako."


Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit.


"Wait, I didn't mean it that way," sabi niya kaya napaharap ulit ako sakanya at naglakad siya papalapit saakin. "Naiinis lang ako dahil hindi pa rin pala marunong mag-ingat."


"Huh?" Kumunot yung noo dahil sa pagtataka. Pa rin? Magkakilala na ba kami dati?


Nakita kong tumaawa yung gilid ng labi niya na para bang napangiti siya ng konti sabay iling. "Nevermind. I'm Gino, by the way."


Naglahad siya ng kamay at tinignan ko lang yun saglit bago tanggapin yun at nakipagkamay sakanya. "Ako si Naomi."


Bigla akong may naramdamang kakaiba habang magkahawak yung mga kamay namin at nakatingin kami sa isa't isa. Para bang may kumukulo sa tyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.


Bigla akong sininok kaya agad akong napatakip ng bibig at sinubukang pigilan yung sinok ko pero ayaw tumigil. Nakita kong napangisi siya tsaka binuksan yung bottled water na hawak hawak niya at inabot ito saakin.


"Here. Hindi ko pa yan iniinom, so sayo na yan. Mukhang kinakabahan ka ata eh." Hindi pa rin nawawala yung ngiti sa mukha niya kaya medyo nainis ako pero tinanggap ko pa rin yung tubig na inaalok niya.


May bigla naman lumapit saaming lalaking staff para kausapin si Gino.


"Mr. Dela Vega, hinahanap na po kayo," narinig kong sabi nung staff.


"Sige. Sunod ako," sabi ni Gino.


"Okay po, sir," nag-bow ng konti yung staff bago umalis.


Tinignan ulit ako ni Gino tsaka siya ngumiti. "I guess, I'll see you around."


Ngumiti ako sakanya at tumango ng konti. Naglakad na siya papaalis at nakaramdam ako ng pagkahilo. Pinikit ko ng mairin yung mga mata ko at pagkabukas ko ulit ng mga ito ay umiikot na yung nasa paligid ko kasabay nito ang pagkasakit ng ulo ko. Napaupo ako sa sahig habang hawak hawak yung ulo ko, halos hindi ko na maidilat yung mga ko sa sobrang sakit.


Bigla namang may nagplay na memory sa utak ko. Kaso blurred ang mga tao dun at tanging boses lang nila yung malinaw.


"Uwi na kayo?"

"Oo." 

"Okay. I guess, I'll see you around."


"Naomi!" Naputol yung memory nang may narinig akong tumawag saakin. Naramdaman kong lumapit siya at hinawakan ako.


Yung boses niya, parang boses nung lalaki sa memory na biglang kong naalala.


Naghabol ako nang hininga at dahan dahang tinanggal yung dalawa kong kamay sa magkabilang side ng ulo ko nung unti unti ng nawawala yung sakit ng ulo ko.


"Okay ka lang?" Tanong nung tumawag saakin kanina.


Pagkatingala ko ay bumungad saakin yung mukha ni Gino. Halos magkalapit na yung mga mukha namin kaya kitang kita ko yung sobrang pag-alala sa mga mata niya. Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan yung luhang tumulo sa pisngi ko na hindi ko man alam kung bakit ako naluha. Siguro dahil sa sobrang sakit.


"Ikaw. Ikaw ba yun?" Bigla ko nalang naitanong.


Nagkatinginan kami saglit at kitang kita ko sa mukha niya ang pagtataka. Pero bago pa man siya makapagsalita ay may bigla ng lumapit saamin.


"Naomi! Okay ka lang?!" Tanong ni Kenzo saakin at tinulungan akong tumayo.


"What did you do, Gino?!" Inis na tanong ni Mackey siya tinulak palayo si Gino mula saakin.


"Nothing! Bigla nalang siyang napaupo sa sahig habang namimipilit sa sakit ng ulo niya," paliwanag ni Gino at napatingin saakin. "Are you okay?"


"O-oo, okay lang ako. Gusto ko lang magpahinga muna," sabi ko habang nakaalalay saakin si Kenzo.


"Sabay na kayong umakyat, Kenzo. Kunin muna namin ni Mackey yung mga gamit," sabi ni Mia at tumango naman yung dalawa.


Inalalayan na ako ni Kenzo pabalik sa hotel pero bago kami makalayo ay napasilip ulit ako pabalik kay Gino, kausap na niya ngayon si Mackey at Mia. Bigla ko nanaman naalala yung blurred na image ng isang lalaki.


Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung lalaking yun.


Nakatulog na ako agad dahil sa pagod. Pero hindi ko inaasahang hanggang sa panaginip ay may magpapakitang imahe na blurred.


"It's hard for me to avoid the person I love. It's hard for me to avoid you."

"Love?"

"I....I love you. But I'm too dangerous to be with you, Naomi."


Nagising nalang ako dahil may biglang sumipa saakin. Umupo ako at tinignan yung paligid, tulog pa yung mga kasama ko at madilim pa.


"Aray," mahinang sabi ko nung biglang sumakit ulit yung ulo ko.


Ano ba kasi yung nagpapakita sa utak ko? Memory ba yun o illusion lang? Hays, makatulog nalang nga muna para may energy ako bukas.


"Hay! Sa wakas nakakuha na rin ng tulog!"


Kinabukasan, pagkalabas ko galing banyo dito sa room namin ng mga babae ay naabutan kong kakagising lang ni Kim at nag-uunat unat na.


Mag-iisland hopping daw kami ngayong second day namin dito sa resort kaya maaga palang ay naghahanda na kami para marami kaming magawa ngayong araw.


"It's not enough for me, though. Pwede bang wag munang sumama sainyo?" Inaantok na sabi ni Ava sabay pout kahit na nakaligo na siya.


"Eh! Bakit ka pa sumama dito kung matutulog ka lang pala?" Inis na sabi ni Mackey.


"Don't force her, Mackey." Bawal ni Rach tsaka pumasok na ng banyo para makaligo.


"Oo nga, magulat ka nalang lumulutang na si Ava sa tubig hahaha," biro pa ni Mia sabay tawa.


Nagkatinginan naman si Ava at Mackey, halatang inis si Mackey dahil gusto niya lagi kompleto kami pag nagbabakasyon, ayaw niyang may kulang hangga't maari, lalo na si Ava kundi magtatatrum siya.


"Argh, fine." Umirap si Ava at napalitan ng ngiti yung mukha ni Mackey. Natawa naman ako sakanilang dalawa at nagsimula ng mag-ayos ng gamit ko. "Wala muna gagamit ng balcony ah!"


Napatingin naman kaming lahat kay Ava na bigla nalang ulit nagsalita tsaka pumuntang balcony at sinarado yung sarili doon.


"Mukhang kausap nanaman ang jowa. Sana all, asan na ba yung akin? Char." sabi ni Mia tsaka tumawa.


"Sino ba doon?" Biro ni Kim.


"Hoy! Bagong buhay na ako noh," proud na sabi ni Mia.


"Mas dumami lang ngayon? Hahahaha mamigay ka naman, joke." Humagalakhak sa tawa si Mackey.


"Luh, ilang beses na nga kitang nireto sa mga kaibigan kong may gusto sayo, ayaw mo pa rin," sabi ni Mia na may pagkainis.


"Hindi ka ba informed, Mia? May balak tumandang dalaga yung kaibigan natin," biro ni Kim.


"Kagabi nga may dumaang gwapo sa pool tapos alam mo ang ginawa niya, pumwesto siya doon sa nagbubbles sa may pool tapos sabi niya, parang umuutot oh. Tehh! Grabe, nakakaturn on yun," sarkastikong sabi ni Mia.


"HAHAHAHA potangina ka, Mackey." Humagalakhak sa tawa si Kim.


"Kahiya hahahaha. Anong sabi nung lalaki?" Tanong ko.


"Wala. Sa tingin mo ba iaapproach pa kami nun? Hahaha jusme," natatawang sabi ni Mia.


"Eh, hindi ko naman kasi alam na andoon na pala siya!" Nahihiyang sabi ni Mackey sabay takip pa ng mukha niya.


"Ayaw mo nun, may remembrance ka na sakanya," sabi ko para naman kahit papaano hindi siya mahiya sa kagagawan niya.


"Yung weirdong umuutot sa pool," dagdag ni Kim at sabay sabay kaming nagsitawanan, except kay Mackey.


"Ewan ko sainyo! Bahala nga kayo dyan!" Inis na sabi ni Mackey tsaka lumabas na ng kwarto.


"Uy, baka nainis talaga yun," concern na sabi ko pero natatawa pa rin ako.


"Asar talo talaga yung si Mackey hahaha hayaan mo siya," natatawa pa ring sabi ni Kim tsaka napatingin saakin, "Oo nga pala. Naomi, sumakit daw ulo mo kagabi ah? Okay ka na ba?"


"Oo, may naalala lang ako," sabi ko sakanila.


"Omyghad, memory? Ano yan ah?" Excited na tanong ni Mia.


"Excited ka pa dyan, baka nga yan yung video ng scandal mo eh hahaha joke." Biro ni Kim kay Mia.


"Wala naman. Glimpse lang eh tapos blurred," kwento ko sakanila habang inaalala ko yung biglang nagpakita sa utak ko kahapon.


Pero parang feeling ko importante yun eh.


Umiling nalang ako at nagbihis nalang muna. Sinoot ko yung white tropical open shoulder romper ko at brown sandals.  Habang hinihintay silang matapos ay binraid ko na rin yung buhok ko na may konting laglag na buhok. Dinala ko na rin yung eco bag ko para sa mga gamit ko tulad ng sunscreen, bathing suit, and etc.


"Nakabathing suit na ba kayo sa loob?" Tanong ni Mia sabay taas ng dress ni Rach para tignan kung nakabathing suit ito.


"Hoy! What the hell?!" Agad 'tong binaba ni Rach pero huli na ang lahat  nakita na namin yung red niyang underwear.


"Ohh, bakit yan red ah?" May halong pang-aasar ni Mia at lahat kami natawa, except kay Rach.


"Gaga, bathing suit ko yan!" Deny ni Rach.


"Ganyan na pala yung itsura ng bathing suit? May pa-lace na hahahaha," asar pa ni Kim.


"Buti nalang hindi natin sila pinayagang mag solo room noh hahaha," sabi ko tsaka tumawa.


"Oo, kundi magkukulong lang sila sa kwarto buong araw." Napairap naman ng pabiro si Ava at tinignan ng masama si Rach, "Hindi niyo kami pinayagang isama yung mga jowa namin ah, magtiis kayo dyan."


Lumabas na kami sa room at naabutan namin yung mga lalaki na kakalabas lang sa kabilang room. Bumaba na kami sa restaurant para magbreakfast sana kaso naabutan naming closed.


"Ay, pasensya na po. Room service lang po muna ngayon dahil may event pong gaganapin dito." Sabi nung staff.


Nadismaya naman kaming lahat dahil gusto pa naman naming kumain mismo dito dahil maganda yung ambiance tapos ang sarap ng pagkain.  Practical din dahil hindi na namin kailangan lumabas para bumili pa ng pagkain.


"Papasukin mo na sila. May space pa naman na hindi gagamitin eh, doon nalang sila." Biglang may nagsalita kaya lahat kami napatingin sakanya at nagulat na si Gino pala yun.


"Ahh, sige po sir," Agad na sinabi nung staff tsaka tumingin ulit saamin. "Pasok na po kayo."


"Thanks, mhen," rinig kong sabi ni Edwin sabay tap ng balikat ni Gino.


Tumango naman si Gino at nginitian kami bago pumasok ulit at dumeretso sa may event room. Hindi ko naman matanggal yung tingin ko kay Gino na busy sa pagprepare imbis na inuutusan niya yung staff ay tinutulungan pa niya yung iba, ang hands-on niyang boss.


Maya maya lang, may mga dumating na matatanda at yung iba ay may mga kasamang bata, ginuide sila doon sa event room at isa isang pinaupo doon.


"Mukhang may charity event sila," sabi ni Rach habang nakatingin doon.


"Bilisan nalang natin yung pagkain para hindi na tayo makaistorbo," sabi ni Edwin at lahat kami um-agree.


Pagkatapos naming kumain ay nagbill check na agad kami at tumayo na pero bago umalis ay sumilip ulit ako sa loob ng event room at nakita kong naghihiyawan sila nung tumayo na si Gino at pumunta na sa unahan, doon sa may piano.


"Walang pong sisihan pag biglang umulan ah hahaha de biro lang po," sabi ni Gino at nagtawanan lahat pero tumahimik rin nung nagsimula na siyang magpatugtog.


Parang familiar yung piece na pinapatugtog niya, parang narinig ko na yan dati, hindi ko lang alam kung saan.


Nagsimula na rin siyang kumanta at doon ako mas lalong namangha, ang ganda ng boses niya. Nakatitig lang ako sakanya habang pinapanood siya na para bang kami lang dalawa ang andito sa loob. Naramdaman kong biglang bumilis yung tibok ng puso ko habang pinapakinggan siya. 


Sino ka ba talaga, Gino?


"Hey, let's go?" Nagising nalang ako nung may biglang umakbay saakin at nakita ko si Thomas na nasa tabi ko na pala.


"Ah, oo. Tara na," sabi ko at tumingin ulit kay Gino bago umalis.


Naging masaya naman yung araw, marami rin kaming nagawang activities dito sa resort. Hindi lang pala isang isla ang pagmamay-ari ng resort na ito, kundi tatlo at lahat yun pinuntahan namin tapos bawat isla may iba't ibang tourist spot pero minentain pa rin nila yung natural sites. Grabe, ang ganda.


Kinagabihan ay lumabas muna kami sa resort at kumain kami sa isa sa mga sikat na bulalohan dito sa Batangas. Hindi bulalo yung inorder namin, meron din crispy pata, kare-kare, grilled squid, at inihaw na bangus na may kamatis at kung ano ano sa loob.


Nagdasal muna kami bago kumain. Naunang kumuha si Thomas sa bulalo kaya hinintay ko muna siyang matapos pero nagulat ako nung inabot niya saakin yung maliit na bowl na pinaglalagyan niya ng bulalo.


"Here's yours. Akin na yung bowl mo," sabi niya kaya tinanggap na yun at binigay na sakanya yung bowl na dapat saakin. Kumbaga nagpalit lang kami ng bowl.


"Paabot naman po nung grilled squid," sabi ko dahil napunta sa kabilang dulo yung grilled squid, eh kanina pa ako nagcracrave dun.


Hindi ata nila narinig dahil busy silang lahat sa pagkwekwentuhan at paglamon kaya tatayo na sana ako pero biglang tumayo si Thomas at siya na kumuha nung grilled squid. Akala ko gusto rin niya pero nagulat ako nung bigla niyang binigay yun saakin pagkabalik niya sa upuan niya, which is sa tapat ko.


"Hindi, sige, ikaw muna," nahihiyang sabi ko.


"I don't like it."


"Eh, bakit mo kinuha? Hahaha baliw ka rin noh?" Tumawa ako at kinuha na yung plate ng grilled squid, "Salamat."


Pagkatapos kumain ay nag-C.R. muna yung ilan saamin, kasama na ako dun, bago bumalik sa resort. Papunta na sana ako sa parking lot pagkatapos kong umihi pero nung napadaan ako sa male's restroom ay bigla kong narinig yung pangalan ko kaya napahinto ako at nakinig muna.


"Bakit hindi mo pa kasi ligawan si Naomi, Thomas? I mean, she's all yours now, dude," rinig kong sabi ni Edwin sa loob ng C.R.


"Oo nga. Baka maagawan ka pa ulit nyan," dinig kong sabi ni Kenzo.


Ulit? So naagaw na ako dati sakanya? So tama nga sila, dati pa ako gusto ni Thomas at nagtangka nga siyang manligaw pero ngayon ko lang nalaman na may iba pala kaya hindi kami nagkatuluyan. Pero sino naman kaya yun? Yun ba yung lalaking nagpapakita madalas sa panaginip ko?


"I like her but I don't want to take advantage of her situation," sabi ni Thomas at nagulat ako nung bigla siyang lumabas ng C.R. Nagkatinginan pa kami bago siya ngumiti saakin at sabay na kaming pumunta sa parking lot.



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 896 44
S SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known a...
79.4K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
4.1K 129 48
YOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...