The Night in Tierra Fima | CO...

By ferocearcadia

44.8K 866 14

[Warning: R18+] What will happen when a complete stranger got all of your firsts? First touch, first kiss, fi... More

The Night in Tierra Fima
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Wakas

Kabanata 9

720 17 1
By ferocearcadia

Kabanata 9
Nice name

Maaga akong nagising dahil ito talaga ang natural na oras ng gising ko kapag nasa bahay ako. Idagdag mo pa na ngayon ang schedule ng interview ko kaya gumayak na ako. Maagap kong tiningnan ang oras and unfortunately, thirty minutes na lang ay male-late na ako sa interview ko.

I scratch my eyes and pop-out my cheeks while sitting on the edge of the bed. Bakit ba hindi ko maalis sa isip ko ang lalaking iyon at ang nasa huli ng text niya. L.A? Ano 'yon? Los Angeles? O initials ng pangalan niya. Whatever. I need to fix myself before I ran out of time.

Binuksan ko ang closet ko at nangunot ang noo ko nang wala na roon ang mga dati kong damit. Hindi ko ito napansin kagabi dahil sa sobrang pagod ko. Mabilis kong tinawag si Arthur dahil nahuhulaan ko na ang ginawa ng baklang 'yon.

"Arthur!" Sigaw ko mula sa kwarto ko.

Maya-maya, tumatakbo siyang pumasok sa kwarto ko nang nakasimangot.

"Oh my god, ate! That's so nakakadiri!" Naiiritang sabi nito sa 'kin ngunit hindi ko na pinansin 'yon.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya na agad naman niyang naintindihan kung anong tinutukoy ko.

"Ate, I've been up to something saint, like you know. I donated all of your clothes sa Home for the Aged. Alam mo na, 'yong mga matatanda roon kailangan ng mga damit and your clothes fits to them perfectly!" Tuwang-tuwa nitong paliwanag at pumalakpak pa.

Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi. Tiningnan kong muli ang closet ko na puno na ng mga bagong damit.

"'Di ba sabi ko sa'yo huwag mo nang pakialaman ang mga damit ko? At kanino galing ang mga 'to?" Sigaw ko sa kaniya.

"From ate Yerim. Binili raw nila 'yan ni ate Rafaella para sa'yo. Binigyan nga rin ako," ngiting-ngiti pa nitong sinabi kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

Inirapan ko siya na ginantihan naman niya. Wala na akong nagawa kaya pinaalis ko na siya sa kwarto ko.

Bumunot lang ako ng kahit na anong damit sa closet ko at mabilis na naligo. Nang matapos ako ay saka ko lang nakita ang suot ko.

Isa itong puting blouse na masyadong mababa ang neckline, skirt na pencil cut at pinatungan ko ng coat na black ang blouse ko nang sa gano'n ay hindi masyadong mahalay tingnan. Isa sa mga dahilan kung bakit malalaking damit ang mga sinusuot ko dahil malaki ang dibdib ko. Kapag nagsusuot ako ng mga fitted na damit ay nagiging mahalay tingnan lalo na't malaki rin ang balakang ko.

Mabilis akong nagpahid ng lotion at body spray.

Napangiwi ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Sobrang plain ng mukha ko at basang-basa pa ang buhok ko kaya nag blow dry muna ako saka naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos ako ay mabilis na akong nagpaalam kina Arthur at mama saka umalis na.

Nang makarating ako sa Acuzar Empire ay agad akong pinapunta sa office ng CEO dahil ito raw mismo ang mag-i-interview sa akin. Nang makalabas ako sa elevator ay napukaw agad ang tingin sa akin ng mga tao. Ramdam ko rin ang titig nila sa bawat kilos ko kaya naiilang ako.

Lumapit ako roon sa isang babae para magtanong.

"Hi, I'm Astraea. I'm here for my initial inter—"

"Oh yes! Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir. Kayo raw po ang nag-apply bilang secretary niya?" She asked me and smiled softly. Napatango na lamang ako.

Sa floor na ito ay alam ko nang hindi lang nag-iisa ang office ng CEO. Kasama na rin dito ang ibang mga high graded employee kaya naman naiiipit ko unconsciously ang nakatakas na hibla ng buhok sa gilid ng tainga ko.

Medyo naiilang din ako sa titig ng mga lalaking employee sa 'kin. Ang iba ay nginingitian pa ako. Ngayon lang ako natrato ng ganito. Hindi pala maganda sa pakiramdam.

Maya-maya pa, tinawag na akong muli no'ng babae at sinenyasan akong pumasok na kasabay siya. Nang makapasok kami ay bumungad kaagad sa'min ang utos nito. Nakatalikod ito sa'min at nakatanaw lang sa glass wall ng opisina niya. Kitang-kita roon ang city.

"Sir, nandito na po s—"

"Give me a damn coffee," putol nito sa sasabihin ng babae kaya napaismid ako. Matigas ang boses niya na animo'y galit.

Hindi na sumagot ang babae at lumabas na kaya naiwan ako sa loob. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nananatili pa rin siyang nakatalikod mula sa pwesto ko.

"G-good morning, Sir," I greeted him, stuttering like an idiot ngunit hindi siya sumagot.

Nakuha tuloy ng atensyon ko ang amoy ng opisina niya. It's utterly familiar to me. Sobrang manly ng amoy pero hindi masakit sa ilong. Pansin ko rin ang mga glass furniture at magagarang muwebles.

Napatingin muli ako sa kaniya na nanatiling nakatalikod. Matangkad ito at kahit nakatalikod ay halata mong may itsura. Malapad ang likod niya at tila matigas ito. Ang buhok nito sa likod ay parang sinadyang guluhin at mas lalong nakadagdag ng kaguwapuhan niya ang corporate attire nito.

Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko ngunit lakas-loob pa rin akong nagsalita.

"U-uhm, Sir..." I uttered. I didn't know what to say. I feel so intimidated!

"You're five minutes late, Miss Laxamana," sambit nito. "Interview pa nga lang ay late ka na, paano pa kaya kapag nagsimula ka nang magtrabaho rito?" Dagdag pa nito kaya nakaramdam ako ng pagkairita.

Ni hindi ko na napansin ang pamilyar na boses niya.

"I'm sorry, sir. Aalis na lang po ako," I said to him, irritated and emphasized the word 'Sir'.

Kahit kailangan ko ng trabaho ay hindi ko gugustuhing maging boss ang ganitong tao. Napakayabang! Five minutes lang naman iyon!

I was about to walk outside his office when he said something again.

"Did I command you to leave?" He sarcastically asked me.

I raised a brow on him. Nakatalikod pa rin ito.

"What do you want me to do, Sir?" I asked.

"Seat," he said. Gumilid ito ng tayo kaya nakita ko ang tangos ng ilong nito.

Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako sa tapat ng mesa niya.

"Sir—"

"Stop talking. I'm not asking you any questions yet," putol nito sa sasabihin ko.

Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa braso nang marinig ko ang boses niya nang mabuti. Kaboses na kaboses niya ang lalaking iyon na naging mahalaga sa 'kin. Kahit papaano.

Lalo akong nainis sa sinabi niya. I just want to apologize for being late! Tingin ba niya ay madaldal ako?

I was about to say something again when he finally faced me. Everything felt like a dream. Para bang bumalik na naman ang lahat nang makita ko ulit ang maaliwalas niyang mukha, half-moon shaped niyang mga mata at ang mga ngiti niyang 'yon.

Halos mahulog ako sa upuan ko nang mapako ang tingin niya sa 'kin. My lips are half open at ramdam ko na ang pamumula ng buong mukha ko.

He arched his eyebrow and smirked on me.

"So, Astraea Lumiere Laxamana," he said and tilted his head to me. "Nice name."

Wala akong makapang salita sa sarili ko na para bang tinakasan ako ng utak nang mga sandaling iyon. Bakit siya? Siya ba ang CEO?

Napalunok ako nang maraming beses, ngunit lalo akong nagulat nang lumapit ito sa 'kin at lumevel sa mukha ko.

He closed my jaw with his hand and smirked even more.

"Your jaw was dropping, darling. Keep it close or else..."

I blinked twice and bit my lower lip. He immediately looked away from me and sat on his swivel chair.

Tumayo ako nang mabilis at tumungo sa pintuan, ngunit bago pa ako makalabas ay may sinabi siyang muli.

"Nice to see you again, Astraea. You're hired," he said, emphasizing my name.

Mabilis akong lumabas at napahawak sa dibdib ko. Marahas akong huminga dahil kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko habang nasa loob ako.

"Are you okay?" Tanong sa 'kin no'ng babae kanina.

"Sabi ni Sir Levi ay kailangan mo pang bumalik bukas for short briefing, pagkatapos ay puwede ka nang magsimula," dagdag pa nito kaya mas lalo akong nanghina.

Levi... Acuzar. Yes. Casa de Acuzar and this Acuzar Empire. Bakit nga ba hindi ko naalala iyon? So, his name's Levi. Then, fuck you, Levi!

Mabilis akong umalis sa building na iyon at dumiretso sa publishing company kung saan kasalukuyan pa akong nagtatrabaho. Nang makarating ako roon ay dumiretso agad ako kay Miss Rochelle to confirm something from her. Bakit siya ang naroon? Bakit sa dinami-rami ng kompanya ay siya ang naroon kung saan ako lilipat?

"Yes, sila ang business partner ng mga Sandoval. Lahat ng kompanya ng mga Acuzar ay investor ng kompany natin at ng iba pang negosyo ng mga Sandoval. Why suddenly asked about that?" Takang tanong niya sa'kin na ang tinutukoy ay si Mr. Chairman—the president and CEO of this company.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang stress. "Kumusta ang interview mo? I heard, ang mismong CEO ang nag-interview sa'yo?" She added kaya mas lalo akong namoble nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Iyon ang CEO?" I asked her just to make sure.

Nakita ko ang pagtango niya habang nasa laptop pa rin nito ang tingin niya.

"Yes, the young CEO of Acuzar Empire, Levi Emmanuel Acuzar. So, how was it? Tanggap ka na ba?" Nangingiti niyang tanong sa'kin kaya inirapan ko na lamang iyon.

Bakit pakiramdam ko ay may alam siya tungkol sa bagay na 'yon. Naikuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari sa Tierra Fima pero hindi ko sinabi sa kaniya kung sino ang tinutukoy ko roon.

"Tanggap na ako but... is it possible—"

"Oh, no, Rae. I'm sorry. I know what you are trying to say. Unfortunately, pinirmahan na ni Miss Lim ang resignation letter mo and you're free to go basta ay tatapusin mo pa rin ang librong ilalabas mo dahil may kontrata iyon," paliwanag niya sa 'kin.

My jaw dropped again by what she said.

"Paano 'yong fifteen days ko, Miss Rochelle?"

Bumaling na ito sa 'kin ng tingin at isinara na ang laptop niya.

"You don't have to stay for fifteen days dahil gusto ni Mr. Acuzar ay magsimula ka na as soon as possible. He really needs a secretary, kaya nga agad ang pagtanggap niya sa'yo," she explained to me then smirked on me.

Oh no. Bakit pakiramdam ko ay parang sinasadya ng lalaking 'yon ang lahat ng 'to?

Tamad at naiirita akong lumabas mula sa office niya saka tumungo sa working office namin para magligpit ng gamit. Sumalubong sa'kin si Yerim na malungkot saka ako niyakap nang mahigpit.

"Bakit ka pa kasi aalis? Akala ko ba ay habang buhay ka na rito?" Inis na inis niyang sinabi sa'kin habang tinitingnan lang akong nagliligpit ng mga gamit ko.

Rafa isn't here. Lumabas daw saglit para bumili ng kape. Siguro ay sinadya niya lang puntahan si Sebastian. Alam ko namang may iba nang nangyayari sa kanilang dalawa.

"May lilipatan naman na ako. Malapit lang din dito ang company," tamad na sinabi ko sa kaniya.

Padarag siyang umupo sa swivel chair ko at mataman akong tiningnan.


"Are you sure about this? You can still withdraw your resignation if you want," she said, sadness clouded her features.

I simply nodded at her. Hinila ko ang isang swivel chair saka umupo sa tabi niya habang tinitingnan ang mga gamit ko.

As much as I wanted to withdraw my resignation, hindi na rin puwede dahil iyon ang sinabi ni Miss Rochelle. Besides, I don't think I can write this time. Pakiramdam ko kasi ay bigla na lang nawala sa pagkatao ko ang willingness sa pagsusulat dahil sa nangyari. Siguro para sa iba ay hindi big deal ang nangyari, pero para sa'kin ay sobrang laking bagay nito para sa'kin.

I grew up with so much decency. Ni hindi ako natutong uminom o makipagkaibigan kahit nag-aaral pa ako noon. Tanging si Yerim lang ang kasa-kasama ko madalas. Nang makapasok ako sa kompanyang ito ay saka namin nakilala si Rafa. Tanging ang utak ko lamang ang may alam sa lahat ng bagay dahil sa pagsusulat, ngunit halos lahat ay hindi ko pa nagagawa sa totoong buhay. Kaya nga siguro na-late na rin ang porma ko sa pananamit dahil masyado akong nag focus sa pagtatrabaho.

Kaya naman nang mangyari ang bagay na 'yon sa'min, parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko. Nagawa ko pa kasama ang hindi ko kilalang tao. How can I fucking do that?


"Basta dumalaw ka pa rin nang madalas sa staff house. Nandon lang naman kami palagi. Kung puwede nga lang na doon ka na lang mag stay para okay pa rin kahit papaano," Yerim said to me and rolled her eyes on me.

"Or puwede namang kami ang dumalaw sa'yo sa bagong lilipatan mo," Rafa uttered and gave me a hug.

Bago pa kami mag-iyakan ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Nagdesisyon akong umuwi muna sa bahay para sabihin kina mama ang mga nangyari. Nang makarating ako sa bahay ay siya lang ang nadatnan ko dahil si Arthur ay may pasok.

"Kumain ka na ba? Kaaalis lang ng kapatid mo," salubong nito sa'kin at kinuha ang dalawa kong box.

Tiningnan ko lang siya na bakas na bakas sa mukha ang pagod. Kahit kasi sinabi kong huwag na siyang magtrabaho ay kumukuha pa rin siya ng labada sa kapitbahay para maglaba. Para raw kahit papaano ay may naiaambag siya sa bahay na ito.

Marahas akong bumuntong-hininga at dumiretso sa mesa. Hinubad ko lang ang coat kong 'yon dahil nakaramdam na ako ng init sa katawan.

"Kumusta ang interview mo? Pasensya ka na, Rae anak. Kaya ko pa namang magtrabaho—"

"Hindi na, ma. Kailangan niyong magpahinga para hindi na lumala 'yang sakit ng likod niyo. Sa susunod na dayoff ko ay ipapa-check up na natin 'yan," putol ko sa sasabihin niya habang tinitingnan lang siyang ipinagsandok ako ng pagkain.

She forced a smile and gave me a sad look. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Napakaswerte namin ng kapatid mo sa'yo, Rae," she genuinely said to me. Her mouth curved into a smile.

Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa naging desisyon ko ay hinayaan ko na lamang magpahinga ang sarili ko sa kwarto ko. Ito ang una kong pahinga sa buwan na ito at sigurado akong bukas ay hindi magiging madali ang lahat. I can act professionally in front of him as long as hindi niya ako guguluhin sa oras ng trabaho. Puwede ko naman siyang huwag na lang pansinin pero sa tingin ko ay hindi maaari dahil siya ang boss ko. Secretary niya ako. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana lumipat na lang ako ng ibang department. I can edit and proofread some manuscripts! Sana pala ay doon na lang ako.

The other day was so hard for me dahil ramdam kong nananadya talaga siya. Masaya sana ang trabaho ko dahil marami na akong kakilala, bukod sa kusa silang lumalapit sa'kin pag pinipilit kong manahimik sa isang tabi, gusto lang daw talaga nila akong makilala dahil sa lakas ng loob kong mag-apply as his secretary.

Gaya ng isang 'to na panay na ang lapit sa'kin mula pa noong unang araw ko rito.

"Everything alright?" Tanong nito sa'kin nang makita niya siguro akong nakatayo lang sa gilid ng table ko.

Inaabangan ko kasi ang susunod na iuutos ng lalaking 'yon sa'kin.

Ngumiti ako nang wala sa sarili saka tumango. I sat down on my own swivel chair.

Gusto ko nang mag quit. Paano kung mag quit na lang ako at mag-apply na lang ulit as editor and proofreader? Kaysa sa ganito. Hindi ko yata kaya ito.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag type ng message para kay Miss Rochelle, asking if I can re-apply as an editor.


Miss Rochelle

Pagtiyagaan mo na muna 'yan, Rae. I'll inform you kapag nangailangan na ako ng editor.


Laglag ang balikat ko nang ibalik ko ang cellphone ko sa bag ko. Life was messing up with me and I can't make move, not because I don't want to but life was just so powerful that I couldn't win over it.

"Okay ka lang ba talaga? I'm Jaxon, by the way," I heard someone said.

I blinked my eyes and looked at him.

"Siguro'y mag lunch ka na muna. Wanna join me?" Marahan niyang tanong sa'kin.

Ngumiti ako nang alanganin at kalauna'y sumama na sa kaniya. Habang naglalakad kami patungo sa restaurant ng building na ito ay kinakausap niya ako.

"You can always talk to me. Kasabay kita sa time ng break," saad pa nito na tila nag e enjoy namang ako ang kausap niya.

Nakipag-kamay ako sa kaniya nang ilahad niya ang palad niya sa harapan ko.

"Astraea. Rae na lang," tamad na sinabi ko sa kaniya.

We had lunch together while talking about some stuffs, ngunit sumisingit pa rin talaga sa utak ko ang lalaking 'yon.

Bakit kasi nagkita pa kami at sa ganitong paraan pa? Hindi naman pumasok sa isip ko na magiging boss ko pa siya. Ang buong akala ko pa ay hindi na siya uuwi rito sa Manila dahil mukha namang nagkaayos na sila ng babaeng 'yon.

I can act with no malice in front of him pero hindi talaga kaya ng utak ko, dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang nangyari sa'min nang gabing 'yon. The naked version of him is still haunting my mind at wala na yatang balak pang umalis sa utak ko no'n.

Nang matapos kami ay bumalik na ako sa table ko. Halos buong araw na akong nakaupo rito at hindi alam ang gagawin ko.

Lumingon-lingon ako at napansin kong muli si Jaxon na nakatingin pa rin sa akin. Tumungo ito sa'kin at sumandal sa table ko.

"Fine. You can ask me," he said and smirked on me.

Ngumiti lang ako.

"Ano bang dapat gawin ko?" I asked him, pertaining to my office works.

"May inutos na ba sa'yo si Sir Levi?" He asked.

I frowned and tilted my head.

"Kanina ka pa walang ginagawa?" Gulat na tanong nito sa'kin.

Nakita ko ang pag-iling muli niya. "Just wait for his commands," he simply said. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya.

He seems nice. Gwapo pa.

Ilang oras pa ang lumipas at gumabi na. Isa-isa nang nagsisialisan ang mga empleyado. Maging si Jaxon ay umuwi na. Tanging ako na lamang ang nasa labas ng office niya, hinihintay kung may iiutos pa ba siya o uuwi na ako.

I decided to get a coffee and stand beside my table. I took off my coat, revealing my chest and arms. Hindi ko alam kung bakit naiinitan ako and at the same time ay nanlalamig ako.

Maya-maya pa, nagulat ako nang bigla na lamang siyang lumabas mula sa office niya at diretsong tumingin sa'kin mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pagtigil ng tingin niya sa dibdib ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Damn!" He hissed and looked away from me.

Mabilis akong nagsuot ng coat at napahawak sa kape ko. Nag-aalangan akong ngumiti sa kaniya.

"Uh... coffee?" I asked him.

"Fix your things and we'll be leaving," he said habang nakakunot pa rin ang noo at kagat-kagat ang ibabang labi niya. Still not looking at me at panay ang pagmumura sa hangin.

"Samahan mo 'ko sa condo ko," he added.

I suddenly find him so sexy, but he was so complicated. Bakit parang siya pa ang galit sa'ming dalawa? At bakit kailangan kong sumama sa kaniya sa condo niya?

Continue Reading

You'll Also Like

153K 2K 48
R-18 One of the most famous and successful C.E.O in town is lost to his friends. In able to to the bet, they dared him to play and have a one-night s...
77.5K 1.7K 36
Chryses Gil Fowler, A tourism Student and a Queen of pageants. She joined Binibining Pilipinas 2020 sponsored by her bestfriend, She refused it firs...
310K 12.8K 62
Matured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano...
225K 4.3K 32
"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "...