Eyes of Imperfection | Sixth...

By NeifileTheDreamer

6K 193 18

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #3: HOME ECONOMICS . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Home Economics is t... More

Eyes of Imperfection
Vlogger/Senior High School Series
Eyes I
Eyes II
Eyes III
Eyes IV
Eyes V
Eyes VI
Eyes VII
Eyes VIII
Eyes IX
Eyes X
Eyes XI
Eyes XII
Eyes XIII
Eyes XIV
Eyes XV
Eyes XVI
Eyes XVII
Eyes XIX
Eyes XX
Eyes XXI
Eyes XXII
Eyes XXIII
Eyes XXIV
Eyes XXV
Eyes XXVI
Eyes XXVII
Eyes XXVIII
Eyes XXIX
Eyes XXX
Eyes XXXI
Eyes XXXII
Eyes XXXIII
Eyes XXXIV
Eyes XXXV

Eyes XVIII

53 3 2
By NeifileTheDreamer

Whoever loves father or mother more than me is not worthy of me, and whoever loves son or daughter more than me is not worthy of me.
~Matthew 10:37

~*~

Ika-Labing Walong Kabanata

"MOM, Dad, her name is Coast. She is the one that I'm talking to," Cynic stated.

What does he mean? Do his parents already know me? I badly want to ask this question to him, but I think my tongue cut off.

"Really?" her Mom asked in shock.

"Ikaw pala si Coast," nakangiti namang sambit ng daddy niya.

Tumango ako sa kanila at nagmano. I think this is the best thing that I can do. Huminga din ako ng malalim at ikinalma ang aking sarili. I should greet them para hindi ako magmukhang rude.

"Hello po Ma'am, Sir--" Cynic's mom interrupts me.

"Just call me Tita Bree and call him Tito Time since you are friend of our son," mahinhin niyang wika.

"O--Okay po..." I stuttered.

Geez. Nakaka-intimidate naman ang mga magulang ni Cynic kahit na sa tingin ko ay mabait sila. 'Yong kapal talaga ng mukha ko ay tuluyan nang naglaho. Parang hindi na ako ang nasa aking katawan dahil kinain na ako ng hiya.

I think Cynic saw that I'm a little bit awkward in the situation and he walked toward me. His parents were just looking at us.

"Hindi naman sila nangangain ng tao, huwag kang kabahan," bulong niya sa akin na muntik ko nang ikatawa. Kung wala lang ang magulang niya sa harapan namin, nasapak ko na siya.

"By the way what are you two doing?" Tito Time questioned us.

Napatingin ako Kay Cynic. He just gave me a smile and turn to his parents.

"I invited Coast here because I'm hella bored. Magmo-movie marathon sana kami kaso dumating kayo," kaswal niyang sagot.

"You can continue it. Your Dad and I will just rest in our room."

"Sure, Mom. Hindi ninyo naman kasi ako ininform na ngayon kayo uuwi, ayan tuloy hindi ako ready."

His parents chuckled and Cynic dad mess his hair. Mukhang magtotropa lang ang asta nila sa isa't isa.

"We want to surprise you, anak. Besides kami nga ang na-surprise sa iyo," Tito Time answered and give us a teasing stare.

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya at mas lalong nahiya. I knew it! Sinasabi ko na nga bang hindi maiiwasang isipin ng parents niya na may ginagawa kaming kalokohan.

Kahit hindi direktang sabihin ni Tito ang nasa isip niya, alam ko na ito. Well, that's the mentality of the people.

"As much as we want to have chat with you guys, we are tired. We will rest now," Tita Bree said.

"May gusto ba kayo pagkapahinga ninyo? Para maihanda ko na," usal ni Cynic.

"Wala naman, makasama ka lang ulit namin, ayos na."

Aww. His parents are so sweet. Sana ganito na lang din ang mga magulang ko kapag umuuwi sila, kaso hindi. Puro sermon at pagkukumpara lang ang natatanggap ko sa bibig nila.

"Akyat muna kami sa kuwarto," paalam ni Tito Time.

Napatango na lang ako at nagtungo na sila sa second floor. Sumunod sandali si Cynic upang dalhin ang kanilang mga maleta. Naiwan akong mag-isa muli sa living room.

Muntik na talaga akong atakihin sa puso dahil doon. Geez. Biglang meet and greet with his parents ang naganap imbes na movie marathon. Speaking of that, parang nahihiya na akong ituloy ang panunuod namin.

His parents are in the house and I know for the fact that we might disturb their rest if we watch movie. Maingay pa naman ako kapag nanunuod, lalo na kapag nasa exciting part na.

"Coast!" Cynic called my name while walking down to stairs.

"Sorry pala kanina kung hindi kita nasabihan na uuwi sila Mom. Hindi rin ako inform gaya mo eh."

Halata naman sa kaniya. Para rin palang 'yong parents ko ang parents niya. Umuuwi na lang basta nang wala man lang pasabi. Ang kaibahan lang, sweet and caring ang magulang niya, akin hindi.

"Ayos lang 'yon! At least ngayon hindi ka na mabo-bored," sagot ko.

"So, tuloy na natin ang panunuod ng movie?" He asked

"Actually..." I paused for a while and think if my idea is much better.

"Actually what?" His forehead knotted.

"Cynic if you want huwag na natin ituloy ang panunuod ng movie. Ipaghanda na lang natin ng pagkain ang mga magulang mo— Sigurado akong gutom na rin sila dahil sa biyahe," I suggested.

Gaya ng naisip ko kanina, parang ayaw ko nang manuod. Sa aking palagay kasi ay mas mabuting abutan ng magulang ni Cynic na nahanda kami ng pagkain para sa kanila, hindi 'yong nakasalampak lang kami sa sofa at nanunuod ng TV.

"Alam mo, magandang ideya 'yan kaso ayos lang ba sa iyo?"

Agad ko siyang binigyan ng thumbs up. "Oo naman! Wala naman na akong gagawin eh. Tinulungan mo ako kanina sa assignment, ngayon ako naman ang tutulong sa iyo."

Cynic finally agrees after that. We both go to their kitchen to prepare a dish. From movie marathon to cooking, real quick. Makabawi man lang kila tito at tita dahil mukha akong tanga kanina sa harapan nilang dalawa.

"Ano ba ang favorite food ng parents mo?" Tanong ko kay Cynic.

"Hindi naman sila pihikan sa pagkain, but ang alam ko lengua in mushroom at paella ang paborito nila."

"That's a hard dish..." I whispered.

Mukhang mapapasabak kaming dalawa sa lutuan. Akala ko simpleng scrambled eggs lang ang paborito nila, hindi pala.

"I know the recipe that they will actually love and all I need is your assistance," Cynic said and he moves his brows upside down.

Oh well, binabawi ko na agad ang sinabi ko. Mukhang kampante naman si Cynic sa gagawin kaya go with the flow na lang ako.

Kumuha na kami ng ingredients sa pantry at refrigerator nila. Akala ko ay kukulangin kami ng sangkap pero nagulat ako nang malaman ko na mayroon din silang beef lengua na bibihira kong makita sa mga kusina.

"May mga pagkain bang wala sa pantry ninyo?"

"Wala, parang SM 'to. We got it all for you," he uttered and wink at me.

He chuckled. "Ang corny mo!"

"Sabi ko nga titigil na ako."

Inayos na niya sa counter top table ang mga nakuha naming ingredients. Ako naman, patuloy sa pagkausap sa kaniya.

"Ang weird lang kasi may dila kayo sa ref."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. Totoo naman eh, bakit sila may dila sa ref?

"Actually, kakabili ko lang niyan noong isang araw. Na-predict ko na kasi na malapit na umuwi ang parents ko kaya naisipa kong bumili para may stock ako."

"So, si Madam Auring ka na ngayon?" Biro ko.

"Hay naku, Coast! Kakabagin ako katatawa at hindi tayo matatapos kung 'di ka titigil kabibiro sa akin."

Ako naman ang hindi mapigilan ang sarili sa pagtawa. Geez, may point naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang saya naming pareho ngayon at ang lakas umiiral ang kalokohan namin.

Sinubukan ko, maging si Cynic na alisin sa katawan ang pagiging joker upang may matapos kami. Hindi naging madali pero kinaya naman. Nagkaka-asaran kami habang nagluluto, pero mabuti na lang at natapos namin ito.

Inabot kami ng halos isa't kalahating oras sa pagluluto. Mabuti na lang at nagpapahinga pa rin anng mga magulang ni Cynic, kami rin ay makakapagpahinga muna. Napagod din kasi kaming dalawa.

"Coast," tawag niya sa akin nang makaupo kami sa silya sa kusina.

"Oh?"

"Thank you for this day. For sure matutuwa sila Mom and Dad sa hinanda natin para sa kanila."

"Ano ka ba? Wala lang 'yon," sabi ko at nginitian ko siya. "Actually, kinakabahan nga ako eh. Baka mamaya hindi magustuhan ng parents mo 'yon pagkain."

"Hindi talaga," agad niyang sagot at nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.

"They will not like the food, they will love it," he added with assurance.

Muntik na talaga ako panghinaan ng loob sa sinabi niya noong una, pero may hirit pala siya. Medyo nawala ang kaba ko dahil doon. Hindi ko kasi sigurado kung ano ang panlasa ng magulang niya at baka mamaya hindi nga ito pumatok sa kanila.

"Stop worrying, my parents are not that picky on  foods. Besides, ang sarap kaya palagi ng luto mo, baka nga makalimutan nilang anak nila ako kapag nakatikim silang putahe mo."

"Bolero ka, pero salamat pa rin."

Nagtawanan kaming pareho at napatigil kami nang mayroon kaming narinig na yabag pababa ng hagdanan. Mukhang gising na ang parents niya. Nalalapit na nag paghuhukom sa mga hinanda namin.

Napaayos kami ni Cynic ng aming mga sarili at humarap kung saan nanggagaling ang yabag. Kinalma ko lang ang aking sarili at paulit ulit inisip ang sinabi ni Cynic kanina na magugustuhan nila ang niluto ko.

"Mom, Dad! How's your rest?" agad na tanong ni Cynic sa kanila nang makababa ng hagdan.

"It's nice. We really get a nice rest."

Lumingon si Cynic sa akin at tinitigan niya ako na para bang pinagmamalaki niya ako sa kaniyang mga magulang. Geez. This is weird.

"Anyway, Coast and I prepare dinner for us. We cooked your favorite lengua and paella."

"Really?" his Mom asked with amazement.

"Coast is also a good cook and I know that you will like what we prepare," pagmamalaki pa niya.

Masyado atang exaggerated ang pagmamayabang ni Cynic sa pagkain namin. Baka mamaya ay ma-disappoint lang parents niya. Geez. Hindi ko maiwasan ang mag-overthink.

"I'm excited to taste it. Come and join us. I also want to know about this your new friend."

Napangiti na lang ako ng hilaw at nagtungo na kaming lahat sa kusina. Hinanda na namin ni Cynic ang niluto namin sa parents niya. Tahimik lang ang atmosphere sa pagitan naming apat.

Nang maihain na namin ang lahat, naupo ako sa tabi ni Cynic at nanatiling tahimik. Hindi ko talaga alam ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa harapan ng magulang niya.

Usually naman maingay talaga ako, lalo na sa harapan ng parents ng kaibigan ko. Feeling close pa nga ako madalas, ngunit iba ngayon eh. Kakikilala ko lang sa kanila, takot ako gumawa ng kahit anong ikapipintas ko  sa magulang ni Cynic.

"Kain na tayo. We cooked your favorite paella and lengua," pag-aaya nito sa amin.

"Do you used our family recipe?" his Mom questioned.

"Yes po," tugon ko.

Baka mapanis na laway ko kapag hindi pa ako nagsalita, kaya ayan. Kita kong nagkatinginan si Tita Bree at Tito Time sa nalaman nila. Imbes na sagutin ako, sumandok sila ng paella at lengua upang ito ay tikman.

Nakatitig lang ako sa kanila at hinihintay ang magiging reaksiyon sa luto namin. Nakailang lunok na nga ako ng laway bago pa dumapo sa kanilang mga labi ang aming putahe. Nang malunok na nila ito, hindi ko mabasa ang kanilang mukha kung nasarapan ba sila or what.

"How is it?" Cynic asked.

Liningon siya ng kaniyang ina. "I will not lie, this is much better to the recipe."

"Ang sarap ng luto ninyo. Mukhang masisira ang diet namin," dugtong ng kaniyang daddy.

Halos mapatalon ako sa tuwa dahil nagustuhan nila ito. Tama nga si Cynic at nag-thumbs up siya sa akin matapos purihin ng kaniyang magulang ang putahe namin.

"Mukhang tataba ako dahil dito sa luto ninyo," biro ni TIta Bree.

"Pwede naman tayong mag-cheat day, Hon," pasaring ng kaniyang asawa.

Inirapan siya nito. "Binubulungan na naman ako ng demo--"

"Sige ituloy mo sa harapan ng bisita natin."

Napangiti na lang ako dahil sa inisan nilang ito. Biruin mo mag-asawa na sila at mayroon ng anak, pero ganito pa rin sila. Akala ko mga teenager lang ang nag-aasaran ng ganito, pati pala ang kasal na.

Mukhang nawala pa nga ang angas nila dahil sa luto namin. Cynic has a cool family. No wonder na parang tropa lang niya kausapin ito, pero may respect pa rin. Ang cute nilang tingnan kapag nagsama-sama, nakakainggit tuloy.

"Pagpasensyahan mo na ang mga magulang ko Coast, ganiyan talaga 'yan maglambingan."

"Cynic!" his parents called him and he just chuckled.

"In a serious note, masarap talaga ang luto ninyo. Tara, ubusin na natin 'to!"

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa kanila. Noong una, nakaka-intimidate sila, subalit habang tumatagal, nagiging komportable na ako. Nawala na rin 'yong kaba ko habang kaharap sila.

Matiwasay kaming kumain at hindi maiwasan ng parents niya na magbiruan. Parang sila 'yong mga high school students na in a relationship at kami ni Cynic ang matatanda na nanunuod lang sa kanila.

If I will have a family I want to be like them. Ang astig kasi talaga nilang tingnan.

Natapos kaming kumain na lahat at kinilala pa akong mabuti ng magulang ni Cynic. Kung kanina ay nabubulol ako kada salita ko, ngayon ay nakaipon na ako ng lakas na makipag-usap sa kanila. Nawala na kasi ang barrier sa pagitan namin.

"Paano ba kayo nagkakilala nitong anak namin?" tanong ni Tito Time.

Napatingin muna ako kay Cynic, kita kong nagpipigil siya ng tawa. Mayroon bang nakatatawa sa first meet up namin? Ang pagkakaalam ko kasi, iniiwasan ko si Webster noon nang nakita ko siya rito sa bahay nila. Then, the rest is history.

"Coast?" Tito Time called my name.

"Ahh— Noong nagpa-house blessing po kasi rito, invited kami. Doon po kami unang nagkita," simpleng sagot ko na lang.

Totoo naman ito, ang hindi ko lang sinabi ay nang una kong nakita si Cynic, nagtatago ako sa buwisit niyang pinsan.

"Genuine question, hindi ka ba natakot sa anak namin? I mean, you already know his condition right?" Tanong naman sa akin ni Tita Bree.

Para akong nasa interrogation room ngayon ah. Hindi ako prepared na ganito pala ang mangyayari. Geez. Parang gusto ko munang magpalamon sa lupa.

"Natakot po— pero hindi po dahil iisa ang mata niya. Na—Natakot po ako noong una ko siyang nakita dahil ang bossy po ng boses niya, parang mangangain," I startled. "Mas takot pa nga po ako sa pinsan niya," bulong ko na lang sa akin sarili.

"Pinsan?" they asked.

Namilog ang aking mukha. Narinig nila 'yon? Geez. Sana pala ay tinikom ko na lang talaga ang bibig ko. Nakakahiya!

"She's talking about Webster, Mom. Kaklase niya and you know him naman," Cynic answered.

Tumawa ang parents niya dito. So, ganoon pala talaga ang ugali ni Webster kahit sa harapan nila? What a jerk?! Just kidding.

"We are glad that Cynic also found a new friend like Yel that can accept his condition."

I smiled at them. Well, Cynic is a harmless person naman kaya bakit ko siya katatakutan? 

"It's not hard to be friends with him naman po. Ang saya nga pong kasama ni Cynic. He always invites me to cook food or just have a chat with him when he's bored."

Lumingon ako kay Cynic, nakita ko siyang nagpipigil ng kaniyang ngiti. Mukhang pumapalakpak na ang tainga niya dahil sa mga pinagsasabi ko. Makaalis lang kami sa harapan ng parents niya, paniguradong uulit ulitin niya ang papuri ko sa kaniya.

Nagulat ako nang hawakan ni Tita Bree ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya ay nakita kong nangungusap ang kaniyang mga mata.

"Thank you for being there for our son when we are not around," saad niya sa akin na ikinabigla ko.

Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya, marahil ay minsan lang talagang makahanap ng totoong kaibigan si Cynic. 'Yong tatanggapin siya ng buo at kung ano man ang itsura niya.

"You don't have to thank me naman po. Masaya po akong naging kaibigan ang anak ninyo," tugon ko.

Sasagot pa sana si Tita Bree, ngunit umeksensa si Cynic. "Weh? Totoo ba? Parang hindi naman."

"Edi hindi, madali naman akong kausap."

Nagtawanan kaming apat dahil sa sinabi ko. Napakasaya kasama ng pamilya ni Cynic, sa totoo lang. Nagkuwentuhan pa kami saglit at napuno na ito ng halakhak.

Nang lumalim na ang gabi, nagpaalam na ako sa kanilang tatlo upang umuwi. Nagprisinta na si Cynic na ihatid ako sa tapat ng bahay namin upang masigurado raw na walang mangyayari sa akin na masama.

Nang makatawid kami sa kabilang kalsada kung nasaan lang ang bahay namin, dumako ako ng tingin sa kaniya. Magpapaalam at magpapasalamat ako sa kaniya ngayong araw dahil kahit papaano, nawala ang aking mga isipin.

"Cynic."

"Coast."

We both chuckled when we called our names in chorus.

"Ikaw ah, hindi mo sinasabi sa akin na thankful kang maging kaibigan ako," biro niya.

Sinasabi ko na nga bang i-o-open up niya itong topic na 'to once na mawala sa tabi namin ang parents niya. Basang basa ko na si Cynic.

"Puro kaplastikan lang kaya ang sinasabi ko sa Mama mo," bwelta ko.

"Ahh ganoon pala, sige susumbong kita."

I crossed my arms. "Edi isumbong mo. Bff na kami ni Tita Bree, baka hindi ka niya paniwalaan."

Cynic sighed and I guess its a sign of defeat. Ganado ata akong ilabas ngayon ang pang-aasar mode ko dahil naipon kanina ang laway ko nang aking kaharap ang parents niya.

"Gabing gabi na, hindi pa rin nawawala ang kalokohan mo sa katawan noh?"

"Ikaw din naman—" Hindi na natapos ni Cynic ang kaniyang sasabihin dahil bigla kaming nakarinig ng malakas na kulog.

Mukhang nais na ng langit na paghiwalayin kami ah. Sumosobra na raw kaming dalawa.

"Pinapauwi ka na ng kulog," usal ko habang natatawa.

"Oo nga eh. So, paano ba 'yan?"

I raised my brows. "Are you waiting for me to say good night?"

Sasabihin ko naman talaga ito sa kaniya, kaso naisip kong pag-tripan siya. Last pang-aasar ngayong araw kay Cynic.

Nakita ko siyang nagkibit balikat at binigyan ko siya ng mapang-inis na ngiti. Kaso lang, parang wala lang ito sa kaniya.

"Good night Cynic from your prettiest and best cook friend."

He winked at me. "Good night, I'll see you in the dream land."

~*~

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...