Out of this world (The Magica...

由 Its_Jadexx

2.7K 186 439

Athena Jaden Ramos is a writer in a very well known company in the city of manila. Her novels are famous all... 更多

Disclaimer!
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 6

185 13 44
由 Its_Jadexx

[Kabanata 6]

Magaganda at mababangong bulaklak ang sumalubong kila Prinsipe Mizra at Prinsesa Lianna nang makarating sila sa napakalaki at napakaluwang na hardin.

Mahilig sa mga bulaklak ang dating reyna na ina ni Prinsesa Amalia at Prinsipe Adelio kaya simula nang mawalan ito ng buhay, ipinag utos ng hari na panatilihing buhay at malinis ang hardin.

"Ano ang iyong sasabihin?" tanong ni Prinsipe Mizra habang naka tingin sa malayo. Hindi niya magawang tignan ang dalaga sa mata dahil natatakot ito na baka bumalik sakanya ang lahat ng nakaraan nilang dalawa.

Mahigit tatlong taong ang relasyon ni Prinsipe Mizra at Prinsesa Lianna at alam ni Mizra na hindi ganon kadaling kalimutan ang lahat maslalo na't isang taon palang silang naghiwalay.

Sa katunayan, hindi pa tapos ang pag aaral ni Prinsipe Mizra ng iba't-ibang uri ng mga armas. Bumalik lamang siya rito upang tuparin ang kanyang pangako sa kanyang ama na magpakasal kay Prinsesa Amalia.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa pag taboy ko sayo noon. Gusto ko lang naman na maging masaya ka at matupad mo ang iyong mga pangarap," saad ni Lianna at kinuha ang dalawang kamay ng Prinsipe.

"Nangyari na ang lahat. Kalimutan na natin ang ating nakaraan," tugon ni Prinsipe Mizra. Inalis ni Prinsipe Mizra ang pagkahawak ni Prinsesa Lianna sa kanyang dalawang kamay at tumingin sa dalaga.

"Nawa'y maging masaya kayo ni Prinsipe Adelio." Ngumiti si Prinsipe Mizra sa dalaga at akmang aalis na nang magsalita muli si Prinsesa Lianna.

"Mahal pa kita, Prinsipe." Agad na napatigil si Prinsipe Mizra sa mga sinabi ni Prinsesa Lianna. Makikita sa mukha ng Prinsipe ang pagkagulat at pagkainis.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Lianna?" inis na tanong sakanya ni Prinsipe Mizra. Ngumiti ng kaunti si Prinsesa Lianna at lumapit muli kay Prinsipe Mizra. Sinusubukan ng Prinsipe na hinaan ang kanyang boses dahil baka may makarinig sakanila.

"Hindi ko kayang mag pakasal sa iba. Pinag sisisihan ko ang lahat. Nag mamakaawa ako sayo Prinsipe Mizra." Hinawakan niya muli ang kamay ng Prinsipe ngunit agad din itong inalis ng binata.

"Tumigil ka na," suway ng Prinsipe sa dalaga.

"Sumama ka saakin. Mag pakalayo-layo tayong dalawa," saad pa ni Prinsesa Lianna. Dumilim ang mukha ng Prinsipe at agad niyang kinuyom ang kanyang dalawang kamay at bumuntong hininga para pakalmahin ang kanyang sarili.

"Alam kong mahal mo pa ako." Inilagay ng Prinsesa ang kanyang isang kamay sa kanang bahagi ng pisngi ni Prinsipe Mizra at bahagyang ngumiti.

"Hindi na kita mahal Prinsesa Lianna! Sa katunayan, si Prinsesa Amalia na ang tinitibok ng aking puso." Alam ng Prinsipe na may kaunting pagtingin pa ito kay Prinsesa Lianna ngunit, may parte sa kanyang puso na nag sasabing, palayain niya na ang nakaraan at mag simula ng bagong pahina ng kanyang buhay.

Sa lahat ng mga sinabi ni Prinsesa Lianna, naging malinaw na kay Prinsipe Mizra ang lahat. Ngayon niya lang nakita ang tunay na ugali ng Prinsesa at sobrang laki ng kanyang pag sisisi na minahal niya ang babaeng iyan...Totoo talaga ang mga sabi-sabi ng mga tao na magkalayo ang ugali nila Prinsipe Gabriel at Prinsesa Lianna sa isa't-isa dahil napakabait ni Prinsipe Gabriel habang ang kanyang kapatid naman ay laki sa layaw.

"Hindi! Alam kong mahal mo pa ako---"

"Pwede ba! Tigilan mo na ako. Ikaw ang unang bumitaw sa 'tin kaya hayaan mo na akong maging masaya sa iba!" inis na sambit ng Prinsipe. Napatigil si Prinsesa Lianna at bahagya niyang ibinaba ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ng Prinsipe.

Nanatili silang naka tayo sa gitna ng napakalaking hardin at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa si Prinsesa Lianna nang biglang may pumasok na guwardiya doon at yumuko kay Prinsipe Mizra at Prinsesa Lianna. Napabuntong hininga ang guwardiya at tumingin kay Prinsipe Mizra bago ito mag salita.

"Pasensya na po sa abala ngunit, si Prinsesa Amalia po..." Agad na lumaki ang mata ni Prinsipe Mizra nang marinig niya ang pangalan ni Athena.

"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ng Prinsipe at akmang aalis na at iiwan na si Prinsesa Lianna nang mag salita ulit ang Prinsesa.

"Bibigyan kita ng isa pang pag kakataon. Mamili ka, ako o si Amalia?" Umiling ang Prinsipe at humarap muli sa dalaga.

"Para ka talagang bata kung mag-isip! Hindi mo na ako kailangang papiliin dahil buo na ang desisyon ko na si Amalia ang pinili ko!" saad ng Prinsipe. Tumalikod ito sa Prinsesa at nagmadaling lumakad paalis kasama yong guwardiya.

Dahil sa inis na nararamdaman ni Prinsesa Lianna, sinabunutan niya ang kanyang sarili at agad na tinadyakan ang halaman na kanina pa dumidikit sa kanyang pulang bestida.

*******

"Anong nangyayari?" Umupo si Prinsipe Mizra sa gilid ng kama ni Athena at hinawi ang kanyang buhok na naka harang sa kanyang maamong mukha.

"Sobrang taas ng kanyang lagnat at sa kabilang bayan pa nabibili ang halamang gamot na mag papagaling saaking kapatid. Hindi ko alam kung nakabukas pa sila sa ganitong oras pero susubukan ko paring pumunta." Tanging si Prinsipe Mizra at Prinsipe Adelio lamang ang nandito loob ng silid ni Athena.

"Maari bang ikaw muna ang mag bantay saaking kapatid at isasama ko si Naya bilang kasama ko saaking paglakbay patungo sa kabilang bayan," saad pa ni Prinsipe Adelio. Napa tango si Prinsipe Mizra at patuloy na pinagmasdan ang natutulog na si Athena.

"Nawa'y maging ma-ingat kayo sa inyong paglalakbay. Ako na ang bahala kay Prinsesa Amalia." Matapos mag paalam ni Prinsipe Adelio ay tuluyan na siya lumabas sa napakagandang silid ng kanyang kapatid.

Marahang tumayo si Prinsipe Mizra sa pag kakaupo at kinuha ang isang puting labakara na nasa gilid ng kama. Medyo tuyo na ito kaya inilagay niya ito sa isang maliit na palanggana upang basahin ito ng kaunti bago niya punasan ang mga kamay at mukha ni Athena.

Piniga ni Prinsipe Mizra ang labakara at marahang umupo sa tabi ni Athena. Itinaas nito ang isa niyang kamay at maingat na pinunasan ito gamit ang basang labakara.

"Mmmm Laura, natutulog ako ano bang problema mo?" Sambit ni Athena habang naka pikit ang kanyang mga mata. Inalis ni Athena ang pagkahawak ni Prinsipe Mizra sa kanyang kamay at tiyaka tumalikod upang mayakap niya ang isang malaking unan sa kanyang tabi.

Bumuntong hininga ang Prinsipe at hinila muli ang kamay ni Athena.

"Ma! Si Laura ohh! Ayaw akong tantanan," inis na saad pa ni Athena at inalis muli ang kamay niya sa pagkahawak ni Prinsipe Mizra.

"Tsk! Wag ng matigas ang ulo," tugon ng Prinsipe at kinuha ulit ang kamay ng dalaga sa huling pagkakataon.

Pagkalipas ng ilang minuto, napag desisyonan ni Prinsipe Mizra na matulog nalang sa maliit na sofa dito sa loob ng silid ni Athena upang mabantayan ito ng maayos.

Tinangkang kunin ng Prinsipe ang malaking unan na yakap-yakap ng dalaga ngunit, mas humigpit pa ang pagkayakap ni Athena rito. Napakamot sa ulo ang Prinsipe at akmang aalis na sana nang hilain ni Athena ang kanyang kamay dahilan para mapahiga ito sa tabi ng dalaga.

"Ano ang iyong ginagawa? Hindi pa tayo pwedeng matulog sa iisang kama---"

"Shhh." Tinakpan ni Athena ang bunganga ng Prinsipe at niyakap ito ng napakahigpit.

"Prinsesa Amalia, ako ang mananagot kapag naabutan tayo ng iyong kapatid at ama," kinakabahang sambit ng Prinsipe. Hindi nagsalita ang dalaga at mukhang mahimbing parin ito sa pagtulog.

Bumuntong hininga ang Prinsipe at ipinikit nalang rin ang kanyang mga mata.

********

Lumipas ang ilang araw at medyo umayos na ang kalagayan ni Athena. Ligtas na nakabalik sila Prinsipe Adelio at Gwen sa pag lalakbay at laking tuwa ni Prinsipe Mizra na siya lang ang nakakaalam na natulog sila ni Athena sa iisang kama. Wala ring maalala si Athena sa mga nangyari kaya itinikom nalang ni Prinsipe Mizra ang kanyang bibig.

"Wala na tayong oras! Hindi tayo nakakasiguro kung anong araw o oras aatake ang hari ng pulang bundok!" Napatayo si Athena nang marinig niya ang sigaw ng kanyang ama sa kabilang silid. Kasalukuyang nasa silid-aklatan sila ni Gwen.

"Wag po kayong nag alala mahal na hari. Nag padala ako ng dalawa sa mga tauhan ng aking ama upang maging espiya sa pulang bundok. Tagumpay na nakapasok ang mga iyon sa loob ng kaharian at agad agad nila tayong bibigyan ng senyas kung may plano muli ang hari ng Ruby na sakopin ang ano mang kaharian." Boses ni Prinsipe Gabriel ang kanilang narinig kaya agad na lumapit si Athena sa dingding at inilapit ang taenga niya doon.

"May tiwala ako sayo Prinsipe Gabriel, kaya papaniwalaan ko ang iyong mga sinasabi," saad ng hari.

"Anong ginagawa niyo?" Gulat na napa tingin si Athena sa napakalaking pintuan nang mag salita si Prinsipe Mizra. Nakangiti ang binata habang papalapit kay Athena kaya agad na nag taka ang mukha ng dalaga. Madalas na naka simangot at poker face ang mukha ng Prinsipe kapag nakikita nito si Athena ngunit, mukhang maganda ata ang gising ng Prinsipe ngayon at napangiti ito nang makita ang dalaga.

"Anong problema mo?" Tanong ni Athena sa Prinsipe at tinignan ito ng taas, baba.

"Uhmm, may gagawin ka ba mamayang gabi?" tanong ni Prinsipe Mizra kay Athena na ngayon ay nag tataka parin sa inaasta ng Prinsipe.

"W-wala bakit?" utal na tugon ng Prinsesa. Nanatiling naka tayo si Gwen sa isang sulok ng silid-aklatan at pinapanood ang dalawa habang naka ngisi.

"Gusto ko sanang manood ng bulalakaw mamayang gabi at gusto kitang kasama," saad ni Prinsipe Mizra kaya tumaas ang isang kilay ni Athena.

"Eh ba't kasama pa ako?" nag tatakang tanong ni Athena.

"Eh ikaw nga gusto kong makasama," tipid na tugon ng Prinsipe dahilan para kiligin si Gwen sa kanyang kinakatayuan. Tumingin si Athena kay Gwen at tinignan niya ito ng napakasama dahilan para matigil ito sa pag tawa.

"Hoy, tumigil ka nga diyan!" suway ni Athena kay Gwen.

"O, ano? Payag ka? Mamayang gabi?" tanong muli ni Prinsipe Mizra kay Athena. Bahagyang napaisip si Athena.

"Ba't hindi ka nalang mag pasama kay Prinsesa Lianna? Mas pinili mo pang sumama sakanya kesa saakin nung isang araw!" Sarkastikong sambit ni Athena dahilan para mapa singkit ang mga mata ni Prinsipe Mizra.

"Hindi ba't ikaw ang nag pumilit saakin na sumama ako sakanya?" Tanong ni Prinsipe Mizra sa dalaga.

"Wala akong naalala na pinilit kitang sumama sakanya!" saad ni Athena upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

"Ayos lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Mukhang mahalaga ang sasabihin ni Prinsesa Lianna kay Prinsipe Mizra." Itinaas ni Prinsipe Mizra ang kanyang isang kilay nang matapos niyang gayahin ang mga sinabi ni Athena nung gabing iyon. Napatigil si Athena habang hindi na napigilan ni Gwen ang kanyang tawa.

"Ah Basta! Wala akong sinabi!" inis na saad ni Athena tiyaka umirap.

"Tapos na tapos na kami ni Prinsesa Lianna." Ngumiti muli si Prinsipe Mizra kay Athena nang sabihin niya iyon.

"O, tapos? Ba't mo sinasabi sakin yan ngayon?"  Nakakunot ang noo ni Athena habang nag sasalita. Lumapit sakanya si Prinsipe Mizra at inilapit nito ang kanyang mukha sa tenga ni Athena.

"Wag ka ng mag selos," bulong ni Prinsipe Mizra sa dalaga dahilan para lumayo sakanya si Athena at sinabing...

"Hoy, hindi ako nag seselos! Alisin mo nga yang mga walang kwentang bagay na yan sa utak mo!"  tanggi pa ni Athena.

"O sige, hindi ka na nag seselos, pag bibigyan kita pero sasamahan mo ako mamayang gabi ha?" saad ni Prinsipe Mizra dahilan para mapairap muli sakanya si Athena.

"Oo o hindi?" tanong pa ni Prinsipe Mizra. Hindi alam ni Athena kung ano ba ang laman ng isip ng Prinsipe ngunit, parang may nararamdaman siyang saya dahil sa mga inaasta ng binata.

"Saan ba?" inis na tanong ni Athena dito.

"Sa inyong hardin," tipid na tugon ng Prinsipe.

"Pishh! Don lang naman pala, sige na nga!" saad ni Athena kaya maslalong napangiti ang Prinsipe...

****

#outofthisworld.

繼續閱讀

You'll Also Like

2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
4.1M 191K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
372K 27.6K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...