"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2

5.2K 227 44
By SsweetySakura

[=Nexzeuss Lawrence=] :

"Prinsipe Nexzeuss ayos lang po ba kayo."

Kita ko ang pagkataranta sa mukha ni kuya Haogu ng makita niya ako pagka pasok sa aking sariling Dormitoryo sa Akademya.

Pagkatapos ko maka usap ang Opisyal ng katarungan at makatakas sa baliw na Prinsesa kanina ay dumiritso na ako dito dahil sa kumukulo parin ang dugo ko sa Prinsesang baliw na yon.

"Ayos lang ho ako kuya, huwag po kayo mag alala."

Magalang ako kay kuya Haogu pag kami lang dalawa pero pag may ibang tao o kahit si Jaquas ay gusto niyang tawagin ko siya sa kanyang pangalan bilang isang Pansariling Mayordomo ko.

"B-bakit magulo ang iyong buhok, at gusot ang iyong damit, Prinsipe Nexzeuss?"

Lumapit ito sa akin upang tulungan ako sa pag tanggal sa aking maskara at talukbong.

"Dahil nakipag sambunotan at nakipagkagatan ako sa isang baliw."

Sa tuwing na aalala ko ang babaeng baliw na yon ay mas lalo lang akong nasusuklam sa magaspang niyang pag uugali.

Isa siyang mapangahas upang hawakan at saktan ang isang tulad ko.

Kahit kailan ay hindi pa ako nakakasalamuha nang isang tulad niyang parang hindi normal ang pag iisip.

"Dinakip na ba ang baliw'ng mapangahas na iyon Prinsipe Nexzeuss?"

Napatawa naman ako sa galit na ekspresyon ni kuya Haogu na ikinatigil naming dalawa.

Dapat hindi ako tumatawa pag dating sa babaeng yon.

"Ahh, oo kuya d-dinakip na ahmm pwede niyo na pong ibalik sa dati ang kulay ng aking buhok at mga mata. At diba sabi ko naman sayo kuya Haogu na tawagin mo nalang akong Nexx."

Pag iiba ko sa aming paksa ng makita ko itong naka tingin sa akin ng mariin pagkatapos nito marinig ang aking tawa.

"Sigi."

Pagsusuko nito dahil alam na niyang hindi na ako sasagot sa mga tanong niya.

Pinaiba ko ang kulay ng aking buhok at mata sa kadahilanang ako lang at aking ama ang may ginintuang mata at buhok kaya kahit mag maskara ako ay may tsansang makilala parin ako ng iba.

Galing sa itim kung buhok at mga mata ko kanina ay bumalik na ito sa dati nitong kulay na ginto.

Pagbabago ng pisikal na anyo ang kapangyarihan at mahika ni kuya Haogu pero hindi pa niya kayang baguhin ang buong kabuoan ng isang tao dahil narin sa maraming mana ang kakailanganin pag buong hitsura na ng tao ang babaguhin nito.

Pagkatapos niya maibalik ang dating kulay ng aking mga mata at buhok ay dumiritso nalang ako sa banyo para makapag ligo.

Inuutusan ko nalang si kuya Haogu na magdala nalang ng pagkain sa aking opisina dahil doon nalang ako kakain para narin masimulan ko na ang mga nakaimbak na mga trabahong na iwan ko.

Napa buntong hininga ako sa desisyong binitawan ng Opisyal ng katarungan kanina.

Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan ang mga panuntunan sa sarili kong Kaharian.

"Pasensya na Ginoong Rence, sapagkat ito lang ang pwede kong maibigay sa kanila dahil ksa lang naman silang mga babae".

Nandilim ang mga mata kong nakatingin sa sinabi ng Opisyal nang katarungan.

Rence ang binigay kong pangalan sa kanya para maitago ko ang aking pagkatao.

"Isang mga babae lang? Aba't napaka gag-.."

Agad kong tinakpan ang bibig nong babaeng baliw dahil sa magmumura na naman ito.

Hindi sa ayaw kong murahin niya ang Opisyal na ito pero dahil sa baka bawiin nito ang ibinigay niyang desisyon para sa mga babaeng nailigtas namin kanina.

Isa pa hindi siya naniniwala sa kanilang sinasabi at kung hindi dahil sa isa akong lalaki ay baka maging mawalang kabuluhan na lamang ang aming pag punta rito.

"May sinasabi kaba, Binibining Darna?"

Mas lalo ko pa diniinan ang pagka hawak sa kanyang bibig dahil sa nag pupumiglas na ito sa aking pagkaka hawak at gusto-gustong sumagot ng pamura sa opisyal ng katarungan.

Pero iba din ang naisip niyang pangalan eh.

Darna.

Kakaiba at parang natatangi.

"Mmmhhh-mmhhhh."

Hinila ko na siya papalapit sa akin at pumwesto ako sa kanyang likurang bahagi para maigapos ko nang mabuti ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan gamit ang isa kung kamay habang ang isa naman ay nasa kanyang bibig na naka takip.

Pilit parin itong nag pupumiglas at nagsasalita na naging ungol lang dahil sa mas pinwersahan ko pa ang pag yapos at pag takip sa kanyang bibig.

Parang dito pa yata ma ubos ang lakas ko sa babaeng ito.

Kababaeng tao pero talo pa yata ang isang lalaki sa sobrang lakas.

"Pasensya na Ginoong Legaro. Lilisan na kami at salamat sa iyong tulong."

Mabilis ko namang binuhat ang babaeng hawak ko dahil sa maliit lamang siya sa akin ay walang kahirap-hirap ko siyang nabuhat palabas sa ganoon paring posesyon.

Sinabihan ko na rin ang mga babae na sumunod sa amin upang mapag usapan ang hatol ng Opisyal.

"Aba't Gago ka ahh. Bakit kaba nangyayapos huh? Dapat sa mga gagong katulad ng matandang iyon ay minumur-.."

Mabilis ko ulit siyang niyapos at ginawa ang ginawa ko kanina sa kanya dahil sa napapatingin na sa amin ang mga taong dumadaan at kita ko ang pag ngiwi nong mga babaeng nailigtas namin dahil sa sobrang lakas ng kanyang boses.

Bakit ba hindi ito makapag salita ng walang halong mura sa kanyang bibig.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito.

Kababaeng tao pero ang lakas mag mura.

"Pasensya na mga Binibini. Huwag kayo mag alala ako na ang bahala sa mga kailanganin ninyo. Ipapadala ko nalang ito sa mga tao ko. Pwede na rin kayo umuwi sa inyong mga tahanan."

Nagpapasalamat naman sila sa aming dalawa nitong Prinsesang nag pupumiglas sa aking pagkaka hawak.

Binitawan ko naman ka agad ang Prinsesang baliw pagka alis nong mga babaeng aming na iligtas at kita ko ang matalim na pagkakatingin nito sa akin na binabaliwa ko lamang dahil sa iniisip ko parin ang naging hatol ni Legaro Luvaswon na siyang Opisyal ng katarungan.

Sinabihan lang niya ang mga babae na umuwi sa kani-kanilang tahanan at papadalhan lang ito ng tulong.

Kahit ang pagpapagamot sa mga pasa at sugat na natamo nila ay hindi niya pinagbigyang pansin at binabaliwa lamang sa kadahilanang baka gawa-gawa lamang daw nila ito para maka hingi ng pera mula sa kaharian.

"Aray, ano ba ang problema mong baliw ka?"

Naputol ang pag iisip ko ng bigla nalang niya dinakma ang aking braso at kinagat.

Bwesit ang sakit.

Kahit hindi ko ugali ang pagmumura ay hindi ko talaga mapigilan pag itong Prinsesang baliw na ito ang kaharap ko.

Subalit sa halip na sagutin ako ay muli na naman niyang hinawakan ang braso ko at kinagat ulit.

"Tang*na, bitiwan mo ang braso ko. Ano ba, Aray."

Pilit ko tinutulak ang kanyang noo gamit ang aking palad habang hinihila ko ang aking braso mula sa kanyang pagkagat-kagat.

Marami na ang nakatingin sa amin ngayon at nag simula naring nagbubulongan ang iba.

Nakakahiya ang sitwasyon namin at gusto ko nalang mag laho pero hindi ko magawa dahil naka dikit parin ang ngipin nitong baliw na ito sa aking braso.

Sino ba naman ang hindi pag uusapan kung ganito ang aming hitsura na nagmukha na siyang isang asong ulol na kagat-kagat ang aking braso habang ako naman ay tinutulak ang kanyang noo.

Umiikot-ikot narin kami ngayon sa aming pwesto dahil sa ayaw niya talaga bumitaw.

Wala na akong ibang magawa pa kundi ang kagatin rin ang kanyang kamay na naka hawak sa aking braso kaya ang naging hitsura namin ngayon ay nakipag kagatan sa isa't-isa.

Mas lalo lang tuloy ako nahiya sa pinaggagawa namin sa baliw na ito dahil parang nahawaan pa yata ako nito pero wala na akong mapagpipilian pa kundi ang gumanti nalang din dahil parang kakainin niya talaga yata ang aking braso sa lakas ng kanyang pag kagat.

"Aray, Gago ka talagang unggoy ka."

Mabilis agad ako kumaripas ng takbo papalayo sa kanya ng maka bitaw siya sa akin dahil sa aking pag kagat sa kanyang kamay.

"Bumalik ka dito unggoy ka, kakainin kita ng buhay. Bwesit ka."

Mas binilisan ko pa ang aking pag takbo ng hinahabol niya ako.

Bwesit talaga!! mukha na siyang asong ulol na aswang.

Mukha na rin talaga kaming mga baliw na nag hahabulan sa maraming tao.

Buti nalang at hindi ako makikilala ng lahat dahil kung hindi ay baka hindi na ako lalabas pa sa aking silid sa sobrang kahihiyan.

Pumasok ako sa isang eskinita na walang ka tao-tao at mabilis na naglaho gamit ang aking mahika.

Padabog kong kinuskus ang aking ulo ng dumagdag sa problema ko ang baliw na Prinsesang iyon.

Hindi rin ako pweding basta-basta na lamang gagamit ng aking mahika sa maraming tao dahil sa ako lang din ang may mahikang kayang mag laho at baka malaman ng aking ama na naglilibot ako sa kaharian ng Llum.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ayaw niyang nakikisalamuha ako sa mga mamayan.

Sa tuwing lumalabas ako ay nagagalit ito na humahantong sa pagkulong ng aking mahika at kapangyarihan kaya dapat hindi umaabot sa kanya ang ginagawa kong pag papatrolya sa buong kaharian.

.

.

.

.

.

.

.

.

[=Miragh=] :

Padabog kong binuksan ang pintuan ng aking dorm na naging dahilan upang mapatalon sa gulat sina Navah at Radya.

"Prinsesa Xhandria, bakit magulo ang buhok mo hanggang sa iyong kasuotan. Ano po ang nangyari sa iyo?"

Natatarantang lapit sa akin ni Radya at Navah habang sinusuri at inaayos ang aking buhok at bakas sa kanilang mga mukha ang pag alala sa akin.

"Dahil sa unggoy na ulol."

Nakakapanggigil talaga ang bwesit na iyon.

Isa siyang unggoy na supot!!!

Letse talaga siya.

Hinawi ko ang kanilang mga kamay na naka hawak sa akin dahil sa naiinis parin ako sa unggoy na iyon.

"Unggoy? May naka inkwentro kang unggoy? Bakit ung-..."

"Isa pang unggoy na lalabas sa bibig mo Radya ay hindi ako mag aatubiling isasabit sayo ang puno ng saging."

Sinamaan ko ng tingin si Radya dahil sa kaka unggoy niya pero sa halip na matakot ito ay pagtataka naman ang naka ukit sa kanyang mukha.

"Paano po sasabit ang saging sa akin, mahal na Prinsesa Zemiragh?"

Ayyyy!! Walangjoooo!!

"Abayyy!! Malay ko sayo at problema mo na iyon at hindi akin."

Padabog akong pumasok sa aking silid at iniwan silang dalawa sa sala dahil tila mas lalo lang yata akong na inis sa ka saltikan na lumalabas mula sa bibig ni Radya.

Nakaka imbyerna talaga ang araw na ito.

Ang gusto kong matiwasay at masayang pag iikot sa bayan ay na uwi sa kagagohan dahil sa unggoy na iyon.

Lalo na sa matandang Opisyal na iyon.

Bakit tila parang puro nalang mga gago ang lahat ng mga lalaki sa mundong ito.

Mula sa Ama ni Miragh, sa kuya niya , sa Prinsipeng masama ang ugali hanggang sa unggoy na naka talukbong at sa matanda kanina.

Wala nabang matino sa mundong ito?

Lahat nalang ba may saltik sa utak?

Pati narin yata ang mga babae ehh.

Ako nalang yata ang matino dito.

Padabog kong hinubad ang aking kasuotan at kumuha ng tuwalya upang maligo para mabawasan man lang ng kahit kunti ang galit ko sa mga tao sa mundong ito.

Napa kuyom ko ang aking mga kamao sa galit nang maalala ko ang nangyari sa mga babae kanina.

Kahit nag baliw-baliwan ako ay hindi naman lingid sa aking kaalaman na nangangailangan sila ng tulong.

Sinadya kong buksan at ikutan ang karwaheng kinalagyan ng mga babae at nagbabakasakaling makakuha ako ng kahit kunting bakas ng impormasyong makapag turo kung sino ang puno't dulo ng pag dukot sa kanila.

Hindi ako mang-mang at inosente na agad maniniwalang dinukot lamang sila ng mga bandido na walang nag utos o nag bayad sa kanila.

Sa dami ng mga babaeng dala nila ay alam kong malaki ang makukuha nilang bayad.

Alam ko ring hindi lang dahil sa makamundong sarap kaya sila nandukot ng mga babae dahil wala sa edad at hitsura ang kanilang mga kinukuha basta babae lang mapabata man o matanda ay tila wala silang pakialam.

Hindi kaya galing sa mga Kasamaanian ang nag utos sa kanila?

Pero bakit at sa anong dahilan naman?

Wala ba silang mga babae don kahit isa?

Tigang na tigang naba talaga sila?

Kaya kahit matanda ay pinapatos nila?

Kakadiri.

Inis kong kinuskus ang aking buhok dahil sa parang dumadami na ang mga tanong sa aking isipan at hindi ko alam kung ano ang aking uunahin at sisimulan sa pag sagot.

Mabilis kong tinapos ang aking pag ligo dahil sa may balak akong balikan ang mga bandido kanina na iniwan naming naka gapos sa kagubatan.

Pagkatapos ko kumain sa pagkain nila Radya ay mabilis kong ipinusod ang buhok ni Miragh at nag lagay ng telang gagawing maskara sa nag sisilbing maliit na bag na aking dala.

Hindi na ako nag abala pang magdala ng isa pang tela para sa aking ulo dahil sa may talukbong naman ang suot ko at isa pa sa kagubatan din lang naman ako tutungo.

Binilisan ko ang pag labas sa aking silid at tinalon nalang pababa ang palapag na aking kinaruruonan.

Narinig ko pa ang pag tili ni Navah at Radya lalo na sa iilang mga babae na nakakita sa aking pagtalon pero wala na akong pakialam at mabilis na tinakbo ang daan palabas sa Akademya dahil baka maunahan pa ako ng mga kawal na kukuha sa mga bandido don sa kagubatan.

Gusto ko sila tanongin at gamitan sa kahit anong paraan para makuha ng impormasyon at para makontento rin ako sa kanilang isasagot sa akin.

.

-----------

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 5.2K 118
Kenni and Snow died together by felling from a rooftop building while fighting with each other. At the same time they both were reincarnated in a dif...
20.9M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
13.9K 1.5K 71
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...