Billionaire 3:Dexton Madrigal

By iamfairy_aloe

132K 1.7K 36

WARNING:MATURE CONTENT | R-18 What is life of a Casanova? Being a boy who is single is not a joke because Eve... More

Synopsis
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
Author's Note
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHPATER 14
CHAPTER 15 (PART TWO)
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
FACTS

CHAPTER 25

3.6K 53 5
By iamfairy_aloe

TOTOO NGA ang kasabihan na ‘sa hinaba-haba ng prosisyon ay sa simbahan pa rin ang tuloy’.Because that’s true,masaya ako na doon ang huling hantungan ng pagmamahalan namin ni Madeline.Na sa simbahan magtatapos ang pag-iibigan namin ni Madeline at ipagpapatuloy pa namin iyon sa darating na mga panahon.

Simula ng makita ko si Madeline na tumapak sa opisina ko,alam kong s’ya na ‘yung babae na ihaharap ko sa altar.Madeline was my everything.She was my soon and my moon.Sa kanya iikot ang mundo ko.At patuloy ko s’yang mamahalin hanggang sa huling hininga ko.

“Cheers!”sabay-sabay naming hiyaw.Nasa bar kami ni Kade,VIP room to be exact.It was my bachelor party,ayaw ko mang gawin ‘to dahil gusto kong makasama si Madeline at ang kambal pero mapilit ang mga gago kong kaibigan kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

“Wow,imagine dati nakikita lang kita sa CR ng club na may kamake-out.Ngayon ikakasal ka na”naiiling at natatawang komento ni Asher.

“Yeah,subukan mo ulit gawin ‘yun Madrigal tignan lang natin kung saan ka pupulutin”natatawang gatong ni Asher.

“Of course not,masyadong kong mahal ang mapapangasawa ko para lang mambabae.Tsaka kuntento na ako sa kanilang mag-iina ko”sambit ko.That’s true, I’m already contented to Madeline and to the twins,wala na akong iba pang mahihiling kundi ang makasama lang sila hanggang sa huling hininga ko.

“Anyway,we have a gift for you”ngisi ni River.Alam kong may kalokohan na naman ‘tong mokong na ‘to.Minsan na nga lang magpapakita ay kung ano-ano pang ginagawa.

“Anong we.Ikaw lang ang nakaisip n’yan ‘no”ismid ni Kye.

“Oh come on guys”simangot ni River.

“Alam mo Ilog,hindi ako kasama sa plano mo dahil paniguradong kapag nalaman ni Mara ‘to papatayin ako no’n”sambit ni Kade.

“Mga under”River tsked.

“That’s true”sang-ayon pa ng ibang may mga girlfriend at asawa.

“Tsk,oh s’ya ako na ang may pakana”hindi makapaniwalang sambit ni River.Nag-inuman muna kami bago may dalawang waiter na pumasok at may bitbit na malaking box.

“What’s that?”tanong ni Dalton.

“Uhm regalo daw po ni Mr.Trinidad”sagot ng isang waiter dahilan para tignan namin si River na pangisingisi lang.

“Lapag n’yo nalang d’yan,then you are off to go”utos ni River sa waiter at agad namang tumalima ‘yung dalawa.

“Ano ‘yan?”tanong ko kay River.

“A gift from your handsome friend”ngiti nito.

“Apakayabang”iling ni Asher.

“Open it”ngisi ni River sa akin.

“Ano muna ‘yan?”tanong ko ulit.

“Basta”ngisi n’ya.

“Naku Ilog,’pag ito may laman na kung ano at nalaman ni Madeline.Papatayin talaga kita”pagbabanta ko.

“Oh come on brother,itatali—ay este ikakasal ka na bukas.You deserve to enjoy your last day of being a freaking boy”ngisi nito.”Tutal babaero ka naman dati,normal lang ‘yan sa’yo”dagdag nito.Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang isang ‘to baka kanina ko pa naibato sa kanya ‘yung kutsilyo sa lamesa.

“Ayaw ko”tanggi ko and River just tsked.

“Fine,’yung single nalang”sambit ni River.

Nakangisi namang tumayo si Xavier at lumapit sa box “ako na magbubukas”buluntaryo n’ya.

“Hmm,single ka?”ngisi ni Maximo sa kanya.

“Uhm,sort of”sagot nito at napakamot pa sa ulo.

“Fuck you all,buksan mo na Xavier.Ang dami n’yo pang dada”nauubusang pasensya ng kapatid ko.

“Single ka ‘di ba?’bat ‘di kaya ikaw ang magbukas?”baling ni Brian dito.

“I have a girlfriend”sambit ni Dalton.

“Oh really?who?the girl named Kia?or the new girl you met named Iza?”pang-uuyam ni Maximo sa kapatid ko.Hindi man nila sabihin pero alam ko na may hindi sila pagkakaintindi dalawa.Silang dalawa ang magkasundo noon dahil na rin sa ex-wife ni Maximo na asawa na n’ya ngayon na si Bree.

“I open it”sambit ni Xavier, naramdaman na din ang tensyon sa pagitan ng kapatid ko at ni Maximo.

Binuksan na ni Xavier ang box,hinila n’ya ang ribbon na nakatali dito at bigla nalang nahati ang box,hindi kasi ito dikit-dikit tulad ng normal na box.Then there,we saw a one girl who was wearing a very sexy lingerie.

“Fuck!”

“Shit!”

“Putangina!”

Sabay-sabay naming mura lahat,s’yempre maliban doon sa mga kasama naming single na mukhang tuwang-tuwa.

“Hey,I have a wife”sambit agad ni Brian at tumayo ng lalapitan dapat s’ya ng babae.The girl was already dancing erotically.

Napailing ang babae at lumapit kay Maximo na agad namang pumikit at itinaas ang kamay,pinapatigil sa paglapit “I’m married”sambit nito.

“Fuck, I have a fiancee”sambit ko ng ako ang lalapitan ng babae.

“Oh shit,may girlfriend ako”sambit ni Kade ng lumapit sa kanya ang babae.

“Teka nga”sambit ng babae.”Sino ba ang may bachelor party?”tanong nito.

“S’ya”turo ni Asher sa akin.

“Oh?”nakataas ang kilay na sambit ng babae.

“I love my fiancee,si River nalang tutal s’ya naman ‘yung may pakana nito”sambit ko.

“Opps,not me”tanggi ni River “may babae na ako.Just choose your man there”turo n’ya sa iba pa.

“Jusko po,ano ba itong pinasok ko?”she murmured.”Oh s’ya,ako na maga-adjust nakakahiya naman sa inyo.Sinong single dito?”parang napipika na tanong n’ya.Sa bagay kahit sino naman,parang sinayang lang ni River ang oras n’ya pero alam ko na sa binayad pa lang ng gago na ito ay sobra-sobra na.

Sabay-sabay naming tinuro si Xander,Xavier at Kyle.Our friend,the one who is always MIA ngayon lang nagpakita.

“Uhm,p’wedeng sila nalang.Baka katayin ako no’ng babaeng iyon kapag nakita n’ya ‘to”sambit ni Xander.Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha ng babae.

At siguro dahil sa gigil n’ya at lumapit s’ya kay Kyle.At ang gago mukhang tuwang-tuwa,he was grinning ear to ear.

The girl sat on Kyle’s lap and started to dance erotically,lahat kami ay napasipol dahil sa nangyayari sa harap namin.Hindi masyadong bulgar pero sa pagkakakilala namin dito sa mokong na ‘to malapit na din ang babae sa kandungan n’ya.

LAST NIGHT was like a blast.Masaya akong makasama ang mga kaibigan ko.At ngayon nga ay ang araw na pinakahihintay ko.

My wedding day.

“Son,I will miss you”iyak ni mommy.Nasa simbahan na kami at ang ina ko ay nagdadrama na naman.

“Mom,hindi naman ako mamatay.Ikasasal lang ako”mahina akong natawa ng sinambit ko iyon.Kung makaiyak naman kasi akala mo ay mamamatay na ako.

“Opo nga tita,hindi naman mamamatay ang anak mo,isasakal—ay este ikakasal lang naman s’ya”singit ni River.Ewan ko ba kung bakit hanggang dito ba naman sa simbahan ay napaka-gago n’ya pa din.Hindi na talaga ako makapaghintay na makahanap ng katapat ‘tong mokong na ‘to,ang sarap bigwasan.

“Ikaw talagang bata ka,puro ka kalokohan”naiiling at natatawang sambit ni mommy.

“Excuse me po,the ceremony is about to start.Ayos na po tayo”sambit ng wedding coordinator namin ni Madie sa kasal.Umayos na ako sa p’westo ko,sa tabi ko si Dalton,best man.

The ceremony is now starting,kanya-kanyang pasok ang mga bisita namin.Until my two beautiful angels walking down the aisle.Their are both gorgeous like their mom.Their are both wearing a very white beautiful dress and a flower crown,Rela was our flower girl while Vela was our ring brearer.

And the door of the church close after our twins walk.Kasabay ng pagsisimula ng wedding song namin ay ang pag-angat naman ng kurtina sa pinto ng simbahan at pagbubukas ng pinto nito.

She was walking down the aisle wearing her very beautiful A-line dress,she was like a goddess.She was also holding a bouquet of flowers.


Sila mom at dad ang kasama n’yang naglalakad sa gitna ng altar,ang mommy dapat ni Madeline ang nasa posisyon ng magulang ko pero ayaw na ng nanay ni Madie na umuwi sa Pilipinas dahil sa mga kahihiyan daw na ginawa nito.

“Take care of her son”bilin ni dad sa akin at tumango lang ako.I hold Madeline’s  hand and hug her first before we walk towards the Priest who was waiting for us.

“You look gorgeous”komento ko.

“And you look handsome too”ngiti nito.

Nagsimula ang seremonya ng pari hanggang sa sasabihin na namin ang mga vow.

“Thanks, sweetie”ngiti ko kay Vela ng makuha ang singsing.Humarap ako kay Madeline at sinuot iyon sa kanya.”Hey beautiful”panimula ko.I was still holding her hand,not leaving her sight.

“Ang dami na palang nangyari sa buhat natin ‘no?we both hurt ourselves,not physical but emotional.Alam mo no’ng iwan mo ako grabe ‘yung buhay ko no’n.Pakiramdam ko katapusan ko na iyon,ayaw kong mawala ka sa akin dahil ikaw lang ang tanging babae na nag-bigay ng kulay sa mundo ko na dating walang kulay,ikaw lang ‘yung babae na nagpapa-ngiti ng totoo sa akin maliban sa mga kaibigan at pamilya ko.Ikaw lang ang babae na kaya akong pahintuin sa pambababae ko.Alam mo?no'ng unang beses kitang nakita ang sabi ko sa sarili ko ‘ikaw na ‘yung babaeng matagal ko nang hinahanap’”mahina kaming dalawa na natawa ni Madeline sa huling sinabi ko.

“No’ng maging tayo ang saya ko no’n,babe kasi sa wakas may karapatan na akong magselos o kung ano man.But then,sadyang mapagbiro ang tadhana at pinaglaruan tayo.Mahal kita kaya kita pinakawalan,hindi kita pinakawalan dahil ayaw ko na.Pinakawalan kita kasi gusto kong maging masaya ka kasama ng anak natin,pinakawalan kita kasi pakiramdam ko nasasakal ka na sa relasyon natin at ayaw ko na buong buhay mong iisipin na niloko kita.At alam mo,siguro tama lang na pinakawalan kita.Because  I can make my self better for you,for our twins and to our future children.At sa harap ng altar Madeline,I vow to love,to cherish and to respect you until my last breath.I vow to be a faithful husband to you,I vow not to hurt you in anyway possible.And I vow to love you,the twins and our future children.And that is my solemn vow”I vow with all my heart.I saw how she cry,not because of pain but because of happiness.

“Dexton,babe.Alam mo no’ng araw na makita kita sabi ko sa sarili ko ‘ay babaero ‘to’ at hindi nga ako nagkamali”she paused,and we both laugh because of what she said.Kahit ‘yung mga bisita natawa din.Pinasuot n’ya sa akin ang singsing bago s’ya nagpatuloy “but then,you know sobrang saya ko ng magbago ka simula ng maging tayo.I have a trust issues,and you know that.Pero ikaw lang yung lalaki na nagtanggal at nag-alis ng trust issue na meron ako,akala ko nga forever na akong single at tatanda nalang ng dalaga dahil sa pagiging bitter ko.Pero akala ko lang pala iyon,kasi simula ng maging tayo.Hiniling ko na sana ‘sana s’ya na ‘yung lalaki na para sa akin’ sana ikaw na ‘yung lalaki na bubuo sa pagkatao ko.Sana ikaw na ‘yung lalaki na aalisin ‘yung ka-bitteran ko.At natupad iyon…”she trailed.

I want to wipe the tears on her eyes but I can’t,nakabelo s’ya kaya hindi ko mapunasan ang mga luha n’ya.

“Pero hindi ko inaasahan na meron pa palang pagsubok sa pag-iibigan natin.No’ng naghiwalay tayo pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko,gusto kong bumalik ka,gusto kong magbalikan tayo.But you know what,no’ng nanganak ako sa kambal,sabi ko sa sarili ko.’Yung kambal na siguro ‘yung pupuno sa kulang na hinahanap ko, siguro ‘yung kambal lang ang tanging pupuno muna sa kulang na nararamdaman ko.And that’s  true,pinasaya ako ng kambal,sila ‘yung naging kulay ko sa buhay”she added.”And you know?no’ng magkita ulit tayo grabe ‘yung saya na naramdaman ko.Kasi sa wakas nakita na kita ulit.Pero pinangunahan ako ng selos kaya nagalit ako sa’yo na dapat at tuwa ang mararamdaman ko.But then,you explained.You prove to me tat you still love me despite of what happened to us in the past.You prove to me your loyalty and love.And I’m  so thankful to have you babe”she cried “I vow to still love you ‘till my last breath,I vow to cherish and to be a faithful wife to you.And I vow to be a good wife to you and to the twins and to our future children.And that was my solemn vow”she vowed at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi n’ya pinunasan ang luha ko “don’t cry babe”ngiti n’ya.

“Tears of joy babe”sambit ko.Bumaling kami sa pari ng tanungin na n’ya kami.

“Madeline Santiago,do you take Dexton Madrigal to be your lawfully wedded husband?to have and to hold?for richer or for poorer?in sicknees and in health?’til death do you part?”the Priest ask Madie.

“I do,father”ngiti ni Madeline at tumingin sa akin.I even saw happiness in her eyes.It was reflected my eyes that was also full of love and happiness because of the wedding.

“Dexton Madrigal,do you take Madeline Santiago to be your lawfully wedded wife?to have and to hold?for richer or for poorer?in sicknees and in health?’til death do you part?”baling sa akin ng Pari.I smiled to Madeline before I look to the Priest and I back my gaze to my future wife.

“I do your honor,I do”sagot ko.

Ngumiti ang Pari sa amin bago s’ya nagsalita “and now,I pronounce you as husband and wife”he announced “you may now kiss the bride”ngiti n’ya sa akin.

Naka-ngiti ko namang hinapit si Madeline sa bewang bago ko dahan-dahang inangat ang suot n’yang belo.

I kieed first her forehead “I love you”buong puso at pagmamahal kong sambit.

“I love you too”she smiled.We both smile before I captured her lips for a deep kiss.This is the first time we kiss as a husband and wife.

And I’m so happy to finally introduce Madeline as my wife,legally.Matagal kong hinintay na mangyari ang bagay na ito at ngayon nga ay nangyayari na.

“Mabuhay ang bagong sakal—ay este bagong kasal”sigaw nila River at mga kaibigan naming wala pang babae.Napailing nalang ako,puro talaga kalokohan ang mga gagong ito.

“Dy-dy,my-my!”

“Daddy,mommy!”

Parehas na naghiwalay ang labi namin ni Madie at tumingin sa kambal namin na tumatakbo papunta sa gawi namin.

Sinalubong ko ang dalawa at agad na kinarga.Rela at Vela both kiss my cheeks,even their mommy’s  cheeks.

Conglatsh po”sambit ng kambal kaya parehas kaming natawa ng asawa ko.

‘Asawa ko?hmm,sarap sa ears’ ngiti ko sa isip.

I both kiss the twins on their forehead before kiss Madie on her forehead to at niyakap ko ang mag-iina ko.

Looking at this sight infront of me was now enough to me.Masaya ako na dito matatapos ang k’wento namin ni Madeline,na asawa ko na ngayon.

I know that this is not our happy ending pero magkasama naming bubuksan ang pahina ng bago naming k’wentong mag-asawa.Natapos na namin ang unang pahina at ngayon ay bago naman.

At parehas naming sisiguraduhin na masaya din ang katapusan no’n.

                         ★★★★★

A/N:WAHH! FAIRIES, EPILOGUE NALANG AND READY TO SAY GOODBYE TO MADIE AND DEXTON.SA EPILOGUE KO NALANG TATAPUSIN ANG A/N.

Continue Reading

You'll Also Like

44.8K 504 32
Unang Kita palang ni Cindy Kay Miko ay Na Love at First sight siya sa kaniyang Professor dahil sa Angkin ka gwapuhan nito. Sa Edad nito ay hindi hala...
39.3K 1.7K 16
"you are the source of my life ,I will kill everyone who comes between us you are mine little one ,just mine " the beast said In front of the big p...
102K 3.4K 17
What happens when Zuko's eighteenth birthday comes around, and the Gaang frantically compiles a birthday celebration? Probably disaster. POV Katara...
898K 44.9K 74
In which, a girl with the same name as Min Yoongi's ex, texts him by mistake and he confuses her to be his ex. "I would choose your thunder, I would...