STRANGERS WITH MEMORIES (ON G...

By Graeciously

0 6 0

Sabrina Cabrera, an engineering student, never expected to fall in love again until she meets a stranger, Kly... More

PROLOGUE
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER IV

CHAPTER V

0 1 0
By Graeciously

Over the past few weeks, may iilang hindi inaasahang mga pangyayari. Katulad na lang ng pag-alis ni Shawn noong last week. He went to Dubai to take good care of her ill Mom. It was okay for him since tapos na naman siya sa course niya last school year. He took Tourism. Sadly, ‘yong plano naming gumala sa classic styled barbeque restaurant ay hindi natuloy dahil sa pag-alis niya.

Another thing, mas naging close kami ni Klyde. Who would have thought na magiging close friends pala kami though nagsimula lang naman kami sa dalawang can of beers. We used to hang out kapag may free time ako. Napag-alaman ko ring tapos na siya sa college life niya. He took Business Ad. Actually, he was starting his career by being an investor Tesla Company. It was easy for him to invest such a large amount of money in that company because Klyde was a wealthy man. Marami na siyang naikwento sa’kin about sa kaniya at sa pamilya niya. I had also read some articles about him, isa siyang sikat na tao lalo na sa States. His father was Ferrer Coriander, an owner of a transport company and his mother, Ethyl Coriander, an owner of a pharmaceutical company here in the Philippines and a CEO of a pharmaceutical company in USA. Klyde must be living a luxurious life.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may ma-realize ako. Since the first night I met Klyde Coriander, I could imagine my future with him pero the question is, do I deserve him? Does he deserves me? Malaki ang pagkakaiba namin, kung siya ay langit, ako naman ang siyang lupa. For sure, katulad sa mga teleseryeng napanood ko, ia-arranged marriage lang si Klyde sa isang babaeng manggagaling sa isang mayaman na pamilya. Culture ng mga mayayamang tao.

As of now, working student ako, mag-aaral sa umaga at trabaho sa gabi, same location pa rin, sa convenience store ni Ate Estella at ito pa, still working pa rin ang corny na si Johann doon, same sched kami.

At sa araw na ito, first day ko sa klase. Ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng salamin. After how many minutes, pumunta na ako sa sala para mag-handa ng pang breakfast ko. No need na rin akong magdala ng pang-lunch dahil may cafeteria naman doon sa university.

A text popped up on my phone screen and ‘his’ name appeared as well.

From: Klyde
Good morning. Good luck on your first day, Sabrina.

A smile was written on my face. It was just a simple greeting pero napapatalon na nito ang puso ko.

To: Klyde
Thank you, Klyde. Good morning, by the way.

Medyo may kalapitan lang din ang CIT sa apartment kung saan ako tumutuloy kaya jeep lang ang sinasakyan ko. Saktong 7:30 nang umaga ay lumabas na ako ng building at naghintay ng jeep. Magsisimula ‘yong klase namin after 30 minutes.

Matapos ang limang minutong biyahe, nandito na ako sa harap ng gate ng CIT University. Mainly students that were taking engineering ay dito nag-aaral. I guess, this university was really made for future engineers.

I let out a deep breath and smiled, “It’s nice to be back.” I glanced at the guard that I already knew since mula first year ko rito ay siya na ang security guard dito, “Good morning, Kuya Jhon.”

“Magandang umaga, Sab!” magalak niyang bati. “Huwag pasaway sa klase.” paalala niya na parang ama ko na.

Ngumiti lang ako at tumango, “Opo, Kuya.” nakangiti kong sambit.

Hindi ko na kailangan tumingin sa board na nasa covered court para hanapin ang block ko kasi kahapon lang, inemail ng school ang magiging block ko.

I made my way to the second building. Syempre dadaan pa ako sa may hagdan dahil nasa third floor ang room ko. Pagkapasok ko sa silid ay medyo maingay dahil may mga nag-uusap sa tabi, nagchi-chikahan, ang iba naman ay naglalaro ng ML. Napili ko na lang na umupo sa gitna para center of attraction, joke. Wala lang, bet ko lang talaga rito sa gitna.

“Hoy Sab, gaga!” maingay na sambit ni Estine, kaibigan ko mula noong second year. “Glowing ka ah. Sino nagpapa-glow sa’yo ha?”

“Boang ka.” natatawa kong ani sa kaniya sabay hampas sa braso nang mahina. “Hindi ka ba informed na sariling ganda lang ito.” pagbibiro ko.

“Feeler mo naman, te. Anyway, how was your vacation?”

“Well...” si Klyde ang unang pumasok sa utak ko kaya napangiti na lang ako. “My vacation was great, I met some new people pero stressful din kahit papaano kasi I worked in a convenience store, ‘di ba?”

“Ay sa bagay. Ako naman, stressful din. Nagtrabaho ako sa isang kainan malapit sa SRP.” pagku-kuwento niya.

“Hmm, okay...”

Sumingit naman siya bigla kahit na may sasabihin pa ako, “Huwag mo akong paringgin ng linya mong okay, no one asked though ah.”

I quietly laughed at her face, “I was about to say that pero okay, I won’t say it.”

We had a little bit of chitchat of our vacation moments and experiences. Tumigil naman kami nang may pumasok na isang ginang na mahihinuha kong nasa 40s na. Kung hindi ako nagkakamali, she was our adviser, Mrs. Dela Paz. I was wondering kung magka-mag anak ba sila ni Ate Estella kasi magkapareho sila ng apelyido.

She walked towards her table and faced us with a smile. Well, parang mabait naman siya. “Good morning mga anak.” Parang hinaplos ang puso ko nang tawagin niya kaming anak.

“Good morning, Ma’am.”

“Is it okay with you if I call you anak?”

“Yes, Ma’am.” magalang naming tugon. We couldn’t just say “yeah”, “of course”, or “yah”.

“Nice. Now, kindly take your seat.” Sinunod naman namin ang kaniyang sinabi. “I am Mrs. Teresita Dela Paz, 48. I will be your adviser this school year.” seryoso lang kaming nakikinig sa kaniya. “Now you already know me, it’s time for me to know all of you. We will start this day with an introduction. Introduce yourself including your name and nickname.”

Ayan na naman tayo sa introduction thingy na ‘yan eh. Mula kinder hanggang college, never nawala ‘yang introduce yourself kineme.

Nagsimula nang magpakilala ang mga kaklase ko. May iilan pang namula dahil sa hiya, meron din namang ibang sobrang taas ng confidence. Nauna ang mga nasa first row habang ako ay nasa third row.

Noong turn ko na ay confident akong tumayo at tinignan ang adviser namin. At syempre hindi mawawala ang ngiting ala Sabrina. Pero deep inside, hiyang-hiya na ako, gagi.

“I am Sabrina Cabrera, you can either call me Sab or Sabrina.” I gently took a sit and breathed heavily.

Matapos ang introduction ay nagpaalam muna si Ma’am dahil pinatawag siya ng principal habang kami ay naiwang tahimik.

“Hi Rina.” dinig ko pero hindi ko na lang pinansin. Wala naman akong kaklaseng Rina kaya’t sino ba ang tinatawag nitong babae sa tabi ko. “Hoy, Sabrina.” she poked me kaya’t agad akong napalingon.

“Ako ba ‘yong tinatawag mong Rina?” nagtataka kong tanong.

Tumawa naman siya at tumango, “Yeah, Rina. Sab-rina, Rina gano’n.” Eh

“Ahhh. Hmm, why were you calling me pala?”

“Wala lang, just wanna be your friend.” nakangiti pa rin siya sa’kin. Ako lang ba but I find her smile creepy.

“Yeah, sure, Janice.” nakita ko lang ‘yong name niya sa ID.

“Great!” iyon lang at hindi na siya ulit humarap sa’kin.

Pumasok ulit si Ma’am Dela Paz. Puno ng pagtataka ang buo kong mukha nang kasama niya si Johann pagkapasok.

What was that unggoy doing here? Don’t tell me, he transferred here? And seriously? Same block kami? Bakit naman ang malas ko sa araw na ito.

“Hello, class. This is Johann Dela Paz, a transferee and katulad niyo, he is soon to be a civil engineer. Magiging classmate niyo siya this school year.” pagpakilala ni Ma’am dahilan upang magsitilian ang mga babae sa classroom except sa’kin na nasa labas ng bintana ang tingin at walang emosyon ang mukha.

“Ma’am, kaano-ano niyo po siya? You have the same surname po kasi.” tanong ng isang babae na KZ ata ang pangalan.

“He’s my son.”

Oh, I see.

Sa pangalawang beses ay nagtilian naman sila. Tumayo ang babaeng nasa harap ko habang kinikilig, “Ma’am, can I call you Mama? Malay natin, ako pala ang magiging daughter-in-law niyo.”

Johann and his mom together with some students both laughed.

“Okay, enough with that. Gusto kong malaman ninyo na it doesn’t mean na anak ko si Johann ay makakatanggap siya ng special treatment. Ang pagtrato ko sa inyong lahat ay pare-pareho lamang.” paalala niya. “Johann, take your seat at the back of that student.” Ma’am Dela Paz was pointing at me so sa likod ko uupo si Johann? Nakakaasar naman.

“Hi.” he greeted me with his smile.

I just rolled my eyes and focused on our adviser. Inexplain niya lang ang mga vision and mission, our subjects and schedule.

Habang nagpapaliwanag si Ma’am ay bigla namang pumasok ang isang teacher na kakilala ko mula rati pa. Her name was Lucy.

“Good morning, Mrs. Dela Paz. Sorry for interrupting, but can I talk to Sabrina Cabrera?” I heard my name being mentioned kaya nalipat kay teacher Lucy ang attention ko.

“Of course, teacher Lucy. Uhm Sabrina Cabrera, Ms. Lucy wants to talk to you.” saad ni Ma’am kaya tumango lang ako at tumayo. I walked towards her outside.

“Hi po, Miss.”

She looked at the paper she was holding and quickly faced me, “Hello, Sab. I wanna inform you na open na ‘yong registration for cheerdance and journalism. These consecutive years, kasali ka na sa mga ganito, at gusto ko sanang sumali ka ulit since maganda naman ang performances mo sa cheerdance at journalism.”

Napangiti ako na may kasamang excite sa sinabi niya. I missed doing cheerdancing and being a writer. “Yes naman po, Miss. Saan po ang registration area?”

“Nah, no need. Ako na ang magre-register sa’yo sa cheerdance at news writing. Anyway, I’m glad to let you know na ikaw pa rin ang magiging cheerleader sa taong ito.”

“Thank you, Miss.”

“Oh siya, pumasok ka na sa room mo at baka magsisimula na ang lecture ng adviser mo. Good luck, Sabby.” pareho kaming ngumiti sa isa’t isa.

Bumalik na rin ako sa upuan ko at nakinig kay Mrs. Dela Paz. Good thing at bukas pa pala magsisimula ang mga discussions.

Noong lunch time, magkasama kami ni Estine papunta sa cafeteria at doon kami nag-lunch. Pinuntahan din namin ang iba’t ibang area ng university at may nakita naman kaming improvements.

At exactly 4 o’clock in the afternoon, Ma’am Dela Paz dismissed us kaya nagsiuwian na kami. Dumiretso ako sa convenience store ni Ate Estella para magtrabaho. Noong oras na para umuwi, nagpaalam na ako sa magkapatid at lumabas na. Papara sana ako ng taxi pero napansin kong may papalapit na sasakyan, huminto ito sa tapat ko at iniluwa naman nito si Klyde. Kahit papaano ay nabawasan ang pagod ko.

“You seem tired and stressed. Are you okay, Sabrina?” saad niya na may pag-aalala sa tono ng boses niya.

“Well, medyo.” sagot ko. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto kaya pumasok na ako at umupo sa shotgun seat. Ilang saglit pa lang ay pumasok na rin siya.

He took a paper bag and got a burger and a drink. “Here, kumain ka. It’s already 10 pm and I’m sure na hindi ka pa nag-dinner, am I right?”

I gave him a nod and took a bite from the burger. “Iniisip ko pa lang ‘yong schedule ko, nastre-stress na ako. Kasi ‘di ba, ‘yong class ko magsisimula ng 8 am at mage-end ng 4 pm. 4:30 naman ‘yong start ng trabaho ko sa store at mage-end ng 10 pm. At parang ipapabago ko na naman ‘yong sched ko sa store ng 8 pm hanggang 1:30 am.”

“And why?” nagtataka niyang tanong.

“Eh kasi naman, magsisimula ng 4:30 pm ‘yong training namin sa cheerdance tapos may times pa na magtri-training pa ako sa journalism.” I explained.

He then stared at me with his serious face, “Are you planning to live a shorter life?” napatulala naman ako sa kaniya. “You’re stressing yourself too much and look, wala ka pang training pero pagod na pagod ka na. Paano na lang kung magsisimula na kayong mag-ensayo para sa cheerdance at journalism? You are abusing your body and health.”

“Sabrina Cabrera, are you listening?!” he was mad na kaya umayos na ako ng upo.

“Of course.”

“Quit on your job. Dahil sa trabaho mo, mas mapapaikli ang buhay mo!” he was really mad pero I could sense how concerned he was.

“Pero, Klyde. Ganito na lang, kapag hindi ko na kaya, I will quit agad, okay?”

“Fine. Kapag ikaw nagkasakit dahil sa ginagawa mo, diretso quit ka na.” I just gave him a nod. Deep inside, kinikilig ako at natutuwa dahil sa pag-aalala niya. Am I that special to him? “You are not listening. Focus on me, Sabrina.”

Napatingin ako sa kaniya, tila hindi mapigilan ang ngiti, “I am listening. And you have my attention, Klyde.”

“Why are you smiling like that? Parang ang saya mo pa eh pinagalitan ka na nga.” ani nito na parang nagtatampo.

“Hindi ah.” nakangiti kong inubos ang burger at ininom ang drink. “Thank you for these.” nagpa-cute pa ako sa kaniya na tila effective naman.

“Hey, stop that. Ihahatid na kita, you need to take a nap na.” tumango ako na parang bata at sumandal sa backrest habang nasa labas ng bintana ang tingin.

The car was filled with nothing but silence. No one dared to talk, seryoso rin naman ang mukha niya kaya parang hindi ata magandang idea ang magdaldal.

Nang nasa harap na kami ng MAC building ay bumaba na lang ako, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako.

“Bye and good night. Sweet dreams.” I waved my hand at him to bid my good bye.

Lumabas s’ya mula sa sasakyan at lumapit sa’kin, “I’m sorry for being mad kanina. Nag-aalala lang ako sa’yo. Ayaw kong may mangyari sa’yong masama.”

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Inaamin niyang nag-aalala siya sa’kin. Aww. The soft spot of Klyde Coriander.

“I understand. Oh siya, umuwi ka na at gabing-gabi na. You also need rest. Night night.” I gave him a quick hug and gladly, he hugged back.

“Good night. Matulog ka nang diretso, hmm? See you tomorrow.” nginitian ko siya hanggang sa makabalik siya sa sasakyan.

Nakangiti ko ring pinagmasdan ang sasakyan hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

Inaamin ko, may nararamdaman na ako sa kaniya pero gustuhin ko mang ipaalam sa kaniya, ngunit pinapangunahan ako ng takot. Takot na baka hindi pala kami pareho ng nararamdaman. Kaya sa ngayon ay sa akin na muna ang damdaming ito.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 236K 49
"Stop trying to act like my fiancรฉe because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
198K 15.4K 35
๐•๐ˆ๐‡๐€๐€๐ โ™ก ๐‘๐”๐‡๐€๐๐ˆ๐Š๐€ Ruhanika, a quiet introvert with a passion for books and study. She thrives in the world of words, finding solace in...
144K 4.3K 144
Part 1 of "The Hunter's Gonna Lay Low" Introduction: Hunter Cha Eui-jae, who was dispatched to seal a rift that appeared over the West Sea, was flung...
816K 8.2K 67
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค