STRANGERS WITH MEMORIES (ON G...

By Graeciously

0 6 0

Sabrina Cabrera, an engineering student, never expected to fall in love again until she meets a stranger, Kly... More

PROLOGUE
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER V

CHAPTER IV

0 1 0
By Graeciously

I woke up at exactly 6:30 in the morning. I did my simple morning routine. A little bit of stretching followed by a quick bath.

As usual, I cooked processed foods na lang like hotdog and ham kasi iyan lang naman ang madaling lutuin for breakfast. Kahit naman hindi breakfast, iyan pa rin ang niluluto ko all the time.

Matapos ang aking agahan ay agad ko namang hinugasan ang aking mga pinagkainan. Alas syete na nang maisipan kong magbihis na dahil alas-otso ang duty ko sa convenience store.

Kamalas-malasan pa kasi ang traffic na kahit maaga pa lang. Ang mga negosyante kasi ng mga sasakyan, ayan panay produce ng mga sasakyan, bagong model tapos eto namang mga tao, nae-engganyo bumili kaya eto, sobrang traffic na sa daan. At isa pa, sobrang init, dagdag pa ‘yong air pollution na iyan. Nakaka-omg.

Nakabusangot akong bumaba mula sa jeep, agang-aga, ang stressful na. Walang gana kong tinulak ang glass door at bumungad naman sa akin ang manager kong puno ng pagtataka ang buong mukha.

“Oh, what’s with that face, Sab? Agang-aga, nakabusangot ka.” may halong pang-aasar ang pagkasaad niya.

Lumapit ako sa fridge at kumuha ng isang malamig na bottled water, “I-deduct mo na lang ito, Ate. Anyway, kaya ako nakabusangot kasi naman, ang stressful ng umagang ito. Naabutan ako ng traffic tapos ang init pa.”

May narinig akong tawa sa likod ko at nang aking lingunin, nakita ko ang isang lalaki na medyo payat at matangkad, moreno. Tinaasan ko naman ito ng kulay, “Oh, ano?!” pagsusungit ko.

“Ay Sab, nga pala...” pumagitna ang manager ko sa aming dalawa at ngumiti, “this is my younger brother, Johann (Yohan). Gusto niya raw mamasukan dito kasi bored siya. He will be my assistant manager.”

“Ay hala...” nag-bow muna ako tila puno ng hiya ang buong mukha ko. “sorry po Sir sa pagtataray ko po sa inyo.”

“Ang cute.” pagpuna niya sa ginawa ko kaya’t mas lalo akong nahiya. “Don’t call me Sir, magka-edad lang ata tayo. Just call me Johann.”

“Sige po, Sir— este sige, Johann.” ngumiti na lang ako para itago ang hiyang nararamdaman ko.

“Ay Johann, I almost forgot, this is Sabrina, staff ko. ‘Yong girl na kini-kuwento ko sa iyo sometimes.” pagpakilala sa akin ni Ate Estella sa kapatid niya.

Hala, so kini-kuwento niya ako rito? Jusmeyo. Curious tuloy ako kung ano ‘yong pinagsasabi ni Ate sa kaniya about sa’kin. Positive ba? Or baka negative?

“Nice to meet you, Sab.” nilahad niya ang kaniyang kamay na siya namang tinanggap ko. “Same to you, Johann.”

“Punta na kayo sa mga pwesto niyo at may mga costumers nang papasok sa store.” anunsiyo ni Ate kaya’t naupo na ako may pwesto ko. “Johann, diyan ka muna sa tabi ni Sab. Assist her muna.”

“Alright, Ate.” pagsang-ayon niya at umupo sa mataas na upuan na katabi lang ng inuupuan ko.

An old lady went near me and gave me a list, lista ng mga bibilhin niya. “Nay, diyan po muna kayo ha at kukunin ko po muna ang bibilhin niyo.”

Ngumiti lang ang matanda at tumango. Kumuha muna ako ng tray at pumunta ako sa ikaapat na shelf. I tried to reach a pack of diaper na nasa pinakataas ng shelf ngunit hindi ko talaga abot. I was about to get a stool para patungan ko pero I saw Johann beside me and took the pack of diaper with no hassle.

“Here. You need to take a cherifer para tumangkad ka, Sab!” he laughed at his joke habang ngiti lang ang itinugon ko, isang pekeng ngiti.

“You know what, dapat sumali ka sa comedy training center para mas mag-improve ka pa sa mga jokes mo.” pagbabara ko kaya’t nagkatitigan kami, mata sa mata.

Peste, kung hindi ka lang assistant manager, sobra pa sa pagbabara ang ginawa ko.

Ngumiti siya bigla, “I like that.”

I rolled my eyes and went near the other shelf. Wala na akong pake kung assistant manager ka, nakakabwisit siya ng araw, literal.

Nang dumating ang oras ng lunch ay bumili lang ako ng isang box ng sisig meal mula sa store. Umupo ako sa may upuan sa gilid at inilapag ang box sa table. Nagsimula na rin kumain si Ate habang si Johann naman ay lumapit sa gawi ko at katulad ng ginawa ko, inilapag niya rin ang isang box ng sisig meal sa harap ko at nag-start na siyang kumain.

“Ate told me that you’re an engineering student.” he broke the silence between us by asking me about my course.

“Yeah.” I said with a cold tone. Wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya.

“Civil?”

“Yeah.”

“Same.”

So he was taking the same course as mine.

“Okay. No one asked though.” pagbabara ko na naman sa kaniya.

“Hmm, is the coming year your last school year in college?” Dami niya namang tanong. Hindi niya ba alam na bawal ang magsalita habang kumakain?

“Yes.”

“Hmm, same.”

“Okay.” tanging sagot ko at mas binilisan ang pag-ubos ng kinakain ko.

Hindi na siya nagtanong pa ulit. Nauna kong natapos ang pagkain ko kaya’t pagkatapos kong uminom ng tubig ay dumiretso na ako sa pwesto ko.

“Miss, anong sa’yo?” tanong ko sa isang babae na parang nasa 15-16 pa ang edad.

“Isang bottle ng gin.”

“How old are you?” I asked para masigurado kung dapat ko bang bigyan ito or hindi.

“Desi-sais anyos ako, bakit?” ma-attitude niyang sagot.

Omg, nagtataray siya sa’kin.

“I’m sorry pero hindi kita pwedeng bigyan ng liquor since menor-de-edad ka pa lang. Balik ka na lang kapag bente anyos ka na ha?” sarkastikong sambit ko dahilan upang ikutan niya ako ng mata at lumabas ng store.

Lumapit sa’kin si manager at nasa babae ang tingin niya, “Problema no’n?”

“Bibili sana ng gin kaso menor-de-edad pa, Ate kaya sabi ko hindi ko siya pwedeng bigyan kasi bawal pa sa edad niya and ayun, pinakitaan ako ng pagka-attitude niya.” kuwento ko, napailing-iling na lang si ate.

“Hays, mga kabataan talaga ngayon. Nasasakop na ng iba’t ibang bisyo. Tulad noong isang gabi, may nadaanan akong mga bata diyan sa ilalim ng bridge, naku, panay sigarilyo na parang expert na sa paggamit ng produktong iyon.” Matapos no’n ay dismayadong bumalik si ate sa pwesto niya.

Nakaka-dismaya nga talaga. Ayon pa kay Jose Rizal, kabataan daw ang pag-asa ng bayan pero paano uunlad ang bayan kung mismong mga kabataan ang sumisira rito?

Mas lalo pa kaming naging busy compared kaninang umaga dahil mas marami ang costumers sa hapon kaya nagka-ugaga kami ni Johann sa trabaho namin. Pati ‘yong manager ay sumali na rin para mapabilis.

Pagsapit ng 6:30 ay pinagpahinga muna kami ni Ate Estella dahil napagod kami nang sobra kanina, sa dami ba naman ng bumili.

Umihi muna ako sa banyo saglit dahil kanina pa talaga ako nagpipigil. Pagkabalik ko ay bumungad sa’kin si Ate na tila ay hinihintay talaga akong lumabas.

“Magbabanyo ka rin po?” tanong ko sa kaniya.

Parang may kilig pa sa mukha n’ya dahil sa kaniyang ngiti, “Nah. Well, someone’s looking for you outside. Gwapo siya, literal.” kinikilig niyang sambit.

Tumingin ako sa relo at 7:03 na pala. Dali-dali akong lumabas at nakasalubong ko pa si Johann sa may pinto. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso ako sa isang sasakyan na nakaparada sa may parking area. Three meters pa lang ang distansya ko mula sa sasakyan ngunit napapansin ko na si Klyde na nakasandal sa may gilid ng kotse habang naka-krus ang mga braso na tila ay parang modelo sa tindig nito.

Habang papalapit ang mga lakad ko sa kaniya ay hindi ko napigilan ang biglaang abnormal na pagtibok ng puso ko na tila ba ay parang may nagkakarera sa loob dahil sa bilis ng pagtibok nito. Stay still, heart.

“Hi, Klyde!” nasasabik kong bati. “Sorry for being late.” I added.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang epekto ng presensya ng lalaking nasa harapan ko. How could he make my heart beats even faster and louder?

“Is that guy your boyfriend? The one standing at the entrance door?”

Napalingon ako sa store at nakita si Johann. Umiling naman ako bilang pag-hindi, “No, of course not. Assistant manager iyan.”

“Don’t trust him, immediately. Or pwede ring huwag mo na ‘yan pagkatiwalaan habang buhay. I really have a bad feeling about that guy.” diretsong sambit niya na parang siguradong-sigurado sa sinasabi niyang ‘bad feeling’.

Marunong pala siya magtagalog pero he wasn’t that fluent pa. May tono pa ang mga salita niya or sabihin na nating slang.

“Noted. Nabwi-bwisit nga ako sa taong ‘yan eh.” nilingon ko muna si Johann at agad na tumingin kay Klyde, “By the way, ‘yong purse?”

He took my purse through his car window and handed it to me, “Here. What time ang uwi mo?”

“8 pm. Bakit?”

“I’ll wait for you here. May pupuntahan tayo, my treat.” he then winked and pushed me gently away from him, “Continue what you need to do. Dito lang ako.”

“Where are we going?!” excited kong tanong.

“Secret, now go.” he laughed quietly then pushed me again gently.

Natawa na lang ako hanggang sa pagpasok ko sa store. I made my way directly to my area at tila hindi na mawala ang ngiti sa mga labi.

“Ikaw ah, hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala.” pang-aasar ni manager habang may mahinang pagtusok sa tagiliran ko dahilan upang makiliti ako.

“Omg, Ate, he’s not my boyfriend kasi pero sana nga, chos HAHAHAHA!”

I was about to add something pero sumingit naman si Johann na seryosong nakatingin sa’kin, “Study first, Sab. Prioritize your course before anything else.” pangangaral nito na parang ama ko.

“Johann! Sab knows what she’s doing and isa pa, Sab is very independent and responsible sa pag-aaral niya. Kahit mag-jowa man iyan, hindi iyon magiging distraction sa pag-aaral niya, right Sab?”

Nag-apir naman kami ni Ate, “True ka riyan, Ate. Bravo! Bravo!” panay tawa lang kami ni Ate habang panay buntong hininga lang si Johann sa gilid.

Saktong alas-otso nang gabi ay siya ring kararating ni Freya. Hindi na ako nagtagal at nagpaalam na lang ako sa kanila kasi naghihintay ang mapapangasawa ko sa labas.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinintay na makaupo ako nang komportable bago niya isarado. Ang gentleman naman.

“I guess, you’re hungry, already. I can hear your stomach saying she’s hungry!” natatawa niyang biro kaya sumimangot ako.

Mas lalo siyang pomogi sa pagtawa niya. His chuckles were genuine.

“Hoy, gaga. Pero yeah, gutom na nga ako.” walang enerhiya kong sambit at napasandal sa may backrest.

Lumipas ang sampung minuto, nandito kami sa isang gusali. We went inside a 3-storey building. Lumapit kami sa isang area at nag-order. Actually, si Klyde lang ang nag-order dahil mas naka-focus ako sa interior designs ng building. Afterwards, pumasok kami sa isang elevator at pagkalabas namin ay bumungad sa akin ang isang rooftop na may mga tables na good for two people.

“Oh my g.” I was amazed of the view. We were underneath the bright full moon surrounded by lots of shining stars twinkling above. Oh ‘di ba, parang poetry lang ang pagkakasabi ko. Mula sa itaas ay kitang-kita ang buong siyudad.

“What do you think of this place?” he asked as he accompanied me towards a table with two seats.

“Wonderful. Are you aware that I love the moon and the stars? Kyah, I can’t explain how happy I am tonight, thank you. Why did you bring me here, by the way?”

He glanced at me and smiled, “Well, let’s just say na pambawi. I’m glad you like in here.”

“I don’t like this place, because I love it.”

Minutes passed at dumating na ang mga pagkain namin. Nagsimula na rin kaming kumain habang nagkwe-kwentuhan.

“I hope you’re happy.”

“Klyde, I am so happy, I really am happy.” Sa totoo lang, words weren’t enough for me to explain how happy I am for what he did and I wouldn’t deny the fact that I was even happier being with him tonight.

“That’s good to know.” he said and smiled. Parang nagkikislapan ang mga mata niya nang ngumiti siya.

And those light brown eyes and his soft smile. Damn, they were making my heart beats rapidly. I told myself before that I would never fall inlove again because my priority was guarding my heart but then, this man named Klyde arrived to my life. Should I let myself fall for him?

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.4M 34.4K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.6M 288K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
3M 91.3K 27
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...