AOT: Captivating His Manacled...

By IamMartinaWrites

12K 367 44

SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE. Warning: R-18 Doctor Trevour Zachary Castillejo seems t... More

Disclaimer
Art Of Temptation Series
Captivating His Manacled Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Author's Note
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9- First Step of Captivating
Chapter 10- Rain
Chapter 11- A little step closer
Chapter 12-Indenial
Chapter 13- Temptation
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18- Fake Bet
Important Announcement‼️
Chapter 19 Edited Version
Epilogue
Good Morning! 😊

Chapter 8- Silly moves

355 12 0
By IamMartinaWrites

"My gosh, napakaguwapong creature!" pairit na sambit ni Samantha dahilan para mapairap si Everette.

'Guwapo nga, ubod naman ng manyakʼ

Isa pa sa kinaiinisan niya ay ang sinabi sa kaniya ni Trevour, pakiramdam nga niyaʼy nabastos siya noong isang araw ngunit inakala pa yata ng supladong Doctor na nakikipaglandian siya sa kamag-anak ng pasyente sa oras ng trabaho.

Flashback.

Tumayo si Everette at sinundan ng tingin ang batang si Abby na mabilis nakatakas sa mga kamay niya para puntahan ang isang napakaguwapong lalaki na ngayon ay nasa harapan niya at karga ang bata. Nakasuot ito ng puting uniporme na sa hinuha niyaʼy uniporme ng mga piloto ng eroplano.

"Doctora ganda, meet my kuya pilot!" masiglang sabi ni Abby sa kaniya, bumaba pa ito mula sa pagkakakarga sa kaniya ng kapatid at hinawakan sila sa tig-isang kamay upang paghawakin iyon.

"Say nice to meet you to Doc Ganda, Kuya Harris," utos pa nito sa kapatid.

"Hi, nice to meet you, Doctora ganda..." Pinisil nito ang kaniyang palad.

"Doctora Ganda, nice to meet you raw po sabi ng kuya ko," nakangiting baling sa kaniya ng batang si Abby.

Everette cleared her throat and forced herself to smile a bit and become formal.

"It's nice to meet Abby's family. Can I talk to you about some important matter? Abby, go with your friends first and share these treats with them." Mula sa bulsa ng kaniyang suot na pediatric scrub suit ay kinuha niya ang mga lollipop at inabot sa bata.

"Thank you, Doc Ganda! Bye Kuya Harris! Please be nice and gentle with my Doctor!" sabi nito bago nagtatakbo papunta sa play room. Sinundan niya ng tingin ang bata hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin.

Paglingon niya sa kinatatayuan kanina ni Harris ay ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang bigla ay nasa mismong harapan na niya ito, halos magdikit na ang kanilang mga katawan dahilan para mapaurong siya palayo.

But what happened next shocked her. Nawalan siya ng balanse at maagap naman siyang nasalo ng lalaki sa kaniyang likod habang ang kaniyang katawaʼy nakaliyad at ito naman ay nakayuko sa kaniya.

Daig pa nila ang nagsayaw ng tanggo dahil sa posisyon nila.

Ngunit ganoon na lamang ang inis niya nang makita kung gaano kalagkit at kahalay ang tingin sa kaniya ng lalaki mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang dibdib at pabalik sa kaniyang mga labi!

Doon naman saktong dumating si Trevour at naabutan sila sa ganoong posisyon. Kasabay nang paglingon niya sa supladong doctor ay ang siya namang paglapit ni Harris ng bibig sa tainga niya.

"I got you," bulong nito sa kaniya na ikinakilabot niya.

Samantala, nakarinig naman siya ng hindi magandang salita mula kay Trevour dahil nga inakala nito na nakikipaglandian lang siya sa oras ng trabaho imbes na asikasuhin ang mga batang pasyente.

End of flashback.

"Mainit pa rin ang ulo mo, Doctora Ganda?" tanong ni Samantha sa kaniya matapos siyang makita na nakasimangot.

"Right, maganda ako . . . ." Tumango siya habang nanliliit ang mga mata sa kinaroroonan ni Trevour. Hindi man lang niya pinagtuunan ng pansin ang tanong sa kaniya.

Sinundan naman ni Samantha ang tinitingnan niya. "Isa pang guwapo at yummy creature!"

"Stop!" Tiningnan niya nang masama ang babae.

"W-Why?" tanong nito.

"Off limits..." pinanliitan niya rin ito ng mga mata. Napatango-tango naman ito nang maunawaan ang sinabi niya at saka muling tiningnan si Trevour.

"Fine, sa iyo na siya basta sa akin iyong pilot noong isang araw . . . Deal?"

"Seriously? Puwede ba, iyong-iyo na ang manyak na iyon basta huwag mong pagpapantasyahan ang sa akin," she said then smirked at her.

"Akala ko ba hindi mo gusto?" nang-aasar na tanong nito.

"Hindi nga, pero na-cha-challenge ako sa kaniya. Nakapag-research ka naman siguro tungkol sa akin, tama ba?" puno ng kumpiyansa na tanong niya.

"Slight!" Sinenyas pa nito ang hinturo at hinliliit na daliri pagkasabi niyon.

"Anong nalaman mo?" bulong na tanong niya habang kunwari ay tinitingnan nila ang patient charts para hindi mahalata na nagtsi-tsismisan sila sa oras ng trabaho.

"That you have a list. Iyong mga lalaki na binasted mo," ganting bulong nito.

"Exactly, and what is my motto in life?" tanong niya.

"What Everette wants, Everette gets!" maarteng tugon nito.

"Magaling  . . . ." ngisi niya sa babae.

"So what are your plans?" pang-uusisa nito.

"Wala pa." Tumayo siya nang tuwid at inayos ang suot na scrub suit.

"Seduce him, girl..." sulsol nito sa kaniya.

Hindi maipagkakaila na nakukuha na ni Samantha ang loob ni Everette at nagsisimula na siyang magtiwala rito. Nabubuo na rin ang pagkakaibigan sa pagitan nila. Medyo parehas kasi sila ng ugali na dalawa. Bukod dooʼy hindi naman ganoon kasama ang ugali niya para pagsupladahan ang isang tao na gusto lang namang makipagkaibigan sa kaniya.

Samantala, ilang araw nagpaulit-ulit sa pandinig ni Everette ang mga huling salita na sinabi ni Samantha.

'Suduce him, girl...'

'Seduce him, girl...'

'Seduce him, girl...'

Napailing-iling na lamang siya habang pilit itinataboy sa isipan ang mga salitang iyon.

Naguguluhan siya sa sarili pero pakiramdam niyaʼy parang mababaliw naman siya kapag hindi napasakanya ang lalaki. Marahil ay na-cha-challenge nga lang talaga siya dahil sa pakikitungo nito sa kaniya ngunit sa isip niya, kahit ano pa man ang totoong dahilan ay hindi siya titigil hangga't hindi niya natutunaw ang yelo sa puso nito.

"WHAT do you need this time, Intern?" malamig na tanong nito nang bisitahin niya sa opisina.

Click!

Tunog ng pinto nang i-lock niya iyon habang hindi inaalis ang paningin sa guwapong nilalang na prenteng nakaupo sa swivel chair sa likod ng office table.

Samantala, nilalabanan naman nito ang kaniyang malalagkit na titig sa pamamagitan ng malamig nitong tingin.

Dahan-dahan siyang naglakad sa harap ng lalaki at nang tuluyang makalapit ay dali-dali naman niyang hinila ang stethoscope na nakasabit sa leeg nito. Dahil sa ginawa niyang iyoʼy napatayo ang lalaki at sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang salubungin ng halik ang mga labi nito.

Hawak pa rin niya ang aparatong nakasabit sa leeg nito, ang kaniyang mga paaʼy nakalapat sa sahig habang ang doctor naman ay nakayuko sa kaniya habang iginagalaw niya ang kaniyang mga labi sa bibig nito.

Sandali lamang na naglaro ang mga labi niya roon nang maramdaman niya na mariin siyang hinawakan ng lalaki sa dalawang balikat at pilit na inilalayo sa katawan nito.

"Ganiyan ka ba talaga kababa at kadesperada?!" galit na tanong nito sa kaniya.

"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin, huh?"

"What? You're crazy..."

"I like you, okay?"

"And so? Ano ngayon, Everette?"

"Tinawag mo ako sa pangalan ko," ngisi niya.

"Is it required to like you back?" Umigting ang panga nito habang matalim ang tingin sa kaniya.

"Yes, of course! Because I am— "

"Everette, because you're Everette... How disgusting. Pangalan mo pa lang ay sukang-suka na ako," walang prenong sabi nito.

Nasaktan siya, malamang na masaktan siya. Pero dahil nga si Everette siya, hindi niya maaaring ipakita iyon sa kahit na sino.

Mababawasan ang kumpiyansa niya sa harap ng mga tao!

Pinilit niyang ngumiti. "It's okay, Doc. I'm pretty sure you'll love to moan my name eventually..." pilit pinaarte ang boses na sabi niya.

"That will never happen." Muli itong umupo sa swivel chair at hinarap ang mga papeles na naroon.

"Just watch and learn . . . ." she said.

Kinuha niya ang patient's chart sa lamesa nito at naglakad palapit sa pinto.

Bago siya lumabas ng opisina nitoʼy pinapormal niya ang kaniyang mukha at inayos sa kaniyang kaliwang braso ang chart na nakaipit doon.

"Ano, successful ba?" bungad sa kaniya ni Samantha na halatang inabangan siya sa 'misyon' na ginawa niya.

Bumuntong hininga siya. "Buwisit na lalaking iyon, napakatigas ng puso!"

"What happened?" nakangising tanong nito sa kaniya.

"I kissed him." Ngumisi siya at tumingin kay Samantha na naging kaibigan na niya sa loob ng ilang linggo pa lamang nilang pagkakakilala.

"Oh, my God . . . Ginawa mo ba 'yong tinuro ko sa iyo?!" tanong nito na tila nasasabik na malaman kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Doctor Trevour.

"Yes, but I made it more unique and seductive, " sagot niya.

"You have all the time in the world to seduce him even more, Doctora. Sa ganda mong iyan, kahit ang mala-yelo at kasing tigas ng bato na lalaki ay mabibihag mo ang puso, " ani pa ng babae.

"I know right!" kumpiyansadong sagot niya sabay nanliit ang mga mata sa mga isiping naglalaro sa isip niya.

HUMINGA nang malalim si Everette habang pilit pinapakalma ang sarili.

Ang lalaking kaharap niya ngayon ay inuubos ang pasensiya niya.

Hindi naman niya akalain na may kuyang piloto pala si Abby, isa sa mga pasyente niya.

They are not actually related by blood. Step-brother ni Abby ang mahangin, makulit at may pagkamanyak na pilotong nasa harapan niya ngayon.

"So . . . Do you have any plans on Sunday?" tanong nito sa kaniya.

"Yes, Sunday is for God and family." Kinuha niya ang kaniyang bag at saka ito binigyan ng isang pilit na ngiti bago talikuran.

"Wait, Doctora. Can I atleast give you a ride?" tanong nito.

"Uhm, no thanks. May dala akong sasakyan." Muli siyang ngumiti at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa parking ng hospital.

"Okay then, sabay na lang tayong maglakad," pangungulit nito dahilan para mapatingin siya sa binata.

"I'm Neil Harris and yeah, I was named after the great Neil Armstrong, the first person to walk on the Moon,"

"Ah, okay?" tugon niya sa pilit pinagmumukhang interesado na tono. Sa isip ay tinatanong kung Neil Harris ba talaga ang pangalan nang nasabing Astronaut, sa pagkakatanda niya kasi ay Neil Alden Armstrong 'yon.

Nakita niya na kumamot ito sa batok. "How about you?" matapos ang ilang segundo ay tanong nito.

"What about me?" naguguluhan na tanong niya.

"Your name, you know . . . ." Nagkibit balikat ito.

"As if you don't know!" She laughed a bit.

Muli itong napakamot sa batok. "Yeah, you're Doctor Maureen Everette Vallejo."

"Bye, then . . . ." ngiti niya sa lalaki bago ito talikuran para makasakay na sa kaniyang sasakyan.

"Wait!" Naramdaman niya ang kamay nito sa braso niya.

Nilingon niya ito at bumaba ang tingin niya sa kaniyang braso na hawak nito dahilan para bitawan nito iyon.

"Yes? May nakalimutan ka pa?" may pagkasarkastikong tanong niya.

"Ahm, well— ahh . . . Good bye?"

Ngumiti siya, a genuine smile this time. "Good bye, Neil Harris. " Diniinan pa niya ang pagkakasabi sa pangalan nito.

"Drive safely, have a good night!" pahabol nito dahilan para muli siyang mapalingon. At sa kaniyang paglingoʼy nahagip ng paningin niya ang lalaking ilang linggo na ring nagpapagulo ng kaniyang puso at isip. Ang lalaking lakas loob niyang hinalikan kanina.

Si Trevour.

At sa pagkakataong iyon ay hindi alam ng dalaga kung anong pumasok sa kaniyang isipan.

Namalayan na lamang niya na lumapit na pala siya kay Harris at idinikit ang pisngi rito.

Kitang-kita niya kung paano nanliit ang paningin ni Trevour kasunod nang pag-igting ng panga nito habang pinagmamasdan silang dalawa.

Dahil dooʼy tila may kung anong nagdiwang sa puso niya, na agad din namang naglaho dahil kitang-kita niya kung paano napalitan nang panghuhusga at labis na disgusto ang mukha nito dahil sa nasaksihan.

Continue Reading

You'll Also Like

265K 18.9K 145
Tác phẩm: Toàn thế giới đều đang đợi người động tâm. Tác giả: Tố Tây Người gõ: Mia của bạn nè Beta: Hoa Hoa của bạn đây Ý là truyện này gõ nhanh quá...
57.3K 1.6K 19
Where a girl gets a letter from blue lock to become the best striker in the world. Will she succeed? But there's a twist, everyone is terribly obsess...
5.1M 45.3K 53
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
152K 4K 36
it is (the continuation) of the Wattpad of Shadowmonarch325 because I really like the concept with now all the school of oreigaru QQ Cote ... as well...