STRANGERS WITH MEMORIES (ON G...

By Graeciously

0 6 0

Sabrina Cabrera, an engineering student, never expected to fall in love again until she meets a stranger, Kly... More

PROLOGUE
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER IV
CHAPTER V

CHAPTER III

0 1 0
By Graeciously

I woke up in a sudden when my phone vibrated. Agad ko naman iyon kinuha and there I saw a message from an unknown number.

From: Unknown
You left something inside my car.

I stared at the text message and tried to remember something. “Car? Kaninong car ba—ay hala, Klyde.”

To: Unknown
Klyde?

Sana tumawag na lang siya kesa mag-text. Ayaw niya bang marinig ‘yong boses ko? Chariz

Seconds passed, my phone rang and ‘his’ number popped up on the screen. Omg. I quickly answered the phone call and damn, he was making me nervous. He suddenly made my heart beat faster than its normal speed.

How did he get my number?

“Hi, I bet the purse here is yours, isn’t it?” narinig ko siyang may kinakalikot sa area niya, “The purse has some girl’s personal belongings.” dagdag niya. “And by the way, I saw your number on your card that’s why I was able to text and call you.”

.....

“Hello?”

.....

“Sabrina Cabrera?”

“Ay Sabrina, hala sorry, nalutang ako saglit. Uhm, purse noh?” kinakabahan pa ako nang medyo slight. “Oo, sa akin ‘yan. Kailan ko ba ‘yan pwedeng makuha? At saan?”

He quietly laughed, “Hey chill, I can sense your nervousness.”

Hindi ko alam pero kinilig ako sa sinabi niya. Omg, what are you doing to me, Klyde Coriander?

“Ha? Hindi naman ako kinakabahan ah. So, kailan nga at saan?” kinalma ko naman ang sarili ko pero hindi na mawala ang mga ngiti sa labi ko.

“Tomorrow, sa convenience store na pinagtatrabahuan mo, seven pm. I will wait for you, Sabrina.”

“Sige-sig-” naputol ang dapat na sasabihin ko nang kunin bigla ni Shawn ang phone ko at ini-off ang call. “Putcha, problema mo?! Kausap ko na ‘yong mapapangasawa ko eh, epal mo kaya ka hindi nagkakajowa, argh! You’re so epal ah! Pwede ka na kunin ni Lord, Shawn!”

Natatawa naman akong tinignan ng mokong, “Chill lang. Tinatawag ka kasi ni Tita eh hindi mo naririnig kasi panay kilig ka diyan. Ang lakas pa ng boses mo eh may natutulog dito oh.”

Inirapan ko na lang siya at pumunta sa may pinto. Lalabas na sana ako pero liningon ko muna siya, “Hindi tayo bati.” I made my way outside and went directly to the kitchen where I could find Mama.

“Good morning, nak.” she said as she flipped some tocino on the pan. “Kumusta naman ang tulog mo?”

“Morning, Mama. Maayos naman po ang tulog ko at sobrang ganda ng gising ko kaso umepal si Shawn, ang unggoy.” I was referring to Shawn na kalalabas lang ng kwarto.

“I heard my name being mentioned.” he was raising his eyebrow as he walked near me and sat on the chair beside me. “Tita, si Sab po talaga ang epal sa pagtulog ko.” sumbong naman nito.

“Ang cute niyo, bagay kayong dalawa.” dahil sa sinabi ni Mama ay sabay kaming napailing ni Shawn.

“Yuck, no way.” sambit namin nang magkasabay.

“Nai-imagine ko kayo bilang mag-asawa.” patuloy na pang-aasar ni Mama sa aming dalawa.

“Nah, I couldn’t imagine myself marrying that gorilla, never in my life.” I complained while eating a piece of tocino.

Inirapan niya naman ako bigla, “At Tita, hindi ko po kayang mabuhay kasama ang sabog na ‘yan. Ayaw kong magkaroon ng anak na panget.”

“Aba aba, sinasabi mo bang panget ang anak ko so panget din ako?” natatawang tanong ni Mama kay Shawn.

“Syempre hindi, Tita. Ang ganda-ganda kaya ng Tita Cris ko oh. Human version ni Aphrodite, naks.”

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang agahan naming tatlo. Si Kuya, maagang umalis kasi may trabaho kaya nauna na siyang mag-agahan kanina.

“Hoy sabog, ba’t panay ngiti ka riyan?” biglaang tanong ni Shawn dahilan para mapatalon ako sa gulat.

“Hoy sabog, ba’t panay ngiti ka riyan?” I mimicked while laughing. Pasalamat siya at nasa good mood ako kaya hindi ko siya mababatukan. Tinaasan niya naman ako ng isang kilay. “Wala lang, pakialam mo ba? Tumabi ka nga at ako’y magpapatuloy sa paglilinis.”

Umiling-iling na lang siya at umalis habang ako naman ay nagpatuloy sa ginagawa ko habang nakangiti at sinasabayan ko rin ito ng pagkanta.

Alas-sais na nang gabi nang maisipan naming maghapunan kahit maaga pa dahil sa alas-syete ang alis namin ni Shawn pabalik sa Cebu. Two weeks from now, magpapasukan na. Civil engineering ang kinuha ko kasi I could imagine myself wearing a hard hat while guiding my workers para sa mga gusaling itatayo namin soon and I couldn’t wait for that day to happen.

Shawn insisted to cook for our dinner since may skill siya roon. Pero kung ako ang gusto niyong gawing chef para magluto sa mga meals niyo, sorry hindi ako available. Wala akong maibabahaging skill para diyan.

“Anak, isang linggo na naman akong maghihintay sa’yo.” malungkot na sambit ni Mama habang nakahawak sa kamay ko.

Kung pwede lang sana na umuwi ako araw-araw para makasama si Mama kaso ‘yong trabaho at pag-aaral ang iniisip ko. Titiisin ko na lang since isang school year na lang naman ang hihintayin ko.

I gave her a smile and caressed her hand, “Mama, kaunting tiis na lang, hmm? Nandito naman si Kuya eh. At isa pa—”

“Yo, I’m home!” naputol ang dapat na sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Kuya.

“Pabigla-bigla ka naman. Anyway, kumain ka na rito. Sabayan mo na kaming tatlo.” saad ko at ako na mismo ang naghanda sa pagkain niya.

Shawn’s phone rang kaya dali-dali niya itong sinagot at tumalikod. Hindi ko naman nakita kung sino ang tumawag and wala naman akong balak alamin.

“Hey, bro!.....Inuman?.....Saan at kailan?.....Sige-sige, game.....Bye.”

Ang tanging naiintindihan ko lang ay may inuman sila bukas. Maglalasing na naman ang mokong tapos ako na naman ang tatawagan niya para sumundo sa kaniya. Routine na namin iyan.

Nagkaroon ng kwentuhan at tawanan ang aming hapunan dahil itong si Shawn, panay joke. Hindi naman ako informed na gusto niya pala maging comedian, i-support ko sana siya.

Saktong alas-syete nang nakasakay kami ng bus. Wala na kasing vehire sa mga oras na ito. Bago ako sumakay ay binigyan ko muna ng yakap sina Mama at Kuya. Nami-miss ko na naman sila agad kahit ilang minuto pa lang ang nakalipas.

Oh, I’ve been lying here and wide awake

Till the night dies out and day to break

Every minute seems like endless hours

When I’m with you

Nasa labas ang tingin ko habang pinapakinggan ang kantang pinapatunog ng bus driver.

I miss your eyes, your smile and lovely face

I can’t forget your sweet embrace

We both could share our endless dreams

If you were here

The song was very familiar to me kaya hindi ko maiwasang sabayan ito sa pamamagitan ng pagkanta.

Doesn’t matter if I’m alone

I got a place I call my own

I don’t care if you’re away

‘Cause I know you’ll be back someday

Someday...

My ex loved to sing this song to me. Dati, naging routine na ata namin ang mag-away at mag-bati. Mag-hiwalay at mag-balikan. Everytime he wanted me back, he would sing this song na siyang nagpapatibok ng puso ko para sa kaniya.

But it was before. Past is past. The last time na naghiwalay kami, he thought that I would come back to him when he sang me that song pero I did not. He hurt me and with that, I guarded my heart. He was the reason kung bakit may trust issues ako sa mga lalaking nanaisin ang pag-ibig ko kasi alam kong sa sarili ko na sasaktan lang nila ako katulad ng ginawa ng unang lalaki nagpatibok ng puso ko.

Pero pagdating kay Shawn, wala akong trust issue sa kaniya kasi kaibigan ko naman siya at alam kong hindi never niya akong mamahalin at ganoon din naman ako sa kaniya.

Madilim na at nagsimula na ring magsipatakan ang ulan. Mabilis lumamig ang hangin at buti na lang, may dala akong jacket na siyang sinuot ko naman. Nilingon ko si Shawn na ngayon ay tulog na tulog habang nakasandal sa balikat ko.

Nakatuon lang ang tingin ko sa labas habang binabalikan ang nakaraan.

It was sunday night. Lumabas ako ng taxi at kamalas-malas pa ay medyo malakas ang ulan. Monthsary namin ng ex ko and he called me na papuntahin sa favorite restaurant namin upang i-celebrate ‘yong special occasion namin.

I was wearing a red dress since he loved to watch me wearing something red. For the first time, hindi niya ako sinundo but he had his reason kaya inintindi ko na lang. Actually, napaaga pa ako ng dating kaya ewan ko kung andito na rin ba siya sa restaurant.

I was about to open the entrance door pero in a sudden, naramdaman ko na lang ang mga mainit na likido na dumadaloy sa pisnge ko habang nakatitig sa lalaking pinakamamahal ko na may kahalikang ibang babae.

The next thing happened, nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad sa kalsada. Hindi inaalintana ang lamig na dala ng ulan. Habang puno ng pagtataka ang utak ko kung bakit gano’n. Kung ano bang nagawa kong mali, o kung ano bang nagkulang sa’kin para magawa niya ang bagay na ‘yon.

Napatigil ako sa paglalakad nang hindi ko na maramdaman ang mga patak ng ulan at doon ko lang napagtanto na may isang lalaki sa gilid kong pinapayungan ako. And that night, I met Shawn, ang kaisa-isahang taong never akong hinayaan mag-isa.

“Sab, hoy. Look oh, naalala mo ba ‘yong place na ‘yan?” ako ay natigilan nang maramdaman kong niyuyogyog ako ng unggoy kasabay din do’n ang pagtigil ng bus.

“Ano? Kung makayugyog ka, tinde ah.” pagreklamo ko sa kaniya.

Tinagilid niya ang mukha ko sa labas ng bintana, “Do you remember that place?”

I quickly smiled and nodded, “Yeah.” Iyan ang lugar kung saan niya ako dinala nang gabing iyon. Isa siyang barbeque restaurant na classic style at napapalibutan ng magagandang ilaw. “Libre mo ulit ako diyan.” I jokingly said.

“Gaga, ikaw ang manlibre. Anyway, gala tayo rito this Thursday night.”

Tumango na lang ako sa sinabi niya, “Sige sige, try ko mag-day off.”

Minutes passed at nakarating na ako sa harap ng MAC building. Nagpaiwan si Shawn sa bus since medyo may kalayuan ‘yong place niya mula sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagpasok ko sa pinto ay bumungad sa’kin si Ate Emily, ‘yong may-ari ng apartment. “Good evening, ate. Kanina pa po ba kayo rito?”

“Hello, Sab. Bumisita lang talaga ako rito pero pauwi na rin ako. Kumain ka na ba? At saan ka galing?” Parang pangalawang nanay ko na rin si ate Emily, naaalala ko pa no’ng dati, palagi siyang nandito ta’s kapag nagkakasakit ako, siya mismo ang nag-aalaga at nagbabantay sa’kin.

“Nag-dinner na po ako, Ate. Kauuwi ko lang po galing sa amin kasi doon muna ako nag-stay kay Mama.” magalang kong sagot.

Nakita ko naman ang pagkalungkot ng kaniyang mukha, “Mabuti ka at naiisipan mo talagang bisitahin ang Mama mo ngunit iyong tatlo kong anak, dalawang buwan nang lumipas mula noong huli nilang dalaw sa’kin.” Biglang tumunog ang phone niya at parang may mensahe atang dumating kaya napatingin siya rito. “Oh siya, sa susunod ulit nating pagkikita. Paparating na si mister upang sunduin ako. Good night, Sab. Matulog ka nang diretso at iha, iwasan mong magpakapagod para hindi ka magkasakit.” iyan ang palagi niyang paalala sa’kin.

Tumango na lang ako at napangiti, “Yes po opo, Ate. Mag-iingat po kayo ah.” I gave her a quick hug na siya namang nagpangiti sa kaniya, “Good night po.”

Pinanood ko pa siya hanggang sa pagsakay sa kanilang kotse. Tahimik na ang paligid at tila’y tulog na ang mga tao.

Pumasok na ako sa elevator at napasandal sa pader. Nang nasa third floor na ako ay tahimik kong nilakad ang pasilyo hanggang sa umabot ako sa harap ng pinto ko.

Dala ng pagod ay napahiga ako sa kama at pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ako. Kahit na tinatamad ay kinuha ko pa rin ang tinignan ang mensaheng dumating.

From: Klyde
I just wanna remind you about our meet up tomorrow night, 7 pm. Don’t be late, Sabrina. Sweet dreams.

Napatayo ako sa kama at nagtalon-talon dahil sa kilig habang yakap-yakap ang phone ko. Shet. Nang kumalma na ako ay napaupo ako sa kama dala na rin ng pagod sa katatalon.

To: Klyde
Mukhang magkaka-sweet dreams nga ako nito. Good night, Klyde. 7 pm tomorrow night, noted.

Huminga ako nang malalim at napangiti habang dahan-dahang pinikit ang mga mata ko. Klyde dreams for me.

Continue Reading

You'll Also Like

570K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.4M 128K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
3.6M 288K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...