STRANGERS WITH MEMORIES (ON G...

Bởi Graeciously

0 6 0

Sabrina Cabrera, an engineering student, never expected to fall in love again until she meets a stranger, Kly... Xem Thêm

PROLOGUE
CHAPTER I
CHAPTER III
CHAPTER IV
CHAPTER V

CHAPTER II

0 1 0
Bởi Graeciously

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa labas ng bintana. Tinignan ko ang orasan at doon ko napagtanto na alas-otso na pala nang umaga.

Dali-dali akong napabangon mula sa pagkakahiga at nag-stretching muna saglit. Medyo masakit ‘yong katawan ko kaya napapa-aray ako.

Napatingin ako sa side table at napagtantong may nawawala sa gamit ko, pero hindi ko alam kung ano ‘yon.

I just took a deep breath and  made my way inside the comfort room and took a quick bath. Habang naliligo ay panay ring naman ang phone ko ngunit hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.

‘I bet you like my surname. Just wait and I’ll replace your surname with mine, Sabrina Cabrera.’ Natigil ako nang bigla itong pumasok sa utak ko.

“Omg, pati sa pagligo, ikaw pa rin ‘yong tanging nasa utak ko, Klyde. What are you doing to me ba?” nakikilig kong sambit habang panay sa pag-ngiti.

Hanggang sa matapos ‘yong pagligo ko ay hindi na nawala ‘yong malapad kong ngiti habang iniisip si Klyde. Kakaiba talaga ‘yong dating niya sa’kin. The way my heart beats for him, I knew he’s the one, char.

“Good morning, Sab!”

“Ay Klyde!” sigaw ko at napatalon sa gulat nang makita ‘yong kaibigan kong si Shawn na nakaupo sa may single sofa, “Este ano, Shawn, ikaw pala.”

He stared at me as if I made something wrong, “And who’s Klyde, ha?” tumayo siya at pinagkrus ang dalawa niyang braso. “Oh ano na, babae? Sino ‘yong minention mong Klyde, ha?”

“Hoy gaga, may ichi-chika ako. Wait lang at ako ay magbibihis na muna.” pagpaalam ko at pumasok sa kwarto ko. Plano kong umuwi sa amin ngayon since hinihintay ako ni Mama.

I just wore a high-waist jeans and a brown sweater. Medyo malamig kasi sa place ko roon sa amin. I combed my curly hair and fixed it without using a tie.

Pagkalabas ko ay nando’n pa rin si Shawn sa puwesto niya kanina, “What brought you here nga pala? Or sadyang miss mo lang kagandahan ko?” pagbibiro ko at dumiretso sa kusina upang magluto.

“Ulol, ang hangin mo, Sab. Inborn na ‘yang pagiging mahangin mo.” pag-eepal nito at umupo sa upuan sa may kusina. “Ano ba ‘yong ikwe-kwento mo?”

“First of all, nag-breakfast ka na ba? At bakit bihis na bihis ka ata? May lakad pre?” sunod-sunurang kong tanong at kumuha ng tig-iisang pack ng hotdog at ham sa ref. “Kung need mo ng chaperon, sorry I am not available today kasi uuwi ako kay Mama.”

“Dami mong tanong, dahan-dahan uy, mahina ‘yong kalaban. Hindi pa ako kumain kasi plano ko talagang dito mag-breakfast. Bakit ako bihis na bihis? Well...” he pretended that he was thinking and then smirked, “sasama ako sa’yo eh. Miss na rin ako ni Tita, panigurado.”

Nilagay ko na sa pan ang mga lulutuin ko kaya medyo nakatalikod ako kay Shawn, “Yocc, feeler mo naman. Hindi ka nami-miss ni Mama if ever hindi mo alam.” I joked then laughed when I saw him frowned.

“Alam mo, sarap mong itapon, Sab. Sumbong kita kay Tita, mas mahal pa naman ako no’n.” ipinatong niya ang isang siko sa ibabaw ng mesa at tinignan ko nang masama, “Panget mo.”

I rolled my eyes and continued what I was doing, “Well, mas panget ka naman kaya okay lang. Anyway, paki-ready nga no’ng sliced bread para naman may ambag ka.”

He took a large round plate and placed some breads on it. Pagkatapos maluto ng mga ulam ay nilagay ko na sa kani-kanilang plato.

Umupo na rin ako sa harap ni Shawn at nagsimula na kaming kumain ng breakfast. Halos araw-araw dito kumakain ‘yang mokong na ‘yan.

“Kala ko kahapon ka uuwi.” he said while looking at me.

Sumandal naman ako sa backrest ng upuan at kumagat sa tinapay, “Nag-overtime ako kahapon kasi matagal dumating si Freya, ‘yong ka-exchange ko sa trabaho.”

“Ay wait nga, ano ba kasi ‘yong iki-kwento mo?” pang-ilang tanong na ba ito ng mokong.

Umupo ako nang maayos at tinignan siya na parang nae-excite, “Hoy gaga HAHAHAHA! So ito na nga aking magandang kuwento. Kahapon sa convenience store, may nakita akong lalaking naglalasing sa labas ng store tapos paglabas ko ng store, imbes na umuwi ay nilapitan ko siya tapos binigyan ng panyo kasi ghad, umiiyak siya, pre...”

“Tapos?” walang gana niyang saad kaya’t napairap na lang ako sa kaniya.

“Uso ba sa’yo ‘yong wait? Dzuh, so ito nga, dinala ko siya sa plaza tapos doon, sinamahan ko siyang mag-inom and tapos, nag-usap kami about sa problems namin tapos ackk alam mo ba, hinatid niya ako pauwi sakay sa mustang niya!” nagagalak kong sambit habang niyuyogyog si Shawn na parang wala naman sa mood. Kaya tinigil ko na lang ang pagku-kuwento.

Afterwards, Shawn stood in front of the sink and volunteered to wash the dishes para naman hindi lang daw kagwapuhan ‘yong ambag niya. Knowing Shawn, mahangin siya, grabe.

Mga isang oras ang lumipas ay dumiretso muna kaming mall para bumili ng pasalubong kay Mama at kasama na rin doon ang groceries.

Habang nakapila sa may counter ay napatingin ako sa wine section nang mahagilap ang isang lalaking pamilyar sa’kin. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na pants habang naka-shades.

“Klyde?”

“Miss, your turn na po.” binigyan ko ng tingin ang cashier at ngumiti. Binalik ko ang tingin sa wine section ngunit wala na roon ‘yong lalaki kaya itinuon ko na lang ang sarili sa cashier.

“Baka namalik-mata lang ako.” bulong ko sa utak ko at nagsimulang ilagay ang mga kinuha ko sa may counter at binayaran.

Shawn waited outside the mall kasi may tumawag sa kaniya bigla kaya ang ending, ako ang nagbitbit ng mga pinamili ko papunta sa labas, mabigat pa naman medyo.

He was not in his mood when I gently spat his arms, “Oh, what’s wrong? Anong mukha ‘yan? Mukha ba ‘yan ng unggoy na wala sa mood?” I quietly laughed kaya napasimangot ang gaga.

“Panget talaga ng ugali mo. Hali ka na nga, may vehire roon.” he took the bags and together, we went near the vehires parking area.

Mabuti na lang talaga at bakante pa ang sasakyan. Sa likod kami umupo kasi wala lang, iyan ang sabi ng mokong eh.

Nasa labas lang ang tingin ko buong biyahe. I enjoyed the view and the admirable spots here in my hometown, Cebu. Maraming puno sa paligid kaya masasabi kong hind mainit dito sa Cebu, except sa city na halos ay napupuno ng mga iba’t-ibang gusali.

Almost an hour and a half ang naging biyahe namin. Nang makababa na kami, naglabas ako ng malalim na hininga. Nothing changed, the breeze was still cold and comfy.

Kailangan pang maglakad ng ten meters bago marating ang bahay namin. Pagkarating namin, si Kuya ang agad kong nakita na may kinakalikot sa motor niya.

“Kuya, si Mama?” I asked kaya napuno ng pagtataka ang mukha niya at tila nalulutang habang nakatingin sa’kin. I raised my eyebrow, “What? Ngayon ka lang ba ulit nakakita ng isang Goddess?”

“Ay, ikaw pala ‘yan dae. Uy, pre!” tawag niya kay Shawn kaya tumango naman si Shawn sa kaniya at ngumiti. “Mama! Andito na ‘yong mahangin mong anak!” he screamed.

After a couple of seconds, Mama came out from the house wearing her red apron. Hulaan ko, nagluluto iyan.

“Sabrina! Wahhhh!” she really seemed so excited as she ran the distance between us. She then gave me her tightest hug while caressing my hair. “Kumusta ka na?! Na-miss kita ng sobra, anak!” hindi na mawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Mama, ayos lang po ako. Pasensya na kung hindi ako nakauwi kahapon.” I kissed both her cheeks and placed the groceries on a round table at the terrace.

“Ehem, Tita, andito po ako.” papansin ni Shawn, ayan kulang sa pansin ang amaw.

Mama laughed at him then gave him a hug, “Uy Shawn, kumusta na?”

“Walang nagbago, gwapo pa rin naman, Tita.” feeler niyang sambit at sinamahan ng tawa.

Napailing-iling naman si Mama, “Wala ngang nagbago, mahangin ka pa rin Shawn.” nagpalabas si Mama ng isang malakas na halaklak.

Nag-make face naman ako sa kaniya para mang-asar. Tumingin naman ako kay Mama, “Ma, anong gawa mo pala?”

“Ay oo nga pala, hala, rito kayo sa kusina.” nauna siyang maglakad papuntang kusina habang inaayos ang apron niya. “Nagluluto nga pala ako ng lumpia, paborito niyo. Lumapit siya sa stove at tinapos ang ginagawa niya.”

“What’s the occasion Tita at naisipan mong mag-lumpia?” singit ni Shawn na kakaupo pa lang sa gilid ko. Kumuha siya ng isang piraso at kinain ‘yon, feel at home ang boang.

“Eh syempre, uuwi kayo eh kaya ipinagluto ko kayo ng paborito niyo.” tumingin siya kay Shawn at ngumiti, “Masarap ba iho?”

“Syempre naman Tita, ikaw ang pinakamasarap na magluto ng lumpia sa buong universe. Kaya kahit alien, hindi makakakuha sa timpla mo.” I saw how fluttered Mama was sa sinabi ni Shawn na ngayon ay kinakain ang pangalawang piraso.

“Aysus, ikaw talaga. Oh siya, Sab, kumain ka na rin.“ naghanda muna si Mama ng kanin para saming apat ni Shawn at Kuya. “Tawagin ko lang si James.”

“Okay.” I answered at nagsimulang magsandok ng kanin sa pinggan ko. Tinignan ko naman ang unggoy and omg, pangatlong piraso na ang kinakain niya. Ayan, adik sa lumpia ni Mama.

Well, we both loved lumpia kasi favorite namin ‘yon.

“Hoy dahan-dahan lang mare at baka mabulunan ka sana HAHAHAHA!” sumimangot na naman siya habang patuloy sa pag-nguya ng lumpia. “Bleh, unggoy!” pang-aasar ko sa kaniya.

“Tita, si Sab, parang ano! Muntanga ‘tong babaeng ito, ang sama ng ugali oh! Tita, itapon mo na ‘to!” sigaw niya na tila ay parang nagsusumbong sa magulang.

Shawn treated my mother as her second mom. Mabait si Mama sa kaniya at anak na rin ang trato niya rito. I hadn’t seen Shawn’s mom ever since. Ang kwento niya, nasa Dubai raw ang Mama niya, isang nurse roon.

“Kumusta naman ‘yong trabaho mo roon? Baka sa sobrang pagod mo, ma-anemic ka niyan.” rinig kong saad ni Kuya na may pag-aalala sa tono ng boses niya.

I took a bite from the food I was holding and rolled my eyes at him jokingly, “Anemic na ako, dzuh. Pero guys, you have nothing to worry about kasi okay lang naman ako. Nasasanay na rin ako sa pagod pero fighting pa rin. I chose this path, right? Sabi ko, magiging independent ako kaya dapat lang na panindigan ko ‘yong mga sinabi ko.”

“Bravo! Bravo! Baka Sab ‘yarn!” Shawn seemed very proud the way he clapped his hands dahil sa mga sinabi ko. Napangiti na lang din ako pero bigla ring nawala nang may sunod siyang sinabi, “Ngayon ka lang ata naging matino, bravo!”

I spat his arms and rolled my eyes at him. Natigil lang kami nang nagtanong si Mama tungkol sa dala kong plastic na nasa round table.

“Mama, groceries ‘yan para rito.” sagot ko at sumubo ng kanin.

“Sabrina, anak, alam mo namang hindi mo na kailangan gawin ‘yan.” sambit niya na tila ay nag-aalala habang hinahaplos ang buhok ko.

I surrounded my arms on her waist and gave her a sweet smile, “Ma, masanay ka na kasi. Anak niyo ako at responsibilidad ko rin kayo kasi malaki na ako and Ma, you took good care of me all by yourself since nilabas niyo ako kaya kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako, okay?”

Shawn’s applauses again caught our attention, “Bravo, mas tumino ka pa.” binatukan ko siya agad at mas sinubo pa lalo sa kaniya ang lumpiang bitbit habang napangiti naman sina Mama at Kuya dahil sa mga sinabi ko.

Alas-diyes na nang gabi nang naisipan naming magsitulog. Shawn laid down on my bed, bale magkatabi kaming matutulog. He was really a great bestfriend of mine at wala naman akong trust issue sa kaniya. He was a good guy kaya there was nothing for me to worry about.

“Good night, Sab...sabog.” muli ay nakatikim na naman siya ng batok sa’kin.

I just rolled my eyes at him and turned away, “Night dzuh, sweet nightmares.” narinig ko siyang tumawa habang ako naman ay papikit na.

Thirty minutes passed at hindi pa rin ako makatulog dahil na rin siguro sa ingay ng kapitbahay. May celebration kasi roon. Bigla namang may kalokohan na pumasok sa isipan ko kaya humarap ako sa kisame.

“Hoy, gising ka pa ba?” tanong ko habang naka-krus ang mga braso.

“Oh, bakit? Miss mo naman ako agad.” pagbibiro ng unggoy at katulad ng ginawa ko, humarap din siya sa kisame.

Tumawa muna ako sa isipan ko at huminga nang malalim, “What flower does have golden-rayed petals?”

“Ano? Kung ita-tagalog mo na lang sana ang pag-define sa bulaklak na ‘yan, edi sana alam ko.” pagreklamo nito.

“Dami mong satsat.”

Hinampas niya ako sa braso nang mahina at sumimangot, “Ano nga kasing bulaklak ‘yon?”

“Edi Shawnflower HAHAHAHA!” isang malakas na halakhak ang nilabas ko habang hinahampas ang braso niya, eh natatawa ako sa joke ko eh.

Nakita ko naman siyang tumawa rin pero tumigil din, “Corny...mais kayo diyan, mais mais.”

“Dzuh, ulol.” tumalikod na ulit ako at pumikit.

“Matulog ka na nga riyan, kung anong pumapasok sa utak mo eh.” reklamo ng unggoy. Bangungutin ka sana.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.7M 156K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
257K 15K 16
"ဘေးခြံကလာပြောတယ် ငလျှင်လှုပ်သွားလို့တဲ့.... မဟုတ်ရပါဘူးဗျာ...... ကျွန်တော် နှလုံးသားက သူ့နာမည်လေးကြွေကျတာပါ.... ကျွန်တော်ရင်ခုန်သံတွေက...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
841K 27K 68
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...