Her Savior

By Pijei_bi

1M 39.5K 9.4K

ProfessorxStudent Story!!! More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 - END
Author's Appreciations
SC - The Epic & Unexpected Proposal
Not an update

Chapter 23

14.7K 631 179
By Pijei_bi

"Close the door later when you leave, Mackenzie. I have to go now"

Wow. Nag-iimprove si Miss, nagpapaalam. Chariz.

At dahil pokus akong muli sa lego na binubuo ko ay tumango lang ako dito. Alam ko namang makikita niya ako dahil nakatingin ito sa akin. Nakikita ko sa peripheral view ko.

Akala ko ay lalabas na siya pero nagstay lang siya sa pagtayo malapit sa pintuan kaya napatingin ako sa kanya.

Nang makasalubong ko ang tingin niya ay nagulat pa ako dahil sobrang sama niyang makatingin sa akin.

"W-what did I do this time?" Tanong ko sa kanya. Pero tinarayan lang ako at umalis na.

Napailing nalang ako dahil don, napaka moody talaga ng babaeng yon.

Mamaya pang 1:30 ang pasok ko at alas dose y medya palang pa lang. Kaya lang naunang umalis si Miss ay dahil may meeting daw ang mga teachers.

Limang minuto bago mag ala-una y medya ay iniligpit ko na ang kalat ko pero hindi ang mga lego. Wala naman ibang pumapasok dito bukod kay Miss Harper, Brielle at sa akin kaya kapag may nawala o nagulo dito, isa lang sa amin ang may kasalanan. Oh diba?

Palabas na ako ng office ng makatanggap ako ng tawag mula kay Rei.

"What?" I asked her.

"Where are you?" Tanong din nito. Para siyang tumatakbo.

"Office. Are you running?" Alam na niya kung saang office, dito lang naman ang pinupuntahan ko na office ng teacher e.

"We don't have the next class. Teachers have a meeting and my ate just texted me, my daddy is in hospital, can you excuse me later on Miss Turner's class?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Yeah sure. Don't worry. Take care, Rei. Get well to your dad."

"Thanks, London. Bye!"

Hindi ko na siya sinagot at pinatay ko na ang tawag at alam kong nagmamadali din iyon. Mahaba pa naman ang oras kaya umupo nalang ulit ako at naglaro. Pangalawang parte pa lang ang binubuo ko dahil nga kumain kami kanina at medyo may kalakihan din ito kaya matagal buoin.

Habang naglalaro, tumunog muli ang phone ko and it was kuya Ashton who's calling this time.

"What?" Tanong ko dito pagkasagot ng tawag. Ni-loud speaker ko ito at binaba sa table para tuloy pa rin ako sa paglalaro.

"Princess, what are you doing?"

"Nothing. We don't have class right now. Teachers have a meeting. Why?"

"I'm going to Pampanga later this 5pm, wanna come? I'll wait you nalang if you want."

Pampanga? Anong gagawin nito sa Pampanga.

Ay tangina. Nahulog pa yung isang pyesa.

"Gagawin mo don? Sinong kasama mo?" Tanong ko dito habang sinisilip yung isang pyesa na nahulog sa ilalim ng couch. Kinapa ko ito and luckily, nakuha ko

"I'll just visit the place where I can build my branch. I'm with my secretary and you, of course if you want." Ha! Oo nga pala. Nagpapatayo siyang muli ng panibagong branch ng business niya. Pero napangisi ako ng malamang kasama niya si Ate Reese. Gustohin ko man sumama at lokohin yon, pero wag nalang. Dahil mabait ako for today, hayaan ko munang masolo niya si Kuya. Hehe.

"Pass. I have class tomorrow. Ayaw kong magbyahe at mapapagod lang ako." Sagot ko dito.

"Okay, princess. I just asked you. Goodbye. Take care. I love you."

"Okay, kuya. Love you too. Take care."

Pinatay ko na ang tawag at tinuloy ang pagbuo. Mag-aalas tres na pero wala pa rin si Miss-- oh, speaking of, biglang bumukas ang pinto at pumasok dito si Miss.

Mejo nagulat pa siya na nandito ako pero agad ding umayos dahil baka narealized na niya na siya ang nagbigay permiso sa akin na pweding mag stay dito kapag vacant ko. Hehe.

"You don't have class?" Tanong nito sa akin habang papunta sa upuan niya.

Umiling ako sa kanya. "Later pa po. 3:30." Sagot ko.

Hindi na siya sumagot at sumandal ito saka inilot ang bandang sentido niya. Baka masakit ang ulo.

Hindi ko na rin siya pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

"Stop." Eh?

Mabilis akong napatingin kay Miss ng magsalita nanaman siya.

"Huh?"

"Stop what you're doing, Mackenzie. You've been playing that since earlier. Rest your eyes and mind. Tsk." Luh. Alam pa niya sa akin. Siya ba naglalaro?

"Okay lang po Miss, sanay naman po ak-- sabi ko nga po, titigil na." Masama na naman kasi kung makatingin kaya hayaan na. Baka lalong sumakit ulo niya at sa akin pa ibuntong.

Iniligpit ko na muli yung kalat pero hindi yung lego at wala naman papasok dito at pakikielaman.

Malapit na rin naman mag 3:30 kaya tumayo na ako at humarap kay Miss na ganoon pa rin ang pwesto mula kanina.

"Ha, Miss. Una na po ako sa room." Paalam ko. Hindi naman ito sumagot gaya ng nakagawian kaya tumalikod na ako.

Mapalit na ako sa pinto ng maalala ko si Rei kaya muli akong humarap kay Miss na ngayo'y nakatingin na rin sa akin kaya mejo nagulat pa ako.

"Ah, eh. Ahmm, Miss, pa-excuse daw po pala muna si Rei mamaya, umalis po, sinugod daw po sa hospital daddy niya."

"Okay." Yung lang ang sagot niya at tumayo na rin. Ang lamig nanaman.

"Okay po, thank you." Sagot ko nalang at lumabas na.

Minsan hindi ko din diya maintindihan. May time na ang sweet niya -- ay sweet? Kailan? I mean.. mahinahon siyang kausap. Matino, ganon.

Minsan nga siya pa unang nagtatanong e. Kaso nga lang yung mga tanungan niya, pampagulo lang e. Gaya nalang kanina kung sino raw nagluto? Tsk. Ano ba sa kanya kung nilulutuan ako ng pinsan ko?

Huwag niyong sabihing nagseselos siya?

Kasi kung oo? Edi very good! Papaluto pa ako kay Leigh para magselos siya. Hehe.

Tapos, ngayon naman, ang cold na naman niya. E kung painitin ko siya? Chariz!

Nagtataka na nga ako kung sino ba tong may gusto sa amin e. Ako ba o siya? Pwedi naman kaming dalawa diba? Mas better.

Nakakalahati ko na ang lalakarin ng mapahinto ako dahil may naisip.

Si Brielle. Nakauwi na ba yung batang yon? Kasi kung nakauwi na yon ng Pinas, edi dapat nandito siya ngayon sa school?

I mean, dito siya lagi diba, after class niya? Tapos pwedi naman na siya yung yumakap at magsabi ng I miss you sa akin kung nandito na talaga siya. Tapos yung gift... Pasalubong ba talaga ni Brielle yon o kay Miss talaga galing?

Ay hala! Baka si gusto talaga ako ni Miss tapos dinadahilan lang niya yung anak niya!

Pwede! Pwede!

Pero teka!! Ayaw ko namang umasa muli. Ouchy yon! Tanong ko nalang mamaya kay Miss. Huh? Pwedi naman ngayon, nasa harap ko na rin naman siya e-- wait what???

Nanlaki ang mata ko ng marealized na nasa harapan ko nga si Miss ngayon.

"M-miss."

"You look stupid standing on the hallway while smiling, then frowned then laughed then look confused. Tsk." Mataray na sabi nito at nauna ng maglakad.

Ilang segundo pa akong nakatulala bago ako bumalik sa realidad kaya mabilis kong sinundan si Miss at sinabayan siya.

"Tulungan ko na po kayo." Saad ko at kinuha yung mga dala niya. Hindi naman na ito nagreklamo.

"Miss?" Tawag ko sa kanya habang naglalakad.

Tinignan lang ako nito at tinaasan ng kilay. Tsk. Taray nanaman!

"Nasaan po si Brielle? Bakit hindi po siya pumunta dito?"

"New sched." Yun lang sagot niya at pumasok na sa room namin. Tsk. Nagtitipid ba to ng mga salita? 

Inilapag ko sa table ang mga gamit niya at pumunta na sa upuan ko. Wala si Rei, kaya wala akong katabi ngayon.

"Good afternoon, Class. So earlier we had meeting with our principal and other staffs. Next week, we will be having 3 days and 2 nights field trip in Baguio. I was the one who assigned on your section to handle. Tomorrow, I will give you the letter of consent for your parents and make them sign it and give it back to me until friday. President, collect them all first before giving them to me. Understood?"

Tumango lahat ang mga kaklase ko sa narinig. Ang iba ay gustong mag ingay pero pinipigilan nila dahil takot lang nilang mapagalitan kay Miss.

Hindi pa ako sigurado kung sasama ako o hindi. Pagiisipan ko muna.

"Yes, Mr. Sonza?" Tanong ni Miss sa isa sa mga kaklase ko nang magtaas ito ng kamay.

"What exact days are the trip, Miss?"

"Oh, right. It will be on Wednesday to Friday. We will meet here in school at 4 to 4:30 am because exactly 5am, we will go."

Muling nagsitanguan ang mga kaklase ko at nagbulungan. Excited yarn?

"Quiet, class. Now, let me start the discussion."

Mabilis na natapos ang klase kay Miss dahil saglit lang naman ang topic. Kaya heto ako ngayon at nakasunod nanaman sa kanya pabalik sa office niya.

Obviously, bitbit ko ang mga gamit niya. Okay lang naman sa akin, of course. Makakasama ko si Miss at gaya ng sabi ko dati, hindi dapat pinagbubuhat ang kagaya niyang magandang nilalang.

Pagdating namin sa office ay inilapag ko na ang mga gamit niya sa table niya at umupo pabagsak na umupo sa couch at nilapag sa tabi ang bag ko.

"Haysss. Ang sakit ng katawan ko, parang kailangan ko ng pahinga." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sarili ko or what. Nakita ko lang kasi ito sa tiktok.

Mula nung pinasayaw ako ni Brielle ay nawili ako sa panunuod, tapos ang dami pang magaganda at gwapo na sumasayaw na sexy. Hehe.

Tapos marami ding mga banat na pweding gamitin sa crush. Tinandaan ko nga yung mga yon e.

"Rest." Saad ni Miss. Sasabihin ko ba? Kinakabahan kasi ako e.

Bahala na.

"Pero feeling ko mas kailangan po kita."

Nakita kong napatigil si Miss sa ginagawa niya. "What?"

"Nag jogging po kasi ako kahapon, ang layo ng tinakbo ko."

"You're fine since earlier, Mackenzie, How come you felt the body ache just now?" Mataray na tanong nito.

"Umabot po ako hanggang puso mo."

"What? What are you talking about?"

Panalangin, huwag sana ako nitong sipain palabas.

"How about you Miss, hindi ka po ba napapagod?"

"In what? In my work? No I love wha---"

"Kakatakbo po sa isip ko-- Ouch!"

Daing ko dahil binato lang naman niya sa akin yung librong nasa table niya. Tumama ito sa noo ko at muntikan pang matamaan yung lego buti naman at nasalo ko.

"Miss! You almost hit my lego!" Reklamo ko sa kanya.

"Unbelievable! What comes in your mind and you're talking such lines? And what? I hit you but you're more concern on your legos than your forehead?"

Saka ko lang narealized. Nakapa ko yung noo ko ng wala sa oras at doon ko lang naramdaman yung sakit.

Tumingin ako kay Miss pero tinarayan lang ako kaya inirapan ko din siya. Kala mo ikaw lang marunong?

Ngayon nga lang ako bumanat, nabato pa ako ng libro. Paano nalang mamaya? Or bukas? Or sa makalawa? Baka laptop na niya ibato niya sa akin.

Pero pwedi ko namang i-suggest na yung puso nalang niya diba? I will gladly catch it and will take care of it.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa naisip.

"Idiot." Saad muli ni Miss na nagpatanggal ng ngiti ko. Tsk. Panira.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Aalis na po ako Miss. Babye!" Paalam ko kay Miss at naglakad na palapit sa pinto pero may naalala ako. Makaganti nga!

Lumapit ako kay Miss na ngayo'y nakatayo na rin at nakatalikod sa akin, nagliligpit ng mga gamit niya.

Hinawi ko siya paharap at niyakap ito ng pagkahigpit higpit na nagpahinto sa kanya.

Gaya ko kanina ay para itong naestatwa.

Ang lambot ng katawan niya, mga mare! Ang sarap yakapin. Ang bango bango pa!

"M-Mackenzie, what a-re you doi--"

"I miss you" pagputol ko sa tanong niya. Bago pa ako nito masapak ay lumayo na ako pero hinalikan ko muna ang pisngi niya at tumayo ng medyo malayo sa kanya.

"Y-You.. w-what did you--"

"Pakibigay din po kay Brielle yung yakap at I miss you, Miss. Pati na rin po yung halik." Nakangiting saad ko at agad agad na tumakbo palabas at baka bumuga na ng apoy yung dragon.

Nakakadalawang metro na ako mula sa office ng marinig kong sumigaw si Miss. Sus, kunwari pa, e gusto niya naman. Hindi ko lang pinansin pero kita kong pinamulaan si Miss sa ginawa ko. Hehe.

Aba! Hindi na siya lugi kung sakaling gustohin niya ako no, sa ganda kong to?

Tsaka isa pa, gusto ako ng anak niya para sa kanya. So hindi pupweding sa iba siya magkagusto. Dapat sa akin lang. Hindi lang ako ang makakaaway niya, kundi pati na rin ang anak niya.

At kapag nagyari yon, bubugbogin ko siya..... Ng pagmamahal, syempre, para bumaling sa akin yung pagtingin niya.

Aguyyy! Si London Ash! Hulog na hulog na!

~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

706K 25.5K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
100K 296 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
78.3K 3.5K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
Seven Days By Al-ki

Teen Fiction

185K 4.7K 27
Isang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Per...