"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

374K 16.8K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0

5.3K 262 51
By SsweetySakura

[=Miragh=]:

Nag lalakad ako ngayon patungong Lyshu ang sentrong bayan sa ilalim ng Kaharian ng Llum.

Hindi naman gaano kalayo ang lalakbayin ko kaya hindi na ako nag abala pang sumakay ng karwahe.

Di naman kasi maganda ang asal ng mga kotsero kaya baka ma sampal ko lang ng tsinelas.

Naka damit ako tulad nang damit na sinuot ko dun sa bayan ng Sanador sa Kaharian ng Genezers ngunit dinagdagan ko ito ng telang ginupit ko at ginawang maskara para walang makakita sa aking pag mumukha.

Syempre kalahati lang ng aking mukha ang natatakpan dahil baka mag mukha akong zombie na lasing pag sinali ko pa ang mata ko na piringan.

Ipinusod ko din ng pagka higpit ang mahabang buhok ni Miragh at pinalibutan ko ng isang itim na tila ang buo kong ulo para hindi makita ang kanyang medyo pulang buhok bago ko ipinatong ang talukbong.

Ayaw kong may gumagambala sa akin habang nag mamasid sa paligid kaya ganito ang ginawa kong pormahan.

Mala ninja na kawatan.

Nang hiram din ako ng ilang pilak na moi o pera sa mundong ito mula kay Navah dahil baka may magustuhan akong bilhin sa aking pag iikot.

May sarili din naman akong pera pero itinago ko at inipon ko muna ito dahil sa gusto ko magtayo ng negosyo upang masuportahan ko ang aking sarili pati narin ang dalawang alalay ni Miragh.

Tulad nalang kahapon na pinutol na daw talaga nong ama ni Miragh ang ugnayan nila kaya hindi ko alam kung may matatangap pa ba akong ayuda mula sa palaka niyang asawa.

Sobrang liit na nga ang ibinigay nito para kay Miragh noon paano nalang kaya ngayon baka wala na talaga.

Napabuntong hininga nalang ako habang naalala ang nangyari kahapon.

Ang gusto ko lang naman ay makipag asaran kay Lucifia hindi makipag sagutan sa haring ulol.

Nagagalit parin ako sa sinabi nito para kay Miragh na sarap talaga niya balian ng baga.

Pero wala na akong magawa pa kundi ang ilayo sa kanila ang katawan ni Miragh para hindi na ito masaktan pa.

Pasensya na Miragh kung hindi ko matutupad ang hiling mong alagaan at bantayan ang iyong Ama at kuya baka kasi hindi ako makapag pigil at mapilipit ko nalang bigla ang kanilang mga leeg dahil sa kanilang mga kagagohang pinagsasabi sa iyo.

Napahinto ako sa paglalakad dito sa kalagitnaan ng mga puno dahil sa parang nawawala na yata ako.

Sa halip na trenta minutos lamang ang dapat paglalakad patungong Lyshu ay naging halos dalawang oras na ang paglalakbay ko pero hindi parin ako nakalabas sa mapunong bahaging ito.

Langyaa naman. Ngayon pa talaga umiral ang pagka kyut ko sa dereksyon dahil nawawala na ako.

Napakamot nalang ako sa aking ulo habang nilingon ang dinaanan ko kanina.

Wala akong makita maliban sa puro nag tataasang mga puno sa buong paligid.

Napanguso ako ng biglang kumulo ang aking tiyan dahil sa gutom.

Malapit nang mag tanghalian isa pa hindi ako kumain ng agahan kanina dahil nga sa sabik ako mag ikot sa bayan ng Lyshu.

Sana pala talaga kumain nalang ako eh.

Muli kong inikot ang aking paningin upang maghanap ng pweding makakain sa lugar na ito pero kahit anong bunga sa punong kilalagyan ko ay wala akong makita.

Nagpapadyak ako dahil sa inis sa aking ka kyutan at pinag patuloy ko nalang ang aking pag lalakad at nagbabasakaling makalabas na ako sa mapunong ito o makakita man lang ng prutas na pweding makain.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla akong napatigil ng may marinig akong mga ingay na nagmumula sa nag-uusap na mga nilalang na may kalayuan sa akin.

"Sino ka at bakit kanina mo pa kami sinusundan?"

Napatingin naman ako sa aking likod at gilid dahil baka ako ang tinanong pero wala naman akong nakitang tao o kahit sino.

Taena huwag niyong sabihin na multo ang narinig kong nagsasalita.

Langyaa nasa mapuno pa naman akong bahagi at ako lang mag isa.

Parang ngayon ko pa pinag sisihan kung bakit hindi ako sa daanan patungong Lyshu dumaan.

"Maari ko bang tignan ang laman ng karwaheng dala niyo mga Ginoo?"

Napahinga naman ako ng maluwag nang may narinig akong sumagot at nang makomperma ko na may ibang tao talaga dito maliban sa akin.

Mabilis ko namang hinanap ang mga nag uusap at nakita ko ang sampong ka tao na malalaki ang pangangatawan na walang damit at may limang kalakihang karwahe naman sa kanilang mga likuran at kaharap nila ang isang lalaki na nakatalukbong at naka talikod sa aking pwesto.

Napakunot noo ako ng may marinig akong ingay sa loob ng isang karwahe na tila sinasadya itong tadyakan mula sa loob upang bumukas o para maka gawa ng ingay.

Napatingin naman silang lahat sa karwaheng gumawa ng ingay at bigla nalang dumilim ang pag mumukha nong mga malalaking lalaki habang may isang lalaki ang lumapit sa karwahe at hinampas ito ng malakas.

"Tahimik."

Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sigaw nito habang mas lalong nilakasan ang pag hampas sa may pintuan ng karwahe.

Nakakapag taka naman na kung isang hayop lang laman ang niyan ay bakit ganun nalang ang ekspresyon ng kanilang mga mukha tila ba parang na bisto ito sa kababalaghang kanilang ginawa.

Sing bilis ng kidlat na naka punta ka agad ang lalaking nakatalukbong sa karwaheng gumawa ng ingay at pabalibag niyang hinawi ang lalaking patuloy na hinahampas ang pintuan nito.

Napa fly high butterfly naman ang lalaking hinawi niya pagkatapos ay binuksan niya ang karwaheng gumagawa ng ingay kanina.

Ganon nalang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko ang mga babaeng naka gapos ang mga kamay habang may busal ang mga bibig na siyang laman pala ng karwaheng dala ng mga lalaking pangit.

Mabilis na kumilos at inataki ng sampong lalaki ang lalaking nakatalukbong nang matapos nito buksan ang karwaheng dala nila.

"Katumbas ng iyong buhay ang pangingialam mo sa ginagawa namin, Estranghero." Malamig na sabi nong mas malaki ang katawan sa lahat na parang siya ang nagsisilbing pangulo nila.

Napapanga naman ako sa pagkamangha ng mabilis na tumalon at umiikot sa iring pag ilag ang ginawa nong lalaking nakatalukbong sa malaking palakol na iniwasiwas nong malaking lalaki patungo sa kanya.

Minsan lang ako humahanga sa ibang taong makikipag laban kasi syempre una kong hinahangaan ang aking sarili.

Abayyy syempre dapat 'sariling sikap' este 'sariling pagmamahal' talaga.

Bukod sa akin ay si Queen Nemain ang pinaka hinahangaan ko sa lahat.

Ang na tatanging Reyna sa Organisasyon namin sa dati kong mundo at siya rin ang nagturo sa akin kung paano lumaban at pumatay.

Ako din ang kanyang kanang kamay sa Reveozation o Revenge Organization.

Ako lang naman ang saling pusa sa Organisasyon na iyon dahil wala naman akong paghihigantihan pero dahil sa mahilig ako sa gulo at kaya kong sabayan ang galaw ni Nemain ay ako ang ginawa niyang kanang kamay.

Isa siyang Mafia Queen na kinahangaan ko sa pakikipag laban.

Naputol nalang ang pag mumuni-muni ko ng bigla tumalon palabas ang isa sa babaeng nasa loob ng karwahe.

Para naman siyang butuki na naka labas mula sa panty, ang liksi.

Hindi na ako nag dalawang isip na takbuhin ang destansya sa pagitan namin ng makita kong sasak-sakin na sana ito ng isang lalaking may dalang espada.

Ayyaaan kasi akala niya siguro ay walang tutuhog sa kanya.

Mabilis ko agad sinipa ang kamay ng lalaking may hawak na espada at hinawakan ang balikat ng babae upang hilahin at i-ilag ito sa isa pang lalaking nag bato ng palakol.

Aisshhhh ano ba yan!!! napaka careless naman niya.

Kita ko na nabali ka agad ang punong tinamaan ng palakol na aming inilagan.

Langyaa buti nalang hindi ko sinubukang sipain pabalik ang hawakan nito dahil baka bali na ang buto ng aking binti sa sobrang lakas ng pagka bato non.

"Abay adik ka ah. Paano nalang kong natamaan ako, paano ako makapag asawa? Paano ako magkarun ng anak? Paano ako liligaya sa piling ng aking mahal kung namatay ako? Huh? Sagot. Sumagot ka agad!!!!."

Napatigil naman ang pag lalaban nong lalaking naka talukbong at nong iba dahil sa malakas kong sigaw na tanong dun sa nag bato sa amin ng palakol.

Kita ko ang pagka lito sa mukha nito habang nakatingin parin sa akin.

Mabilis ko naman siyang pinuntahan at dahil sa wala siyang damit pang itaas ay piningot ko nalang ang tenga niya na kahit medyo siya matangkad sa akin ng kaunti.

"Pag tinatanong kita dapat sumagot ka."

Napahiyaw naman ito habang hawak hawak ang kamay kong naka pingot sa kanyang tenga.

Pilit niya itong tinatanggal pero mas lalo ko pang diniinan ang pagkaka hawak ko kaya mangiyak-ngiyak na siyang nag sasabi na bitiwan ko daw ang kanyang tenga.

"At sino ka naman?"

Napabaling ang tingin ko sa magkasabay na tanong nong kasama ng lalaking piningot ko at nong lalaking naka talukbong.

Literal na silang natigil sa paglalaban dahil nasa akin na ang buo nilang atensyon.

Mga maritos asawa ni Marites.

"Ako si Darna, lumulunok ako ng itlog para lumakas."

Kita ko ang pagkunot noo ng mga lalaking malalaki ang katawan pati na yung babaeng iniligtas ko sa lumilipad na palakol kanina at dahil nawala ako sa pukos ay nakawala sa akin ang lalaking piningot ko.

Mabilis itong naka takbo sa kanyang mga kasama habang nakahawak sa kanyang umitim na tenga at naka tingin sa akin ng masama at mababakasan ng luha ang kanyang mga mata.

"Baliw ka ba?"

Magka sabay ulit na tanong nila na ikinapout ko dahil ako pa talaga ang baliw para sa kanila.

"Ako pa talaga ang baliw para sa inyo? Eh ano pala ang tawag sa pinag gagawa niyo kanina?"

Bigla naman muling nag tinginan ang lalaking nakatalukbong at yung mga lalaking malalaki ang pangangatawan dahil sa aking sinabi.

Sabi na eh.

Hindi ako ang baliw kundi sila dahil bigla ba naman pumosesyon na parang makikipag laban at may pa ikot-ikot pa silang nalalaman.

Napapadyak naman ako sa inis dahil nagugutom na talaga ako at nakuha pa nilang mag laro ng patentero.

Naglakad naman ako papalit don sa babaeng iniligtas ko kanina na nakatayo nalang ito ngayon habang palipat-lipat ang tingin sa akin at don sa mga baliw na lalaking nag simula nang magbardagulan.

"Bakit nga pala kayo nasa loob ng karwahe?"

Tinignan ko muli ang laman ng karwaheng nilabasan nito kanina at kita ko ang ibang mga babae na natutulog parin.

Abay sobrang ingay na nga sa labas ay nakaya pa nilang matulog. Hanep naman.

"Hmmmm-hmmmm-..."

Napakunot noo naman ako ng puro ungol lang ang isinagot nito sa akin.

"Bakit hindi ka nag sasalita?"

Nakaka pipi naba ang malagay na parang sardinas sa loob ng karwahe?

"Mmmmm-mmmm.."

Napatingin na ako sa kanya ng muli itong umungol at tinuturo nito ang kanyang bibig na may busal gamit ang kanyang kamay na naka gapos.

Ay ulyanin nga naman oh.

"Ayy pipi, bakit hindi mo sinabi na may busal pala ang iyong bibig?"

Inirapan ko ito sa kanyang ka ulyanin habang tinatanggal ang busal sa kanyang bibig at ang gapos sa mga kanyang kamay.

"Salamat. Pero hindi ako makapag salita dahi-.."

"Huwag kana mag bigay ng rason sa iyong ka abnormalan. May pagkain ka ba?"

Magpapalusot pa talaga sa akin, akala naman niya ay bingi ako tulad niya para maniwala.

"W-wala sapagkat dinaki-.."

Hindi ko na siya pinakinggan pa dahil wala naman pala akong mapapala sa kanya.

Pinuntahan ko nalang ang apat na karwaheng hindi pa nabuksan dahil baka may laman iyon na pagkain.

Hindi naman ako mag nakaw hihingi lang naman ako ng kalahati sa dala nila.

Pero bawat bukas ko sa karwahe ay puro mga babaeng naka gapos lang ang mga kamay at may busal sa bibig ang aking nakikita.

Halo-halo sila. May bata , dalaga at ang iba ay nasa mga lagpas kalendaryo na.

May nakita akong nagising at paungol na umiiyak na nakatingin sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"May pagkain ka?"

Nang umiling ito ay inirapan ko nalang ito at umalis para pumunta sa unahan kung saan naka pwesto ang mga kotsero baka kasi may pagkain akong mahanap don.

Napatalon naman ako sa tuwa ng makakita ako ng isang sisidlan na yare sa kawayan na puno ng mga prutas.

Mabilis ko itong kinuha at pinasan bago bumalik sa harapan kung saan ang mga maiingay na mga lalaki dahil mag papa alam muna ako na hihingi ako ng kalahati dito.

Mabait kaya ako kaya marunong ako manghingi.

Abot Tenga ang ngiti ko pabalik habang nasa aking balikat ang aking dala-dalang mga prutas.

"Hoy, mga tsung pahingi ng prutas kalahati lang."

Nakangiti akong sumisigaw sa kanila habang abala sila sa pag ilag sa mahabang armas na iniwasiwas nong lalaking nakatalukbong.

Ang ibig kong sabihin ay mahabang espada este armas ahh basta para sa pandigmaan.

Digmaang pisikal yung patayan. Yung nakikipag laban para sa buhay. ( -_- )

Bahala na kayo sa buhay niyo kung paano niyo intindihin ang sinabi ko basta gutom na ako.

Ilang ulit pa akong sumigaw sa kanila at parang nauubusan na ako ng pasensya dahil sa walang nakakapansin sa akin.

Madilim na ang paningin kong naka tingin sa mga lalaking nikipagbardagulan parin hanggang ngayon.

Bingi ba sila? Bakit hindi nila ako naririnig?

"Kuya, pengi ng prutas niyo. Kahit mga tatlompo't kalahati lang."

Todo ngiti kong paghingi sa lalaking papalapit sa akin na may dalang sibat.

Kahit hindi niya makikita ang mukha ko dahil sa telang ginawa kong maskara ay dapat maging mabait akong humihingi sa kanya dahil baka itong lahat pa ang ibigay niya sa akin pag makita niya na kyut pala ang aking mga mata.

"Hala siya hoy, sigi tatlompo nalang hindi ko na isasali ang kalahati bigyan mo lang ako kuya."

Sobra ang kaba kong umi ilag-ilag ng bigla ako nitong tutuhogin sa dala niyang sibat.

Langyaa hindi kasya sa akin yan.

Ang laki at ang haba pa.

"Kuya maawa ka bata pa ako hindi kasya sa akin yan. huhuhuhu."

Napatigil naman ito sa pagtutuhog sa akin at tinignan ako na parang nababaliw.

Taena naman!! ako pa talaga ang tinitignan niya ng ganyan eh siya nga itong basta basta nalang naninibat.

"Bakit mo binuksan at pinakawalan ang mga babae sa karwaheng dala namin?"

Napatingin naman ako sa karwahe nila at kita kong kaunti nalang ang natirang mga babae dahil kinalagan na ito ng mga gapos at busal nong babaeng ulyanin kanina.

"Luhh. Hindi naman ako ang tumanggal sa mga gapos nila. Isa pa kahit nagugutom na ako ay hindi naman ako kumakain ng tao kaya hinayaan ko nalang sila sa loob ng karwahe."

Bigla naman dumilin ang kanyang pagkaka tingin sa akin at muli ako nitong inataki ng kanyang mahaba at malaking sibat.

"Wahhhh, Hindi nga po kasi ako sabi ang nagpakawala sa kanila."

Naiiyak kong sabi habang tumatakbong umiilag sa kanyang malaki at mahabang sibat.

Dala-dala ko parin ang prutas na nasa aking balikat habang tumatakbo patungo don sa mga lalaking abala parin sa pagbardagulan hanggang ngayon.

Sumoot at nakisali ako sa pinag gagawa nila para makatas dun sa lalaking humahabol sa akin.

"Blehhh, Hindi mo ako matutuhog dito. Wehehehe."

Pailag ilag lang ako sa mga pinaggagawa nang mga lalaki sa aking paligid hanggang sa natamaan ang dala kong sisidlan ng prutas at nawasak ito na siyang naging dahilan upang magsihulugan ang mga prutas sa lupa.

Parang biglang bumagal ang oras sa aking piligid habang tinitignan ko ang mga prutas na nahuhulog at gumulong palayo sa akin.

Bigla sumiklab ang galit ko ng makita kong naapakan ito ng mga lalaking malalaki ang mga katawan.

Kung ayaw nila akong bigyan sana naman ay hindi nalang nila inapakan.

Mabilis ko silang inataki at sa bawat tira at ataki na ginawa ko ay ibinuhos ko ang gutom at galit sa ginawa nila sa prutas na gusto kong kainin.

Pagkatapos ng dalawang minuto ay
bumagsak silang lahat sa lupa na walang malay at hindi ko na pinagbigyang pansin pa dahil naiiyak akong lumuluhod habang tinitignan ang durog na durog na mga prutas.

"Hindi ko man lang kayo na tikman, Hindi man lang sumayad sa aking dila ang mga matatamis niyong mga katas, Hindi ko man lang nalaman kung gaano kayo ka sarap habang aking kinakain. Huhuhuhu."

Sana pala hindi ko nalang sinubukang manghingi pa at kinain ko nalang itong patago.

"Baliw ka nga talaga"

Binigyan ko naman ng masamang tingin ang lalaking nakatalukbong na nasa aking likod.

Gutom ako kaya huwag na huwag niya akong bu-bwesitin at kahit hindi siya naka apak sa mga prutas ay isasali ko talaga siya bubugbugin ko.

Inirapan ko nalang ito at pinagpatuloy ang aking pagdadalamhati sa mga prutas na sobrang durog na nasa lupa.

.

--------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 122 11
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
49.9K 1.8K 41
Akala ko noon ang magic ay kathang isip lang. Akala ko noon ako lang ang may kakaibang mata at buhok sa lahat. Pero hanggang akala lang. Not until...