LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Eleven

252 35 0
By Thaeryzxia

"You turn down the proposal!?" Gulat na sabi ni Ashna. Nandito kami ngayon sa hospital binibisita si Veyra pagkatapos nitong mailigtas mula sa isla.

"Don't you think it's too fast? Magiging magulo lang yung relasyon namin kapag nagpakasal kami kaagad. Ni wala nga kaming relasyon tapos magpapakasal na kaagad?"

"Wala kayong relasyon pero nagsasama na kayo no, tapos magkatabi pa sa kama. If i know baka sinasakyan ka pa tuwing gabi!" Nanlaki ang mata ko at agad na hinampas ito.

"Sorry to say this pero hindi mangyayare yun." Inis kong sabi.

"Sureeeee! Naalala ko sabi mo hindi ka rin matutulog sa master's bedroom eh." Natigilan ako at napaiwas ng tingin.

"Pero don't worry agree naman ako sayo na wag munang magpakasal kasi kakabalikan nyu pa lan- ouch! Hey you bitch." Hinampas ako nito pabalik at pinagtaasan ng kilay.

"Sige kunwari na lang......." Napahilamos ako ng mukha at napairap sa hangin at saka nagbibingihan sa sinasabi nito.

"Siguro hindi mo tinanggap yung proposal kasi masydong plain at boring no? Marry me and everything will be settled ano yun business deal. By the way kamusta na ang maldita kong pamangkin?" Tanong nito.

Napabuntong hininga ako dahil araw araw itong kasama ni Karic. Dala dala nya kahit na pupunta sya ng trabaho.

"Ewan ko tanungin mo yung pinsan mo?" Sabi ko at napasandal sa upuan.

"Wala na akong update kasi naman inaalagan ko itong tanga kong kapatid." Sabi nito. Kung makatanga to, nung isang araw lang halos mahimatay na ito sa kakaalala sa kapatid nito.

"Nagpapatayo ng bagong negosyo si papa ngayon. Si Aera palaging dala ni Karic. Sa tuwing uuwi ang mga yon palaging may bitbit si Aera. Nung isang araw aso." Napahilot ako ng sentido dahil naalala ko na naman ang pinanggagawa ng mag amang yun.

"Tapos ibon, nung kasunod na araw isda, kaya naman yung magaling mong pinsan nagpagawa ng malaking aquarium para sa nag iisang isda ni Aera." Natawa ito ng malakas.

"Baka sa susunod na bisita ko sa bahay nyu, mukhang zoo na."

"Hindi ko alam kung kelan nahilig si Aera sa mga hayop, baka mamaya lion na ang iuuwi nila." Napahampas ito sa akin at natawa kaya naman nagising na si Veyra.

"Hey, kamusta?" Bati ko rito.

"W-well...eto m-maganda pa rin." Paos nitong sabi kaya natawa ko.

"Puro ka ganda ng ganda yan tuloy natipuhan ka ng sindikato at malapit ka ng ikasal ng hindi mo nalalaman! Ano masarap bang maging maganda?" Sermon nito na ikinasimangot ni Veyra.

Hindi ko talaga maintindihan ang lahi nila. Magkamukhang magkamukha si Karic at Veyra. Hindi naman sa nilalait ko si Ashna pero napakasimple kasi ng mukha nito.

Veyra is very pretty na parang hindi na totoo yung ganda nya, yun nga kulang na kulang lang talaga sya sa height. Napakasimple lang rin nya manamit at hindi nagme-make up dahil kumakati yung mukha nya kapag naglalagay sya. They're really opposite to each other. Matangkad si Ashna at pasok sa pagiging model kaya lang kulang ito sa ganda. I mean...... im just stating a facts. Hindi ko alam kung magkapatid ba talaga sila ni Veyra. Ashna's beauty is so simple, yung ganda na parang di masyadong mapapansin? Well nadadala naman sa damit. Ashna is very classy woman, fashionista rin ang gaga at palaging may suot na mamahaling bagay.

Minsan napapaisip ako kung may pagkakataon bang nainggit si Ashna kay Veyra. Matanda lang ng isang taon si Ashna kay Veyra pero hindi nito tinatawag na ate si Ashna. Naka-advance lang ng pag aaral si Veyra kaya naging kabatch namin ito noon.

"After a week pwede nang makalabas ng hospital si Veyra dahil hindi naman malala ang nangyare sa kanya. Zertyl were going to continue the birthday celebration. I already talk Karic about this at G naman sya kasi anak naman nya yun. How about you girl? Don't worry about the venue ha. I make sure naman na safe and well protected yung resort ni Karic kaya wala kang dapat na iworry." Tumango na lang ako dahil alam ko namang itutuloy pa rin nila kahit na di ako papayag. I don't know about Aera kung papayag pa ba tong magcelebrate ng kaarawan nito.

Nagpaalam na akong umalis dahil kailangan ko pang kausapin yung bagong teacher ni Aera. I feel like im a celebrity dahil sa limang bodyguard na binigay ni Karic sa akin. Pinagtitinginan tuloy ako habang naglalakad ako.


Ng makarating sa bahay, napakunot noo ako dahil may pinagkakaguluhan ang mga katulong sa garden.

"Oh god, please... not again." Usal ko habang papalapit.

"Mama you're here!" Malakas na sambit ni Aera at tumakbo sa akin. These days mabilis na lumaki si Aera at tumataba ito kaya hindi ko na sya nabubuhat.

"Mama look it's a cute rabbit!" Masayang tinuro nito ang rabbit na pinapakain ng mga katulong. Napatampal ako ng noo at di alam ang gagawin.

"Mama next time i want a snake!" Nanlaki ang mata ko at napatingin sa anak ko na lumapit doon sa bagong alaga nya. Nakita kong namutla yung mga katulong at nagmamakaawang tumingin sa akin.

"Pero baka pagalitan ako ni lolo, kaya wag na. Nakakalakad na si lolo eh kaya na nya akong habulin ng hanger." Agad na napailing ako sa mga katulong baka iba ang isipin ng mga ito. Yes tinatakot ni papa si Aera gamit ang hanger na papaluin sya nito pero never namang tumama iyon sa anak ko.

"Lolo never hit you. Anong pinagsasabi mo?" Strikta kong tanong dito.

"Oo nga mama! May sinabi ba kong pinalo ako ni lolo? Ikaw diyan gawa gawa eh. Ang sabi ko baka habulin ako." Nakanguso nitong sabi. Natahimik ako, napatingin sa akin yung mga katulong na natatawa.

Napabuntong hininga ako at pumasok sa bahay. "Oh anak andito kana pala, kamusta yung kaibigan mo?" Tanong ni papa na nakadekwatro sa sala habang kumakain ng popcorn.

"Okay na sya, hindi naman sya sinaktan kaya konting pahinga na lang makakalabas na sya ng hospital. Eh yung tungkol sa negosyo mo pa kamusta?" Tanong ko at pagod na umupo sa tabi nito.

"Naku! Akala ko madali lang. Ang hirap pala, buti na lang may binigay na tauhan yung hilaw kong manugang at may katulong ako. Pero doon pa lang kami sa lupa, ang hirap maghanap ng lugar na maganda at maraming tao." Napailing iling ito.

"Nga pala bumalik ako doon sa dating apartment natin para bayaran yung huling buwan na tumira tayo doon. Sabi ni Rosa na bumabalik balik pa rin daw doon yung matanda kahit na sinabing di na tayo tumitira doon."

"Damn! Ang sarap ipatumba kay Karic." Biro ko. Ngayon lang ata ako magpapasalamat sa sarili ko na pumayag akong tumira dito dahil sa wakas hindi ko na makikita yung matanda.

"If ever man no, na kapag nakita ka nya hindi sya makakalapit sayo kasi may binigay namang bodyguard sayo si hilaw na manugang. Sa akin rin eh kaya ako nagyayabang na naglalakad sa kalsada." Napangiwi ako sa sinabi ni papa.

"Nasaan nga pala si Karic pa?" Tanong ko.
"Aba'y malay ko sa kanya di ko naman sya responsibilidad- de joke lang anak. Pumunta yung dyson dito at may pinag usapan sila tapos maya maya ay umalis ang dalawa. Hindi na ako nagtanong kung saan ang punta di naman ako chismoso." Napahawak ako sa sentido ko at napailing. Iniwan ko ito at pumunta sa taas. Stress na nga ako kay Aera, hindi pa maayos kausap si papa.

Kinagabihan umuwing lasing si Karic. Inaalalayan ito ni Dyson at Alius na lasing rin. Nasa taas ako ng hagdan at matalim na nakatingin sa tatlo habang pinipilit na umakyat sa hagdan. Halos gumapang na yunh dalawa maalalayan lang si Karic. Buti na lang at maagang natulog si Aera at di nito nakita ang ama sa ganitong sitwasyon.

Napahilot ako ng sentido at inutusan ang isang katulong na tawagin si papa.

"Aba'y ang lalakas natin ah! Ilang bote ang nalagok nyu at tumba kayong lahat!"

"Pa pakitulungan si Karic. Pabayaan mo ang dalawang yan. Tinawagan ko na si Ashna para sunduin sila.

Tinulungan ko ang dalawa na makaupo sa sofa sa sala pero humiga ang mga ito sa sahig. Inis na napahilamos ako ng mukha at iniwan ang mga ito.

Rinig na rinig ko ang mura ni papa habang tinutulungan nito si karic na makaakyat sa hagdan. Nakahinga ng maluwas si papa ng makarating kami sa taas. Ng mabuksan ko yung pinto ng kwarto agad na tinulak ni papa si Karic sa kama. Gulat na napatingin ako dito.

"Bumabawi lang nak. Hindi ko pa to napaparusahan sa pagbuntis sayo eh." Sabi nito at lumabas ng kwarto.

Blag! Nanlaki ang mata ko ng mahulog ito sa kama dahil hindi maayos ang pagkakalagay i mean pagkakatulak kay Karic sa kama.

"Karic, hey!" Tinapik ko ang mukha nito at dumilat ito ng konti.

"B-babe....." paos nitong sabi at saka pumikit ulit.

"Karic get up!" Pilit na binabangon ko ito pero bumabalik lang ito sa pagkakahiga. Ilang ulit ko itong hinila pabangon pero wala pa ring nangyayare.

"Damn it!" Inis kong sinipa ito sa tagiliran at pagod na naupo sa tabi nito

Bumaba ako para kumuha ng maliit na palanggana. Pagkababa ko saktong dumating si Ashna na wala pa ata sa mood.

"What is it?" Tanong nito na blanko ang expression. Tinuro ko ang dalawa at mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito.

Ashna looks so done while staring at the two idiots. Pagkatapos kong makuha ang kailangan ko, binalikan ko ang tatlo sa salas. Napangiwi ako ng makitang pinaghahampas ni Ashna ng bag nito ang dalawa.

"Fuck you Dyson! Bumalik ka na sa bansa kung saan ka nababagay! And you! Damn! Papatayin kita mamaya!" Yung dalawa na di alam ang nangyayare ay panay ang sangga sa bag na tumatama sa kanila.

Nagulat ako ng hilahin nito pataas si Alius at parang wala lang ang bigat nito kung alalayan ni Ashna, mas nahirapan pa ata si papa kaysa kay Ashna, pagkatapos nitong ilagay si Alius sa kotse nito binalikan nito si Dyson.

"Ash sorry kung naistorbo kita, wala kasi akong kilala na matawagan ko para sunduin ang dalawang yun."

"It's okay, don't worry lagot sa akin ang dalawang yun bukas." Sabi nito at nagmamadaling umalis dahil iniwan daw nitong mag isa si Veyra sa bahay.

I wonder kung nasaan ang mga parents nila, even Karic wala akong naririnig tungkol sa pamilya nya. Hindi ko nga alam kung may mga kapatid ba ito, sina Ashna at Veyra lang ba mga pinsan nya or may iba pa? Wala rin akong nakikita na kahit anong pictures dito. Wala namang secret room or maybe hindi ko pa masyadong nalilibot yung bahay.

Kinabukasan tanghali nang nagising si Karic at panay ang reklamo nito na masakit raw ang katawan.

"Bakit kayo naglasing?" Tanong ko habang hinahanda ang kakainin nito. "Fuck my head!" Mura nito at sinapo ang noo.

"Yan inom pa! Bakit ba kasi uminom kayong tatlo? Broken ka ba?" Tanong ko na ikinatingin nito sa akin.

"Are you kidding me!? You just reject me babe." Napairap ako at sinubuan ito. Natigilan ito at napatikhim. Uminom ito tubig pero kitang kita ko ang ngiti nito.

"We have a big mission next month. Panthom is a big sindicate kailangan maayos ang plano nami-"

"Kaya naglasing kayo? Ganun ba yun?" Tiningnan ko ito ng masama pero sinusubuan ko pa rin ito.

"Ganun na talaga kami babe. Sa tuwing may malaking mission nag iinuman kami habang nagpa-plano." Napahilot ito ng sentido.

"Pero sana naman isipin mo na may anak ka ng nakatira dito. Gusto mo bang makita ka ng anak mo na gumagapang sa hagdan sa tuwing uuwi ka ng lasing." Hinawakan nito ang bewang ko at sinubsob nito ang mukha sa tiyan ko dahil nakatayo ako.

"Im sorry...."

"Daddy?" Napatingin ako kay Aera na tumatakbo papunta sa ama nito. Iniwan ko muna ang dalawa at pumunta sa likod ng bahay kung saan naroon ang sunflower garden ni Karic.

"Magandang tanghali po Mam." Ngumiti ako Kay aling Teresita at tinulungan ito sa ginagawa.

"Manang pagpasensyahan nyu na si Aera, balita ko nasira raw yung taniman sa kabila dahil sa mga rabbit ni Aera."

"Ay okay napo yun Mam naayos ko na po."

"Hindi naman po siguro masyadong pasaway anak kong yun kapag wala ako diba?" Tanong ko.

"Ay naku Mam hindi po, nakakatuwa nga po eh, minsan mas matanda pa mag isip ang batang yun kesa sa babaeng to." Sabi ni Aling Teresita at tinuro ang anak nitong babae na nasa Grade 8 na, nakatira ito sa bahay at minsan tumutulong sa mga gawain kahit na ayaw itong pagtrabahuhin ni Karic.

"Masyadong matalino lang si Aera, Ma. Nage-english na kahit 5 years old pa lang." Natawa ako at umiling.

"Basic lang alam ni Aera, lumaki kasi sya doon sa kapitbahay naming guro na foreigner yung asawa, englishera rin yung mga anak kaya siguro naadapt na rin nya yung pannalita nila. Busy kami palagi ni papa sa trabaho kaya doon ko naiiwan si Aera kapag walang bantay."

Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa umulan.

"Mama it's been so long since i-"
"No." Agad na sagot ko dahil maliligo na naman ito sa ulan.

"Bagong paligo ka na bakit ka pa maliligo ulit?" Sumimangot ito at nagcross arms habang masama ang tingin sa labas.

"I told yaya Aren na wag muna akong magba-bath kasi po uulan. I saw the clouds! See, i was right. It's going to rain." Reklamo nito. Napatingin ako kay Aren na napangiwi at lumayo sa amin.

"Baby, sa susunod na linggo na yung start ng class mo bakit di ka na lang muna magstudy para ready ka sa lesson nyu Teacher Jai."

"Can i just play with my puppy?" Pacute nitong sabi. Ang bilis magbago ng mood.

"Sure anak basta wag istorbo sa ibang katulong okay?" Tumango ito at kinuha si Snow na hawak ni Manang bading.

"Aera!" Tawag ko rito dahil pumasok ito sa opisina ni Karic. Sinundan ko ito dahil maraming gagawin ngayon si Karic at baka makaistorbo lang ito.

"Aera?" Binuksan ko ang pinto at nakita ko ito sa sulok na nakikipaglaro kay Snow.

"It's okay." Sabi ni Karic na busy sa mga papeles na nakatambak sa mesa nito.

"Mission ba lahat yan?" Tanong ko.
"No, hindi pwedeng mailabas sa quarters ang mga mission for safety. These are from my companies." Napahilot ito ng sentido habang may pinipirmahan. Nagpaalam na lang ako dahil mukhang busy nga ito.

Maya maya tumawag si Ashna sa akin para magtanong tungkol sa birthday ni Aera na ayaw nang ituloy ni Karic. Bukas na sana iyon, hindi ko alam kung paano nila naorganize ng mabilis sa konting panahon kaso sayang rin naman kasi hindi rin naman matutuloy.

Nang tumila ang ulan nagpaalam ako kay Karic na kikitain ko si Ashna sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Gosh, i understand naman pero kasi huhu sayang yung effort ko." Malungkot na ngumiti ako dahil nahihiya rin ako kay Ashna, gustong gusto talaga nyang bigyan ng magarbong selebrasyon si Aera.

"Im really sorry Ash, yung doctor mismo na wag daw muna dalhin si Aera sa mga big parties or anything na magtritrigger ng trauma nya sa nangyare. Akala ko nga parang wala lang sa kanya yung nangyare kasi normal na lang ulit yung kilos nya since nagising sya sa hospital."

Napasimangot ito at napasandal sa upuan. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa iba't ibang bagay dahil ayaw pa nitong umuwi.

"Sabi ko naman sayo sa iba na lang." Bulong ko rito dahil napakaawkward ng atmosphere. I can feel their stare behind my back.

"Isa kasi sana ito sa magca-cater ng food eh. Kanina pa ako dito dahil kinausap ko yung manager nila." Sabi nito.

"Ano ba kasing problema?" Nagtataka nitong tanong.

"Can't you all go back to your work?" Masungit na sabi ni Ashna at sinamaan ng tingin yung mga waitress. Narinig ko ang mga bulungan nito at saka nagsiiwasan ng tingin.

"You, you and you. You are all fired." Nanlaki ang mata ko at gulat na tumingin kay Ashna.

"Ash, what the hell?" Umirap ito at nagpatuloy sa pagkain.

"I saw them murmuring something."
"Hindi mo naman alam kung anong binulong eh." Mahinang sabi ko rito. Maka-all fired naman to hindi naman sya ang owner ng restaurant.

"Oh god he looks familiar." Hindi nito pinansin ang sinabi ko at tumingin sa labas. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito at napakunot noo ako ng makita yung matanda na nakangiting kumaway sa akin habang papasok ng restaurant.

"Gosh sya ba yung sa school ni maldita? Yung poor na gustong maging sugar daddy, ew!"

"Hi!" Nakangiting kumaway ito at umupo sa table namin ni Ashna.

"You didn't told me na lilipat na pala kayo ng bahay sana nakatulong pa ako sa pagliligpit ng mga gamit nyu." I'm speechless........ what the fuck is he doing here? Hindi ba to nakakaintindi. Sinabi ko na noon ayaw ko ng makita ang pagmumukha nito. "By the way saan kayo nakatira ngayon? Baka magkatime ako at makabisita ako sa inyo." Napaawang ang labi ko at di alam ang sasabihin.

"Ah yes, sureee....! You can always visit her. Here, nandito yung adress ng bagong bahay ni Zertyl." Nanlaki ang mata ko ng may binigay na card si Ashna dun sa matanda. Kinuha nito ang card at tiningnan iyon at saka nagpasalamat kay Ashna.

"No problem, by the way kailangan na namin umalis kasi may pupuntahan pa kami." Nakangiting sabi nito at kinindata ang matanda at saka ako hinila palabas.

"What the fuck, Ash?" Ngumisi ito ng nakakaloko at nagkibit balikat.

"Come on, he's so determine girl. Just let him visit your mansion at baka magkabutihan pa sila ni Karic." Sabi nito at nagpaalam ng aalis.

Napatingin ako sa mga bodyguard ko ng humarang sila sa may gilid ko. And there i saw him walking towards me.

"Umalis na pala yung kaibigan mo. Come on i bring my car today, ihahatid na kita."

"Mam pasok na ho kayo." Napatingin ako dun sa lalaki bago pumasok sa kotse.

Gosh i think he's crazy

Continue Reading

You'll Also Like

202K 5.2K 35
HALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. ...
49.9K 1.5K 38
Siya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila na...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
49.1K 291 10
[KING'S OBSESSION] (May 3,2020-August 31,2020) For EDITING *Plagiarism is a crime 🥴 *Read at your own risk. *Typographical errors *Grammatical e...