My Everything In His Past (2n...

Door VR_Athena

60.8K 5.7K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." Meer

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 59

402 51 20
Door VR_Athena

"Naninigarilyo ka na naman . . ." puna ni Apple Pie kay Yohan habang pinapanood ang lalake na humihithit sa tabakong hawak nito. Akma niya sanang aagawin iyon rito sapagkat hindi niya gustong nakikita itong pinapatay ang sarili.

"Huwag mo akong pakialaman, hindi kita asawa," asik nito sabay tabig sa kamay niya. Napatahimik siya dahil sa inaksyon nito ngunit hindi pa rin siya umalis sa harapan nito. She continued looking at him and when she noticed that he wasn't gonna say anything anymore, she decided to speak again.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" nag-aalala niyang tanong dito ngunit sinamaan lamang siya nito ng tingin.

"Simula ng iwan mo ako," he simply said with his serious eyes trailing on her face before finally looking away. She was taken aback by what he said but she doesn't know what to say. Mukhang ayaw rin naman siya nito kausap. Nanatili silang tahimik ng iilang segundo matapos nitong sabihin iyon bago niya napagdesisyunang magsalitang muli.

"Alis na ako," nag-aalangang paalam niya sa nakasimangot na dragon. He wasn't looking at her, he was "busily" reading something from the papers that he was holding while occasionally drinking his coffee. 

"Huwag ka ng umuwi," inis nitong sabi sa kaniya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa binabasa. Napalingon siya kay Xav na nakatayo sa may pintuan at nakahalukipkip pa. Siningamutan niya ito nang makita na nagpipigil ito ng tawa. 

Niyaya siya nito na lumabas at sabi nga'y igagala daw siya para naman daw papaano ay makita niya ang pamumuhay sa panahong ito. Siyempre ay na-excite siya sa kaalamang makakalabas na siya ng mansyon kaya naman nag-ayos at nagbihis siya kaagad. Magpapaalam na sana siya kay Yohan ngunit eto nga't nagmamaktol, mukhang ayaw siyang pasamahin.

"Huwag kang mag-alala kay Kuya, nagda-drama lang iyan," ika ni Xav at akma na sana siyang hahawakan sa braso ngunit umiwas siya.

"Hoy baka 'di ako papasukin nito mamaya, saraduhan pa ako ng pintuan," she said in a worried tone while looking back at Yohan who was ignoring them.

Napa-ismid naman si Xav bago siya inassure, "Don't worry, ako bahala sa iyo." 

Dahil sa sinabi nito ay tuluyan na siyang nagpatangay nang hilahin siya ng lalake. She looked back at Yohan for the last time but he just didn't care if she go or not. Mukhang mas interesting pa ang binabasa nito kaysa sa kaniya. Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga bago ito tuluyang tinalikuran at nagpatangay kay Xav papalabas. Inakay naman siya ng binata sa may kalesa at tinulungang makasakay, hindi katulad ng antipatiko nitong kuya na kesyo mahulog o madulas siya sa kalesa ay walang pakialam sa kaniya.

Nang maayos ng makapwesto si Xav sa tabi niya ay pinalakad na ng kutchero ang kalesa. May tila munting kurtina na nakatakip sa kada bintana ng kanilang kinasasakyan kaya naman walang makakakita sa kanila mula sa labas. Kahit nga ang kutchero ay hindi sila kita dahil may takip rin sa pagitan nila. Gayunpaman ay alam nilang maririnig pa rin nito ang sasabihin nila kaya naman sinigurado nila ni Xav na mahina ang boses nila.

"Umamin ka nga sa akin . . . bakit mo ako naisipang dalawin ngayon?" naghihinala niyang tanong kay Xav. She was even squinting her eyes at him as if showing that she wasn't gonna be fooled so easily.

"Bawal na bang ma-miss ka?" he cheekily asked, making her remember how he was two years ago. Yung college boy na nagpapa-cute sa kaniya sa tuwing gusto nitong magpaluto ng pagkain.

"Hindi mo ako maloloko, Xav. Mas matalas pa pakiramdam ko kaysa sa itak ni Lapu-Lapu," pagbabanta niya dito with matching taas-kilay pa. Mukhang na-realize naman nito na wala itong lusot sa kaniya kaya malakas na lamang itong napabuntung-hininga bago umamin.

"I just felt like there was something wrong with Elisa . . ." amin nito sa kaniya. Halatang-halata na naguguluhan ito ngayon dahil na rin sa mga kunot na nasa noo nito. Siya naman ay napakagat-labi nang matandaan ang sinabi ni Kuya Zy patungkol sa asawa ng kapatid nito. He said that it wasn't the real Elisa so she was wondering whether that statement has any connection to Xav's dilemma now.

"Paano mo naman nasabing may mali sa asawa mo?" she tried prying for more information because she doesn't want to tell him straight what his brother said to her. Kabilin-bilinan pa naman ni Kuya Zy na huwag ipasabi kay Xav ang tungkol doon.

Malakas na napabuntung-hininga ang lalake bago siya muling hinarap. "She changed . . . a lot. Hindi ko alam kung ano o bakit pero may iba sa kaniya."

"Xav, people change. Ilang taon kayong hindi nagkita 'diba? Baka naman may nag-iba lang sa kaniya?" She was trying to make sense of the situation for Xav's sake, pero kahit siya ay naghihinala na rin.

"Iyan rin ang una kong inisip pero ang sabi ng isipan ko ay hindi. She's different and I don't know how to comprehend with that thought. Alam mo ba kung ano ang pinakiusap niya sa akin kahapon?" pagpapaliwanag nito bago siya tinanong. Hindi pa man siya nakakasagot ay nagsalita na itong muli. "She asked me to continue living with her and Roberto as if she wanted to have two husbands with her. Ang Elisang kilala ko ay hindi ganuon. Akala ko noon ay kaya kong tiisin ang ganuong set-up, but I was wrong. I can't because I knew that Elisa won't ask me for that kind of bullshit!" 

Nag-aalala siyang napalingon sa kutchero dahil napalakas ang boses ni Xav sa may bandang huli. Nang masiguradong hindi naman nito narinig ang sinabi ng lalake sa may bandang huli ay binalik niya ang atensyon sa binata bago nag-ika, "Xav, calm down. Alam kong nafu-frustrate ka ngayon pero hindi ito ang lugar para magwala ka. Mahirap na at baka may makarinig sa iyo."

"I know . . . I'm sorry," hinging-paumanhin nito kaya naman hinaplos-haplos niya ang likod nito para kumalma. "Anyways, niyaya kitang lumabas para naman makalayo-layo muna ako sa kaniya, I need time to think for myself"

Napangiti naman siya dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin lamang ay siya ang una nitong naisip nang gusto nitong maka-relax. Parang noon lang. Xav used to always look for her and would often annoy Yohan just to get her to come to their house. Mahilig kasi sa luto niya kaya lagi siyang hanap. "Basta ba't manglilibre ka ngayon ay wala akong pakialam kung palagi mo akong igagala," she teasingly said to him while slightly bumping his shoulders. Mukhang gumana ang ginawa niya dahil unti-unti itong napangiti at mukhang nakalimutan na ang problema. Tanda pa niya noon na palaging nagseselos si Yohan sa mga kapatid nito. Nagseselos ito kay Kuya Zy dahil sa pangfa-fangirl niya sa oh-so-yummy nitong katawan at nagseselos ito kay Xav dahil maraming nagsabing mukha daw silang mag-jowa kapag magkasama sila. Parehas kasi silang kalog noon kaya naman napagkakamalan silang magkarelasyon.

After that, they spent the entire morning visiting different shops. Ang cute ngang makita ang pagkakaiba ng mga tindahan sa panahong ito at sa mga tindahan na nasa hinaharap. It may not be so modern and most of the times it gets stuffy and hot inside but she still enjoyed their little trip. Mas nakaka-enjoy dahil libre lahat ni Xav. Ang hindi lang niya ma-enjoy ay ang pagtitinginan ng mga tao sa kanila. Ang sabi naman ni Xav ay dahil daw sa parehas silang bago sa bayang iyon. Kahit pa man doon pinanganak si Xav ay nawala daw ito ng ilang taon at bumalik ngang mayaman mula sa pagiging mahirap nito. Mukhang interesting ang combination nilang dalawa at maraming nag-aakalang magkasintahan sila.

"Wala ka bang napapansin?" biglang bulong na tanong sa kaniya ni Xav na agad namang nagpakunot ng noo niya.

"Napapansing ano?" nagtataka niyang tanong sabay lingon-lingon sa paligid. Apart from the occasional Marites ay wala naman siyang ibang nakitang kakaiba.

"Nevermind. Mahahalata mo rin siya mamaya," Xav said dismissively before guiding her again to the next store. Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito at nag-enjoy na lamang sa shopping expedition nila. Syempre libre kaya susulitin na niya. They went to different places and bought so many things for her before they finally decided to go home. Katulad kanina ay tinulungan siya ni Xav na sumakay at sinabing uuwi na daw sila. 

"Hindi ito yung daan papauwi 'diba?" nagtataka niyang tanong dito habang nililibot ang mga mata sa paligid. Hindi niya masyadong kita ang labas dahil may kurtinang nakatakip sa kalesa ngunit may pagka-see through rin iyon kaya naman hindi na siya nahihirapang aninagin ang labas.

"Oo, alam ko," Xav simply said. "Titignan ko lang kung anong ga-" Bago pa nito matapos ang sasabihin ay bigla niyang naramdaman ang pagtigil ng kalesa na kinasasakyan nila. Buti nga't nahawakan siya ni Xav dahil kamuntikan na siyang lumipad sa may kutchero. Nang masigurado naman nitong okay lang siya ay dahan-dahan nitong hinawi ang tabon ng kalesa at tinignan kung ano ang rason ng pagtigil nila.

She looked outside too and saw another kalesa blocking their way. Bubungangaan niya sana at mukhang reckless driving ang nangyari at muntikan pa ata silang magbanggaan ngunit napatikom ang bibig niya nang bumaba mula roon si Yohan na nakakunot ang noo.

"Baba. Uuwi na tayo," seryoso nitong utos sa kaniya bago binaling ang atensyon kay Xavier. "Ikaw!" sigaw nito sa kapatid. "Hinayaan kong igala mo siya pero sa akin siya uuwi!"

Kaysa matakot sa nakikitang galit sa mga mata ng kapatid ay binaling pa rin ni Xav ang atensyon sa kaniya at ngumisi, "Ngayon . . . pansin mo na siya?"

"Ha?"

"Kanina pa siya nakasunod, simula pa pag-alis natin. Akala ko naman napansin mo, hindi pala," nanglolokong paliwanag nito. "Iuuwi sana kita para makita magiging reaksyon niya." Binalik ni Xav ang tingin sa kapatid ngunit siya pa rin ang kausap nito. "Mukhang gusto na siya lang uwian mo."


A/N: So, so sorry at ang tagal ng update! Nawili lang ako masyadong gumala-gala sa Tagaytay. XD I'll try to update again!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

97.3K 2.8K 37
[COMPLETED] BOOK 2 OF RED RIBBON (Rated PG-13) Alex Farr was just an ordinary girl before until she entered showbiz. Fame. Fans. Spotlight. Nasa kany...
68.6K 3.2K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...
18.1K 753 61
I'm Kennedy. Maganda. Nasa akin na ang lahat. Sabi nga nila, ako na yata ang isa sa pinakaswerteng tao sa mundo. Bakit? I have everything. Mabait na...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...