"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

374K 16.8K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9

4.9K 251 27
By SsweetySakura

[=Ellezna=] A:

Tulala ang Prinsesa habang nakatingin parin sa pintuang nilabasan ni Prinsesa Zemiragh.

Hindi niya lubos akalain na maging ganon ang daloy ng pag pagpupulong na kanilang gagawin.

Alam niyang malaki ang nagawang pagkaka mali ni Prinsesa Zemiragh laban sa kapatid nito at sa ibang mga mag aaral ngunit hindi niya parin mapigilang makaramdam ng awa mula nang lumabas sa bibig nito ang mga hinanakit sa pag trato sa kanya sa kanilang mundo lalo na sa sariling pamilya nito.

Hindi lingid sa kanyang kaalaman na kinukotya at pinag tatawanan ito ng iba dahil sa isa itong dugong bughaw ngnunit wala itong mahika at pang indibedwal na kapangyarihan.

Subalit hindi rin niya akalain na kahit ang sarili nitong pamilya ay ganun rin ang tingin sa kanya na isang nilalang na walang kwenta at silbi sa mundong ito.

Hindi niya alam kung makakayanan ba niya kung sa kanya mangyari ang mga nangyari sa buhay ni Prinsesa Zemiragh.

Baka magpapakamatay nalang siguro siya dahil wala siya maging kakampi kahit ang sariling pamilya na inaasahan niya.

Hindi niya alam kung bakit sobrang higpit at pait na mabuhay sa mundo nila lalo na at puro mahika at kapangyarihan lang ang naging batayan na kung wala kang ganyan ay wala ring halaga ang buhay mo.

Wala na ba talagang karapatang mabuhay ang ordinaryong mga tao sa mundo nila?

Naputol naman ang kanyang pagka tulala ng sabay na tumayo sa kinauupuan ang apat na Prinsipe.

Prinsipe Ermell na kanyang kapatid, Prinsipe Larson na Prinsipe ng Wrofupis, Prinsipe Allaister na Prinsipe ng Hawirith, at si Prinsipe Bylor na Prinsipe ng Iyroria.

Sabay silang tumayo at sabay din na lumabas sa silid ng pulongan habang may hindi mababasang emosyon sa kanilang mga mata.

Napatanga nalamang siya sa pangyayari lalo na naging kilos sa apat na Prinsipe.

"Tama lamang ang ginawa mo sa anak mo Mahal ang ibig kung sabihin ay don sa dati mong anak sapagkat masam-..."

"Tumahimik ka Quirada!!."

Napakislot naman sa gulat ang ibang natira sa silid dahil sa galit na pagkasabi ng Hari ng Genezers.

"Pero maha-..."

"Pagsinabi kong tumahimik ka ay tumahimik ka, Mahirap na bang intindihin ang sinabi ko, Quirada?"

Kita niya ang matalim at malamig na mga mata ng Hari habang nakatingin ito sa kanyang asawa na si Reyna Lucifia.

"Wala man akong karapatan upang panghimasokan ang gulo ng pamilya niyo Haring Zavier ay sana huwag niyo ipakita sa iba ang pag aaway-away niyo."

Napatingin naman si Prinsesa Ellezna sa malamig na pagkasabi ni Prinsipe Lawrence sa hari ng Genezers sabay tayo mula sa pagkaka upo at lumabas sa silid na walang pasabi.

"Bilang isang punong guro ay nakakabigo ang pagiging Ama mo, Haring Zavier."

Bigla naman nag taasan ang mga balahibo niya sa kanyang batok ng ramdam niya ang galit at lamig sa binitawang salita ng kanilang punong guro.

Kahit kailan ay hindi niya pa ito narinig o nakita na magalit at magsalita nang ganong kalamig dahil kilala ang kanilang punong guro bilang isang mahinahon at mapagkumbabang babae.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ang aking asawa na isang Hari at isang lalaki kung isang hamak na babae ka lama-...."

"Hindi ko rin alam kung paano at bakit naging isang ina ang tulad mo Reyna Lucifia."

Kita niya ang pag daan ng takot sa mukha ng Reyna nang siya naman ang tinignan ng masama ng puno guro na hindi niya masisisi dahil kung sa kanya ito maka tingin ay baka hindi niya rin makayanan dahil sa sobrang talim ng mga mata nito.

"P-punong guro, huwag niyo naman pong pagsalitaan ang aking in-...."

Napatigil sa pag sasalita si Prinsesa Quinta ng ibaling ng punong guro ang masamang tingin nito sa kanya.

Napaiwas naman nang tingin si Prinsesa Ellezna at kunwaring may tinignan sa paligid habang nag iisip kung lalabas na ba siya sa silid na kanilang kinalalagyan o hindi.

"Pwede na kayo makaka alis dahil tapos na ang walang kwentang pag pupulong."

Pagkatapos bitiwan ng punong guro ang huling sinabi nito ay lumabas na ito sa silid ng pulongan na hindi na nagbigay galang sa Hari at Reyna nang Genezers.

Tulalang naka upo lamang ang Hari sa kawalan habang binabaliwa nito ang pagtawag ng Reyna at ang mga anak nitong mga Prinsesa sa kanya.

Tumayo na din sa pagkaka upo si Ahrimita at pa ismid na umalis sa silid.

Tumayo na din si Prinsesa Allikya na kapatid ni Prinsipe Allaister at lumabas na din ito sa silid kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tumayo narin at sumunod sa mga nauna at iniwan ang pamilyang Archquileuz sa silid ng pulongan.

.

.

.

.

.

.

.

[=Xavion=]:

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko kay Ama pagkatapos nito bitawan ang mga salita kay Ellese.

Kahit galit ako sa kalahati kong kapatid na iyon ay hindi ako nangarap na sana ay namatay narin nalang siya kasama si Reyna Zamaragh na kinilala kong Ina.

Hindi naman ako ganon ka sama upang hilingin ang kamatayan sa kalahating kapatid ko na iyon.

Iba ang Ina ko na siyang unang asawa at Reyna ng aking ama na si Haring Zavier.

Namatay daw ang aking Ina pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos ako isilang.

Hindi alam nang lahat kung sino ang may gawa basta nakita nalang nila ito na nililigo ng sarili nitong dugo habang may maraming sasak sa puso.

Natagpuan nila ako na inilagay sa loob ng isang kahon ng mga alahas habang may sugat din sa puso pero kusa itong gumagaling dahil na rin sa aking mahikang taglay na ikinamangha ng ilan dahil nagawa ko pang iligtas ang aking sarili kahit tatlong araw na sanggol pa lamang ako.

Wala din ang aking Ama sa palasyo sa oras na iyon dahil sa pinatawag ito ng Hari Llum upang tulungan ang nayon na sinalakay ng mga taga Kasamaanian.

Sinisisi ko din siya dahil sa wala siya sa aming tabi ng aking Ina upang iligtas pero wala rin akong magawa sapagkat tapos na ang pangyayaring iyon at ang akin lamang gustong gawin ngayon ay patuloy na hanapin ang pumatay sa aking Ina at sa Ina ni Ellese upang maghiganti.

Makalipas ang isang taon mula ng mamatay ang aking Ina ay nakilala niya si Reyna Lucifia at naging magkasintahan sila pero hindi sila naikasal sapagkat biglang dumating si Zamaragh na Ina ni Zemiragh sa buhay ni Ama.

Sobrang bait nito na siyang naging dahilan upang mahulog ang loob ng aking Ama.

Kahit ako na hindi siya ang aking tunay na Ina ay napamahal narin sa kanya dahil sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ng pagmamahal ng isang tunay na Ina na siyang lagi kong hinahanap-hanap.

Kahit nagka isip ako na kasama si Reyna Lucifia sa palasyo ay hindi ko naramdaman sa kanya ang aruga ng isang Ina dahil sobrang ayaw nito sa mga bata sapagkat nakakasira lang daw ito sa kanyang katawang inaalagaan.

Zaire lang ang pangalan ko noon pero nong dumating si Zamaragh ay dinagdagan nito ang aking pangalan na halos kapariha sa mga unang letra ng kanyang buong pangalan.

Zaire Xavion Edric Archquileuz.

Sobrang saya ko nang dumating siya sa aming buhay.

Mahal na mahal ko siya bilang isang aking tunay na Ina kahit hindi pareho ang dugong nanalaytay sa aming ugat.

Nagka hiwalay sina Lucifia at ang aking ama pagkalipas ng tatlong taon at sobrang saya ko nang pinakasalan ng aking ama si Reyna Zamaragh o aking kinilalang Ina lalo nang malaman kong buntis ito at magkakaroon ako ng kapatid galing sa kanya subalit bigla nalang nawala ang saya sa akin nang pagkalipas ng isang taon ay kinuha siya sa akin, sa amin ni Ama.

Hindi ako lumabas, kumain o umimik sa kahit sino lalo na kay Ellese na sinisisi ko din dahil hindi man lang niya nakayang gamutin ang sarili niya na kung nagawa niya ay sana buhay pa ang aming Ina hanggang ngayon at masisilayan pa sana namin ang kanyang napakaganda at puno nang pagmamahal na mga ngiti habang nakatingin sa amin.

Sobrang sakit para sa akin sapagkat dalawang besis akong nawalan ng Ina.

Halos isang buwan akong laging umiiyak at tinatawag ang kanyang pangalan sa kawalan pero kahit anong sigaw ng batang ako ay alam kong hindi na niya ito maririnig pa.

Pagkalipas ng isang taon ay muling pumasok sa aming buhay si Lucifia na dala-dala ang dalawa niyang babaeng mga anak na sina Quinara at Quinta na isang taon ang agwat nila kay Ellese at tatlong taon naman ang tanda ko sa kanila.

Pero bakit ganun kahit sinabi nilang anak din sila ni ama ay hindi ko nararamdaman ang saya at galak nang aking puso hindi tulad noong isinilang ni inang Zamaragh si Ellese na siyang itinuri kong kayamanan at biyayang regalo sa akin sa panahong iyon.

"Ama, huwag mo nang isipin pa ang sinabi mo sa walang kwentang babaen-.."

"Tumahimik ka Quinta."

Malamig kong putol sa kanyang sinabi at tinignan naman ako nito ng pa irap.

Mula nang magka isip sila ay walang araw na hindi ko sila nakikita kung paano nila aapihin si Ellese.

Sa bawat hakbang na gagawin ko upang sanang ipagtanggol si Ellese ay nanunumbalik sa aking isipan ang paglaho at pagkamatay ni Inang Zamaragh na wala man lang siyang nagawa ni kahit kaunting tulong bagkos ay siya pa ang tinulungan ni Ina kahit hirap na hirap na ito sa sariling sugat.

Kaya hinayaan ko nalang sila kong ano ang gagawin nila kay Ellese at wala na akong pakialam sa kanila.

"Kuya tama naman si ate sa kany-.."

"Hindi kita kapatid kaya huwag mo akong tawaging kuya, Quinara."

Kita ko ang pagyuko nito kunwari na nasasaktan pero kita ko ang masamang lihim na tingin nito sa akin na ikinaayaw ko sa mga katulad nilang mag Ina dahil puro sila nag babalat kayo lang.

"Kailan ka ba makikinig sa akin Xavion? Diba sabi ko sayo na huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang iyong mga kapatid? At diba sinabi ko rin sa iyo na ingatan, alagaan at ipagtanggol mo ang mga kapatid mo para hindi masaktan? Kapatid mo sila at hindi ibang tao, Xavion."

Kahit gusto kong putulin ang sinabi ni Ama ay hindi ko magawa dahil sa ni rerespito ko parin siya bilang isang padre sa pamilya at bilang isang Hari na rin sa Genezers.

Kita ko ang pag ngisi ng mag Ina nang pagalitan ako ni Ama sa kanilang harapan na ginantihan ko lang ng isang walang emosyon.

Ganito ang gusto nilang mangyayari sa amin ni Ellese tuwing nasa harapan kami ni Ama.

Gusto nilang lagi kami papagalitan at pinag sasalitaan ni Ama.

"Ama, ayos lang po baka po masama lang ang pakiramdam ni kuya Zaire. Huwag niyo nalang po siya pagalitan pa,Ama."

Mas lalo pa sumama ang mukha ni Ama sa akin pagkatapos sabihin ni Quinara ang mga iyon habang kunwaring umiiyak.

Napatiim bagang nalang ako habang hindi sinalubong ang tingin ni Ama sa akin at ang pag lamlam ng mga mata nitong naka tingin kay Quinara na umiiyak parin hanggang ngayon.

Napakuyom ko ang aking mga kamay dahil simula nang dumating sila sa buhay namin ay halos nasa kanila na ang oras ni Ama na halos kahit ako ay hindi na niya napapansin pa.

Puro nalang kamalian ang nakikita niya sa akin na gawa-gawa lang naman nang mag inang ito.

"Masakit pa ba ang iyong mukha, anak kong Quinara?"

Kita ko ang pag palapit ni Ama sa kina uupuan ni Quinara at pinalabas nito ang kanyang mahika upang pagalingin ang mukha nito.

Pangit na nga ang kanyang pagmumukha tapos umiiyak pa na mas lalo pa tuloy niyang ikinapangit.

Parang gusto ko yatang magpasalamat kay Ellese sa ginawa niya sa mukha ni Quinara.

Tumayo nalang ako at umalis na upang hayaan ang madrama nilang eksena.

Hindi ko rin akalain na magbabago ang pag uugali ni Ellese makalipas ang walong taong madalang naming pagkikita simula nong pumasok ako sa Akademyang ito.

Naging palaban na siya at marunong narin siyang ipagtanggol ang kanyang na ikinagaan ko ng aking dibdib.

Kahit galit ako sa kanya pero meron namang bahagi sa puso ko na naging masaya dahil lumalaban na siya.

Tuloy-tuloy lang ako sa pag lalakad habang hinahanap ang ibang mga Prinsipe na naunang lumabas kanina.

Nakita ko si Prinsipe Larson na parang hindi ito mapakali at tila parang may hinahanap ito.

"Nasaan sina Prinsipe Lawrence at ang iba?"

Pa agaw pansin ko sa kanya ng hindi ako nito mapansin dahil sa tuliro pa rin ito.

Tumingin naman ito sa akin at hindi ko nakita ang ngiting laging naka paskil sa mga labi nito tuwing may kumakausap sa kanya.

"Hindi ko alam dahil nag nagka hiwa-hiwalay kami ka agad pagka labas sa silid ng pulongan."

Muli na sana itong maglalakad palayo ng sabayan ko ito at inakbayan habang naririnig ko ang ilang tiliian at bulungan ng mga babaeng mag aaral na aming nadadaanan.

"Sino ba ang hinahanap mo at parang hindi ka mapakali, babae ba iyan? Ikaw ha, marunong ka na ng ganyan."

Hinigpitan ko naman ang pang-aasar na pagkaka abay ko sa kanya na para siyang sinasakal na ikina pumiglas niya habang ako naman ay natatawa sa kanyang busungot na hitsura.

"Zaire Naman eh. Kanina ko pa hinahanap si Prinsesa Zemiragh dahil baka ano na ang nangyayari sa kanya."

Napakunot noo naman ako dahil kitang kita ko sa kanyang mukha ang pag aalala para Kay Ellese.

Kahit kailan ay hindi pa ito nag alala kahit sino sa mga babaeng umiiyak sa kahariang ito maliban sa kanyang Ina.

Nakakapag taka ang isang tulad niyang mabait pero ayaw sa mga babae pero mag aala sa aking kapatid.

Babae nga talaga ang hinahanap niya pero hindi ko akalain na si Ellese din pala ito.

.

-------------

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
323 114 32
[Revised] It is believed that the spirit world send us message. Dreamcatcher sort messages, trapping nightmares to prevent disturbing in sleep. Bount...
50K 1.8K 41
Akala ko noon ang magic ay kathang isip lang. Akala ko noon ako lang ang may kakaibang mata at buhok sa lahat. Pero hanggang akala lang. Not until...
198K 6.3K 75
Isang babaeng napaka TAHIMIK, MATALINO, NERD at masasabi mo talagang walang magkaka gusto sa kanya, Di rin mahilig makipag kaibigan, but aside frome...