Your BOYFRIEND is my HUSBAND!

Por lee_dragon16

244K 9.6K 3.5K

Serene Clemente-Evans She's a TROUBLE MAKER She's a RULE BREAKER She's a RISK TAKER! Si Serene ay ang klase n... Más

Unang pahina
Pangalawang pahina
Pangatlong pahina
Pangapat na Pahina
Pang limang Pahina
Pang anim na pahina
Pang pitong pahina
Pangwalong Pahina
Pang siyam na pahina
Pang sampong pahina
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22
23
24
25
NOT AN UPDATE
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
NOT AN UPDATE
43
44
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
THE REVELATION
The Truth

45

2.8K 132 51
Por lee_dragon16

Sabi ko next month ako mag-u-update eh😅

Pero dahil nangako ako sa nagmessage sa kin. Here na po😊-

.....

Author's pov

"Where's Uncle Shawn?" Tanong ni Serene kay Tanya at Zhaika na kumakain.

Pitong buwan na ang tiyan niya at excited na sa panganganak. Naging mahirap para kay Serene ang pagbubuntis dahil hindi na siya pwedeng uminum ng gamot, kaya tinitiis niya na lang ang sakit ng ulo.

"Kakalabas lang ng room mo nagpaalam na matutulog na," sagot ni Zhaika. "Hindi ko kinakaya ang pagmamahal sayo ni Uncle. Imagine binabantayan ka buong gabi kasama ng ilang Doctor tapos sa umaga siya matutulog."

"Malamang anak na ang turing nun kay Serene," sabat naman ni Tanya.

"Ahy oo nakalimutan kong sabihin sa inyo. Haha, wait natatawa ako pag naaalala ko ang mukha ni Serenity. Pinahiya siya ni Uncle Shawn sa lahat at walang kumampi sa kanya. Pati ang Mommy mo tahimik lang, ang epic lang. Grabe ang epekto ng pagkawala mo," kwento ni Zhaika.

"Dasurb!"

Naghigh five pa ang dalawa habang si Serene naman ay tahimik na umupo.

"Tulungan niyo ako," bulong ni Serene kaya natigil ang dalawa.

"Bakit?"

"Gusto kong makita si Laurence sa huling pagkakataon. Ilang araw ko siyang iniisip tapos 'yung tiyan ko nananakit rin. Gusto ko-"

"Gaga ka ba couz? Sa tingin mo ba papayagan tayo ni Uncle-"

"Kaya nga tulungan niyo ako. Kahit isang oras lang, aalis din agad tayo. Please," pagmamakaawa ni Serene.

Narinig nitong nag-uusap ang ilang Doctor at si Uncle Shawn na may posibilidad na mawala ang alaala niya pagkapanganak niya at gagawin ang operasyon. Nang marinig 'yun ang unang pumasok sa isip ni Serene ay ang Asawa niya.

"Paano? Hindi umaalis si Uncle Shawn," saad ni Zhaika.

"Ako na ang bahala," saad ni Serene at pinakita Ang sleeping pills.

"Ui ayokong sumama dyan. Gusto ko pang mabuhay loko ka. Masama magalit si Bossing."

"Pagbigyan na natin kasi buntis. Kami ang bahala sayo," nae-excite na sabi ni Zhaika. "Imagine matatakasan natin ang mafia lord. Hehe."

Nagtimala sila ng kape at si Serene mismo ang nanguna para ibigay ito kay Shawn.

Nadatnan nila si Shawn na nasa kama nito at nagbabasa ng dyaryo.

"What is it?" Tanong ni Shawn na hindi man lang hinarap ang tatlo.

"Nagdala kami ng kape mo, Uncle. Alam ko kasi na may mga gagawin ka pa."

Kinuha ni Shawn ang kape at pinakatitigang mabuti bago ngumisi. Ininum niya at nagkunwaring nakatulog.

"Yes, success!"

"Bilis na para hindi tayo maabutan. Haha bye uncle. Sorry not sorry," Masaya pang sabi ni Zhaika.

"Kayo ang bahala sa kin ah. Baka ako pag-initan ni bossing."

Paglabas ng tatlo agad na tumayo si Shawn at sinuka ang nainum at uminum rin ng pangontra.

"Brats," naiiling na bulong nito.

Narinig ni Shawn ang pinag-uusapan ng tatlo, hinayaan niya lang dahil 'yun ang kagustuhan ni Serene. Bilang buntis gusto niyang ibigay ang lahat ng gusto nito.

"Yeah, make sure that they are safe. Susunod ako."

Mabilis lang ang naging byahe dahil private plane ang ginamit ng tatlo.

"Ang laki na ng tiyan mo pero ang dami mo pang gustong gawin. Tsk," saad ni Zhaika ng malapit na sila sa bahay ng mag-asawa.

Hindi pa rin lumilipat ng bahay si Laurence.

"How is he?" Tanong ni Serene.

"Sabi ni Divine lagi raw lasing. Nagce-celebrate pa rin till now," biro ni Zhaika.

Pagdating nila sa bahay hindi agad sila bumaba ng kotse dahil halatang walang tao sa bahay kasi walang ilaw. Naghintay lang sila ng mahigit isang oras ng may pumaradang sasakyan.

"Alis na tayo," saad ni Zhaika ng makita ang kotse.

"No!" Mariing sabi ni Serene.

Bumaba sa sasakyan si Serenity at inalalayang makababa si Jhezter.

"Ay Putcha!"

"Damn!"

Napaiyak si Serene ng makitang hinalikan ni Jhezter si Serenity. Nakaramdam din siya ng kirot sa tiyan habang nakatingin sa dalawang naghahalikan.

"Let's go," bulong niya.

Agad na pina-andar ni Zhaika Ang kotse palayo sa imahe ng dalawa.

"Are you okay, couz?"

"Yeah, sila naman talaga dapat. Sumingit lang ako sa buhay nila. My heart hurts," bulong ni Serene at nagpatuloy sa pag-iyak.

Hindi na nag-aksaya Ang tatlo at agad dumeretcho sa airport dahil duon naglanding  ang private plane nila.

"Tahan na baka mapasama pa 'yan sa pinagbubuntis mo," nag-aalang Sabi ni Tanya.

Pagpasok sa private plane nagulat pa ang dalawa ng makita nila si Shawn habang si Serene naman ay agad na lumapit at yumakap sa Uncle.

"U-uncle gusto kong makalimot. A-ang sakit pa rin," bulong ni Serene na patuloy na umiiyak.

"Stubborn," saad ni Shawn na inalalayang makaupo ang pamangkin.

Yumakap nang mahigpit si Serene kay Shawn dahil naramdaman niya ang pananakit ng tiyan at ang kanyang ulo.

Save my baby oh God! Save him kahit 'wag na ako. Let my baby see the world _ sa isip ni Serene.

Yakap niya lang si Shawn habang umiiyak hanggang sa makatulog.

Nakarating sila ng Puerto at hindi magising si Serene kaya nagpanic ang lahat.

"Serene! Uncle she's bleeding. Oh my gosh!"

Kumabog ang puso ni Zhaika ng makita ang dugo sa legs ni Serene.

"Babe, 'wag mo kaming takutin. Hoy! Best friend naman."

Walang makikitang emosyon sa mukha ni Shawn ng pinasok sa loob ng emergency room si Serene.

"Uncle ang pinsan ko. Makakaya-"

Niyakap ni Shawn si Zhaika.

"Trust her, she won't leave us."

Pagkatapos ng dalawang oras lumabas ang babaeng doctor.

"The baby girl is safe but we still need to  pay extra attention to him. He needs to stay in the hospital's neonatal intensive care unit."

" Thank you Doc. How about my niece? She's safe, right?"   

"They are already starting the surgery on her head. The patient is fighting for her life. She's strong," saad ng Doctor bago umalis.

Naghintay pa sila, Todo dasal ang dalawa sa kaligtasan ni Serene.

May Doctor na dumating at may pinapirmahan kay Shawn.

Gulat na nakatingin si Zhaika at Tanya kay Shawn.

"Uncle you are kidding, right?"

"Bakit kailangang ipa-plastic surgery ang mukha niya? Mapapalitan ba bossing? Ganun ba 'yun?"

"Uncle you can't do that!"

Seryosong tumingin si Shawn sa dalawa.

"Serene and I have talked about that before. Gusto niyang mabago ang mukha niya malayo sa itsura ng kambal niya-"

"Pero Uncle-"

"In everyone's eyes, she was dead. She can't live normally if she just keeps hiding. When her appearance changes, she can return to the Philippines without being afraid to be seen by everyone," paliwanag ni Shawn.

"Paano ang magulang niya?"

"I don't care about them. I have fixed everything. When she wakes up she is Architect Railey Dela Vega. My niece's return is their horror because she will ruin their lives."



Seguir leyendo

También te gustarán

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...