Secret Love Between Us

By Looreeynn

2K 232 108

*Isang abnormal na paggpapanggap na nauwi sa pagiibigan.. More

Prologue
1st day at school
IM YOUR WHAT?!
1st day of pretending
"Bati na tayo??"
''Operation : Trap them"
"Meet lolo Edward"
The moves
Meet my Remaining Family
Night with you
"Kwentuhan"
"The Offer and Contract"
Chapter 13:"Long lost friend BRY"
Meet Eva's boyfriend
Zoo!
Bestfriend's Problem

who is he?

25 0 0
By Looreeynn

Chapter 17: Who is he?

Shara's POV

"Who are you?"

3 words 9 letters..

Malamig pa sa yelo na sabi nya

"Hahaha Grabe nawala ka lang ng ilang linggo nalimutan mo na ako?"  Saad ko na may kasamang pilit na ngiti

"Tss crazy" mahinang bulong nya pero rinig na rinig ko naman

"Anong nangyari sayo. Nabundol kaba at nag karoon ka ng amnesia?" tanong ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay

"Bye crazy girl" aniya

Nakita kong nag lakad na sya paalis pero ako hindi ko parin lubos na maisip kung bakit nag kaganon ang letse kong fake boyfriend

"Hoy Thristan Castillo!" sigaw ko pero hindi man lang sya lumingon -,-

Tss bahala sya sa buhay nya. Nantitrip lang siguro yung bwisit na yun at mamaya pag tatawanan ako sa naging reaksyon ko sa pag papanggap nya

Magaling pa naman yun mag panggap

Wala akong nagawa kundi bumalik nalang sa room namin at makikinig nalang sa remaining subjects namin

"Hi shy!" nagulat nalang ako ng may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ko at may malapad pang ngiti

Ghad ang cuuuute talaga ng lalaking toh!

"Hi Bry!" bati ko rin sa kanya at nag simula na muling maglakad

"Sabay tayo?" tanong nya habang sinasabayan akong maglakad

Tumango tango nalang ako tanda ng pumapayag ako

"Teka diba dito ang room mo?" takang tanong ko ng malagpasan na namin yung room nya

"Yup!"

"Eh bat hindi ka pa pumasok? Mag
b bell na kaya baka ma late ka pa" tanong ko sa kanya at napa smirk pa ang gago

"May nakikita kabang studyante sa loob?" tanong nya kaya't agad akong napatingin sa room nila

Bakit ngayon ko lang napansin na walang studyante na nakakalat dito ngayon?

Nasaan yung mga yun?

"Nasa gymnasium ang lahat ng studyante ngayon" aniya

"ha bakit?" wala naman akong natatandaang ceremony ngayon para mag tipon tipon ang mga studyante sa gymnasium

"i dont know so let's find out" aniya sabay hatak na sa akin papuntang gymnasium

***

Pag karating namin dito agad na bumungad sa amin ang napaka ingay na mga studyante

Agad kaming nag kahiwalay ni bry para hanapin ang sarili naming section


Nang mahanap ko ang section namin agad kong nakita si kristoff pero wala paring Evalyn Daza ang dumarating

"Hey!" bati ko kay kristoff na nakaupo

"Hi Shara!" masiglang bati nya rin sa akin

"Uhmm nakita mo na ba si bessy?" nagbabakasakali kong tanong sa kanya

"H-hindi pa..ikaw?" Utal nyang sagot

Bakit sya nauutal?

"Hindi parin eh.. Hayss san na kaya napunta yung babaeng yun?"  tanong ko sa kawalan

"Nag away ba kayo?" tanong ni kristoff sa akin

Agad akong napa iwas ng tingin

Pano ko sasabihin na 'Nag away kami ni bessy kasi hindi ko matanggap ang boyfriend nya at wala akong kwentang bestfriend' ?

"I take that as a yes" saad nya ng hindi ako nakasagot sa tanong nya

"Hindi ko naman sya masisisi kung nagalit sya sa akin"

"Hulaan ko.. It's about her kwago boyfriend noh?"  nag mala madam auring nyang hula

"yes" sagot ko sa hula nyang tanong

"Same here" aniya

Huh anong same here?

"Nagalit din sya sa akin dahil sa konting opinyon ko sa kwago nyang boyfriend"  bakas ang lungkot sa mukha ni kristoff ng sabihin nya ito

Napabuntong hininga nalamang ako

"I guess we should stop calling her boyfriend na kwago?" suggestion ko

"Bakit naman?"

"Kailangan nating kilalanin yung jillian na yun.. Kesa sa masira ang friendship natin kay eva"

Agad nakunot ang noo nya

"You mean.. Kaibiganin natin yung boyfriend nya?!" aniya na may konting lakas ng boses

"Yup!" aniko

"Tss no way!" pigil nya sa plano ko

"Bahala ka.. Baka magalit ulit yun sayo"  banta ko naman sa kanya

"Tss"  yan nalamang ang naging sagot nya

Pinaglihi ata ito sa ahas eh!

"Shaaaaaara!"  biglang sigaw ni Arianne sa akin

"Sorry nga pala sa ginawa ko kanina ha.. Hehe antagal kasing matapos ni mam sa pagtuturo" aniya sabay peace sign pa -.-

"Tss" nahawa na yata ako kay kristoff "Ano bang meron? Bakit wala ng klase?"

"Oo nga pala nagmamadali ka kasing umalis kanina eh di mo tuloy narinig yung sinabi ni mam"

Ano naman ang na missed ko?

"Ano yung mga yun?" hindi pa kasi straight to the point tong babaeng toh eh

"Ipapakilala na daw ang anak ng may ari ng school nato at dito nadaw mag aaral!"  aniya

Sino kaya yun?

So ibig sabihin pinsan ni Thristan?


"Good afternoon brittany's!"  sigaw ng principal namin na nasa stage

Tss kailangan pang sumigaw eh naka megaphone naman -,-

"Are you excited to meet the new face here in Brittany University?" Dagdag pa nya

Isa pa toh ang daming satsat hindi nalang ipakakala yun ng matapos na agad

Nag sigawan naman ang mga studyante ng 'Opoo' tss kinder lang ang peg?

"So meet Kenjie Gabrielle Garcia, the only son of Marco Garcia, our school founder and the owner of this school" saad ng principal namin


May biglang lumabas na lalaki galing sa back stage at parang may dumaang anghel sa gymnasium dahil sa biglang katahimikan

miski ako ay naputalala na rin

Hindi... Hindi naman sya toh diba?

"Ghad is he our prince?" rinig kong sabi ng isang babae sa isang katabi nyang babae

"I dont know.. But im pretty sure na mas pogi sya!" sagot naman ng babaeng kasama nya


"O Mhay Ghad!! Mag kamukhang mag kamukha sila!"

"I-is that him?!"

"O my Ghad so hot!"

"two face is better than one!"

Mga bulong bulungan sa paligid pero hindi ko parin ma process sa utak ko ang lalaking nasa harapan ko

Maaari kayang sya ang nakausap ko kanina at hindi si Thristan?


O sya ba si Thristan

Biglang umalingawngaw ang nakakarinding ingay sa loob ng gymnasium, isama mo pa ang mga tili ng mga naka lunok ng mic na babae

Mula sa peripheral view ko naramdaman kong may isang taong tumabi sa akin pero nakatuon parin ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko

"Shock ka ba sa kamukha ko?" rinig kong sabi ng katabi ko

Shit that voice! That familiar voice

Unti unti akong tumingin sa lalaking.tumabi sa akin

"Pvtang ina!" napamura nalang ako sa nakaharap ko ngayon

"Wag mo nga akong murahin! Ganito ba ang salubong mo sa akin?"  nala pout na sabi nya

Tinignan ko ang lalaking nasa stage na kasalukuyang kumakaway kaway at muling tumingin sa tabi ko

Pabalikbalik lang ang tingin ko sa kanila

"Hey no worries mas gwapo ang boyfriend mo kesa jan" sabay turo nya sa lalaking nasa stage

Hindi pa rin ako makapag salita

So ibig sabihin ay ang nakausap ko kanina sa building 2 ay yung lalaking nasa stage?

Yung hinatak hatak ko pa ang braso dahil sa hindi ako makilala

Yung tinawag pa akong Crazy Girl

Sya ba yon?!

Shit nakakahiyaaaaaa!!!


Pero ba't ganun? Lahat ng anggulo parehas sila ni thristan?

Lahat parehasa kanila!

Kaya napag kamalan kong si thristan yung kenjie?!

"Mukhang matutulala ka lang dito.. Tara nga!" aniya sabay tayo nya

Bigla nalaman nya akong hinatak palabas ng gymnasium

Buti nalang at walang nakakita sa aming mga studyante dahil nasa dulo naman ako pumwesto

Habang hinihila nya ako tsaka ako naka get over sa nangyari at bumalik ang mga naging kasalan ni Thristan this past few days

"Fvck you Thristan... Magtutuos tayo" mahina kong bulong pero panigurado akong maririnig nya ito


Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 96K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features