When Tears And Rain Collabora...

Od Diwtty

1.1K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 Více

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Ittʼs

33

11 2 0
Od Diwtty

Abala sa pag tapik ng lamesa si Justine gamit ang kanyang daliri. Sa lamesa ay nakapatong ang baba niya, Sa harap naman ng mukha niya ay ang cellphone niyang hinihintay na tumunog. Kanina pa siya nag hihintay sa pag tawag ni Dew dahil nasabi nitong tatawag ito sa kanya ngunit limang oras na ang lumipas ay wala parin siyang matanggap na tawag o text man lang.

Habang nakatunganga sa cellphone ay malakas naman ang pag buhos ng ulan sa labas. Bigla ay napatingala siya sa bintana kung saan bumabagsak ang malakas na ulan. Ngumiti siya saka parang romance na pelikula niyang itinuon ang atensyon sa labas.

Sa lamesa ay nag kalat ang basura ng papel kung saan sinusulat niya ang mga nangyari sakanya nitong mga lumipas na buwan at linggo. Ngunit hindi niya nagagandahan ang sarili niyang sulat kaya pinupunit niya ang pahina ng papel na may sulat kamay niya saka itinatapon na lang ng basta.

Wala siyang pakealam kung maubos ang notebook na ginagamit ni Cire dahil madaling palaitan lang naman iyon.

Nang tumigil ang ulan ay tumayo si Justine. Lumapit sa bintana at saka inilabas ang kamay upang saluhin ang ulan na tumutulo sa bubong. Mabilis na bumagsak iyon sa kamay niya kaya napangiti siya. Para sa kanya ay ang tubig ulan ay subra talagang importante, Bukod dun ay ito ang pang pakalma niya. Ilang beses na bang nasaksikan ng ulan ang bawat pag iyak niya? Hindi na niya mabilang sa subrang dami.

Sa subrang pag ka enjoy niya sa ginagawa ay hindi niya napansin ang pag bukas ng pinto. Iniluwa doon si Cire na may hawak na Box ng Pizza. Kakauwi lang niya ulit galing trabaho. Dahan-dahan ay lumapit siya sa kaibigan at inilagay ang bitbit na Pizza sa lamesa kung saan nag kalat ang mga papel na naka form ng bilog.

Umiling iling siya saka tinapik si Justine. Lumingon ito sa kanya at binigyan siya ng ngiti.

“You want Pizza?” Tanong ni Cire kay Justine.

Tumingin si Justine sa lamesa at nang makita ang pizza ay kaagad niya itong nilapitan.

“Kumusta pakiramdam mo?” Tanong pa ulit nito kay Justine.

“Okay na din kahit papaano. Nakakahinga parin naman sa awa ng diyos” Ilang araw din siyang nahirapan sa pag hinga dahil bigla bigla ay naninikip ang kanyang dibdib. Busy siya nun sa pag lilinis dahil linggo tapos bigla ay nag hahabol na siya ng hininga. Hindi niya parin alam kung anong reason nun at ayaw niyang isipin na pati sa puso ay may problema siya dahil baka hindu na niya kayanin pa.

Subrang dami na niyang dinadalang sakit para may dumagdag ulit na panibago.

Akmang kukuha na siya ng pizza ng biglang mapasinghap at mapatakip siya ng kanyang ilong. “Bakit ang baho?!” Reklamo niya dahil sa amoy na naamoy niya galing mismo sa Pizza na nasa harap niya.

Nangunot ang noo ni Cire saka nilapitan ang Pizza. Inamoy niya iyon pero hindi kagaya ni Justine ay nag reklamo ito.

“Okay naman, ah” Aniya habang iamoy amoy ang pagkain. Wala namang mabaho, ah.

“Ilayo mo nga yan sakin! Ang baho, Cire! Jusko sa susunod wag ka na bumili niyan” Nag mamatsang umalis siya, iniwan na nag tataka si Cire.

Kahit pag labas ay hindi natanggal ang mabahong amoy na naamoy niya mula sa Pizza. Kumapit na yata sa ilong ko!tsk ang baho.

Dumeretso siya sa Kusina. Mabilis na binuksan ang gripo saka hinuhasan ang ilong niya. Sa likod naman niya ay si Cire na nag tataka sa kinikilos ng kaibigan. Mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ito. Tumaba ng kunti ang kaibigan niya.

Isa lang ang ibig sabihin nun.

Lumapit siya sa kaibigan at saka sinabi ang nasa kanyang isip.

“Buntis ka, Justine” Deretso niyang sabi. Dahil sa sinabi ay dumeretso sa ilong ni Justine ang tubig dahilan para mapaubo siya.

“Ano ba! Nakaka ano naman yang sinabi mo, Cire” Hawak ang ilong ay sumingot singot siya. Taena ang sakit ng ulo ko!

“Youʼre Pregnant, Tine” Pag uulit nito ng sinabi niya.

“Hindi magandang biro yan, Tigilan mo nga ako” Tinalikuran niya si Cire. Ayaw niyang paniwalaan ang kaibigan dahil hindi pwedeng mabuntis siya.

“Ayaw mong maniwala?”

“Ayuko! Hindi pwede!” Mabilis na umakyat ako sa itaas. Pag pasok sa kwarto ay kaagadna tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong kinuha iyon at sinagot.

“Justine” Yun pa nga lang ang narinig niya ay parang natanggal ang puso niya sa katawan niya. Napakagat labi siya, Hindi inaasahan na maririnig ang boses na matanggal na niyang hindi naririnig.

“Mag usap tayo, An-” Bago pa niya marinig ang salitang iyon mula sa kinamumuhian niya, Mabilis na niyang tinapos ang tawag. Itinapon ang cellphone sa kama at saka sumigaw.

“Ahhh!!”Parang nakikipag karera ang luha niya dahil sa subrang bilis na pag patak nun sa kanyang mag kabilang mata.

Nang makarinig ng sigaw si Cire ay mabilis siyang napaakyat.Isa lang naman ang taong nasa itaas at yun ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari pero bigla ay kinahanan siya.

Nakabukas ang pinto sa kwarto ni Justine kaya rinig na rinig niya ang pag hikbi nito. Bigla ay kumirot ang dibdib niya ng makitang yakap yakap nito ang kanyang tuhod habang malayang umiiyak.

Lumapit siya sa kaibigan,Hinawakan ang ulo at saka hinaplos iyon. “Anong nangyari?” Nag aalalang tanong niya. “Masakit ba ang ulo mo? Can you tell me whats happening to you para hindi ako kabahan?” Sinubukan niyang mag tanong ngunit ni hindi man lang siya pinansin ng kaibigan niya.

“Just, kung hindi mo matanggap na buntis ka, Pwede mo naman iaborsyon..” what the hell, Cire! Its not a good idea!

Bigla ay tumingala sa kanya si Justine. “I am not pregtant, So stop making it as a joke”

Napalunok si Cire sabay kamot ng baba. Kung hindi dahil dun? Ano ang rason?

“Tumawag siya, Cire. Ang sakit kahit hindi ko pa alam kung bakit niya kami iniwan. Gusto niya akong makausap but i ended the call. Ayukong mag karoon sa kanya ng koneksyon.. I hate her so much”

Walang ibang makita kay Cire kundi ang awa na nararamdaman niya mula kay Justine. Subra na ang pag hihirap ng kaibigan niya tapos may tumagdag na naman. Paano na lang kung totoo ngang buntis siya? Panibagong problema na naman yun.

Nang hapon na iyon ay kinomport niya ang kaibigan. Siya lang ang meron siya ngayon kaya bakit niya iiwan? Si Justine ang naging kapatid niya ng hindi niya maramdaman ang pag mamahal ng mga tunay niyang kapatid. Kaya ngayon na kailangan niya ng isang ate, Mag papaka ate siya para sa kaibigan niya.

Nagising si Justine kinaumagahan na kipot na kipot ang ilong dahil sa sipon. Wala na sa tabi niya si Cire na katabi niya kagabi habang inaalo siya. Subrang pasalamat niya dahil kasama niya ito dahil kung hindi baka nag break down na siya mag isa.

Maingat na bumangon siya sa kama at akmang mag aayos sana ng buhok nang biglang makaramdam siya ng pag ikot ng tiyan niya. Dahil doon ay mabilis niyang tinakbo ang cr at saka isinuka ang wala namang laman na pagkain.

Patuloy siya sa pag susuka ng biglang pumasok sa kwarto si Cire. Nakita niya ang kaibigan na kunti na lang ay mahahalikan na ang bowl. Lumapit siya kay Justine at itinaas ang buhok nito upang hindi malagyan ng suka niya.

“Morning sickness, Jus” Aniya sa kaibigan.

“Hindi nga ako--pwe”

“Bibili ako ng pregnancy kit mamaya para maniwala ka sa akin na buntis ka.” Pakatapos niyang sabihin iyon ay tinulungan niya si Justine na nanghihinang tumatayo. Kakagising palang pera maputla na kaagad dahil sa pagsusuka na ginawa niya.

“Here, Drink it” Inabot sa akin ni Cire ang tubig na kakakuha niya lang kanina sa ibaba.Masama ang tingin niya sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang buntis ako.

Hindi naman kase talaga ako buntis! Dahil lang toh sa naamoy ko kaya sunod sunod akong nasusuka kahit wala naman akong mailabas.

“Thank you, Cire” sabi ko sabay kuha ng inaabot niya. Iubos ko ang tubig na dala niya sa akin dahil baka mas lalong magalit siya sa akin. Wala pa kasing laman ang tiyan ko dahil hindi naman ako kumain nung pizza na dala niya at saka hindi ako nakakaramdam ng gutom kahit gustong gusto ko na kumain.

Alas otso ng umaga ay sumama akong mag grocery kay Cire. Bibili daw siya ng Pregnancy kit na para sa akin at ng mga gulay at prutas dahil ubos na ang stuck niya sa kanyang ref.Naka ilang sabi din ako na huwag na siyang bumili ng PT dahil hindi ko naman kailangan yun, Pero wala, Hindi ako mananalo sa isang Cire.

Bitbit ang cart ay sinusundan ko lang si Cire. Tumitingin siya ngayon ng mga Gatas, Hinahanap yung brand na gusto. Kanina pa kami hanap nang hanap ng gusto niyang gatas pero kanina pa kami walang nahahanap.

Pumadyak si Cire at inis na sinuklay ang kanyang mahabang buhok na umaabot na sa kanyang tiyan.

“Kainis! Tara na nga, Punta tayo ng Pharmacy” Mabilis ang pag hilang ginawa sakanya ni Cire kaya wala na siyang nagawa pa ng tuluyan na siya nitong nahila.

Binayaran nilang pareho ang mga nabili nila at pakatapos ay inilagay nila sa compartment ang dalawang box na puno ng pinamili nila.

Nag lakad lang sila papunta sa Pharmacy dahil mahal daw ang gas.

“Cire, Huwag na nga kase” Pilit kong hinihila pabalik si Cire dahil nahihiya kong siya ang bibili at baka iba ang isipin ng mabibilhan niya ng PT. Yun kase ang mga nakikita niya sa palabas pag ang babae ay maagang nabubuntis.

“Lintik na!” Malakas na inalis ni Cire ang kamay ni Justine na hinihila ang laylayan ng kanyang damit. Masamang hinarap niya ang kaibigan. “Utang na loob naman, Justine! Hindi ka na teenager! Ilang taon na lang ay lagpas ka na sa calendaryo, kaya ano bang kinakatakutan mo? Yung judgement ba nila?!” Hiyang napatingin si Justine sa kanyang paa. Nakatingin na sakanila ang ibang tao, parehong nagtataka kong bakit ang ingay ingay namin.

“Yung panghuhusga ng mga mata ng taong walang ambag sa buhay mo, Dapat yan itinatapon sa basura.” Inalis ni Cire ang kamay ko sa laylayan ng damit niya sabay talikod sakin at derederetsong pumasok sa Loob ng Pharmacy.

I wanted her to comeback. Itinabi ko ang sarili ko sa waiting area at inilibang ang sarili sa pag tingin sa mga taong busy sakani-kanilang ginagawa.

Some of them are busy buying there food.Ang lalaking nasa edad na fifty ay abalang nag titinda ng fishball. A girl with her pink dress with a ballon in her right hand was smiling like theres no tomorrow. Ang daling pag masdan ng mga taong nasa kanyang paligid. Nakakawala ng problema.

Ngunit ng dumapo ang tingin niya sa park ay naningkit ang mata niyang tinignan ang isang babaeng hindi niya inaasahan na makikita niya. Karga nito ang anak niyang tulog na tulog sa balikat habang ang isang kamay naman niya ay hawak ang kamay ng lalaking naka sun glass.

Alam ni Justine ang nakikita pero gusto niyang malaman kong tama ba ang nakikita mismo ng kanyang mata. Baka namamalikmata lang siya dahil sa dami ng iniisip. But Cire suddenly come to her side na tumingin din sa tinitignan niya.

Nangunot ang noo ni Cire sa nakita at saka nilingon ang kaibigan na nakatingin parin sa mag kahawak kamay na tao.

“Diba yan yung daddy ni Dew?” Kaagad na napalingon si Justine kay Cire. So tama nga ang nakikita ng mata niya at hindi siya namamalikmata. Muli ay ibinalik niya ang tingin sa dalawang taong mag kahawak kamay. Papasok na ito sa kotse kaya hindi na niya alam kung anong ginagawa ng dalawa sa loob.

“Hindi ka naman yata tanga o kaya bobo para hindi alam ang ibig sabihin non, diba?”aniya Cire ng makitang nakatulala na ang kaibigan.

Alam ni Justine ang ibig sabihin ng nakita ng dalawa niyang mata, Pero hindi niya matanggap. Pag iniisip niya palang ay parang nandidiri na siya. The hell! Anong karapatan ng babaeng yun para paikutin sila?!


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

125K 2.2K 20
Ashton's a big businessman, but also a daddy to three littles.
686K 1.1K 22
Smexy One shots😘 Got deleted twice 3rd times a charm🤦🏻‍♀️😭
15.7K 461 30
Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and...
56.5K 2.5K 39
Republished. This story is written by Gazchela Aerienne. Xeen is a hybrid lambana mermaid. This is a sequel fantasy-romance novel.