Ah. K. Hindi ko alam na may draft pa pala ako. ^___^V
Antonette's POV
Tulala.
Hindi ko rin alam kung bakit at kung paano ba ako napapunta sa kinalulugaran ko ngayon. Basta ang alam ko, tinakbuhan ko siya. Alam kong mag iisip nanaman ng iba yon pero anong magagawa ko kung kusang tumakbo ang mga paa ko?
Nahihiya ako.
At talagang ngayon pa ako nahiya sakanya?
Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko! Huhuhu. Kawawa naman ang Sweet ko dahil alam kong magtatampo yun dahil sa biglang pagtakbo ko pagkatapos niyang ibutones ang damit ko.
Pero hanggang ngayon pakiramdam ko ay namumula parin ang buong mukha ko. Hindi ko man inaasahan ay nag aalala parin ako. Pagkatapos ng mga pinag gagawa ko kayla Blake kanina!
Napanguso ako.
Nasa likod lang naman ako ng bahay at nasa isang puno tatlong layo mula sa bahay kaya kapag may nag hanap saakin ay agad akong makikita kung maiisip nilang nandito lang ako. Nakasandal ang likod ko sa puno habang naka stretch naman ang mga binti ko sa sanga ng puno.
Sariwa ang hangin kaya naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano pero hindi ko maitatangging masakit talaga ang puson ko. Ganito talaga ako kaya naman sa loob ng isang buwan ay hindi pwedeng hindi ako nagtatago ng isang linggo dahil palaging mainit ang ulo koo.
Hindi ko nalang alam ngayon. Haaay.
Napabuntong hininga ako. Ano na nga bang gagawin ko?
Paano nga pala ako haharap sakanya?
Huhuhu. Kainis talaga!
Nakanguso akong bumaba ng puno. Hindi siya pwedeng magtampo. Tss.
Pagkapasok ko ng Mansion ay nasa baba si Ulric. Kunot noo akong lumapit sakanya. "Bat dika pa naalis?" Medyo asar na tanong ko.
Nag sisimula nanamang uminit ang ulo ko!
Ngumiti lang saakin si Ulric bago nagsalita. "May gagawin pa ako dito sa pilipinas." Sabi niya. Hinapit ako sa bewang ko.
Nakanguso ako. Pinat niya ang ulo ko. "Umaandar nanaman yang pagkamaldita mo bata. Nasaan na ang boyfirend mo?" Pangangaral niya saakin. Nagtaka naman ako kung bakit niya hinahanap si Adrian.
"Taas." Nakangusong sabi ko.
"Tinakasan mo?" Natatawang tanong ni Ulric.
Nanlaki ang mata ko. "Babalik na ako dun!" Sabi ko at kumawala sa yakap niya.
"Dalian mo." Sabi ni Ulric kaya naman nagtaka ako.
"Okaaay." Naguguluhang sagot ko at humalik sa pisngi niya bago umkayat.
—-
"Sweet!" Malakas na tawag ko dahil tulog siya.
Pero bakit parang nakasimangot siya? Tsk. Tsk.
Naaakit nga kase ako e! Nakakainis talaga!
Pero hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
"I've got a gorgeous boyfriend." Nangingiting sabi ko bago ko hinalikan ang noo niya. "Sleep tight my baby sweet." Malambing na sabi ko at tumabi sakanya. Niyakap ko siya mula sa likuran at ipinikit ko narin ang mga mata ko.
Dahil nagsisimula na..
Nag sisimula na akong antukin.
—-
"Sweet?"
I heard the lovely harmonic voice just now. Sarado ang mata ko habang pinakikiramdaman ang katabi ko. He's awake.
"Sweet, wake up." Malambing na sabi ni Adrian at hinalikan ang noo ko.
Dahan dahan, binuksan ko yung mata ko at nakita kong nakatitig siya saakin. Iba talaga sa pakiramdam kapag siya ang nakatingin saakin.
"Sweet..." Banggit ko at nagkusot ng mata.
"Bakit hindi mo manlang ako ginising? Hinihintay pa naman kita." Mahinang sabi niya.
Napangiti naman ako. "I'm here already."
"I know pero..."
"Ssh." Sabi ko at humalik sa labi niya ng panandalian. "Nagugutom ako." Sabi ko sakanya.
Yinakap niya ako na ikinabigla ko. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Masaya lang ako." Sabi niya na nagpapula sa pisngi ko.
"I'm happy too but I'll be happier if you'll let me eat now Sweet." Natatawang sabi ko.
He just laughed at me.
Adrian...
"Oh tol mag isa ka atang nakain ngayon?" Natatawang tanong ni Ulric.
Hindi ko alam na kasama na pala naming nakatira to dito. Tss.
"Pinaalis niya ako sa kwarto." Asar na sabi ko.
Tss. Ang babaeng yon talaga hindi ko maintindihan ang pag iisip niya ngayon. Alam kong meron siya pero bakit naman pati saakin ay nagagalit siya? Mabuti sana kung may laman yung tiyan niya tapos ako yung pinaglilihian natuwa pa ako.
"Ang tagal niyo ng magkasama pero sa tingin ko ay hindi mo pa alam ang bagay na iyan sakanya." Sabi ni Ulric kaya napaisip naman ako.
Oo nga no.
"Palagi ba siyang nawawala dito ng isang linggo?" Tanong niya.
Tumango ako. "Every month niyang ginagawa yun." Sabi ko.
"Yun na yun. Nagtatago lang yan."
Ganun?
"Bakit kailangang magtago?" Takhang tanong ko.
"As you can see, hindi maganda ang epekto non sakanya."
"Dapat wala nalang ganun."
"Give her a baby kung ayaw mo at hindi siya mahihirapan sa loob ng siyam na buwan." Pang uuto niya saakin.
Gusto ko nga e! Kaso nilayasan lang naman ako! Kuuuh talaga!
Napanguso ako. Kunot noo habang nakatingin sa pagkain ko.
"Ayaw niya?"
"Tss." Sagot ko.
"Sabagay mga bata pa naman kayo." Sabi niya.
"Tss."