Bitterness of Affection- BOOK...

By Pinkiyangxx

5.3K 400 103

A couple of years had passed after Russel and Madison lost in contact of each other. Madison became an assist... More

BLURB
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29

KABANATA 6

136 14 0
By Pinkiyangxx

Madison's POV.

-FLASHBACK-

Five years ago...

Magmula noong tuluyan ko ng tinanggap ang paghihiwalay namin ni Russel ay naiwan akong hindi alam kung papaanong ipagpapatuloy ang buhay ko. Wala akong ka-pera pera dahil iniwan ko sa bahay ni Russel ang credit card na naglalaman ng perang ibinayad niya sa akin noong tanggapin ko ang alok niyang magpanggap na kabit niya, para lang magawa ng ex-wife niyang si Giselle na makapag-file ng divorce.

Umalis ako ng bahay niya bitbit ang lahat mga gamit ko. Nang malaman ni Giselle ang nangyari ay dali-dali niya akong sinundo at inuwi sa condominium niya upang doon muna makituloy. Pinili ko na lamang ding huminto na lang sa pag-aaral dahil wala namang ibang nagpaaral sa akin noon kung hindi si Russel.

Wala na din naman akong mukha ihaharap pa sa lahat ng tao matapos ang naging malaking eskandalong nangyari nang ipakalat sa buong unibersidad ni Lucia ang naging trabaho ko noon.

Nakatitig ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang tiyan ko. Nang haplusin ko ito ay parang kung anong demonyo ang biglang bumulong sa akin na ipalaglag ko na lamang ang batang nasa sinapupunan ko.

Hindi ko nga kayang buhayin ang sarili ko, magdadagdag pa ba ako?

Galit ako sa batang 'to dahil bali-baliktarin man ang mundo, nananalantay sa dugo't kaluluwa niya ang pagiging isang Silverio. Ang pamilyang naging puno't dulo ng paghihirap ng pamilya ko.

Binunot ko mula sa aking bulsa ang aking telepono ko nang madinig kong tumunog ito. Huminga ako ng malalim nang mabasa ko ang text message mula sa Amorsolo Clinic, kung saan ako nagpa-appointment upang ipatanggal sa sinapupunan ko ang batang nasa loob ko. Nakapagdesisyon na ako at buo na sa loob kong ipalalaglag ko ang baby namin ni Russel.

Lumabas ako ng condo ni Giselle at pumara ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay siyang tawag naman sa akin ni Trevor. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang sinagot ang tawag niya.

"Hello, Trevor."

"Nasaan ka?" Seryoso ang tuno ng kanyang pananalita nang magtanong siya sa kabilang linya.

"N-nasa labas ako, eh," pagsisinungaling na saad ko sabay napakagat labi.

"Saan ka naman pupunta?"

"S-sa supermarket. Ipag go-grocery ko sana si Gi," pagsisinungaling ko uli.

"Ganoon ba? Pupuntahan sana kita." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang madinig kong pupuntahan niya ako.

"H-ha? Ngayon na? B-bakit naman?"

"Bakit parang gulat na gulat ka? Bakit naman hindi? Ilalabas kita at ng baby mo. Ilang linggo ka na daw nagkukulong lang sa loob ng kuwarto. Sumbong sa akin ni Giselle," aniya.

"Pagod lang ako kaya ako hindi lumalabas. Hindi mo na kailangan na puntahan pa'ko. Magiging abala lang ako sa'yo."

"Pff. Come on, Madi. Never kang naging abala sa'kin."

"Trevor, ibababa ko na iyong telepono, ah? Malapit na kasi ako ng mall. Tatawagan na lang kita pag-uwi ko." Nang makita kong malapit nang pumara iyong taxi sa harapan ng clinic ay mabilis akong nagpaalam kay Trevor.

Pagpasok ko sa loob ng clinic ay mabilis naman akong inalalayan ng nurse. Naupo muna ako sa labas ng office ng doktor upang hintayin ang oras ng operasyon ko.

"Miss, paki fill up na lang itong medical forms. Naghahanda na si doc sa loob para sa surgery na gagawin niya sa'yo," utas niya sa akin tapos ay tumango lang ako.


******

"Miss Espinosa?" Nang madinig ko ang aking apelyedo ay mabilis akong napatayo sabay nagtaas ng kamay.

"You may now go inside po," saad ng nurse sabay binuksan iyong pinto ng opisina ni dok.

"Have a sit, miss," giit naman ng doktor sa akin habang itinuturo iyong upuan sa harap ng lamesa niya.

"Are you done filling up the forms?" pagtatanong niya sa akin tapos ay tumango naman ako.

"Are you sure you will really going push this? Will you not regret aborting the baby afterwards?"

Sandali akong natigilan sa kanyang naging tanong. Napayuko ako hanggang sa mabali iyong titig ko sa tyan ko. Huminga ako ng malalim habang mahigpit ang kapit sa magkabilang mga tuhod ko.

"H-hindi ako handang maging ina sa batang nasa loob ko, doc. That's why I think it's better off this way. Alam kong maiintindihan niya ako, kung bakit kailangang kong gawin 'to," sagot ko sa kanya. Pinilit ko ang aking sarili na maging matatag at panindigan ang aking naging desisyon.

"Wala ni isa ang naging handa sa pagiging isang ina. May mga anak din ako... kaya naiintindihan ko ang mga hugot mo. Pero ija, ang pagiging isang ina ay obligasyon na dapat mong gampanan, handa ka man o hindi," malumanay na pagkakasabi niya sa akin sabay binigyan ako ng nakakatunaw na ngiti.

Hindi ko siya nagawang sagutin at napahaplos na lamang ako sa aking tyan. Samu't saring boses ang nadidinig ko sa loob ng utak ko. Nagtatalo sa kung magiging tama ba ang desisyon na pipiliin ko.

"If you've decided to push through the surgery, please lay down. I wanted to check your cervix first," utos niya sa akin sabay itinuro iyong maliit na kama sa gilid.

Tumayo naman ako at umayos ng pagkakahiga. Nakatitig lamang ako sa kisame habang inaantay na lumapit sa akin ang doktor.

"Can you fold your legs upward?" she asked while putting on her surgical gloves.

Nang matignan niya iyong pangibaba ko ay bumalik iyong titig niya sa akin. "Let's do an ultrasound first, before we proceed. Will that be okay?"

"O-okay po, doc."

******

"The baby is really healthy," utas niya habang nakangiti pang nakatitig sa kanyang screen.

Hindi ako nagsasalita at pinipigilan ko din ang aking sarili na huwag tignan ang batang pinagmamasdan niya ngayon. Natatakot akong oras na makita ko siya ay baka magbago bigla ang isip ko.

"Are you not going to look at your baby? This is the last time you'll going to see him."

Hindi ko alam pero para bang may kung anong gayuma ang dala-dala ng doktor. Naramdaman ko na lamang ang biglang pagtulo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. Gulong gulo na ang isipan ko kung tama ba talaga itong gagawin ko.

"D-doc-"

"Madison!"

Gulat na gulat kaming dalawa ng doktor nang bigla na lamang pumasok si Trevor. Binigyan niya ako ng masamang tingin habang mahigpit ang kapit niya sa doorknob ng pinto. Mabilis akong napabalikwas at tinakpan ang aking sarili.

"T-trevor?" Nautal pa ako nang tawagin ko ang kanyang pangalan.

Mabilis siyang humakbang palapit sa kinaroroonan ko sabay hinapit ang aking kamay. Kinaladkad niya ako palabas ng opisina. Nang bitawan niya ang kamay ko ay humarap siya sa akin sabay binigyan ako ng matalim na titig.

"Kailan pa naging supermarket ang isang abortion clinic? Ipalalaglag mo ba iyong bata?" seryosong pagtatanong niya pero hindi ako sumagot.

"Madison!"

"Oo!" pasigaw na sagot ko sa kanya.

"Oo, ipalalaglag ang batang 'to. Ano naman iyon sa'yo?!"

"Are you nuts?! Walang kalaban laban ang batang 'yan sa'yo. May puso ka pa ba at magagawa mong gawin 'yan sa anak mo?" galit na saad ni Trevor sabay napatapik sa noo niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Palakihin ang batang 'to kahit wala akong pera't trabaho? Palakihin siya kahit na alam kong ang pamilya ng tatay niya iyong sumira sa pamilya at mga pangarap ko?!" sumbat ko naman kay Trevor habang parang gripo iyong mga mata ko kakaiyak.

"Sinong nagsabing anak 'yan ni Russel?"

"What?" I asked him in a frowning face.

"Magmula ngayon ay anak ko na 'yan. Ako na ang gagastos ng lahat ng kailangan niya. Kaya sa ayaw at gusto mo, itutuloy natin 'yang pagbubuntis mo," sagot ni Trevor sa akin habang nakatitig sa tyan ko.

"No one asked to do this," mahinang sabi ko sa kanya.

"I know. Pero hindi iyong bata ang may atraso sa'yo. Kaya kung galit ka sa pamilya ng tatay n'yan, sa kanila ka magalit. Hindi sa batang 'yan," sagot ni Trevor sa'kin.

-END OF FLASHBACK-


"Trevor..."

"Alam ko naman, eh. Alam kong substitute lang naman ako ni Russel sa buhay niyo ni Randall. Alam ko ding habambuhay na option lang ako at hinding hindi mapapasama sa mga priorities mo. Alam ko ang lahat ng iyon, Madi. Pero umasa pa din ako," sabi niya habang nakatitig sa akin ang malalim at mapupugay niyang mga mata.

"Umasa pa din ako na baka dumating din iyong araw na magawa ko siyang palitan sa buhay niyo ng anak mo. Kahit ang totoo... ay niloloko ko lang iyong sarili ko," dagdag pa niya.

Nang madinig ko ang mga katagang iyon mula kay Trevor ay mabilis akong humakbang palapit sa kanya sabay lumuhod at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Trevor, hindi ka substitute ni Russel. Ni minsan ay hindi ka naging substitute na tatay lang para kay Randall. Ikaw iyong totoong tatay niya. Ikaw iyong tumayong tatay para sa kanya, kaya hindi ka substitute," giit ko habang seryosong nakikipagtitigan sa kanya.

"Bumalik man si Russel o hindi, ikaw pa rin ang tatay ni Randall. Wala si Randall sa mundong 'to, kung hindi mo'ko kinaladkad noon palabas ng abortion clinic," dagdag ko pa.

"Eh, ako? Kailan ako magiging sapat para mahalin mo? Kailan ko mapapalitan 'yong lugar ni Russel dyan sa puso mo?" pagtatanong niya sa akin pero hindi ko siya nagawang sagutin.

ITUTULOY...

A/N: hello, reader! Don't forget to leave your votes and comments para naman lumakas iyong loob kong ipagpatuloy pa ang kwento.

Continue Reading

You'll Also Like

5M 126K 57
Hoping for the advancement of her career as an accountant, Aragen accepts the offer of a prestigious company- but she instantly regrets it when she f...
21.2K 263 28
[ First installment of the High-End Boys] Masaya na kami. Lahat ay nasa wasto noon ngunit ginulo nila kami. Sana ngayon ay magksama kami pero pinagh...
659 10 7
Is it possible to start all over again? PS. Tell me what's your favorite among all of them and I might try and make a full story because they sure ar...
1.9M 16.3K 22
When Mindy felt that she was in love with the blind casanova, Adam, all she wanted was to run away from him and forget her idiotic principle of helpi...
Wattpad App - Unlock exclusive features