SIMULA
Napakaganda ng sikat ng araw pero hindi pabor para kay Aliya. Pawis na pawis na siya sa halos dalawang oras na paglalakad pero nakikisabay pa ang init ng panahon.
"Hay, naku! Malas naman oh!" Reklamo niya sabay upo sa gilid ng kalsada.
Hinubad niya ang suot na three inches heels na binili pa niya sa ukay. Ni-repair pa niya ang takong n'on para siguradong hindi mapuputol habang naglalakad siya.
"Ang sakit na ng paa ko, wala pa rin akong trabaho!" Naiiyak niyang sabi.
Pangatlong araw na niya sa Maynila pero wala pa ring tumatanggap sa kanyang pinag-aaplayan. Palaging walang bakante o kaya naman hindi siya qualified. Nakatapos naman siya ng high school. Bakit ang aarte ng mga napupuntahan niya? Waitress, janitress, sales lady, kahit dishwasher papasukin niya pero hindi raw siya qualified. Kailangan ba ngayon may degree kapag maghuhugas ng pinggan?
"Nakakainit ng ulo!" Reklamo niya.
"Mataas kasi ang sikat ng araw kaya naiinitan ang ulo mo. Mamalimos ka na lang, araw-araw ka pang may kita." Sagot naman ng batang pulubi sa katabi niya.
"Magkano naman ang kinikita mo araw-araw?" Interesado niyang tanong. Parang gusto na niyang mag-change of mind. Paubos na ang laman ng dala niyang alkansya mas mabuti ng kumita siya kahit papaano.
"Seryoso ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro? Sige na, sabihin mo na sa'kin. Share your secrets." Pagpupumilit niya.
"Manigas ka! Aagawan mo pa ako ng hanapbuhay, ang dami na nga namin dito."
"Aba! Tingnan mo 'to. Magbibigay ng suhestiyon pero babawiin din agad. Hoy!" Sigaw niya ng nilayasan siya ng pulubi.
"Gutom na ako," muli niyang sabi habang hawak ang kumakalam na tiyan.
Natanaw naman niya ang nagtitinda ng kakanin sa gilid.
"Magtinda na lang kaya ako ng pagkain? Naku, hindi pala pwede. Wala akong gamit sa pagluluto."
Nakita naman niya ang lalaking naniningil ng pamasahe sa isang bus.
"Konduktor na lang kaya?" Nabuhay ang loob ni Aliya. Mabilis niyang isinuot ang sapatos at nagmamadaling lumapit sa isang bus, pero may bumanggang lalaki sa kanya.
"Aray ko po!" Daing niya ng matumba sa semento. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit sa paa.
Nanlaki naman ang kanyang mata ng makitang tuluyang naputol ang takong ng kanyang sapatos tapos 'yung lalaking bumangga sa kanya, hindi man lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hoy! Napaka-ungentleness mo!" Sigaw niya.
"Ungentle 'yon."
Tumaas ang kilay ni Aliya ng sumagot na naman ang pulubi kanina.
"Bakit narito ka? Lumayas ka sa harapan ko!" Sigaw niya rito.
"Ilang taon na akong nakatira rito tapos palalayasin mo ako? Ikaw itong bagong salta kaya ikaw ang lumayas."
"Wala akong pakialam. Alis!"
"Ang sungit mo, hindi ka naman maganda."
"Aba't-" Pinilit tumayo ni Aliya. Kahit masakit ang paa, tiniis niya. "Para sabihin ko sa'yo, Muse ako noong grade 1 hanggang... hoy! Kinakausap pa kita, bumalik ka rito!" Muli niyang sigaw ng nilayasan na naman siya ng Pulubi.
Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang nasirang sapatos.
"Nakakainis naman ang lalaking 'yon. Kahit sana pambili ng tsinelas binigyan niya ako, kainis talaga."
"M-miss,"
Naiinis siyang bumaling sa lalaking nagsalita pero pakiramdam niya nagkurting puso ang mata niya ng makita ang cuteness nito.
"Y-yes?" Malambing niyang tanong.
"Pasensya na sa ginawa ng Boss ko, nagmamadali kasi siya. Hindi na niya hinintay makarating sa parking sa sobrang pagmamadali. Kaya pasensya ka na."
"O-okay lang," nakangiti niyang sagot. Para siyang hinihele sa boses nito.
"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako rito." Iniabot nito ang isang card pero hindi naman niya alam kung ano 'yon.
Tinitigan niya iyon. Inalog-alog. Binaligtad, pero wala naman siyang nakikitang pindutan.
"Paano kita matatawagan dito?" Nagtataka niyang tanong.
"Calling card 'yan. 'Yung numero ang tatawagan mo,"
"Ahh... okay. Wala naman akong load,"
Kinuha nito ang wallet at nagbigay ng isang libo sa kanya. Doon talaga nagkurting puso ang mata niya. Bihira lang siyang makakita ng isang libo sa buong buhay niya.
"Eto, pang-load mo."
Nahihiya naman siyang tanggapin iyon kaya napakamot siya sa batok.
"Kasi... ano e,"
"May problema ba?"
"Wala kasi akong cellphone,"
"Ganoon ba," muli itong kumuha ng ilang perang papel at iniabot sa kanya. "Pambili mo ng cellphone,"
"Naku! Hindi ko matatanggap 'yan. Kahit mukha akong pera, mas gusto ko pa rin na paghirapan ko ang perang gagastusin ko. Bigyan mo na lang ako ng trabaho, tirahan, libreng pagkain, tubig at kuryente ayos na 'yon sa'kin." Nakangiti niyang sabi.
"Tamang-tama may trabaho akong ibibigay sa'yo!"
"Wow, talaga? Hindi 'yan scam?"
"Hindi,"
"Legit?"
"Oo, legit ito."
"Anong trabaho?"
"Artista!"
Namilog ang mata ni Aliya sa narinig.
"Sinasabi ko na e! Kaya hindi ako qualified sa mga inaaplayan ko, pang-artista talaga ang kagandahan ko!"
"Pero kailangan mo munang maghanda para maging artista."
"Okay, walang problema!" Nag-thumbs up pa siya sa lalaki.
Kinuha naman ng lalaki ang cellphone nito. Kislap pa lang ng case n'on halatang mamahalin na.
"Steff, may nahanap na ako. Dadalhin ko siya diyan para sa make over,"
Tumaginting sa tainga ni Aliya ang salitang make over.
"Magiging artista na ako," excited niyang sabi sa sarili.
"Oo! Pareho kayo ng body shape at height. Sige, ihahatid ko muna siya. Babalik din ako rito, may meeting si Boss e."
Ngumiti si Aliya ng muling tumingin sa kanya ang lalaki.
"By the way, my name is Colt. You are?"
Tumikhim muna si Aliya bago nagpakilala.
"Aliya Mercedes,"
"Aliya, sakay ka na. Ihahatid kita sa kaibigan ko." Itinuturo nito ang sasakyan sa likuran nito. Tulad ng cellphone case ni Colt, kuminang din ang cover ng sasakyan na halatang mamahalin.
Humakbang siya papalapit doon pero bigla siyang tumigil at muling humarap sa lalaki.
"Baka sindikato ka at ibenta mo ang lamang loob ko?"
Malakas naman itong tumawa habang siya'y naguguluhan dahil seryoso naman ang tanong niya.
"Hindi ako sindikato," ipinakita nito ang ID na nakasabit sa leeg nito. Diyan ako nagtatrabaho sa building na 'yan." Turo nito sa matayog na building sa tapat niya.
Sumakit pa ang batok niya sa pagtingala dahil sa sobrang taas n'on.
Muling napansin ni Aliya ang pulubi kanina.
"Hoy! Masungit na bata. Kapag napanood mo sa balita na nawawala ako o kaya namatay, ikaw ang witness ah. Tandaan mo ang mukha niya para makuha ko ang hustisya."
"Mas mukha kang gagawa ng masama kesa sa kanya," sagot nito sabay alis.
"Aba, tingnan mo ang lokong 'yon."
"Miss Aliya, kailangan na nating magmadali. Tatawagan na ako ni Boss maya-maya,"
Nakipagsapalaran na rin si Aliya at sumama kay Colt. Nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman ang lamig sa loob ng sasakyan.
"May yelo ba ang sasakyan mo?" Tanong niya sa lalaki.
"Aircon ang tawag diyan,"
"Saan mo pala ako dadalhin?"
"Malalaman mo mamaya,"
Naghintay na lang si Aliya hanggang tumigil ang sasakyan. Maganda at malawak ang lugar. Malaki rin ang nakatirik na bahay doon.
"Colt!"
Namangha naman si Aliya ng makita ang papalapit na babae.
"Sobrang ganda nya," humahanga niyang sabi.
"Steff!" Sinalubong ni Colt ang babae. Nag-iwas ng tingin si Aliya ng maglapat ang labi ng dalawa.
"Oh, no! SPG. Bawal sa walang jowa," sambit niya.
"Siya na ba iyon?" Tanong ng babae.
"Oo. Siya si Aliya, naghahanap siya ng trabaho, tirahan, libreng pagkain, tubig at kuryente." Sagot ni Colt.
Ngumiti ang babae sa kanya. Feeling niya magkaka-diabetes siya sa sobrang tamis n'on.
"Tamang-tama, bagay sa kanya ang trabaho. Halika pasok tayo sa loob."
Mas namangha si Aliya ng makapasok siya sa loob.
"Grabe ang ganda! Wala bang pangit sa lugar na ito?"
"Umupo ka Aliya," paanyaya ng babae.
Sumunod naman siya pero mabilis din siyang tumayo ng lumubog siya sa upuan.
"Anong klaseng halimaw ang upuan nyo? Bakit kinakain niya ang pwet ko?"
Tumawa naman ang dalawa. Sa makinang na sahig na lang siya umupo. Safe pa.
Maraming sinabi si Steff ng maiwan silang dalawa. Umalis na kasi si Colt at tumatawag na raw ang boss nito.
"Kailangan mo ng full package makeover. Pag-aaralan mo rin ang proper etiquette. Kung paano ang tamang lakad, pananamit, pananalita at maging ang tamang pagkain."
"Kailangan ba talaga 'yan sa isang artista?"
"Artista?"
"Oo. Sabi kasi ni Colt, artista ang trabaho ko."
"Ahh... oo. Kailangan mong umarte. Kailangan talaga ang lahat ng ito sa pagiging artista." Matamis na naman itong ngumiti sa kanya.
Matapos ang marami nitong paliwanag, pinagpahinga muna siya nito. Sobrang tuwa niya dahil ang ganda at ang lamig ng silid niya. Masasarap din ang pagkain niya kanina. Ang swerte niya dahil magiging artista pa siya.
Kinabukasan, nagsimula na ang kanyang pagsasanay. Unang araw pa lang parang gusto na niyang sumuko.
"Mama! Kunin mo na po ako! Ayoko na pong mag-artista! Magtitiis na lang po ako sa probinsya kahit talbos ng kamote ang ulam ko araw-araw. Ayoko na po rito! Papatayin po nila ako!" Iyak niya.
"Miss hindi ka namin pinapatay, winawax lang namin ang katawan mo."
"Ayoko na! Ang sakit!" Malakas niyang sabi.
Pakiramdam ni Aliya, binalatan siya ng buhay sa mga ginawa sa kanya.
"Ganito ba kahirap maging artista?" Nanghihina niyang tanong.
"Tiisin mo lang, Aliya. Sa una lang 'yan." Sagot naman ni Steff. Nagbabasa ito ng magazine sa likuran niya habang siya'y inaayusan sa harap ng malaking salamin.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Aliya.
Makalipas ang isang linggo, naka-survive naman siya. Heto siya ngayon nakasakay sa kotse patungo raw sa unang shooting niya. Galingan daw niya sa pag-arte at sundin lang ang ibinigay na script sa kanya. Kabisado na niya ang mga linya kaya siguradong papalakpakan siya mamaya.
Excited na bumaba si Aliya sa sasakyan. Naghintay siya sa labas upang buksan ang pintuan sa lugar ng shooting nila. Ito raw ang unang scene na gagawin ng dalawang bida. Mas lalo siyang nagalak ng makita ang loob. Agad nagkislapan ang mga camera sa direksyon niya.
"Wow, artista na talaga ako!" Bulong niya sa sarili.
Inayos niya ang paglalakad patungo sa unahan. Dumaan siya sa madugong pagsasanay para lang sa paglalakad niya pero muntik na siyang matumba ng makita ang lalaking naghihintay sa kanya sa harapan ng altar.
"Grabe! Ang gwapo naman ng ka-love team ko!" Tumitili na siya sa sarili habang nakatingin sa lalaking naghihintay sa kanya.
Kahit kinikilig sa lalaki, hindi niya hinayaang maapektuhan ang performance niya.
Nagsimula ang seremonya. Maayos niyang naideliver ang kanyang mga linya. Nag-ensayo rin siya ng tamang pagbigkas kaya siguradong magkaka-award siya pagkatapos nito.
"You may now kiss the bride!" Anunsyo ng Pari.
Dahan-dahang itinaas ng lalaki ang suot niyang belo. Nakangiti naman siya sa likod n'on. Masaya siya dahil hindi siya nagkamali sa unang salang ng pag-arte. Ang sabi ni Steff at Colt, matatapos na daw ang shooting kapag sinabi ng Pari ang linyang iyon tapos sisigaw din ng cut ang direktor. Pero, wala pa rin siyang naririnig na sigaw mula sa director.
Pasimple siyang tumingin sa paligid upang hanapin ang direktor. Lahat ay nakangiti sa kanilang direksyon, maliban sa isang tao. Ang kanyang Groom.
"Who. Are. You?!"
Kinabahan si Aliya ng marinig ang madiin at pabulong nitong tanong.
Sa kabilang dako, dumating na ang pinakahihintay ng lahat lalo na ng media. Ang wedding of the year na siguradong pag-uusapan sa iba't-ibang sulok ng mundo. Ito ang kasal ng pinakatanyag na young Billionaire na si Rusman Villa Guerrero at ng mysterious girlfriend nito na makikilala ng lahat ngayon.
Malawak ang ngiti ni Rusman habang hinihintay ang paglapit ng kanyang bride. Sa wakas, maipagmamalaki na niya sa buong mundo na ito ang babaeng minamahal niya at pag-aalayan ng kanyang buong pagkatao. Hindi na niya ito kailangang itago sa publiko.
Napakaganda nito sa suot na gown. Personalized pa iyon mula sa pinaka-sikat na designer. Kahit natatakpan ng belo ang mukha nito, alam niyang masaya ang kanyang magiging asawa.
"You may now kiss the bride!"
Iyon ang hudyat na pinakahihintay ni Rusman. Dahan-dahan niyang itinaas ang belo ng kanyang asawa, ngunit natigilan siya. Hindi ito ang babaeng pakakasalan niya. Ang excitement niya ay biglang napalitan ng galit sa babaeng kaharap niya ngayon.
"Who. Are. You?!"
"H-ha?" Naikuyom ni Rusman ang kamay. Halatang nag-iisip ng palusot ang babae. "Kailangan ko bang sabihin ang totoo kong pangalan? 'Di ba secret yon? Wala na kasi sa linya ko 'yan."
"Tinatanong kita! Sino ka? Bakit ikaw ang narito!" Pinipigilan niyang tumaas ang boses dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila.
"You may now kiss the bride." Pag-uulit ng Pari. Marahil napansin nito na nakatingin lang siya sa bride.
Umigting ang panga ni Rusman. Ayaw niyang mapahiya sa mga bisita kapag sapilitan niyang tinanong ang babae. Kahit nagwawala ang kalooban niya, hinawakan pa rin niya ang magkabilang pisngi ng babae. Inilapit niya ang mukha rito. Hindi naman ito kumikilos. Parang hindi na rin ata ito humihinga.
"Pagbabayaran mong narito ka ngayon sa harapan ko," bulong niyang pagbabanta sa babae.
"A-ahm... I do? S-sorry hindi ko alam ang isasagot ko. Bago pa lang kasi ako,"
Hindi pinansin ni Rusman ang sinabi nito at agad lumayo rito. Mainit ang kanyang ulo at baka kung ano ang gawin niya ngayon sa babae na pwedeng makasira sa pangalan niya. Sisiguraduhin niyang magbabayad ito sa ginawa.
Samantala, hindi na makahinga ng maayos si Aliya ng pumasok sa kanyang isip ang kasalukuyang sitwasyon. Nabudol siya ni Colt at Steff dahil totoong kasal ang pinuntahan niya.
"Paano na ako? Parang kumakain pa naman ng tao 'yung lalaki kanina. Dito na yata matatapos ang buhay ko," sambit niya habang pabalik-balik sa loob ng silid na kinaroroonan niya.
Pagkagaling sa simbahan dito agad siya dinala. Hindi niya alam kung saang lugar ito pero hindi nalalayo ang itsura ng lugar sa bahay ni Steff.
Nagulat si Aliya ng biglang bumukas ang pintuan. Napaatras siya ng pumasok ang sampung lalaki.
"Mali yata ang inyong napuntahan, walang lamay dito." sambit niya sa mga lalaking puro itom ang kasuotan. Hindi siya pinansin ng mga ito at pinalibutan siya.
Ngunit parang gusto na niyang bumuka ang lupa at kainin siya ng buo ng pumasok din ang lalaking planong lumunok sa kanya ng buo. Tingin pa lang nito parang ito na mismo ang huhukay sa libingan niya.
"Sinong nagpadala sa'yo para sirain ang kasal ko?!"
Naitakip ni Aliya ang kamay sa dalawang tainga dahil sa lakas ng boses nito.
"Wala namang problema kung magiging mahinahon ka," nakangiti niyang sabi, pero mas lalo yata itong nagalit sa kanya.
Mabilis naman siyang nagtago sa likuran ng isang naka-itim na lalaki. Mas mabuti na iyon para makaiwas siya kung sakaling bumuga ng apoy ang galit na lalaki. Muntik pa siyang nadapa dahil suot pa rin niya ang wedding gown.
"Dos, umalis ka sa harapan ko!" Seryoso nitong utos sa lalaki. Mahigpit namang hinawakan ni Aliya ang damit nito pero nagawa pa rin nitong umalis. Lumipat naman siya sa kabila.
"Third, umalis ka riyan!"
Muling umalis ang pinagtataguan niya pero lumipat siya sa kabila.
"Hawakan nyo ang babaeng 'yan at iharap sa akin!" Namumula na ito sa sobrang galit.
"Teka lang naman, hawak lang daw walang kaladkad." Reklamo niya sa mga lalaki.
"Huwag mong subukan ang pasensya ko babae! Hindi mo ako kilala!"
"Okay lang 'yon, quits lang tayo. Hindi mo rin naman ako kilala e," nakangiti niyang sagot.
Nagulat si Aliya ng marahas nitong hawakan ang mukha niya. Parang matatanggal ang panga niya sa sobrang higpit ng hawak nito. Binitiwan naman siya ng mga humahawak sa braso niya.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo! Sabihin mo kung sinong nag-utos sa'yo na sirain ang kasal ko! Nasaan si Yannie? Bakit ikaw ang may suot ng gown niya? Kapag napahamak siya, magbabayad ka!" Marahas din nitong binitiwan ang mukha niya kaya natumba siya sa sahig. "Ikulong nyo 'yan sa doghouse at ipalapa sa mga aso! Huwag nyong pakakawalan hanggat hindi nagsasalita!" Walang magawa si Aliya ng hilahin siya palabas ng mga lalaki.
Tahimik lang siya hanggang makarating sa doghouse. Nagkagulo sa pagtahol ang mga aso ng makita siya. Hindi naman siya takot sa aso, pero sa laki ng mga ito parang gusto na niyang tumakbo.
"M-mga Kuya, plano nyo ba talagang ipakain ako sa mga 'yan? May fats din naman ako kahit mukha akong payat, baka ma-high blood sila." Kinakabahan niyang sabi.
Wala namang reaksyon ang mga lalaki at balewalang binuksan ang kulungan ng mga aso at tinulak siya sa loob.
Napasigaw si Aliya ng sumugod ang tatlong malalaking aso. Akala niya katapusan na niya pero naramdaman niya ang dila ng mga ito sa kanyang mukha.
"Salamat sa pa-welcome mga bago kong roommates!" Masaya niyang sabi.
Samantala, hindi mapakali si Rusman. Nag-aalala siya kay Yannie. Nag-hire na rin siya ng mga detectives mula sa iba't-ibang panig ng mundo para hanapin ito. Walang ideya ang mga kasambahay nito kung nasaan ang babae. Pinacheck na rin niya ang bahay nito sa States pero wala ito roon.
"Baby, where are you?" Nag-aalala niyang sabi ng hindi ito makontak. Ilang beses na niyang tinawagan ang phone nito pero automatic response lang ang naririnig niya.
"S-sir?" Tawag ng isa niyang men in black.
"What?!" Galit niyang tanong.
"Yung babae po?"
"Nagsalita na ba?"
"H-hindi po,"
"Nahimatay ba sa takot?"
"Nakapikit po siya pero hindi namin sigurado kung nahimatay talaga siya,"
Hindi maunawaan ni Rusman ang gustong iparating ng tauhan kaya nagtungo siya sa kulungan ng kanyang mababangis na aso.
Kumunot ang noo niya pagdating doon.
"Ganyan na po siya ng balikan namin pagkatapos ng trenta minutos." muling sabi ng tauhan.
Naikuyom ni Rusman ang palad. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari. Gusto niyang takutin ang babae para sabihin nito ang nag-utos na guluhin ang kasal niya, pero komportable itong nakahiga katabi ng mga aso at humihilik pa.
"Natutulog po ata siya. Ginawa pa niyang unan at dantayan ang mga alaga mo Sir. Parang nagustuhan naman iyon ng mga aso. Mahimbing din ang tulog nila katabi n'ong babae. Hindi man lang nila namalayan na dumating ka."
Masamang tingin ang pinukol ni Rusman sa tauhan. Nawala ang ngiti nito ng makita ang nagbabanta niyang tingin.
"S-sorry Sir." Nakayuko nitong paumanhin.
Iniwan niya ito at bumalik sa kanyang silid. Pagpasok sa loob, sakto namang tumunog ang kanyang phone.
"If you're going to tell me where Yannie is, you can talk." Sagot niya sa kabilang linya ng hindi tinitingnan ang caller.
"Bro, si Fort ito. Hinahanap ka ng media. Nagkalat sila sa harapan ng building natin. Hindi sila umaalis hanggat hindi mo sila pinagbibigyan. Kailangan mong magpa-interview kung hindi makakaapekto 'yon sa reputasyon mo." Sagot ng kanyang bestfriend. Ito rin ang kanyang assistant na tanging nakakakilala sa kasintahan niya.
"Hindi ang babaeng ito ang gusto kong iharap sa kanila! Hanapin mo si Yannie, siya ang nararapat na makilala ng mundo."
"Hindi pwedeng mangyari 'yon. Siya ang nakita ng lahat sa simbahan kanina. Kahit makita namin si Yannie, hindi mo pa rin siya maaaring iharap sa lahat. Gusto mo bang bansagan na two timer? Malinis ang reputasyon mo kaya panindigan mo muna ang sitwasyon ngayon habang hindi pa nakikita si Yannie. Saka na lang tayo umisip ng ibang paraan kapag natagpuan na ang girlfriend mo."
"Paano kung ito talaga ang plano ng kalaban ko sa negosyo? Ipinain nila ang babaeng 'yon para siya ang makilala ng lahat bilang asawa ko at susunod ang plano nilang kontrolin ako gamit ang babaeng 'yon. Hindi ko sila hahayaang magtagumpay!"
"Mas mabuti 'yon 'di ba? Malalaman mo kung sino ang utak sa likod nito gamit ang babaeng 'yon. Huwag mong hayaan na kontrolin ka nila, ikaw ang kumontrol sa kanila."
Isang nakakakilabot na ngisi ang pinakawalan ni Rusman.
"Tomorrow, 10:00 am sharp. I-set mo ang schedule sa media. Kung gusto nila ng laro, makikipaglaro ako sa kanila."
Kinabukasan, nagtaka na naman si Aliya kung bakit muli siyang kinaladkad palabas.
"Saan nyo na naman ako dadalhin? Komportable na ako sa kwarto ko tapos ililipat nyo na naman ako? Baka hindi nyo alam, mahirap mag-adjust sa panibagong roommates!" Tulad noong una, hindi na naman sumagot ang mga ito. "Nakakabaho ng hininga ang hindi pagsasalita. Sinasayang nyo ang mga laway nyo e!" Wala pa ring epekto ang sinabi niya. Tahimik lang ang mga ito hanggang makarating sa panibagong silid.
Mas lalo siyang nagtaka ng makita ang nakahilerang mga babae sa loob. Pare-pareho ang ayos ng mga ito mula buhok hanggang sapatos pero magkakaiba ang hawak. May mga alahas, sapatos, damit at kung ano-ano pa.
"Kung plano nyong mag-sales talk sa akin, uunahan ko na kayo. Wala akong pera," sambit niya at pumihit pabalik sa pintuan. Napaatras naman siya ng mabunggo sa matigas na bagay.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo nang hindi ka nakakabangga. Dinudumihan mo ang suot ko," seryosong sabi ng lalaking menopause na nabunggo niya.
"Pasensya na. Huwag ka kasing humarang sa daan ng hindi ka nababangga." Nakangiti niyang sagot.
Matalim naman itong tumingin sa kanya na parang sinisindak siya, hindi naman siya natakot.
"Ayusan nyo ang babaeng 'to! Lagyan nyo rin ng tape ang bibig ng tumigil sa kaingayan!" Matigas nitong utos ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Hindi na kailangan, may pagkukusa naman akong tumahimik." Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Payo kasi ng kanyang Mama noong nabubuhay pa ito, nakakaalis daw ng sama ng loob ang pagngiti. Lalo na kung matamis na ngiti ang ibibigay niya sa kausap. Pero hindi yata effective sa lalaking ito mas lalo kasing nagalit.
"Bilisan nyo! In 30 minutes dapat tapos na siya!" Utos nito bago lumabas sa silid.
"Ang sungit talaga ng isang 'yon,"
"Mabait si Sir Rusman. Hindi mo naman siguro siya pakakasalan kung hindi 'di ba? Baka naman, pera lang ang habol mo sa kanya." Taas kilay na sabi ng isang babae na may hawak na damit.
"Ano ka ba, Lea. Asawa 'yan ni Sir Rusman. Irespeto mo siya. Tanggapin mo na lang kasi na wala ka ng pag-asa sa kanya. Halika na, Ma'am." Sansala naman ng kasama nito.
Nagpaubaya na lang si Aliya sa mga babae. Inayusan siya ng mga ito na parang sasali siya sa Binibining Pilipinas. Ang dami kasing pinaglalagay sa katawan niya.
"Wow, bongga! Kaya siguro na-inlove sa'yo si Sir Rusman, napakaganda mo Ma'am." Humahangang sabi ng isang nag-ayos sa kanya.
Matagal na niyang alam na maganda siya dahil hindi siya magiging muse noong grade one kung hindi, pero hindi niya alam kung kailan pa nainlove sa kanya si Rusman, kahapon lang naman sila nagkita. Baka kahapon din nainlove sa kanya ang lalaki? Love at first sight? Mukhang hindi naman, kill at first sight ang nakikita niya sa lalaki simula kahapon.
"Tara na, Ma'am. Naghihintay na po si Sir sa baba,"
Tahimik namang sumunod si Aliya. Pinapatunayan niyang mayroon siyang pagkukusa para manahimik. Pero, muntik na siyang mapatili ng makita ang lalaking naghihintay sa kanya sa ibaba. Mukha itong Prinsipe sa mga pelikulang pinapanood niya sa TV ng kanilang kapitbahay. Dumadayo pa talaga siya noon para makapanood.
"Ang gwapo talaga ni Sir. Walang babae ang hindi magkakagusto sa kanya. Ang swerte mo Ma'am,"
Bumaling ang tingin ni Aliya sa babae. Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa lalaki.
"Mukhang nagustuhan ni Sir ang ayos mo, Ma'am. Nakatitig siya sa'yo oh."
Mabilis naman siyang bumaling ng tingin sa lalaki pero hindi naman ito nakatingin. Ginogood time lang ata siya ng babae.
"Let's go,"
Nagtaka si Aliya ng ilahad nito ang kamay sa harapan niya. Kunot noo siyang nakatingin doon pero pumasok sa isip niya kung para saan 'yon. Ngumiti siya at inayos ang kamay nito. Itinaas niya iyon at inilapat ang palad niya.
"High five!" Sambit niya.
Nalukot naman ang mukha ng lalaki habang marahan na tumatawa ang babae sa tabi niya.
"Nakakatuwa ka Ma'am," sambit nito.
Hindi na niya nasagot ang babae ng kunin ni Rusman ang kamay niya at ikawit sa braso nito.
"Ay, ganun pala 'yon?" Komento niya habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo at hindi kung saan-saan."
Mabilis naman niyang inalis ang tingin sa kamay at itinutok sa daan. Wala siyang alam kung saan sila pupunta ngayon. Ang sabi ng karamihan, kung saan daw umaagos ang ilog sumabay ka para hindi ka mahirapan at iyon ang ginagawa niya kahit walang ilog sa kinaroroonan niya.
"Huwag kang magsasalita mamaya. Maliwanag?" Bilin nito ng tumigil ang kanilang sinasakyan sa pamilyar na building.
Napatunayan lang niya ang hinala ng makita ang batang pulubi sa gilid ng kalsada. Lalapitan niya sana ito pero hinarangan siya ng mga bodyguards ni Rusman. Hindi tuloy niya naipagmalaki sa bata kung gaano siya kaganda ngayon.
"Naririnig mo ba ang sinasabi ko?" Tanong ni Rusman habang naglalakad sila. Nakaangkla pa rin ang kamay niya sa braso nitong palihim niyang pinipisil, ang tigas kasi.
"Mananahimik ako, tapos ang usapan." Sagot niya.
"Good!"
Sinimulan na niya ang pananahimik ng pumasok sila sa isang pintuan. Bahagya siyang pumikit ng masilaw sa kislap ng camera.
"Narito na sila!"
"Si Mr. and Mrs. Villa Guerrero, dumating na!"
"Kuhaan mo sila, huwag mong palampasin ang bawat anggulo."
"Ihanda mo ang camera."
Nagkagulo ang mga naroon ng dumating sila. Nang mag-adjust ang mga mata ni Aliya, tumambad sa kanya ang maraming camera at mga tao.
Nakaramdam ng kaba si Aliya ng umupo sila sa unahan. Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Rusman kaya bumaling ito sa kanya. Bahagya siyang lumapit at bumulong.
"Kailangan ko yata magbanyo,"
"Pigilan mo,"
"Paano kung magkalat ako rito?"
Hindi siya nito pinansin.
"Hoy, Rusman! Kailangan ko mag-banyo!" Bulong niya rito pero hindi siya pinapansin ng lalaki.
Nakaharap lang ito sa mga tao.
"Kaunting katahimikan lang po. Isa-isa lang po ang magtatanong,"
Bahagya namang tumahimik ang lahat pero isang tunog ang nagpagulat sa karamihan. Napahawak naman si Aliya sa tiyan maging si Rusman ay namimilog ang matang tumingin sa kanya.
"Uulan ata, ang baba kasi ng kulog." Patay malisya niyang sabi. Tumingin pa siya sa kisame. Napansin naman niya na tumingin din ang iba roon.
"Did you fart?" Hindi makapaniwalang bulong ni Rusman.
"Bawal magbintang. Kasalanan 'yan," inosente niyang tanggi.
"You're disgusting," Pasimple naman niya itong kinurot sa tagiliran. "Aww! What did you do?"
"Huwag ka kasing maingay. May kasabihan sa probinsya namin, kung sinong pumutak, siya rin ang umitlog. Kaya tumahimik ka na lang, baka ikaw ang pagbintangan." Bulong niya sa lalaki.
"So, it's really you?"
"Inosente ako,"
"Really?"
"Oo. Wala kang ebidensya,"
Ngumisi naman ito at inamoy-amoy siya.
"A-anong ginagawa mo?"
"Finding evidence,"
"Umayos ka nga!" Saway niya rito at bahagyang itinulak ang lalaki. Naiilang kasi siya sa ginagawa nito. "Tumigil ka na! Walang amoy kapag may tunog kaya wala kang mahahanap na ebidensya d'yan."
"They are so sweet!" Sabay silang tumingin ni Rusman sa nagsalita. Sabay din silang tumikhim ng makitang nakatutok sa kanilang dalawa ang mata at camera ng lahat.
"Let's start," seryosong hudyat ni Rusman. Tumahimik naman siya tulad ng utos nito.
Lahat ng tanong si Rusman ang sumasagot, kahit ang mga tanong na para sa kanya.
"Mrs. Villa Guerrero, ano pong paborito mong ulam?"
"Steak," sagot naman ni Rusman.
"Hindi ako kumakain ng stick!" Reklamo niya sa lalaki. Huli na para bawiin niya ang sinabi.
"She's joking. My wife loves to make jokes," salo ni Rusman sa sinabi niya.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng mawala ang pagtataka sa mukha ng mga tao.
Pagkatapos ng question and answer portion nila, dumiretso talaga siya sa banyo. Nahihirapan na siyang pigilan ang kanyang sama ng loob. Kailangan niyang ilabas 'yon. Sa sobrang nerbiyos niya kanina, naipon na ata sa tiyan niya ang kaba.
"Pati ba sa CR susundan nyo ako?" Tanong niya sa mga bodyguard ni Rusman na kanina pang nakasunod sa kanya.
"Sa labas lang po kami, Ma'am."
"Hay, naku! Hindi naman ako anak ng Presidente, kung magbantay kayo napakahigpit."
"Ginagawa lang po namin ang aming trabaho."
"O, siya! Diyan lang kayo, huwag kayong papasok!"
"Yes, Ma'am!"
Ginawa ni Aliya ang kanyang ritwal sa banyo. Guminhawa ang kanyang pakiramdam ng matapos siya. Inaayos niya ang sarili ng marinig ang usapan ng dalawang babae sa labas ng cubicle.
"Ang swerte talaga ng asawa ni Sir Rusman 'no?"
"Oo, nakakainggit siya. Araw-araw niyang kasama si Sir tapos buhay reyna siya sa yaman ni Sir."
"Sigurado 'yon! Bilyonaryo ba naman ang naging asawa niya, higit pa sa pagiging reyna ang buhay niya."
"Bilyonaryo?" Mahina niyang sabi sa isip ng marinig ang sinabi ng babae.
"Gusto ko siyang maging kaibigan. Baka mabigyan ako ng yaman kahit konti,"
"Sure, Sis! Kapag bumisita siya rito, lapitan natin."
"Ay, bet ko 'yan. Mukhang mabait naman 'yun, mabilis natin siyang maloloko."
Tumawa ang dalawa pero biglang inubo ng makitang lumabas siya sa isang cubicle. Mukhang nasamid ng kaswapangan ang dalawa.
"M-ma'am," kinakabahang yumuko ang mga ito.
Hindi niya pinansin ang dalawa at nagtuloy-tuloy sa pintuan palabas.
"Ma'am, ihahatid ka na po namin pauwi. May tatapusin lang daw po si Sir bago kayo magtungo sa inyong honeymoon,"
Biglang na-out balance si Aliya sa narinig.
"H-honeymoon?"
"Naku pasensya na Ma'am, baka sorpresa 'yon ni Sir. Sinabi ko agad sa'yo. Pasensya na po talaga."
Parang walang narinig si Aliya at tulalang naglakad. Iniisip niya na hindi naman siguro gagawin ni Rusman ang sinabi ng bodyguard nito. Hindi naman sila totoong kasal kaya walang honeymoon.
"Tama, hindi niya 'yun gagawin." Sambit niya sa sarili.
"Kapag pala maganda ang suot nababaliw na rin?"
Napatingin si Aliya sa nagsalita. Napangiti siya ng makita ang batang pulubi. Hindi niya namalayan nakalabas na pala sila.
"Ma'am kanina ka pa namin tinatawag pero tuloy-tuloy ka lang sa paglalakad. Na sa parking lot pa po ang kotse, maghintay lang tayo ng konti rito."
Hindi niya pinansin ang bodyguard. Nilapitan niya ang bata.
"Aminin mo na, hindi lang suot ko ang maganda. Pati ako, maganda rin 'di ba?" Nakangiti niyang tanong sa bata.
"Sige nga, kung maganda ka. Pahinging pera," inilahad nito ang maruming kamay.
Kinapa naman niya ang suot na damit. Nalungkot siya ng maalalang wala siyang pera.
"Wala akong pera,"
"E 'di hindi ka maganda."
Pinagmasdan niya ang bata. Tumitingin ito sa mga tindang pagkain at humahawak sa tiyan. Lumapit siya sa mga kasamang bodyguards.
"Pautang,"
"P-po?" Gulat na tanong nito sa kanya.
"Pautang, babayaran ko rin."
"W-wala po akong dalang pera, Ma'am."
Problemado naman siyang bumaling sa bata. Naawa siya ng tumunog ang tiyan nito.
"Aalis na ako," paalam nito.
"Teka, sandali!" Pigil niya sa bata.
"Wala ka namang pera, bakit pa ako mananatili rito? Iniistorbo mo lang ang hanapbuhay ko."
Hinubad niya ang suot na bracelet pati ang kwintas. Isinama na rin niya ang suot na hikaw. Kinuha niya ang kamay ng bata at inilagay ang lahat ng 'yon sa palad nito.
"Wala akong pera, pero mukhang mamahalin ang mga alahas na ito. Bumili ka ng pagkain,"
"S-sinong may sabing hindi pa ako kumakain?" Iwas tingin nitong tanong.
"Nagrereklamo na ang tiyan mo, kaya huwag ka ng mahiya. Tanggapin mo na ito. Kahit hindi mo aminin na maganda ako, alam ko naman sa sarili ko na sadya akong maganda. Hindi na magbabago 'yon."
"Ayoko! Baka mapahamak lang ako kapag tinanggap ko 'yan. Parang hindi naman sa'yo ang mga alahas na 'yan."
"Tama ka, baka sabihin ninakaw ko ito. Sige, maghintay ka riyan. Bibigyan kita ng pagkain."
"Saan ka kukuha wala ka namang pera?"
"Basta, maghintay ka riyan."
Tinalikuran niya ang bata at muling nilapitan ang mga bodyguards.
"Tawagan mo si Rusman. Sabihin mo magpadala ng pagkain dito." Utos niya rito.
"Magpapadala na raw po Ma'am,"
"Ganun kabilis? Paano niya nalaman?"
Itinuro nito ang tainga. Nakita niyang may parang headset ito roon.
"Nagreport po ako na ibinibigay mo ang mga alahas sa batang pulubi pambili ng pagkain. Kaya sabi po ni Chief, pinag-utos na raw po ni Sir Rusman na magpadala ng pagkain dito."
"Aba, hindi lang pala kasungitan ang alam ng lalaking 'yon. May kabaitan din pala."
Hinintay ni Aliya na dumating ang sinasabing pagkain ng bodyguard. Siya na rin ang namahagi sa mga taong lansangan.
"Hindi ka pa rin maganda, pero mabait ka." Sambit ng bata sa kanya.
Ngumiti lang siya rito at ginulo ang buhok ng bata.
"Ma'am kailangan na po nating umalis," magalang na sabi ng bodyguard.
"Sige." sambit niya rito at muling bumaling sa bata. "Bata! Kapag muli tayong nagkita, maganda na ako sa paningin mo!" Biro niya rito bago sumakay ng kotse.
Samantala, matamang pinagmamasdan ni Rusman ang nangyayari sa baba ng kanyang building. Tinatanaw niya ang babae mula sa glass wall ng kanyang opisina.
"Bro." Bati ni Fort na kapapasok lang sa opisina niya.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sa baba.
"Inaasikaso ko ang paghahanap kay Yannie,"
"May balita na ba?"
"Wala pa. Pero sigurado akong na sa loob pa siya ng bansa. Walang record ng kanyang pag-alis palabas ng bansa. Ano bang tinitignan mo diyan?"
Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya.
"May charity works ba sa harap ng building natin? Ang daming tao ah," nagtataka nitong komento.
"Namahagi ako ng pagkain,"
Gulat naman itong tumingin sa kanya.
"Talaga? Anong nakain mo? Hindi mo naman gawain 'yan ah. Ang katwiran mo, sapat ng hinahayaan mo silang pakalat-kalat sa harapan ng building mo. Wait... is that your wife?"
"She's not my wife."
"Okay, let me rephrase it. She's your substitute bride. Nagbago ka ba para sa kanya?"
"No. Masisira ang reputasyon ko kapag nagtagal pa siya d'yan. Napapalibutan siya ng media ng hindi niya alam."
"But admit it, she's gorgeous,"
"Not gorgeous as Yannie. Back to business, may ipapagawa ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Find every information about that girl and tell me everything about her."
"Okay, copy."
Gabi na ng umuwi sa kanyang mansyon si Rusman. Tinapos niya ang lahat para sa one month leave niya for their honeymoon. Masaya sana kung matutuloy iyon kasama si Yannie pero itutuon niya ang buong oras sa paghahanap dito. Pwede naman niyang hindi ituloy ang honeymoon leave pero mabuti na rin iyon para naka-focus siya sa paghahanap sa kasintahan.
Agad sinalubong ng limang katulong si Rusman. May kumuha ng dala niyang laptop bag at coat. Ang iba naman ay mag-aasikaso sa kanyang hapunan.
Niluwagan niya ang necktie at tinupi ang kanyang polo hanggang siko. Nagseserve naman ng pagkain ang mga katulong sa kanyang plato. Sinimulan niyang sumandok ng pagkain pero nakaramdam siya ng lungkot habang mag-isang kakain sa napakahaba niyang mesa.
"Tawagin nyo 'yung babae." Utos niya sa katulong.
"Si Ma'am Aliya po ba?"
"Whatever her name is, tawagin nyo!"
Mabilis namang sumunod ang katulong niya. Hinintay naman niyang dumating ang babae pero malayo pa lang, naririnig na niya ang reklamo nito.
"Ayokong kumain! Hindi ko gusto ang mga pagkain nyo rito. Ang pangit ng lasa tapos nalaman kong may lahing kambing ang nakatira rito. Kinakain nyo 'yung mga hilaw na dahon. Grabe! Ang ganda ng bahay nyo tapos mas mahirap pa pala kayo sa'kin? Sa amin kahit talbos ng kamote ang ulam ko araw-araw, niluluto ko naman. Pwedeng adobo sa toyo, ginisa, bulanglang at minsan nilalaga ko lang tapos kapag pinigaan ng kalamansi, solve na ang kain ko! Dito naman, ang daming nakahain hindi naman makain. Ang haba pa ng mesa tapos isa lang ang nakaupo. Ang laki ng bahay hindi naman nagkikita ang mga nakatira, ang lungkot siguro ng... Uy! Nakauwi ka na pala?" Nakangiti nitong bati sa kanya ng makita siya pero napanguso naman ito ng dumako ang tingin sa mga nakahain na Italian foods. Lumaki siya sa Italy kaya nakasanayan na niyang ipaluto ang Italian foods sa kanyang personal Chef.
"Anong gusto mong pagkain?" Tanong niya rito.
"Pwedeng ako na lang ang magluto?" Excited nitong tanong.
"Kung lulutuin mo ang pagkain na sinabi mo kanina, wala noon dito."
"Marami akong alam sa pagluluto. Tinuruan ako ni Mama bago siya nakipagkita kay San Pedro. Excited kasi sa reunion nila ni Papa. Plano yata nilang bigyan ako ng kapatid sa kabilang buhay."
Napatitig si Rusman sa babae. Hindi niya nakikita ang lungkot sa nakangiti nitong mukha.
"Okay," hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para pumayag.
"Salamat!" Mabilis itong lumapit sa kusina. Binuksan nito ang Ref at mga cabinet. Pinagmamasdan niya lang ang bawat kilos nito. Masaya ito sa ginagawa, hindi niya nakita na nawala ang ngiti nito sa mukha. Kahit ng natutunan nito kung paano gamitin ang kanyang mga electric cooking appliances.
"Tapos na!"
Namalayan na lang ni Rusman na hinahain na ng mga katulong ang niluto nito.
"Anong pagkain 'yan?" Tanong niya. Hindi iyon pamilyar sa kanya.
"Adobong manok, kain na tayo?"
"Okay," sang-ayon niya at nagsimulang kumain.
"Kumain na rin kayo!" Paanyaya nito sa mga katulong.
"Mamaya na lang po kami kakain, Ma'am."
"Sabayan nyo na kaming kumain. Ang haba ng mesa oh!"
Nakita ni Rusman na bahagyang sumulyap sa kanya ang mga katulong.
"Hindi po pwede, Ma'am."
"Bilis na! Tikman nyo ang luto ko," pagpupumilit ng babae.
"Sige na. Kumain na rin kayo,"
Nagulat naman ang mga katulong sa sinabi niya.
"Halina kayo, umupo na kayo diyan at sabay-sabay tayong kakain. The more, the happier!" Masigla nitong sabi at hinila paupo ang mga katulong. "Dito na ako uupo sa katabi mo ah, para hindi ka nag-iisa."
Natigilan si Rusman ng marinig iyon. Ang salitang nag-iisa ay kakambal na ata niya. Nag-iisa siyang anak at nag-iisang tagapag-mana ng mga ari-arian ng pamilya. Nag-iisa rin siya habang lumalaki dahil palaging na sa trabaho ang kanyang mga magulang. Nag-iisang kumain sa napakahabang mesa, pero ang kalungkutan niya ay nawala ng dumating si Yannie. Nauunawaan nito ang sitwasyon niya at hindi nagreklamo kahit itinatago niya ito sa publiko at sariling pamilya. Pero, lahat ng pangarap niya ay nawala para rito ng hindi ito ang babaeng iniharap niya sa altar.
"Pray muna tayo!" Masigla pa ring sabi ng babae. "Amen! Kainan na! Ito, tikman nyo. Kumuha kayo ng marami para mabusog kayo. Ayan, sige pa!" Excited nitong ibinahagi ang niluto sa mga katulong. Pagkatapos, ito naman ang kumuha ng sarili.
Nagtaka si Rusman ng tumakbo ito sa lababo at naghugas ng kamay. Nangunot ang noo niya ng ginamit nito ang kamay sa pagkain.
"Malinis ba ang kamay mo?" Nakangiwi niyang tanong dito.
Lumunok muna ito bago sumagot.
"Oo naman! Naghugas ako ng kamay 'no!" Sagot nito at bumalik sa pagkain. Sarap na sarap ang mga ito sa kinakain kaya hindi niya maiwasang matakam.
"Give me some," utos niya sa babae habang tinuturo ang niluto nito.
"Kumuha ka na lang," balewala nitong sagot.
Nataranta namang tumayo ang mga kumakaing katulong.
"A-ako na po ang maglalagay, Sir."
"Kumain na lang kayo diyan. Kaya na niyang maglagay ng pagkain sa sarili niyang plato. Hindi na 'yan baby, 'di ba?" Tanong nito sa kanya.
"Yeah. I can handle myself," sagot niya bago kinuha ang lalagyan ng niluto nitong ulam. Bumalik naman sa pagkain ang mga katulong.
Naglagay siya ng isang piraso ng karne sa kanyang plato. Hiniwa niya iyon at nilasahan.
"Not bad," komento niya habang ngumunguya.
"Samahan mo ng kanin para mas masarap,"
"I don't eat rice."
"Subukan mo lang," nilagyan nito ng kanin ang plato niya. "Try mo,"
"No." Tanggi niya.
"Ako na nga!" Kinuha nito ang kanyang kutsara at sumandok ng kanin at ulam. "Nganga!"
"What?"
"Say... ahh. Tikman mo lang para maniwala kang tama ako,"
Napilitan siyang ibuka ang bibig. Isinubo nito ang pagkain sa kanya. Marahan siyang ngumuya.
"Tama ako 'di ba?"
"You're right. It's delicious!"
"Sige, kain ka pa."
Nabalewala na ang pinaluto niya sa kanyang personal chef at pinagtuunan niya ng pansin ang niluto ng babae.
Marahang pinunasan ni Rusman ang kanyang bibig gamit ang table napkin pero hindi niya inaasahan ang malakas na pagdighay.
"Excuse me," nahihiya niyang sabi. Sa buong 29 years ng buhay niya, ngayon niya lang naranasan dumighay.
"Mukhang nag-enjoy ka sa pagkain, Sir. Ngayon lang kita nakitang ganado sa kinakain mo," komento ng pinakamatanda sa mga katulong niya.
"Masarap kasing kumain kapag marami. Nakakagana," sagot ng babae.
Mukhang sang-ayon siya ngayon sa sinabi ng babae.
Dalawang araw ang nakalipas ng matanggap ni Rusman ang report galing kay Fort tungkol sa katauhan ni Aliya Mercedes. Na sa gazebo siya habang umiinom ng tsaa. Binasa niya ang files pero pagtataka ang naging reaksyon niya sa mga impormasyong nabasa.
"Aliya Mercedes, 25 years old. She's an amateur model in Australia? Is that the reason why she loves to eat talbos ng kamote? Why does it sound like Filipino food?"
"Rusman!"
Nakita niyang papalapit si Aliya. May dala itong bowl ng cookies na sigurado niyang gawa nito. Sa nagdaang mga araw, wala na itong ginawa kundi magluto. Wala naman siyang nakikitang kahina-hinala sa kilos nito.
"Gumawa ako ng cookies. Gusto mo?"
"Put that on the table," sinunod naman nito ang sinabi niya. Nahumaling naman si Rusman sa amoy ng cookies kaya hindi niya napigilang kumuha ng isa at isinubo iyon.
"Good." Komento niya.
Sa tuwing magluluto ito, ginagawa siyang tagatikim. Nadadala na lang siya sa ngiti nito kaya pinagbibigyan niya.
"May kailangan ka ba?" Tanong niya ng mapansin na hindi ito mapakali sa kinauupuan.
"Pwede na ba akong umalis?"
"Ito ang pangatlong beses na hiniling mo 'yan. Bakit gusto mong umalis? Tatakas ka ba?"
"Hindi naman ako kriminal, kaya hindi ako tatakas. Gusto ko na lang umuwi sa'min."
"Sige,"
"Talaga?"
"Pero kasama ako,"
"Sigurado ka?"
"Oo." Paraan na rin niya iyon para patunayan kung anong kinalaman nito sa pagkawala ni Yannie.
"Okay. Basta huwag mo akong sisihin pagdating doon ah,"
"I won't."
Tulad ng kanyang sinabi, sumama siya pabalik sa probinsya ni Aliya. Pero, kalahating araw na silang na sa byahe hindi pa rin nila narating ang destinasyon.
"Malayo pa ba?" Naiinip niyang tanong.
"Malapit na."
"Ilang beses mo ng sinabi sa'kin 'yan pero hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nakakarating doon."
"Naiinip ka kasi,"
"Nangangalay na ako mag-drive,"
"Bakit kasi hindi ka nagsama ng driver?"
Natahimik siya. Hindi talaga siya nagsama ng driver kahit bodyguard, pero nakamonitor naman sa kanya ang Security Chief kung may mangyayaring hindi maganda.
"May daan pa ba rito?" Nagtataka niyang tanong ng masukal na ang dinadaanan nila. Parang hindi ito nadadaanan ng sasakyan.
"Malapit na tayo, konti na lang. Ayon! Natatanaw ko na ang bahay namin!" Masaya nitong sabi.
Hindi naman makapaniwala si Rusman ng mapagmasdan sa malapit ang tirahan nito.
"Dito ka nakatira?"
"Oo! Halika, pasok tayo!"
"Bakit walang tao?"
"Syempre kararating ko lang."
"Mag-isa ka lang dito? Hindi ka natatakot? Masyadong malayo sa karamihan ang bahay mo,"
"Dati kong kasama ang pamilya ng tiyahin ko. Simula kasi ng mamatay si Mama, sila na ang tumira rito kasama ko."
"Nasaan na sila?"
"Wala na."
"Patay na rin?"
"Hindi. Umalis na sila pagkaubos ng pera namin. Umupo ka muna,"
"Inubos nila ang pera nyo?"
"Oo, naubos ang lupa namin sa pagbebenta ng tiyahin ko. Hanggang sa wala ng natira sa akin kundi itong bahay."
"Hindi ka isang modelo sa Australia?"
Malakas itong tumawa. "Kung modelo ako sa bansang iyon, bakit narito ako 'di ba? Isa pa, Maynila pa lang ang napupuntahan ko."
"Kung ganoon, ulila ka na?"
"Oo. Namatay si Papa sa isang aksidente tapos nagkasakit naman si Mama. Sixteen years old ako ng nawalan ng magulang." Nakangiti nitong sagot.
"You're not sad?"
"Syempre malungkot. Pero kailangan kong tanggapin. Diyan ka lang ah, kukuha lang ako ng makakain natin."
Sumeryoso ang mukha ni Rusman ng umalis si Aliya.
"Fort's report is wrong. What's your plan, Fort? Are planning to fight against me?" Hindi niya maiwasang magalit sa ginawa ng kanyang assistant.
"Rusman, halika! Tingnan mo 'to!" Narinig niya ang sigaw ni Aliya sa likod bahay kaya nagtungo siya roon.
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Naghuhukay ako ng kamote. Para may kainin tayo mamaya,"
"I can buy foods,"
"Malayo ang bayan, mamaya ka na lang bumili pagbalik mo sa Manila. Pero, tingnan mo 'yon." May itinuro itong halaman hindi kalayuan sa pwesto nito. "Kinakain mo 'yan 'di ba?"
"Yes, why?"
"Pagkain 'yan ng kambing dito." Natatawa nitong sabi.
Napangiwi naman si Rusman. Ipapatanggal na niya sa menu ang pagkain na nilalagyan ng dahon na 'yon pagbalik niya sa mansyon.
"May nakita na ako," sambit nito habang nagdudukal sa lupa.
"Let me help you,"
"Huwag na. Baka tamaan mo ang laman, sayang naman kapag nabiyak."
"Is that talbos ng kamote?"
"Hindi. Laman ito ng kamote at 'yan ang talbos." Turo nito sa dulong dahon ng halaman.
"Bakit may ganito kang halaman dito?" Curious niyang tanong.
"Itinanim ko 'yan para may makain ako."
"Hindi ka ba kumakain ng ibang pagkain?"
"Noong kasama ko ang pamilya ni Tiya, ako ang gumagawa sa lahat ng bagay. Maglaba, linis, luto, as in pinagsilbihan ko sila pero hindi nila ako pinapakain. Inuubos nila ang pagkain kaya nagtanim ako ng kamote."
Yumukod si Rusman sa babae at bahagyang hinawakan ang kamay nito. Nagtataka naman itong tumingin sa kanya.
"You have a hard life,"
Tumawa naman ito. Marahan din nitong ipinatong ang isang kamay sa kamay niya at tinapik-tapik iyon.
"Ano ka ba? Huwag kang malungkot. Masaya na ako ngayon. Kung malungkot ang mag-isa mas pipiliin ko iyon kesa ganoon ang mga kasama ko. Kaya, maayos na ako ngayon kahit nag-iisa."
"Hindi ka na nag-iisa, kasama mo na ako ngayon."
Halata ni Rusman ang gulat sa mga mata nito pero agad napalitan iyon ng ngiti.
"Salamat. Pero, aalis ka rin sa tabi ko. Hindi naman ako ang dapat na nasa tabi mo ngayon. Substitute lang ako. Balik na tayo sa loob, iluluto ko na ito."
Hindi agad nakakilos si Rusman. Siguro nadala siya sa mga pinagdaanan nito kaya nasabi niya iyon. Saglit na nawala sa kanyang isip si Yannie na hindi dapat nangyari. Dapat priority niya si Yannie at hindi ang ibang bagay.
Tinawagan niya si Chief Pol.
"Sir," sagot nito sa kabilang linya.
"Investigate my assistant, secretly."
"Noted Sir."
Samantala, habol-habol ni Aliya ang kanyang hininga pagpasok sa loob ng bahay. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Hinawakan lang naman ni Rusman ang kanyang kamay. Tinitigan at sabay sabi ng, hindi ka na nag-iisa, kasama mo na ako ngayon.
"Oh my goodness! Kinikilig ako!" Hindi niya napigilan tumili.
"What happened?!" Humahangos na sabi ni Rusman na bigla na lang pumasok sa bahay. "Bakit ka sumigaw?" Nag-aalala nitong tanong.
Impit na naman siyang tumili ng makita ang itsura nito.
"Sheet! Ang gwapo niya!" Impit niyang tili sa sarili.
"Hey, anong nangyayari sa'yo? May kumagat ba sa'yo? Bakit namimilipit ka?"
"Panira ka naman, Rusman e! Ganyan ang itsura ng kinikilig, hindi mo ba alam?"
"Kinikilig?"
"Oo. Kinikilig! Kinikilig kasi ako sa'yo. Ang gwapo mo kasi masyado. Lumayo ka nga ng konti, baka ikaw ang kainin ko." biro niya.
Nagulat siya ng malakas itong tumawa. As in, hawak pa ang tiyan sa pagtawa. Parang ngayon lang ito tumawa ng ganoon kalakas.
"You're too honest, Aliya."
"O, siya tama na ang tawa. Magluluto na ako."
"Saan ka pupunta?"
"Magsisibak ng kahoy,"
"Let me do it."
"Kaya mo?"
"Teach me,"
"Mahirap 'yon."
"Then,teach me until I learn."
"Baka patay na tayo sa gutom, hindi mo pa natutunan 'yon. Ako na lang, hugasan mo na lang 'yang kamote doon sa poso."
"Okay,"
Mabilis naman itong sumunod pero natawa siya ng bumalik ito.
"What is poso?"
Malakas siyang tumawa sa clueless nitong itsura.
"Halika, ituturo ko sa' yo."
Sinamahan niya ito sa likod bahay kung nasaan ang free flowing nilang tubig.
"Iyan ang poso,"
"Wow! It's a free water supply," namamangha itong lumapit doon. "The water is cold!" Para itong bata na nagtatampisaw doon.
"Yung kamote ah, baka makalimutan mo." Bilin niya bago siya bumalik sa loob. Kukuha muna siya ng panggatong sa kakahuyan.
Ilang saglit pa, napuno ni Aliya ang dala niyang sako.
"Okay na siguro ito," sambit niya.
Binuhat niya iyon at bumalik sa bahay pero wala roon si Rusman ng dumating siya.
"Rusman!" Tawag niya rito.
Tiningnan naman niya sa poso at nakitang nakaupo roon ang lalaki. Wala itong suot na pang-itaas. Nilapitan niya ito.
"Anong nangyari sa'yo?!" Gulat niyang tanong ng makitang dumudugo ang paa nito. Nakatali roon ang suot nitong damit kanina.
"A-aksidente kong naapakan ang basag na bote," nakangiwi nitong sabi.
Lumuhod naman siya sa tabi nito at marahang hinawakan ang paa nito.
"Hinugasan mo na ba ito?"
"Oo."
"Kaya mo bang tumayo?"
"Oo, pero hindi ko kayang maglakad."
"Aalalayan kita,"
Muli siyang tumayo at hinawakan ang braso nito. Nang makatayo ang lalaki, nilagay niya ang braso nito sa balikat niya. Uminit naman ang pisngi niya ng maramdamang dumikit ang katawan nito sa kanya.
"D-dahan-dahan lang," paalala niya rito. Dahan-dahan lang sa pagpapatibok ng kanyang puso. Dugtong ng kanyang isip.
"Teka lang, humawak ka muna rito. Aayusin ko lang ang bukas ng pintuan." Inalalayan niya itong humawak sa pader. Mabilis naman niyang itinulak ang pintuan. Sinaunang pinto pa iyon kaya medyo mabigat. Nang tingin niya'y kasya na sila, binalikan niya ang lalaki.
"T-teka, hindi pala tayo kasya." Sambit niya ng masiksik silang dalawa sa gitna ng pintuan.
"Aliya,"
Umangat ang tingin niya kay Rusman. Natulala siya ng makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya, pero agad nawala ang atensyon niya sa gwapo nitong mukha ng mapansing namumutla ito.
"Ayos ka lang ba?"
"A-aliya," paos nitong tawag sa kanyang pangalan.
"Bakit? Andito lang ako sa tabi mo oh! Hindi mo ba ako nakikita?"
"A-aliya," muli nitong tawag sa kanya. Nagulat siya ng tuluyan itong yumakap sa kanya. Nangilabot pa siya ng maramdaman ang mukha nito sa leeg niya. "T-takot ako sa dugo."
Bahagya niyang tinapik ang likod nito.
"Normal lang 'yan. Ako nga takot sa ahas e, kaya huwag ka ng mahiya."
Umangat naman ang tingin nito sa kanya. "Hindi mo ako pagtatawanan?"
"Bakit naman? Wala namang nakakatawa roon. Isa pa, hindi biro ang may kinakatakutan. Kaya dapat hindi 'yon ginagawang katuwaan."
Bahagya itong ngumiti. Nagdiwang naman ang kanyang puso.
"You're a good girl," sambit nito.
"And beautiful," birong dugtong niya na nagpatawa sa lalaki. "Kaya isipin mo lang ang kagandahan ko, mawawala sa isip mo ang takot sa dugo." sambit niya at sabay silang tumawa.
Kinagabihan, magkatabi lang silang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa lamparang nagsisilbi nilang ilaw.
"Bakit hindi mo sinabi na wala kang kuryente rito?" Tanong ni Rusman.
"Ang alam ko kasi aalis ka agad. Hindi ko naman alam na mananatili ka hanggang gabi dahil sa sugat mo. At saka, sanay naman ako sa dilim."
"Hindi ka ba natatakot dito?"
"Dito ako lumaki at nagkaisip, bakit naman ako matatakot sa sarili naming bahay?"
"Hindi ka natatakot sa dilim?"
"Hindi. Walang ilaw sa aming bodega kung saan ako pinapatulog ng tiyahin ko noon. Kaya nasanay na ako."
"Ang hirap pala ng dinanas mo sa iyong kamag-anak."
"Hayaan mo na 'yon. Ang mahalaga, masaya na ako ng wala sila rito. Hindi kasi nila maibenta ang bahay namin kaya umalis na lang sila at iniwan ako,"
"Bakit ka pala pumunta sa Maynila?"
"Para maghanap ng trabaho pero ikaw ang nakita ko," natatawa niyang sabi.
"Aliya," tumingin siya sa lalaki ng marinig ang seryoso nitong boses. "Pwede mo bang sabihin ang katotohanan sa'kin? Bakit naroon ka sa simbahan at ikaw ang naging bride ko?"
Huminga ng malalim si Aliya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya kinokontak ni Steff at Colt. Ipinangako ng mga ito na ibibigay ang kanyang sweldo pagkatapos ng shooting na totoong kasal pala.
"May nagbigay sa akin ng trabaho, naniwala naman ako dahil sabi niya legit at hindi scam. Pero nabudol ako."
"Anong trabaho ba iyon?"
"Artista. Akala ko sasabak ako sa unang shooting. Masyado ko namang ginalingan, 'yun pala totoong kasal 'yon at substitute ako ng totoong bride."
"Tinanggap mo agad ang offer niya ng hindi nag-iisip?"
"Dalawang oras akong nagbabad sa init makahanap lang ng trabaho, pero walang tumanggap sa'kin. Konduktor sana sa bus ang aaplayan ko kaya lang may lokong bumangga sa'kin. Ayon, nasira ang sapatos ko. Sa harap pa ng building mo nangyari 'yun."
"Sa building ko?"
"Oo. Doon din ako nilapitan ng budol kong recruiter. Nagtatrabaho raw siya sa building na 'yon. Boss pa nga niya ang bumangga sa'kin kaya iyon ang nagsilbi niyang bayad."
"Kilala mo ba siya?"
"Colt ang pangalan niya tapos Steff naman 'yung babae."
"Colt at Steff," mahina nitong sabi parang inaalam kung may kilala ba itong ganoong pangalan.
"Hindi ka pa ba inaantok? Nauubos na kasi ang gas natin,"
"Wala tayong ilaw buong gabi?" Gulat nitong tanong.
"Hindi aabot ang gas hanggang umaga. Wala akong pera kaya hindi ako makakabili. Isa pa, delikado kung panatilihing bukas ang lampara habang natutulog tayo."
"S-saan ka matutulog?"
Naghinala naman si Aliya ng marinig ang kinakabahan nitong boses.
"Natatakot ka rin ba sa dilim?"
"N-no,"
"Okay. Halika na, matulog na tayo. Magpasundo ka na bukas sa mga tauhan mo para ma-check ang sugat mo. Medyo malalim ang hiwa e."
"O-okay."
Nakahiga na si Aliya ng makita niyang gumuhit ang liwanag sa kanyang bintana.
"Uulan pa ata," komento niya ng marinig din ang dagundong ng kulog.
Binalot niya ng kumot ang katawan at pumikit. Magiging masarap ang tulog niya dahil malamig ang panahon.
"A-aliya! Open the door!"
Bumalikwas ng bangon si Aliya ng marinig ang boses at katok ni Rusman sa pintuan. Mabilis naman siyang lumapit at binuksan 'yon.
"Bakit-"
Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla itong yumakap sa kanya. Nag-alala siya ng maramdaman ang panginginig ng katawan nito.
"Rusman, relax." Marahan niyang hinaplos ang likuran nito. "Inhale-exhale," paulit-ulit niya iyong sinabi hanggang umayos ang paghinga nito. "Okay na ba ang pakiramdam mo? Umupo ka muna,"
Inalalayan niya itong umupo sa kanyang kama. Mahigpit itong nakahawak sa kanyang kamay na animo'y natatakot bumitaw doon.
"Dahan-dahan, baka matisod ang sugat mo sa paa."
"Salamat," sambit nito ng makaupo. "I can resist my fear in the dark but not the thunderstorm. I'm sorry, I disturb your sleep."
"Hindi pa naman ako natutulog," sagot niya.
"N-no, don't leave." Pigil nito sa kanyang kamay ng tangkain niya iyong bawiin sa mahigpit nitong pagkakahawak.
"Aayusin ko lang ang higaan,"
"Can I sleep here?"
"Oo naman. Ayokong manigas ka sa takot sa kabilang kwarto. Malawak naman ang higaan dito."
"You're trusting me?"
"Syempre! Alam kong mabuti kang tao, Rusman. Kung hindi, baka ibinitin mo na ako patiwarik noong na sa bahay mo pa ako."
"Thank you, Aliya.
"Huwag kang magpasalamat. Ako dapat ang mag-sorry sa'yo kasi sinira ko ang pinapangarap mong kasal. Pasensya na, hindi ko talaga sinasadya."
"You're not at fault. Hahanapin ko kung sino ang puno't dulo ng lahat. I'll make them pay."
"Kapag nakita mo sila, maging open ka rin para pakinggan sila. Malay mo may malalim silang dahilan."
"I'll try, but if that's for business. I can't promise to easily let them go."
"Naku! Naging seryoso na tayo. Teka aayusin ko lang ang higaan."
"N-no! Dito ka lang,"
"Hindi ako aalis. Diyan lang ako sa likuran mo. Magsasalita ako ng magsasalita para alam mong nandito lang ako,"
Pinakawalan nito ang kanyang kamay. Tulad naman ng pangako niya, nagsalita siya ng nagsalita kahit wala namang kinalaman sa usapan nila. Ng wala na siyang maisip sabihin, kumanta na lang siya.
"You have a great voice," narinig niyang komento ni Rusman.
"Talented kasi ako," biro niya.
Narinig naman niya ang bahagya nitong tawa kaya nakangiti rin siya habang inaayos ang higaan sa kabilang bahagi ng kama niya.
"Maayos na ito, pwede ka ng matulog."
"Is that really okay with you?" Nag-aalala nitong tanong.
"Oo naman. Kung may gagawin kang masama, hindi ka na sisikatan ng araw."
Muli itong tumawa.
"You're funny,"
"Seryoso ako,"
"I won't do anything to you. I respect a girl."
"Okay, mabuti na 'yung malinaw."
Muling inalalayan ni Aliya patungo sa kabilang bahagi ng higaan si Rusman. Nang maayos na ito, bumalik naman siya sa kabila.
Hindi naman niya inaasahan ang biglang dagundong ng kulog, kasabay ng biglang dagundong din ng kanyang dibdib ng biglang tawirin ni Rusman ang pagitan nila. Mahigpit itong yumakap sa kanya habang nakahiga sila.
"R-rusman," tawag niya rito. Parang hinahangos siya kahit wala naman siyang ginagawa.
"I won't do anything, just let me hug you for a while."
Bumuntong hininga si Aliya. Marahan niyang hinaplos ang brasong ni Rusman na nakayakap sa kanya.
"Kailangan mong harapin ang kinatatakutan mo para kahit nag-iisa ka, malampasan mo iyon ng buong tapang."
"P-paano?"
"Bumalik ka sa pwesto mo,"
"Ayoko." Tanggi nito at hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Para itong bata na naghahanap ng kalinga ng isang ina.
"Ano ka ba? Paano ko ituturo sa'yo? Sige na, magtiwala ka lang sa'kin. Hawakan mo ang kamay ko,"
Sumunod naman ito kahit ramdam niya napipilitan lang ito.
"Ready ka na?"
"Y-yeah,"
Ramdam pa rin ni Aliya ang panginginig ng katawan nito habang hawak niya ang kamay ng lalaki. Napapaigtad pa rin ito sa tuwing naririnig ang kulog.
"Huminga ka ng malalim at isipin ang masasayang nangyari sa buhay mo?"
"I don't have happy moments,"
Nagulat si Aliya ng marinig iyon.
"Y-yung girlfriend mo. Isipin mo ang masasaya ninyong sandali."
Tumahimik naman ito. Unti-unti, nararamdaman niya ang paghinahon nito. Kahit dumadagundong ang kulog hindi ito nagugulat.
"Oh, 'di ba effective?"
"Yeah." sagot nito.
"Anong happy moments ang iniisip mo?"
"The moments with you,"
Natigilan si Aliya. Sumabay na naman ang dagundong ng puso niya sa malakas na kulog.
"M-matulog na tayo," sambit niya at mabilis binitawan ang kamay nito. Tumalikod din siya sa direksyon ng lalaki at pumikit. Hindi na normal ang tibok ng kanyang puso.
Hindi alam ni Aliya kung nakatulog ba siya sa nagdaang gabi o hindi, pero narinig niya ang tunog ng cellphone ni Rusman. Nanatili siyang nakapikit at nagpapanggap na tulog ng sagutin nito ang tawag.
"Sige. Pupunta na ako," nagmamadali nitong sabi sa kausap.
Naramdaman niya ang pagkilos nito pero hindi niya inaasahan ang presensya nito sa kanyang tabi. Naramdaman niyang may dumampi sa kanyang noo kasunod ng boses nito.
"I'll be back."
Saka pa lang nagmulat ng mata si Aliya ng marinig ang sarado ng pintuan. Hinawakan niya ang noo na siguradong hinalikan ni Rusman.
"Hindi na ako umaasang babalik ka pa, Rusman." sambit niya sa sarili.
Sa kabilang dako, hindi maipinta ang mukha ni Rusman ng dumating siya sa kanyang mansyon. Nagmamadali siyang bumalik ng matanggap ang tawag ni Yannie na naroon ang babae, pero hindi niya matanggap ang nakikita. Si Yannie kasama ang kanyang assistant at magka-holding hands ang dalawa.
"What is the meaning of this?"
"B-bro!"
"Don't call me that, Fort! Anong kalokohan ito?"
"P-patawad. Hindi ko na kayang lokohin ka, pero nagmamahalan kami ni Steff,"
Galit na lumapit si Rusman sa lalaki. Mabilis namang humarang si Yannie sa harapan nito.
"R-rusman, ako ang may kasalanan. Pakiusap huwag mong sasaktan si Colt!"
"Steff, umalis ka diyan! Ingatan mo ang baby natin!"
Nagtagis ang bagang ni Rusman sa narinig. Hindi lang ang mga pangalang narinig ang nagpainit sa kanyang ulo kundi ang malamang buntis si Yannie.
"Kailan mo pa ako niloloko, Stefiannie? Kailan pa?" sambit niya sa buo nitong pangalan.
"Maniwala ka, Rusman. Minahal kita ng buong puso. Pero hindi ako manhid, nasasaktan din ako sa tuwing itinatanggi mo ako sa mga tao. Nasasaktan din ako kahit sa pamilya mo, itinatago mo ako. Gusto kitang ipagmalaki pero hindi ko magawa! Hindi ko kayang magtiis sa ganoong trato, Rusman. Sa tuwing nasasaktan ako, si Colt ang palagi kong kasama. Hindi ko alam kung kailan ko siya minahal, pero patawad Rusman. Mahal ko si Colt!" Umiiyak nitong paliwanag.
"Bakit hindi mo sinabi? Bakit nagkunwari kang maayos ang lahat sa pagitan natin? Bakit pumayag kang magpakasal sa'kin kung hindi mo pala ako mahal?!"
Nagagalit siya sa ginawa ng dalawa. Kinokontrol niya ang sarili para pigilan ang galit.
"That time, desidido na akong iwan si Colt at pakasalan ka. Kakalimutan ko ang pagmamahal ko sa kanya para sa'yo. Pero, nalaman kong buntis pala ako isang linggo bago ang ating kasal. Hindi kita pwedeng pakasalan kung buntis ako sa ibang lalaki. Hindi rin pwedeng ihinto ang kasal dahil masisira ang reputasyon mo."
"Kaya isinali nyo si Aliya, ganoon ba? Inosente si Aliya pero idinamay nyo sa kagaguhan nyo!"
"Sorry, Bro. Ako ang kumuha kay Aliya para magpanggap na bride mo. Wala na kaming pagpipilian kundi iyon lang."
"Umalis na kayo," malamig niyang sabi.
"Rusman-"
"Umalis na kayo!" Sigaw niya sa dalawa.
"Sana mapatawad mo kami, Bro."
"Umalis na kayo sa harapan ko bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisihan ko!"
"I'm sorry, Rusman."
"Huwag na huwag kayong magpapakita sa'kin. Lalo ka na, Colt Forty Fayd." Matalim na tingin ang pinukol niya sa lalaki.
Lumipas ang isang araw, isang linggo, isang buwan, dalawang buwan pero paulit-ulit lang ang naging routine ni Rusman. Sa nagdaang dalawang buwan, trabaho, bar at hotel ang pinupuntahan niya. Hindi na siya umuuwi sa mansyon ng mga araw na 'yon, pero ngayon pauwi siya sa sariling bahay dahil sa hindi inaasahang bisita.
"Grandson!" Salubong ng kanyang Lolo. Kadarating lang nito from Italy kaya umuwi siya sa mansyon.
"Lo," bati niya sa matanda.
"Nasaan ang granddaughter ko?" Masaya nitong tanong.
Nagulat si Rusman. Parang biglang bumalik sa kanyang isip ang tungkol kay Aliya.
"Lo, I'm sorry. I need to go!" Mabilis siyang umalis upang puntahan si Aliya. Nangako siyang babalikan ito pero dahil sa nangyari nawala sa isip niya ang bagay na iyon.
"Please, Aliya. Wait for me!" Pinaharurot niya ang sasakyan para mabilis na makarating sa probinsya ni Aliya, pero nanlumo siya ng wala ito roon.
"Where are you, Aliya?"
Dalawang taon ang mabilis na lumipas. Tanging trabaho at paghahanap kay Aliya ang ginagawa ni Rusman. May nakuha siyang report na lumabas ito ng bansa ilang araw pag-alis niya sa bahay nito. Pinapahanap na rin niya ito sa iba't-ibang bansa pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito nakikita.
Habang abala sa trabaho, nakatanggap ng isang tawag si Rusman.
"Did you find her?" Tanong niya pagsagot sa tawag ng isa niyang Detective.
"Sir, your wife spotted in NAIA terminal 1 and-"
"Lock the airport, now!" Matigas niyang utos at nagmamadaling umalis sa opisina.
Mabilis siyang nagpunta sa NAIA para puntahan ang kanyang asawa. Napangiti siya ng marinig ang nagrereklamo nitong boses habang palapit siya sa direksyon nito.
"Ano ba mga Kuyang pupunta sa lamay? Baka ma-late ako sa pupuntahan ko! Bakit ayaw nyo ba akong palabasin? Mukha ba akong may dalang bangkay?"
"Pasensya na Ma'am, sumusunod lang po kami sa utos."
"Sino bang nag-utos sa-"
"Aliya!" Sigaw niya sa pangalan nito.
Nanlaki ang mata nito ng makita siya.
"R-rusman? Naku, mabuti na lang dumating ka. Tulungan mo-"
Hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla niya itong yakapin.
"Where did you go?"
"H-ha?"
Humiwalay siya sa yakap dito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Mas tumingkad ang kagandahan nito ngayon.
"I miss you,"
Namilog ang mata nito.
"Na-miss mo ako? Bakit?" Tanong nito ng may namumulang mukha.
"Because you're my wife,"
"Hindi naman totoo 'yon. Substitute lang ako 'di ba?"
"But still, you're my wife."
"Ang gulo mo naman, hindi kasi ako ang asawa mo."
"Then, let's get married again."
Namilog ulit ang mata nito maging ang bibig nito namilog din.
"Seryoso ka?"
"I never made a joke in my whole life."
"Mag-proprose ka kasi ng maayos Kuya Rusman,"
Bahagyang nagulat si Rusman ng makita ang bata niyang pinsan.
"Rusvelt, why are you here?"
"Pareho tayo ng reaksyon ng makita siya." Sambit naman ni Aliya. "Noong umalis ka kasi sa bahay, ilang araw lang dumating na ang tiyahin ko at nabalitaan daw niya na asawa ako ng bilyonaryo. Tinangka niya akong dukutin pero dumating ang batang masungit na 'yan. Akala ko noong una pulubi siya pero mayaman pala. Ang galing niyang umarte, kapani-paniwala."
"I already explain myself, it's just a play to test people around me. Umiiwas ako sa mga mapagsamantalang tao at hindi na ako bata, thirteen na ako!"
"Eleven ka lang ng makilala ko, kaya bata ka pa rin sa paningin ko."
"Bahala ka nga riyan! Kuya Rusman, utusan mo na ang mga tauhan mo na buksan ang airport. Nakakaabala sa mga tao ang ginawa mo. Pwede mo naman siyang puntahan ng hindi nakakaabala." reklamo nito sa kanya.
"Kung gayon, ikaw ang nagtatago sa kanya?" tanong niya sa pinsan.
"Hindi ako, si Lolo. Para turuan ka raw ng leksyon. Bahala ka na sa babaeng 'yan, masyadong nawiwiling isama ako kung saan-saan, hindi naman maganda."
"Hoy! Inamin mo ng maganda ako,"
"Dahil umiiyak ka n'on. Baka lalo kang umiyak, kapag sinabi kong pangit ka."
"Aba't-"
"Halika na. Papakasalan pa kita." Putol niya sa sasabihin ni Aliya bago ito hilahin patungo sa sasakyan.
Samantala, masyadong nawindang si Aliya sa mga nangyari sa kanyang buhay. Ginawa siyang alila ng pamilya ng kanyang tiyahin sa sarili nilang bahay. Nagtungo siya sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Nakilala niya ang budol na recruiter ay ginawa siyang artista. Yung akala niyang shooting, totoong kasal pala. Nakilala niya si Rusman na parang menopausal sa sobrang init palagi ng ulo. Nakilala niya itong masungit pero mabait pala. Takot sa dugo, dilim, kulog at kidlat. Nagparamdam sa kanya ng hindi siya nag-iisa. Nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at lihim niyang inibig. Pero dumating ang isang pagsubok sa katauhan ng tiyahin niya. Tinangka siyang dukutin pero to the rescue ang batang pulubi na bilyonaryo rin pala. Dinala siya nito sa ibang bansa at doon nakapagsimula ng panibagong buhay. Bumalik siya sa bansa at muling nakita si Rusman. Ngayon, naglalakad na siya patungo sa altar habang naghihintay ito sa kanya.
Parang noong una lang, ganito rin ang eksena. Nagpalitan sila ng linya para sa seremonya pero hindi siya substitute ngayon kundi siya talaga ang bride nito.
"You may now kiss the bride."
Noong una, isang tumataginting na Who are you ang lumabas sa bibig nito pag-angat ng kanyang belo. Pero ngayon, nakangiti ito habang may namumuong luha sa gilid ng mata.
"Do you know, who I am?" Biro niya rito.
Bahagya itong tumawa.
"You are my wife. My one and only wife." Madamdamin nitong sabi bago ilapat ang labi sa kanya.
Palakpakan ng mga tao ang narinig niya pero fireworks ang naramdaman niya.
This is real. She became a substitute bride but today she's Rusman's one and only wife.
WAKAS.