Love, Lies, Deception and Bet...

By asdfghjess

738K 22.5K 3.8K

Love plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal. More

Love, Lies, Deception and Betrayal
Prologue
Chapter 1 - Bestfriend
Chapter 2 - I cant risk.
Chapter 3 - Boss.
Chapter 4 - Manliligaw.
Chapter 5 - Boyfriend?
Chapter 6 - I love you.
Chapter 7 - That's why.
Chapter 8 - Poison.
Chapter 9 - Focus.
Chapter 10 - Iniiwasan.
Chapter 11 - Sariling mundo.
Chapter 12 - Nagkakagusto.
Chapter 13 - Nakikiupo.
Chapter 14 - Nakahinga.
Chapter 15 - Nasasaktan.
Chapter 16 - Nagpaalam.
Chapter 17 - Naglinis.
Chapter 18 - Naglalambing.
Chapter 19 - Nagbalik.
Chapter 20 - Nagusap.
Chapter 21 - Nakikipaghiwalay.
Chapter 22 - Naguguluhan.
Chapter 24 - Nasampal.
Chapter 25 - Nasira.
Chapter 26 - Nanaginip.
Chapter 27 - Naalala.
Chapter 28 -Nagaasaran.
Chapter 29 - Nagkaayos.
Chapter 30 - Nasurpresa.
Chapter 31 - Nabadtrip.
Chapter 32 - Nagseselos.
Chapter 33 - Nararamdaman.
Chapter 34 - Nasagot.
Chapter 35 - Nagaaway.
Chapter 36 - Nanlamig.
Chapter 37 - Nanlambot.
Chapter 38 - Namatay.
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
!!!

Chapter 23 - Nagaalab.

16.4K 520 126
By asdfghjess

#LLDAB

Chapter 23

 

Ilang araw narin makalipas nung pumunta kami ng Subic. It went well, I guess. Besides the fact na umiyak si Ate ng sobra ay naging maayos naman ang lahat.

Nagkaayos narin sila ni Angelo. Base sa mga nakita ko noon sa Subic ay mukhang ayos na sila. Pero nandun parin yung makikita kong balisa si Ate dahil iniisip parin niyang may babae si Angelo.

Paulit ulit ko din na sinasabi sakanya na wala naman sigurong babae si Angelo. Dahil totoo naman yun, wala naman siyang babae. Hindi ako considered na babae niya dahil hindi ko naman ineentertain yung kagaguhan niya sa buhay.

Nakakadalawang movies na ko pero pakiramdam ko ay bored na bored parin ako sa buhay ko. Wala naman kasi akong kasama sa bahay.

Sila Mommy at Daddy ay nakipagkita sa kaibigan nila noong college. Si Ate naman ay lumabas daw kasama yung kaibigan niya.

Habang si Stephen ay pinuntahan si Kristef. Nakababatang kapatid ni Stephen. Gusto niya nga ay isama ako sa lakad nila kaso tumanggi ako. This is the only time na magkakasama silang magkapatid. Ayaw kong mahati pa ang atensyon samin ni Stephen.

Malapit din naman kami ni Kristef kaya sabi ko ay pagpunta nalang namin sa Pampanga nalang kami magbobonding dalawa.

Nagpaikot ikot ako sa kama. My god. Wala akong magawa! Maya maya pa ay nagpasya nalang akong pumunta saglit sa convenient store sa labas ng village dahil bigla akong nagccrave sa ice cream.

Pagbalik ko sa bahay ay kumuha lang ako ng kutsara at agad akong umakyat papunta sa kwarto ko pero napahinto ako ng makarinig ako ng tawanan sa kwarto ni Ate.

She's home. Ate's home. Naglakad ako patungo doon nang mapansin kong naiwan palang nakabukas ng bahagya ang pinto niya kaya rinig na rinig ko yung tawanan nila.

Nakita kong may kasama siyang kaibigan sa loob. Im not sure who she is. Siguro ay college friend ni Ate na hindi ko pa nakilala noon.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng mapahinto ako sa sinabi ni Ate.

"Nakakainis talaga! Ayoko ng gantong feeling. Yung para akong tanga na hindi malaman." Huminga siya ng malalim. "Alam kong may nagiba kay Angelo. He used to be sweet and clingy. Now. He's distant and cold at the same time."

"As if naman na mahal na mahal mo yun. Diba sinagot mo lang naman si Angelo dahil gusto mong saktan yung kapatid mo? Because you hate your sister so much? Bakit nagiinarte ka dyan na feeling mo may nagiba sakanya?" Umirap pa yung kaibigan ni Ate.

Sinagot? Para saktan ako? What the hell is she saying? Nanuot sa sistema ko yung sinabi ng kaibigan ni Ate. Kahit na hindi ko maintindihan ay parang unti-unti yung kumakalat sa sistema ko at unti-unti akong nararamdaman ang pagkamanhid.

Ilang minutong natahimik si Ate nang magpalabas siya ng buntong hininga. Sabihin mong hindi totoo yung mga sinabi niya, please. Please Ate.

Sabihin mong hindi ka galit sakin. Sabihin mong hindi mo sinagot si Angelo dahil gusto mo akong pasakitan. Sabihin mong mahal mo si Angelo kaya mo siya sinagot noon.

"Oo nga at sinagot ko siya dahil gusto kong maramdaman ni Yna yung feeling ng pangalawa lang. Na ako naman yung una. Pero minahal ko rin naman si Angelo over the years. I love him, you know." Aniya.

Napatawa ang kaibigan ni Ate. "Sus. Naalala ko pa nun, ayaw mo naman magboyfriend ng iba kasi nga gustong gusto mo si Zac. Pero nung niligawan ka niyan ni Angelo ay nakahanap ka ng paraan para saktan yung kapatid mo kaya napa-oo ka niya kaagad." Ani ng kapatid ni Ate na natatawa.

Humiga si Ate sa kama niya pero agad din siyang napatayo ng buksan ko ng biglaan yung pintuan niya.

Walang tigil yung luha ko sa pagbagsak. Nakita kong napatayo din yung kaibigan ni Ate ng makita ako.

Bakas sa mukha ni Ate yung pagkabigla sakin. "B-baby sis."

Para akong kinurot sa dibdib sa paraan ng pagtawag niya sakin. Baby sis? Fuck it!

"Lumabas ka." Malamig na sabi ko sa kaibigan ni Ate. Nanatili siyang nakatitig sakin at bakas ang gulat niya sa sinabi ko.

Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko. "LUMABAS KA!" Sigaw ko sakanya. Agad na kumaripas ng takbo yung kaibigan ni Ate palabas ng kwarto niya at hopefully ay palabas ng bahay namin.

Nanunuot sa buong katawan ko yung galit. I was fuming mad. Nandun ako sa punto ng buhay ko na wala akong pakialam sa paligid ko at ang tanging alam ko lang ay yung magkahalong sakit at galit.

Akmang lalapitan niya ako pero isang malutong na sampal yung sinalubong ko sakanya.

"You -" Hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil tila may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. "You hate me?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Yumuko si Ate at doon ko mas nakumpirma ang sinabi ng kaibigan niya kanina. My sister hates me.

"B-Bakit?" Lakas loob kong tanong.

Gusto kong marinig yung sagot pero hindi ko alam kung kakayanin ko bang tanggapin yung mga isasagot niya. Mahal ko si Ate. Mahal na mahal. At ang sakit isipin na all this time ay malaki pala ang galit niya sakin.

Nagangat siya ng tingin at kita ko ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mata niya. "Kasi si Yna ka." Tumulo ang luha niya at humakbang palapit sakin.

Umiling ako. Hindi ko maintindihan. Kasi si Yna ako?

Kitang kita ko ang nagaalab niyang galit. I've never seen her like this. Never.

"Kasi si Yna ka at si Yza lang ako. Kasi paborito ka ni Mommy. Kasi si Yna, maganda kahit morena. Kasi si Yza, maputi lang. Kasi si Yna, matalino. Kasi si Yza, pumapasa lang. Kasi si Yna, mabait. Kasi si Yza, hinding kasing bait ni Yna." Huminto siya at halos bumulagta na ako sa kinatatayuan ko sa sama ng tingin niya sakin.

"Kasi kahit anong gawin ko hinding hindi ako nila ako makita dahil sayo! Ikaw lang ang mahal nila! Ikaw lang ang nakikita nila! Laging si Yna! Si Yna ganto! Si Yna ganyan!" Napaigtad ako ng sumigaw siya.

Marahas niya akong tinulak kaya apasandal ako sa pader ng kwarto niya. "Paano naman si Yza? Paano naman ako? Bakit lagi nalang ikaw." Nabasag ang boses niya.

"Ate." Yun lang ang namutawi sa labi ko dahil naubusan ako ng sasabihin. Ganun kalaki ang galit niya sakin?

"Tanginang Ate yan!" Malakas na naman ang sigaw niya sakin kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

Laking pasalamat ko sa pader na nasa likod ko kundi ay kanina pa ako napaupo. Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko.

Yung babaeng minahal at inidolo ko buong buhay ko. May malaki palang galit sakin. Ang sakit. Sobrang sakit.

"That day na aamin ka kay Angelo ay narinig ko kayo ng kaibigan mo. Kaya nagulat ako ng tanungin niya parin ako kung pwedeng maging kami. Naisip ko, ako naman. Finally ako naman.Hindi na si Yna. Makakaganti na ko sayo. Malalaman mo na yung pakiramdam ng laging pangalawa lang. Malalaman mo na yung naramdaman ko buong buhay ko." Umiiyak na sabi niya.

"Kaya kahit ayaw kong magboyfriend at wala naman akong gusto kay Angelo ay sinagot ko parin siya." Sabi niya at pinipilit niyang punasan ang mga luha niya pero panay padin ang bagsak nun.

Nalaglag ang panga ko at mas bumuhos pa ang luha ko. Sobrang sakit. Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso.

Pinilit kong tinatagan ang sarili ko para makapagsalita. Kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ko ay pinilit kong buksan ang bibig ko.

Kahit na para na akong pinapatay. Ng paulit ulit ulit.

"Ate kita. I loved you all my life but I never thought you hate me that much. Ganun pala kalaki yung galit mo sakin, para magawa mong manggamit at manloko ng tao para lang saktan ako." Nabasag ang boses ko. Tinakpan ko yung bibig ko ng dalawang kamay ko para pigilan yung hagulgol ko.

Napaupo ako sa sahig at sunod sunod na iling ang ginawa ko. "Buong buhay ko, ikaw ang tiningala ko. Ikaw, kasi Ate kita."

"Alam mo ba yung pakiramdam na kahit ginawa mo nang lahat, hindi ka parin maging sapat? Yung pakiramdam na parang lagi kang nakikipagkompitensya sa pagmamahal ng magulang mo? Ng sarili mong nanay? The feeling of being unwanted." Umiling siya. "Hindi. Hindi mo alam kasi ikaw, mahal ka nilang lahat. Kasi -"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya. "Oo tama ka. Hindi ko alam yung nararamdaman mo. Kasi ang nararamdaman ko lang noon ay ang pagmamahal ko sayo. Kasi ang nararamdaman ko lang noon ay maswerte ako kasi Ate kita. Paborito ako ni Mommy? Siguro nga. Pero paborito ka ni Daddy. Nagalit ba ako sayo? Hindi."

Huminga ako ng malalim at tumayo. "Hindi ako nagalit sayo kasi Ate kita. Kasi kapatid kita. Kahit kailan hindi ako nagalit sayo, kahit noong maging kayo pa ni Angelo. Kahit kailan hindi. Ngayon lang. Ngayon lang." Sabi ko at tumakbo na palabas ng kwarto niya.

Napahinto ako ng makita ko si Angelo sa gilid ng pinto ni Ate, medyo malabo ang paningin ko dahil sa mga luha pero naaninag ko ang luhang kumawala sa mata niya. Umiling ako at tumakbo papasok ng kwarto ko.

Damn!

————-

Hi guys! Follow them on twitter.

Yna - ManuelYna_

Angelo - MontefalcoA

Stephen - stephenloyzaga

Yza - YzaManuel

Or follow me asdfghjessWP at makikita niyo na sila dun! :*

Continue Reading

You'll Also Like

161K 4.6K 28
Rourick Maximus Demirian
9.4M 205K 42
Kyle Vincent Villacruz's story.
172K 9.5K 315
𝘁𝗲𝗮𝗺 𝗹𝗲𝗰𝗵𝗲 𝗹𝗲𝗴𝗮𝗰𝘆 𝗻𝗼. 1: 𝗻𝗼𝘃𝗲𝗺 | 𝗲𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮𝗿𝘆 × an elusive hyper-independent girlie. a mysterious thirst trapper condo...
1.4M 38.6K 22
A collaboration of CC, Race Darwin, Makiwander
Wattpad App - Unlock exclusive features