Alapaap | R-18

By Terrorious

469K 9.6K 3.2K

(Historical Boys Love Story) "Kasabay ng pagdilim ng maliwanag na kalangitan ay ang paglisan ng aking mahal."... More

PAALALA
KABANATA 1: Kasunduan
KABANATA 2: Masikip 🔞
KABATANA 3: Kulong
KABANATA 4: Susi 🔞
KABANATA 5: Pakiusap 🔞
KABANATA 6: Panauhin 🔞
KABANATA 7: Kababata
KABANATA 8: Sinungaling
KABANATA 9: Lupa
KABANATA 10: Karwahe 🔞
KABANATA 11: Lagnat 🔞
KABANATA 12: Kalinga
KABANATA 13: Husay 🔞
KABANATA 14: Tangay
KABANATA 16: Sinta
KABANATA 17: Pangako
KABANATA 18: Kaarawan
KABANATA 19: Kuweba🔞
KABANATA 20: Balita
KABANATA 21: Karamdaman
KABANATA 22: Kutob
KABANATA 23: Patibong
KABANATA 24: Dayuhan
KABANATA 25: Dakip
KABANATA 26: Paratang
KABANATA 27: Leonor
KABANATA 28: Kapalit
KABANATA 29: Garote
KABANATA 30: Tela
KABANATA 31: Tulong
KABANATA 32: Gumamela
KABANATA 33: Pagkikita
KABANATA 34: Hatid
KABANATA 35: Pamamanhikan
KABANATA 36: Katapat
KABANATA 37: Ismael
KABANATA 38: Imbakan🔞
KABANATA 39: Alkalde
KABANATA 40: Stella
KABANATA 41: Hangarin
KABANATA 42: Serbesa🔞
KABANATA 43: Tirahan
KABANATA 44: Malong🔞
KABANATA 45: Palatuntunan
KABANATA 46: Batalya
KABANATA 47: Kalayaan

KABANATA 15: Ugnayan

4.8K 187 62
By Terrorious

"Inyo po bang nakita si Stella, Mang Karding? Narito raw po siya huling namataan bago siya nadakip?" nababagabag kong tanong sa isang matanda sa pamilihan.






Kasalukuyan siyang nagpapasok ng mga kalakal kaya't habang naghihintay ng kanyang sagot ay pinalibot ko ang aking tingin sa paligid. Lasing man ang aking estado mula sa serbesang aking nainom ay malinaw sa aking malalim na ang gabi. Kakaunti na lamang ang mga tao rito sa pamilihang bayan. Bukod sa mga nagtitinda ng isda at karne ay ang maliit na gusaling ito na lamang ang hindi pa tuluyang nagsasara.






Si Mang Karding ay isang mangangalakal na nagbebenta ng mga lumang kagamitan. Ilan sa kanyang mga ipinagbibili ay mga lumang relos, alahas at maging kagamitan sa tahanan na nagmula pa sa iba't-ibang bansa.





"Hijo, nakita mo bang pasara na ang aking tindahan? Hindi ko na mapauunlakan ang iyong nais bilhin. Ipagpabukas mo na lamang iyan," aniya at akmang papasok sa loob ng kanyang tindahan ngunit napigilan ko siya.






"Mang Karding, ako po ito. Si Ryannel na anak ni Don Marcelo at Donya Florencia Guevarra," klaro kong wika.






Sa wari ko'y nasa edad pitumpu na si Mang Karding kung kaya't hirap na siyang makaalala ng mga tao. Ang kanyang nag-iisang anak ay maagang pumanaw sa sakit nito sa puso. Matapos niyon ay mas lalong lumubha ang pagkalimot ni Mang Karding na maging ang pumanaw niyang anak ay hindi niya na maalala.





"O ikaw nga, Heneral Ryannel. Matagal ka ring hindi nakadalaw. Nais mo bang samahan akong maghapunan?" alok ng matanda.






Napakamot ako sa likod ng aking leeg, "Hindi na po, Mang Karding. Ang sadya ko po kaya ako naparito ay hinahanap ko ang nakababata kong kapatid na si Stella. Nakita niyo po ba siya?"





Hindi mapalagay si Mang Karding nang mapansin ang mga sundalong nasa aking likuran kaya't pinalayo ko ang mga ito. Nang masigurong malayo na ang mga sundalo sa kanyang tindahan ay doon siya tumugon.







"Ang totoo niyan, Heneral Ryannel, ay mali ang kumakalat na balita na dinakip ang iyong kapatid ng isang sundalong espanyol," pag-amin niya, "Base sa pagkakatanda ko ay... ang iyong kapatid ang siyang dumakip sa sundalong espanyol."





Tumawa ako nang malakas, pilit pinoproseso ng aking utak ang narinig, "Tulad noon ay sadyang mapagbiro ka pa rin, Mang Karding."




"Heneral Ryannel, wala na ako sa wastong edad para magbiro," seryoso niyang wika kaya ako'y nagambala.






Sakay ng aking kabayo ay mag-isa kong nilakbay matarik na daan patungo sa Batis ng Kasarinlan kung nasaan ang heneral. Ang mga luha ang aking mga mata ay nangingilid na sa labis na pag-aalala. Kung may mangyaring masama sa aking kapatid ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili.






Dapat ay nagpumilit akong sumama sa kanya. Nangako ako sa aking ama na poprotektahan ko ang aking kapatid at ina higit pa sa lahat. Mapapanatag lamang ang aking kalooban kung makita kong ligtas ang aking kapatid.






"Heneral!" umalingawngaw ang aking boses habang patuloy ako sa pagkatok sa pintuan ng kanyang tahanan.





Nang wala akong narinig na tugon ay muli akong kumatok ng tatlong beses. Mapapansing madilim ang paligid at marahil ay hindi nasindihan ng kung sino mang nasa loob ang gasera. Matapos ang ilang katok at pagtawag ay pinihit ko ang pinto. Nakapagtatakang hindi iyon nakakandado kaya't malaya akong nakapasok.





"¿Dónde está la medicina herbal, Tristan? ¡Me muero de dolor!" (Nasaan na ang halamang gamot, Tristan? Mamamatay ako sa kirot!) bulalas ni Heneral Vicencio.





Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at nang lumiwanag nang kaunti dulot ng bilog na buwan ay nasilayan ko na rin ang paligid. Nang sindihan ko ang gasera sa lamesa ay naroon ang pinitas na halamang gamot na hinahanap ng heneral. Dahon iyon ng sambong na sa wari ko'y namumunga lamang sa gitnang parte ng kagubatan.






Akmang lalabas na ako upang magpatuloy sa paghahanap ng aking kapatid nang muli kong marinig ang heneral, "R-Ryannel, nasaan ka na?"







Kinagat ko nang mariin ang ibaba kong labi bago isarang maigi ang pinto. Dumungaw ako sa kanyang silid-tulugan at roon ay bumungad sa akin ang heneral. Nakadapa ito sa kanyang higaan. Wala itong saplot pang-itaas kaya't malinaw sa aking mga mata ang hubad niyang likuran.





"Paz, ikaw ba iyan?" pagtawag niya nang marinig ang mga hakbang ko palapit, "Maari mo ba akong abutan ng maari kong pagsulatan? Ako lamang ay gagawa ng liham para sa aking sinta upang bisitahin ako."






Umupo ako sa kanyang tabi bago sumambit ng salita, "Mayroon ka na palang iniibig, Heneral Vicencio? Sana ay sinabi mo sa akin upang itigil ko na ang pagpunta rito."






Wari mo'y nabuhusan nang malamig na tubig ang hindi makuntentong heneral nang maupo ito upang titigan ang aking mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa aking labi at nang mapatunayang ako nga ito, ay mahigpit niya akong niyakap.





"Ryannel, buong akala ko'y nasa langit na ako dahil nakakita ako ng anghel," aniya.





Gustuhin ko mang itulak palayo ang hindi makuntentong heneral ay hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Nasanay na marahil ako sa kanyang halik at mga yakap.





"Maari na ba nating ipawalang bisa ang kasamiyento na aking nilagdaan, heneral?" mariin kong ani kaya niya tinigil ang pagyakap, "Narinig kong nais mong gumawa ng liham para sa iyong sinta."





Tumaas ang sulok ng labi ng heneral, "Ikaw ba ay... naninibugho, Ryannel?"





"Ako?" itinuro ko ang aking sarili, "Hindi ako kailanman makakaramdam ng ganiyan, heneral."





Pinagsaklob niya ang aking pisngi at itinapat ang kanyang noo sa akin, "Hindi mo na kailangan pang ikaila, Ryannel. Batid kong nais mong malaman kung kanino ko iaalay ang liham na aking isusulat. Nais mong makilala ang aking sinta, tama ba ako?"




"Hindi ako interesado."






Hinalikan niya ang aking labi sa kaunting sandali, "Tumingin ka sa aking mga mata, Ryannel."





Kagaya ng utos ng heneral ay dumapo ang aking tingin sa kanyang bughaw na mga mata. Matagal ko na iyong tinitingnan ngunit hanggang ngayon ay labis pa rin akong namamangha sa mga iyon.






"Ang repleksiyon ng aking sinta ay iyong makikita sa aking mga mata. Wala akong ibang pag-aalayan ng liham at ng aking puso kung hindi ikaw lamang, Ryannel," pag-amin niya.





"Heneral. . ."






"Naiintindihan kong hindi ko matuturuan ang iyong puso, Ryannel. Maging ang pagtawag sa akin ng ginoo ay nakakaligtaan mo madalas subalit hindi ako susuko. Kung kinakailangan kong sungkitin ang bituin upang puso mo'y aking maangkin... ay handa akong gawin."





Biglaang bumilis ang tibok ng aking puso at sa takot na marinig iyon ng heneral ay lumayo ako. Nagpakawala ako ng sunod-sunod na hininga habang siya'y pinagmamasdan ang aking kakaibang kilos. Tumatalab na marahil muli ang serbesa na aking nainom kaya't nag-iinit ang aking katawan.





"Ryannel!" tawag niya nang lumabas ako ng kanyang silid-tulugan.





Kinuha ko ang halamang gamot at pinakuluan iyon matapos magdingas ng apoy. Matapos makuluan ay isinalin ko ang mga dahon kasama ng mainit na tubig sa isang lalagyang yari sa metal at bumalik muli sa silid ng heneral bitbit ito.






"Nasaang parte ng iyong katawan ka nasasaktan, g-ginoo?" tanong ko at pinigaan ang maliit na tuwalyang mula sa halamang aking pinakuluan.






Narinig ko ang mahinang pagtawa ng heneral, "Ryannel, pakiramdam ko'y masakit ang nasa gitna ng aking mga hita. Kailangan nito ng iyong–Ahhh!" sigaw niya matapos kong diinan ang kanyang likod.





"Ano ba ang iyong ginawa at namamaga ang iyong likuran? Hindi ba't pinagbawalan ka ni Tandang Paz na magsibak ng kahoy? Huwag mo sabihing nagpatuloy ka pa rin?" sunod-sunod kong tanong.





"Para na kitang kasintahan dahil sa mga tanong mo na iyan, Ryannel," pag-iiba niya ng usapan.






Natigil ang aming usapan nang marinig ko ang tunog ng kabayo mula sa labas. Nagkukumahog akong tumayo nang tuwid nang mayroong kumatok sa pinto at kasunod nito ay ang boses na tinatawag ang heneral.





"Maari mo bang buksan ang pintuan, Ryannel?" ani ng heneral bago humikab.





Umiling ako, "Ngunit ikaw ang hinahanap ng kung sino mang nasa labas, ginoo."





"Sigurado akong si Tristan iyan. Siya lamang ang inutusan kong maghatid sa akin ng halamang gamot."






Wala na akong nagawa kung hindi pagbuksan ng pinto si Tristan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong ako ang nasa harapan niya at hindi ang Heneral Vicencio. Nakasuot siya ng kulay asul na unipormeng pang-sundalo at puting sumbrero. Higit na aking napansin ang dalawa niyang emblem sa kanyang kanang dibdib na batid ko noon ay tatlo.





"Kilala mo ba ang aking nakababatang kapatid na si Stella Guevarra?" walang pag-aalinlangan kong tanong kay Tristan.




"Opo, heneral," mabilis niyang sagot.





Tumikhim ako at muling nagtanong gamit ang maawtoriko kong boses, "Nakadaupang palad mo ba siya?"





"Huwag po kayong mag-alala. Ang inyo pong nakababatang kapatid ay nakauwi ng ligtas," aniya.




Tumango ako, "Saan mo nakuha ang impormasiyong iyan, Tristan?"





"Heneral Guevarra, ang aking sinta ay walang iba kung hindi ang inyong kapatid na si Binibining Stella," malinaw niyang pag-amin at lumuhod sa aking harapan.




-Terrorious


×××

Continue Reading

You'll Also Like

31.9M 815K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
723K 29.2K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
272K 12.7K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
551K 27.4K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...