Theft of Heart (COMPLETED)

By Silent_Penny

67.6K 1.7K 78

Mahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung si... More

Author's note
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5- (SPG)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11- (SPG)
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21- (SPG)
Chapter 22- (SPG)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27- (SPG)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32- (SPG)
Chapter 33- (SPG)
Chapter 34- (SPG)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37- (SPG)
Chapter 38- (SPG)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43- (SPG)
Chapter 44
Chapter 45- (SPG)
Chapter 46
Chapter 47- (SPG)
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Special Chapter 1
Special Chapter 2- (SPG)
Author's note

Chapter 10

826 31 0
By Silent_Penny

Little trouble.

"Anong gusto mo?" Bulong ni Yosef na nasa tabi kung saan ako naka-upo.

Kaninang paglabas namin ng arcade ay naisipan na naming kumain, dahil tanghali na rin kasi.

Sumama rin sina ate at ang mainiting ulo ni Yaser, na dinala hanggang dito sa loob ng resto.

Katapat ko ng upuan si Yaser na pinag lalaruan ang labi ngayon gamit ang daliri niya habang nahuhuli ko itong tumitingin sa'kin, si ate naman na nasa tabi niya ay kasalukuyang tumitingin sa menu.

Ibinaba ko na rin ang tingin sa menu na nasa harapan ko at binuksan iyon.

Bungad palang ay mahal na, isang order nasa seven hundred. Samantalang kapag sa karenderya mura lang pero masarap naman.

Tumingin nalang ako ng mas mura.

"Babe, gusto ko nitong chicken salad, caramel cake and milk shake." Rinig kong sabi ni ate.

"Okay." Tipid lang na sagot ni Yaser.

Ramdam ko naman ang paglapit ni Yosef sa'kin.

"May napili kana?" Bulong niya.

Napakagat labi ako, tsaka siya binalingan.

"Ang mamahal naman..." Bulong ko pabalik.

Ngumiti lang ito.

"Okay lang, order ka lang ng gusto mo." Malambing niyang sabi.

Tumango nalang ako bago siya umayos ng upo.

Fried rice with chicken nalang at ice tea.

Tiniklop ko na ang menu.

Napatigil akong tumingin kay Yaser.

Kinakalabit niya ang paa ko gamin ang paa niya.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi maipinta ang mukha nito.

Ano na naman bang problema niya.

Umirap ako at ibinaling nalang kay Yosef ang tingin.

Kinuha nang waitress ang mga order namin, at pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang inorder namin kaya sinimulan na naming kumain.

Habang kumakain ay walang umimik.

Napapahinto pa ako dahil sa patuloy na pagkalabit niya sa paa ko.

Pasimple ko siyang tiningnan na nasa akin ang buong atensiyon nito habang pinaglalaruan ang pagkain.

Huminga ako ng malalim at sinanggi ang paa niya at pasimpleng ibinwelo ang paa at inapakan iyon.

"Ah!" Simpleng daing nito.

Umakto akong walang ginawa at pinagpatuloy ang pagkain.

"Babe, bakit? May masakit ba sayo?" Malambing na tanong ni ate.

"Nothing, may kumagat lang sa paa ko." Bagot nitong sagot.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming lumabas ng mall.

Kami nalang ngayon ni Yosef ang naglalakad papunta sa parking lot, dahil hinila ni ate si Yaser sa ibang direksiyon.

"Nag-enjoy kaba?" Nakangiting tanong ni Yosef.

Tumango ako.

"Salamat ha." Ani ko.

Inilipat nito ang bitbit sa isa pa niyang kamay at hinawakan ang kamay ko, pinagsiklop niya ang mga ito.

"Your welcome Dela. First date natin ito, at nag-enjoy ako dahil ikaw ang kasama ko." Sweet niyang sambit.

"Pasensiya kana, nahihiya ako sayo dahil libre mo lahat." Kagat labi kong sabi.

Dinala niya ang pinagsiklop na kamay namin sa labi nito at hinalikan.

"Lalaki ako, kaya dapat ako ang may sagot ng lahat. Dapat lang na iniispoil ko ang babaeng mahal ko." Buong boses niyang usal.

Lihim akong napangiti.

Habang papalapit kami sa kotse nito ay may tatlong kalalakihan ang lumabas mula sa gilid.

Iyong isa ay nakahawak pa ng tubo.

Ako ang unang huminto sa paglalakad at mahigpit na humawak sa kamay niya.

Lumapit sila sa'min.

Iyong nasa kanan ay humihithit pa ng sigarilyong hawak, iyong nasa kaliwa naman ay nakangising diretsong nakatingin sa'min.

Naririnig rin sa buong parking lot ang tunog ng tubo sa semento habang hila-hila ng nasa gitna.

Napalunok ako at itinaas ang tingin kay Yosef na seryosong nakatingin sa mga ito.

Inihawak ko pa ang libre kong kamay sa braso niya.

"Nakakainip kayong antayin, alam niyo ba kung ilang oras kaming nandito ha?" Tanong nang nasa gitna.

"Walang nagsabing maghintay kayo." Malamig na sagot ni Yosef.

Tumingin iyong nasa gitna sa gawi ko, tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa saka pinasandahanan ng dila nito ang pang-itaas niyang labi.

Gumalaw ang braso ni Yosef at dinala ako sa likudan niya.

Nakaramdam na ako ng kaba...

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Yosef.

"Matagal pa ba iyong ang ugok mong kapatid?" Tanong ng isa pang lalaki.

"Wala rito si Yaser." Simpleng sagot ni Yosef.

Dumagundong ang kaba ko ng tumunog ang tubo.

Rinig ko pa ang pag-alingawngaw ng malutong nilang tawa.

"Lulumpuhin ko lang din siya Yosef, gaya ng ginawa niya sa kapatid ko." Maangas na boses nung nasa gitna.

Rinig ko ang paglalakad nito papalapit pa sa'min kaya humawak ako sa damit ni Yosef.

"Yo-sef..." Utal kong bulong.

"O kaya naman, gagawin ko nalang sayo ang ginawa niya, diba? Ano sa tingin mo?" Mapaglaro niya sabi.

Nagpintig ang buong katawan ko dahil sa narinig.

"Wala kaming panahon para sa inyo." Walang ganang sambit ni Yosef at hinawakan niya muli ang kamay ko at nilampasan ang lalaki.

Nanlalamig ang kamay ko habang hila niya.

Bumaba ang tingin niya sa'kin.

"Shh, it's okay... Just keep walking." Bulong niya sa'kin.

Lumunok ako...

Lilingunin ko na sana iyong mga kalalakihan ng walang ano-ano'y may malakas na pwersang humampas sa likudan ni Yosef!

Dahilan ng pagkakatumba nito habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.

"Yo-sef!" Hiyaw ko at agad siyang dinaluhan.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Tumingin ako sa gumawa nun.

Nakangisi ito habang nasa balikat na ang hawak nitong tubo.

Napalunok akong ibinalik ang tingin sa hawak kong si Yosef.

Napapikit ito ng mariin, nabasag rin ang salamin niya sa mata na nasa sahig na ngayon.

Nabitiwan niya ang kamay ko at napakuyom iyon.

Nag-iinit na rin ang mata ko.

"Yo-sef..." Mahinang iyak ko.

Tumingin siya sa'kin.

"I'm... Okay, I'm okay." Paulit-ulit niyang sambit.

"Wag na wag kasi kayong tatalikod kapag nag-uusap-usap pa tayo, yan tuloy." Maangas na sabi nung lalaki.

Bumaling ako sa kanila.

"Tumba agad?" Natatawang tanong nung isang papalapit.

"Wala ka pala, Yosef..." Pang-uuyam nung isa pa.

"Ple-ase, wala naman siyang kinalaman sa sina-sabi niyo." Iyak ko.

Nagtawanan sila...

Ibinaba nito ang tubing hawak at ilang beses na punatunog iyon sa sahig.

Hinawakan ni Yosef ang palapulsuhan ko ng dahan-dahan itong tumayo.

Hinila niya ako upang dalhin sa likudan niya ng bumwelo na naman iyong lalaki.

Iginalaw ko ang paa ko at mabilis na nagpunta sa harapan ni Yosef na ikinalaki ng mata niya.

"Delaney!" Rinig kong hiyaw niya.

Napapikit ako...

Habang hinahantay na tumama sa likod ko ang paghampas ng tubo.

Nang may humawak sa dalawang braso ko, kasabay ng pagtama ng malakas na pwersang iyon.

Pero hindi sa'akin tumama.

Kundi...

"Yaser!" Rinig kong umalingaw-ngaw ang boses ni ate sa kung saan.

Napamulat ako ng humigpit ang may hawak ng braso ko.

Rinig ko pa ang pagdaing nito.

Tumingin ang nanlalaki kong mata kay Yosef na nakaharap sa'kin, nakaawang na ngayon ang labi niya.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang pagpito ng gwardiyang papalapit kasabay ng pagtakbo ng mga kalalakihan palayo at pagbitaw ng taong nakahawak sa'kin mula sa likod.

"Ku-ya..." Namumutlang sambit ni Yosef.

Binitiwan ko ang braso niya ng gumalaw ito papunta sa likod ko.

Unti-unti akong lumingon.

Tumama ang mga mata ni Yaser sa'kin.

Ilang beses itong napalunok, tuwid parin itong nakatayo pero mahahalata sa aura niya ang pagkislot ng pag-inda niya sa natamo.

"Babe, ayos ka lang? Dalhin ka na namin sa hospital." Mangiyak-ngiyak na sambit ni ate habang nakahawak sa braso ni Yaser.

"Kuya-" Bakas sa boses ni Yosef ang pag-aalala.

"I'm okay." Mariing sagot ni Yaser.

Napakurap-kurap ako, siya ang sumalo ng tubo...

Tumalikod ito sa'min.

Tumingin sa'kin si ate, sinamaan ako nito ng tingin na para bang ako ang sinisisi.

Tumalikod din ito at hinabol si Yaser.

Bumaling sa'kin si Yosef.

"He's okay, don't worry." Aniya habang papalapit sa'kin at hinawakan ang pisngi ko.

"O-okay ka lang ba?" Utal kong tanong.

Tumango naman siya at ngumiti.

Habang bumyabiyahe kami pa-uwi ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang ginawang pagsalo ni Yaser para hindi ako tamaan.

Napapikit ako ng mariin...

Okay lang kaya siya?

@dikaPinili_








Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 134 46
How much pain and suffering can you bear until you had it enough? You won't know it until you try. You won't know it until you have it, but you will...
1.5K 83 36
Have you ever experienced loving someone who is honest and true, the kind who will never leave you and never hurt you, who is always there by your si...
345 1 11
I fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Hindi ko inakalang mahahanap ko na siya----na darating siya sa buhay ko n...
Wattpad App - Unlock exclusive features