We Got A Boy★

By TheBoredersQuatroXD

49.7K 745 538

ISANG KWENTO NG KASHUNGAAN. WARNING: MAGIGING SHUNGA DIN KAYO PAGBINASA NIYO TOH XD KIKILIGIN AT TATAWA KAYO... More

We Got A Boy★
Prologue★
1★ Meet the Girls
2★ 1st Day Disaster
3★ Our Permanent Seatplan
4★ Cats and Dogs
5★ Black Stalker
6★ Chemistry?
7★ Somehow Somewhere
8★ In the Concert
9★ Exoduz
10★ Favors
11★ Stop It!
12★ My First Kiss Got Lost Like This
13★ Interrogation Time
14★ One Shot
15★ Music Lessons
16★ The Troublemaker
17★ Wrong Number
★Bonus★
18★ Saviours
19★ Jealousy Everywhere
20★ First Love
21★ House Hopping
22★ Courses and TV Shows
23★ Would You Let Me?
24★ Frenemies And A Date(?)
25★ One Pain Day
★Bonus★2 (Part One)
★Bonus★2 (Part Two)
26★ Sub-Units
27★ Sorry, Not Sorry
28★ Airplanes
29★ Consequences Upon Choosing
30★ Durian Kiss
31★ I'm Sending 1-4-3
32★ So Lucky To Have You
★Bonus★3
33★ My Oh My
34★ Good 'Ate'
35★ Swans
36★ Better Man
37★Love Is Move
38★ 486
39★ The Sex God
40★ You Are My Poison
41★ Love Blossom
42★ It Must Be Something
43★ Electric Shock
44★ Princess and I
★Bonus★4
45★ You-aholic
46★ Love Rain
47★ Last Romeo
⭐미안
48★ Good Bye Bye
49★ Female President
51★ Stay the Night
52★ Déjà vu
53★ 1 Min, 1 Sec

50★ Decode

119 4 2
By TheBoredersQuatroXD

"The truth is hiding in your eyes

And it's hanging on your tongue

Just boiling in my blood

But you think that I can't see

What kind of man that you are

If you're a man at all

Well, I will figure this one out

On my own..." -Decode, Paramore

_______________________________


Marielle's POV


Ewan ko ba kung nakaaalarma sitwasyon o hindi, pero this past two days ang parati ko lang naririnig ay nagaaway ang mga kaibigan ko at ang mga Exoduz. Sanay naman ako sa asaran at kulitan nila lalo na't away bati lang naman sila lagi. One minute they're strangling each others throat, the next moment they're cuddling each other.


"Hay nabibingi na ako sa kanila." Rinig kong sabi ni Pan-pan sabay napaupo sa tabi ko at himigop sa kanyang pineapple juice.


"Ano na naman ba kasi ang problema?" Tanong ko.


"Balita ko nagaway daw si fafa Jayson at Jois, nahuli kasi raw ni Jois na nakikipaglandian si fafa Jason sa ibang babae. Si Danica naman at Shea nagkaroon ng di pagkakaunawaan. Si Mariella at Colton, well alam naman natin na iniwan na ni fafa Colton si Mariella."


"Eh kayo ni Mark?" Tanong ko sa kanya sabay ayos ng bag ko. In the middle of foundation day kasi namin at as usual tambay lang kami sa tabi.


"Omg!! That's impossible kaya! Going strong kami ni Mark my loves kaya." Masayang sabi ni Pan-pan na para bang nagpipiyesta siya.


"Wow ibang reaction yan sa ineexpect ko. Balita ko kay Banshee, kakareject niya lang sayo."


"Walangyang Banshee! Chismosa much? Oh well, knowing me di ka talaga mageexpect na magmumukmok lang ako sa tabi kasi nareject ako. Tomorrow is another day kaya! It doesn't mean na nareject ako ngayon marereject din ako sa susunod."


Grabe, bilib ako sa fighting spirit niya. Siya na talaga! "Hay bilib na talaga ako sayo."


"Eh ikaw musta? Ang love life?" Tanong niya na may halong kakalokong ngiti.


"Love life? Ako? Please, nagpapatawa ka ba?" Seriously?


"Aysus. Ikaw talaga. Hindi sa nanghihimasok ako ah, pero gusto lang kita iremind na hindi forever na pwede kang magplay safe. Hindi ka pwedeng magkunwari na wala kang nararamdaman, kung magpapatuloy kang ganyan baka pagsisihan mo pagnawala na sayo ang lahat. " seryoso niyang sabi.


Napatingin lang ako sa kanya. "Believe me, mahirap kung ikaw na ang naghahabol at ayaw pa magpahabol ng hinahabol mo." Nakangiti niyang sabi.


Actually medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Nag mukhang tongue twister kasi siya sa aking tenga. "Is that based from someone's personal experience?" Tanong ko sa kanya habang tumatayo. "IpaMMK na natin yan." Biro ko sa kanya.


"Haha! Very funny." Sarcastic niyang sabi sabay tayo rin.


"Sama ka? Titignan ko yung movie natin. Di ko pa kasi 'yun nakita." Aya ko sa kanya.


"Sige! I wanna see kung gaano ako kaganda at kung gaano kalakas ang chemistry namin ni Mark my loves on screen!" Kinikilig na sabi ni Pan-pan. Wag po kayong maniwala sa kanya. Wala pong love scene na naganap sa pagitan nila ni Mark, nagdedelusyon lang po ang baliw.




Nagsimula na kaming maglakad paputang AVR. Yung plano kasi naming stage play na Snow White and the Seven Dwarfs ay naging movie screening na lang. Tinamad na kasi ang buong klase na magpractice at mukhang nasira na ang ilang sa mga costume namin at mga props. Wala na kaming sapat na class fund para pang gastos kaya napagpasyahan na lang namin na rentahan ang school AVR at doon na lang ipapascreen ang movie namin.


Dala na lang din sa kasikatan ng Exoduz kaya pinipilahan ang movie namin. Mura lang naman din ang bente pesos na preyso ng ticket namin at pwede naman silang bumili ng samu't saring mga sweets na binibenta ng mga classmates sa loob.




Pagkadating namin ay agad kaming binati ng mga kaklase namin na incharge sa movie screening. Kahit naman di kami in good terms sa lahat ng mga classmates namin, may iba naman na mababait at responsible, yung di lang yaman, kalandian at pambubully ang alam.


"Hello Marj! Hello Pan! Pasok kayo." Masayang bati ni Diana sa amin.


"Hi" Sagot ko sabay ngiti na rin sa kasama niyang si Honey na nagbebenta ng munchkins.


"Pabili nga ako ng sampu." Sabi ni Pan-pan kay Honey.


Matapos makabayad at makuha ni Pan-pan ang munchkins ay agad kaming nagpaalam sa dalawa at naghanap ng mauupuan. Medyo madilim at di pa nakaadjust yung mata ko sa dilim kaya deretcho deretcho ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong bakanteng upuan. Agad akong lumapit dun pero napatigil naman ako agad ng mapansin na pangisahan lang yun. Lumingon ako para kausapin si Pan-pan pero parang magic at biglang nawala ang baliw.


Palakad na sana ako paalis upang hanapin si Pan-pan ng may biglang humila sa kamay ko kaya napaupo ako. Kung di lang siguro malambot ang kutson ng upuan ay paniguradong magkakapasa ang pwet ko.


Asar naman 'to kung sino man itong nanghihila ng basta-basta!


Hinarap ko ang walangyang nangahas na hilaain ako at binigyan siya ng masamang tingin. Pero ang walangya ay di man lang ako pinansin at nagpatuloy sa pagtingin sa trailer ng movie namin na pinapalabas.


"Ahum!" I tried to call his attention. Syempre, bukod sa di niya ako pinapansin di pa niya binibitawan ang kamay ko. Manyak ata tong isang ito. Di niya parin ako pinansin at nagpatuloy siya sa pagtingin sa screen.


"Ahum!!!" This time, mas nilakasan ko. Pero parang puno ng cheese ang tenga niya at di niya parin naririnig ang boses ko. Parang puno na ang temper ko kaya nainis na ako.


"Di mo ba talaga ako bibitawan? Sasapakin na talaga kita!!!" Dahil sa inis ko di ko napansin na napatingin na yung iba naming mga katabi sa akin. Dahil sa hiya ay namula ako at agad na humingi ng tawad sa pagdisturbo sa kanila. Agad naman silang humarap matapos akong ngumiti at humingi ng tawad.


Agad kong hinarap ang leche kong katabi at nagulat na lang ako na makita siyang tumatawa. Anak ng- pigilan niyo ako! Makakasakal talaga ako ng tao.


I greeted my teeth bungad ng galit at para na rin humina ang boses ko ng di makadisturbo sa iba. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" I glared at him.


"Ang cute mo kasing mainis." Nakangiti niyang sabi.


"Kung wala kang ibang mapagtripan pwede bitawan mo ako ng makaalis at makalayo ako sayo." Inis kong sabi. Oo yung 100 meter radius away from him talaga!


"Chill naman diyan baka mahighblood ka."


"Baka ikaw ang magkakablackeye ngayon pag di mo ako bibitawan." Banta ko sa kanya.


"Oo na. Bibitawan na kita." Sabay binitawan niya ako. "Sorry na. Wag ka ng magalit."


"Sino ka ba kasi? Ba't ka biglang nahihila?"


"Wala kasi akong kasama."


"So anong tingin mo sa akin? Naglalakad ng may plakard sa noo na nagsasabing 'hilain mo ako pag wala kang kasama'?" Mataray kong tanong sa kanya.


"Sorry na kasi. Nakita ko kasi na wala kang mauupuan kaya ayun." Sa tono niya mukha nakakaawa siya.


"Di mo ba naisip na baka may kasama ako?"


"Ay oo nga no. Meron ba?" Okay. Confirmed. Slow si kuya. Huminga ako ng malalim upang ihinahon ang sarili ko. Patience Marj, patience.


"Anong pangalan mo?" First, alamin muna ang pangalan niya para may malagay ako sa log book ng prisinto kung magfafile ako ng restraining order laban sa kanya.


"Call me Four." Seryoso niyang sabi sabay may pahawak ng kamay effect pa siya.


"Mukha mo! Ano Divergent lang ang trip?" Naku pinagloloko ata ako nito.


"I am number Four!" Seryoso niyang sabi.


"Isa na lang, pag di ka magtigil diyan masusuntok na talaga kita." Inakyat ko ang kamao ko sa may mukha niya ng malaman niya na seryso ako.


"Oo na titigil na. Jared ang pangalan ko pero you can call me Four." Sabay binigyan niya pa ako ng wink. Di ko pinansin ang huli niyang sinabi. Basta Jared ang pangalan niya.


"E anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.


"Let's say may gusto lang akong kamustahin." Sagot niya.


"Ah okay." Di na ako nagtanong ng iba pa tungkol sa kanya mukha kasi wala siyang planong sumagot ng maayos.


"At ano naman ang name natin, miss beautiful?" Tanong niya sabay kindat.


"Marielle." Syempre first name lang. Di kami close para tawagin niya ako sa nickname ko.


"Nice meeting you Marielle." Sabay inabot niya ang kamay niya. Medyo may sense of courtesy din pala si baliw. At sayang naman ang effort niya if dededmahin ko lang siya kaya tinanggap ko ito at nakipagkamay ako sa kanya.


"Medyo pormal ata tayo no?" Pambabara ko sa kanya.


"Wala man sa itsura ko pero may natatagong Rizal din ito." Sabay kindat ulit sa akin ng lokoloko. Di ko na siya pinansin at binaling na lang ang tingin ko sa screen.




Wala pang sampung segundo ang nagdaan at nagsalita na naman 'tong katabi ko. "Ang ganda naman niya." Sabay turo sa screen. Napataas naman ang kilay ko sa tinuturo niya.


"Pinagtitripan mo talaga ako no?" Walangya! Pinagtripan pa naman ako, effort kaya ako umarte bilang dwarf.


"Totoo naman ah. Siya na ata ang crush ko dyan e. mas maganda pa siya dun sa Snow White e."


"Hay ewan ko sayo." Narinig ko na lang siyang tumawa at nagpatuloy na kaming manuod ng palabas.






=========






"Marielle dito tayo!" Sabay hila ng baliw sa akin papunta sa isang photo booth. Ewan ko ba pero akala ko makakatakas na ako sa kanya pagkatapos ng palabas. Napansin ko na lang nandito na ako.


"Psh. Ano naman ang gagawin natin diyan?" Tanong ko sa kanya. Isa sa mga ayaw ko e yung pinipicturan ako, mas mabuti pa yung ako na lang ang magpicture.


"Bilang remembrance ng ating friendship." Masaya niyang bati at agad na pumindot sa parang screen kung saan pwede kang pumili ng type ng pagkakalitrato sayo. Matapos niyang maset ang design na gusto niya ay agad niya akong hinala palapit sa kanya at agad siyang nagpose.



Click! Click! Click!



Matapos yung ay agad na naprint ang picture namin at napatawa na lang sa mga kuha namin. Yung una kasing mga picture ay nakapoker face lang ako pero yung nga sumunod ay bigla niyang hinila ang pisngi ko para pwersahin akong ngumiti. Nagmukha tuloy kaming nakawacky.


Ewan ko ba pero naging friends na kami. Himala nga at naging comfortable ako sa kanya. Napakapresko niya at nakakaasar siya. Ewan ko ba pero may naalala ako sa tuwing ngumingiti siya di ko lang maalala kung sino.


"Oh siya kailangan ko ng umalis. Nice meeting you Marielle." Nakangiti niyang sabi sabay umaksyon sa pagalis.


"Bye." Simple kong sagot. Palakad na rin sana ako ng mapansin ko siyang bumabalik.


"Ba't ka bumalik?" Tanong ko sa kanya.


"May nakalimutan kasi ako." Sabi niya.


"Ano? Yung puso mo? Naku, nagsawa na ako sa banat mo, sobrang panis na." Inunahan ko na siya bago pa siya bumanat. Sa ilang oras din kami nagsama at nabibingi na ako sa mga cheesy niyang mga banat.


"Mali." Sabay nakaw ng halik sa pisngi ko at agad na humarurot paalis bago pa ako makareact at sumigaw ng manyak. Pero sa halip na mainis na lang ay napatawa na lang ako sa mukha niya. Patuloy pa siya sa pagbabye kahit malayo na siya.






=========






Dahil sa pagod napagdesisyunan ko ng umuwi napagod kasi ako at plano ko ng tumakas dito. Pagkalabas ko ng school ay agad akong naglakad pabalik sa bahay namin. Medyo malapit lang kasi yung nilipatan namin mga 8-10 minutes walking distance from school lang kaya super tipid sa pamasahe.


Eksaktong pagkarating ko sa may kanto ng bahay namin nagulat ng lang ako ng makita si Shin na palakadlakad sa harap ng gate namin. Lakad siya ng lakad ng back and forth sa harap ng gate tas biglang hihinto sa tapat ng doorbell at tatankang mag doorbell pero bago pa siya makadoorbell ay titigil siya sabay kamot sa ulo ng para bang ang laki ng problema niya matapos ay magpapalalakad-lakad na naman siya uli.


Nang maka limang cycle na siya sa paulit-ulit niyang lakad ay di ko na napigilan ang sarili kong tawagin siya. Nagmumukha na kasi siyang baliw.


"Ba't di ka na lang magdoorbell? Nagmumukha ka pang baliw sa kakalakad mo sa harap ng gate namin."


Ewan ko ba kung ganun ba ako kapanget para magulat siya ng sobra. Yung tipong dumoble ang laki ng mata niya na para bang nakakita ng multo. At ang pinakamasaklap, nadulas pa siya at napatumba sa sahig. Dahil dun di ko napigilang mapatawa ng sobrang lakas.


"HAHAHAHA!!!" Sa sobra kong tawa ay sumakit na ang panga at tiyan ko. Sobrang nakakatawa kasi siya tignan.


Sinubakan kong tumugil sa pagtawa ng mapansin kong binibigyan niya na ako ng masamang tingin. At dahil sa mabait ako, inabot ko ang kamay ko para tulungan siyang makatayo. Pero medyo galit ata siya kasi di niya pinansin ang kamay ko at tumayo ng lang magisa. Nagkatitigan muna kami bago ko napagdesisyunan na basagin ang awkward na atmosphere.


"A-Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba sa amin?" Mukhang di ata pumasok ang mga Exoduz sa aming foundation day. Di siya nagsalita sa halip ay napakamot lang siya sa tenga niya.


"Pasok muna kaya tayo." Alok ko sa kanya sabay binuksan ko ang gate.


Sa totoo lang kanina ko pa pinipigilang tumawa. Pulang-pula kasi ang tenga niya. Mukhang hiyang-hiya siya sa pagkakadulas niya kanina.


Sumunod na man siya ng tahimik sa akin. Agad ko naman siyang pinaupo sa may salas matapos ay dumeretcho ako sa kusina para maghanda ng juice at cookies para iserve sa bisita. Nung natapos ko ang paghahanda ay agad ko namang sinerve ito.


Mga ilang minuto rin bago niya ginalaw ang pagkain at maiinom niya. Kinbahan nga ako baka sa sobrang taas ng standards ng mga mayayaman ay di niya magustuhan ang pang commoner na pagkain. Sorry na talaga, siya na ang mayaman!


"Why don't you take a seat?" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita at dun ko napansin na kanina pa pala ako nakatayo.


"Okay." Sabay upo ko sa sofa tabi niya.


Tahimik na naman kami. Ang awkward promise!




"So ano ang pinunta mo dito?" Tanong ko sa kanya.


"I'm just making sure that you-I mean everyone of you has move comfortably." Sagot niya.


"Wag kang magaalala wala ka ng obligasyon sa amin. Maayos naman kami dito. "


"How about you?"


"Ako?" Ay hindi yung sofa na inuupuan niyo. Okay binabara ko na ang sarili ko. Nababaliw na ata ako.


"Yes you."


"Okay naman." Tinitigan niya na naman ako matapos ay nakita ko siyang ngumiti ng konti na nagpagulat sa akin.


"Di ko alam na marunong ka rin palang ngumiti." Tukso ko sa kanya. Minsan mo lang makitang nakangiti ito si Shin kaya nakakagulat kapag nakita mo siyang ngumiti. Yung tipong nakakita ka ng multo o UFO.


Bigla siya namula at agad na napatayo pero para bang nakaapak siya ng balat ng saging o di naman ay nahawa siya sa pagkaclumsy ni Mary kasi bigla siyang nadulas. Mabuti nga at nahawakan ko ang kamay niya para hilain siya kaya napatumba kami sa sofa.


Mabuti nga at malambot ang sofa kasi kung hindi baka durog durog na ata ang mga buto ko. Binuksan ko ang mata at laking gulat ko ng makita kung gaano kaawkward ng posisyon namin ni Shin. Sobrang lapit ng mga mukha namin at parang nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso niya. O baka tibok ng puso ko yun.


Gusto kong magsalita o di naman kaya'y gumalaw pero para bang nakaglue ako sa posisyon ko. Randam na randam ko din ang paginit ng mukha ko sa sobrang kaba.




"Will you runaway with me?" Nagulat ako biglang nagsalita si Shin. Anong runaway? Saan? Anong tatakasan namin?


"Ano ibig sabihin mo diyan?" Tinitigan ko siya.


"Things are complicated and its about to be dangerous for all of us and I'm afraid that I'm unable to protect you anymore." Sa expresyon ng mukha niya at tono sa pagsasalita ay randam ko ang lungkot at takot niya.


First time kong makita ang ganitong ekspresyon ni Shin. Yung tono ng boses niya, ang mga tingin niya, para siyang batang takot na takot na iwanan ng mga magulang niya.


"Protect me? From what?"


Bago pa man masagot ni Shin ang tanong ko ay natigilan kaming dalawa ng may marinig kaming tili. Pagtingin namin sa direksyon kung saan nanggaling ang tili ay nagulat kami ng makita sila Mary at Blue na para bang nakakita ng patay na bumangon. At dun ko napagtanton na may di magandang mangyayari.






□■□★□■□

Hello!! I know it's been months (with the capital S!) since last ako nakaupdate. and because of that I'm sincerely asking for you forgiveness my very dear readers. Sorry po talaga. Nawalan lang talaga ako ng time. Super duper busy ko po and ayaw ko naman magud ng basta basta. Gusto ko yung maeffort yung chapter kay lalong natatagalan. I hope you guys understand. Love ko baya kayo lahat from the deepest part of my Hypothalamus <3

So yeah, alam kong nakalimutan na ng iba kaya you'revery free to reread the past chapters. and nashock din ako sa changes ng wattpad! Naibahan talaga ako ng sobra kaya ang tagal ko natapos ang chapter an ito. And ang mas nagpagulantang talaga sa akin is naging MATURE and rating!! di ko naman alam kung alin sa mga nasulat ko ang may mature na content, e halos immature nga ang mag pinagsusulat ko XD oh well sana mabago yan. kakalokang wattpad!

Oh siya titgil na ako kasi alam kong walang nagbabasa ng section na ito kaya sinasayang ko lang ang mga pinatatype ko. Babush until the next update :)

Lovelots, Dyosa Author

PS: hulaan niyo sino yung nasa pic (lol kahit halata na kung sino siya <3 )

Continue Reading

You'll Also Like

289 56 5
Sabi nila kapag bata ka pa raw hindi ka pa pwedeng umibig, hindi pa raw totoo ang nararamdaman ng iyong dibdib, iyong paglukso raw ng iyong puso, at...
121 53 12
Most Impressive Ranking: #schoolmate 10 out of 197 stories by 7'16'20 #christmas 52 out of 771 stories by 7'18'20 (FILIPINO/TAGALOG) .i. .. I'm dream...
38.3K 801 16
"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love...
108K 2.3K 76
HIGH LIGHT RANK ACHIEVE : #4 IN #MASAKIT Alam ko namang bobo ako, pero hindi sa academics. KUNDI SA LOVE. May ganun bang tao? Oo! ako nga diba. LOOK...
Wattpad App - Unlock exclusive features