Academy of Witchcraft and Wiz...

By shentiments

35.5K 696 158

Eretum Ayar Eban Largrande timon akiratum varan estum cabesa idena kurim gaser timon. Kateska oberaa kotum pi... More

Table of Content
Copyright
Dedication
It All Started Here (Again)
Accompany Me
First Kiss
Retreat Surprise
Her Secret Identity
The Bloodline
Untold Prophesy
Confused Heart
Guardian Monster
Assassination Attempt
First Jealousy
Secret Revealed
The Agreement
What is Love
Forbidden Love
Normal World
Undeniable Feelings
Thirst of Blood
Friendship or Love
Truth Hurts
Called Love
Trust Me
Seven
The Punishment
Castor

Infatuation or Mission

442 17 1
By shentiments

Malapit na maghating gabi ng bumalik si Castor sa dormitory, gulat na gulat si Castor ng makadungaw siya sa bintana ng kanyang silid.

"Nazar?!"

Napalingon naman si Nazar sa kanya. May kung anong mahika itong ginagawa. Nakaharap ito sa plangana na may tubig. Nakatitig ito kanina sa bagay na iyon, ni hindi nga nito napansin ang pagdating niya. Sa tingin niya walang depensa si Nazar ng mga sandaling iyomn. Kung may kalaban na darating, malamang ay napahamak na ito.

Nilapitan niya ang kanyang ama amahan. Naupo rin siya sa tabi nito, sa may gilid ng kama niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Castor, siya ang anak ko... siya ang anak ko..."

Maluha luha pa si NAzar habang sinasabi kay Castor ang bagay na iyon. Napatingin naman si Castor sa kumikinang sa harapan niya.

NAkikita niya sa tubig ang isang batang babae habang nakaupo sa kama at may binabasa na libro. Kilalang kilala niya ang babae na iyon.

"Castor, siya ang aking anak.. natatandaan mo ba yun babae na tinulungan natin noon sa kweba?Siya iyon.. siya iyon."

May himig na saya si Nazar habang ikinukwento iyon.

'Alam na niya ang totoo? Sinabi ba ni Miranda sa kanya?'

"Alam ko Castor, kahit ako ay hindi makapaniwala nun sinabi sa akin ni Miranda." Sabi pa ni Nazar

Tumayo si NAzar, hindi ito mapakali. Masayang masaya ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang masayang mukha ni NAzar. NAupo si Nazar sa tabi niya, hinawakan ang dalawang balikat ni Castor.

"Gusto ko siyang makilala Castor.." sabi ni Nazar

"S-sigurado ka ba NAzar? Gusto mong magpakilala sa kanya?" tanong ni Castor

"Oo naman gusto ko.. alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko makita lang ang aking anak.." sabi naman ni Nazar

"Nazar, alam kong masaya ka ngunit kailangan mo muna magtiis..."

"Mag tiis?" sabi ni Nazar. Inalis nito ang kamay sa balikat ni Castor. "Alam mob a ang sinasabi mo Castor? Ang buong akala ko naiintindihan moa ng nararamdaman ko dahil alam mo lahat ng pinag daanan ko."

"Naiintindihan ko Nazar, pero, bibiglain mo siya. Sa tingin mo ba na matatanggap ka niya kaagad oras na sabihin mon a ikaw ang kanyangt ama?"

Natahimik si Nazar. Naupo ito sa kama.

"Kailangan muna natin siyang kaibiganin, ang mabuti pa imbes na sabihin mo sa kanya kaagad ang totoo, kaibiganin mo siya."

NApatingin si Nazar kay Castor.

"Nakalimutan mon a ban a walang ibang nakakaalam na may anak kayo ni Miranda? Oras na may ibang makaalam, siguradong hindi hahayaan ng Dark Lord na mabuhay pa ang anak mo NAzar."

Huminga ng malalim si Nazar.

"Pareho kayo ni Miranda. Hindi nyo nga ako naiintindihan."

"Nazar, kilala mo ako. Hindi ako basta basta gumagawa ng desisyon na hindi ko muna pinag aaralan.. magtiwala ka naman sa akin."

Nakipagtitigan si Nazar kay Castor. Kailangan ni Castor na makumbinsi si Nazar na huwag ipaalam kay Oceane ang lahat.

"Tutulungan kita na makalapit kay Oceane, ngunit ipangako mo sa akin na hindi mo sasabihin ang lahat sa kanya."

Tumahimik si Nazar. Mukhang nag iisip.

"May problem ba?"

Napansin kasi ni Zaiden na tahimik si Oceane, mukhang malalim ang iniisip.

"Huh?"

Napangiti naman si Zaiden sa itsura ni Oceane. Mukhang nagulat pa ito sa kanya.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?"

Naglalakad na sila palabas ng dormitory para sa agahan. Papunta na sila sa dining area.

"N-nakatulog naman ako.." simpleng sabi ni Oceane

'Ano kayang nangyari? Bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon araw na ito?'

Hindi na nangulit pa si Zaiden. Imbes hinawakan niya ang kamay ng kasintahan.

"Nazar! Buhay ka?!"

Gulat na gulat si ALyora ng Makita sa kanyang opisina si Nazar, ang buong akala niya kasi ay patay na ang kanyang matalik na kaibigan. Ilang Segundo rin na nakatulala si Alyora, pagkatapos ay mabilis niyang nilapitan ang kaibigan saka niya niyakap.

"Nazar buhay ka! Buhay ka nga!"

Hinawakan naman ni Nazar ang kamay ng kaibigan.

"Pasensiya ka na kung hindi ako nagpapakita sayo... kailangan kong magtago..." sabi naman ni Nazar

Hinila ni ALyora si Nazar sa sofa para makaupo ito at makapag usap sila ng maayos.

"ANg buong akala ko talaga ay namatay ka na.. kamusta ka na? Bakit nandito sa Academy? May sumunod bas a iyo?" sunod sunod na tanong ni ALyora

"Walang nakakaalam na nandito ako. Binisita ko lamang ang aking anak."

Kumunot ang noo ni Alyora.

"Anak?"

Tumango si Nazar bilang pag sagot ng OO. Hindi nito alam na nagkaroon sila ni Miranda ng anak. Sa una pa lang ay tutol na rin ang kaibigan sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Miranda. Hindi niya alam kung bakit, pero ayaw nito na magkatuluyan sila ni Miranda.

Napansin niya kaagad sa mukha ng kaibigan ang pagkagulat sumunod ay takot.

"Alam kong magugulat ka dahil mo naman talaga...."

"Sinabi mo kanina na dinalaw mo dito ang iyong anak?"

"Oo, dito siya nag aaral."

Noong nakaraang araw, bago niya kausapin si Zaiden Alfiro sa kanyang opisina ay nakatanggap siya ng isang liham. Walang ibang laman ang liham kundi ang "ILAYO MO ANG MGA ALFIRO SA BATANG TAGA IBANG MUNDO. MANGANGANIB ANG BUHAY NG TAGA LUPA ORAS NA MAPALAPIT ANG ISANG ALFIRO SA KANYA."

Pagkatapos noon ay narinig niya sa mga estudyante na nag uusap usap na may babaeng nililigawan ang anak ni Valkoor Alfiro. Hindi naman lingid sa kanya na maraming babae ang nahuhumaling sa maamong mukha ng bunsong anak ni Alfiro.

'Mukhang kilala ko na ang anak ni Nazar..'

---------

"Hi!" sabi ni Castor.

Gulat na gulat si Oceane ng marinig na naman niya ang boses ng batang bampira sa kanyang tenga.

"Magisa ka lang?" tanong nito

"Kasama ko si Zaiden." Sabi naman ng dalaga

"Eto nga pala, para sayo.." sabi naman ni Castor

ISang pulseras ang ibinigay ni Castor sa kanya. Isinuot pa nito ang bracelet na iyon kay Oceane.

"Isa iyang charm para maiiwas ka sa mga bad omens.." sabi naman ni Castor

"Salamat." Sabi na lang ni Oceane

"Castor.." sabi naman ni Zaiden

Nilapitan ni Zaiden si Castor. Diretsong nakatitig sa kanya ang binatang Alfiro.

"Anong kailangan mo sa girlfriend ko?" tanong ni Zaiden

"Kinamusta lang niya ako Zaiden." Sabi naman ni Oceane

"Natatakot ka ba Alfiro?" tanong ni Castor

"Hindi. Wala akong dapat katakutan." Sabi naman ni Zaiden

NGumiti lang si Castor, pagkatapos ay tumingin kay Oceane. Mayamaya pa ay umalis na ito.

"Zaiden.." sabi naman ni Oceane

"Nagseselos ako sa lalaking iyon.." sabi naman ni Zaiden

"Zaiden... tara na.." anyaya naman ni Oceane

Naglalakad na Calin papalabas ng dormitory nila ng Makita niya si Castor na nakaupo lang sa isang bench malapit sa fountain ng mainbuilding. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito doon.

Napahawak na naman siya sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya.

"BAkit naman nakatitig ka sa akin?"

Hindi namalayan ni Calin na nasa harapan na niya ang bampira. Halos ialng inch lang ang layo nito sa kanya.

"H-hindi ako nakatitig sayo.." sabi naman ni Calin

Naglakad paikot sa kanya si Castor habang nakatitig ito sa kanya.

"Anong iniisip mo lobo?"

"Iniisip?"

"Iniisip mo ba na atakihin ako kanina?"

Tumigil sap ag ikot sa kanya si Castor. Nakangiti ito sa kanya.

"Ipinagbabawal ang pag atake sa loob ng Academy. Kung gusto mong atakihin ako, magkita tayo sa labas."

Pagkasabi noon ay nawala na lang sa paningin niya ang bampira.

'Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko mamamatay ako sa tuwing makikita ko siya.'

-----

"Mukhang alam ko na kung anong nangyayari sa iyo Calin.."

"Alam mo?!"

Bahagyang natawa ang Earth Guardian na walang iba kundi si Dhara.

"ANg nararamdaman mo ay infatuation."

"a-ano iyon?"

Imbes na sumagot ay iniwan siya nito.

Dahil sa kakaibang word na sinabi ni Dhara sa kanya, dumiretso siya sa library. Mukhang hindi madaling maging tao. Marami pa siyang dapat malaman.

Namamangha siyang tumingin sa paligid. Hindi ganito ang naiisip niya sa isang silid aklatan. Halos mangawit ang leeg niya sa pagtingala.

"Ang ganda dito noh?"

Napatingin si Calin sa nagsalita. Isang estudyante ang nakatayo sa may pintuan. May hawak itong libro na mukhang luma.

Ito ang babaeng may nakakatakot na aura, ang babaeng nagpahinto sa pagkawag ng kanyang buntot. Unti unting lumapit ito sa kanya, siya naman ay hindi makakilos.

'Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakangiti naman siya sa akin, mukha siyang mabait. Bakit ganito ang nararamdaman ko?'

"Mahilig ka rin ba magbasa?" tanong nito

"Mahilig ako sa libro." Sabi naman ni Calin

"Halika, sabay na tayo magbasa."

Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila papalapit sa isang lamesa. Nang maglapat ang kanilang balat. Nakaramdam siya ng matinding takot. Nanginig ang kanyang tuhod.

Agad niyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ng babae. Mukhang nahalata naman ito ng babae dahil tumingin ito sa kanya.

"Sorry, feeling close ako kaagad. Ako nga pala si Oceane, ikaw anong pangalan mo?"

Hawak ni Calin ang kanyang kamay. NAkatitig siya sa babaeng kaharap. Hindi mapakali ang kanyang damdamin.

"C-calin.. ako si Calin." Sabi naman niya

"Nice name.. maiwan muna kita, may hahanapin lang akong libro."

Pagkasabi noon ay umalis ang babae. Siya naman ay napatingin sa kanyang kamay.

"May problem ba?"

Napatingin na siya sa nagsalita. Asa likuran na pala niya si Oceane, marami itong dalang libro.

'Mababasa ba niya lahat iyon?'

Dahil sa dami ng libro na hawak nito, muntik pang malaglag ang isang libro na hawak nito. Mabilis naman naagapan ni CAlin ang libro. Inalalayan pa niya ito sa paglalagay sa lamesa.

"Salamat ha!" sabi naman ni Oceane

Naupo ito gayun din naman si Calin. Nakatitig pa rin siya sa dalagang kaharap.

"May gusto kang itanong noh?" sabi naman ni Oceane

"Ano yun infatuation?"

"Huh?"

"Isang uri ba iyon ng pagkain? O kaya naman ay hayop? O baka isang pangalan ng halaman?"

SAndaling natulala si Oceane sa mga narinig niya. Nakatingin siya sa babaeng kaharap. Seryoso ito at talagang walang alam sa tinatanong nito sa kanya.

Napangiti siya kahit gusto pa niya na matawa talaga. Pero para di ma offend ang babae kelangan niya maalis ang ngiti sa labi.

"Hrmm." Paglilinis niya sa lalamuna

Nakatitig pa rin ang babae kay Oceane. Seryoso

"Ang infatuation ay hindi pagkain, tao o halaman o hayop..."

"Huh?" gulat na reaksyon ni Calin. "Ano iyon?"

"Infatuation, paano ko ba ma explain... uhm.. isang uri iyon ng paghanga.."

"Paghanga?"

"Yep, crush ganun.."

"Crush?"

"Seryoso ka ba talaga na di mo alam?"

Daqhan dahan na tumango si Calin. Huminga ng malalim si Oceane. Pagkatapos ay napangiti.

'Ang buong akala ko wala ng inosenteng nabubuhay sa mundo...'

"Ang infatuation ay isang paghanga na parang inlove ka.."

"Inlove?"

"Oo, paghanga na may pagmamahal.. basta ganun.."

"Paghanga na may pagmamahal?!" mahinang sabi pa ni Calin

"Grabe pinagpawisan ako dun.. basta paghanga yun.. unang pagmamahal ganun." Sabi naman ni Oceane

Tumahimahimik si Calin na para bang nag iisip.

"Bakit gusto mo malaman kung ano iyon?"

"Yun kasi ang sabi ng Earth..."

"Earth?!"

"Yun ang sinabi ni Dhara.. hindi naman niya ipinaliwanag."

"Ah okay.." sabi naman ni Oceane

Paulit ulit naman na umeeko sa isip ni Calin ang sinabi ng estudyante. Mayamaya ay tinakpan niya ang kanyang bibig

"Patawarin nyo po ako..." sabi pa ni Calin bago takpan ang bibig

"Huh? Patawarin?" tanong naman ni Oceane

"Ipinagbabawal sa amin ang umibig, ang magmahal..'

"Talaga? Bakit? Strict ang parents mo?"

Biglang tumayo si Calin at tumatakbong lumabas ng library.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 655 44
Ikaanim na Konseho Cliché
81.5K 888 15
Academy of Witchcraft and Wizardry Book Three The Beginning (Everything will End) Paano kung may isang nilalang na kayang tumupad ng kahilingan, at b...
999 124 29
Sa buhay natin maraming kababalaghan. Sa paggising man hanggang sa pagtulog ay may iba't ibang karanasan. Sabi nga nila, ang bawat tao ay may malakin...
60.9K 3.1K 40
Ang sabi nila kapag namatay ka may dalawang lugar ka lang na mapupuntahan, ang langit at impyerno. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa pagmulat ng aki...
Wattpad App - Unlock exclusive features