Villiones Series 1: His Forbi...

By Alexxtott

336K 4.6K 202

Ang pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa dam... More

HFP
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Wakas
Notes

Kabanata 25

10K 159 12
By Alexxtott

Hello everyone, this will be the last chapter for this story. Calem and Aurea is one of my hottest story I wrote. To everyone, thank you for supporting their story. See you in their children stories.
---------------------------------

Kabanata 25

Aral

"So this is the girl. Bata pa at... siguradong kaya kang palitan." sinabi ng babae.

Humigpit ang yakap ni Calem sa baywang ko. Napigtas siguro ang hinahawakan na galit. Ngumisi ako at umikot ang mga mata sa babaeng ito. How desperate this bitch!

"Maaaring bata pa ako pero hindi ko kayang palitan si Calem. Ikaw, bakit ka nga ba hindi pinakasalan samantalang ikaw naman pala ang nauna sa akin?" nauuyam kong sabi.

Tumaas ang kilay niya at tumawa ng parang baliw. Damn it. May ganito palang babae noon si Calem. Baliw na ba ito? Parang kalalabas palang sa mental hospital.

"Hindi ako pinakasalan kasi experience lang ang gusto namin noon--"

"And now you're here to get him? Makakaya mo bang makuha sa akin?" malamig kong putol sa kanya.

Umusok ang kanyang mukha. Hinawakan ko ang mukha ni Calem at inabot ang kanyang labi. Hinalikan ko siya habang nakatingin sa babaeng ubod ng inggit ngayon. Tumugon si Calem at mas lalong hinapit ang baywang ko. Huminto ako ngunit pungay na pungay na ang mga mata niya.

"Salamat sa pagtuturo sa kanya, salamat sa experience na binahagi mo, at least nagagamit namin ngayon." nakangisi kong sabi.

Nanlaki ang mata ng babae at umiling-iling na hindi makapaniwala. Akala mo hindi ako magaling sa ganito. If you are bitch, I am more bitches. I can do whatever I want to him because he is mine.

"Wala ka na bang sasabihin? Kung wala na, pwede ka ng mawala sa mundong ito." dagdag ko.

Padabog niyang kinuha ang bag at nanlilisik ang mga matang tumingin sa amin. Tumawa ako at pinakita sa kanya ang kamay kong nagpapa-alam.

"Take care, Auntie. See you in hell." I said sarcastically.

Niyakap ako ni Calem patalikod habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Bumuntonghininga ako ng mawala ang babae sa office. Tinanggal ko ang braso niya sa baywang ko at naglakad palayo sa kanya. Nang tinignan ko siya, nagtataka at napupuno ng pagsusumamo ang mga mata niya.

Umupo ako sa sofa at huminga pa ng malalim. Lumapit siya at umupo na rin sa tabi ko. Hindi ko siya binalingan. Nanatili akong tahimik. Naramdaman ko ang kanyang braso sa likod, unti-unting yumayakap sa akin.

"Hey, baby. I'm sorry." marahan niyang sabi.

Hindi ko siya nilingon. Tahimik ako at handa siyang pakinggan.

"Pasensya na sa naabutan mo. I was so worried because I can't contact you. Handa na sana akong umuwi ngayon para malaman ko ang kalagayan niyo. I wasn't able to inform you that I will not be home because of so many paperwork to do. Hindi ko namalayan ang mga oras kahapon at kulang ako sa tulog kasi gusto kong tapusin lahat para makauwi ako." he explained.

Nakanguso na ako dahil sa kanyang sinasabi. Focus ang paningin ko sa portrait kong nasa gilid. May larawan pala ako dito. Walanghiya!

"Tinawagan ko si Therome, hindi naman niya ako sinasagot. Pero alam mo baby may sasabihin ako sayo. Nakita ko sa isang restaurant si Therome kahapon, may kasamang ibang babae. Inisip kong baka pinsan niyo pero may kutob akong hindi rin." aniya na nagpakuha ng atensyon ko.

Kumunot ang noo ko. What the hell? Is this true? Anong gagawin ni Therome sa isang restaurant na ibang babae ang kasama? Hindi naman siguro business partner? Fuck! Mas lalong lumakas ang kutob ko dahil sa sinabi ni Calem. Paano kung tama nga talaga ako? Paano kung talaga ngang may ibang babae si Therome? Paano kung nangaliwa siya? Anong gagawin ko? Anong pwede kong matulong upang mapigilan ang kanilang paghihiwalay?

Hindi ko kayang makita na masira ang masaya nilang pagsasama. Hindi ko kayang makita na masaktan si Marguz. Goodness, ang bait-bait ng kaibigan ko. Nasa kanya na ang lahat kaya bakit gagawin pa 'to ni Calem? Bakit kailangan niya pang maghanap ng ibang babae? Para ano pa? Para dumami ang experience? Para kapag iniwan, challenge na pabalikin? Ganoon ba?

Pero hindi naman siguro gagawa ng kasalanan si Therome kung masaya pa siya kay Marguz diba? Hindi maghahanap ng iba ang pinsan ko kung masaya pa siya. Bakit? Anong kulang? Anong rason upang humantong sa ganoon? Anong kulang upang maghanap ng ibang babae?

"Are you sure about that, Calem?" paninigurado ko.

He sighed. Dahan-dahan siyang tumango bago ngumiti ng malungkot. Napalunok na talaga ako.

"Siguradong sigurado ako, Aurea. Nagulat nga rin siya sa akin ng makita ako e. Wala naman sigurong kambal si Therome?" he said.

Napaiwas ako ng tingin. Tangina! May maghihiwalay talaga nito! Siguradong kapag malaman ni Marguz ang lahat, walang ibang mangyayari kundi hiwalayan. Pero hindi pa naman ako sigurado. Hindi pa ako sure kung ibang babae ba talaga 'yon ni Therome!

"I need a proof. Hindi ko pwedeng basta nalang sabihin kay Marguz gayong walang pruweba." nanghihina kong sabi.

Tumayo siya at lumapit sa lamesa niya. May kinuha siyang envelope at bumalik sa akin upang ibigay. Naguluhan ako dahil bakit niya binibigay sa akin ang envelope ngunit tinanggap ko nalang din. Umupo ulit siya sa tabi ko at tumingin sa akin.

"Open it, Aurea. Nasa loob nyan ang katibayan." aniya sa malalim na boses.

Nanginginig ang kamay ko ng binuksan ang envelope. Unang nakita ay ang mga pictures na labis kong kinagulat. Maging sa larawan ng mga babae, gulat na gulat ako. Putangina talaga ni Therome! Kilala ko ang babaeng ito! Ito yung naging matagal niyang girlfriend noon sa America! This girl is Roselle Wright, half American and half Filipino.

Naluluha ang mga mata kong tumingin kay Calem. Sawing-sawi ang puso para sa kaibigan ko. Oh my God! Bakit nagawa 'to ni Therome! Bakit niya pinagpalit si Marguz sa babaeng ito! Ang alam ko, ayaw ni Tita sa babaeng ito dahil masama ang ugali. Paanong bumalik at nagkita ulit sila?

"M-my best friend deserve the best, Calem." nanginginig ang boses ko.

He sighed. Niyakap niya ang katawan ko. Agad kong sinubsob ang mukha sa kanyang leeg habang walang tigil ang luha sa pagtulo. Hindi ko kayang ganito ang kahahantungan ng dalawa. Hindi ko kayang makita na mawalay sila sa isa't-isa. Hindi ko kayang makita na mawasak si Marguz dahil lang sa walang kwentang kagagawan ni Therome!

"It's their problem, baby. Kung ano man ang mangyari, let's just be it happen." he said sadly.

I wipe my tears. Wala naman akong magagawa kundi sabihin ito kay Marguz. Hindi ko naman pwedeng itago ang katotohanan na ito. Mas mainam na sabihin sa kaibigan ko ang lahat bago niya malaman sa ibang tao. Ang hirap lang sa sitwasyon kasi pinsan ko at kaibigan ko. Pero alam ko ang tama, kaya sa tama ako papanig.

"Let's go. Kukunin natin ang kambal dahil gusto ko ng umuwi."

Nilakasan ko ang loob habang nasa loob pa rin ng kotse. Nakarating na kami sa harap ng bahay nila. Tumingin ako kay Calem, he was serious.

"Kailangan na nating lumabas upang makuha ang mga bata. I miss them already." sabi ni Calem habang nakatitig sa akin.

Huminga ako ng malalim bago tumango ng dahan-dahan. Ipipihit ko na sana ang pinto ng marinig ko ang galit na sigaw ni Marguz mula sa labas ng gate nila. Napatingin kami doon, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kaibigan na pulang-pula sa galit, bitbit ang isang maleta at umiiyak habang kaharap si Therome. Oh my God! Mabilis akong lumabas upang puntahan sila.

"S-SABI KO NA E! NUNG UNA HINDI AKO NANIWALA KASI NAGTIWALA AKO SAYO! HINDI AKO NANIWALA SA NARARAMDAMAN KO KASI TANGINA...MAHAL KITA AT AYOKONG MASIRA ANG PAGSASAMA NATIN! PERO SHIT, KITANG-KITA NG DALAWA KONG MATA, THEROME!" buong pwersang sigaw ni Marguz.

Natigilan ako sa galit ng kaibigan ko. Natulala si Therome na para bang natauhan sa lahat ng nangyari. Naramdaman ko sa likod si Calem, niyakap ang baywang ko at hindi ako hinayaan na makalapit.

"KITANG-KITA KO ANG PAGHAHALIKAN NIYO! KITANG-KITA KO KUNG PAANO KA PUMAYAG SA KANYA! TANGINA LANG! N-ni kailan hindi ko nagawang humanap ng iba kasi committed ako sayo! Kasi totoo kitang minahal at handa akong maging loyal sayo! Ni kailan, hindi pumasok sa isipan ko na maghanap kasi nandito ka, kasi kasal tayo!" Marguz said while tears flowing.

Shit! Ang sakit na marinig ng mga ito sa kaibigan ko. Mabait, loyal, committed at tunay ang pagmamahal. Tapos ganito lang ang ginawa sa kanya ni Therome. Ito lang ang binalik sa kanya ng pinsan ko. Hindi ko 'to kayang makita at marinig. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko.

"K-kitang-kita ko kung paano ka mangulila sa kanyang halik, T-therome. Kitang-kita ko kung paano ka tumingin sa mga mata niya. Ang h-haplos, ang titig, ang ngiti. Lahat ng 'yon nagsasabi na siya ang una at ako ang pangalawa lang." she said painfully.

Sinubukang hawakan ni Therome ang palapulsuhan niya ngunit umatras si Marguz at malungkot na ngumiti sa pinsan ko. Fuck! Ang sakit-sakit ng tagpong ito! Hindi ko makayang marinig ang boses ni Marguz.

"I-i was never your great love. I was just your rebound to rebuild yourself so when she came back, you are ready for her..." my best friend said sadly.

Kitang-kita ko ang pagtulo ng napakaraming luha sa kanyang mga mata. Nakita ko rin kung paano umiling si Therome na para bang sa kanyang pag-iling, mawawala lahat ng kanyang ginawa kay Marguz. My best friend smile sadly and tiredly.

"B-binuo kita...dinurog mo naman ako," she said painly as she walk fast away from Therome.

Humabol pa ang pinsan ko ngunit hindi niya nahawakan dahil mabilis na nakasakay si Marguz sa taxi. Niyakap ako ni Calem ng mahigpit, sinasabi na magiging maayos din ang lahat. Lumabas ang kambal at nakita kami. Mabilis na tumakbo si Cleya palapit sa amin kaya humiwalay si Calem at sinalubong ang anak namin.

Napahinga ako ng malalim at tinignan ang pinsan kong nanghihina. It's his fault. Kung hindi siya nagloko, hindi mangyayari ito. Kung hindi niya nagawang mangaliwa, hindi mawawala sa kanya si Marguz. Ito ang kasalanan niya, at nawa'y maging aral sa kanya na ang pagpasok sa pakikipag asawa ay seryoso at committed sa isa't-isa.



---

© Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

23.8K 326 65
Buong akala ni Azariah na magiging masaya ang pagsasama nila ni Damon bilang bagong mag asawa pero magiging impyerno pala ang buhay niya kasama ito...
47K 1.8K 59
45.6K 1K 23
Lorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love becam...
Wattpad App - Unlock exclusive features