Her Savior

Galing kay Pijei_bi

1M 38.2K 9.2K

ProfessorxStudent Story!!! Higit pa

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 - END
Author's Appreciations
SC - The Epic & Unexpected Proposal
Not an update

Chapter 22

15K 637 446
Galing kay Pijei_bi

Lunes na ngayon, at may pasok na naman. Okay na rin ang panahon mula kahapon dahil hindi talaga tumigil ang ulan mula nung huwebes na nakitulog ako.

Actually, siguro dalawang oras lang ang tulog ko noong kila Miss Harper ako natulog dahil hirap na hirap akong makatulog.

Halos hindi ako makagalaw o huminga man lang dahil natatakot akong magising ko si Miss. Baka magulat nalang ako at mainis ito, tapos sisipain ako pababa ng kama.

"London!"

Nagawi ang tingin ko kay Rei na tumatakbo ngayon palapit sa akin. Hindi nanaman to pumasok ng first subject niya.

"How are you? How's your visit to Miss Turner?"

Heto nanaman siya sa pamanlokong ngisi niya. Inikutan ko lang siya ng mata at nagderetso ng lakad.

"Okay na ba siya?" Dagdag pa nito.

"Duh! It's been few days, Rei. Isn't it obvious na okay na siya? Siguro naman mahihiya din yung sakit niya na manatili pa sa tagal niyang pagbisita kay Miss no?" Mataray ko na tanong sa kanya na ikinatawa niya.

"Alam mo ika--"

"Hindi pa." Pagputol ko sa sasabihin niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisian ko lang siya.

"Epal. Tsk!"

May pagkapikon din tong babaeng to e. 😂

Mabilis na natapos ang unang klase namin ngayon, kaya vacant nanaman ako while Rei has her next subject.

Papunta ako sa garden ngayon at doon muna ako tatambay dahil mukhang tahimik naman yung pinagpupwestohan ko doon.

Tama nga ako. Iilan lang ang mga estudyanteng nasa labas dahil oras pa ng klase.

Kauupo ko palang ng maramdaman kong nag vibrate phone ko. May nag text.

From: Miss HARTper 🤍
"My office. Now."

Mabilis akong tumayo muli at naglakad papunta sa office ni Miss. Vacant din ata niya ngayon. Pansin ko lang dahil ilang lunes na kapag vacant ko ay pinapapunta niya ako sa office niya.

Miss na ata ako ni Miss at gusto akong makita.

Pagdating ko ay kumatok muna ako at nang narinig ko itong nagsalita ng come in ay saka pa lang ako pumasok.

"Miss?" Tawag ko sa kanya dahil gaya ng lagi niyang ginagawa ay seryoso itong nakaharap sa laptop niya at may ginagawa ng kung anu-ano.

Umangat ang tingin niya sa akin. Tumayo ito at lumapit. Nagtaka pa ako dahil parang may gusto siyang sabihin o gawin pero nagdadalawang isip siya?

Uupo na sana ako sa couch pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila at niyakap.

W-what the?

S-she's hugging me. She hugged me.

Hindi ako makagalaw. Mukhang nakalimutan ko na ring huminga dahil sa bigla.

I literally froze.

"M-miss--"

"I miss you" mahinahong saad nito na nagpalambot sa katawan ko.

Yung puso ko din, heto nanaman at nagkakarerahan sa bilis ng tibok.

Tang ina, mga mare! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kikiligin ba ako o ano?

Miss daw ako ni Miss Harper.

Don't tell me, she has feelings for me too?

Oh my gosh!

Bago pa ko tuluyang mawala sa sarili ay humiwalay na si Miss sa akin at bumalik sa upuan niya.

Sinundan ko lang ito ng tingin dahil para na akong naestatwa dito sa kinatatayuan ko.

"Breath. That's Brielle's favor."

Bumalik naman ako sa sarili ko ng marinig ko ito

"H-huh?" Naguguluhang tanong ko. Ano raw?

"Brielle said to me to hug you and say I miss you for her and if not, she'll get mad at me. Don't assume too much." Sagot nito at nginisian pa ako.

Hindi ko mapigilang mapanganga sa narinig.

Put-- King ina!

So hindi niya ako miss? Tang ina talaga!

Umasa ako mga mare!

Ouch! Kala ko naman mula sa puso niya yung pagyakap at pagsabi ng "I miss you."

Minsan talaga, nakakainis si Briell e. Joke. Mahal na mahal ko yung batang yon kahit ganon yon.

"Tsk." Singhal ni Miss Harper ng makita niya akong napasimangot at nagdabog na umupo sa couch.

Isa din siya e. Kung sana sinabi niya agad na utos pala ni Brielle yon, edi sana hindi ako umasa diba?

Paasa amp.

Nakita ko itong napangisi ulit ng madako ang tingin niya sa akin pero inirapan ko lang siya.

Tignan niyo? Iniinis pa ako. Ang galing diba?

"Here." Salita niya bigla kaya napatingin muli ako sa kanya. May inilapag siyang malaking paper bag sa table.

"Ano po yan?" Mahinahong tanong ko dahil kahit inis ako ay teacher pa rin namin siya. Tsaka hello? Si Miss Harper yan. Baka magulat nalang ako sipain ako nito palabas pag tinarayan ko siya ng bongga.

Also, baka hindi nanaman yan para sa akin, edi umasa ulit ako, diba?

"Why don't you look it yourself? It's Brielle's pasalubong for you. She said you'll love it cause it's your favorite."

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay agaran akong tumayo at kinuha ang paper bag at tinignan ang laman nito.

Nawala ang inis na nararamdaman ko kanina nang makita ko ang laman ng paper bag at napalitan iyon ng tuwa at malawak na ngiti

"A lego! A HOGWARTS lego! Oh my gosh!" Bulalas ko at basta nalang umupo sa sahig kung saan ako nakatayo kanina at sinuri ang lego na bigay sa akin ni Brielle.

Damn, Man! Alam niya kung anong gusto at paborito ko.. Minsan kasi kaming nagkwentuhan nang wala ang mommy niya at nakwento ko na love na love ko ang Harry Potter. Hindi niya raw yon alam pero panunuorin at babasahin niya raw pag may time siya.

Anyways.. ano to? Suhol? Para mommy niya lang magustohan ko? HAHAHAHA.

"Stand up, Mackenzie. Sit on the couch, not there. It's dirty."

Tumango lang ako kay Miss at tumayo. Pinagpag ko muna ang pwetan ko bago ako umupo sa couch.

"Such a kid." Bulong ni Miss pero dinig ko naman. Hindi ko yon pinansin at sa lego pa rin ang atensyon ko.

"Dammmmnn. I wanna open it now." Bulong ko din sa sarili ko dahil gustong gusto ko na itong buoin.

"Open it, then." Nagulat ako dahil sa pagsabat ni Miss. What? Narinig pa niya yon?

Umiling ako dito at kumamot ng ulo. "Baka po kasi magkanda wala ang mga parts kapag po binuksan ko ngayon, tapos iuuwi ko rin naman mamaya." Sagot ko dito at ngumiti pa.

"You can finish it here first before take it home."

"Eh? Di ko naman po ito agad matatapos Miss--"

"You have lots of vacant time everyday, Mackenzie. Just go here even I have class. I don't mind."

Huwaaat? Tama ba yung narinig ko? Pinapayagan niya akong tumambay dito kapag vacant ko?

Hindi na ba siya nagpapaasa? Seryoso na ba siya?

"I-it's fine lang po, Miss. I can w-wait naman po hanggang mama--"

"Do I need to repeat myself, Mackenzie?" Pagputol nitong muli sa sasabihin ko.

Ang lamig nanaman ng boses niya kaya mabilis akong umiling at ngumiti nalang ng pilit.

"Good." Mahina pang saad nito pero narinig ko naman. Kaya hindi ko mapigilang mapairap sa isipan.

Feeling ko talaga aso na ang tingin sa akin ni Miss. Pinapasunod niya ako lagi.

"You can start building that." Oh diba? Nang-uutos nanaman.

Pero dahil excited nga ako ay tumango nalang ako at malawak na ngiti ang nasa labi ko habang binubuksan ang lego.

Dahan dahan ko pa itong binubuksan dahil ayaw kong masira ito at ito ang kauna-unahang regalo sa akin ng anak ko-- este, anak ni Miss na magiging anak ko rin soon. Hehe

Pagbukas ko ng box ay isa isa kong inilabas ang mga parts ng Hogwarts na hiwa-hiwalay na naka plastik at isa isa ko din itong tinignan.

Hindi mawala yung ngiti ko at pilit na pinipigilan ang pagtili ko dahil sa excited. 

Pinicturan ko muna ang lahat bago ko ibinalik ang mga hindi pa magagamit dahil uunahin ko yung unang part of course..

Napatingin ako kay Miss ng bigla itong tumayo at lumapit dun sa isang kabinet niya dito sa office.

Hinayaan ko na siya at binalik na muli ang pokus sa laruan.

Dahan dahan kong binuksan ang unang plastik dahil baka kapag binigla ko ay magsihulugan ang mga parts at ako din ang mahihirapan sa paghanap.

"Here." Muli ay napatingin ako kay Miss ng bigla itong magsalita at inilapag ang isang hindi kalakihan na lalagyan sa centered table kung saan ako nakapwesto ngayon.

Nakaupo na rin ako sa sahig dahil mangangawit ako kung sa couch uupo tapos kapantay lang ito ng centered table.

"Thank you po." Saad ko at nginitian siya saka ko doon dahan dahan inilagay ang mga parts para hindi sila mahulog o basta basta mawala.

Umalis na ito muli pero maya maya lang ay bumalik nanaman.

"Use this." Muling utos niya at inabot sa akin yung throw pillow.

Ay wow. Pinagsisilbihan ako ni Miss. Kung humingi din kaya ako nga maiinom no? Ay joke. Bad yon, baka itapon yung lego. Hehe.

"Thank you po." Muling saad ko at kinuha yung throw pillow at ipinatong ko sa legs ko dahil naka indian sit naman ako.

"Idiot, sit on that, so your skirt won't be get dirt." Mataray na sabi niya, kaya napakamot nalang ako ng ulo.

Malay ko ba diba? Wala naman kasi siyang sinabi agad.

"Ha. Hehe. Sorry po." Sagot ko nalang at lumuhod muna at inilagay ko yung unan sa banda kung saan ako uupo. Pinagpag ko muna muli ang pwetan ko bago ako umupo.

Better. Mas malambot din. Hindi sasakit pwet ko.

Bumalik na si Miss sa upuan niya at nagsimula nanaman magtipa sa laptop niya. Magkaharap kami ngayon pero kahit ganon ay hindi nawawala akong pokus ko sa pagbuo.

Saka ko na siya tititigan, marami pa namang tiem doon. For now, sa lego muna ako.

Inumpisahan ko na ang ginagawa ko at every step, of course ay sunusundan ko yung book na may instruction.

Napapansin ko ding maya-maya ang pagtingin sa akin ni Miss pero hinahayaan ko lang siya. Hayaan ko muna siyang namnamin niya ang kagandahan ko. HAHAHAHA.

King ina. Humangin.

Malapit na akong matapos sa unang part ng magulat ako sa biglaang pagsinghal ni Miss at inalis yung Blazer niya at lumapit sa akin.

Walang sabi sabing ipinatong niya ito sa hita ko at pagkatapos ay masama niya akong tinignan.

Napalunok naman ako dahil sa ikinikilos niya. Problema ba nito? Parang kanina lang, okay siya, tapos ngayon, masama nanaman kung maka-tingin.

"Don't test me, Mackenzie. I might kill you now."

Parang nanggigigil pang saad nito bago lumayo sa akin at dumaretso sa CR niya dito.

I was a bit startled too nung pabagsak niyang isarado ang pinto. Nabitawan ko pa nga ang hawak kong isang pyesa at buti nalang ay nasapo ko.

Pero...

A-ano raw? Test her? Bakit? Ano bang ginawa ko? Bumubuo lang naman ako ng lego dito ha? May ginawa ba akong hindi niya gusto?

Tsaka.. para saan ba itong blazer niya?

Hindi ko nalang ito pinansin at bumalik na ulit sa pagbuo. Hindi ko na rin tinanggal yung Blazer niya at baka masapak na ako ng dragon.

Tinignan ko ang oras at maga-alas dose na. Kaya pala parang nakakaramdam na ako ng gutom.

Bumukas ang pintuan ng CR at lumabas na doon si Miss na parang bagong hilamos. Mejo basa pa kasi ang kilay at pilik mata niya kaya alam ko.

Nakita kong pinasadaan niya ng tingin ang blazer niya na hindi ko tinanggal. Nang alam kong sa mukha ko na siya titingin ay umiwas na ako at baka tarayan nanaman niya ako.

Bumalik ito sa pagkakaupo niya but this time, hindi siya sa laptop nakapokus, kundi sa phone niya.

Hinayaan ko na siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Makalipas ang sa tingin ko ay 15 minutes ay may kumatok sa pintuan. Tatayo na sana ako para pag buksan kung sino man iyon pero naunahan na ako ni Miss at siya na ang lumabas.

Nang pumasok siyang muli ay may dala na itong pagkain na sa tingin ko ay pinadeliver niya.

"Come here. Let's eat." Malamig na sabi nito.

Kakain kami? Sabay kaming kakain? Niyaya niya ako? Seryoso siya? Hindi yon prank?

"Mackenzie!" Inis na tawag nito sa akin kaya dali dali akong tumayo at lumapit sa table. Iniwan ko na muna yung blazer niya sa couch at kinuha yung bag ko para kunin ang baon ko at inilapag na dun sa table niya.

Kinuha ko muna yung chair sa tabi at saka umupo.

Woah. Ang dami niyang inorder. Mauubos ba niya lahat to? Sabagay, heavy eater naman siya.

Tinanggalan ko na ng takip yung mga baon ko at mags-start na sana kong kumain ng magtanong bigla si Miss.

"Who cooked that?"

"Eh?" Naguguluhan kong tanong dahil bakit naman pati kung sino ang nagluto sa baon ko ay tinatanong niya.

"S-si Leigh po Mi--" bago ko pa matapos ang sagot ko ay kinuha na niya ang mga baonan ko at pinalitan ng plato niya at nilagyan niya iyon ng pagkain na inorder niya.

"Eat these instead." Malamig na utos niya.

"M-miss sayang naman po yung bao--"

"I'll give it to Lala later. Don't worry."

Lala? Sino namang Lala ang sinasabi nito?

"Who's Lala?"

"Brielle's dog." Simpleng sagot niya na nagpaawang ng bibig ko.

What the?

"M-miss--"

"Just eat, Mackenzie, or else I'll throw those lego." Pagbabanta niya sa akin at tinuro pa yung binubuo ko kaya wala akong nagawa kundi ang kumain ng mga binigay niya sa akin.

Bakit ba kasi nasasaktong sa twing pinagluluto ako ni Leigh ay siya rin pagsabay ko ng pagkain sa kaniya?

Sa amin kasi siya natulog kagabi dahil nagpatulong si kuya dun sa hindi ko alam kung ano. And then kanina, naabutan ko pa siya at sinabing siya na raw magluluto ng babaunin ko kaya pumayag na ako.

"Eat more." Utos niyang muli. Tsk.

Ikaw kainin ko e.

~~~~~

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.3K 152 21
"Just like the rubiks cube, life can be complex and challenging."
16.2K 647 29
After two long years, Autumn accidentally saw Khaine at the mall and was astounded seeing her alive and well. She is the woman Autumn has been waitin...
22.3K 604 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
298K 9.1K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...