Theft of Heart (COMPLETED)

By Silent_Penny

67.6K 1.7K 78

Mahal ko siya. ~Her Pero mas mahal kita. ~Him May mga taong naunang dumating, pero hindi mo malalaman kung si... More

Author's note
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5- (SPG)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11- (SPG)
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21- (SPG)
Chapter 22- (SPG)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27- (SPG)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32- (SPG)
Chapter 33- (SPG)
Chapter 34- (SPG)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37- (SPG)
Chapter 38- (SPG)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43- (SPG)
Chapter 44
Chapter 45- (SPG)
Chapter 46
Chapter 47- (SPG)
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Special Chapter 1
Special Chapter 2- (SPG)
Author's note

Chapter 9

825 28 0
By Silent_Penny

Bamse bear.

"Dela, nagugutom ka na ba?" Tanong ni Yosef habang naglilibot-libot kami dito sa loob ng mall.

Nakahawak kami ng tig isang ice cream.

Sinundo niya ako kanina sa bahay para sa date namin ngayon.

"Hindi pa, ikaw nagugutom ka na ba?" Tanong ko pabalik.

Nagtatanong ako e siya naman ang may gastos lahat.

Nakakahiya...

"Hindi rin hanggat hindi ka pa gutom." Ngiting sagot niya.

Tumingin siya saakin at huminto kaya napahinto rin ako.

Lumapit siya at iginaya ang kamay papunta sa gilid ng labi ko.

Dumikit ang hinlalaki niya sa gilid non.

"Ang kalat mo kumain." Natatawa niyang sambit.

Namula maman ako.

Napaka gentleman talaga nito...

"Sa-lamat." Nahihiyang ani ko.

Ngumiti lang siya tsaka kami naglakad-lakad ulit.

May mga bitbit itong pinamili namin.

Pinagsukat niya ako ng mga damit kanina, kahit ayoko ay pinilit ako nito.

Puro mamahalin iyon...

May nakita kaming upuan na sana gilid.

Naupo kami rito, ibinaba niya ang dala at may inilabas sa bulsa.

Cellphone...

"Picture tayo." Aniya saka ito ini-on ang cam.

Inayos nito ang salamin sa mata.

Umayos din ako ng upo, pagkatapos ay tumingin sa camera at ngumiti ng matamis.

Naka ilang shoots kami.

Nagtawanan pa kami sa pustura naming nasa screen.

Napatigil kami ng may tumayo sa harapan namin, kaya itinaas ko ang tingin ko maging si Yosef.

Si Yaser.

Prisente itong nakapamulsa habang nakababa ang tingin sa'amin ni Yosef.

Naka white shirt ito at maong short at white shoes.

"Babe! Sabi ko sayo antayin mo ako diba?" Nagtatampong boses ni ate na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.

"Oh, kuya. Bakit ka nandito?" Tanong ni Yosef saka ibinulsa ulit ang phone.

"Bakit? Bawal na ba ako dito sa mall?" Pabalang niyang tanong pabalik.

Tumikhim ako.

"Nandito din pala kayo, Yosef." Singit ni ate na nakapulupot na ang braso kay Yaser.

"Ah, oo. Dito kasi namin napiling magdate nitong si Dela." Sagot ni Yosef saka inaayos ang salamin.

Kinuha ni Yosef ang mga pinamili namin saka tumayo.

Kaya tumayo din ako.

Umiiwas ako ng tingin kay Yaser na malamig na nakatitig sa'kin.

Sarap sundutin ng mata niya...

Lumapit lalo sa'kin si Yosef at iniakbay nito ang libreng braso sa balikat ko.

"Saan kayo ngayon?" Tanong niya sa mga ito.

"Kung saan kayo, dun din kami." Simpleng sagot ni Yaser.

"Diba, manonood tayo ng cine?" Singit ni ate.

Binalingan naman niya ito ng tingin.

"Maaga pa para manood." Malamig niyang sagot.

Sumimangot naman si ate.

"11:30 yung gusto kong panoorin." Angil niya.

Kinalabit ko si Yosef ng pasimple kaya napatingin sa'kin ito.

Tiningnan ko siya ng "Tara na" tingin.

Tumango naman siya.

"Kung ganun, manood ka mag-isa." Sagot nito kay ate.

Hindi naman naka imik si ate at hindi na sumagot pa.

"Mauuna na kami sa inyo." Paalam ni Yosef.

Tumaas ang gilid ng labi ni Yaser.

"Sige, Tara na?" Sarkastikong tanong nito.

Napahinto naman si Yosef ng ilang segundo

"Ayaw niyo? Double date." Dagdag nito.

Tumingin muna sa'kin si Yosef, tiningnan ko lang naman siya. Hindi ko naman alam kung anong irereact.

"Mamaya na kayo magtitigan." Untag nito.

Wala kaming nagawa ni Yosef kundi ang isama sila sa date namin.

Pumasok kami sa Arcade.

"Sa claw machine tayo." Yaya ni Yosef saka hinawakan ang kamay ko papunta roon.

Ramdam ko ring sumunod sila ate.

"Wala pa pala tayong tokens, wait lang." Paalam niya kaya tumango naman ako.

Nilapitan ko ang machine.

Nakakuha ng atensiyon ko ang isang Bamse bear, ang cute...

Nagulat ako ng saligin ako ni ate kaya muntik na akong ma out off balance.

Tiningnan ko lang siyang diretso ang tingin sa machine.

Umabante nalang ako paside at hindi na nagreklamo pa.

"Babe, gusto ko nung Bamse bear... Kunin mo para sa'kin please." Pagpapacute na boses ni ate habang nakatingin sa gusto kong bear.

Huminga ako ng malalim.

Inilingalinga ko ang paningin sa loob nitong arcade at nahinto ang mga mata ko kay Yaser na nakatitig sa'kin.

Ano bang problema niya?

"Gusto mo non?" Tanong nito, pero sa'kin nakatingin.

"Oo, please..." Sagot ni ate saka lumingon kay Yaser.

Ako naman ay iniiwas ang tingin.

"Bumili ka ng tokens kung ganun." Rinig kong sambit niya.

"Oh, eto. Pera." Dagdag nito.

Hindi ko na narinig na sumagot si ate at naramdaman nalang itong naglakad.

Tumingin muli ako sa machine.

Gusto ko din nung bear, pero iisa nalang...

Pero, okay lang.

Napaiktad ako ng may humaplos sa baywang ko.

Bumaling ako sakanya...

Inihakbang ko ang paa paside, pero sumunod ito habang pasimpleng tumitingin sa machine.

"I asked you if gusto mo ng Bamse." Paos niyang sambit.

Hindi ako umimik.

Lumingon-lingon ako sa paligid.

Bakit ba ang tagal ni Yosef?

"Wag kang mag-alala mamaya pa sila." Bulong niya.

"Gusto mo ng bear na iyon, right? Kukunin ko para sayo." Buong boses niyang sabi.

Kaya itinaas ko ang tingin sakanya.

At umiling...

"Hindi naman yun ang gusto ko, si ate ang may gusto non." Sagot ko para manahimik na ito.

Inihawak nito ang daliri sa labi at pinaglaruan.

"Kung ganun, saan diyan ang gusto mo?" Tanong muli niya.

Umiwas na ako ng tingin dahil kulang nalang hindi na ito kumurap.

Tumikhim ako.

"Alam na iyon ni Yosef. Kaya wag ka ng mag-abalang magtanong pa." Sambit ko.

Hindi siya umimik ng ilang segundo.

"Pwede mo rin namang sabihin sa'kin kung anong gusto mo, hindi ba pwede iyon?" Malamig niyang tanong.

Hindi nalang ako umimik pa at lumipat sa ibang side ng machine.

Maya-maya pa dumating na sila at nakabili na ng tokens, marami raw ang pila kaya medyo natagalan sila.

Unang sumubok si Yosef, at tinanong kung anong gusto ko. Itinuro ko nalang ang isang cat bear, dahil baka magdiloryo si ate kapag sinabi kong gusto ko ng bamse.

Naka sampung tokens na ito pero sablay parin.

"Alis nga diyan. Ang tagal." Maangas na sambit ni Yaser saka tinabig si Yosef.

Kita ko pang dumaan ang inis ni Yosef sa mukha dahil sa pagkakatabig ng kapatid.

Hinawakan ko nalang siya sa braso.

"Mamaya nalang tayo..." Bulong ko.

Inayos nito ang salamin at umarko ang ngiti sa labi niya at tumango.

Kinukuha ni Yaser ang Bamse...

"Babe, kaya mo yan. Para sa'kin..." Pagchecheer ni ate at yumakap pa ito sa balikat ni Yaser.

"May daya yata tong punyetang machine na to." Kunot noong sambit ni Yaser habang sunod-sunod na nagpapasok ng tokes.

"Kuya, isa-isa lang. Mauubusan kayo ng tokens." Singit ni Yosef.

Pero hindi nito pinansin ang kapatid at itinuon muli ang seryosong atensiyon sa machine.

Makalipas ang ilang minuto, ay hindi parin niya makuha-kuha.

Nakakangalay na kakatayo.

Tumingin kaming tatlo sakanya ng umayos ito ng tayo.

Napaiktad pa ako ng walang pasabi nitong sipain ang machine!

"Kuya, masisira yan." Anunsiyo ni Yosef.

Pero patuloy lang si Yaser sa pagsipa.

Mariin pa itong kinagat ang pang ibabang labi dahil sa inis.

"Babe, Tama na!" Pang-aawat ni ate na pinipilit hawakan ang braso nito.

Tumingin ako sa paligid na nasa amin na ang atensiyon.

Sunod-sunod ang pagkalabog ng machine.

May mga staff na lumapit sa gawi namin dahil hindi mapatigil si Yaser.

"Sir! Masisira po yan!" Sigaw nung isang lalaking staff.

Huminto si Yaser, biglang umarko sa pustura nito ang mahinang pagtawa. At humarap sa nagsalita.

"Dapat lang na masira ang isang to, alam mo kung bakit?" Nanlaki pa ang mata niyang naka ngisi.

"Kuya..." Bantang boses ni Yosef.

"Bulok yang machine niyo! Akalain mo yun? Naka-ubos ng 1k tokens. Hindi parin nakukuha yung gusto kong kunin." Magkahalong tawa at inis ang nasa pustura nito.

Nakakatakot na din siyang tingnan dahil sa ipinapakita niyang emosyon ng dahil lang sa gustong makuha ang Bamse na kanina pa niya sinusubukang kunin.

"E sir, nasa strategies lang naman po ang paglalaro niya-" Hindi naituloy ng staff ang gustong sabihin ng dumukot si Yaser ng card sa wallet nito at pabalang na itinapon ito sa harap ng staff.

"Oh ayan, para bulok niyong machine." Aniya bago naglakad papalabas ng Arcade na sinundan naman siya ni ate.

"Pasensiya na kayo sa ginawa niya." Paumanhin ni Yosef.

Napabuntong hininga ako.

Para lang sa bear nagkakaganon siya.

@dikaPinili_

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 134 46
How much pain and suffering can you bear until you had it enough? You won't know it until you try. You won't know it until you have it, but you will...
345 1 11
I fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Hindi ko inakalang mahahanap ko na siya----na darating siya sa buhay ko n...
853 124 22
A complicated friendship. Pinahahalagahan niya ang kaniyang mga kaibigan. Pinapahalagahan niya ang kanilang pag sasama. But what if, the friendship t...
13.7K 379 41
[COMPLETED] Paano kung ang lalaking mahal mo na pinangakuan kang hindi sasaktan kailanman ay nakagawa ng isang kasalanang hindi naman nya talaga gina...
Wattpad App - Unlock exclusive features