The Girl Who Tame The Class Z...

By blinkygirl123

118 10 0

Si Hayami Ashleigh Takahashi ay isang basag ulo na dalaga, mag init lamang ang ulo nito sayo ay tiyak na dudu... More

Chapter 1: New school, New trouble
Chapter 2: Meet Class Zero
Chapter 3: Riot Again?
Chapter 4: The Mean Girls
Chapter 5: New friend?

Prologue

43 3 0
By blinkygirl123

"Hayamiiiii ashleighhh" rinig na rinig ko ang sigaw ni mama mula sa baba, siguro nalaman na niya yung magandang balita. Natawa nalang ako sa naisip ko, halata naman kasi sa boses ni mama na hindi magandang balita yon.



"Yes mader?" Patay malisya kong tugon sakanya, angsarap kaya asarin ni mama



Narinig ko nalang na bumukas ang pinto ng kwarto ko at kitang kita ko sa gilid ng mata ko na nakatayo si mama at nakapameywang pa may dala dalang papel. Teka papel?



"Hoy hayami wag moko maganyan ganyan at baka mahambalos kita, ano na naman ba 'to?" At ibinato sa mukha ko yung papel na hawak niya, agad ko naman yung sinambot at tinignan.


"Papel? Papel to ma, papel hehe"



"Wag mokong ginagago babae" naiinis na sabi ni mama



Napakamot naman ako ng batok dahil baka makatanggap na naman ako ng flying walis tambo T_T


"Tignan mo at pinapalayas kana ng school niyo, ano bang nangyayari sayong bata ka! " inis na saad ni mama sakin habang yung noo niya ay kumukulubot na.




"Teka ma,let me explain. Atsaka pinapalayas?" Nagtataka kong sabi, papalayasin ako? Eh sila naman may kasalanan...




"Oo,ineng pinapalayas kalang naman kasi yung nasapak mo at napadugo yung ilong ay yung anak ng may ari ng school gaga ka. " Istress na istress na sabi ni mama



"Mama,siya naman nanguna porket anak lang siya ng may ari ng school maghahari harian na siya. Pinahiya lang naman niya ako sa harap ng maraming tao. "

"Pinahiya kalang nanapak kana, ilang beses ko bang sinasabi sayo na kailangan mong habaan ang pasensya mo ha? Jusko hayami jusko"




"Teka lang ma ha, teka lang patapusin mo ako. Pinahiya lang naman niya ako sa HARAP NG MARAMING TAO, hinawakan niya ang pwet ko at pinisil sinong di mag iinit ang ulo at iikli ang pasensya don?" nauubusan kong pasensya, nakakainis kasi napaka one sided ni mama.

Natahimik naman si mama sa sinabi ko, tinitigan ko lang siya at humiga na sa kama at nagtalukbong. Hay nako kay aga aga ganto bubungad sayo how lucky i am =_=



Narinig kong huminga siya ng malalim at maya maya ay bumuntong hininga na din.



"From now on, sa school kana ng kuya mo mag aaral. No buts." Sabi ni mama at naglakad na palabas.


"Ge,kwento mo yan eh" nasabi ko nalang.



Pero teka? School nino?



School ng demonyo kong kapatid?



"Maaaaa, you can't do this to meeee!" Naiiyak kong sigaw.


Naiistress akong dumapa sa kama ko at nagpapadyak padyak, ang malas ko naman ngayong araw...





Kung tatanungin niyo ko bakit ako naiistress ng ganito, makakasama ko lang naman ang kapatid kong pangit slash kambal pa, baka maging magkaklase pa kami nun sana naman hindi T_T






Kung sa ibang kambal eh hindi kayo mapaghiwalay at close na close kayo pwes samin ibahin mo kami kapag nagkakasama kami eh para kaming bulkan na sasabog at sobrang kinaiinisan namin ang isa't isa.




Kaming dalawa lang ang nakatira dito sa bahay ni mama, kung tatanungin niyo eh hiwalay na kasi si daddy at mama at nasa puder ni daddy si pangit kong twin...






May pamilya na din naman dun si dad i mean wala silang anak kasi delikado mag buntis yung babae at laging nalalaglagan pero may isa itong anak na babae, kaya nga sanaol happy family eh.






Pero wala naman akong pake as long as na tinutulungan niya si mama financially, edi masaya ang lahat at walang dudugo ang ilong.



Binaba ko na nga si mama at nadatnan ko siyang nanonood ng tv sa sala at nakadekwatro pa, wow sarap buhay.




"Maaa" ngawa ko sakanya



"Ano na naman ba iyon?"



"Bakit naman kasi doong school pa, ang dami daming school na pwedeng paglipatan bakit ayun pa ang naisip mo?" Naiistress ako kay mama,nananadya naman kasi.




"Wala kanang magagawa anak, nakapagdesisyon na ako atsaka bukas kana papasok. Atsaka doon pwede mong gawin kahit ano, diba yan naman ang gusto mo?" Sabi ni mama habang tutok na tutok sa pinapanood na tv





"Anoooo? Mama naman eh"




"Kailangan mong magtanda anak" maikli niyang sambit



Natahimik ako ng mga ilang minuto, nakatitig lang ako sakanya at iniisip kung sumosobra na ba ako?


"Ma, kung iniisip mo na pagbatiin kami ni ashton wag ka ng umasa. Patay na siya sa puso at isipan ko,wala na akong kapatid simula ng umalis siya dito at piliin si daddy."






"Ashleigh!" Sigaw ni mama sakin





"Sorry i wont take back what i said dahil i mean it. " huling sabi ko bago ako umakyat sa taas.





Alam ko namang desidido na yon si mama kaya hinayaan ko nalang, bahala na.






Kaya hinanda ko nalang yung susuutin ko para bukas, civilian lang naman yung school na yon kaya walang problema.




Naghanda ako ng fitted na black top na may printed na 'get lost' at color beige na 6 pocket na pants at pinartneran ko ng sapatos na black jordan.


Ayan, okay na yan. Maglalaro nalang muna ako ng valorant pampalipas ng oras.

Distribution:

This is a work of fiction. Name,characters,places and events are fictitious,unless otherwised stated. Any resemblance, to real persons,living or dead, or actual events is purely coincidental.

All right reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

~blinkygirl123

Continue Reading

You'll Also Like

415K 10.7K 51
She's not beautiful. She's not rich. She's not popular. She's a NERD. There's nothing interesting in her. Then she met 'THIS man. Handsome, popular...
31.7K 367 32
May isang na paka gandang babae na pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa angkin nyang kagandahan at dahil na din sa ganda ng hubog ng katawan nito at...
444 17 27
Troublemaker, black sheep, bully, teacher's enemy, problem seeker, ganster at law breaker. No more bad words can describe her. Takaw gulo at palaging...
44.2K 2.6K 43
Asher june san jose,Isang basag ulo at pasaway na babae,kaya sa ugali niya nailipat siya sa isang eskwelahan na makakapagbago ng kanyang buhay at pat...
Wattpad App - Unlock exclusive features