"It's better to love and loss, than never love at all."
✁ ✃ ✄ ✁ ✃ ✄ ✁ ✃ ✄ ✁ ✃ ✄
Nakauwi naman ako ng maayos nung gabi na yun. Hinatid pa nga kami isa isa ni ate Cy.
Haist, hindi nga ako nakatulog ng gabi na yun e. Iniisip ko pa din yung mga kwento ng buhay nila.
Si Red at Greene, magpinsan na naging magkaribal. Pero naayos nila ang gusot at mas tumibay ang samahan nila.
Si Sophia, puro family problems pero i can sense na malapit na yung love problems niya. Nagi-guilty pa din ako sa pag judge sa kanya.
Si ate Cy.. Brat noon, nagbago na ngayon. Mahirap din ang pinagdaanan niya kaya di ko siya masisi.
At si Violet.. She was once fooled by love. Nagmahal at niloko, tapos? Nagmahal at nasaktan uli.
Nacurious ako sa sinabi ni ate e. Violet's boyfriend died? Ouch yun.
Nakatitig lang ako noon sa kisame.
Akala ko.. Ang malas ko na. Yun pala, may ibang tao na mas nasasaktan sa pag-ibig.
I'm betrayed. Ng mahal ko at ng mga kaibigan ko.
Pero, ayoko na maging bitter.
Haist, kakaisip sa lovelife hindi ko na tuloy nakekwento kung ano yung nangyayari sa school, at sa pagiging fangirl ko. Bwiset na love.
Malapit na kami grumaduate. Malapit na. Pero di ko pa rin sila nakakausap. Sa practice kasi, ilag ako sa kanila at ganoon din sila sakin.
Oo galit pa din ako.
Natural! Pero, gaya ng sabi ni ate Cy, hindi ako magrerevenge.
Mag-isa ako ngayon sa canteen, kumakain. Break ng practice eh.
Guess what? Buti na lang hindi kami magkakatabi sa seats. Si Tally, Woods. Si Daniella naman Sandler, of course. At si Elle, Thompson.
May nakapagpa-badtrip sa araw ko ngayon.
Edwards, Pierry. Nandito ka pa pala sa school?
Tsk, ewan. Pero hinanap ko kung nandito din si.. Zawn. Kaso wala. Gusto kong kalatukan ang sarili ko kasi,
Bakit ko pa hinahanap at inaalala ang taong walang paki at nang-iwan sakin?
Haist. Narealize ko, ang bata ko pa pala para sa ganito.
Pero ano? Umiyak pa ko dahil lang dito.
Nawalan ng kaibigan. Tss, sabagay. At least na test ko kung gaano sila kaloyal sakin.
I'm still happy, at least may nakilala din akong mga bagong kaibigan.
Madalas kaming mag-hang out. Ang saya nila kasama, sobra.
Nanti-trip kami sa malls, nagwi-window shopping. Nagra-rides. Nagba-bar din.
Isa na lang ang hinihiling ko.
Sana, pag dadating na yung bagong pag-ibig sa buhay ko.. Sana kapag handa na ko. At sana, kung sakali.. Siya na.
***
Graduation Day..
Eto na. This is the day.
Kinakabahan ako. Pero nalilito ko..
Bakit nalulungkot ako?
Bigla-bigla, naramdaman ko ang kulang sakin.
Sila Tally.
Bigla-bigla, namiss ko sila.
Pero hindi ako dapat magpaapekto. Hindi dapat ako malungkot. Lalo na't nandito ang kapatid ko at ang mama ko.
Nag-martsa na kami kanina at nakaupo na kami ngayon.
Haist. Kinakabahan na ko para sa speech ko.
Yea, nalimutan kong sabihin na Salutatorian ako. And Neon is Valedictorian.
"Good evening, students and parents." Paninimula ng babae, teka sino ba to?
"Alam kong nagtataka kayo sa katauhan ko. Pft, actually pakana ko talagang hindi ilagay ang pangalan ko sa invitation. Paumahin, pft." Natatawang sabi niya. Yea, wala sa invitation na may guest speaker.
"By the way, I'm Charlotte Cruz. The cousin of famous Chin Horan"
Marami sa mga estudyante ang nagulat.
"Pft, umayos kayo. Haha, tao pa din naman ako e. Pinagpalang maganda lang."
Okay na sana eh. Ang vain lang -_-
"I own many business, i own luxury cars, bags, and heels. I have everything. Name it, i have it. Pero alam niyo ba, dati isa lang naman akong mahirap na estudyante. Namomroblema din sa tuition, kulang sa pambaon, gutom ang blackshoes, may tastas ang bag. But, imbes na galingan sa pag-aaral.. Nagrebelde pa ko." Tahimik na nakikinig lang kami.
"Taray diba? Imbes na galingan at abutin ang mga pangarap, nagpaka-timang pa ko. Feeling rich kid. But second chances are never late for anyone."
"Kung nagkamali kayo, itama niyo. Kung may nasaktan ka, mag-sorry ka. Kung may nakagawa naman ng mali sayo, magpatawad ka. Sinners or Sinned, you must know we are all just human. We commit mistakes. At ang pinakamabuting gawin? Itama ang mali at wag ng uulitin. Kasi pag inulit mo ang kasalanan mo, there is a high chance that you'll never forgiven again. If you commit a sin twice, it is called now stupidity. You are worse than an imbecile."
Forgive?
"Ilang ulit ako non na nag-repeat. Hindi na kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako. Alam niyo, ito ang eksaktong sinabi ng nanay ko noon sakin.
Maswerte ka pa rin dahil napag-aral ka namin. Pero kung ayaw mo talaga, waka kaming magagawa. Pangarap namin to para sayo. Pero dahil ayaw mo, sige. Pagbibigyan ka namin. Basta balang araw sana wag mong pagsisihan ang desisyon mo.
Humagulgol ako ng iyak ng mga panahong yun. Ginusto kong humingi ng tawad sa nanay ko. Pero hindi ko na nagawa. Inatake siya sa puso. At habang dinadala namin siya sa ospital, nabangga sa malaking truck ang sinasakyan namin." Napaiyak na siya.
Grabe, naluluha na din ako. "Namatay ang driver, pati ang tatay ko. Alam niyo ba, kung ano yung pinakamasakit?
Tinatanong ko sa sarili ko, bakit ako?! Bakit ako, sa kanilang tatlo ang buhay ko ang pinakawalang kwenta. Pero ako pa din. Ako pa din ang naligtas."
"Nagising ako sa katotohanan. Wala na ang mga magulang ko para gumabay sakin. Peto nagiwan sila ng isang lesson para matuto akong mabuhay habang buhay pa ako. Tatlong buhay ang nawala para sakin. Siguro, oras na para suklian ko ang mga naglaan ng buhay na yun." Pinunasan niya ang mga luha niya.
"Inayos ko ang buhay ko. Nag-aral uli ako, habang nagpapart time. Mahirap, pero nagawa ko." Nag pause siya.
"Kaya kung katulad ko, kung may mga pagkakamali din kayo.. It's not too late. Itama niyo ang mga yun. Dahil pagsisisihan niyo kung hindi niyo ito itatama." Ngumiti siya.
"Nga pala, kaya nagawa kong imanipulate ang invitation, is because this school is also mine." What?!! Grabe pala ang yaman niya.
"Sana, may natutunan kayo sa monolouge ko. Hoho." Nagpalakpakan kami.
May magpeperform pang isa bago i-announce na kailangan naming mag-speech.
"H-hi! S-sa lahat ng nandito ngayon, m-magandang gabi." Nauutal ako. Ugh, ano ba yan?? Pinraktis ko na to diba?? Bakit ngayon, hindi ko matandaan?
"Alam niyo, pinraktis ko to buong maghapon. Pero ngayon, di ko na alam ang sasabihin." Nakakahiya, pero tumawa ako ng konti.
"Lahat tayo, naghirap para makadalo sa araw na ito. Lahat tayo nagsikap para makatapos. Mga estudyante, sana ngayong magka-college na tayo, wag na tayong maging sakit ng ulo ng mga magulang natin." Napatango sila.
"Hm, may kwento ako. May isang prinsesa, na.. Nagmahal sa isang lalaki. Akala niya kasi, siya na ang prinsepe niya. Pero.. Nagkamali pala siya. Hindi pala. Sinaktan siya nito. Ang pinakamalala, dinamay pa nito ang mga mahahalagang tao sa buhay niya." Tumingin ako kina Elle, pati na din kila Harry.
"Sobra siyang nasaktan. Kaya lahat, sinisi niya. Pero dahil sabi nga ni Mrs. Cruz kanina,
Second chances are never late for anyone. At, Kung may nakagawa naman ng mali sayo, magpatawad ka.
Narealize ng prinsesa na kahit pala makagawa sila ng kasalanan, hinding hindi nito mababago na mahal niya ang mga taong yun." Ngumiti ako.
"Sorry, Tally. Sorry Elle, Daniella.. I'm sorry Neon, Harry, Liam. Sorry kung sinisi ko sa inyo ang lahat. Malaki din pala ang kasalanan ko."
"Kung hindi sana ako umasa, hindi ako masasaktan ng ganito. Sorry." Nakita kong napatakip sa mukha si Tally. She's still a crybaby.
"Alam kong naririnig mo, mama at Oliver. Haha, aga ko kasing lumandi sarreh na."
"Sana, matuto tayong lahat na maging mature. Learn from our own mistakes." Nag-bow ako at nagpalakpakan sila.
Nakita kong nakaabang sila Tally sakin. Sinalubong ko sila ng yakap.
"We should be the one to feel sorry. Dapat kami ang gumawa nun. Sorry, Pretty." Daniella said, crying. It's the first time i see her crying.
"Yea, she's tama. We broke your trust. We betrayed you. It's not-so kaibigan. Sorry. Sorry." Tally, she's crying so loud.
"I thought of never seeing us again hugging. Fortunately, it's just a bad thought." Said Elle while smiling.
Finally. PLD FRIENDS are back.
______________
Yay! Tagal di nakapag-ud! Busy po kasi sa new FANTASY story. Yea! FANTASY.
Heaven Academy: School of Living Angels
Please check out!