One Last Time
"Sorry po ma'am pero palala na po ng palala ang kalagayan ni Tricia. Mas better po if magi-stay nalang siya dito sa ospital, kung pagpipilitan niyo po ang gusto niyo eh malalagay po natin si Trica sa malalang kalagayan and worst, maaari siyang atakihin sa puso na ikaresulta ng pagkamatay niya..." paliwanag ng doctor sa nanay ko. Di ko na alam gagawin ko...magi-stay ako dito sa ospital? Di ko na siya makikita? Hindi pwede yun... Gusto ko pa siyang makasama... Lintek naman na sakit to eh bakit sa lahat ako pa? Ako pa!?
Tumayo ako at nagulat si doc at mama nang makita nila ako. Tumakbo ako palabas ng ospital. Habang tumatakbo ako naririnig ko si mama na tinatawag ang pangalan ko pero wala na kong paki.
"TRICIA!!San ka pupunta!? Alam mong bawal kang tumakbo diba?" BAWAL! BAWAL! Lahat nalang bawal, ano pa bang pwede saken? Humiga at magpahinga!? Yung mga bagay lang naman un ang mga pwede saken...kahit siya, bawal sakin...
Lalo ko pang binilisan ang takbo para di ako mahabol ni mama. Di ako papayag na ikulong lang nila ako sa ospital. Na papalayuin nila ako sakaniya...
Nang makalayo layo na ko at alam kong hindi na nakasunod saken si mama eh huminto na ko. Tumingin-tingin ako sa paligid...nasa playground pala ako.
Umupo muna ako sa swing para magpahinga, hinihingal na ko sobra, alam kong bawal sakin ang pagtakbo pero kailangan...para makatakas...makatakas sa lahat lahat...Ayoko na sa ospital, ayoko na sa mga doctor,ayoko na sa mga gamot...Sakaniya lang gusto ko...siya lang ang gamot.
Naalala ko pa nung una naming pagkikita...
"Hoy, bakit ka nagiisa diyan?" tanong sakin ng isang lalaking di ko kilala.
"Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? Tahan na, okay lang yan. Kung ano mang problema mo maayos din lahat ng yan." Tumabi siya sakin at inalok ako ng panyo at tubig.
"Oh, Tubig lang meron ako eh sorry, sabi nila pag malungkot daw ang mga babae pag binigyan mo daw ng icecream sasaya na. Pero tubig lang meron ako okay lang ba to?" nag-nod nalang ako at pinilit kong ngumiti pagabot niya ng tubig saken at panyo.
"Di mo kailangan ipilit yang ngiti mo. Iiyak mo lang yan. Para malabas mo lahat ng nasa loob ng puso mo." tinap niya ung ulo ko na parang akong aso, pero di ko alam, gumagaan lalo ung loob ko dahil alam ko may kasama ako. Kahit di ko siya kilala napi-feel ko naman na mabuti siyang tao.
Simula nun naging close na kami, kahit magkaiba kami ng pinapasukang eskwelahan madalas pa rin niya kong pinupuntahan. Lagi kaming masaya pag magkasama kami. Siya lagi kausap ko,kakwentuhan ko sa lahat lahat ng bagay.
Hanggang isang araw...
"Tricia...Mahal kita! Hayaan mo sana ako na manligaw sayo..."pag-confess niya saken. Nandito kami ngayon sa paboritong lugar namen ung bangin na malapit lang samen. Ang ganda ng view dun lalo na pag gabi dahil madami kang makikitang bituin.
"Hinihintay lang naman kitang sabihin yan." saka siya lumapit sakin at niyakap ako. "Salamat, salamat Tricia... Mahal na mahal kita..." saka niya dinampi ang labi niya sa noo ko.
"Tricia!" napapiglas kami sa yakap namen nang marinig ko ang boses ng mama ko. " Diba sabi ko sayo layuan mo na yang lalaking yan? Masama! Masama na ma-attached ka sa ibang tao! Di mo ba naiintindihan ha? Mahina yan! Mahina yang puso mo!" galit na galit na sabi ni mama at saka niya ko hinila palayo sakaniya. "Sorry hijo, mabait ka pero hindi talaga pwede ang gusto niyo..."
Lumipas ang ilang araw na kinulong ako ni mama sa bahay...Di niya na ko pinapapasok sa school sabi niya ipapa-home school nalang daw niya ko dahil ayaw niya lumala lalo yung sakit ko.
Sakit ko, lagi nalang yun ang rason nila. Ano bang problema kung magmamahal ako sa taong mahal din ako?
Hindi naman niya ko sasaktan eh...alam ko yun at papatunayan ko sakanila yun.
Tinext ko siya para makipagkita sa paborito naming lugar. Nagsimula na ko magbihis para tumakas...
Pagkadating ko naman ay nandun na agad siya.
"Dumating ka! Salamat sa Diyos dumating ka!" sobrang saya ako ng makita ko siya ilang araw ko na din siyang di nakikita at miss na miss ko na din siya.
"Tricia...Sorry...Pero kailangan mong kalimutan kung ano mang sinabi ko sayo nung nakaraan..." nagulat ako sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko.
"Wag na tayong magkita Trich para sa ikabubuti mo..." umiling-iling ako at di ko na namalayan na tumutulo na pala ung luha ko.
"Hindi, hindi! Ito ung ikabubuti ko...ang makita ka!" sinubukan kong hawakan ulit ang kamay niya pero umiwas na siya.
"Trich makinig ka okay? Di makakabuti kung magkikita pa tayo...mahina ang puso mo...Sorry di ko nalaman agad kung anong kalagayan mo pero...mas mabuti kung lumayo na lang tayo sa isa't isa. Gusto ko pang...Gusto ko pang mabuhay ka! Ayoko na ako ang maging cause kung bakit lumalala ang sakit mo!" nakatalikod pa din siya saken. " So sorry, trich..." naglakad na siya papalayo saken.
Hindi,hindi totoo to diba? Hindi totoo ang sinabi niya....Ang promise niya dati na walang iwanan pero bakit ngayon siya ang nangiiwan. Ang promise diba dapat tinutupad? Pero oo nga pala, dati lang pala niya prinomise yun...di ko alam na may expiration na pala ngayon ang mga promise.
Habang pinapanuod ko siyang maglakad papalayo sakin...nagdidilim ang paningin ko at sumisikip na naman ang dibdib ko. Siguro nga ito na ang huling pagkakataon na makita ko siya. Paalam...
"Trich!!!!" natigil ang pagrereminisce ko nang marinig ko ang familiar na boses ng isang lalaki... Lumingin ako para hanapin kung nasan siya. At ayun! akala ko huling beses ko na siyang makikita nun.
Tumakbo ako sakaniya at niyakap ko siya. At sa wakas, niyakap niya din ako...ng mahigpit na mahigpit. "Ano bang ginagawa mo ha? Bakit ka tumakas? Diba dapat nagpapahinga ka lang ngayon sa ospital kasi may sakit ka? Baliw ka talaga!" pinapagalitan niya ko habang magkayakap kami pero nararamdaman ko ung basa ng luha niya mula sa likod ko.
"Gusto kong makita ka pa...kung ilang araw nalang ako mabubuhay...Gusto ko ikaw ang huli kong makikita...Huli kong makakasama..." tinanggal ko ang pagkakayakap namin at hinawakan ko siya sa kamay at saka ko siya hinila papunta sa paborito naming lugar.
Nang makarating kami dun umupo na agad kami at pinagmasdan ang ang langit at mga bituin.
"Ang ganda no?" sabi ko sakaniya habang pinagmamasdan ang langit at bituin. Humiga ako para mas madali kong makita ang langit.
"Ang daming bituin, alam mo ba? sabi sakin ng nanay ko nung bata ako. Yang mga bituin daw na yan ay ang mga guardians natin.Lagi daw nila tayong binabantayan para walang masamang mangyari satin." kwento niya sakin.
"Edi ibig sabihin wala pala akong bituin dyan? Kasi wala akong guardian. Walang nagbabantay saken, kaya ko nga nakuha tong sakit ko eh." sagot ko sakaniya.
"Hindi totoo yan no! May guardian ka, lahat tayo may guardian."
"Eh kung ganun bakit ko pa nakuha tong sakit na to? Bakit ako pa? Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang...gusto ko pang makasama ka."
"May rason lahat ng bagay Trich. Wag ka magalala, mabubuhay ka pa. Magkakasama pa tayo." niyakap ko siya at saka niya dinampi ang labi niya sa noo ko.
Tahimik naming pinagmasdan ang langit okay na ko sa ganitong sitwasyon.Ang makasama siya kahit dito lang...
"Pero alam mo sa tingin ko alam ko na kung nasan ang bituin ko..ang guardian ko..." napatingin siya saken nang sinabi ko yun pero ako nakatitig pa rin sa langit.
"Nasan naman? Turo mo saken."
Tinuro ko siya "Ikaw, naalala mo ba kung ilang beses mo ko pinasaya? pinagtanggol? pinatahan? So ikaw ang guardian ko." ngiti kong sinabi sakaniya.
"Nakikita mo ba tong ngiti ko?Nakakangiti lang ako simula nung nakilala kita..."
"Mahal na mahal kita Trich..." nagulat ako sa sinabi niya, sobrang saya ko nang maring ko uli ang mga salitang un galing sakaniya.
"Mahal na mahal din kita." mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakaniya.
"Trich..." napatingin ako sakaniya at onti-onti palapit nang palapit ang muka namin. Pumikit nalang ako at niramdam ko ang pagdami ng labi niya sa labi ko. So ganito pala, ganito pala ang pakiramdam ng halik. Tama nga ang sabi nila, masarap pala talaga pag hinalikan mo ang taong mahal mo, ang taong importante sayo.
Hanggang sa maramdaman ko na naman ang pagsikip ng dibdib ko, napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit.
"Okay ka lang? Tara na at dadalhin na kita sa ospital..." pagaalala niyang sinabi saken pero umiling ako sakaniya.
"Hindi pwede yan Trich kailangan natin pumunta sa ospital dahil lalala yang sakit mo." pero umiling pa din ako.
"G-gusto ko d-dito lang t-t-tayo.....K-kung m-mamatay ako...m-mas mabuti nang...kasama...kita...." at saka ko siyang mahigpit na niyakap...
Wala akong paki kung mamatay na ko at least nakasama ko ang taong pinakamamahal ko sa huling pagkakataon...Sa huling pagkakataon ng buhay ko naging masaya ako...kasama ang taong mahal ko...
kahit kunin man ng Diyos ngayon ang buhay ko,magpapasalamat pa rin ako dahil pinakilala niya saken ang isang taong magpapasaya sa mga natitirang araw ng buhay ko...
"M-mahal...k-kita..."yan ang huli kong salita bago ko na pinikit ang mata ko at nagpahinga...