Chasing Her (Dark Series book...

By HoneyNan

63.8K 1.4K 92

FRANK MARIO FERRELLE is the example of silent but dangerous man. He came from a well-known family inside and... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39

EPILOGUE

1.9K 43 9
By HoneyNan

ENJOY READING, HONEYS<33

NASA LOOB ng kuwarto nila si Eloissa at Franco habang kumakain ang buntis ng sliced pineapple. Kabuwanan na niya at recommended ng doctor kainin ang pineapple pang-pa-open cirvex. Nanunuod sila ni Franco nang palabas sa T.V habang sinusubuan siya nito. Ang totoo ay wala sa pelikula ang atensiyon ni Eloissa, hindi niya lang maiwasang hindi alalahanin ang lahat ng mga nangyari sa kanila ng asawa. Mula sa unang pagtatagpo nila at ang araw na naglakad siya sa altar. Napaka-bilis nga talaga ng panahon, heto nga at araw na lang siguro o baka oras na lang ang bibilangin nila at makakasama narin nila ang bunga ng pagmamahalan nila, ang mas magpapa-tibay ng relasyon nila.

"Why are you staring at me, wife?" Tanong ni Franco kay Eloissa nang mapansin nito naka-titig lang ito sa kaniya.

Doon lang natauhan si Eloissa bago sinagot ang asawa. "Nothing. It's...it's just you are amazing and handsome,"

Natatawang piningot ni Franco ang ilong ni Eloissa. "Akala ko ang sasabihin mo na naman sa akin ay 'ang pangit mo!'" Sa araw-araw ba naman ng panlalait sa kaniya ng asawa mula nang mabuntis ito ay nasanay na siya lalo pa't nalaman ni Franco na pinaglilihian siya ng asawa.

"Ang guwapo kaya ng asawa ko." Ngayon naman ay nagmamalaki ang tunog ng boses ni Eloissa.

"My wife," Franco paused for a moment before he contoinued. "Pinapakilig mo na naman ako." Napahawak pa si Franco sa kaniyang puso kung saan damang-dama niya ang mabilis na pagtibok niyon.

"Bakit?" Tumikwas ang kilay ni Eloissa. "Nakaka-tanggal ba ng angas kapag kinikilig ang lalaki?"

Ngumiti ng malapad si Franco. "Hindi," sagot niya.

Kapagkuwan ay sumersyoso ang tingin ni Eloissa bago naglalambing na humilig sa balikat ni Franco. "Hubby, gusto ko sa pagbaba natin sa hospital kapag nanganak ako ay sa bahay na natin tayo uuwi," mababang boses na aniya habang nakapikit.

Hinalikan ni Franco ang ulo ng asawa bago ipinalibot sa bewang nito ang kaniyang braso. Hindi pa man sila kinakasal noon ay nagpagawa na siya ng bahay at ngayon nga ay tapos na iyon, nagpa-plano lang sila ng magandang araw kung kelan sila lilipat pero dahil nga sa request ngayon ng asawa niya ay masusunod iyon.

"Sure, kompleto naman na lahat iyon," sagot ni Franco sa asawa. Matagal narin naman niya gustong lumipat na pero naisip niyang mahirap din ang walang kasama sa bahay lalo na't buntis ang asawa niya atsaka hindi pumayag ang mamma at papa niya sa gusto niyang maagang pag-lipat. Isa ring rason ay gusto pang manatili ni Eloissa kasama ang mga magulang niya dahil tulad nila ay gustong-gusto rin sila ng asawa niya.

Napangiwi si Eloissa nang maramdamang naglilikot na naman ang nasa tiyan niya. Ngunit napadaing siya nang hindi na normal na sakit ang biglang lumukob sa kaniya. Ilang araw narin niyang nararamdaman iyon.

"Aray!" Hindi niya napigilan habang naka-hawak siya sa tiyan.

Nang marinig ni Franco ang daing ng asawa ay nanlamig na naman ang mga palad niya kasabay nang mabilis na pagkabog ng kaniyang puso.

"Anong nararamdaman mo?" Halata ang taranta sa mukha nito.

Napakagat ng mariin si Eloissa ang pang-ibabang labi nang tumindi ang kirot na nararamdaman niya. Hindi na niyang magawang sagutin ang asawa, nakapikit na ng mariin ang kaniyang mga mata.

"Wife?" Natatarantang tumayo si Franco, hindi malaman kung anong gagawin. Hindi niya alam kung saan siya hahawak kaya napa-padyak na lang siya.

"C-calm down!" Nahihirapang ani Eloissa. "Manganganak....na ya-taa akoo!" Napalakas na ang boses ni Eloissa habang hawak-hawak niya ay bewang niya. Pakiramdam niya ay pinuputol ang likod niya sa sakit.

Mas lalo namang nataranta si Franco. Nanlalamig ang mga kamay na nagpa-ikot-ikot ito ng lakad. "What?...what should i do?" Halatang wala ito sa katinuan tanungin ba naman ang asawang manganganak na kung ano ang gagawin.

Kung kaya pa sanang tumayo ni Eloissa ay baka nabatukan niya ang asawa. "H-help...." kapos ang hiningang aniya sa asawa. Ramdam niya ang mga pawis na tumutulo mula sa kaniyang noo.

"Help...what help?" Wala parin sa sariling tanong ni Franco habang hindi nakatingin sa asawa. Bahagyang nanginginig ang katawan nito.

Napapikit ng lang ng mariin si Eloissa. Humanda talaga ito kapag nanganak na siya!

"Tulong!" Malakas ang boses na sigaw ni Eloissa. "Manganganak na ako!" Sigaw niyang muli. Wala siyang mapapala sa asawa niya, baka manganak na lang siya't lahat-lahat ay wala parin ito sa sarili.

At dahil bukas naman ang kuwarto nila ay narinig nang paparaang si Freya ang sigaw ng sister-in-law niya. Mabilis siyang pumasok sa kuwarto ng mag-asawa at napakunot ang noo niya nang makitang parang tanang naka-tayo lang sa gilid ang kuya niya, halatang hindi mapakali habang basang-basa sa mukha ni Eloissa ang sakit.

Mabilis na lumapit si Freya si sister-in-law. "Manganganak ka na ba?" Mabilis niyang tanong kay Eloissa.

Tumango na lang si Eloissa dahil ayaw na niyang magsalita pa, pakiramdam niya ay madadagdagan lang ang sakit na nararamdaman niya. Nagtitiling lumabas si Freya.

"Mamma!"malakas ang boses nito. "Pappa! Manganganak na si Jane!" Tumakbo ito habang nagsisigaw ng paulit-ulit.

"Ahhh!" Hiyaw ni Eloissa, dito na yata siya manganganak.

Laking tuwa niya nang isa-isang nagsipasok ang mga taong tinawag ni Freya kanina.

"Oh my god! Oh my god!" Napahawak pa sa bibig si mamma Victoria nang makita ang lagay niya.

"Paki-hampas naman si Kuya Franco, oh!" Utos ni Freya sa kuya Leandro niya at iyon nga ang ginawa ng huli.

"G*go! Iyong asawa mo! Manganganak na!" Sigaw nito sa kapatid na si Franco.

At sa wakas! Nagising din si Franco. Mabilis nitong dinampot ang mga box kung saan naka-handa na ang mga dadalhin nilang gamit para kay Eloissa at para sa baby nila. Napasabunot na lang si Freya sa buhok nang makitang tatakbo na palabas ang kuya Franco niya.

"Anak! Ang asawa mo manganganak na!" Bulyaw ng mamma nila sa paglakas-lakas na boses.

Nagmamadaling binitiwang ni Franco ang kanina'y bitbit na mga box at lumapit kay Eloissa. Maingat niya itong kinarga at may kabigatan na nga ang asawa niya pero wala lang iyon sa kaniya.

"Ang susi!" Malakas ang boses na ani naman ng papa nila.

Nagmamadaling naghanap ang magkakapatid sa loob ng kuwarto ng mag-asawa buti na lang ay nakapatong lang iyon sa bedside table. Si Victorio ang tumakbo pasunod kay Franco para ihatid isunod ang susi dito. Si Leandro at Freya naman ay binitbit ang mga box palabas ng kuwarto. Sumod din naman si Victorina, mamma at papa nila palabas.

Mabilis nilang naisakay si Eloissa sa kanilang Van at sa likod na mga upuan ay ang mga gamit. Ang papa nila ang nagmaneho, nasa passenger seat ang mamma nila, nasa second seat naman si Franco habang yakap-yakap nito ang asawang si Eloissa. Sumakay sa third seat si Freya at Victorina.

Mabilis na umandar ang Van hindi pa man nakaka-sakay si Leandro at Victorio kaya naman tinakbo nila ang garahe at tamang-tama namang nasa bulsa ni Leandro ang sasakyang Fortuner kaya mabilis silang sumakay ng kapatid doon.

Halos lumipad na sila sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Leandro sa sasakyan. Napapakapit sa uluhan ng upuan si Victorio.

"Relax lang kuya! Wala sa atin ang manganganak!" Malakas ang boses na reklamo ni Victorio.

"Shut up! Alam ko ang pakiramdam kapag manganganak na ang asawa kaya tumahimik ka dyan. Kailangan nating makarating kaagad sa hospital bago pa mabaliw si Franco!" Ani Leandro habang nakatutok ang tingin sa daan. Mas lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo.

Nang makarating ang dalawa sa hospital ay nauna pa pala sila sa sinakyan ng manganganak. Hindi naman nagtagal ay natanaw na nila ang Van nilang paparating narin. Mabilis nilang isinakay si Eloissa sa strecher at kasama sila sa nagtulak niyon papasok sa delivery room.

Nang makita ni Franco na may lalaking nurse na papasok sa delivery room ay mabilis siyang sumigaw. "No male nurse!" Tila natakot naman ang nurse kaya umatras ito. Ang Ob-gyne ng asawa niya ang magpapa-anak din dito.

Nasa labas ng delivery room ang mga kapatid ni Franco, mamma at papa niya kasama ang lolo at lola ni Eloissa na nag-aalala rin sa apo. Si Franco naman ay nasa loob kasama si Eloissa.

"C'mon, sweetheart, you can do it!" Pangchi-cheer niya pa sa asawa. Nasa bandang uluhan siya ng asawa habang ang dalawang braso niya ay hawak-hawak nito.

"Huwag mo akong uutusan!" Nahihirapang reklamo ng asawa. "Hindi naman ang nakakaramdam ng sakit. Ahhh!" Umire itong muli ng malakas kasabay ng paghiyaw rin nito.

Tagaktak ang pawis nilang dalawa, para kay Franco ay nahihirapan din siyang nakikitang hirap na hirap din ang asawa.

"I love you, sweetheart. I love you so much," paulit-ulit na bulong niya rito.

"Push, Mrs. Ferrelle, kaunting lakas pa," ani ng doktor sa may paanan banda ni Eloissa.

Tumigil saglit si Eloissa. Ipinikit ang mga mata, pagod na siyang umire, pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin pa pero dapat ay kayanin niya. Gusto niyang manganak ng normal. Sa mga sandaling iyon ay napapa-isip na siya kung kaya nga ba talaga niyang magka-anak ng marami kung ganito naman pala kahirap ang panganganak.

"Love," kung anu-anong matatamis na tawagan na ang naitawag sa kaniya ni Franco. "You want to have a lot of kids, right? C'mon, push it really really hard," pagpapalakas ulit ni Franco sa loob ni Eloissa.

"Mrs. Ferrelle, hindi ka puwedeng tumigil sa pag-ire nang matagal," segunda naman ng doktora niya.

Ibinuka niya ang mga mata at napatitig sa mga mata ng asawa. Huminga siya ng malalim at determinadong umire ng malakas, napasigaw siya sa sakit na lumukob sa kaniya kasabay nang maramdaman niyang tila may bumulwak mula sa loob niya. Nang marinig niya ang iyak ng isang bata ay kusang tumulo ang kaniyang luha. Ramdam niyang ipinatong nila saglit sa dibdib niya ang bata para sa sinasabi nilang body contact pero dahil sa pagod niya ay nakapikit na ang mga mata niya at hindi na niya kayang labanan pa ang antok na nararamdaman.

Franco kissed his wife's forehead. "You are so amazing, wife. I love you so so much," naluluhang bulong niya rito.

KALONG-KALONG ni Franco ang isang magandang maliit na sanggol sa kaniyang mga braso. Ayaw na niyang bitiwan ang bata at hindi na maialis ang tingin niya mula rito.

"Baka matunaw iyan kuya," pabirong saad ng kapatid niyang si Freya.

"Shh.." instead, he sushed his sister while still looking at his adorable daughter.

"Hi, Frank Jeniella," mahina ang boses na pagkausap niya sa anak. "You look so pretty just like your mom," patuloy niya. His daughter lips moved a bit that made him chuckled.

"Kuya, pahawak naman!" Reklamo ng kapatid naman niyang si Victorina.

Nasa loob ang apat niyang kapatid, ang mamma, pappa, lolo at lola ni Eloissa. Hinihintay nilang magising si Eloissa. Nalinis na ito at natahi narin pero dahil siguro sa pagod ay hindi parin ito nagigising. Nasa tabi nito ang lolo at lola na hindi na iniwan si Eloissa.

Lumapit ang papa at mamma niya sa sofa kung saan siya komportableng nakasandal habang kalong niya ang anak. Lahat sila ay nakatingin sa batang kalong niya. Katulad niya ay nag-uumapaw rin ang sayang nararamdaman ng magulang niya.

Ilang minuto rin nilang binantayan ang anak niya bago ito pinabalik ng mga nurse sa infant room o nursery room. Tamang-tama namang pagbalik niya ay gising na ang asawa niya. Binigyang daan siya ng lolo at lola ni Eloissa upang paupuin siya sa tabi nito.

"Sa labas lang kami, hijo. Congratulations ulit." Bahagyang tinapik pa ng lolo ni Eloissa ang balikat niya.

"Salamat po," magalang niyang sagot ang nginitian ng magaan ang dalawa.

Wala narin ang mga kapatid niya sa loob, ganun din ang mamma at papa niya matapos nilang makamusta saglit si Eloissa. Sila na lang ulit ang natira sa loob.

Umupo siya at buong pagmamahal na tiningnan ang asawa. Hinalikan niya ito sa noo at mabilis na dinampian ng halik ang mga labi nitong natuyo at nawalan ng kulay. Halata ang pagod sa mukha ng asawa pero ganun pa man ay ito parin ang pinaka-magandang babae sa mga mata niya.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya habang marahang hinahaplos ang kamay nito.

"Grabe! Hindi ko naman na-imagine na ganito pala kahirap," his wife complained in a hoarse voice.

"I love you, sweetheart," sa halip ay sagot ni Franco sa asawa. Hindi niya rin maisip kung gaano ba kahirap ang manganak kahit nandoon siya no'ng nagli-labor ang asawa ay support lang naman ang ginawa niya, hindi naman niya nararamdaman ang sakit na nararamdaman ng asawa. "Pangako na ako na ang magbabantay kay baby, ako na ang maglalaba basta ako na lahat, i know it's not enough compared to you—"

"Shhh" Eloissa shushed her husband softly. "Huwag mo nang sabihin iyan. Salamat sa pagtitiis sa ugali ko no'ng buntis pa ako, salamat sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa akin at gagawin mo pa para sa amin ng anak mo. Sapat na iyon, sobra-sobra pa. Mahal na mahal kita asawa ko,"

Maingat na niyakap ni Franco ang asawa kasabay ng pag-iinit ng sulok ng kaniyang mga mata dahil sa labis na tuwa. Ibang-ibang saya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa, kompletong-kompleto na siya at dahil iyon sa kaniyang asawa. Walang may kayang magparamdam n'un sa kaniya kundi si Eloissa lamang. Bukod tanging si Eloissa lang ang may kayang magpalambot sa kaniya, ang babaeng mamahalin niya hanggang sa kaniyang huling hininga at magpasakabilang-buhay pa man ay dadalhin niya ang pagmamahal na iyon para sa asawa.

"Thank you for completing me, ikaw ang tahanan ko asawa ko," madamdaming bulong ni Frank Mario sa asawa.

"Ikaw ang pag-asa at kalayaang matagal ko nang hinihiling. Ikaw ang dahilan ng paghinga ko asawa ko." Naluluhang sagot ni Eloissa sa asawa. She couldn't contain her happiness anymore. Nag-uumapaw iyon sa kaniyang damdamin.

Sa dulo ng madilim na daang tinahak niya ay may liwanag ngang nag-hihintay sa kaniya, sa kabila man ng lahat ng mga masasaklap na nangyari sa buhay niya ay merong isang taong naging ilaw niya upang magpatuloy siya.

Ma, pa, nasa tamang tao na po ako. Nasa tao na akong matatawag kong tahanan ko

Kung ibabalik man siya sa dati ay hindi siya magdadalawang isip na tahaking muli ang daang tinahak niya kung ang kapalit nito ay isang Frank Mario Ferrelle na naghihintay sa kaniya. —Eloissa Jane Rodriguez Ferrelle.

Kung walang Eloissa Jane Rodriguez ay wala na siyang ibang mamahalin.—Frank Mario Ferrelle.

                         THE END

Continue Reading

You'll Also Like

62.6K 1.7K 82
"How long has it been since someone touched beneath the surface of your skin and captured the attention of your soul?" Can you really force your way...
139K 1.3K 7
Drake Montego is a man with dignity and pride, by all means. he get every woman he wants and doesn't need to please them coz they surrendered themsel...
33.7K 618 20
Queen Bee. For short I rule Everything. Everywhere. I'm mean and also bitchy. Bitch with Class. I'm my mother's daughter after all. I have everything...
20.7K 1.7K 19
π—ͺ𝗢𝗻𝗱 π—¦π—²π—Ώπ—Άπ—²π˜€ #1 "Love isn't about never hurting. It's about choosing each other even after the world tries to tear you apart." There's this...
Wattpad App - Unlock exclusive features