Roses And Melody (Under Revis...

By PotatointheCloud

14.9K 459 190

Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from... More

Work of Fiction
Warning
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 18

327 12 13
By PotatointheCloud

Kaiden's POV:

I was above her while looking all over her face. She was so flustered and when our eyes met it awakened the hell out of me.

Her innocent eyes are full of emotion and questions.

"Relax, Ari," I said while kissing her forehead.

"H-hindi kaya ako kabado." She said but her face was red and her body was trembling.

I chuckled and then kissed the tip of her nose.

"Anong nakakatawa?" Sumimangot siya at matapang na sinalubong ang aking mga titig.

"I'm just happy." Then smack a kiss on her lips.

Napaawang ang labi niya at nabibigla siya.

I chuckled again, this was also her reaction when I kissed her at the beach. It's cute.

"Trust me, I will not do anything weird." 

Naramdaman kong konti na lang ang panginginig niya kaya kumilos na ako.

I kissed her forehead, her cheecks, her nose, her chin, and down to her neck.

"Uhm..." Nadinig kong mahinang daing niya.

Damn, why the hell does she smell and taste so sweet?

While my lips are on her neck, my hands are working on the buttons of her clothes.

Hinintuan ko ang paghalik sa leeg niya at umangat ako para silipin ang mukha niya.

Her eyes were closed, "Ari, look at me." Pagtawag ko sa pangalan niya at ilang sandali ay dumilat ang namumungay niyang mga mata.

Her eyes looked down to her chest that now freely revealing.

Pinamulahan siya at akmang mag-iiwas ng tingin ng hawakan ko ang kaniyang mukha.

"S-stop looking at my chest." Sita niya na hindi diretsong makatingin sa mga mata ko.

Pinipilit niya pa itong takpan ng mga kamay pero hinawakan ko ito at inilagay sa gilid niya.

"Why? It's beautiful. Everything about you is beautiful."

"H-hindi iyon. B-basta bilisan mo na lang baka magbago pa ang isip ko."

I started to touch her collarbone and then kiss it.

He whimpered when I sucked on her chest.

Fuck, taste good!

"Don't forget to write and count, darling."

"O-one."

"Yeah, that's right."

"T-two." She counts while writing on the paper.

Hindi ko alam kung maiintindihan ko ba ang isusulat niya dahil nanginginig ang mga kamay niya.

"Three, hah!" I continued to suck on her very clear chest, it was soft even though it was only the chest.

I didn't unlock all the buttons on her pajamas since I only promise to suck on the top of her chest and neck.

"F-fi..."

Nag-angat ako ng tingin pero nananatili pa rin ang aking mga labi sa dibdib niya.

She was biting her lips while her eyes were closed. Damn, so sexy.

"I didn't understand it."

"Sa-sabi ko five." Naiiritang sagot niya.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa hanggang sa umabot ang aking labi sa labi niya. Nagmulat siya ng tingin at bahagya akong inilayo sa kaniya.

"Fourteenth." An'ya habang nagpapakawala ng malalim na paghinga.

"Kaiden, let's stop. It hurts and I want to sleep."

Nginitian ko siya at ibinalik na sa pagkakabutones ang damit niya at iniayos siya sa pagkakahiga.

Binigyan ko siya ng magaang halik sa labi at tumabi sa kaniya.

"Good night, Ari."

Humarap siya sa akin at yumakap na ginanti ko naman. Ilang sandali pa ay malalim na ang kaniyang paghinga.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at matamang pinagmasdan ang kaniyang mukha.

"What should I do? I can't seem to control myself when you're around."

I wanted everything to take slowly but it was hard.

"Are you okay with that? Will you take responsibility?"

Tanong ko kahit pa hindi naman niya ako maririnig.

It all happens at the office. I want to touch her, kiss her, hug her, but I know I can't do that easily.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay gusto ko na palaging nahahawakan ko siya.

Am I a pervert? Pero gano'n lang ako kapag sa kaniya.

Tama, ang importante ay kapag kasama ko siya ay sa kaniya ko lang nararamdaman iyon.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinakatitigan lang ang kaniyang mukha.

Kahit tulog siya, ang ganda-ganda niya pa rin.

My effortlessly beautiful, darling.

I wonder why she's never in a relationship.

Maganda siya, malalantik ang mahaba niyang pilikmata, sakto lang ang kapal ng kilay niyang bumagay sa kasimplihan na mayroon siya, matangos ang ilong niya, kulay kalimbahin ang labi, makinis ang balat, ang mukha, at maputi. Maganda ang hubog ng katawan at sakto lang ang tangkad. May angking talino at mabait din siya.

Kaya marahil ay hindi na ako magtataka kung bakit naiinis ako sa tuwing may tumitingin at kumakausap sa kaniyang ibang lalaki. Pero kahit gano'n ay kampante ako dahil alam kong ako ang gusto niya.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

Hindi nakakasawa. Hinding-hindi ako magsasawa na sabihing maganda siya dahil 'yon naman ang totoo. Hindi ako mapapagod na palaging pagmasdan siya dahil tulad ng isang sining ay gano'n din ang babaeng ito.

My, Ari. My beautiful art.

"Hulog na hulog na ako kaya dapat panindigan mo ang kilig na nararamdaman ko," I said while claiming her lips.

"Mahal kita, mahal kita palagi."


♪♪♪


Aryka's POV:

"Ingat kayo sa pag-uwi." Kumaway ako sa kanilang lahat at pumasok na ng building.

Ngayon ang uwi namin mula sa tatlong araw na bakasyon.

Gusto pa sana naming mag stay ng isang linggo ang kaso kailangan ng bumalik ni Kaiden dahil kailangan siya sa kompanya, samantalang kami naman nila Alea ay bukas na ang graduation.

Hindi bali dahil nasulit naman namin at tulad ng sabi ni Kaiden, madami pang susunod.

Nauna na si Kaiden kanina dahil nagmamadali rin siya kaya ako na lang mag-isa ngayon.

Hindi rin daw siya makakapunta dito sa condo at baka sa opisina na lang siya.

Sino ba naman ako para pigilan siya, gayong importante iyon?

Pagdating ko sa condo ay agad kong binuksan ang pinto at pumasok.

Sandali akong natigilan ng salubungin ako ng katahimikan. Is my condo been this silent?

I don't know why, but suddenly I feel lonely.

Sa may sala ako nagtungo at pabagsak na naupo sa sofa.

Palaging nandito si Kaiden, for the past three days lagi ko rin nakakasama sila Alea. Kaya ngayon na mag-isa ako, bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Marahil ay nasanay akong nandiyan siya, sila kaya ganito na lang ang nararamdaman ko bigla.

Parang bumalik bigla 'yung dati na ako lang palagi ang nandito, na palaging madilim ang apat na sulok ng condong ito.

Nanubig ang aking mga mata kaya pinunasan ko gamit ang aking mga kamay.

Natatakot ako, bakit ganito?

Hindi ko alam pero kinakabahan ako, nangangamba akong baka magising ako isang araw na mag-isa na lang ako ulit.

Do I deserve a happy ending?

Bumuntong hininga ako at tumayo na papasok ng kwarto.

Hindi muna ako dapat nag-iisip ng kung ano-ano dahil kailangan kong mag prepare para bukas.

Pagkapasok ko sa kwarto ay inilabas ko na sa closet ang dress na gagamitin ko para bukas.

Regalo ito sa akin ni, Mr. Diaz last month at ito raw ang suotin ko pag nag graduate na ako.

It was a white sweetheart neck puff sleeve ruched bust split thigh dress.

Nakakatuwa dahil alam niya kung anong style ang mga gusto ko.

Plinantsa ko lang ito at ihinanger na, kasama ng toga.

Nahiga ako sa kama at muling natulog dahil inaantok pa ako at nahihilo.

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na ring sa cellphone ko.

Si Alea ang caller kaya sinagot ko ang tawag.

"Hey, girl nandito kami sa labas ng condo mo, paki buksan naman ang pinto at kanina pa kami dito."

Tamad na bumangon ako sa kama para pagbuksan sila ng pinto.

Ano naman ang ginagawa ng dalawang iyon dito?

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Alea at Ash.

Pinasadahan ko sila ng tingin at nakasuot silang dalawa ng pajama. Kulay pink ang kay Alea, at kulay white ang kay Ash, pareho lang ng design. Mula sa cartoon movie na yogi bear.

May bitbit din silang mga supot ng pagkain.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ang tagal mo naman lumabas."

"Nakatulog ako."

"Pwes tama na ang pagtulog, nandito kami para maki overnight." Nag apir pa silang dalawa.

Tumingin ako sa relo at alas syete na pala ng gabi. "No."

"Naman, girl pumayag ka na. Graduation na natin bukas kaya magiging busy na tayo sa mga kanya-kanya nating buhay pagtapos."

"Please?" Nag puppy eyes si Ash.

"May magagawa pa ba ako?"

"Yehey!" Naiiling na nauna na akong naglakad papuntang sala at naupo.

"What the fuck are you guys wearing?" Tanong ko habang kinakalkal ang mga dala nilang pagkain.

"Pajama! Meron ka rin dito kaya huwag kang magtampo." Kinalkal ni Alea ang paper bag at inilabas ang pajama set na kulay itim, pareho rin ang design sa suot nila.

"Ayoko."

"Sige na, para trio tayo." Hinila ako patayo ni Alea at tinulak papasok ng banyo.

Should I just sleep here?

Nagbihis na ako agad at lumabas na.

"O diba, ang ganda! Come here, magpicture tayong tatlo." Damn, wrong decision.

Nasa sampu rin siguro ang picture na kinuha ni Alea bago napagpasyahan na naming kumain.

"Pagkatapos ng graduation natin, anong plano niyo?" Biglang tanong ni Alea habang yakap ang sarili sa sofa.

"Magpapahinga muna ako no'n ng siguro dalawang linggo, tapos baka magpunta kami ng Italy. 'Yon kasi plano ng magulang ko pagtapos ng graduation bilang reward ko raw."

"Ikaw, bibigyan pa ng reward?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae.

"Bakit hindi? Gagraduate ako bilang cum laude." Tumayo siya at proud na sumaludo.

"Ayon nga eh, nakakapagtaka talaga kung paano ka nag cum laude, nangongopya ka ngalang."

"Hanggang ngayon ba naman kwinequestion mo pa rin ang kaya kong gawin?"

"Bakit hindi? Imposible naman kasi talaga."

"Stop, guys." Pag-awat ko sa kanilang dalawa.

"Ikaw, madam anong plano mo?" Tanong naman ni Ash sa akin sa seryosong boses.

Humiga ako sa sahig at tumingin sa kisame.

"Hindi ko alam, hindi ko pa naiisip kung anong gagawin ko pagkatapos ng graduation. Life is unpredictable that's why I'm just floating with it. How about you, Alea?"

"Magpapahinga lang din muna ako, magbabakasyon, susulitin ang buhay, at susubukang ayusin ang sarili."

"Fix yourself, why?"

"Kasi may mga sarili rin akong problema sa buhay na ako lang ang nakakaalam."

Pareho lang pala kami.

Tumayo ako sa sahig at naglakad papuntang pinto ng kwarto.

"Matutulog na ako, matulog na rin kayo dahil maaga pa tayo bukas."

Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama.

Nabigyan ko naman na si Ash ng unan at kumot, at si Alea naman ay tabi kami dito sa kwarto.

Ilang sandali pa ay pumasok si Alea at lumapit para magbitbit ng unan.

"Sa labas muna ako, hindi pa kasi ako inaantok."

"Okay, bahala ka."

"Nga pala girl, check mo na lang 'yung post ko." Lumabas na siya at naiwan na lang ako dito.

Dinampot ko ang cellphone at binuksan ang Facebook.

Naka tag ako sa isang post ni Alea, 'yung mga litrato namin kanina.

"Nag overnight sa bahay ni President, buti pumayag 🤟"

Iyon ang caption na nakalagay.

In fairness, naman dahil ilang minuto pa lang ay halos nasa 100+ reacts na ito.

Nagtingin ako sa comment section at nangunguna na si Ash.

Ash Raven Altamirano: Iba talaga nagagawa pag in love, nagbabago ang isang tao. With a blushing emoji.

Nag reply naman si Alea kay Ash.

Alea Louise Laxamana: Eurt ka diyan sis, sana ganiyan din 'yung isa diyan.

Nag comment din si, Theo.

Halatang nakaabang ang lokong ito.

Theodore Barrett: Bakit hindi niyo ako sinama? I miss you na agad, pretty. With a sad emoji.

Nag reply naman ako sa comment niya.

Aryka Alcazar: Sakit sa ulo na nga ang dalawa dadagdag ka pa? I don't miss you.

Akmang papatayin ko na sana ng may nag notif na nagpabigla sa akin.

Kaiden Sandoval likes your comment.
Kaiden Sandoval hearts your 3 posts.
Kaiden Sandoval sent you a friend request.

Napaawang ang aking labi sa sunod-sunod nitong notif. Agad kong pinindot ang profile niya upang kumpirmahin kung siya nga.

Napabalikwas pa ako ng bangon.

Agad na pumukaw sa akin ang profile niya, it was the both of us at the beach while the sunset was setting down in the background. Nakayapos ang mga kamay ko sa leeg niya at kapwa kami nagtitinginan sa isa't-isa.

There was a caption in it.

"Mommy, Daddy, I found her."

Si Theo ang kumuha ng litratong ito na nahirapan pa kaming pilitin. Wala kasi si Alea at Ash ng mga oras na ito kaya siya ang pinakiusapan namin. Kapalit nito ay ang litrato ni Alea nung nasa high school siya.

May mga reacts at isang comment dito.

Genevieve Sandoval: My Baby is no longer a Baby. With sad emoji rin na nakalagay.

May kasunod itong reply na galing din sa kaniya.

"Anyway, your Dad wants to meet her." With a happy emoji.

Wala itong kahit anong reply at reacts.

Mommy ito ni Kaiden, hindi ko pa siya nakita sa personal kaya hindi ko masabi kung mabait ba siya o nakakatakot.

Ang cover photo naman niya ay nung nagpunta kami sa museum, nakatalikod ako dito habang nakatingin sa sining.

Hindi ko alam na mayroon pala siyang ganitong litrato ko, marahil ay hindi ko napansin ng kinuha niya ito.

May caption din ditong nakalagay.

"Mas maganda pa sa mga obra maestrang narito."

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

Sunod kong tinignan ay ang friends niya. Natawa ako ng si Theo, ang Mommy niya, at sila Alea lang ang friends niya. Ako yata ang huli niyang sinendan ng friend request,  just great.

Wala siyang ibang post maliban sa profile at cover photo. Mukhang kagagawa niya lang ng Facebook account.

Itatanong ko na lang siguro pag nagkita kami.

Pinatay ko na ang cellphone ko at umayos na ng higa, mabilis lang din naman akong kinain ng antok.


♪♪♪


Alas sais ng bumangon ako sa higaan, nagtungo ako sa banyo at naghilamos lang.

Paglabas ay sa kusina ako dumiretso para magtimpla ng kape.

Hindi natulog si Alea sa kwarto ko at heto nasa sala sila ni Ash.

Si Alea ang nakahiga sa sofa habang nasa baba naman si Ash. Hindi ko alam kung anong oras sila natulog kagabi.

Bandang 6:30 ng gisingin ko silang dalawa, nahirapan pa ako dahil sa puro 5 minutes nila.

"Ayan kasi ang sinabi ko, maaga kayong matulog kagabi ayan tuloy nanlalata kayo."

"Kasi naman hindi sinabi ni Ash na twelve na."

"Hoy, bakit ako? hindi ba pinapatulog na kita ng 10 pm pero ang sabi mo busy ka pa."

"Both of you are wrong, so stop. Pagtapos niyong magkape riyan umuwi na kayo para makapaghanda at ipahinga niyo muna ang natitirang oras niyo."

"Yes, madam."

Mabilis lang din naman sila at nagpahinga lang ng konti at umalis na rin.

Pagkaalis nila ay naglinis ako at naupo sa sofa ng matapos. Ipinikit ko ang aking mga mata para maidlip muna, mamaya pang 9 ang graduation namin.

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko mula sa balcony. Sumisinag na ang araw kaya sinipat ko ang orasan na nakasabit sa taas ng TV. It was already 7:40 in the morning.

Tamad na tumayo ako at nagtungo sa banyo para maligo.

Paglabas ko ay nagpalit na ako ng damit at isinuot ang itim na toga, pinaresan ko ito ng puting tie back chunky heeled ankle strap sandals na regalo rin ni Mr. Kim nung ika bente tres kong kaarawan, ngayon ko lang ito isusuot.

Simpleng makeup lang ang ginawa ko tulad ng madalas kong ilagay sa aking mukha, inayos ko lang din ng pa updo hairstyle ang aking buhok.

8:20 ng matapos akong mag ayos kaya lumabas na ako ng building.

Nang nasa entrance na ako ay agad na nakilala ko ang lalaking nakatayo sa labas habang nakasandal sa kotse.

Iba ang kotseng gamit niya ngayon, it was a McLaren 570s.

He was wearing a blue button-down long-sleeve polo that neatly folded the sleeves until his elbow and it was paired with slacks. He was also wearing a black shade.

Pagdating sa suotan, hindi nagkakalayo si Kaiden at Theo. Mahilig ngalang si Theo sa black shade.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit na sa kaniya.

"I will be your escort today, pretty." Tinanggal niya ang salamin at kumindat sa 'kin.

"Hindi ba pupunta si Kaiden?" Nakasimangot na tanong ko.

"Ah, e- ano kasi busy siya kaya nakiusap siyang ako na lang ang sasama sa 'yo."

Ano 'yon? Hindi niya manlang ba ako kayang bigyan ng oras? Special day ko ito.

"Ayoko sa iyo." Sinimangutan ko siya lalo.

"Come on, mabuti naman akong tao. Pero alam mo ba? May surpresa sa iyo 'yon."

"Talaga? Ano?"

"It was a secret!" Hinila niya ako sa kamay at pinapasok na sa kotse.

Pagkasakay niya sa driver seat ay may kinalkal siyang kung ano sa likod at iniabot iyon sa akin.

"That is my gift for you." Ani niya at proud na ngumiti.

It was a square box na kulay itim.

"Open it!" Sinunod ko ang sinabi niya dahil gagad na gagad siya.

Pagbukas ng box ay namangha ako. Isang gold bracelet na ang pendant ay letter A.

"Ingatan mo 'yan, ang mahal kaya niyan pero hindi na ako umangal dahil deserve naman ng bunsong kapatid ko."

"Bunsong kapatid? Ako?"

"Yep, I have become your brother since the day we met and you also became my little sister that day."

"Akala ko si Kaiden lang ang decisionivility, ikaw din pala. Anyway, thank you for this."

"No problem. Tara na at baka mahuli ka." Pinaharurot niya ng mabilis ang kotse at halos lahat ng nakaharang sa daan ay bubusinahan niya.

Napapailing na lang ako dahil nag eenjoy pa ang saltik.

Around 8:40 ng makarating kami sa school, nagparada lang siya at nauna pang pumasok ng gate sa akin.

Excited daw si, Theo dahil ito ang unang beses na makakapasok siya ng school ko. Kung alam ko lang kung ano ang dahilan niya kaya excited siya.

Nasa may bungad lang sila Alea kaya mabilis lang namin na nakita.

"Hey, girl! Ang ganda mo today!" Lumapit siya sa akin at yumakap.

"Mas maganda ka kaya ngayon." Nakangiting puri ko.

Hindi ko makita ang suot niya dahil naka toga na siya pero mataas ang heels na suot niyang kulay itim at nakakulot ang buhok niya, bumagay din ang make up niyang hindi naman makapal pero matingkad.

"Kompleto na kayo kaya dito mag picture muna kayo." Masayang tawag sa amin ng Mommy ni Ash.

"Congratulations, kiddo!" Aning Theo sabay click ng camera.

"Congrats, mga anak." Bati naman ng Daddy ni Alea.

"Bayaw, paki kuhanan naman kami ng kapatid ko ng picture para maupdate ko ang Mommy ni Kaiden."

Nangunot ang noo ko, Mommy ni Kaiden? Bakit?

Ngumiti na lang ako ng magsimula ng kumuha ng litrato si Ash.

Nawala ang ngiti ko ng guluhin ni Theo ang buhok ko.

"Tarantado ka!" Sigaw ko ng tumakbo siya palayo sa akin.

Inis na inayos ko ang buhok ko at ilang sandali lang ng iassemble na kami.

Tumagal ang seremonya ng halos isa at kalahating oras at pagtapos nito ay ang pagtawag na sa mga estudyante.

Madami ang magsisipagtapos ngayon at nakatutuwa naman dahil walang naiwan, lahat makakaakyat.

Tumayo ako ng tinawag na ang pangalan ko.

"Alcazar, Aryka R. Summa Cum Laude."

Malakas na palakpakan ang narinig ko mula sa mga estudyante.

Nagulat ako ng tumayo si Theo at tumabi sa akin paakyat.

"What are you doing here?"

"I'm your brother, right? That's why I will be your guardian today, pretty."

Nangilid ang luha sa mga mata ko na agad ko ding pinigilan.

Akala ko ako lang ang aakyat ngayon, I'm glad that Theo was here.

"Wag kang iiyak, masisira ang makeup mo sige ka." An'ya pagkatapos isuot ang medalya sa akin.

"Na touch lang ako."

"Siyempre, hindi ako papayag na umakyat kang mag-isa."

Niyakap niya ako at ngumiti sa akin.

Pagbaba ay humiwalay na siya at pumunta sa upuan.

Nag speech lang ako kanina at pagkatapos no'n ay nag closing remarks na.

Tumagal din ng limang oras ang seremonya bago natapos.

Tulad kanina ay nag picture lang kami at bumati sa isa't isa.

"Tara, pretty." Aning Theo sabay hila sa akin.

"Wait lang, saan ba?" Takang tanong ko naman habang hila niya ang kamay ko.

Huminto kami sa likod ng stage. "Bakit ba kas-"

Natigilan ako sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin. "Surprise!" Sigaw ni Theo at itinulak ako palapit sa kaniya.

He was wearing a black suit, and he was holding a bouquet of red Roses.

Inisang hakbang niya lang ako at nakangiting ibinigay ang hawak niya.

"Akala ko hindi ka makakapunta?"

"Is that possible? Of course, I'll be here." Hinila niya ako at niyakap.

"You did well." Hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit ako.

"Thank you, and thank you for coming."

"Sige na, kuhanan ko na kayo ng litrato para makaalis na rin ako dito." Naiirita nanaman ang boses ni Theo.

Nag pose kami ni Kaiden ng pinindot niya na ang camera.

"Siguraduhin mong maayos 'yan, dahil ikaw ang ilalagay ko sa frame at isasabit sa pader kapag hindi." Pagbabanta ni Kaiden na ikinatawa ko.

"Oo na." Nangangamot si Theo ng ulo ng iabot sa akin ang camera. Maayos naman at maganda kaya hindi ko na pinaulit.

"Thank you for today, Theo." Pasalamat ko sa lalaki ng makabalik na kami sa gate.

"No problem, Kuya mo ako, e." Nag okay sign pa siya.

Nagpaalam lang ako kina Alea at umalis na rin kami ni Kaiden.


♪♪♪

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko habang nasa kotse kami.

"You will know once we get there."

Hindi na ako nagtanong pa at isinandal ko na lang ang aking ulo at pumikit.

Siguro ay nasa twenty minutes ng maramdaman kong huminto ang sasakyan.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita kong nasa tapat kami ng isang building.

Lumabas si Kaiden at lumipat sa akin para ipagbukas ako ng pinto.

Paglabas ay hinawakan niya ang aking kamay at naglakad kami papunta sa entrance.

May humintong lalaki at kinuha kay Kaiden ang susi ng sasakyan, nilingon ko siya ng lumapit ito sa sasakyan ni Kaiden at pinaharurot palayo.

"Don't look at him, I'm getting jealous." An'ya ng makapasok na kami sa building.

"Nasaan ba tayo?" Inilibot ko ang lugar at malawak ito.

"At my condo."

Condo niya?

"Anong ginagawa natin dito?" Sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari rin ng Sandoval ang lugar na ito dahil na rin sa nakaukit na signature name sa mamahaling marble sa labas kanina.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila niya lang ako papasok ng elevator. Pinindot niya ito hanggang sa top floor.

Don't tell me, pati condo niya ay nasa top floor?

Ilang sandali rin ang hinintay namin bago nagbukas ang elevator.

Paglabas ay bumungad sa amin ang malinis na hallway.

May nakita lang akong isang malaking pinto na gold black. Tulad ito ng sa Sandoval Company.

"I'll go first, then after 3 minutes you will open this door."

Nakatulala ako sa kaniya ng pinipihit niya na ang code sa pinto.

"052220, password." An'ya at nagtuloy-tuloy ng pumasok.

Nagbilang ako sa isip at ng umabot na ng tatlong minuto ay lumapit ako sa pinto at inilagay ang code.

Bumukas ito at sumiwang ang dilim.

Maingat akong naglakad papasok at nabigla ako sa naabutan.

Puno ng petals ng rosas at mga kandila ang dadaanan ko, tumaas ang paningin ko at nakita kong may lamesa at upuan doon na nakaayos, sa katabi no'n ay ang nakatayong si Kaiden na may hawak muling bouquet pero iba ito, puno ng libro.

Lumapit siya sa 'kin at tulad kanina ay iniabot niya sa akin ang bouquet. Tinignan ko ang mga ito at nagulat ako ng ito ang mga isinulat ko noon sa papel nung nasa Pagudpud pa kami.

"Mio caro, let me escort you to our seat." An'ya sa malambing na boses at hiningi ang aking kamay, tinanggap ko iyon at inalalayan niya akong makaupo.

"What is this for?" Nangingiting tanong ko.

"Double celebration."

Nangunot ang noo ko, "Double?"

"Celebration for your graduation and my birthday."

Napaawang ang bibig ko, what?!

"Y-your w-what?"

"My birthday." Kaswal lang na sagot niya habang dala ang mga pagkain na mukhang siya ang nagluto.

"Today is your birthday?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Yes." There was a smile playing on the curve of his lips.

"Bakit hindi mo sinabi? E, di sana nakapaghanda man lang ako ng regalo sa 'yo." Nakalabing saad ko.

"I'm not into gifts and celebrations. Well, this is my first time celebrating my birthday after 13 years."

"Kahit na, sinabi mo pa rin dapat sa akin. I feel guilty knowing that you are the only one who prepares."

"Don't be down, isn't it good that we are here together? I guess that's what's more important."

"Sabagay." Kahit hindi pa rin ako kumbinsido sa paliwanag niya ay sumang-ayon na lang ako.

"But, if you are sorry..." Tumingin ako sa kaniya habang hinihintay ang susunod na sasabihin.

"Ano?"

"Later." Naipiling ko na lang ang aking ulo.

Satingin ko ay madami pa nga akong dapat alamin tungkol sa kaniya.

"Let's eat, Ari."

Tinignan ko ang mga pagkain pero hindi sila pamilyar sa akin.

"Ikaw nagluto? Tyaka anong klaseng mga pagkain 'yan?"

"That one," An'ya sabay turo sa pinggan ko. "That is a Lentil Salad with Sous Vide Prawns."

"This one is a Salmon topped with caviar. And that one in the middle is a cheesecake. And of course, your favorite, adobo."

"You cook them?"

"My, Mom did." Ang Mommy niya?

"Nagpunta siya dito?"

Ipiniling niya ang kaniyang ulo. "Halos kakadating lang niyan dahil pinadala niya. Gusto niyang siya raw ang magluto para sa atin."

Aww, she's sweet. I want to meet her soon.

"She also congratulates you."

"Pakisabi thank you, and masarap din ang niluto niya!"

"I told you, my Mom is a good cook." He was proud when talking about his parents. I'm glad that he was doing okay with them.

I miss my Dad.

Right, will he be proud of me? I want to visit him.

"Ari?"

Kumurap-kurap ang mga mata ko at binigyan siya ng nagtatanong na mukha.

"Hm?"

"Sorry, kung hindi ako nakaakyat kasama mo kanina. Madaling araw na kasi akong natapos sa trabaho, ang sabi ko iidlip lang ako pero nakatulog na pala ako. And before I knew, it was already nine in the morning. But before that, I asked Theo if he could come, in case na hindi ako makahabol. Glad that he did."

"Tinapos ko lang ang meeting ko kanina at agad na umuwi dito para mahanda lahat ng ito, then after that, I took a bath so I can still go to your graduation even though I'm late. Sorry, Ari I tried but I'm late."

Nakaramdam ako ng kirot dahil sa lungkot ng boses niya, he was sincere in saying sorry when in the first place he shouldn't.

Inaamin ko na nalungkot akong hindi siya nakapunta at gusto kong magtampo pero ngayon na narinig ko ang paliwanag niya parang gusto ko na lang siyang yakapin.

Wala pa siyang pahinga at hindi ko man lang alam 'yon.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

Niyakap ko siya tulad ng sinabi ko at isinandig niya naman ang kaniyang ulo sa balikat ko.

Ilang minuto ng maghiwalay kami ay hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan siya sa mga mata. Namumungay ito at halatang wala pang maayos na tulog.

"It's nothing to say sorry about."

"But stil-"

"Shhh... Your explanation is enough for me to understand you. I admit that I feel sad that you didn't come because, in the first place, I'm expecting you. But now that I hear your side, I understand it. Thank you for your effort, I appreciate all of this with all my heart."

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa mukha niya at hinawakan 'yon, pagkatapos ay niyakap niya ako.

"Congratulations, Ari. I'm so proud of your accomplishment, no matter what happens palagi akong proud sa 'yo. Sobrang galing mo."

I laugh in happiness. "Thank you-Oh, and I love you too."

Mabilis siyang humiwalay ng yakap at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

"D-does t-that mean-"

"Happy Birthday, Kaiden. I hope you like my gift!" Nakangiti ako habang siya ay nakatulala lang sa akin.

"You..."

"Bakit, nagbago naba ang isip mo?" Sinimangutan ko siya kunwari.

"No!" Mabilis niyang sagot at tumayo para yakapin ako ulit.

"I'm just shocked. This is the best birthday gift that I have received in my whole life! Thank you! I love you so much!"

Kulang na lang ay tumalon siya sa sobrang saya.

"Wait, I still have a gift for you."

"Meron pa?" Pang ilan na ba ito? Mukhang kailangan kong bumawi sa dami niyang surpresa.

Inilabas niya ang isang maliit na red box sa bulsa niya at kinuha ang laman nito.

"The pendant of this necklace is a symbol of note." An'ya habang sinusuot sa leeg ko ang kwintas.

"May binigay ka pa sa aking kwintas pero ayokong isuot."

Nakakatakot kasi na baka mamaya ay hablutin ito sa leeg ko dahil sa mahal ng presyo. Atyaka baka masira ko dahil may sentimental value iyon sa akin.

"If you don't want to wear it, you can just keep it."

Tinignan niya ang kabuuan ko pagkatapos maisuot.

"It looks good on you, especially with that gold medal of yours."

"Thank you, wala kana bang surprise?" Tanong ko para magawa na ang plano.

"Uhm, wala na." He looks nervous, sa tingin niya siguro ay nalulungkot ako dahil wala na.

"Saan ang kwarto mo?"

"Sa second floor, 'yung black gold ang pinto."

Hinila ko siya paakyat at hindi na hinintay pang magsalita.


Continue Reading

You'll Also Like

111K 2K 85
I know, most of us especially women, wanted to get married someday with the person we love. But what if something will happen that you can't refuse? ...
1.7K 98 22
A side story of Louie Razzle Astaril and Wight Silent Fuegeras. *** How many years has been passed but Wight and Louie were still together. They're r...
31.4K 1K 15
FVGH SERIES #4 "I am just his bestfriend. I like him as a man, not as a brother nor as a bestfriend. But he said he likes other girl and I was hoping...
4.8K 73 6
𝐀 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐢𝐧𝐬𝐞𝐫𝐭 𝐟𝐚𝐧𝐟𝐢𝐜 𝐝𝐞𝐯𝐨𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐲𝐨𝐮𝐫𝐬 𝐭𝐫𝐮𝐥𝐲, 𝐋𝐚𝐝𝐲 𝐃𝐢𝐦𝐢𝐭𝐫𝐞𝐬𝐜𝐮! 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 𝐘/𝐧 𝐟𝐢𝐧𝐝𝐬...