{from the third person’s point of view}
Nakangiting hinahaplos ni Letisha ang singsing sa ring finger nya nang may biglang tumusok sa pisngi nya gamit ang daliri. Napatingin naman sya kay Zyron na umupo sa tabi nya.
“Why are you smiling?” natatawang tanong sa kanya ng fiancé na si Zyron.
“Masaya lang ako. Kasi..” pabitin ni Letisha, na siyang nagpataas sa kilay ni Zyron.
“Kasi?” tanong ni Zyron.
“Kasi I finally have a ring on this finger. Matagal ko ding sinuotan lang ‘to ng singsing na binili ko lang sa tindahan.” matatawang sabi ni Letisha, natawa din naman si Zyron.
“How about the one who gave it to you? Aren’t you happy that it’s me?” dagdag na tanong ni Zyron.
“Hindi naman ako choosy sa kung sinong magbibigay sa’kin ng singsing, kaya okay lang kahit sin—hala uy! Zyron? Hala saan ka pupunta?! Hoy!” napatayo na lamang si Letisha nang tuluyan ngang mag-walk out si Zyron. Napailing naman sya.
‘Nagtatampo pa din pala yung lalaking Zyron? Jk.’ sabi nya sa isip nya.
Ngunit lalo siyang nagulat nang bigla itong bumalik at ninakawan sya nang halik bago muling nag-walk out. Napatulala na lamang sya.
‘A-Anak ng!’ nasabi ulit ni Letisha sa kanyang isip.
---
{from Letisha’s point of view}
“Close your eyes, Ms. Letisha.” napasorry naman ako nang tapikin ako nung nagmamakeup sa’kin sa braso.
Ehh. Nacucurious lang kasi ako, kasi dati ako yung nagmamakeup, ngayon ako naman yung minemakeup-an. Baka mamaya—
Natigilan naman ako sa naisip bago wala sa sariling napangiti.
Ang sarap pala sa pakiramdam na ikasal.
Kaya naman pinikit ko nalang ang mga mata ko at walang ginawa kundi ang ngumiti.
Mukha mang baliw, pero masaya lang talaga ako. Sobrang saya.
Napadilat ako nang may kumalabit sa’kin pero agad akong pinagalitan nung nagmamakeup sakin kaya agad kong pinikit ulit ang aking mga mata.
”Manzie, ‘wag mo munang guluhin si Letisha d’yan.” Dinig kong saway ni Allisa kay Manz.
Panigurado, nakanguso na naman ‘yan.
Dinig ko pa ang bulungan nila pero hindi ko nalang sila pinansin dahil para talagang lumulutang ang isip ko. Para din akong inaantok.
Ano ba ‘yan! Sa lahat ng oras, bakit ngayon pa akong aantukin?
“Ms. Letisha, ‘wag matulog. Special day nyo ngayon.” paalala sa’kin nung makeup artist nang makita nyang medyo napapapikit na ako. Tumango nalang ako kahit na medyo inaantok na ako.
Kaya siguro pinag-bebeauty rest yung mga bride bago ikasal. Pero pa’no naman yung groom? May handsome rest din kaya sila? Jk. Ang corny mo, Letisha.
Muntik ulit matuloy yung tulog ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng brush sa pisngi ko.
Nakakakiliti!
Dagdag pa sa antok ko yung classical piano piece na pinapatugtog nila.
Gusto ata nilang makatulog ako para sila ikasal kay Zyron eh! Jk.
Mayamaya lang din ay natapos na akong makeup-an.
“Hala ka, Denisha. Nakakatibo ka naman. Ayokong mang-agaw ng asawa, makukulong ako!” biro ni Manzie, natawa naman ako bago tinignan ang itsura ko sa salamin.
Mhm. Maganda nga.
“Pakibalik nalang yung bare face ni Letisha, mamaya mahimatay si Zyron sa ganda nito eh!” biro din ni Allisa, mahina ko lang syang tinulak bago dahan-dahang inayos ang medyo nagulo kong buhok.
Siguro ito na yung araw na pinaka-confident ako.
Humarap naman ako sa kanila at ngumiti ng malawak.
“Thank you.” naiiyak na sabi ko, nanlaki naman ang mga mata nila.
“Ms. Letisha, I accept your gratitude pero ‘wag ka namang umiyak ng balde-balde! Sayang ang makeupp!!” sabi ni Bry (makeup artist ni Letisha :3).
“Hala ka! Mamaya ka na umiyak!!” sabi ni Manzie sabay punas sa gilid ng mata ko. Mayamaya lang din ay sinamaan sya ng tingin ni Bry.
“Ayan na! Nagulo na yung makeup nya!” inis na sabi ni Bry. Inabot naman nya kay Manz yung mga brush.
“Ikaw na magmakeup!” inis na sabi nito sabay walk out, nalaglag naman ang mga baba namin sa sahig habang pinapanood na umalis si Bry. Pero mayamaya lang din ay hinabol ito ni Allisa, sumunod naman si Manzie.
Napailing nalang ako bago tumingin sa salamin at muling inayos ang makeup ko.
Unti lang naman yung nagulo, hindi mahirap ayusin.
= A FEW MINUTES LATER =
{from Zyron’s point of view}
“Nasaan na daw sila Dens?” tanong ko kay Yinx, nagkibit-balikat lang sya.
“Kakatapos lang daw ayusin ni Letisha yung makeup nya! Nasira daw kasi ng unti. Don’t worry, atat na groom, paalis na sila.” nakangising biro ni Maji, I just rolled my eyes at him.
“Tara, mauna na tayo, Zy.” aya ni Yinx, tinanguan ko naman sya.
But not so long after, may nakasalubong kaming pogi.
Ay!
{from Letisha’s point of view}
“Tara na, Ms. Letisha.” tapik sa’kin ni Bry, pagkalabas namin, nandoon na si Mama. Agad naman akong naglakad-takbo papunta sa kanya bago sya niyakap ng mahigpit.
Nangilid naman ang luha ko nang marinig ang pag-iyak ni Mama.
“Ikakasal ka na, Letisha.” umiiyak na sabi ni Mama. Napatango naman ako.
“Narinig ko na ‘yang line na ‘yan, Ma.” biro ko, bahagya naman nya akong tinulak na siyang nagpalakas sa tawa ko.
“Nakalimutan ko na nga kung ilang taon ka na, pero naaalala ko, dati kinukwento ko palang sa’yo na nabuntis yung anak ni Martha na si Marthina eh 16 palang sya.” sabi ni Mama, natawa naman ako nang maalala ‘yon.
Tas triggered na triggered ka pa, Ma. Hahahah.
“25 years old na po ako ngayon, Ma.” sabi ko dito ba ikinalaki ng mga mata nya.
“Aba’y ang tanda mo na pala!” napanguso naman ako sa narinig.
Aray naman! ‘Di pa naman ako gano’n katanda, Ma!
Pero mayamaya lang din ay tumawa sya habang nakapeace sign sabay sabing,
“Joke lang, anakk!!” nakatawang sabi nya, bumagsak nalang ang mga braso ko bago pumasok sa loob ng kotse.
Nakanguso namang pumasok na din si Mama at tumabi sa’kin.
“Pasensya na anak kung naoffend kita.” sinserong sabi nya habang hawak-hawak ang kamay ko. Napabuntong hininga nalang ako bago nginitian si Mama.
“Ayos lang, Ma. ‘Di naman po ako naoffend. Naalala ko lang po bigla si Zyron, baka mamaya eh naiinip na ‘yon kakahintay sa’kin.” nakangiting sabi ko, parang bigla nga ding naalala ni Mama ‘yon dahil napaawang unti yung bibig nya.
“Aba’y oo nga pala noh! Pupunta pala tayo ng simbahan! Ala eh, hijo! Pwedeng paki-extra bilis ang pagdadrive? Ikakasal pala ngayon ang anak ko!” utos ni Mama sa driver, bahagya lang tumango si Kuya bago binilisan ng kaunti ang pagpapatakbo, nang may pag-iingat syempre.
Buong biyahe papuntang simbahan ay nakatulala lang ako, kundi nakatitig sa mga kamay ay lumulutang naman muli ang isip ko.
Parang nakalimutan ko na nga ata yung wedding vow na sinulat at prinactice ko ng ilang araw..
Hindi naman kalayuan yung simbahan, mga 25 minutes ride lang daw mula doon sa pinanggalingan namin kanina.
Maaga-aga pa naman so no pressure and worries.
Napatingin naman ako kay Mama nang may inabot sya sa’kin.
“May nagtetext ata sa’yo, anak. Kanina pa tumutunog ang cellphone mo eh.” sabi ni Mama, napatingin naman ako sa cellphone kong nakabukas na ngayon at sa notifications sa lock screen ko.
Messages
Maji sent you a message
Messages
Maji sent you a message (2)
Messages
Majj sent you a message (3)
Messages
Maji sent you a message (4)
At saktong nagvibrate ulit ito kaya naman inunlock ko na at agad ba tinignan ang text ni Maji.
Maji
Letlet! Si Zyy!!
Waaahhhh! Gusto ng umalis ni Zyzy, Letlet!! Where na u na baaaaa????
Hahanap daw ng fafah ang lalaki—este bakla na ata! Ewan! Parang hindi na ito yung Zyron na nagpropose sa’yo. Pakibilisan nalang, pleaseee!!
Ginogoyochi lang ata kami neto eihh! Bilhan daw namin sya ng ice bear collection kapalit ng pagpayag niyang magpakasal sa’yo, eh sya nga mismo ang nagmamadaling ikasal kayo, rightt? Lefft? Up? Down? Front? Back?
Nakoooo, nagwawala na ang gagabels! Wala naman akong pera, mamshh!! Bahala sya! Pero pakibilisan nalang talaga, come faster and save your future hubby from the evil curse of gayness! Oha! Englishung!
Napailing nalang ako.
Okay, Maji. Pakisabi kay Zyron na bibilhan ko sya basta manahimik nalang muna sya at ‘wag mageskandalo o gumawa ng kahit anong eksena. Otw na kami ni Mama.
Pagkatapos no’n ay pinatay ko na ang cellphone ko bago binigay ulit kay Mama.
“Aba’y bakit daw, Letisha? May nangyari ba?” nag-aalalang tanong ni Mama.
“Si Zyron daw po, sinusumpong ng kabaklaan.” naguguluhang sabi ko, kumunot din naman ang noo ni Mama.
{from Maji’s point of view}
Susmaryoseeeepppp!! Kelan ba matatapos ang paghihirap na itooooo???!!!! Oh my drop dead gorgeously toned six pack abss!!
“Zy. Enough of this. Hindi na nakakatuwa.” Inis at seryosong saway ni Yinx kay Zyzy. Sinamaan lang sya ng tingin ng bakla baka pinagkrus ang mga braso.
“Ano ka ba, Yinaxa?! Don’tchu want to find a daddy?!! Majs?!” sabi nya sabay palit ng tingin sa’min ni Yinx. For the nth time, I sighed.
Tigilan mo ‘ko sa pag-aaya mo, Zyzy! Mamaya patulan ko ‘yan!
Hinawakan naman sya ni Yinxie sa magkabilang balikat at seryosong tinitigan.
“May problema ka ba, Zy? Stop pretending to be gay. Are you bored?” dalawang tanong ang binato ni Yinx kay Zyzy pero ni isa ay hindi nya sinagot.
Kita mo! Borelalu lang ‘to! Nako, Zyron Ynocrist ha!
Mayamaya pa ay dumating na ang lifesaver namin ni Yinaxa.
Wah! Letlet!! Thank goodness gracious!!
{from Letisha’s point of view}
Lalapit palang sana ako kela Zyron pero nagsalita na yung Pari na magready na dahil mag-iistart na ang ceremony kaya hindi ko na nagawa.
Mamaya ko nalang sya kakausapin pagkatapos. Hay.. I hope this is nothing serious. Sana nga nampaprank lang sya, kasi ‘di ko kakayaning maging gentleman for the rest of my life. Jk.
Huminga muna ako ng malalim at pumikit saglit.
This is it, Letisha. The day you’ve been waiting for. The day you hoped for almost every day that passed when you were still Zyron’s girlfriend. Now, pagkatapos nito, hindi ka nalang basta girlfriend or fiancée ni Zyron. Starting later, you will be his very own wife. You will be Mrs. Eusebsky, your dream surname.
{from Zyron’s point of view}
I don’t know what got into me earlier.
I really don’t know, nakasalubong lang ako ng gwapo bigla nalang gano’n. Siguro namiss ko yung magkacrush sa lalaki, haha! Kidding.
I started feeling uneasy when a familiar song played.
Now Playing - Forevermore ♪
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
As she walks down the aisle, parang naging blurd ang lahat at sya lang ang naging focus ng vision ko. She's the center of the imaginary spotlight.
Yeah, it's really cliché but it's true. And I know, kung tatanungin ko yung lumang Zyron kung maganda ba si Dennise ngayon, alam kong sasabihin kong mas maganda ako. Pero this time, I want to say she's even more prettier. Has she always been this beautiful?
Hindi nya siguro agad nakitang nakatingin ako sa kanya kasi nang tumingin sya sa'kin ay unti-unting nanlaki ang mga mata nya, kaya natawa na lang ako. Pero ang mga mata ko naman ang nanlaki nang ngitian nya ako ng pagkatamis-tamis.
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night
“Zyron, pakinggan mo!” napasimangot naman ako nang sumiksik si Dens sa tabi ko sabay salpak ng earphone sa tenga ko.
“Aray ko naman!” daing ko, agad naman siyang nagsorry bago plinay yung video.
“Ano na naman ba kasi ‘to, Dens?!” iritang tanong ko sa kanya, pero imbes na tarayan, excited na nginitian lang ako ng bruha!
“Basta pakinggan mo na lang!” sabi nya pa. Inirapan ko nalang sya bago nakinig, katulad ng utos nya.
I just can't believe that you are mine now
“Maganda ba?” nakangiting tanong nya sa’kin, tinutukoy yung kantang pinarinig nya.
Kahit na 'di ko alam kung maganda ba, tumango nalang ako para mapanood ko na ulit si beybeh ice bear.
‘On-loop pala yung kanta! Halos 20 minutes kong pinakinggan ‘yon!’
Muli akong napasabunot sa buhok ko.
‘Sayang tuloy yung oras ko! Nakatapos na sana ako ng 5 o 4 na episode ngayon! Nakooo, Denss!!’
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just cant compare you with
Anything in this world
You're all I need to be here with forevermore
“Gusto ko ito yung wedding song natin in the future.” dinig kong sabi ni Dens, napatingin naman ako sa kanya.
“Umasa ka nalang! Sinong may sabing magpapakasal ako sa’yo?!” malditang sabi ko sa kanya, sinimangutan nya lang ako.
“We don’t know, Zyron. Mamaya ikaw pa yung magpropose sa’kin pagdating ng panahon!” nakangising sabi nya, para naman akong nasuka doon.
‘Yuck! No! Nevaaahhh!’
I chuckled when I remembered that.
And she’s right, ako nga yung nagpropose. We can’t really predict what will happen in the future.
All those years I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night
I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine
I just can't believe that you were mine now
She’s not in front of me yet, my heart is already beating so fast.
Hindi ko alam na ganto pala ang epekto mo sa’kin, Dennise. Tsk. You’re bad for my heart.
Time and again
There are these changes that we cannot end
Sure a star that keeps going on and on
My love for you will be forevermore
“Zyfon..” napatingin naman ako kay Dennise nang magsalita sya.
‘She’s not asleep yet?’
I just stared at her, waiting for what she’s gonna say.
“Mahal,” natigilan naman ako bigla. My heart started to beat so fast, as if I’m hoping that the words I’m expecting to hear is what she’s about say.
“Ng bigas ngayon. Taposhhh ang takaw pa ni Akwi.. ending, butash ang bulsa ni Letisyah!” pagtuloy nya sa sasabihin nya. Napabuntong hininga nalang ako.
‘Akala ko naman..’
I just sighed before kissing her forehead.
“Sleep now, drunkhead. I love you kahit na mahal ang bigas.” nakangiting sabi ko, then she started snoring; making me chuckle.
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just cant compare you with
Anything in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You're all I need
To be here with forevermore.
As the song slowly ended, doon ko lang namalayang nasa harapan ko na pala sya, teary-eyed while smiling at me.
Wow, am I really marrying her right now? Baka photoshoot lang 'to? O 'di kaya'y imagination lang?
But I was taken aback when she ran and crashed into my arms, sobbing.
This is indeed real.. nararamdaman kong nababasa yung barong eh. Jk.
Napakalas naman sya sa pagkakayakap sa’kin nang tumikhim si Father.
“Back to your position, Madame. May schedule pa po akong binyag mamaya.” the priest said in a stern yet playful tone. Napapahiyang bumalik naman si Dennise sa tabi ni Tito Mikael nang magtawanan ang lahat ng guests na nasa loob ng simbahan.
“’Wag ata! Sa’yo din naman mapupunta ‘yan!” her friend, Rauxelle said—making the guests burst into laughter.
Oha. Tama na ngayon, ‘di na Roxanne! :P
But they were all silenced when Tito Mikael cleared his throat, kaya naman napaayos ako ng tayo kasi kahit ako ay natawa din kanina. Agad naman akong bumaba sa kanila, in front of Dennise and her father, who’s also going to be my father.
Napangiti ako nang ipinatong ni Tito Miko ang kamay ni Dennise sa'kin.
"You know what to do with my daughter, Zyron." seryosong sabi ni Tito sa'kin sabay ngiti, I give him a cheeky grin.
"Opo, Tito. Magpapabili po ako sa kanya ng sandamakmak na ice bear collection." nakangising sabi ko, natawa na lang si Tito habang si Dennise ay napasimangot; na ikinatawa ko din.
"Call me Papa, hijo." nakangiting sabi ni Tito—Papa Mikael sabay kindat bago nagpaalam na. Tumingin naman ako kay Dennise na nakatingin na pala sa'kin habang nakangiti, so i can't help but smile back at her.
This is it. I'm finally marrying the woman who played as the role of man in my life years ago.
I intertwined my fingers to hers before slowly walking together back in front of the stern priest.
Single kasi kaya ayan. Jk.
“Marriage is a gift from God, given to us so that we might experience the joys of unconditional love with a lifelong partner. God designed marriage to be an intimate relationship between a man and a woman.” umpisa ni Father.
“We are gathered here today in the sight of God and these witnesses to join together Zyron Eusebsky and Letisha Goriadoa in holy matrimony; which is an honorable estate, instituted of God, since the first man and the first woman walked on the earth. Therefore; it is not to be entered into unadvisedly or lightly, but reverently and soberly. Into this holy estate, these two persons present come now to be joined.” sabi ni Father sabay tingin sa lahat, saglit ko namang tinignan si Dennise na nakatingin lang sa harap.
Pretty. Beautiful. Gorgeous. Lovely. Astonishing.
“Therefore, if anyone can show just cause why they may not be lawfully joined together, let them speak now or forever hold their peace.” naging tahimik naman ang lahat ng sabihin iyan ng pari, pinakiramdaman muna nya saglit bago nagsalit—
Napatingin naman ang lahat sa pintuan ng simbahan nang biglang may mga tunog ng takong ang unti-unting narinig.
Who could this—huh? Arnette?
Hinihingal na napakapit si Arnette sa pintuan bago huminga ng malalim, everyone’s eyes are on her, which I think eh hindi nya nararamdaman kasi pagkatapos niyang huminga ng malalim, nanlaki ang mga mata nya ng makitang nakatingin ang lahat sa kanya.
Nang marealize ang nangyayari, agad siyang nagsalita.
“Ah! No, no! Hindi ako tutol, nalate lang ako. I’m actually about to go to the venue, kaso nakalock pa, kaya dito nalang ako pumunta. I didn’t know that it was starting, so continue! I’m just after the shanghai ni Tita Zyreni—aray ko naman! What?” hindi na nya natuloy ang sasabihin nang hilahin sya ni Maji paalis doon sa pintuan, hindi pa din kasi sya umaalis. May mga binulong pa si Majs sa kanya na ikinakunot lang ng noo ni Arnette but nginitian lang kami ni Maji.
“Sorry sa pagputol, Father. Continue the wedding now, don’t worry, ako na bahala dito sa gaga na ‘to.” nakangiting sabi ni Majs, pinukulan naman sya ng masamang tingin ni Father.
“Don’t cuss, you’re inside the house of our Lord.” masungit na sabi nito.
He cleared his throat. “Anyways, since wala namang tututol, let us continue the wedding.”
“Marriage is a joyous occasion. It is connected in our thoughts with the charm of love, the warmth of home, and with all that is pleasant, as being one of the most important events of our lives. Its sacredness and unity is the most significant and binding covenant known in human relations.”
“Zyron and Letisha, let me charge you both to remember that your future happiness is to be in mutual consideration, patience, kindness, confidence and affection. It is the duty of each of you to find your greatest joy in the company of the other; to remember that your love pledged today must remain undivided for a lifetime.” I took a quick glanced at Dennise again.
“It is your duty, Zyron Eusebsky, to be to Letisha Goriadoa, a considerate, tender, faithful, and loving husband: to support, guide and cherish her in prosperity and trouble; to thoughtfully and carefully enlarge the place she holds in your life; to constantly show to her the tokens of your affection, to shelter her from danger, and to love her with an unchangeable love.” Nakatinging sabi sa’kin ni Father.
“It is your duty, Letisha Goriadoa, to be to Zyron Eusebsky, a considerate, tender, faithful, and loving wife; to comfort, guide and cherish him in prosperity and trouble; to give to him the unfailing evidences of your affection; to continue making the place he holds in your heart, broader and deeper; to support him, value him and work with him to make your marriage the very best that it can be.” Nakatinging sabi naman ni Father kay Dens
“I call your attention to the seriousness of the decision which you have made and the covenant you are about to declare before God. The vows you are about to take are not to be taken without careful thought, for in them you are committing yourselves exclusively to one another for as long as you both shall live.” sabi ni Father bago tumingin ulit sa lahat.
He cleared his throat before talking.
“If you are ready to assume the obligations and duties before God, as I have defined them, you will unite your hands and pledge your love and your lives to each other.”
He looked at me. “Groom, repeat after me.” I just gave him a slight nod bago sya pinakinggan.
“I, Zyron Eusebsky, take you, Letisha Goriadoa, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live.” pag-ulit ko sa sinabi nya. Nginitian lang ako ni Father bago tumingin kay Dennise.
Slight gay panic. Jk.
“Now Bride, please repeat after me.” sabi nya kay Letisha.
“I, Letisha Goriadoa, take you, Zyron Eusebsky, to be my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live.” nakangiting sabi ni Dennise, I smiled back at her.
“You may now say your own vows.” Sabi ni Father bago kami binigyan ng tig-isang mic.
Damn, ano nga ba yung sinulat ko nung nakaraan?
I cleared my throat.
Nevermind. Just narrate what your heart says, Zy.
“Have you ever thought if I really loved you before?” umpisa ko.
Fck it, bakit parang essay yung sasabihin ko?
Tumango naman si Dennise.
“Kala ko, you never loved me before. I thought sinagot mo lang ako kasi naririndi ka na kay Tita Zynia na laging iniinis ka para lang sagutin ako.” natatawang sabi nya, ngumiti naman ako.
“Tama ka d’yan, napilitan nga lang ako.” biro ko, napasimangot naman si Dens habang ang lahat ay natawa.
“Kidding.” dagdag ko kasi mamaya mag-runaway bride pa si Dennise, kawawa naman ako.
“I never really longed for acceptance, kasi tangap naman ako nila Mama at Papa,” sabi ko bago tumingin kela Mama, I smiled.
“But oh, it feels so good to be accepted. Kahit na, hindi lahat, tanggap ako, but just knowing that you love me no matter who and what I am, that’s way 10x better than to be accepted by the world.” nakangiting sabi ko.
“I admit, huli ko na narealize na mahal kita. But now, that you’ve given me a chance again, I want to say, I love you. I love you for accepting me, for not judging me and for staying beside me. I love you for eternity, my gentlewoman.” nakangiting sabi ko sa kanya, before lifting her hand to kiss it.
Natawa naman ako nang makitang unti-unti nang nagugulo yung makeup nya.
Sorry for laughing, pft.
Dahan-dahan ko naman itong pinunasan bago sya tinitigan.
Still pretty.
“I.. sorry.” bahagya akong kinabahan nang magsorry sya pero pupunasan nya lang pala yung luha nya.
Loose a little, Zyron. Masyado kang kabado.
“I don’t know what to say.” naiiyak na sabi ni Dennise sabay punas sa luha nya, bahagya namang natawa ang lahat.
Bahagya siyang umubo bago nagsalita.
“You know how much I love you, even before. Hindi ko hiniling na magiging lalaki ka ulit, because just being beside you, living with you under the same roof is enough for me. I planned everything with you, my future life, our future kid/s name, future house.. Kasi I can see myself with you, maybe 8 or 10 years from now. I can see us building a family, living a happy life. Sabi nga sa kanta ‘di ba? ‘Di ako tumigil magmahal sa’yo, sinta. At hinding-hindi ako titigil. You’ll always have a special place in me, Zyron. Only for you.” nakangiting sabi ni Dennise.
Parang ako naman yung maiiyak ngayon, ah?
“Kahit anong mangyari, I’m always here for you. I never imagined that I’ll really marry you kasi akala ko tototohanin mo yung pagpapakasal mo sa stuffed toy na, hmp, ice bear na ‘yon. Pero buti nalang 'di natuloy. And always know that,” pabitin ni Dens.
“Te amo en todos los colores de tu arcoiris.” dagdag nya. Nginitian ko naman sya bilang tugon.
Translation: I love you in every colors of your rainbow.
“You will now exchange rings as a symbol of the lifelong commitment and abiding love which you as husband and wife have promised to each other.” napatingin naman ako kay Father bago tinanggap ang iniabot niyang singsing.
I almost forgot na nandito pala sya.
“The ring is symbolic of a lasting commitment. It does not break. It may bend, however, but then you’d want to see your jeweler. As you place the ring on your partner’s finger, please think about the unwavering faith in your relationship that has brought to this point today.”
“Groom, please place the ring on the bride’s finger, and repeat after me.” dahan-dahan ko namang hinawakan ang kamay ni Dennise bago inulit yung sinabi ni Father.
“Letisha, I give you this ring as a sign of my love and faithfulness. Wear it with love and joy. As this ring has no end, my love is also forever.” sabi ko bago dahan-dahang isimuot ang singsing sa kamay ni Dennise.
The ring was no luxurious, simple lang ‘yon, it doesn’t have a expensive stone, but Dennise’s and my name are engraved on it.
Her name will forever be engraved in my heart.
“And Bride, please place the ring on groom’s finger and repeat after me.”
“Zyron, I give you this ring as a sign of my love and faithfulness. Wear it with love and joy. As this ring has no end, my love is also forever.” nakangiting sabi nya sabay suot sa daliri ko nung singsing.
Pagkatapos no’n ay hinawakan ko ang kamay nya bago humarap ulit kay Father.
“Eternal God, help Zyron and Letisha to fulfill the promises they have made here today and to reflect your steadfast love in their commitment to each other. Give them kindness and patience, affection and understanding, happiness and contentment. May their family and friends continue to support them in difficult days, so that their love for each other may continue to grow as long as they both shall live.” sabi nito sabay sulyap sa mga tao sa likod namin.
“Let us all pray.”
“Our Father, who art in heaven,
Hallowed be thy name,
Thy kingdom come,
Thy will be done,
On Earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread,
And forgive us our trespasses,
As we forgive those who trespass against us,
And lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
For thine is the kingdom,
And the power, and the glory,
Forever and ever.
Amen.” sabay-sabay naming dasal.
“Zyron and Letisha, having witnessed your vows for marriage before God and all who are assembled here, by the authority invested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!”
Pagkaharap ni Dennise sa’kin, dahan-dahan kong itinaas ang belong suot nya, bago sya hinalikan, earning a loud cheerings from everyone.
Now Playing - Better Together ♪
There's no combination of words
I could put on the back of a postcard
No song that I could sing
But I can try for your heart
Our dreams,
And they are made out of real things
Like a shoebox of photographs
With sepia-toned loving
After breaking the kiss, I locked eyes with her, smiling.
Love is the answer.
At least for most of the questions in my heart.
Like: "Why are we here?", "And where do we go?",
"And how come it's so hard?".
It's not always easy,
And sometimes life can be deceiving
I'll tell you one thing:
It's always better when we're together
“I love you, Mrs. Eusebsky?” nakangising pang-aasar ko. Tinawanan naman nya ako.
“Parang ‘di bagay sa pangalan ko. Letisha Dennise Eusebsky.” nakangusong sabi nya, I shook my head.
“It doesn’t matter kung ‘di bagay sa pangalan mo, at least tayo mismo yung bagay.” sabi ko bago sya muling hinalikan.
Mmm, it's always better when we're together
Yeah, we'll look at them stars when we're together
Well, it's always better when we're together
Yeah, it's always better when we're together
Tumingin naman ako sa mga tao at hinanap sila Maji at Yinx, and when my eyes found them, I immediately gave them a mauna-na-kayo-look, na hindi naman nila kaahad nagets. Napasapo nalang ako sa isipan. Pinalapit ko nalang sila bago ito sinabi nang harap-harapan.
“Mauna na kayo sa reception.” bulong ko, tumaas naman ang kilay ni Maji.
“Hindi na ako kokontra, pero bakit muna?” mapang-asar na tanong nya. Napabuntong hininga nalang ako bago sya magkakrus ang mga brasong tinitigan.
None of your business.
Akala ko nagets nya, ‘yun pala may iba pang iniisip.
“Ayie, gusto mo masolo si Letlet noh? Sige sige. Pero pigilan mo ang sarili mo, Zy. Hintayin mong makauwi kayo, ‘wag mo dito kunin ang virgini—” I immediately covered his mouth to cut him off, before giving him a glare. Natawa naman sya.
“Max chill, beyb. Ito na nga, aalis na po kami ng walang ingay at ititikom ko na ang aking glossy kissable perfecto lips.” natatawang sabi nya habang nakataas ang parehong kamay. I just watched them leave before looking back to Letisha.
And all of these moments
Just might find their way into my dreams tonight
But I know that they'll be gone
When the morning light sings and brings new things
For tomorrow night you see that they'll be gone too
Too many things I have to do
“Huy anong trip ‘to?” natatawang tanong sa’kin ni Dennise nang bigla ko siyang isayaw.
“’Di ka pa ba gutom?” dagdag na tanong nya, nakangiti lang akong umiling.
“Hindi, kaya tiisin mo muna yung gutom mo, Dennise. Pakalmahin mo muna ang mga bulate mo sa tyan.” nakangising pang-aasar ko. Irap lang ang nakuha kong sagot kaya naman natawa ako.
"'Di pa naman ako gutom, tinanong lang kita kasi baka ikaw yung gutom." sabi nya, napangiti naman ako.
"Sus, worried ka pala sa'kin ah?" nakangiting biro ko. Tumango naman sya.
"Kelan ba 'ko 'di nag-alala sa'yo?" tanong nya. Napaisip naman ako.
Wala nga--ah!
"Nung muntik na 'kong maholdapan dati." sabi ko, ngumisi naman sya na ikinataka ko.
But if all of these dreams
Might find their way into my day-to-day scene
I'd be under the impression
I was somewhere in between
With only two
Just me and you
Not so many things we got to do
Or places we got to be
We'll sit beneath the mango tree now
Right, the music’s still playing kasi recorded naman sya. Actually, kami ni Dennise yung kumanta na’n then nirecord lang. Actually video sya.
“Hindi ba tayo papagalitan nito, Zyron? Nagpaiwan pa tayo mamaya masarahan tayo dito.” nag-aalalang sabi nya, I just grinned.
“So what? Being stuck here with you won’t be that boring—ow!” napapikit naman ako nang pitikin nya ako sa noo.
“So gusto mo pang masaraduhan tayo dito, ha? Ha?!” inis na sabi nya, napanguso nalang ako.
Yeah, it's always better when we're together
Mmm, we're somewhere in between together
Well, it's always better when we're together
Yeah, it's always better when we're together
While slow-dancing, I suddenly thought of something.
The lyrics..
Mmm, mmm, mmmm
Tumititig naman ako sa mata ni Dennise (kasi kanina sa labi nya ako nakatingin eh. Kidding.)
It’s always better when we’re together.
I said through my eyes. Though I don’t know if she understand it.
I believe in memories
They look so, so pretty when I sleep
Hey now, and when I wake up,
You look so pretty sleeping next to me
And I suddenly imagined that scene.
Rays from the sun is what woke me up.
‘I forgot to close the curtains. Tsk.’
Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong mabigat sa mga braso ko.
‘Ow—aww. My Dennise.’
Napangiti nalang ako nang makitang natutulog pa sya. Dahan-dahan ko namang hinawi sa tenga nya ang ilang buhok na tumatakip sa mukha nya. And it revealed a sleeping beauty.
‘Pretty. So pretty. Mas maganda pa sa’kin.’
Then I slowly leaned in, and kiss her lip—
“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan ha, Zyron?!” bumagsak naman ang braso ko nang hilahin ako ni Dennise pabalik sa reyalidad.
Sayang, ‘yun na eh. Kiss na eh. Wait what? When did I start to look forward to the kissing part?!
“Pipi ka ba, Zyron? Napipi sa kagandahan ko?” nakangising biro nya, natawa naman ako bago sinabibg,
“Oo.” na ikinatahimik nya. Ako naman ang napangisi nang may maalala.
“Iyo na ‘yung compliment mong napanood ko na sa teleserye!” sabi ni Dennise atsaka ako tinalikuran.
Anak ng!!
Pero agad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan nya bago sya hinalikan.
“Then I’m sure you haven’t seen that one yet.” nakangising sabi ko dito sabay kindat.
“Hindi mo pa napanood sa teleserye ‘yon, noh?” I asked, grinning. Sinimangutan naman nya ako.
“NAKITA KO NA! Pati yung paghalik mo sa’kin no’n? Sus, napanood ko na din ‘yon!” sabi nya. Lihim nalang akong napasinghal bago walang ano-anong hinila sya papalapit sa’kin matapos niyang umikot.
“Then I’ll make a new and unique one. Tutal, palabas na natin ‘to. It’s our story. And I’ll make our story unforgettable, hindi na tayo manggagaya ng moves sa teleserye, sila ang gagaya ng sa’tin.” seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata nya. I saw her gulp.
Pfft, so I also had ‘that’ effect on her? *smirk emoji* (jk)
But there is not enough time,
And there is no, no song I could sing
And there is no combination of words I could say
But I will still tell you one thing
We're better together.
“It’s always better when we’re together. I’m always better when I’m with you.” I said, as I rest my forehead to hers, while the music slowly ends.
But my love won’t.
{from Letisha’s point of view}
= R E C E P T I O N V E N U E =
“Congratssssssssssss, newlyweddsss!!!” bungad ni Manzie sabay yakap sa’kin, napangiti naman ako.
“Thank you, Manz.” nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos nyang kumalas sa yakap. Nag-thumbs up lang sya.
“Thank you, Manzie?”patanong na sabi ni Zyron na nasa tabi ko lang pala, natawa naman si Manzie.
“Yes po, it’s me, Manzie!” nakangiting sabi nya sabay lahad ng kamay kay Zyron. Tinanggap naman iyon ni Zyron.
“Well, I guess you already know my name.” sabi ni Zyron na tinanguan ni Manzie.
“Yes naman, Mr. Zyron. Nakukwento ka ni Letish—” agad ko namang niyakap si Manzie bago nya matuloy ang sasabihin.
“Thank you ulit, Manz.” madiing sabi ko, binabalaan sya. Buti nalang at nakuha nya ang nais kong sabihin.
“Congrats, Dennise, Mr. Zyron.” napangiti naman ako nang makita si Allisa bago sya niyakap.
“Thank you, Allisa.” nakangiting sabi ko sa kanya, gano’n din ang ginawa ni Zyron. Ngiti lang ang tugon ni Allisa.
Sumunod na bumati sa’min sina Maji ar Yinx na magkasabay pa.
“Congratulatioooonsss and celebrationnssss, Letlet and Zyyyyyzyyyy!!!!” energetic na bati ni Maji. Nginitian ko naman sya bago nag-thank you.
“Congrats, Mr. and Mrs. Eusebsky.” pormal at maikling bati ni Yinx, nginitian ko naman sya.
“Thank you sa inyo.” nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa, nginitian naman nila ako.
“Thank you, Yinx, Majs.” nakangiting sabi ni Zyron, nginitian lang sya ni Yinx habang si Maji ay kinindatan sya.
“In-advance mo na ata ang baby nyo, Zy, ah?” nagulat naman ako sa binulong ni Maji, sinamaan lang sya ng tingin ni Zyron kaya naman ay natawa sya.
“Peace lang. Ito, masyado kang seryoso! Be happy, today should be a happy day, ‘wag mong batiin ng simangot at kunot ng noo mga guest mo! Happy vibes lang!” natatawang sabi ni Maji.
“Hindi ko naman sinisimangutan yung mga guest, ah?” nakakrus ang mga brasong sabi ni Zyron. Sininghalan naman sya ni Maji.
“Eh anong expression ang tawag mo sa meron ka ngayon?” nakataas ang kilay na tanong ni Maji.
“Excited and happy.” sarkastikong sabi ni Zyron, inirapan lang sya ni Maji.
Matapos no’n ay hinila na sya paalis ni Yinx papunta doon sa lamesa ng pagkain.
Sunod ay ang mga taong hindi ko inaasahang makakapunta.
“CONGRATULAATIOOOONNSSSSS, DENNISE AND TY—ZYRONNNNN!” 20x energetic na bati ni Lalaine. Napapikit naman ako.
“T-Thank you.” nakangiting sabi ko habang hinahaplos ang tenga ko, para akong nabingi eh.
“Congrats, Zyron, Letisha.” nakangiting bati ni Hannah. Nginitian ko naman sya bago niyakap.
“Thank you.” sabi ko. Dahan-dahan nya lang akong tinapik sa likod bago kumalas sa yakap.
“Thanks to you two.” pagpapasalamat ni Zyron, ngiti lang din ang tugon nilang dalawa bago lumapit sa mga kapatid nila.
Sunod na bumati ay sina Direk Cail at Direk Ire.
“Aba’y talaga ngang may hindi ka sinabi sa akin, Mr. Zyron!” nakangising sabi ni Direl Cail.
“Hindi lahat kailangan sinasabi.” seryosong sabi ni Zyron, kunwari namang nasaktan si Direk Cail.
“Congrats sa inyo, Letisha, and Mr. Zyron.” nakangiting bati ni Direk Ire. Bahagya akong natawa kasi may accent pa yung pagkakasabi nya.
Ang cute.
Pero tumikhim si Zyron kaya agad na nawala ang ngiti ko at tinanguan nalang si Direk Ire.
“Thank you.” seryosong sabi ko, nginitian nya lang ako.
“Congratss, Ms. Letisha, Mr. Zyron. Chika later.” sabi ni Direk Cail sabay kindat, nginitian ko lang sya habang si Zyron ay tinanguan lang sya.
“Thank you.” sabi nya sa kanilang dalawa.
At ang last but not the least, sila Mama at Tita Zynia.
{from Zyron’s point of view}
“Congrats sa inyong dalawa.” nakangiting sabi ni Mama Sylv nang makalapit sa’min ni Dennisem Ngumiti naman ako bago sya niyakap ssglit.
“Thank you po, Mama?” patanong na sabi ko, natawa naman si Tita.
“Advance ka ah, Zyron?” nakangiting sabi nya, natawa naman ako. Sumunod namang yumakap sa kanya si Dennise.
“Congrats to the both of you. Hijo, my reminder?” paalala sa’kin ni Papa Mikael. Tumango naman ako bago tinaas ang kamao ko para sa fist bump na hindi inaasahan ni Papa.
“Of course, Pa. Will never forget.” nakangiting sabi ko, ngumiti din sya pabalik bago nakipag-fist bump sa’kin. And just like earlier, nang makadistansya na ng kunti kay Papa Mikael, sunod syang niyakap ni Dennise. Napangiti naman ako nang makitang tumatango-tango si Dennise habang nakayakap sa Papa nya.
May binibilin ata?
“Zyron.” I smiled as I heared Mama called me. Humarap naman ako sa kanya ng may ngiti.
“Congrats. Huhu. Dati pinagdadasal ko lang na mangyari ‘to. Lalaki ka na nga ulit.” umiiyak na sabi ni Mama. Natawa naman ako bago sya niyakap.
“Thank you, Motherbells.” biro ko, natawa naman si Mama.
“Si Papa, Ma?” tanong ko nang mapansing wala si Papa sa tabi nya.
“Here I ammm! The one that you loveee~~” natawa naman ako nang marinig ang boses ni Papa sa likod ko. Napapailing akong humarap sa kanya at halos malaglag ang baba sa sahig nang makitang napasunod siyang mag-suot ng suit.
“Pogi natin, Pa ah?” nakangiting pang-aasar ko, sinimangutan nya lang ako bago bahagyang piningot sa tenga nang makalapit sya. Napadaing naman ako.
Ansakit…
“Magcocongratulations na nga ako, Zyrian! Nang-aasar ka pa!” may bahid ng pagkainis na sabi ni Papa. Napanguso naman ako.
“Hindi ko naman alam na maiirita ka agad eh..” mahinang bulong ko. Hindi nya ito narinig at lumapit lang kay Dennise para bumati bago sya niyakap.
“Congratulationss, Letisha! Pakisabi nalang sa anak ko dahil nagchachampo pa akez sa kenya!” dinig kong bulong ni Papa kay Dennise. Natawa naman si Dennise bago napatingin sa’kin. I stared back. But after a few minutes she turn back to Dad. Tumikhim naman ako bago nilibot ang paningin.
Hmm.. I didn’t notice that the reception venue was quite big. Too busy staring at my bride, oops.
Bahagya akong tumango nang magtama ang tingin namin ni Yinx, na may dalang cake.
Muli ko pang sinuri ang kabuuan ng lugar pati na rin ang mga inimbita namin bago kuling tumingin kela Mama, Papa, Dennise, Mama Sylv at Papa Mikael.
Ilang minuto ang lumipas bago din tumuloy sila Tita, Tito at Mama, Papa sa lamesa ng pagkain. Naglakad naman ako papunta sa tabi ni Dennise.
{from Letisha’s point of view}
“Kain na din tayo?” napatingin lang ako kay Zyron bago tumango. Napangiti nalang ako nang tinulungan nya ako sa dress ko.
Kung may sweldo lang ang pagiging gentleman, marami na siguro siyang sahod ngayon palang.
Napailing nalang ako bago tumingin doon sa parang taga-sandok ng pagkain.
“Beef stake.” wala sa sariling sabi ko, na agad sinunod ng server. Matapos ilagay sa plato ay iniabot na nya ito sa’kin. Mag-tethank you na sana ako kaso napansin kong may kulang.
“Bakit walang rice?” takang tanong ko bago bumaling sa lalaki. Napakamot lang sya sa batok.
“Sorry po, Ma’am. Ito po oh.” Sabi nya sabay lagay ng isang sandok ng kanin. Lalong tumaas ang kilay ko nang makita kung gaano ito karampot.
Ano ako, langgam?!
Napailing nalang ako bago kinuha ang panandok sa kanya sabay dagdag ng dalawa pang sandok ng kanin.
“Ganyan magsandok kapag tao ang kakain, Kuya.” sarkastikong sabi ko. Kumunot naman ang noo ko nang tumawa si Zyron.
“Ang init ng ulo mo. Ano ba ‘yan, ‘di ka pa nga buntis, grabe na mood swings mo—joke lang!” napalayo naman sya sa’kin nang umakto akong sisipain sya.
“Baka po pinanganak si Ma’am na highblood.” napantig naman ang tenga ko nang marinig na may binulong yung Kuya. Sinamaan ko sya ng tingin pero umakto siyang parang wala siyang nakita o naramdaman.
Sinamaan ko din ng tingin si Zyron nang madinig ko ang pagtawa nya.
= A FEW MOMENTS LATER =
Napangiti naman ako bago niyakap sila Manzie at Allisa.
“Salamat, ha?” nakangiting sabi ko sa kanila. Nginitian lang ako ni Manzie sabay thumbs up habang si Allisa ay tinapik lang ako sa balikat.
“Wala ‘yon, Denisha. Special day mo ‘to, eh. Atsaka, salamat dahil nabusog mo kamii~~” pakantang sabi nya sa dulo, natawa naman ako.
Nagulat nga sila na kung ano yung kadalasang menu sa karinderya, yun lang yung pagkaingbpinaluto namin ni Zyron. Sabi ko, ayaw ko namang magpaluto ng luxury-looking food na hindi naman namin alam yung lasa. Mamaya ‘di pala swak sa iba, ‘di ba? Kaya doon nalang tayo sa safe option. Masarap naman eh. Pang-5 star hotel yung sarap at quality.
“Haha. That’s good to know. Nabusog din ako eh, lalo na doon sa beef stake! Masarap pala ‘yon, noh?” ‘di pa rin makapaniwalang sabi ko.
Parang gusto ko pa tuloy.
“Oo. Favorite ko ‘yon nung bata ako eh!” nakangiting sabi ni Manzie.
“Congratulations again, Letisha or should I say, Mrs. Letisha Eusebsky?” nakangising biro ni Allisa. Napailing nalang ako.
Marami pa kaming kinausap na bisita at inintay umuwi bago naman kami ang umuwi.
And it’s already past 2AM when we got home.
Nga pala, doon na pala ulit kami sa dati naming bahay nakatira.
Napangiti naman ako nang maalala ang pagtangka kong sneak visit dito dati. Kaso nahuli din ako ni Zyron.
Yeah, yung pag-deny ko na ang bahay ang binisita ko at hindi ang may-ari ng bahay
Natawa naman ako doon.
“Are you gonna come in or gusto mong matulog sa labas?” tinignan ko naman ng masama si Zyron.
Ito naman! ‘Di ba pwedeng nagrereminiscence lang?!
Pumasok nalang ako sa loob at binuksan ang ilaw.
Sandali akong tumigil para muling pasadahan ng tingin ang salas ng bahay. At doon ko lang napansin na may bagong design.
Sa wall na nakatapat mismo sa harap ng pinto, may malaking calligraphy na ‘Welcome Home ♡' kaya kapag pumasok ka ng bahay, yun agad ang unang bubungad sa’yo.
“Welcome home, Dens.” bulong ni Zyron sa tenga ko, nagsitindigan naman ang mga balahibo ko.
This man..!
Kinalma ko nalang ang mga balahibo ko bago nagpaalam sa kanyang aakyat na muna ako at magbibihis. Um-oo naman sya at sinabing gano’n din ang gagawin nya.
-KWARTO KO-
Pagkapasok na pagkapasok ko ay hinubad ko agad ang wedding dress. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi medyo mainit at mabigat sya kapag suot.
Aahh. I’m free.
Tinabi ko muna yung dress bago pumasok na ng banyo at naligo.
Hindi ko alam kung ilang minuto—o baka nga oras ang inabot ko sa loob ng banyo pero pagkalabas ko ay ang saya-saya ko.
Masarap pala maligo?
Napailing nalang ako bago isinuot ang pantulog ko; sando at pajamas. Bago lumabas ng kwarto.
Nadatnan ko si Zyron na nakaupo sa sofa at may hawak na tasa ng mainit na kape.
Tumabi naman ako sa kanya at hinawakan ang isa pang tasang ‘di ko napansin agad kanina.
Sweet talaga nito ngayon.
Hinipan ko muna saglit bago humigop ng kape.
“I wanna do this everyday with you. At the same time and place.” napangiti naman ako sa sinabi ni Zyron.
“Ako din.” sabi ko sabay hilig ng ulo ko sa balikat nya.
At talagang time flies so fast kasi one month na simula nang ikasal kami ni Zyron at heto kami ngayon; nagreready para sa honeymoon.
Actually, wala talaga kaming planong mag-ganto. Pero kailangan daw sabi nila Mama. Late na nga daw ang honeymoon namin.
Nakakahiya nga kasi sila Mama pa talaga yung nag-ayos nito para sa’min.
Hindi naman ibang bansa ang punta namin kaya ‘di gano’n kamahal. Sa Batanes lang kami pupunta.
H O T E L
Napabuga nalang ako nang hangin ng FINALLY. Nakarating na din kami sa hotel namin!!
Ah. Pagod..
“Here is your key card, Ma’am, Sir. Enjoy your stay.” nakangiting sabi sa’min nung receptionist. Nginitian ko lang sya bago hinila ang mga maleta namin. Tinulungan naman ako ni Zyron sa isa.
Nang makarating na kami sa pintuan ng hotel room, agad kong ginamit ang hawak na key card para buksan ang pinto.
“Let me help you.” sabi ni Zyron sabay kuha ng hawak kong maleta. Pinasalamatan ko lang sya bago huminga ng malalim.
Hay buhay!
All day, wala kaming ginawa ni Zyron kundi ang mag-stay lang muna sa hotel para magpahinga. Napag-kasunduan din naming bukas nalang kami maglilibot at mag-eexplore dito sa resort, since pagod talaga kami. And dala ng sobrang saya, hindi namin namalayang last day na pala namin bukas.
“Cheerss!” sabi ko bago pinagdikit ang mga wine glass namin. Ngumiti lang sya bago bahagyang uminom, samantalang ako ay inubos ko ng isang tunggaan.
“Slowly. Marami pa doon, Dennise. Hindi ka mauubusan.” natatawang sabi ni Zyron. Napailing lang ako bago kinain ang hiniwa kong stake.
“Enjoy na natin ‘t—oooh! Ang galingg!” kumunot naman ang noo ni Zyron nang marinig ang sinabi ko.
“Why?” tanong nya. Pinakita ko naman ang bibig ko.
“Natutunaw yung stake! Ang galing! Ang sarap!” tuwang-tuwa na parang batang sabi ko sabay pakita pa sa kanya ng dila ko. Natatawa nalang siyang umiling.
Lagi nalang siyang natatawa!
“Ikaw ah? Happy pill mo ‘ko.” nakangising biro ko. Pero hindi ko inaasahang seseryosohin nya iyon.
“Yeah. You’re my daily dose of happiness. Just seeing you makes me happy already.” nakangiting sabi nya. Namula naman ako.
“Quit englishing your banats, Mr.” nakangusong sabi ko bago muling kumain no’ng stake. At muli na naman akong naamaze.
“I love you, Dennise.” sabi ni Zyron sabay hawak sa kamay ko, magsasalita na sana ako nang bigla akong napadighay ng malakas.
“Oof. Sorry.” sabi ko sabay takip sa bibig. Natawa lang sya.
“I love you, Zyzy.” nakangiting sabi ko sabay taas ulit ng wine glass ko. Nakipag-cheers naman sya.
I love you every now and then. I love you forevermore.
---
“Positive..” bulong ko. Kinusot ko ulit ang mata ko bago tinignan ang limang pregnancy test na may iisang resulta lamang.
Lahat.. may dalawang red lines. Positive lahat..
Agad ko namang nilabas ang cellphone ko bago tinext si Zyron.
Zyron Eusebsky
Zyron..
Buntis ako.
Mabilis muling tumakbo ang panahon dahil ngayon naman, nasa loob na ako ng emergency room at iniiri ang pangalawang anak namin ni Zyron.
“More! Lakasan mo pa, Mrs.! Unti nalang!” sabi ng komadrona. Kaya kahit feeling ko eh halos mahimatay na ako, humugot ako ng malalim bago umiri ng malakas. Mayamaya lang din ay nakarinig na ako ng iyak kaya nakahinga na ako ng maluwag.
“Congratulations, Mrs. Eusebsky! You gave birth to as healthy baby boy!” ‘yan ang dinig kong huli nilang sinabi bago ako nag-blackout.
I never thought I’ll build a family with Zyron. Akala ko hanggang imagine nalang ako.
“Ma, si Zhaiji, oh!” napatingin naman ako sa salas nang marinig ang sumbong ni Ziya.
“’Wag kayong mag-away kung gusto niyong kumain! Patapos na ‘to, saglit lang!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Mayamaya lang din ay narinig ko ang tilian nila kaya napapilit nalang ako, pero napangiti nang marinig ang pagbukas ng pinto.
“Zhai, Zi, ang ingay nyo naman! Dinig kayo sa highway!” natawa naman ako sa sinabi ni Zyron.
Ang ingay naman kasi nila! Hay nako.
“I’m home, Dens.” sabi nya bago ako hinalikan sa noo. Napangiti naman akong hinarap sya bago ginawaran ng halik sa labi.
“Anong ulam? Ikaw?” biro nito habang tinataas-baba ang mga kilay. Tinawanan ko lang sya.
Aba, kakauwi lang eh! Ahahaha.
“Hindi ako kasya sa kaldero.” natatawang sabi ko. Natawa din sya. Muli nya akong hinalikan sa noo bago nagpaalam na aakyat na muna. Narinig ko rin na pinagsasabihan nya ang mga anak namin.
Wala sa sarili akong napangiti.
But who would’ve imagined na magiging lalaki ulit ang bended na si Zyron?
Life is indeed unpredictable. You don't know what will happen so never, never judge. Hehe.
Ah basta. Accepting and being patient with him is the best decision I made. He is the greatest reassurance that I need in my life. He is the reason. He is my colorful husband, and no matter what color he’s feeling, I’ll still love him.
Ang dati kong childish gay boyfriend, level up na. My Childish Gay Husband--ay guy na daw pala sya!
The End.